SlideShare a Scribd company logo
1 of 71
MGA MAKRONG KASANAYAN 
PAKIKINIG 
PAGSASALITA 
PAGBASA 
PAGSULAT
Panimula 
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong 
berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang 
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng 
nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag 
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang 
iparating sa kanyang kapwa. 
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa 
at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa 
isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, 
nararapat na paunlarin niya ang kasanayang 
pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang 
magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang 
mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais 
niyang ipaabot.
 Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na 
ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang 
makatotohanang gawain upang iparanas sa 
kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring 
bigyan sila ng maraming babasahing aklat, 
palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, 
paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng 
mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na 
pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng 
isang maunlad na wika.
Paano nalilinang ang mga 
kasanayang pangwika? 
 Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip 
na ang kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa 
mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay 
nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming 
pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan 
sa kanilang mga kaklase. Samakatuwid, ang isang 
klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay 
iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong 
nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at 
karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga 
ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga 
kaklase, mga guro , mga awtor at mga tauhang 
nakakatagpo nila sa mga aklat.
A. Makrong Kasanayan 
sa Pakikinig
Mga Bahagi ng Tainga
Kahulugan ng PAKIKINIG 
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa 
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito 
dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan 
at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang 
kanyang napakinggan. 
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais 
ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig 
ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may 
ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing 
stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory 
nerve patungo sa utak. 
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana 
kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga 
tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay 
dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Kahalagahan ng Pakikinig 
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang 
paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa 
tuwirang pagbabasa. 
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang 
bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng 
mabuting palagayan. 
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong 
konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o 
paggunita sa narinig.
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras 
ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa 
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa 
niya ang makinig kaysa sa magsalita. 
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. 
Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng 
guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong 
makilahok sa kanila. 
45% ay nagagamit sa pakikinig 
30% ay sa pagsasalita 
16% ay sa pagbabasa 
9% naman sa pagsulat
Pamamaraan sa Mabisang 
Pakikinig 
• Alamin ang layunin sa pakikinig 
• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan 
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan 
• Maging isang aktibong kalahok 
• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa 
kakayahan ng tagapagsalita 
• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig 
• Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
MGA URI NG PAKIKINIG 
Deskriminatibo 
Layunin; 
• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang 
paraan ng komunikasyon. 
• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng 
tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang 
nagsasalita. 
Komprehensibo 
Kahalagahan: 
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe. 
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng 
kanyang pinakikinggan.
Paglilibang 
Layunin: 
• upang malibang o aliwin ang sarili 
• ginagawa para sa sariling kasiyahan 
Paggamot 
Kahalagahan: 
• matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na 
madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng 
pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita
Kritikal 
Layunin: 
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng 
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang 
narinig. 
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa 
narinig 
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang 
maintindihan
Mga elementong 
Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig 
• Edad o gulang 
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di 
kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong 
maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang 
kakulangan sa pang-unawa. 
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin 
ay 
hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil 
sa nababagot sila kundi dahil sa mga 
nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang 
kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang 
kahinaan na ng kanilang pandinig
Oras 
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. 
 Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa 
madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya 
sa oras na gising na gising na ang kanyang 
kamalayan. 
 May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, 
ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa 
oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga 
tagapakinig. 
 Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas 
aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante 
panghapon.
Kasarian 
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at 
babae 
 Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng 
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita 
at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging 
negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At 
gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may 
pansarili silang interes. 
 Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking 
tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa 
pagbibigay ng paliwanag. 
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig 
kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
Tsanel 
 Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe 
ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng 
cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. 
 Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng 
mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa 
sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na 
masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang 
emosyon.
Kultura 
• Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging 
dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa 
pakikinig. 
 Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo 
ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. 
Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. 
 Sa panayam, may mga tao na malayang 
nakapagtatanong at sumasalungat habang 
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon 
namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang 
nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong 
lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
• Konsepto sa sarili 
 ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na 
maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon 
sa sinasabi ng tagapagsalita. 
 Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa 
kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay 
maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting 
katapusan.
• Lugar 
 Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang 
nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng 
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang 
panayam. 
 Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot 
ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga 
tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG 
• Eager Beaver 
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang 
tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, 
ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay 
isang malaking tanong. 
• Sleeper 
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang 
tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na 
intensyong makinig. 
• Tiger 
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng 
reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita 
upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang 
susugod at mananagpang
• Bewildered 
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang 
maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang 
pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong 
