SlideShare a Scribd company logo
1 of 66
Tuklasin
NATIN
PABORITO KONG GULAY!
PABORITO KONG
GULAY
Tukuyin kung alin sa mga
gulay ang iyong kinakain
sa tuwing inihahain ito sa
hapag-kainan.
PAG-ARALAN
NATIN
KATANGIAN KO,
IPINAGMAMALAKI KO!
Nagtalo ang mga Gulay
Tukuyin ang iyong
mga katangian na
iyong
ipinagmamalaki.
PAG-ARALAN
NATIN
Mga Katangian (Ipinagmamalaki)
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
4. ____________________________
SUBUKIN NATIN
Alamin
ang
kahulugan!
Tukuyin ang kahulugan
ng nakasalungguhit na
salita batay sa
talatang binasa.
Ang aking kaibigang si Emma ay maaaring kakaiba
dahil sa kanyang personalidad pero siya ay talagang isang
henyo. Pupunta si Emma sa isang paaralan na
nakalaan para sa mga henyo, sa ibang bayan. Nagdulot ito ng
kasiyahan sa aming maliit na nayon. Lahat ay nagsabi na si
Emma ay hindi lamang isang henyo, siya ay isa sa mga
tinatawag na "Alice" na henyo. Kaya naman nagmamadali akong
pumunta sa lugar kung nasaan si Emma. “Emma!”
nakaismid kong pagtawag sa pangalan niya.
-Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
nakaismid?
nakangiti umiiyak sumisigaw nakasimangot
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
nakaismid?
nakasimangot
“Kakatanggap ko lang ng iyong sulat na
nagsasabing lilipat ka ng paaralan sa
bayan at aalis ka na ngayon. Bakit hindi mo
sinabi sa akin ang napakahalagang bagay na
ito?!” hinaing ko sa kanya.
-Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
hinaing?
papuri reklamo
pagiging
tahimik
kalmado
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
hinaing?
reklamo
“Huwag kang mag-alala. Babalik
ako tuwing bakasyon at tiyak na
mabibighani ka sa ipapadala kong
mga litrato sa iyo ng paaralan
na lilipatan ko,” paliwanag ni Emma.
-Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana
(Kabanata 1)
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
mabibighani?
naaakit
hindi
interesado
hindi
natutuwa
naiinis
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
mabibighani?
naaakit
“Oras na para umalis, Bb.
Emma” wika ng drayber
na may matikas na tindig sa
kanyang uniporme.
-Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
Ano kaya ang kahulugan ng
salitang matikas?
mayabang lampa mahiyain makisig
Ano kaya ang kahulugan ng
salitang matikas?
makisig
Kailangan ko nang
umalis, paalam,” sabing
malumanay ni Emma.
-Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
malumanay?
malakas kinabahan mahina natatakot
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
malumanay?
mahina
Pinagmasdan ko na lamang
ang magarang itim na kotse
na sinakyan ni Emma paalis
ng aming bayan.
-Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana
(Kabanata 1)
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
magara?
marumi simple elegante luma
Ano kaya ang kahulugan ng salitang
magara?
elegante
Nagtalo
ang mga
Gulay
Isang araw
Sa kaharian ng
mga gulay
Ay nagtalo-talo
ang mga ito
Ayoko nang
mapabilang sa
kaharian ng mga
gulay. Lagi na lang
nila akong
sinasabihang
napakaitim ko raw!
Anong magagawa ko
kung ito ang kulay na
ibinigay sa akin?
Ako man, gusto
ko na ring umalis
sa kaharian
namin! Lagi na
lang nila akong
pinagsasabihang
mapayat!
Sobra naman kayong
matampuhin. Para hindi kayo
malungkot, tingnan na
lang ninyo ang balat kong
kay kinis. Ako’y paboritong
gulay ng mga tao rito sa
kaharian dahil ako’y
nagpapaganda ng kanilang
kutis. Hindi katulad ni
Mamang Ampalaya, kulubot
na ang balat ay ubod pa ng
pait!
Bakit naman ako nasali riyan,
Binibining Kamatis,
samantalang ako rito ay
nananahimik? Pero para
sabihin ko sa inyo, kahit ako’y
kulubot at ubod nang pait,
ako nama’y masustansiya at
mainam sa mga taong
kulang sa dugo at sa mga
may diabetes. Huwag mo
akong itulad kay Sibuyas na
lahat nang humiwa sa kanya
ay napaiiyak!
Kahit naman sila sa akin
ay napaiiyak, ako rin
naman ay masustansiya
at masarap na
pampalasa at
pansangkap sa lahat ng
ginisa! Hindi katulad ni
Kalabasa, mahaba na
nga lang ang baging
ay naiiwanan pa ang
bunga!
Ang bilis n’yo namang
humatol. Hindi n’yo ba
alam na ako ay
mayaman sa protina at
pampalinaw pa ng mata?
Ang dapat ninyong
tanungin ay si Malunggay
na sa tingin ko’y walang
kabuhay-buhay!
“Aba, aba, aba! Huwag mo
