SlideShare a Scribd company logo
PAG-AALAGA NG
NATIVE NA BABOYIkalawang Edisyon
A
ng mga katangian ng native na baboy ay itim ang
karaniwang kulay subalit mayroon ding batik na puti,
pula at itim. Ito ay madaling alagaan at sanay sa lokal na
kondisyon. Ang mga native na baboy ay pangkaraniwang inaalagaan
sa malalayong lugar o barangay na minsan ay walang pabahay o
kulungan lamang. Ang mga ito ay madaling mag-anak at may dami
ng anak na 5 hanggang 8 biik kada anakan at ang mga inahin at
barako ay may timbang na 50 hanggang 80 kilo.
Ang kahalagahan sa pag-aalaga ng native na baboy ay maliit ang
puhunan. Ito ay sanay na sa lokal na kundisyon, may kakayahang
mabuhay at dumami sa mga lokal na pakain at payak na pag-aalaga
at madaling maglahi at manganak Ang mga inahin ay maingat at
maalaga sa mga biik o bulaw at may natural na panlaban sa mga
pangkaraniwang sakit at parasito. Ang katangian ng karne nito ay
may natural na lasa na gusto ng lokal na mamimili at mga naglilitson
dahil sa ganda at lutong ng balat kapag naluto.
PAG-AALAGA NG
NATIVE NA BABOYIkalawang Edisyon
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
2 3
4 5
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
Kahalagahan ng Pabahay o Kulungan sa Native
na Baboy
•	 Kanlungan sa gabi at masamang panahon, (bagyo, lamig, init)
•	 Proteksyon sa mga predators (aso, ahas)
•	 Para sa pagbilang (inventory) at pag-iingat
•	 Kailangan sa paanakan
•	 Pagsasagawa ng ilang gawain e.g. feeding, vaccination, hauling/
selling, culling
•	 Makaiwas sa sakit at ilang sanhi ng pagkamatay
Ang pabahay ng native na baboy ay dapat angkop sa kanyang
pangangailangan, kondisyon, panahon at lugar na pagtatayuan. Ang
baboy ay madaling hingalin at lamigin subalit alam nilang gumawa
ng paraan upang maging kaaya-aya ang kanilang kundisyon sa
pamamagitan ng paghuhukay ng kanyang higaan at pagtubog sa
malamig na putikan. Ang sukat ng kulungan ay naayon sa edad at
laki nito.
I.	KULUNGAN AT PAGALAAN:
Sa kasalukuyan ang mga native na baboy ay nakatali at inaalagaan
lamang sa mga ilalim ng punong kahoy at minsan ay nakagala
lamang sa mga bakuran. Sa ganitong pamamaraan nakakaranas ng
mga suliranin ang mga nag-aalaga tulad ng pagkamatay ng mga biik
at ang pagkakaroon ng ilang karaniwang sakit ng baboy. Kaya ang
payo ng mga dalubhasa ay maglaan ng payak na pabahay o kulungan
sa native na baboy tulad ng bubong na gawa sa nipa, cogon, anahaw
na may sukat na 4 metro kuwadrado ang bawat inahin o bulugan na
may ding-ding na kawayan, balat ng niyog o kaya ay bakal at kung
maaari may pagalaan na may bakod na hog wire, balat ng niyog,
tabla o siit ng kawayan.
6 7
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
Ang pabahay ay dapat nasa maaliwalas na lugar, hindi binabaha,
may sapat na lugar para sa pagalaan at pagtataniman ng pamakain.
Kung maari ang mga gagamiting materyales ay makukuha sa inyong
lugar tulad ng kawayan, kusot, bunot, ipa, dayami atbp.
Kabutihan ng Bedding Type na Pabahay
1.	 Maginhawa sa native na baboy
2.	 Walang masamang amoy
3.	 Makakatipid sa tubig na panglinis na humigit kumulang sa 2,000
litro kada taon sa kada isang metro kuwadradong kulungan.
4.	 Matipid sa trabaho dahil hindi na kailangang linisin araw-araw
5.	 Maaring gamiting natural na abono o vermicast.
Mga kailangan materyales sa bedding;
1.	 Bunot, kusot, ipa, dayami o dahon
2.	 Lupa na mabuhangin
3.	 Asin (ordinaryo)
4.	 Effective microorganism/IMO
5.	 Tubig
Paghaluin ang 3 sako na ipa o kusot, 1 sako na lupa, ½ kilong asin
at diligan ng tubig na may EM/IMO (60% moisture) para gawing
higaan ng baboy.
8 9
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
Paraan ng paggawa:
1.	 Pumili ng lugar na hindi binabaha o dinadaanan ng tubig
2.	 Sumukat ng lupa na ang laki ay ayon sa edad at laki ng aalagaan.
Halimbawa 4 na metro kwadrado para sa inahin at 2 metro
kwadrado para sa palakihin para sa native na baboy.
3.	 Humukay ng 1 metro ang lalim. Ang hinukay na lupa ay maaring
ipalibot sa kulungan upang tumaas ito at hindi makapasok ang
tubig. Maglaan ng lugar na hindi hinukay para sa pakainan
(kinakailangan na malapit sa daanan).
4.	 Maaring lagyan ng hollow block ang palibot ng hinukay mula sa
ilalim pataas. Lagyan din ng patayong kabilya upang tumibay.
Paalala!!! huwag lagyan ng semento ang ilalim o sahig nito.
5.	 Ang dingding ng kulungan ay maaring gamitan ng kawayan na
biniyak na may taas na 3 piye o kabilya na ang laki patayo ay 10
milimetro at 12 milimetro na pahalang at ang pagitan ng kabilya
pataas ay 4 na pulgada.
6.	 Gumamit ng buong kawayan o 2 pulgada na bilog na tubo (GI
pipe) para sa poste.
7.	 Maaaring gumamit ng nipa o yero bilang bubong.
8.	 Kinisin ang pakainan at ibabaw na hollow block para hindi sirain
ng baboy.
9.	 Lagyan ng bunot, dahon o dayami ang kalahati ng hinukay at
siksikin. Lagyan ng hinalong kusot, ipa, lupa at asin ang ibabaw
upang maging higaan ng mga baboy (beddings).
10.	Palagiang magdagdag ng sapin (beddings) kung kinakailangan.
11.	Hukayin at palitan ang beddings kung nagpuputik na o kada 1-2
taon nang ginagamit, maaring gamitin ang inalis na beddings sa
vermiculture o direktang pangabono sa pamakain na halaman.
10 11
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
II.	 PAG-PAPALAHI AT PAGPAPARAMI
Ang pagpapalahi ng native na baboy ay ginagawa sa natural na
pamamaraan na magkakasama sa kulungan na may 1:10 -20 dami
ng bulugan at inahin na may pagalaan na 300 metro kuwadrado
(15 x 20m). Maaari ding magkahiwalay ang mga bulugan at inahin
at kung oras o panahon na ng pagpapalahi ay saka pagsasamahin.
Palatandaan at talaan ng inahin at bulugan ay makakatulong upang
makaiwas sa pagkakasta ng mga magkakamag-anak
Upang mapaganda pa ang lahi o kalidad ng native na baboy
kailangang magkaroon ng pagpili sa mga gagawing palahian na
inahin at bulugan tulad ng:
1. 	 malusog o walang sakit,
2. 	 mabilog, makapal ang katawan at may tamang haba,
3. 	 malakas ang mga paa.
4. 	 ang inahinin ay may 5-6 na pares ng suso, maraming manganak
(8 pataas) at maalaga sa anak (biik),
5. 	 at ang mga bulugan ay pantay ang testicle, pinakamalaki sa mga
magkakapatid, mabilis lumaki at ilan pang katangian tulad ng
itim na kulay.
12 13
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
Paraan ng Pagpili
Maaring makuha ang kakayanan ng bawat hayop sa kanyang
sariling talaan tulad ng paglaki at produksiyon (dami ng kapatid,
anak, dami ng nabubuhay na anak). Maari ring maging basihan ng