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa 
kanyang mga naririnig. 
• Frowner 
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang 
may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha 
ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang 
kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang 
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang 
oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
• Relaxed 
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y 
kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa 
pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang 
bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa 
kanya, positibo man o negatibo. 
• Busy Bee 
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang 
pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa 
ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan 
sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang 
kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener 
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya 
gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging 
ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa 
gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang 
kawilihan sa pakikinig.
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG 
AKTIBONG PAKIKINIG 
 Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang 
mapaamo ang matigas na damdamin 
 Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung 
mataimtim na makikinig sa kanya 
 Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit 
ang pakikinig sa wastong paraan 
 Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan 
kung nakikinig sa bawat nagsasalita 
 Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng 
pakikinig 
 Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa 
pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga 
kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig
MGA MALING PANINIWALA SA 
PAKIKINIG 
 ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong 
kasanayan 
 ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay 
makinig 
 hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig
MGA HADLANG SA PAKIKINIG 
• Pagbuo ng maling kaisipan 
• Pagkiling sa sariling opinion 
• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan 
• Pisikal na dahilan 
• Pagkakaiba ng kultura 
• Suliraning pansarili
B. Makrong Kasanayan sa 
Pagsasalita
Mga Bahagi ng Bibig
Kahulugan ng Pagsasalita 
 Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na 
maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at 
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang 
nauunawaan ng kanyang kausap. 
 Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: 
ang nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita 
Mahalaga ang pagsasalita dahil: 
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming 
niloloob ng nagsasalita 
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao 
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng 
nakikinig 
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may 
kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa 
pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa 
pagpapatupad ng mga ito.
Mga Pangangailangan sa 
mabisang pagsasalita 
• Kaalaman 
• Kasanayan 
• Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa 
Pagsasalita 
 tinig 
 bigkas 
 tindig 
 kumpas 
 kilos
Limang Kasanayan sa 
Pagsasalita 
Pakikipag-usap 
pakikipanayam 
pagkatang talakayan 
pagtatalumpati 
pakikipagdebate
Pakikipag-usap 
Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang: 
1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa 
2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap 
3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng 
ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap 
ang pagsasalita 
4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at 
karanasan ng nag-uusap 
5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob
Pakikipanayam (Interbyu) 
• Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng 
pakikipanayam: 
• Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, 
at lugar na maluwag sa kakapanayamin 
• Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang 
paksa 
• Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa 
kakapanayamin 
• Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras 
• Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng 
kawilihan 
• Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at 
mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang 
• Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu
Pangkatang Talakayan 
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan; 
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa 
pagtatalakayan 
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, 
huwag manatiling tahimik 
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring 
makapagpabagal sa talakayan 
4. Magkaroon ng bukas na isipan 
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag 
sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami 
6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa 
mga kasama
Pakikipagdebate o pagtatalo 
Tungkol sa pagtuligsa: 
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban 
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban 
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban 
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga 
patunay at katuwiran ng kalaban 
Tungkol sa pagtatanong 
a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng 
sinundang tagapagsalita 
b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa 
iisang tagapagsalita 
c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban 
kung siya ang nagtatanong
Uri ng talumpati 
Impromptu 
Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap 
na paghahanda. 
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati: 
• Maglaan ng oras sa paghahanda 
• Magkaroon ng tiwala sa sarili 
• Magsalita nang medyo mabagal 
• Magpokus sa paksa habang nagsasalita
Extemporaneous 
Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang 
tiyak na kahandaan sa pagbigkas. 
Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore: 
• Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa 
mismong paligsahan 
• Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
Pinaghandaang talumpati 
Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang 
talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado 
o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati. 
Pagbasa ng papel sa panayam o 
kumperensya 
Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin 
sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at 
ang pagsulat ng panimula, katawan at 
wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may 
kaisahan.
Kahinaan sa pagtatalumpati 
1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng 
maayos kapag nakaharap sa maraming tao. 
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi 
nakapokus ang pansin sa mga nakikinig 
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang 
kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang 
binibitiwan. 
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang 
marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati
Mga mungkahi kung paano 
makapagsasalita ng maayos sa harap 
ng madla: 
• Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong 
magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, 
dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga 
unang segundo o munuto ng pagsasalita. 
• Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya 
na ibabahagi sa madla. 
• Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at 
kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong 
kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga 
taong may depekto ay maari ring magtagumpay. 
• Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging 
mahusay na tagapagsalita.
• Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka 
magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan. 
• Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap 
sa maliliit na pangkat hanggang sa malalaking madla. 
• Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at 
hindi mapanghusga. 
• Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong 
Maykapal.
C. Makrong Kasanayan sa 
Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan 
ng Pagbasa 
• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na 
simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga 
nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. 
• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa 
pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa 
mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. 
• Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan 
natipon ng daigdig sa mahabang panahon. 
• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay 
nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, 
nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang 
suliranin sa buhay.
• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa 
mga babasahin 
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay 
tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi 
pangangatwiran at pag-iisip. 
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng 
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at 
krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, 
pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at 
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t 
ibang kadahilanan: 
