2. Literal at Malayang Pagsasalin
A. Literal na Pagsasalin
-pinakamatandang uri ng praktika ng pagsasalin
-ang tagasalin ay maingat na pinapanatili ang kahulugan at estraktura ng wika ng orihinal na
akda
Halimbawa 1:
Ingles-Pamela was born and raised in Korea.
Tagalog- Si Pamela ay ipinanganak at iniangat sa Korea.
- hindi karaniwan ang anyo ng pangungusap dahil nauuna ang paksa sa panag-uri, katulad ng
sa wikang
Ingles na nagreresulta ng pagiging hindi madulas at natural ang dating nito sa paningin at
pandinig ng mga mambabasa ng isinaling akda
3. Halimbawa 2:
Ingles-My grandmother is a pig farmer.
Tagalog- Tagapag-alaga ng baboy ang lola ko.
-mas mainam ang ganitong salin kaysa gamitin ang literal na salin ng “farmer” na “magsasaka”
- kapag ginamit ang salitang “magsasaka”sa pahayag, maaaring matawa ang mambabasa nito
Formal Equivalence
- tawag ng iskolar sa pagsasalin, na si Eugene Nida, sa isa pang literal na
pagsasalin
- ang tuon dito ay sa denotatibong kahulugan ng mga salita, parirala, o
pangungusap
- ginagamit upang makita ng malinaw ng mambabasa ang estraktura at
kahulugan ng orihinal
4. Mas mahalaga ang katapatan sa orihinal na tesksto kaysa fluency sa literal na
salin. Ito’y karaniwang ginagawa kapag ang target na mambabasa ng salin ay mga
estudyante, iskolar, o karaniwang taong nakakaunawa sa parehong source language
(SL) at target language (TL). Itinatanghal dito ang kulturang nakapaloob sa SL kaya
naman nagtutunong itong dayuhan. Halimbara ng pagtuon sa dayuhang kultura ang
hindi na paghahanap ng katumbas sa Filipino ng mga kultural na dayuhang o
ekspresyon.
B. Malayang pagsasalin
-nabibigyan ng higit na kalayaan sa paggamit ng mga ekspresyon o pagkontrol sa mga salita
ang tagasalin
-nabibigyan ang tagasalin ng pagkakataon na gamitin ang kaniyang pagiging malikhain sa
pagsasalin
-nais din panatilihin ang orihinal na kahulugan kapag nagsasalin gaya ng literal na pagsasalin
-ginagamit dito ng tagasalin ang natural na anyo at madulas na daloy ng TL
-isinasalin ang teksto batay sa kanilang kahulugan at hindi sa estraktura
5. Halimbawa 1:
Ingles-Pamela was born and raised in Korea.
Tagalog- Ipinanganak at nagkaisip si Pamela sa Korea.
-maaaring gustong ipakita ng tagasalin ang pag-unlad ng kaisipan ni Pamela, na natural na
kakabit ng kaniyang paglaki, kaya naman kaniyang ginamint ang salin na “nagkaisip” kaysa
sa salitang “lumaki”
- dahil dito, naging natural ang dating nito sa paningin at pandinig mambabasa at kaniyang
