3. Layunin ng Talakayan
mabigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika na
phatic, emotive, at expressive;
matukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na phatic,
emotive, at expressive;
makapagbigay ng mga halimbawang pangungusap na nagpapakita
ng gamit ng wika na phatic, emotive, at expressive; at
makasulat ng naratibo ng sariling karanasan sa gamit ng phatic,
emotive, at expressive na wika.
4. Daloy ng Talakayan
Ang Phatic na gamit ng wika;
Ang Emotive na gamit ng wika; at
Ang Expressive na gamit ng wika.
5. Ang Phatic na Gamit ng Wika
Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng, “Kumain ka na?”; mga
pahayag na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng, “Natutuwa talaga
ako sa‘yo!”; at mga ekpresyon ng pagbati gaya ng, “Magandang umaga!”, pagpapaalam
gaya ng, “Diyan na muna kayo, uuwi na ‘ko.” ay phatic na gamit ng wika.
6. Halimbawa ng Nagtatanong o Nagbubukas ng
Usapan
“Uy, napansin mo ba?”
“Kumusta ka?”
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
“May problema ka ba?”
Ang Phatic na Gamit ng Wika
7. “Baka makatulong kami.”
“Mabuti naman, Sol, at okey ka
lang.”
Halimbawa ng Nagpapakita ng Mabuting
Pakikipagkapuwa-Tao o Pakikipag-Ugnayan sa
Kapuwa
Ang Phatic na Gamit ng Wika
8. Ito ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon
gaya ng lungkot, takot, at awa.
Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdaman,
emotive ang gamit natin ng wika.
Ang Emotive na Gamit ng Wika
9. Halimbawa
“Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring ‘yan.”
“Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.”
“Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng
mahal sa buhay.”
Ang Emotive na Gamit ng Wika
10. Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin ang
ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito,
expressive ang gamit natin ng wika.
Ang Expressive na Gamit ng Wika
11. Halimbawa
“Paboritong-paborito ko pa naman sila.”
“…kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng
concert na ‘yan.”
“Hindi ako mahilig sa foreign artists.”
“Mas gusto kong tangkilin ang mga kanta at concert ng local artists
natin.”
“Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig ‘yan.”
Ang Expressive na Gamit ng Wika
Editor's Notes
Bago ang talakayan, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga aktibidad sa Balik-Tanaw at Lusong-Kaalaman.
Pagkatapos ng talakayan ay maaari nang ipagawa sa mga mag-aaral ang mga susunod na mga aktibidad na nasa worktext.