Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Alamat ng ligbus
1.
2. Noong unang panahon, mayroong isang matandang lalaki na
nakatira sa bundok ng Ligbus malapit sa bayan. Ang kanyang
bahay ay gawa sa mga puno ng kawayan at ito’y maliit
lamang. Kung titingnan mo ang bakuran ng kanyang bahay,
ito’y may maliit na kubo na gawa rin sa kawayan,na
napapalibutan ng mga halaman at gulay. Sa maliit na kubo
niya inilalagay ang kanyang mga naaning gulay.
Bagama’t masagana ito sa mga masasarap na klase ng
gulay, wala namang bumibili sa kanyang mga paninda.
Tuwing umaga, siya’y naglalako ng mga paninda at pupunta
ng palengke upang ilagay sa kanyang pwesto ang kanyang
mga paninda. Kapag araw ng linggo at siya’y nakabenta,
siya’y bibili ng karne na kanyang lulutuin at isasahog ang
kanyang mga hindi naibentang gulay. Minsan, siya’y tatahimik
na lamang at binibigay sa mga pulubi ang mga hindi
naibentang gulay upang ito’y mapakinabangan.
3. Nang minsan ay umuwi ang kanyang anak, sinabi
nito na sumama na lamang sa kanya upang
maalagaan ng mabuti, ngunit ito’y kanyang
tinanggihan at sinabing, “Anak, ako’y matanda na.
ayokong makaistorbo sa iyong mga plano. Malapit
na akong sumunod sa iyong pumanaw na ina.
Pabayaan mo na akong magutom ng mag-isa
baka makadagdag pa ako sa iyong mga
problema.” Ngunit hindi niya inasahan ang naging
reaksyon ng anak. Ito’y nagalit at sinabi nito sa
kanyang ama na kahit kailanma’y hindi na ito
babalik pa. Natahimik na lamang ang ama at
hinayaang magalit at umalis ang anak. Hindi man
niya sabihin, alam niyang babalik pa rin ito at
pakikiusapan siyang sumama dito.
4. Mula noon ay napansin niyang hindi na masagana
ang tubo ng kanyang mga pananim. Siya’y nag-
aalala sapagkat ilang araw ng hindi umuulan.
Naging tuyo ang lupa at malaki ang epekto nito sa
kanyang mga pananim. Wala na siyang halos pera
at hirap sa pagkain. Idagdag pa ang kanyang sakit
na ngayoy lumalala na. Hanggang isang gabi,
bigla na lamang umulan ng malakas na may
kasamang kulog at kidlat na siyang nagpabaha sa
kanilang lugar noong gabing iyon. Siya’y nalungkot
sapagkat ito lamang ang kanyang ikinabubuhay.
Natulog na lamang siya at hinayaan ang ulan na
sirain ang kaniyang mga pananim.
5. Dumating ang umaga, malungkot niyang tiningnan ang
kaniyang mga pananim, ngunit ang ipinagtataka ay ang mga
tumubong halaman na parang maliit na payong. Dali-dali
niyang kinuha ang kahon malapit sa tabi niya at agad na
inani ang ilan sa mga ito. Ito’y kaniyang dinala sa kusina at
sinimulang lutuin. Nagulat siya nang mapagtanto niyang ito’y
masarap.
Agad siyang tumakbo papuntang bayan dala-dala ang ilan
sa mga ito. “Mga kababayan! Ito’y bigla na lamang tumubo
sa aking bakuran! Halina’t tikman ninyo. Ito’y masarap!” Nag-
aalangan pa ang mga tao sapagkat ngayon pa lamang nila
ito nakita. “Paano kami makasisiguro na iyan ay hindi
nakakalason?” tanong nila. “Ito’y aking niluto at tinikman
kanina, wala namang nangyaring masama sa akin. Sa
katunayan ay para rin itong tulad ng mga tinitinda kong
gulay.”
6. Sa huli, tinikman nila ito, at totoo ngang para
gulay ang lasa nito. Mula noon, bumibili na ang
mga tao ng halaman ng Ligbus sa matanda.
Tinawag itong halaman ng Ligbus, sapagkat
ito’y unang tumubo sa bundok ng Ligbus kung
saan nakatira ang matanda.
Nang siya’y magkapera, ipinabalik niya ang
kanyang anak at pumayag na siyang sumama rito.
Ngunit, sa alaala ng bundok Libgus, nagdala siya
ng mga halaman ng Ligbus sa kabilang bayan
upang ito’y kanilang makilala. Di nagtagal, ang
pangalang “halaman ng Libus” ay tinawag na
lamang na “Ligbus”. Ito’y tumutubo lamang sa
ilang tiyak na lugar at minsan sa isang taon.