 may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman 
o karunungan 
 may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang 
nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng 
takbo ng panahon 
 may nagbabasa upang maaliw o malibang , 
mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na 
nararamdaman
Apat na hakbang ng pagbasa: 
Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”, 
• Ang pagbasa sa akda 
• Ang pag-unawa sa binasa 
• Ang reaksyon sa binasa 
• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong 
kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman
Layunin sa Maunlad na Pagbasa 
• Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa 
• Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at 
masidhing pagbasa 
• Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang 
matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang 
larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na 
pangkatauhan o humanities. 
• Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga 
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat
• Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng 
mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan, paaralan 
at aklatan. 
• Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip 
sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa 
mga binabasa. 
• Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng 
pagbabasa.
MGA URI NG PAGBASA 
Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin 
A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan 
Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis 
na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa 
mambabasa upang malaman ang pangkalahatang 
pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang 
nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong 
pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng 
pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga 
sumusunod: 
 Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang 
nilalaman ng isang aklat 
 pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na 
kailangan sa pananaliksik (key word) 
 pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
 Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa 
paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang 
pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na 
makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga 
rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na 
paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa 
direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang 
establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng 
mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto 
atbp. 
 Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) 
nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri 
sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na 
pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral 
sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
Pamumunang Pagbasa (Critical 
reading) 
Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang 
buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang 
ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. 
Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, 
katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din 
ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, 
ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. 
Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng 
paksa at may-akda.
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata 
lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang 
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog 
ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto. 
Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa 
teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga 
salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig 
at maunawaan ng mga tagapakinig.
Masinsinang Pagbasa 
– hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan 
dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon 
upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin 
ang mga salitang bumubuo sa teksto. 
Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at 
sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang 
buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. 
Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan 
ng ganitong pamamaraan.
Ayon sa layunin 
 Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang 
isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o 
marating. Kailangan natin ang layuning ito 
upang maragdagan ng bago an gating dating 
kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad 
nito ang bawat larangan na ating tinatahak. 
 Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay 
mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas 
ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating 
isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating 
buhay.
Mahalagang Kasanayan sa 
Pagbasa 
 Pagkilala sa mga salita (word perception) 
Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng 
salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas 
 Pag-unawa (comprehension) 
Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa 
mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda. 
 pagpapahalagang literari (literary appreciation) 
may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa 
pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at 
napapanahong isyu. 
 Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research 
& dictionary skills) 
May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga 
bagay at kaalamang di-makita o matagpuan
Limang dimensyon sa 
pagbasa 
1. Pag-unawang literal 
2 Pagbibigay ng Interpretasyon 
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa 
4. Paglalapat o Aplikasyon 
5. Pagpapahalaga
D. Makrong Kasanayan 
sa Pagsulat
Kahulugan ng Pagsulat 
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang 
kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag 
sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang 
paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos 
ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating 
isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat 
Mahalaga ang pagsulat dahil: 
 kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa 
iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa 
ngayon. 
 Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, 
pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga 
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel 
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay. 
 Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng 
liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas 
pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa 
paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga 
kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat 
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa 
pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka 
at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba 
at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo 
na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa 
buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat 
Pag-asinta (Triggering) 
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan 
upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa 
ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang 
magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting 
sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang 
sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering) 
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring 
magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. 
Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at 
ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling 
karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, 
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at 
maging sa panonood ng sine at telebisyon.
Paghugis (Shaping) 
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, 
binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. 
Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring 
maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. 
Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa 
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang 
tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising) 
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan 
lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng 
ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala 
tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. 
Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng 
mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot 
nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng 
pagsulat.
Mga Bahagi ng Pagsulat 
Panimula 
Katawan 
Konklusyon 
Rekomendasyon
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat: 
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang 
sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating 
pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at 
tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o 
magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang 
pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang 
mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga 
pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal 
ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa 
pagsulat ng kathang pormal.
Maraming Salamat po!