kanyang kakayanan ay ang talaan ng kanyang pamilya (paglaki at
dami ng anak) tulad ng magulang, kapatid at mga anak. Ang isang
hayop na may talaan na may mataas na produksiyon ay maaring
maglipat ng mas mataas na produksiyon sa kanyang mga anak
(biik), na kung gagawin sa bawat henerasyon ang tamang pagpili ay
inaasahan ang pagtaas ng produksiyon ng bawat henerasyon.
Paraan upang mapataas ang lahi
at produksiyon ng native na baboy
Angpagpilingpareparehongkulay(kungmaariayitim),mabilog
at may kakayahang lumaki sa kanyang mga ka-edad o kapatid.
Malusog ang katawan, may kakayahang mabuhay sa payak na
pamamaraan, dapat ay galing sa lahi ng maraming manganak (higit
sa 8 biik), magaling magbuhay ng anak halos nabubuhay (90%) lahat
ang kanyang mga anak, maganda ang gatas, maalaga sa mga anak
(biik), dapat may likas na panlaban sa mga sakit at masarap ang lasa
ng karne.
Paraan ng pagpapalahi
Purong lahi ay ang pag pili ng gustong itsura o katangian
halimbawa ay kulay, dami ng anak, paglaki na galing sa iisang lahi at
nag-aanak ng iisang itsura o katangian. Ang purong lahi ay iisa ang
itsura at katangian ng magulang at mga anak.
14 15
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
In breeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak halimbawa
ay magulang at anak, magkapatid o vise versa. Ang negatibong
resulta ng pagpapakakasta ng magkamag-anak ay abnormal, sakitin,
mahina ang produksiyon ng mga native na baboy. Ang positibong
resulta nito ay puwedeng gumawa ng pare-pareho ang itsura at
produksiyon.
Crossbreeding ay ang pagpapalahi ng magkaibang uri o lahi. Ito
ay ginagawa upang mapataas ang uri, produksiyon, mapasigla, at
mapaganda ang kalusugan ng anak. Ngunit ang negatibong resulta
nito ay ang hindi maayos na pagpapalahi, wala ng purong lahi na
gagamitin, walang kontrol na paggamit ng ibat-ibang lahi na sanhi
ng ibat-ibang produksiyon at itsura ng mga anak.
HalimbawangtalaanngInahin
TALAANNGINAHIN
Blng/Pangalan:_____________
Lahi:______________________
Kapanganakan:_______________
Source:______________________
Ama:_________
Ina:___________
Pag-anakPag-kasta
Due
Date
PanganganakPag-awat
Date
1
Boar
Date
2
BoarDateBuhayLuoyBilangTimbangDateBilangTimbang
1
2
3
4
5
6
7
8
MgaGawain
DateGawainSintomasGamotPuna
16 17
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
III.	 PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN
Isa sa magandang katangian ng native na baboy ay ang kakayahan
nitong magamit ang mga lokal na pagkain tulad ng darak, kamoteng
kahoy, gabi at mga damo upang mabuhay at magparami. Ang mga
karaniwang pamakain na nabibili sa agricultural supply ay ginawa
para sa commersiyal o hybrid na baboy kaya hindi ito angkop sa
pangangailangan ng native na baboy, dagdag pa dito ay ang mataas
na halaga at kung ito ang gagamitin sa native na baboy ay maaring
hindi kumita ang nag-aalaga. Maaring maghalo ng mga lokal na
pakain base sa lugar at kung ano ang marami at mura na maaring
gamitin na pamakain sa native na baboy.
Maaring pagkunan ng sustansiya
ng mga native na baboy:
•	 Energy: Darak, kamoteng kahoy, mais, niyog o kopra, gabing san
fernando, pungapong, mga damo, gulay at pulot
•	 Protina: Isda, legumbre, gulay, madre de agua, soybean
•	 Bitamina: Gulay, maberdeng pagkain, prutas
Paraan ng pagpapakain
•	 Inahin at Bulugan
o	 1-1.5 kilo na halong pamakain (darak, mais, copra)
o	 suplemento tulad ng damo, dahon, bahog (kitchen left over),
lutong gabi, kamoteng kahoy o pungapong atbp.
o	 dagdagan ang pakain sa mga nagpapasusong inahin
•	 Biik (10-45 araw ang edad)
o	 Pagkain na madaling malusaw (commercial hog starter mash)
o	 Dagdag na prutas, gulay, darak, mais na durog o niyog
•	 Palakihin: (2 – 5 buwan ang edad)
o	 .3 – 1 kilo ng mixed feeds kada ulo sa isang araw
o	 suplemento tulad ng damo, dahon, bahog (kitchen left over),
lutong gabi, kamoteng kahoy o pungapong atbp.
Mga katangian ng mga lokal na pakain
•	 Darak:
o	 Mataas na makukunan ng enerhiya
o	 Madaling makuha sa maraming lugar sa bansa
o	 Gustong kainin ng mga baboy
o	 Mataas ang bitamina at mineral
18 19
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
•	 Trichantera o Madre de Agua
o	 Damo na mataas ang protina at calcium
o	 Palatable o gusto ng mga bahoy
o	 Maaring ibigay ng sariwa o tuyo
o	 Madaling paramihin at maraming magdahon
o	 Malasa sa baboy at iba pang hayop
•	 Gabing San Fernando (G. Villancio, J. Bulatao UPLB)
–	 Kayang mabuhay sa paiba-ibang panahon
–	 Magandang itanim sa sandy loam at malilim na lugar
–	 Matatagpuan sa maraming lugar sa Pilipinas
–	 Kapareho ng mais pagdating sa taglay na sustansiya
–	 Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa baboy
20 21
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
•	 Kamoteng kahoy
–	 Magandang pagkunan ng enerhiya
–	 Maaaring ipangpalit sa mais para pakain sa hayop
–	 Ang laman, katawan, at dahon ay maaring ipakain sa hayop
–	 Ang dahon ay maaaring buruhin o ibilad para pagkunan ng
protina
–	 Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa baboy
SIMPLENG PAKAIN SA NATIVE NA BABOY,
NA GAMIT NG BAI-NSPRDC
Pakain para sa palakihin (BAI-NSPRDC, 2014).
Mga Sangkap Dami (kilo) Halaga (Php/kg) Kabuuang halaga (Php)
Darak D1 37.00 15.00 555.00
Mais (durog) 30.00 18.00 540.00
Palyat 27.70 15.00 415.50
Pulot 3.00 20.00 60.00
Apog 2.00 12.00 24.00
Asin 0.30 15.00 4.50
Iba pang pakain *Ad-libitum
Kabuuan 100.00 Php 1, 599.10 o Php 15.99/kg
*Nauukol sa dami na gustong kainin ng alagang baboy.
Pakain para sa inahin at barako (BAI-NSPRDC, 2014).
Mga Sangkap Dami (kilo) Halaga (Php/kg) Kabuuang halaga (Php)
Darak D1 50.00 15.00 750.00
Mais (durog) 14.20 18.00 255.60
Palyat 30.00 15.00 450.00
Pulot 3.75 20.00 75.00
Apog 2.00 12.00 24.00
Asin 0.30 15.00 4.50
Iba pang pakain *Ad-libitum
Kabuuan 100.00 Php 1, 559.10 o Php 15.59/kg
*Nauukol sa dami na gustong kainin ng alagang baboy.
22 23
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
IV.	 MGA GABAY SA PAG-AALAGA
	 NG NATIVE NA BABOY
Pag-aalaga ng Bagong Panganak na Inahin:
Kung may senyales na malapit ng manganak ang mga inahin
(10 araw bago ang takdang pag-anak) tulad ng malaking tiyan,
namamaga na ang suso at ang ari nito maaari ng itali o ikulong ang
inahin bago manganak. Huwag pakainin ang inahin sa araw ng
panganganak, panatilihing tuyo ang sahig o kulungan, mag-lagay
ng mga sapin (dahon, dayami atbp) at iwasan ang mabulabog o
maabala ang inahin sa oras ng panganganak, hayaan ang normal na