akong minamaliit, Mamang
Kalabasa, dahil ako ay
kabilang sa madahon at
maberdeng gulay tulad nina
Kangkong at Petsay. Kami’y
kailangang-kailangan lalo na
ng mga bagong panganak
na ina. Baka hindi mo alam
halos lahat ng sustansiya ay
taglay ko.
Marahil ay hindi kayang
abutin ng isip mo na ang
isang tasa ng lutong dahon ko
ay may taglay na protina,
fiber, calcium, phosphorus,
iron, beta-carotene, thiamin,
riboflavin, niacin, at ascorbic
acid. Gaya mo ay
nakatutulong din ako upang
magkaroon ng malinaw na
paningin at maayos na
panunaw at pagdumi ang
tao.
Mainam din akong gamot sa sakit
ng tiyan, ulo, tainga, at hika. Kaya
nga sikat na sikat na ako ngayon
dahil ginawa na rin akong
kapsulang mabibili sa mga
botika. Saka isa pa, akong si
Malunggay ay hindi mahirap
hanapin kahit sa tabing-bakod
ako’y matatagpuan. Hindi katulad
n’yo na may panahon ng
pagtatanim!
Kahit ano pang sabihin
ninyo, ako pa rin ang
pinakamaganda sa ating
lahat. Kahit saang sulok
ng palengke, ako’y
makikita agad dahil sa
aking kutis na napakaputi.
Kahit sinong prinsipe sa
aki’y mabibighani.
Ang hangin mo naman! Hindi
mo ba alam na ako ay sikat
na sikat? Ako ang paboritong
sangkap sa mga espesyal na
lutuin gaya ng apritada,
adobo, at menudo kaya’t
kilala ako sa lahat ng
handaan lalo na sa mga
bertdey at mga piyestahan
dito. Hindi katulad mo na
maganda nga, ang amoy
naman ay mango!
Halos lahat ng gulay
sa kaharian ay gusto
pang magsalita.
Lahat ay magaling
at walang gustong
magpatalo.
Bawat isa ay nais
patunayang sila ang
higit na kailangan ng
tao.
Kaya’t hindi na nakatiis si
Haring Upo na buong tikas
na umupo sa kanyang
magarang trono.
Mga kababayan kong gulay…
Ako’y kanina pa sa inyo
nakikinig. Bigyang-daan n’yo
sana ang aking sasabihin bilang
inyong Hari. Napansin kong
kanina pa kayo nagdedebate at
ang bawat isa’y nagsasabing siya
ang kailangan ng tao! Mayroon
ding nagsabing aalis na sa ating
kaharian dahil lamang sa hindi
kaaya-ayang anyo. Ako’y labis na
nalulungkot sa mga narinig
ko.
Gusto kong tandaan ninyo na
tayong lahat na mga gulay ay
mahalaga anuman ang ating
hugis, kulay, anyo, at lasa. Lahat
tayo’y kailangan ng mga tao rito
sa ating kaharian! Kailangan
tayo ng mga bata, ng
matatanda, at lalo ng mga
taong kulang sa nutrisyon.
Nilikha tayo ng Diyos na ang
layunin ay makapagbibigay ng
masagana at masustansiyang
pagkain sa hapag ng
sangkatauhan para sa kanilang
wastong nutrisyon.
Nilikha tayo ng Diyos na ang
layunin ay makapagbibigay ng
masagana at masustansiyang
pagkain sa hapag ng
sangkatauhan para sa kanilang
wastong nutrisyon. Kaya huwag
na kayong magtalo-talo dahil
dapat tayong magkaisa at
magtulungan upang maging
balanse ang nutrisyon sa ating
kaharian. Kapag pinagsama-sama
tayo sa isang hapag ay siguradong
makapagbibigay tayo ng lakas,
saya, at kagalingan para sa lahat.
Kaya’t magkasundo na kayo.
Nabuksan ang isipan ng
lahat ng mga gulay at
silang lahat
nagpakumbaba at humingi
ng tawad sa isa’t isa.
Sabay-sabay na
sumigaw ang lahat ng
gulay sa kaharian.
Mabuhay si Haring Upo! Mabuhay ang kaharian ng mga gulay!
Mabuhay ang lahat ng tao rito sa kaharian.
Simula noon, lahat ng gulay ay palaging
masayang nagdiriwang at nagbubunyi
lalo na kung sila ay sama-samang
inihahapag sa mga kainan o sa isang
putahe dahil natuklasan nilang silang
lahat ay mahalaga at kailangan ng mga
tao.
SAGUTIN
NATIN
Ano ang
tagpuan ng
akda?
Isa-isahin ang mga
gulay na tauhan sa
akda at ibigay ang
kani-kanilang mga
katangian
Ano-ano ang
mga napag-
usapan ng mga
gulay?
Ikaw, sino sa
palagay mo ang
pinakanakahihigit
sa lahat ng mga
gulay? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
Sang-ayon ka ba sa
desisyon nina Talong
at Sitaw na umalis sa
kaharian dahil sa
panlalait ng
kanilang
nararanasan?
Ano naman ang
masasabi mo kay
Haring Upo? Ilahad
ang nilalaman ng
kanyang naging
talumpati.
Bakit kaya sa huli ay
sumang-ayon ang lahat
ng gulay sa sinabi ni
Haring Upo? Naniniwala
ka rin ba sa kanyang
talumpati? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
Paano ipinakita sa
akdang mahalagang
maging balanse ang
ating kinakain maging
sa pagkain ng gulay
na alam naman nating
masustansiya?
Ano-ano ang
mga aral na
nakuha mo
mula sa akdang
binasa?

