5. Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga
pangkat etniko na naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay
may koneksyong pangkasaysayan, mga bagay na nag-uugnay at
nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay.
Matatagpuan sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at may tinatayang 14
hanggang 17 milyong Indigenous Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-
linguistic; ang mga ito ay pangunahing nakatuon sa Mindanao (61%) at
Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%), kasama ang ilang mga
grupo sa Visayas, ayon sa datos ng United Nations Declaration on the Rights
of Indigenous Peoples, isang organisasyong nagsusulong na itaguyod at
protektahan ang mga karapatan ng mga katutubong mamamayan.
Natatanging Pagkakakilanlan
7. Sa kasalukuyang panahon ay ramdam pa rin ng mga
pangkat minorya sa Pilipinas ang pagmamalupit sa
kanila kahit pa mayroon ng Batas Republika Bilang
8371 o Indigenous Peoples Rights Act (IPRA Law) ng
1997 at malinaw sa United Nations Declaration of
Indigenous Right na ang mga katutubo ay kapantay
ng lahat ng tao at kung gayo’y nararapat na tratuhin
nang walang pagmamataas at walang pagmamaliit.
Pangkat Minorya
9. Ayon sa kasaysayan, bilang paghahanda sa planong
pagsasarili ng Pilipinas, inilabas ang Cooper Act ng
1902 na nagsasabing kailangan munang magkaroon
ng pambansang sensus sa Pilipinas upang malaman
ang bilang ng mga Pilipino bago maganap ang halalan.
Subalit batay sa kautusan, hindi kasama ang mga
katutubo sa planong ito nang noo’y naghaharing
Estados Unidos. Nilimita lamang nila ang nasabing
polisiya sa mga grupong Kristiyanong tagapatag gaya
ng Bikolano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan,
Tagalog, Bisaya, at Zambalan dahil sila lamang ang
ganap na sibilisado (Gealogo, 2019).
Cooper Act ng 1902
11. Matatandaang noong 2015 ay nagkaisang nanawagan ang mga kasapi ng
Katawhang Lumad Council of People Representatives ng Mindanao People’s Peace
Movement na itigil na ang labis na pananamantala at panunupil sa kanilang mga
karapatan sa gobyerno, rebulusyonaryong grupo politico, at mga kompanyang may
interes sa kanilang lupaing ninuno dahil ang pang-aabusong iyon ay nagdudulot ng
matinding hirap sa kanilang pamumuhay.
Ayon sa nasabing grupo, ang patuloy na pagwasak sa kanilang mga lupain sa
pamamagitan ng malawakang pagmimina, pagtotroso, plantasyon, ranso at iba
pang proyektong pwersahang pumapasok sa kanilang mga lupain ay
nangangahulugan ng patuloy ring pagwasak sa pamumuhay, pagkatao, at
kinabukasan ng kanilang salinlahi.
Panawagan ng MPPM KLCPR
12. “Ang aming buhay ay malalim na naka-ugat sa aming Lupaing
Ninuno. Dito namin kinukuha ang aming mga pangangailangan sa
araw-araw, at dito rin namin isinasabuhay ang aming tradisyon,
kultura, pananampalataya at pamamahala bilang isang
mamamayang Lumad. Ang patuloy na pagwasak sa aming mga
lupain sa pamamagitan ng malawakang pagmimina,
pagtotroso/logging, plantasyon, rantso, at iba pang mga proyekto
na pwersahang pumapasok sa aming mga lupain ay patuloy na
pagwasak rin sa aming pamumuhay, pagkatao at kinabukasan ng
aming mga susunod na salinlahi. Ito ay nagresulta sa pagkawala ng
kontrol at soberenhiya ng mg katutubo sa kanyang lupaing ninuno
at likas yaman. “
Pahayag ng mga Lumad sa ika-18
Anibersaryo ng Indigenous Peoples’
Rights Act (IPRA) Oktubre 29, 2015.
14. Ang New Clark City o Clark Green City na
proyekto ni dating Pangulong Benigno
Aquino ||| sa ilalim ng Public-Private
Partnership na ipinagpatuloy ni dating
Pangulong Rodrigo Duterte ay isa sa mga
proyektong pumapasok sa lupang
katutubo. Dahil doon, nanganganib na
mapalayas sa kanilang lupang ninuno ang
higit 20,000 katutubo’t magsasaka sa
Tarlac. Ayon nga kay Johnny Basilio,
pangkalahatang kalihim ng Aeta Tribal
Association, hindi na bago ang problemang
dala ng Clark Green City na kakain halos
10,000 ektaryang lupaing katutubo.
15. “If the Philippine government is truly sincere in the development of the indigenous
peoples and the marginalized, it should not allow our displacement by large
commercial projects resulting in the loss of our ancestral lands our livelihood and
our very existence,” Fanagel said. “The Philippine government should uphold our
territories and not relegate our ancestral lands to a mere commodity for business
and profit,” Fenagel said.
Fenagel also lambasted the Bases Conversion Development Authority (BCDA)
reaction to the same study. “The Bases Conversion Development Authority (BCDA)
with the complicity of the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) is
lying to their teeth when they said that the Aytas have no ancestral land or
territories over parts occupied by the Clark Green City. The government, especially
through the NCIP, have always turned against us in favor of profit making
ventures,” Fenagel said. “Worst, the government even uses its police and military
forces to intimidate us from fighting for what are rightfully ours,” Fenagel said
(Sandugo, 2019).
Ang mga Aeta at New Clark City
17. Ang administrasyong Duterte ay nagpasara ng 55 na paaralan ng
mga Lumad sa Rehiyon ng Davao noong Hulyo 2019 sa paniniwalang
itinataguyod ng mga nasabing paaralan ang ideolohiya ng New
People’s Army (NPA) na itinuturing na mahigpit na kalaban ng
estado (kahit pa walang matibay na ebidensya ang pamahalaan).
Bunga nito, libo-libong mga mag-aaral ng mga paaralang ipinasara
ang naapektuhan (de Loza - Cudia, 2019).
55 Lumad Schools
19. Magkagayon pa man ay may ilang mga bahagi ng
pamahalaan ang tunay na may puso para sa mga
katutubo. Buhay na halimbawa nito ang dating kalihim
ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman na si
Gina Lopez.
Puso para sa mga Katutubo
20. CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo,
including icons by Flaticon and infographics & images by Freepik
Salamat!
Do you have any questions?
youremail@freepik.com
+91 620 421 838
yourcompany.com
Please keep this slide for attribution