mauunawan ng mabuti ang akda
Dynamic o Functional Equivalence
- tawag ng iskolar sa pagsasalin, na si Eugene Nida, sa isa pang literal na
pagsasalin
-sa pagsasalin na ito mas mahalaga ang fluency kaysa katapatan sa
estraktura ng SL
Paraphrase
-pag-iiba ng sulat o salita na sinabi ng iba
6. Sa pagsasalin na ito, malaya ang tagasalin na magdagdag o magbawas ng mga
impormasyon na wala sa orihinal na teksto upang maipaintindi sa mambabasa ang
nilalaman ng akda. Karaniwang ginagamit ang paraphrase at interpretason dito
Tuon sa TL
Mas malaya ang salin
Tunog-orihinal ang salin
Inaangkop ang salin sa kultura ng TL
Tuon sa mambabasa
Komunikatibo
Gumagamit ng dynamic at functional equivalence
Katangian ng Malayang Pagsasalin
7. C. Kailan Gagamitin?
-Ang gamit ng dalawang uri ng pagsasalin ay depende sa layunin ng tagasalin at konteksto ng
pagsasalin
-Ayon kay Nida, nakadepende sa mga sumusunod ang gagamiting lapit at metodo sa
pagsasalin:
1. Kalikasan ng Mensahe
2. (Mga) Layunin ng awtor at ng tagasalin
3. Uri ng mambabasa
-Ang tagasalin ang magpapasiya kung saan siya magtutuon
-Ayon sa Alemang iskolar ng pagsasalin na si Friedrich Schleiermacher, dalawa lamang ang
pupuntahan ng tagasalin:
“Either the translator leaves the author in peace as much as possible and moves the
reader toward him; or he leaves the reader in peace as much as possible and
moves the writer towards him”
8. Ang Kwento ni Bamsi Beyrek
Mula sa epikong Bookof Dede Korkut (Turkey)
Salin ni MarkAngeles
Si Bay Bure Bey ay isang prinsipe na nagnanais magkaroon ng anak ngunit hindi maaari dahil sa sumpa ng
Dakilang Allah sa kaniya. Ngunit isang araw, humiling ang mga matatatag na prinsipe ng Oghuz na mabiyayan
siya ng anak nalalaki at anak na babae naman kay Bay Bichen. Pinagkasunduan ng dalawang prinsipe sa kuna
ang kanilang magiging anak kapag natupad ang kanilang hiling at ito nama’y natupad. Lumaki ang anak na lalaki
ni Bay Bure Bey na isang makisig na binata, at sa edad na 15 taong gulang, nagkaroon siya ng pangalan na ‘Bamsi
Beyrek’. Sa edad na 15 lamang siya nagkaroon ng pangalan sapagkat sa panahon iyon, ang isang binata ay walang
pangalan hangga’t hindi pa siya nakakasugat o nakakapugot ng tao. Nang may mapadaan na usa sa Oghuz,
kaniyang tinugis ang isa sa mga ito at napadpad sa isang lugar at nakakita ng pulang tolda na lingid sa kaniyang
kaalaman ay pagmamay-ari ng kaniyang mapapangasawa balang araw na si Banu Chichek. Nang malaman ni
Banu Chichek, anak na babae ni Bay Bichen, kaniyang ipinatawag ang prinsipe at nagkunwaring isang ada niya
upang makipagtagisan sa karera ng kabayo, pagpapana. Pero kalaunan kaniyang inamin pagkatapos niyang
matalo sa kanilang laban kaya nama’y isinuot na ng prinsipe ang gintong singsing sa daliri ng dalaga. Pagbalik ni
Bamsi Beyrek sa kampo, sinabi sa kaniya ng kaniyang ama na may kapatid ang prinsesa, at pinapaslang nito ang
sino mang balak pakasalan ang kaniyang kapatid. Kaya naman si Dede Korkut ang pumunta kung nasaan si Delu
Karchar. Sa huli, kaniyang nakuha ang dalaga at nakabalik sa tolda. Ayon sa kaniya siya’y nakaligtas sa tulong ni
Allah at ng mga banal.
9. Mga Bayani sa mga Epikong Sumerian at Akkadian
Tampok dito ang mga bayaning sa loob ng ilang libong taon ay bahagi ng ng
kamalayan ng maraming kultura sa mundo. Pinapakilala samga ito sina
Enmekar, Lugalbanda, at Gikgamesh na pinaniniwalaang nabuhay noong
sinauna ngunit historikal na panahon.
Enmekar
-hari ng Uruk na matatagpuan sa Timog na bahagi ng Mesopotamia
-Noong una, inakala ng mga iskolar na may isang epiko lamang
tungkol sa paggapi ni Enmekar sa lungsod ng Aratta
-Sa Kasalukuyan, pinaniniwalaang may dalawang magkahiwalay na
epiko tungkol dito. Ang una ay ang “Si Enmerkar at ang Panginoon ng
Aratta”, ang itinuring na pinakamahabang nadiskubreng
epikongSumerian
-Ang “Enmerkar at Ensuhkeshdanna” ay isa pang epikong
nagkuwekuwento sa pagkatalo ng Aratta.
10. Lugalbanda
-tampok siya sa dalawang epikong Sumerian (ikaw-32 BCE) na
binansagan ng mga iskolar na Lugalbanda I (Si Lugalbanda
sa Ilang) at Lugalbanda II (Si Lugalbanda at ang Ibong Anzud
o Ang pagbabalik ni Lugalbanda)
-Ang Lugal ay nangangahulugang hari at ang banda naman
- ay bata, maliit, ngunit matapang
-Sa Lugalbanda I, siyang kabilang sa mga kawal ni Enmerkar na
gustong sakupin ang Aratta. Siyang’y nagkasakit habnag
- nagmamartsa papuntang Aratta kaya naman siya ay iniwan ng mga
kasamahan niya sa isang kuweba sa bundok.
-Sa Lugalbanda II, siya ay nasa kabundukan upang hanapin ang
ibong Anzud na naghahari sa rehiyon. Nang matagpuan ang mga
inakay ng higanting ibon, kaniyang pinakain ito hanggang sa
makatulog. Dahil sa tuwa ng ibon, binigyan niya ang bayani ng
kapangyarihang makapaglakbay nang sobrang bilis na nakatulong sa
paggapi ni Enmerkar sa Aratta
11. Gilgamesh
-supling nina Lugalbanda at ang diyosang si Ninsun
-kalahating-diyos at kalahating-tao na nabuhay ng matagal at
sinasabing nagtataglay ng natatanging lakas
-ikalimang hari ng Uruk