More Related Content

Similar to Aralin 1Supplementary_Talasalitaan.pptx

Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptmarryrosegardose
 
Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)love77eva
 
Detalyadong-aralin sa EPP4
Detalyadong-aralin sa EPP4Detalyadong-aralin sa EPP4
Detalyadong-aralin sa EPP4Helen de la Cruz
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptxcrisjanmadridano32
 
Pag-aalaga ng Native na Baboy
Pag-aalaga ng Native na BaboyPag-aalaga ng Native na Baboy
Pag-aalaga ng Native na BaboyPerez Eric
 
Ika- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptx
Ika- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptxIka- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptx
Ika- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptxluber6
 

Similar to Aralin 1Supplementary_Talasalitaan.pptx (12)

Bayani ng bukid tula
Bayani ng bukid  tulaBayani ng bukid  tula
Bayani ng bukid tula
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Demo inset 2016
Demo inset 2016Demo inset 2016
Demo inset 2016
 
Pang-uri presentation
Pang-uri presentationPang-uri presentation
Pang-uri presentation
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 
COT 1.pptx
COT 1.pptxCOT 1.pptx
COT 1.pptx
 
Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)
 
Pang uri ppt
Pang uri pptPang uri ppt
Pang uri ppt
 
Detalyadong-aralin sa EPP4
Detalyadong-aralin sa EPP4Detalyadong-aralin sa EPP4
Detalyadong-aralin sa EPP4
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman.pptx
 
Pag-aalaga ng Native na Baboy
Pag-aalaga ng Native na BaboyPag-aalaga ng Native na Baboy
Pag-aalaga ng Native na Baboy
 
Ika- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptx
Ika- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptxIka- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptx
Ika- 5 Baitang Aralin 1: Nagtalo ang mga Gulay.pptx
 

More from CoachMarj1

ANG KWENTO NI KORAH.pptx
ANG KWENTO NI KORAH.pptxANG KWENTO NI KORAH.pptx
ANG KWENTO NI KORAH.pptxCoachMarj1
 
