3. ORYENTASYONG PILIPINO SA
PANANALIKSIK
•Ang pananaliksik ay isang unibersal na gawain.
Hindi ito nasasagkaan ng wika at mga
heograpikal at pisikal na hangganan ng mga
kultura at mga bansa.
6. PAKSA
•Ang pagpili mismo ng paksa ay nagpapatunay ng
oryentasyon ng mananaliksik. May mga paksa na
pandaigdig ang kahalagahan gaya ng globalisasyon,
problemang pangkapaligiran, problema sa droga,
malnutrisyon, kalamidad, atbp. OK lang nagawing paksa
ang mga ito pero mas makakatulong kung ipopokus
ang mga paksang ito sa implikasyon/manipestasyon sa
sariling lipunang Pilipino.
7. METODOLOHIYA
•Hindi lahat ng pamamaraan o metodolohiya ay angkop sa
bawat kultura
•Mangangapa ka muna at magtatanong-tanong.May mga
larangan, gaya ng sosyolohiya, na ang isang paraan ng
pagkuha ng datos ay sarbey.
•Pagdating mo sa iyong larangan, suriin mo ang
metodolohiyang ginagamit kung makakatulong nga ito sa
pagdebelop ng oryentasyong Pilipino.
8. INTEPRETASYON
•Dapat mong suriin ang inaakala mong angkop na paraan
ng pagsusuri at interpretasyon para maging makabuluhan
ang iyong pananaliksik
9. MANANALIKSIK
•Hindi kaya responsibilidad ng mananaliksik na Pilipinong
paris mo ang sumagot sa sarili mong mga katanungan,
magpatunay sa sarili mong mga pag-aakala at pananaw,
at magpasubali sa sarili mong mga pagdududa?
10. TAGATANGGAP
•Para kanino ma ba isasagawa ang pananaliksik? Sa mga
kababayan mo? Sa mga dayuhan? Kung sa huli, bakit mo
sila tinutulungan? May maitutulong ba ang ginagawa
mong pananaliksik sa iyong mga kababayan? sa iyong
komunidad? sa iyong bayan? sa iyong bansa? Kung sa
palagaymo’y oo ang sagot sa mga tanong na ito, nasa
tamang direksyon ka.
11. WIKA
•At sa huli, ang wika ay mahalaga para patatagin ang
oryentasyon sa pananaliksik.
•Marami ka pang hindi nalalaman sa ating kultura.Bago
dumating ang panahong mas alam mo pa ang kultura ng
iba dahil sa teknolohiya, gawin mo na ito ngayon.Mas
epektibong magagawa ito kung ang wikang pambansa
ang gagamiting midyum sa pananaliksik.Bahagi na ito ng
kultura.Isa na itong elemento ng kultura.