More Related Content

What's hot

Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Pakikinig slideshare lecture1
Pakikinig slideshare lecture1Pakikinig slideshare lecture1
Pakikinig slideshare lecture1Urielle20
 
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoMga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoBatoAna
 
Makrong Pakikinig at pagsasalita
Makrong Pakikinig at pagsasalitaMakrong Pakikinig at pagsasalita
Makrong Pakikinig at pagsasalitaJenita Guinoo
 
Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig Lois Ilo
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMETRO MANILA COLLEGE
 
Mga kategorya ng pakikinig
Mga kategorya ng pakikinigMga kategorya ng pakikinig
Mga kategorya ng pakikinigIam Guergio
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoPaghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoChristine Joy Abay
 
Kasanayan sa pagsasalita
Kasanayan sa pagsasalitaKasanayan sa pagsasalita
Kasanayan sa pagsasalitaUrielle20
 
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainFil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainJeffril Cacho
 
Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaMga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaChristine Baga-an
 
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang FilipinoMga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang Filipinoeijrem
 
Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...
Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...
Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...Allan Lloyd Martinez
 
Kahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng PagsasalitaKahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng PagsasalitaMejirushi Kanji
 

What's hot (20)

Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Pakikinig slideshare lecture1
Pakikinig slideshare lecture1Pakikinig slideshare lecture1
Pakikinig slideshare lecture1
 
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoMga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
 
Makrong Kasanayan: Pakikinig
Makrong Kasanayan: PakikinigMakrong Kasanayan: Pakikinig
Makrong Kasanayan: Pakikinig
 
Makrong Pakikinig at pagsasalita
Makrong Pakikinig at pagsasalitaMakrong Pakikinig at pagsasalita
Makrong Pakikinig at pagsasalita
 
ANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKAANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKA
 
Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Mga kategorya ng pakikinig
Mga kategorya ng pakikinigMga kategorya ng pakikinig
Mga kategorya ng pakikinig
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
 
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoPaghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
 
Kasanayan sa pagsasalita
Kasanayan sa pagsasalitaKasanayan sa pagsasalita
Kasanayan sa pagsasalita
 
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainFil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
 
Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaMga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
 
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang FilipinoMga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
 
Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...
Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...
Whole Language Education, Content-Centered Education, Pagkatutong Task-Based ...
 
Kahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng PagsasalitaKahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng Pagsasalita
 
Ang pakikinig
Ang pakikinigAng pakikinig
Ang pakikinig
 
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptxESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
 

Viewers also liked

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Manuel Dinlayan
 
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01Dexter Reyes
 
Mga hakbang sa Pagbasa
Mga  hakbang sa Pagbasa Mga  hakbang sa Pagbasa
Mga hakbang sa Pagbasa Mariel Bagsic
 
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoModule 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoNoel Tan
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOasa net
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksikA. D.
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
World Literature Sample Masterpieces (Summary)
World Literature Sample Masterpieces (Summary)World Literature Sample Masterpieces (Summary)
World Literature Sample Masterpieces (Summary)Avigail Gabaleo Maximo
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayMariel Flores
 

Viewers also liked (15)

AP G8/G9 lm q2
AP G8/G9 lm q2AP G8/G9 lm q2
AP G8/G9 lm q2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
 
Mga hakbang sa Pagbasa
Mga  hakbang sa Pagbasa Mga  hakbang sa Pagbasa
Mga hakbang sa Pagbasa
 
Talumpati
Talumpati Talumpati
Talumpati
 
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - PakikipagkapwaModyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
 
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoModule 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIG
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIGMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIG
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIG
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
World Literature Sample Masterpieces (Summary)
World Literature Sample Masterpieces (Summary)World Literature Sample Masterpieces (Summary)
World Literature Sample Masterpieces (Summary)
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 

Similar to Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)

4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayanRoel Dancel
 
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)Jenie Canillo
 
FIL 1- ARALIN 1.pptx
FIL 1- ARALIN 1.pptxFIL 1- ARALIN 1.pptx
FIL 1- ARALIN 1.pptxJoAnn90
 
pakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptx
pakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptxpakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptx
pakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptxJohnCarloLucido
 
Ang sining ng pakikinig
Ang sining ng pakikinigAng sining ng pakikinig
Ang sining ng pakikinigeijrem
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointleyzelmae
 
dokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.ppt
dokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.pptdokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.ppt
dokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.pptAbegailJoyLumagbas1
 
komunikasyon sa pamilya
komunikasyon sa pamilyakomunikasyon sa pamilya
komunikasyon sa pamilyavincerhomil
 
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxKOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxEverDomingo6
 

Similar to Apat na makrong_kasanayan_-_report (1) (20)

Mga makrong kasanayan.pptx
Mga makrong kasanayan.pptxMga makrong kasanayan.pptx
Mga makrong kasanayan.pptx
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan
 
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)
 
akietch
akietchakietch
akietch
 
FIL 1- ARALIN 1.pptx
FIL 1- ARALIN 1.pptxFIL 1- ARALIN 1.pptx
FIL 1- ARALIN 1.pptx
 
Pakikinig
PakikinigPakikinig
Pakikinig
 
pakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptx
pakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptxpakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptx
pakikinigreport-141002090237-phpapp01 (1).pptx
 
5 MAKRONG KASANAYAN.pdf
5 MAKRONG KASANAYAN.pdf5 MAKRONG KASANAYAN.pdf
5 MAKRONG KASANAYAN.pdf
 
Ang sining ng pakikinig
Ang sining ng pakikinigAng sining ng pakikinig
Ang sining ng pakikinig
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpoint
 
Thesis.
Thesis.Thesis.
Thesis.
 