KWENTONG MAKABANGHAY (1).pptx
KWENTONG MAKABANGHAY (1).pptxKWENTONG MAKABANGHAY (1).pptx
KWENTONG MAKABANGHAY (1).pptxCoachMarj1
 
Adviser's Orientation.pptx
Adviser's Orientation.pptxAdviser's Orientation.pptx
Adviser's Orientation.pptxCoachMarj1
 
FILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptx
FILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptxFILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptx
FILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptxCoachMarj1
 
Aralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdf
Aralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdfAralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdf
Aralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdfCoachMarj1
 
Aralin 1 Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptx
Aralin 1  Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptxAralin 1  Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptx
Aralin 1 Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptxCoachMarj1
 

More from CoachMarj1 (6)

ANG KWENTO NI KORAH.pptx
ANG KWENTO NI KORAH.pptxANG KWENTO NI KORAH.pptx
ANG KWENTO NI KORAH.pptx
 
KWENTONG MAKABANGHAY (1).pptx
KWENTONG MAKABANGHAY (1).pptxKWENTONG MAKABANGHAY (1).pptx
KWENTONG MAKABANGHAY (1).pptx
 
Adviser's Orientation.pptx
Adviser's Orientation.pptxAdviser's Orientation.pptx
Adviser's Orientation.pptx
 
FILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptx
FILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptxFILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptx
FILIPINO 5 - MAG-ISIP BAGO MAGTAPON.pptx
 
Aralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdf
Aralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdfAralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdf
Aralin 1a KARUNUNGANG-BAYAN bago dumating ang mga Espanyol.pdf
 
Aralin 1 Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptx
Aralin 1  Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptxAralin 1  Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptx
Aralin 1 Ang Kahalagahan nang Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay.pptx
 

Recently uploaded

Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxPaulineMae5
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTrojelbartolome23
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptxLEVIEJANESENO1
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.RoseRhoms1
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolPerpetzJurial1
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoMichelleAlonso14
 

Recently uploaded (7)

Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 

Aralin 1Supplementary_Talasalitaan.pptx

  • 2. PABORITO KONG GULAY Tukuyin kung alin sa mga gulay ang iyong kinakain sa tuwing inihahain ito sa hapag-kainan.
  • 3.
  • 6. Tukuyin ang iyong mga katangian na iyong ipinagmamalaki. PAG-ARALAN NATIN Mga Katangian (Ipinagmamalaki) 1. ____________________________ 2. ____________________________ 3. ____________________________ 4. ____________________________
  • 9. Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita batay sa talatang binasa.
  • 10. Ang aking kaibigang si Emma ay maaaring kakaiba dahil sa kanyang personalidad pero siya ay talagang isang henyo. Pupunta si Emma sa isang paaralan na nakalaan para sa mga henyo, sa ibang bayan. Nagdulot ito ng kasiyahan sa aming maliit na nayon. Lahat ay nagsabi na si Emma ay hindi lamang isang henyo, siya ay isa sa mga tinatawag na "Alice" na henyo. Kaya naman nagmamadali akong pumunta sa lugar kung nasaan si Emma. “Emma!” nakaismid kong pagtawag sa pangalan niya. -Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
  • 11. Ano kaya ang kahulugan ng salitang nakaismid? nakangiti umiiyak sumisigaw nakasimangot
  • 12. Ano kaya ang kahulugan ng salitang nakaismid? nakasimangot
  • 13. “Kakatanggap ko lang ng iyong sulat na nagsasabing lilipat ka ng paaralan sa bayan at aalis ka na ngayon. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang napakahalagang bagay na ito?!” hinaing ko sa kanya. -Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
  • 14. Ano kaya ang kahulugan ng salitang hinaing? papuri reklamo pagiging tahimik kalmado
  • 15. Ano kaya ang kahulugan ng salitang hinaing? reklamo
  • 16. “Huwag kang mag-alala. Babalik ako tuwing bakasyon at tiyak na mabibighani ka sa ipapadala kong mga litrato sa iyo ng paaralan na lilipatan ko,” paliwanag ni Emma. -Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
  • 17. Ano kaya ang kahulugan ng salitang mabibighani? naaakit hindi interesado hindi natutuwa naiinis
  • 18. Ano kaya ang kahulugan ng salitang mabibighani? naaakit
  • 19. “Oras na para umalis, Bb. Emma” wika ng drayber na may matikas na tindig sa kanyang uniporme. -Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
  • 20. Ano kaya ang kahulugan ng salitang matikas? mayabang lampa mahiyain makisig
  • 21. Ano kaya ang kahulugan ng salitang matikas? makisig
  • 22. Kailangan ko nang umalis, paalam,” sabing malumanay ni Emma. -Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
  • 23. Ano kaya ang kahulugan ng salitang malumanay? malakas kinabahan mahina natatakot
  • 24. Ano kaya ang kahulugan ng salitang malumanay? mahina
  • 25. Pinagmasdan ko na lamang ang magarang itim na kotse na sinakyan ni Emma paalis ng aming bayan. -Hango mula sa Alice Academy ni Higuchi Tachibana (Kabanata 1)
  • 26. Ano kaya ang kahulugan ng salitang magara? marumi simple elegante luma
  • 27. Ano kaya ang kahulugan ng salitang magara? elegante
  • 31.
  • 33.
  • 34. Ayoko nang mapabilang sa kaharian ng mga gulay. Lagi na lang nila akong sinasabihang napakaitim ko raw! Anong magagawa ko kung ito ang kulay na ibinigay sa akin?
  • 35. Ako man, gusto ko na ring umalis sa kaharian namin! Lagi na lang nila akong pinagsasabihang mapayat!
  • 36. Sobra naman kayong matampuhin. Para hindi kayo malungkot, tingnan na lang ninyo ang balat kong kay kinis. Ako’y paboritong gulay ng mga tao rito sa kaharian dahil ako’y nagpapaganda ng kanilang kutis. Hindi katulad ni Mamang Ampalaya, kulubot na ang balat ay ubod pa ng pait!
  • 37. Bakit naman ako nasali riyan, Binibining Kamatis, samantalang ako rito ay nananahimik? Pero para sabihin ko sa inyo, kahit ako’y kulubot at ubod nang pait, ako nama’y masustansiya at mainam sa mga taong kulang sa dugo at sa mga may diabetes. Huwag mo akong itulad kay Sibuyas na lahat nang humiwa sa kanya ay napaiiyak!
  • 38. Kahit naman sila sa akin ay napaiiyak, ako rin naman ay masustansiya at masarap na pampalasa at pansangkap sa lahat ng ginisa! Hindi katulad ni Kalabasa, mahaba na nga lang ang baging ay naiiwanan pa ang bunga!
  • 39. Ang bilis n’yo namang humatol. Hindi n’yo ba alam na ako ay mayaman sa protina at pampalinaw pa ng mata? Ang dapat ninyong tanungin ay si Malunggay na sa tingin ko’y walang kabuhay-buhay!
