1. •69 - May dumating na
mandirigma sa gubat.Taga
Persiya.
2. •70 - Huminto siya.Tumingin
sa palibot. Biglang hinagis ang
kanyang mga sandata.
3. •71 -Tumingala siya, at panay ang
buntong-hininga.
•72 - Umupo siya sa tabi ng puno,
at umiyak nang umiyak.
4. •73 - Hawak niya ang
kanyang baba at sentido.
Mukhang may malalim na
iniisip, o di kaya's may
nakalimutan.
5. •74 - Maya-maya'y sumandal siya. Patuloy pa
rin ang kanyang mga luha. Nagsalita siya:
Flerida, tapos na ang tuwa. (NOTE: Anim na
taon na siyang palakad-lakad kung saan-saan
sa labas ng Persiya. Hindi siya maka move-on.)
6. •75 - Panay ang sabi ni Aladin
ng "Ay! Ay!" duon sa gubat.
Hindi siya talaga maka move-
on."
7. •76 - Bigla siyang
tumindig, mukhang galit,
at dali-dali niyang
hinanap ang kanyang
mga sandata. Hindi raw
siya makapapayag.
8. •77 - At kung ibang tao
(maliban sa kanyang ama) ang
umagaw ng kanyang Flerida,
mapapatay niya ito.
9. •78 - Binanggit ni Aladin si
Marte at ang mga Parcae.
May diyos/diyosa na
kunektado sa digmaan at
kamatayan. Matindi ang
galit ni Aladin.
10. •79 - Sinabi ni Aladin na
babawiin niya si Flerida mula
sa mga kuko ng kataksilan,
at lahat nang makakabangga
niya (maliban sa kanyang
ama) ay papatayin niya.
11. •80 - Makapangyarihan ang pag-
ibig. Lahat ay apektado. At ang
lahat din ay makalilimutan
kapag pumasok na sa puso ang
pag-ibig.
12. pinag-uusapan, kalimutan
mo na ang respeto sa lalong
dakila (Diyos?), katwiran,
tamang pag-iisip,
katungkulan, at pati na rin
ang buhay.
13. •82 - Sinasabi ni Aladin na
huwag siyang tularan. Pero
wala naman siyang kausap
sa gubat.
14. Umiyak nang umiyak. Bigla
siyang may narinig na
buntong hininga. Si Florante
pala yun, nakagapos pa sa
puno.