panganganak, (iwasan ang pag-iyak ng mga biik) huwag ihiwalay o
magtanggal ng ngipin sa araw ng panganganak.
Mga dapat gawin:
•	 Ihanda ang kulungang paanakan, linisin, o lagyan ng bagong
sapin (beddings)
•	 Ilipat ang inahin 2 linggo bago ang takdang panganganak
•	 Bigyan ng damo pakain
•	 Huwag bigyan sa araw ng panganganak
•	 Iwasan na abalahanin ang nanganganak na inahin
Pag-aalaga ng Biik:
Hayaan ang mga biik na nakagala sa lupa upang makakuha
ng dagdag iron, kapunin ang mga biik 10-14 na araw ang edad,
panatilihing tuyo ang sahig ng kulungan upang maiwasan ang
impeksyon. Bigyan ng hiwalay na pakain ang mga biik. Awatin ang
mga biik 45 araw ang edad at pabakunahan ng hog cholera o peste
ang mga biik dalawang buwan ang edad.
24 25
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
Mga dapat gawin:
•	 sa native na baboy hindi na kailangan putulin ang ngipin at pusod
•	 huwag galawin o hawakan ang mga biik habang nanganganak
ang inahin o ilayo sa inahin ang mga biik
•	 kailangan makasuso ng colostrum sa unang 24 hours
•	 hayaang makalabas o makagala sa lupa ang mga biik para
makakuha ng iron
•	 hindi na kailangan ang turukan ng iron ang mga biik
•	 Sa edad na 10 araw, bigyan ng starter feeds ang mga biik
•	 Kapunin ang mga lalaki sa edad na 10-14 na araw
•	 Bakunahan ng Hog Cholera sa edad na 45 na araw
•	 Iwalay sa edad na 45-60 na araw
Pag-aalaga ng Palakihin:
Ang kailangan na tamang laki ng palakihin;
o	 Para sa lechon:	 10-30 kilo sa buhay
o	 Para sa katay:	 30-40 kilo sa buhay o higit pa
Maglaan ng galaan na 2 metro kuwadradong kulungan kada
palakihin. Magpakain ng pinaghalong darak, kopra at niluto
o pinatuyong kamoteng kahoy at gabi. Maglaan ng galaan at
supplementong protina mula sa mga damo, legumbre, dahon, bahog
(kitchen left over), atbp. Purgahin sa edad na 2 buwan gulang.
Mga dapat gawin:
•	 bigyan ng grower mash na may ad-libitum na pagkain ng forages
at damo.
•	 hayaan na makagala ang mga palakihin
•	 Piliin ang may magandang itsura at mabilis lumaki upang
gamiting pamalit sa mga palahian
26 27
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
Paraan ng Pagkakapon:
Ito ay ang pagtatanggal sa bayag ng biik. Ito ay ginagawa sa
kadahilanang:
a.	 Mapigilan sa pagdami ang mga lalaking may mga malulubhang
kapansanan at mga kapintasan.
b.	 Maalis ang amoy-barako sa karne ng baboy.
c.	 Ito ay ginagawa sa edad na ika-apat naput limang (45) araw.
d.	 Kinakailangan na malulusog ang biik na kakapunin.
e.	 Suriin mabuti ang biik kung ito ay mayroong luslos o wala.
Mga kagamitan:
1.	 Matalas na blade
2.	 Tintura de yodo o Iodine
3.	 Pang-ipit o Forceps
4.	 Bulak
Mga hakbang
1.	 Ihanda ang lahat ng kagamitan, linisin at pakuluan.
2.	 Hawakan ng mabuti ang biik sa huling paa (nakabitin)
3.	 Hugasan at linisin mabuti ang bayag at ang palibot nito. Gumamit
ng malinis na tubig at sabon.
4.	 Hawakang mabuti ang bayag upang mabanat ang balat at hiwain
ng katatamtaman sa gitna ng bawat bayag hanggang kusang
lumabas.
5.	 Hilahing papalabas ang bayag upang makitang mabuti ang litid
na nag-uugnay ng bayag sa katawan. Ipitin ng forceps at hiwain
o putulin.
6.	 Kung nakuha na ang bayag, ulitin ang ginawa sa ikalawa.
7.	 Pagkaalis sa dalawang bayag, pahiran ng tintura de yodo.
V.		 KALUSUGAN AT MGA
		KARANIWANG SAKIT
Maglaan ng simpleng silungan o pabahay para sa tag-ulan at
matinding init ng araw upang makaiwas sa sakit. Tama at sapat na
pakain at tubig na inumin ay kailangan para sa tamang paglaki at
kalusugan ng alagang native na baboy.
Bakunahan ng Hog Cholera ang mga alaga sa unang 2 buwan ang
edad at tuwing ika 6 na buwan sa mga inahin at bulugan.
Ubo at sipon (respiratory problem). Maaaring gumamit ng mga
natural na gamot tulad ng pinakulong sambong, lagundi at iba pang
mga dahong gamot.
Pagtatae (diarrhea). Ito ay kadalasang nararanasan sa mga biik,
maaring pakainin ang mga biik ng madagtang dahon tulad ng
kaymito, bayabas, puno ng saging at iba pa.
28 29
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
Kung magpatuloy ang sakit ng mga alagang native na baboy
maaring kumunsulta sa mga beterinaryo.
Pamamaraan ng pagbabakuna:
Ang native na baboy ay may likas na panlaban sa sakit subalit
kung walang bakuna ito ay maaring dapuan ng hog cholera o peste
ng baboy. Ang peste ng baboy ay madaling kumalat at sanhi ng
biglaang pagkamatay ng mga alagang baboy.
Mga dapat gawin:
•	 Bakunahan ang biik 1 ½ o 2 buwan ang edad.
•	 Bakunahan lamang ang malusog na mga biik at baboy.
•	 Magbakuna kung maganda ang panahon
•	 Ilagay ang bakuna sa refrigerator huwag sa freezer.
•	 Basahin ang label ng bakuna lalo ang expiration date.
•	 Ilagay sa maliit na cooler na may yelo ang bakuna at diluent.
•	 Paghaluin ang diluent at bakuna ingatang hindi matapon.
•	 Turukan ang lahat ng biik sa pige o leeg (likod ng tainga).
•	 Ang natirang bakuna na hindi nagamit ay kailangang ibaon o
sunugin.
•	 Huwag muna paliguan at obserbahan ang mga binakunahan sa
loob ng tatlong araw.
•	 Ulitin ang pagbabakuna tuwing ika-anim (6) na buwan.
•	 Maglaan ng galaan 2 metro kuwadrado kada palakihin
•	 Pakainin ng pinaghalong darak, kopra at niluto o pinatuyong
kamoteng kahoy at gabi.
•	 Bigyan rin ng damo, legumbre, dahon, bahog (kitchen leftover),
atbp.
•	 Purgahin sa edad na 2 buwan gulang.
VI.	 ANG NAKIKITANG HINAHARAP NG 		
	 PAG-AALAGA NG NATIVE NA BABOY
Kulang ang handaan ng Pinoy (Filipino) kung walang litson na
baboy sa hapag at kung tatanungin ang mga lokal na naglilitson mas
magandang gamitin ang native na baboy dahil sa lasa at ganda ng
balat kapag naluto. Mataas ang pangangailangan sa native na baboy
(maglilitson: regular (5-10 na ulo kada linggo), holiday season (30-50
naulokadalinggo).MataasanghalagaP100.00-180.00kilosabuhay.
Sanay na sa lokal na kondisyon, maaring alagaan sa malalayong lugar
o barangay at maliit na puhunan ang kailangan . Ang karaniwang
native na baboy ay may kakayahang lumaki at dumami ang anak sa
pamamagitan ng tamang pagpili ng mga gagawing inahin at bulugan.
Maaring alagaan sa payak na pamamaraan. Maaring gamitin sa
natural o organikong produksiyon ng karne.
Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan kay:
Rene C. Santiago, DVM, MSc.
Center Chief IV
Bureau of Animal Industry
National Swine and Poultry Research
and Development Center
Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon
(042) 585-7727
renecsantiago@yahoo.com
This publication is funded by the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research

