SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN AT
PAGKAKAISA
NI PAT V. VILLAFUERTE
Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay
ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;
mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan
maging sa paglaki hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig:
ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,
o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda’t magbubukid
bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit:
ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit
at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.
Iisa ang diwang kanilang pinapanday
iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal
iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw:
kami’y palayain o bayan kong minamahal.
A, oo nga pala
bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata
may busal ang bibig, may gapos-tanikala
Sila’y mga buhay ngunit di-humihinga
sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa.
Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon
may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala
may tagisan ng matuwid,
maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat
tayu-tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao.
wikang naglalagos sa isipang makabansa
wikang nanunuot sa damdaming makalupa.
At,
paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan!
Ah,
hanggang kailan susukatin?
hanggang kailan bubuhayin?
hanggang kailan maaangkin?
Layang mangusap, layang sumulat
layang mamuhay, layang manalig
layang humalakhak, layang maghimagsik
maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!
Kasaysayan pala’y mababago isang saglit
sa dakong silangan . . . doon sa silangan
ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit
naantig ang diwang inaliping higit
tumibok ang pusong dating di-humihibik
nagising ang ugat ng hapong mga bisig.
bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdig
ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.
sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo,
magkakapatid
sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t
tumindig.
lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!
laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.
Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa
kilala’t di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayama’t mahirap,
matalino’t mangmang, aktibista’t militar.
nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.
propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro,
mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo,
pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid.
nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.
Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!
wikang ginagamit sa lahat ng dako
ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano,
ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano
ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng ito’y Filipino!
wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo
wikang tagapagligtas ng digmaa’t gulo
wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

More Related Content

Similar to WIKANG_FILIPINO_SA_PAMBANSANG_KALAYAAN_A.docx

Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalHuling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalSeo Dae Eun
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptRemyLuntauaon
 
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasAngelique .
 
Ang ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipinoAng ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipinoDepEd
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Utak at dugo
Utak at dugoUtak at dugo
Utak at dugoDepEd
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanJenita Guinoo
 
3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx
3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx
3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptxGhiePagdanganan1
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayawKareen Mae Adorable
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxRozhayneTolero1
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxRozhayneTolero1
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxGIFTQUEENSAAVEDRA
 

Similar to WIKANG_FILIPINO_SA_PAMBANSANG_KALAYAAN_A.docx (20)

Tilamsik ng sining
Tilamsik ng siningTilamsik ng sining
Tilamsik ng sining
 
O, Kung Mahihiling ko Lang .pptx
O, Kung Mahihiling ko Lang         .pptxO, Kung Mahihiling ko Lang         .pptx
O, Kung Mahihiling ko Lang .pptx
 
Tula g10
Tula g10Tula g10
Tula g10
 
Explore grade 7
Explore grade 7Explore grade 7
Explore grade 7
 
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalHuling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
 
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang Pagbigkas
 
Ang ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipinoAng ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipino
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Utak at dugo
Utak at dugoUtak at dugo
Utak at dugo
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 
3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx
3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx
3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Mga Awitang Bayan
Mga Awitang BayanMga Awitang Bayan
Mga Awitang Bayan
 
Mga uri ng tula
Mga uri ng tulaMga uri ng tula
Mga uri ng tula
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 
Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptx
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptx
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
 

Recently uploaded

ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTrojelbartolome23
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptxLEVIEJANESENO1
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoMichelleAlonso14
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.RoseRhoms1
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolPerpetzJurial1
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxPaulineMae5
 

Recently uploaded (7)

ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 

WIKANG_FILIPINO_SA_PAMBANSANG_KALAYAAN_A.docx

  • 1. WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA NI PAT V. VILLAFUERTE Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan; mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan maging sa paglaki hanggang sa kamatayan. Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig: ng mga paham, syentipiko, mananaliksik, o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda’t magbubukid bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit: ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit. Iisa ang diwang kanilang pinapanday iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw: kami’y palayain o bayan kong minamahal. A, oo nga pala bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata may busal ang bibig, may gapos-tanikala Sila’y mga buhay ngunit di-humihinga sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa. Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala may tagisan ng matuwid, maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit. Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat tayu-tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas. Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao. wikang naglalagos sa isipang makabansa wikang nanunuot sa damdaming makalupa. At, paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan! Ah, hanggang kailan susukatin? hanggang kailan bubuhayin? hanggang kailan maaangkin? Layang mangusap, layang sumulat
  • 2. layang mamuhay, layang manalig layang humalakhak, layang maghimagsik maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik! Kasaysayan pala’y mababago isang saglit sa dakong silangan . . . doon sa silangan ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit naantig ang diwang inaliping higit tumibok ang pusong dating di-humihibik nagising ang ugat ng hapong mga bisig. bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdig ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib. sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t tumindig. lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig! laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig. Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa kilala’t di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayama’t mahirap, matalino’t mangmang, aktibista’t militar. nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap. propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro, mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid. nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa. Ang wikang ginamit? Wikang Filipino! wikang ginagamit sa lahat ng dako ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano, ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng ito’y Filipino! wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo wikang tagapagligtas ng digmaa’t gulo wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.