2. 1. Sino ang personang nagsasalita sa akdang, “ELEHIYA SA
KAMATAYAN NI KUYA?”
A. kuya C. manunulat
B. nanay D. nakababatang kapatid
2. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga
ideya o kaisipang nakapaloob sa elehiya?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
3. 3. Ang mga sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng elehiya maliban sa
isa.
A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong
pag-aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay na
mensahe sa mga mambabasa.
4. Ang mga pangungusap ay nagpapahayag ng katangiang tinataglay ng
elehiya maliban sa isa.
A. Mapagmuni-muni ang himig ng elehiya.
B. Kadalasang simbolo ang naghahari sa akdang ito.
C. Nakatuon ito sa pagpapahayag ng personal na damdamin.
D. Pag-alaala at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.
4. Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay;
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
5. Ito ang damdaming nangibabaw sa bahagi ng tulang nasa itaas.
A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkainis D. pagpapakasakit
6. Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan, ito ay kongkretong
kaisipan o batay sa karanasan.
A. damdamin C. tagpuan
B. simbolo D. tema
5. 7. Ito ay mga elemento ng elehiya maliban sa isa.
A. damdamin C. tema
B. kabanata D. wikang ginamit
8. Ito ay akdang pampanitikang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o
guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng
isang mahal sa buhay.
A. elehiya C. parabula
B. pabula D. sanaysay
6. 9. Ito ang elemento ng elehiyang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o
mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito.
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
10. Ito ang dalawang antas ng wikang ginagamit sa pagsulat ng mga
akdang pampanitikan partikular na ang elehiya.
A. patinig at katinig C. tiyak at ‘di tiyak
B. pamaraan at panlunan D. pormal at ‘di pormal
7. Ano ang elehiya?
• Ito ay isang tulang liriko na tumatalakay sa paglalarawan ng
pagbubulay-bulay o guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin
tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
• Sa elehiya, binibigyang-halaga ang mga nagawa ng mga namayapang
mahal sa buhay.
8. Mga Elemento ng Elehiya
1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay kongkretong
kaisipan o batay sa karanasan.
2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.
3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang elehiya.
4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na lumutang
sa elehiya.
5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa akda.
6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob
sa akda.
9. 7. Wikang Ginamit - Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa dalawang antas:
a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at tinatanggap ng mga nakapag-aral
ng wika.
b. ‘Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
10. Sa pagsulat ng elehiya, narito ang ilang mga paalala upang iyong maging gabay para
sa mas mabisa at mas makabuluhang pagbuo nito.