More Related Content

What's hot

Breed development, production and commecial utilization of native pigs
Breed development, production and commecial utilization of native pigsBreed development, production and commecial utilization of native pigs
Breed development, production and commecial utilization of native pigs
Perez Eric
 
Kahalagan ng paggawa ng organikong pataba
Kahalagan ng paggawa ng organikong patabaKahalagan ng paggawa ng organikong pataba
Kahalagan ng paggawa ng organikong pataba
Elaine Estacio
 
Organic Fertilizer 2 | Fermented Fruit Juice (FFJ)
Organic Fertilizer 2  | Fermented Fruit Juice (FFJ)Organic Fertilizer 2  | Fermented Fruit Juice (FFJ)
Organic Fertilizer 2 | Fermented Fruit Juice (FFJ)
Kirk Go
 
Cattle production
Cattle production Cattle production
Cattle production
Margie Lumanggaya
 
Nutrition and feeding of native pig
Nutrition and feeding of native pigNutrition and feeding of native pig
Nutrition and feeding of native pig
Perez Eric
 
Paghahanda ng plot o taniman gamit ang bio intensive
Paghahanda ng plot o taniman gamit ang bio intensivePaghahanda ng plot o taniman gamit ang bio intensive
Paghahanda ng plot o taniman gamit ang bio intensive
Elaine Estacio
 
Meat processing from Organically-Grown Native Pig
Meat processing from Organically-Grown Native PigMeat processing from Organically-Grown Native Pig
Meat processing from Organically-Grown Native Pig
Bureau of Agricultural Research
 
Philippine Native Chicken: The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZON
Philippine Native Chicken:  The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZONPhilippine Native Chicken:  The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZON
Philippine Native Chicken: The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZON
Felix Valdez
 
Native Pig Raising Using Madre de Agua (Trichantera gigantea) as an Alternati...
Native Pig Raising Using Madre de Agua (Trichantera gigantea) as an Alternati...Native Pig Raising Using Madre de Agua (Trichantera gigantea) as an Alternati...
Native Pig Raising Using Madre de Agua (Trichantera gigantea) as an Alternati...
Bureau of Agricultural Research
 
Tatlong Pangkat ng Pagkain
Tatlong Pangkat ng PagkainTatlong Pangkat ng Pagkain
Tatlong Pangkat ng Pagkain
Gracila Dandoy
 
Pig Farm
Pig FarmPig Farm
Pag aalaga ng baboy
Pag  aalaga ng baboyPag  aalaga ng baboy
Pag aalaga ng baboy
Marie Jaja Tan Roa
 
Pag-aalaga ng Native na Manok
Pag-aalaga ng Native na ManokPag-aalaga ng Native na Manok
Pag-aalaga ng Native na Manok
Perez Eric
 
Goats Agricultural Production and Breeds
Goats Agricultural Production and BreedsGoats Agricultural Production and Breeds
Goats Agricultural Production and Breeds
Catherine Patterson
 
Swine production
Swine productionSwine production
Swine production
AdrenaVelore
 
Breeds of swine
Breeds of swineBreeds of swine
Breeds of swine
Margie Lumanggaya
 
Organic Chicken
Organic ChickenOrganic Chicken
Organic Chicken
Julie Fe De Alca
 
Native chicken production in the philippines
Native chicken production in the philippinesNative chicken production in the philippines
Native chicken production in the philippines
humanupgrade velasquez
 
Patakarang pang ekonomiya bandala
Patakarang pang ekonomiya  bandalaPatakarang pang ekonomiya  bandala
Patakarang pang ekonomiya bandala
buenaretuya
 
Pamamaraan sa paggawa ng compost pit
Pamamaraan sa paggawa ng compost pitPamamaraan sa paggawa ng compost pit
Pamamaraan sa paggawa ng compost pit
Elaine Estacio
 
What's hot (20)

Similar to Pag-aalaga ng Native na Baboy

4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
MelanieParazo
 
Handouts seminar basic concept swine production
Handouts seminar basic concept swine productionHandouts seminar basic concept swine production
Handouts seminar basic concept swine production
Daniel Baldoz Jr.
 