  • 40. “Aba, aba, aba! Huwag mo akong minamaliit, Mamang Kalabasa, dahil ako ay kabilang sa madahon at maberdeng gulay tulad nina Kangkong at Petsay. Kami’y kailangang-kailangan lalo na ng mga bagong panganak na ina. Baka hindi mo alam halos lahat ng sustansiya ay taglay ko.
  • 41. Marahil ay hindi kayang abutin ng isip mo na ang isang tasa ng lutong dahon ko ay may taglay na protina, fiber, calcium, phosphorus, iron, beta-carotene, thiamin, riboflavin, niacin, at ascorbic acid. Gaya mo ay nakatutulong din ako upang magkaroon ng malinaw na paningin at maayos na panunaw at pagdumi ang tao.
  • 42. Mainam din akong gamot sa sakit ng tiyan, ulo, tainga, at hika. Kaya nga sikat na sikat na ako ngayon dahil ginawa na rin akong kapsulang mabibili sa mga botika. Saka isa pa, akong si Malunggay ay hindi mahirap hanapin kahit sa tabing-bakod ako’y matatagpuan. Hindi katulad n’yo na may panahon ng pagtatanim!
  • 43. Kahit ano pang sabihin ninyo, ako pa rin ang pinakamaganda sa ating lahat. Kahit saang sulok ng palengke, ako’y makikita agad dahil sa aking kutis na napakaputi. Kahit sinong prinsipe sa aki’y mabibighani.
  • 44. Ang hangin mo naman! Hindi mo ba alam na ako ay sikat na sikat? Ako ang paboritong sangkap sa mga espesyal na lutuin gaya ng apritada, adobo, at menudo kaya’t kilala ako sa lahat ng handaan lalo na sa mga bertdey at mga piyestahan dito. Hindi katulad mo na maganda nga, ang amoy naman ay mango!
  • 45. Halos lahat ng gulay sa kaharian ay gusto pang magsalita.
  • 46. Lahat ay magaling at walang gustong magpatalo.
  • 47. Bawat isa ay nais patunayang sila ang higit na kailangan ng tao.
  • 48. Kaya’t hindi na nakatiis si Haring Upo na buong tikas na umupo sa kanyang magarang trono.
  • 49. Mga kababayan kong gulay… Ako’y kanina pa sa inyo nakikinig. Bigyang-daan n’yo sana ang aking sasabihin bilang inyong Hari. Napansin kong kanina pa kayo nagdedebate at ang bawat isa’y nagsasabing siya ang kailangan ng tao! Mayroon ding nagsabing aalis na sa ating kaharian dahil lamang sa hindi kaaya-ayang anyo. Ako’y labis na nalulungkot sa mga narinig ko.
  • 50. Gusto kong tandaan ninyo na tayong lahat na mga gulay ay mahalaga anuman ang ating hugis, kulay, anyo, at lasa. Lahat tayo’y kailangan ng mga tao rito sa ating kaharian! Kailangan tayo ng mga bata, ng matatanda, at lalo ng mga taong kulang sa nutrisyon. Nilikha tayo ng Diyos na ang layunin ay makapagbibigay ng masagana at masustansiyang pagkain sa hapag ng sangkatauhan para sa kanilang wastong nutrisyon.
  • 51. Nilikha tayo ng Diyos na ang layunin ay makapagbibigay ng masagana at masustansiyang pagkain sa hapag ng sangkatauhan para sa kanilang wastong nutrisyon. Kaya huwag na kayong magtalo-talo dahil dapat tayong magkaisa at magtulungan upang maging balanse ang nutrisyon sa ating kaharian. Kapag pinagsama-sama tayo sa isang hapag ay siguradong makapagbibigay tayo ng lakas, saya, at kagalingan para sa lahat. Kaya’t magkasundo na kayo.
  • 52. Nabuksan ang isipan ng lahat ng mga gulay at silang lahat nagpakumbaba at humingi ng tawad sa isa’t isa.
  • 53. Sabay-sabay na sumigaw ang lahat ng gulay sa kaharian.
  • 54. Mabuhay si Haring Upo! Mabuhay ang kaharian ng mga gulay! Mabuhay ang lahat ng tao rito sa kaharian.
  • 55. Simula noon, lahat ng gulay ay palaging masayang nagdiriwang at nagbubunyi lalo na kung sila ay sama-samang inihahapag sa mga kainan o sa isang putahe dahil natuklasan nilang silang lahat ay mahalaga at kailangan ng mga tao.
  • 58. Isa-isahin ang mga gulay na tauhan sa akda at ibigay ang kani-kanilang mga katangian
  • 59.
  • 61. Ikaw, sino sa palagay mo ang pinakanakahihigit sa lahat ng mga gulay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
  • 62. Sang-ayon ka ba sa desisyon nina Talong at Sitaw na umalis sa kaharian dahil sa panlalait ng kanilang nararanasan?
  • 63. Ano naman ang masasabi mo kay Haring Upo? Ilahad ang nilalaman ng kanyang naging talumpati.
  • 64. Bakit kaya sa huli ay sumang-ayon ang lahat ng gulay sa sinabi ni Haring Upo? Naniniwala ka rin ba sa kanyang talumpati? Ipaliwanag ang iyong sagot.
  • 65. Paano ipinakita sa akdang mahalagang maging balanse ang ating kinakain maging sa pagkain ng gulay na alam naman nating masustansiya?
  • 66. Ano-ano ang mga aral na nakuha mo mula sa akdang binasa?