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docxDLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
DexterSagarino1
 
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptxMGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
CasseyTayagCalmaBart
 
third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5
third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5
third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5
DianaValiente8
 
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptxClass Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
JoyCarolMolina1
 
Epp IV
Epp IV Epp IV
Epp IV
AileenHuerto
 
Vermiculture and Vermicomposting in the Philippines
Vermiculture and Vermicomposting in the PhilippinesVermiculture and Vermicomposting in the Philippines
Vermiculture and Vermicomposting in the Philippines
Alex Magtulis
 
1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx
1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx
1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx
Katleen26
 
EPP 4 WEEK 7.pptx
EPP 4 WEEK 7.pptxEPP 4 WEEK 7.pptx
EPP 4 WEEK 7.pptx
AnaMariePineda
 
Multiple mouse sample pambansang sagisag
Multiple mouse sample pambansang sagisagMultiple mouse sample pambansang sagisag
Multiple mouse sample pambansang sagisagjonalyn1385
 
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptxEPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
CyrelleJocson1
 
LIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasaka
LIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasakaLIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasaka
LIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasaka
DivineBautista1
 
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1 entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1  entrepreneurship- ang pagbebenta ng...Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1  entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1 entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
Arnel Bautista
 
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptxMga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
EjercitoRodriguez1
 
Science-Q2-W5.pptx
Science-Q2-W5.pptxScience-Q2-W5.pptx
Science-Q2-W5.pptx
Michael John
 
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptx
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptxImplikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptx
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptx
JhimarJurado2
 
Aralin 2 Likas na yaman ng asya.pptx
Aralin 2 Likas na yaman ng asya.pptxAralin 2 Likas na yaman ng asya.pptx
Aralin 2 Likas na yaman ng asya.pptx
meadowrain
 
Power point pambansang sagisag
Power point pambansang sagisagPower point pambansang sagisag
Power point pambansang sagisagnoelzamae
 
Powerpoint presentation ddd
Powerpoint presentation dddPowerpoint presentation ddd
Powerpoint presentation dddDiana Deocareza
 
Similar to Pag-aalaga ng Native na Baboy (20)

4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
 
Handouts seminar basic concept swine production
Handouts seminar basic concept swine productionHandouts seminar basic concept swine production
Handouts seminar basic concept swine production
 
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docxDLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
 
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptxMGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
 
third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5
third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5
third quarter daily lesson log in edukasyong pantahanan 5
 
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptxClass Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
 
Epp IV
Epp IV Epp IV
Epp IV
 
Vermiculture and Vermicomposting in the Philippines
Vermiculture and Vermicomposting in the PhilippinesVermiculture and Vermicomposting in the Philippines
Vermiculture and Vermicomposting in the Philippines
 
1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx
1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx
1ST-CO_EPP-4_AGRI.pptx
 
EPP 4 WEEK 7.pptx
EPP 4 WEEK 7.pptxEPP 4 WEEK 7.pptx
EPP 4 WEEK 7.pptx
 
Multiple mouse sample pambansang sagisag
Multiple mouse sample pambansang sagisagMultiple mouse sample pambansang sagisag
Multiple mouse sample pambansang sagisag
 
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptxEPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
 
LIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasaka
LIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasakaLIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasaka
LIKASAKA ang natural na paraan ng pagsasaka
 
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1 entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1  entrepreneurship- ang pagbebenta ng...Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1  entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1 entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
 
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptxMga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
 
Science-Q2-W5.pptx
Science-Q2-W5.pptxScience-Q2-W5.pptx
Science-Q2-W5.pptx
 
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptx
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptxImplikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptx
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng.pptx
 
Aralin 2 Likas na yaman ng asya.pptx
Aralin 2 Likas na yaman ng asya.pptxAralin 2 Likas na yaman ng asya.pptx
Aralin 2 Likas na yaman ng asya.pptx
 
Power point pambansang sagisag
Power point pambansang sagisagPower point pambansang sagisag
Power point pambansang sagisag
 
Powerpoint presentation ddd
Powerpoint presentation dddPowerpoint presentation ddd
Powerpoint presentation ddd
 
More from Perez Eric

Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Perez Eric
 
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Perez Eric
 
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) ProgramWESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
Perez Eric
 
2019 newton agham researcher links workshop vaccines and diagnostics confer...
2019 newton agham researcher links workshop   vaccines and diagnostics confer...2019 newton agham researcher links workshop   vaccines and diagnostics confer...
2019 newton agham researcher links workshop vaccines and diagnostics confer...
Perez Eric
 
Philippine Native Pig Business Summit
Philippine Native Pig Business SummitPhilippine Native Pig Business Summit
Philippine Native Pig Business Summit
Perez Eric
 
R&D initiatives on Philippine Native Pigs
R&D initiatives on Philippine Native Pigs R&D initiatives on Philippine Native Pigs
R&D initiatives on Philippine Native Pigs
Perez Eric
 
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Perez Eric
 
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and MarketingBenefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Perez Eric
 
Native Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in Cebu
Native Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in CebuNative Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in Cebu
Native Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in Cebu
Perez Eric
 
Fiesta mag native chicken (zam pen)
Fiesta mag native chicken (zam pen)Fiesta mag native chicken (zam pen)
Fiesta mag native chicken (zam pen)
Perez Eric
 
FLS-GEM - AMP_Alo
FLS-GEM - AMP_AloFLS-GEM - AMP_Alo
FLS-GEM - AMP_Alo
Perez Eric
 
e-learning_AMP-Alo
e-learning_AMP-Aloe-learning_AMP-Alo
e-learning_AMP-Alo
Perez Eric
 
Test Interval Method - NA_dRosario
Test Interval Method - NA_dRosarioTest Interval Method - NA_dRosario
Test Interval Method - NA_dRosario
Perez Eric
 
Goat cuts - JN_Nayga
Goat cuts - JN_NaygaGoat cuts - JN_Nayga
Goat cuts - JN_Nayga
Perez Eric
 
MCM - TJ_Fernandez
MCM - TJ_FernandezMCM - TJ_Fernandez
MCM - TJ_Fernandez
Perez Eric
 
LAMPARAH - LJ_Manceras
LAMPARAH - LJ_MancerasLAMPARAH - LJ_Manceras
LAMPARAH - LJ_Manceras
Perez Eric
 
Raising goats the Halal way - RS_Hechanova
Raising goats the Halal way - RS_HechanovaRaising goats the Halal way - RS_Hechanova
Raising goats the Halal way - RS_Hechanova
Perez Eric
 
SFeed - EA_Orden
SFeed - EA_OrdenSFeed - EA_Orden
SFeed - EA_Orden
Perez Eric
 
Innovative preweaner supplements: increasing kid survival - EA_Orden
Innovative preweaner supplements: increasing kid survival - EA_OrdenInnovative preweaner supplements: increasing kid survival - EA_Orden
Innovative preweaner supplements: increasing kid survival - EA_Orden
Perez Eric
 
SemEx - AJM_Balbin
SemEx - AJM_BalbinSemEx - AJM_Balbin
SemEx - AJM_Balbin
Perez Eric
 
More from Perez Eric (20)

Pag-aalaga ng Native na Baboy

  • 1. PAG-AALAGA NG NATIVE NA BABOYIkalawang Edisyon
  • 2. A ng mga katangian ng native na baboy ay itim ang karaniwang kulay subalit mayroon ding batik na puti, pula at itim. Ito ay madaling alagaan at sanay sa lokal na kondisyon. Ang mga native na baboy ay pangkaraniwang inaalagaan sa malalayong lugar o barangay na minsan ay walang pabahay o kulungan lamang. Ang mga ito ay madaling mag-anak at may dami ng anak na 5 hanggang 8 biik kada anakan at ang mga inahin at barako ay may timbang na 50 hanggang 80 kilo. Ang kahalagahan sa pag-aalaga ng native na baboy ay maliit ang puhunan. Ito ay sanay na sa lokal na kundisyon, may kakayahang mabuhay at dumami sa mga lokal na pakain at payak na pag-aalaga at madaling maglahi at manganak Ang mga inahin ay maingat at maalaga sa mga biik o bulaw at may natural na panlaban sa mga pangkaraniwang sakit at parasito. Ang katangian ng karne nito ay may natural na lasa na gusto ng lokal na mamimili at mga naglilitson dahil sa ganda at lutong ng balat kapag naluto. PAG-AALAGA NG NATIVE NA BABOYIkalawang Edisyon P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y 2 3
  • 3. 4 5 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y Kahalagahan ng Pabahay o Kulungan sa Native na Baboy • Kanlungan sa gabi at masamang panahon, (bagyo, lamig, init) • Proteksyon sa mga predators (aso, ahas) • Para sa pagbilang (inventory) at pag-iingat • Kailangan sa paanakan • Pagsasagawa ng ilang gawain e.g. feeding, vaccination, hauling/ selling, culling • Makaiwas sa sakit at ilang sanhi ng pagkamatay Ang pabahay ng native na baboy ay dapat angkop sa kanyang pangangailangan, kondisyon, panahon at lugar na pagtatayuan. Ang baboy ay madaling hingalin at lamigin subalit alam nilang gumawa ng paraan upang maging kaaya-aya ang kanilang kundisyon sa pamamagitan ng paghuhukay ng kanyang higaan at pagtubog sa malamig na putikan. Ang sukat ng kulungan ay naayon sa edad at laki nito. I. KULUNGAN AT PAGALAAN: Sa kasalukuyan ang mga native na baboy ay nakatali at inaalagaan lamang sa mga ilalim ng punong kahoy at minsan ay nakagala lamang sa mga bakuran. Sa ganitong pamamaraan nakakaranas ng mga suliranin ang mga nag-aalaga tulad ng pagkamatay ng mga biik at ang pagkakaroon ng ilang karaniwang sakit ng baboy. Kaya ang payo ng mga dalubhasa ay maglaan ng payak na pabahay o kulungan sa native na baboy tulad ng bubong na gawa sa nipa, cogon, anahaw na may sukat na 4 metro kuwadrado ang bawat inahin o bulugan na may ding-ding na kawayan, balat ng niyog o kaya ay bakal at kung maaari may pagalaan na may bakod na hog wire, balat ng niyog, tabla o siit ng kawayan.
  • 4. 6 7 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y Ang pabahay ay dapat nasa maaliwalas na lugar, hindi binabaha, may sapat na lugar para sa pagalaan at pagtataniman ng pamakain. Kung maari ang mga gagamiting materyales ay makukuha sa inyong lugar tulad ng kawayan, kusot, bunot, ipa, dayami atbp. Kabutihan ng Bedding Type na Pabahay 1. Maginhawa sa native na baboy 2. Walang masamang amoy 3. Makakatipid sa tubig na panglinis na humigit kumulang sa 2,000 litro kada taon sa kada isang metro kuwadradong kulungan. 4. Matipid sa trabaho dahil hindi na kailangang linisin araw-araw 5. Maaring gamiting natural na abono o vermicast. Mga kailangan materyales sa bedding; 1. Bunot, kusot, ipa, dayami o dahon 2. Lupa na mabuhangin 3. Asin (ordinaryo) 4. Effective microorganism/IMO 5. Tubig Paghaluin ang 3 sako na ipa o kusot, 1 sako na lupa, ½ kilong asin at diligan ng tubig na may EM/IMO (60% moisture) para gawing higaan ng baboy.
  • 5. 8 9 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y Paraan ng paggawa: 1. Pumili ng lugar na hindi binabaha o dinadaanan ng tubig 2. Sumukat ng lupa na ang laki ay ayon sa edad at laki ng aalagaan. Halimbawa 4 na metro kwadrado para sa inahin at 2 metro kwadrado para sa palakihin para sa native na baboy. 3. Humukay ng 1 metro ang lalim. Ang hinukay na lupa ay maaring ipalibot sa kulungan upang tumaas ito at hindi makapasok ang tubig. Maglaan ng lugar na hindi hinukay para sa pakainan (kinakailangan na malapit sa daanan). 4. Maaring lagyan ng hollow block ang palibot ng hinukay mula sa ilalim pataas. Lagyan din ng patayong kabilya upang tumibay. Paalala!!! huwag lagyan ng semento ang ilalim o sahig nito. 5. Ang dingding ng kulungan ay maaring gamitan ng kawayan na biniyak na may taas na 3 piye o kabilya na ang laki patayo ay 10 milimetro at 12 milimetro na pahalang at ang pagitan ng kabilya pataas ay 4 na pulgada. 6. Gumamit ng buong kawayan o 2 pulgada na bilog na tubo (GI pipe) para sa poste. 7. Maaaring gumamit ng nipa o yero bilang bubong. 8. Kinisin ang pakainan at ibabaw na hollow block para hindi sirain ng baboy. 9. Lagyan ng bunot, dahon o dayami ang kalahati ng hinukay at siksikin. Lagyan ng hinalong kusot, ipa, lupa at asin ang ibabaw upang maging higaan ng mga baboy (beddings). 10. Palagiang magdagdag ng sapin (beddings) kung kinakailangan. 11. Hukayin at palitan ang beddings kung nagpuputik na o kada 1-2 taon nang ginagamit, maaring gamitin ang inalis na beddings sa vermiculture o direktang pangabono sa pamakain na halaman.
  • 6. 10 11 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y II. PAG-PAPALAHI AT PAGPAPARAMI Ang pagpapalahi ng native na baboy ay ginagawa sa natural na pamamaraan na magkakasama sa kulungan na may 1:10 -20 dami ng bulugan at inahin na may pagalaan na 300 metro kuwadrado (15 x 20m). Maaari ding magkahiwalay ang mga bulugan at inahin at kung oras o panahon na ng pagpapalahi ay saka pagsasamahin. Palatandaan at talaan ng inahin at bulugan ay makakatulong upang makaiwas sa pagkakasta ng mga magkakamag-anak Upang mapaganda pa ang lahi o kalidad ng native na baboy kailangang magkaroon ng pagpili sa mga gagawing palahian na inahin at bulugan tulad ng: 1. malusog o walang sakit, 2. mabilog, makapal ang katawan at may tamang haba, 3. malakas ang mga paa. 4. ang inahinin ay may 5-6 na pares ng suso, maraming manganak (8 pataas) at maalaga sa anak (biik), 5. at ang mga bulugan ay pantay ang testicle, pinakamalaki sa mga magkakapatid, mabilis lumaki at ilan pang katangian tulad ng itim na kulay.
  • 7. 12 13 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y Paraan ng Pagpili Maaring makuha ang kakayanan ng bawat hayop sa kanyang sariling talaan tulad ng paglaki at produksiyon (dami ng kapatid, anak, dami ng nabubuhay na anak). Maari ring maging basihan ng kanyang kakayanan ay ang talaan ng kanyang pamilya (paglaki at dami ng anak) tulad ng magulang, kapatid at mga anak. Ang isang hayop na may talaan na may mataas na produksiyon ay maaring maglipat ng mas mataas na produksiyon sa kanyang mga anak (biik), na kung gagawin sa bawat henerasyon ang tamang pagpili ay inaasahan ang pagtaas ng produksiyon ng bawat henerasyon. Paraan upang mapataas ang lahi at produksiyon ng native na baboy Angpagpilingpareparehongkulay(kungmaariayitim),mabilog at may kakayahang lumaki sa kanyang mga ka-edad o kapatid. Malusog ang katawan, may kakayahang mabuhay sa payak na pamamaraan, dapat ay galing sa lahi ng maraming manganak (higit sa 8 biik), magaling magbuhay ng anak halos nabubuhay (90%) lahat ang kanyang mga anak, maganda ang gatas, maalaga sa mga anak (biik), dapat may likas na panlaban sa mga sakit at masarap ang lasa ng karne. Paraan ng pagpapalahi Purong lahi ay ang pag pili ng gustong itsura o katangian halimbawa ay kulay, dami ng anak, paglaki na galing sa iisang lahi at nag-aanak ng iisang itsura o katangian. Ang purong lahi ay iisa ang itsura at katangian ng magulang at mga anak.
  • 8. 14 15 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y In breeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak halimbawa ay magulang at anak, magkapatid o vise versa. Ang negatibong resulta ng pagpapakakasta ng magkamag-anak ay abnormal, sakitin, mahina ang produksiyon ng mga native na baboy. Ang positibong resulta nito ay puwedeng gumawa ng pare-pareho ang itsura at produksiyon. Crossbreeding ay ang pagpapalahi ng magkaibang uri o lahi. Ito ay ginagawa upang mapataas ang uri, produksiyon, mapasigla, at mapaganda ang kalusugan ng anak. Ngunit ang negatibong resulta nito ay ang hindi maayos na pagpapalahi, wala ng purong lahi na gagamitin, walang kontrol na paggamit ng ibat-ibang lahi na sanhi ng ibat-ibang produksiyon at itsura ng mga anak. HalimbawangtalaanngInahin TALAANNGINAHIN Blng/Pangalan:_____________ Lahi:______________________ Kapanganakan:_______________ Source:______________________ Ama:_________ Ina:___________ Pag-anakPag-kasta Due Date PanganganakPag-awat Date 1 Boar Date 2 BoarDateBuhayLuoyBilangTimbangDateBilangTimbang 1 2 3 4 5 6 7 8 MgaGawain DateGawainSintomasGamotPuna
  • 9. 16 17 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y III. PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN Isa sa magandang katangian ng native na baboy ay ang kakayahan nitong magamit ang mga lokal na pagkain tulad ng darak, kamoteng kahoy, gabi at mga damo upang mabuhay at magparami. Ang mga karaniwang pamakain na nabibili sa agricultural supply ay ginawa para sa commersiyal o hybrid na baboy kaya hindi ito angkop sa pangangailangan ng native na baboy, dagdag pa dito ay ang mataas na halaga at kung ito ang gagamitin sa native na baboy ay maaring hindi kumita ang nag-aalaga. Maaring maghalo ng mga lokal na pakain base sa lugar at kung ano ang marami at mura na maaring gamitin na pamakain sa native na baboy. Maaring pagkunan ng sustansiya ng mga native na baboy: • Energy: Darak, kamoteng kahoy, mais, niyog o kopra, gabing san fernando, pungapong, mga damo, gulay at pulot • Protina: Isda, legumbre, gulay, madre de agua, soybean • Bitamina: Gulay, maberdeng pagkain, prutas Paraan ng pagpapakain • Inahin at Bulugan o 1-1.5 kilo na halong pamakain (darak, mais, copra) o suplemento tulad ng damo, dahon, bahog (kitchen left over), lutong gabi, kamoteng kahoy o pungapong atbp. o dagdagan ang pakain sa mga nagpapasusong inahin • Biik (10-45 araw ang edad) o Pagkain na madaling malusaw (commercial hog starter mash) o Dagdag na prutas, gulay, darak, mais na durog o niyog • Palakihin: (2 – 5 buwan ang edad) o .3 – 1 kilo ng mixed feeds kada ulo sa isang araw o suplemento tulad ng damo, dahon, bahog (kitchen left over), lutong gabi, kamoteng kahoy o pungapong atbp. Mga katangian ng mga lokal na pakain • Darak: o Mataas na makukunan ng enerhiya o Madaling makuha sa maraming lugar sa bansa o Gustong kainin ng mga baboy o Mataas ang bitamina at mineral
  • 10. 18 19 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y • Trichantera o Madre de Agua o Damo na mataas ang protina at calcium o Palatable o gusto ng mga bahoy o Maaring ibigay ng sariwa o tuyo o Madaling paramihin at maraming magdahon o Malasa sa baboy at iba pang hayop • Gabing San Fernando (G. Villancio, J. Bulatao UPLB) – Kayang mabuhay sa paiba-ibang panahon – Magandang itanim sa sandy loam at malilim na lugar – Matatagpuan sa maraming lugar sa Pilipinas – Kapareho ng mais pagdating sa taglay na sustansiya – Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa baboy
  • 11. 20 21 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y • Kamoteng kahoy – Magandang pagkunan ng enerhiya – Maaaring ipangpalit sa mais para pakain sa hayop – Ang laman, katawan, at dahon ay maaring ipakain sa hayop – Ang dahon ay maaaring buruhin o ibilad para pagkunan ng protina – Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa baboy SIMPLENG PAKAIN SA NATIVE NA BABOY, NA GAMIT NG BAI-NSPRDC Pakain para sa palakihin (BAI-NSPRDC, 2014). Mga Sangkap Dami (kilo) Halaga (Php/kg) Kabuuang halaga (Php) Darak D1 37.00 15.00 555.00 Mais (durog) 30.00 18.00 540.00 Palyat 27.70 15.00 415.50 Pulot 3.00 20.00 60.00 Apog 2.00 12.00 24.00 Asin 0.30 15.00 4.50 Iba pang pakain *Ad-libitum Kabuuan 100.00 Php 1, 599.10 o Php 15.99/kg *Nauukol sa dami na gustong kainin ng alagang baboy. Pakain para sa inahin at barako (BAI-NSPRDC, 2014). Mga Sangkap Dami (kilo) Halaga (Php/kg) Kabuuang halaga (Php) Darak D1 50.00 15.00 750.00 Mais (durog) 14.20 18.00 255.60 Palyat 30.00 15.00 450.00 Pulot 3.75 20.00 75.00 Apog 2.00 12.00 24.00 Asin 0.30 15.00 4.50 Iba pang pakain *Ad-libitum Kabuuan 100.00 Php 1, 559.10 o Php 15.59/kg *Nauukol sa dami na gustong kainin ng alagang baboy.
  • 12. 22 23 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y IV. MGA GABAY SA PAG-AALAGA NG NATIVE NA BABOY Pag-aalaga ng Bagong Panganak na Inahin: Kung may senyales na malapit ng manganak ang mga inahin (10 araw bago ang takdang pag-anak) tulad ng malaking tiyan, namamaga na ang suso at ang ari nito maaari ng itali o ikulong ang inahin bago manganak. Huwag pakainin ang inahin sa araw ng panganganak, panatilihing tuyo ang sahig o kulungan, mag-lagay ng mga sapin (dahon, dayami atbp) at iwasan ang mabulabog o maabala ang inahin sa oras ng panganganak, hayaan ang normal na panganganak, (iwasan ang pag-iyak ng mga biik) huwag ihiwalay o magtanggal ng ngipin sa araw ng panganganak. Mga dapat gawin: • Ihanda ang kulungang paanakan, linisin, o lagyan ng bagong sapin (beddings) • Ilipat ang inahin 2 linggo bago ang takdang panganganak • Bigyan ng damo pakain • Huwag bigyan sa araw ng panganganak • Iwasan na abalahanin ang nanganganak na inahin Pag-aalaga ng Biik: Hayaan ang mga biik na nakagala sa lupa upang makakuha ng dagdag iron, kapunin ang mga biik 10-14 na araw ang edad, panatilihing tuyo ang sahig ng kulungan upang maiwasan ang impeksyon. Bigyan ng hiwalay na pakain ang mga biik. Awatin ang mga biik 45 araw ang edad at pabakunahan ng hog cholera o peste ang mga biik dalawang buwan ang edad.
  • 13. 24 25 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y Mga dapat gawin: • sa native na baboy hindi na kailangan putulin ang ngipin at pusod • huwag galawin o hawakan ang mga biik habang nanganganak ang inahin o ilayo sa inahin ang mga biik • kailangan makasuso ng colostrum sa unang 24 hours • hayaang makalabas o makagala sa lupa ang mga biik para makakuha ng iron • hindi na kailangan ang turukan ng iron ang mga biik • Sa edad na 10 araw, bigyan ng starter feeds ang mga biik • Kapunin ang mga lalaki sa edad na 10-14 na araw • Bakunahan ng Hog Cholera sa edad na 45 na araw • Iwalay sa edad na 45-60 na araw Pag-aalaga ng Palakihin: Ang kailangan na tamang laki ng palakihin; o Para sa lechon: 10-30 kilo sa buhay o Para sa katay: 30-40 kilo sa buhay o higit pa Maglaan ng galaan na 2 metro kuwadradong kulungan kada palakihin. Magpakain ng pinaghalong darak, kopra at niluto o pinatuyong kamoteng kahoy at gabi. Maglaan ng galaan at supplementong protina mula sa mga damo, legumbre, dahon, bahog (kitchen left over), atbp. Purgahin sa edad na 2 buwan gulang. Mga dapat gawin: • bigyan ng grower mash na may ad-libitum na pagkain ng forages at damo. • hayaan na makagala ang mga palakihin • Piliin ang may magandang itsura at mabilis lumaki upang gamiting pamalit sa mga palahian
  • 14. 26 27 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y Paraan ng Pagkakapon: Ito ay ang pagtatanggal sa bayag ng biik. Ito ay ginagawa sa kadahilanang: a. Mapigilan sa pagdami ang mga lalaking may mga malulubhang kapansanan at mga kapintasan. b. Maalis ang amoy-barako sa karne ng baboy. c. Ito ay ginagawa sa edad na ika-apat naput limang (45) araw. d. Kinakailangan na malulusog ang biik na kakapunin. e. Suriin mabuti ang biik kung ito ay mayroong luslos o wala. Mga kagamitan: 1. Matalas na blade 2. Tintura de yodo o Iodine 3. Pang-ipit o Forceps 4. Bulak Mga hakbang 1. Ihanda ang lahat ng kagamitan, linisin at pakuluan. 2. Hawakan ng mabuti ang biik sa huling paa (nakabitin) 3. Hugasan at linisin mabuti ang bayag at ang palibot nito. Gumamit ng malinis na tubig at sabon. 4. Hawakang mabuti ang bayag upang mabanat ang balat at hiwain ng katatamtaman sa gitna ng bawat bayag hanggang kusang lumabas. 5. Hilahing papalabas ang bayag upang makitang mabuti ang litid na nag-uugnay ng bayag sa katawan. Ipitin ng forceps at hiwain o putulin. 6. Kung nakuha na ang bayag, ulitin ang ginawa sa ikalawa. 7. Pagkaalis sa dalawang bayag, pahiran ng tintura de yodo. V. KALUSUGAN AT MGA KARANIWANG SAKIT Maglaan ng simpleng silungan o pabahay para sa tag-ulan at matinding init ng araw upang makaiwas sa sakit. Tama at sapat na pakain at tubig na inumin ay kailangan para sa tamang paglaki at kalusugan ng alagang native na baboy. Bakunahan ng Hog Cholera ang mga alaga sa unang 2 buwan ang edad at tuwing ika 6 na buwan sa mga inahin at bulugan. Ubo at sipon (respiratory problem). Maaaring gumamit ng mga natural na gamot tulad ng pinakulong sambong, lagundi at iba pang mga dahong gamot. Pagtatae (diarrhea). Ito ay kadalasang nararanasan sa mga biik, maaring pakainin ang mga biik ng madagtang dahon tulad ng kaymito, bayabas, puno ng saging at iba pa.
  • 15. 28 29 P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y Kung magpatuloy ang sakit ng mga alagang native na baboy maaring kumunsulta sa mga beterinaryo. Pamamaraan ng pagbabakuna: Ang native na baboy ay may likas na panlaban sa sakit subalit kung walang bakuna ito ay maaring dapuan ng hog cholera o peste ng baboy. Ang peste ng baboy ay madaling kumalat at sanhi ng biglaang pagkamatay ng mga alagang baboy. Mga dapat gawin: • Bakunahan ang biik 1 ½ o 2 buwan ang edad. • Bakunahan lamang ang malusog na mga biik at baboy. • Magbakuna kung maganda ang panahon • Ilagay ang bakuna sa refrigerator huwag sa freezer. • Basahin ang label ng bakuna lalo ang expiration date. • Ilagay sa maliit na cooler na may yelo ang bakuna at diluent. • Paghaluin ang diluent at bakuna ingatang hindi matapon. • Turukan ang lahat ng biik sa pige o leeg (likod ng tainga). • Ang natirang bakuna na hindi nagamit ay kailangang ibaon o sunugin. • Huwag muna paliguan at obserbahan ang mga binakunahan sa loob ng tatlong araw. • Ulitin ang pagbabakuna tuwing ika-anim (6) na buwan. • Maglaan ng galaan 2 metro kuwadrado kada palakihin • Pakainin ng pinaghalong darak, kopra at niluto o pinatuyong kamoteng kahoy at gabi. • Bigyan rin ng damo, legumbre, dahon, bahog (kitchen leftover), atbp. • Purgahin sa edad na 2 buwan gulang. VI. ANG NAKIKITANG HINAHARAP NG PAG-AALAGA NG NATIVE NA BABOY Kulang ang handaan ng Pinoy (Filipino) kung walang litson na baboy sa hapag at kung tatanungin ang mga lokal na naglilitson mas magandang gamitin ang native na baboy dahil sa lasa at ganda ng balat kapag naluto. Mataas ang pangangailangan sa native na baboy (maglilitson: regular (5-10 na ulo kada linggo), holiday season (30-50 naulokadalinggo).MataasanghalagaP100.00-180.00kilosabuhay. Sanay na sa lokal na kondisyon, maaring alagaan sa malalayong lugar o barangay at maliit na puhunan ang kailangan . Ang karaniwang native na baboy ay may kakayahang lumaki at dumami ang anak sa pamamagitan ng tamang pagpili ng mga gagawing inahin at bulugan. Maaring alagaan sa payak na pamamaraan. Maaring gamitin sa natural o organikong produksiyon ng karne.
  • 16. Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan kay: Rene C. Santiago, DVM, MSc. Center Chief IV Bureau of Animal Industry National Swine and Poultry Research and Development Center Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon (042) 585-7727 renecsantiago@yahoo.com This publication is funded by the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research