[Fil] pagsasalita
[Fil] pagsasalita[Fil] pagsasalita
[Fil] pagsasalita
 
KAKAYAHANG MAKINIG
KAKAYAHANG MAKINIGKAKAYAHANG MAKINIG
KAKAYAHANG MAKINIG
 
Oracion_Kagamitang Panturo.pptx
Oracion_Kagamitang Panturo.pptxOracion_Kagamitang Panturo.pptx
Oracion_Kagamitang Panturo.pptx
 
Uri ng pagbasa
Uri ng pagbasaUri ng pagbasa
Uri ng pagbasa
 
dokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.ppt
dokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.pptdokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.ppt
dokumen.tips_komunikasyon-sa-pamilya.ppt
 
komunikasyon sa pamilya
komunikasyon sa pamilyakomunikasyon sa pamilya
komunikasyon sa pamilya
 
PAGSASALITA
PAGSASALITAPAGSASALITA
PAGSASALITA
 
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxKOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
 
Pakikinig
PakikinigPakikinig
Pakikinig
 

Apat na makrong_kasanayan_-_report (1)

  • 1. MGA MAKRONG KASANAYAN PAKIKINIG PAGSASALITA PAGBASA PAGSULAT
  • 2. Panimula Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
  • 3.  Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
  • 4. Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika?  Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase. Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
  • 5. A. Makrong Kasanayan sa Pakikinig
  • 6. Mga Bahagi ng Tainga
  • 7. Kahulugan ng PAKIKINIG • Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. • Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. • Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
  • 8. Kahalagahan ng Pakikinig • Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. • Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. • Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
  • 9. Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. 45% ay nagagamit sa pakikinig 30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa pagsulat
  • 10. Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig • Alamin ang layunin sa pakikinig • Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan • Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan • Maging isang aktibong kalahok • Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita • Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig • Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
  • 11. MGA URI NG PAKIKINIG Deskriminatibo Layunin; • matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon. • binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita. Komprehensibo Kahalagahan: • Maunawaan ang kabuuan ng mensahe. • Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
  • 12. Paglilibang Layunin: • upang malibang o aliwin ang sarili • ginagawa para sa sariling kasiyahan Paggamot Kahalagahan: • matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita
  • 13. Kritikal Layunin: • gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig. • Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig • Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan
  • 14. Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig • Edad o gulang Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig
  • 15. Oras Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.  Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.  May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.  Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
  • 16. Kasarian Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae  Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.  Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
  • 17. Tsanel  Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.  Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
  • 18. Kultura • Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.  Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.  Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
  • 19. • Konsepto sa sarili  ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.  Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
  • 20. • Lugar  Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.  Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.
  • 21. MGA URI NG TAGAPAKINIG • Eager Beaver Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong. • Sleeper Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig. • Tiger Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang
  • 22. • Bewildered Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig. • Frowner Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
  • 23. • Relaxed Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo. • Busy Bee Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
  • 24. • Two-eared Listener Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
  • 25. MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG  Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin  Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya  Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan  Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita  Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig  Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig
  • 26. MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG  ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan  ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig  hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig
  • 27. MGA HADLANG SA PAKIKINIG • Pagbuo ng maling kaisipan • Pagkiling sa sariling opinion • Pagkakaiba-iba ng pakahulugan • Pisikal na dahilan • Pagkakaiba ng kultura • Suliraning pansarili
  • 28. B. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
  • 29. Mga Bahagi ng Bibig
  • 30. Kahulugan ng Pagsasalita  Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.  Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap
  • 31. Kahalagahan ng Pagsasalita Mahalaga ang pagsasalita dahil: • naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita • nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao • nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig • naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
  • 32. Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita • Kaalaman • Kasanayan • Tiwala sa Sarili
  • 33. Mga Kasangkapan sa Pagsasalita  tinig  bigkas  tindig  kumpas  kilos
  • 34. Limang Kasanayan sa Pagsasalita Pakikipag-usap pakikipanayam pagkatang talakayan pagtatalumpati pakikipagdebate
  • 35. Pakikipag-usap Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang: 1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa 2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap 3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita 4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap 5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob
  • 36. Pakikipanayam (Interbyu) • Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng pakikipanayam: • Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin • Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa • Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin • Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras • Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan • Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang • Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu
  • 37. Pangkatang Talakayan Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan; 1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan 2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik 3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan 4. Magkaroon ng bukas na isipan 5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami 6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama
  • 38. Pakikipagdebate o pagtatalo Tungkol sa pagtuligsa: a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban Tungkol sa pagtatanong a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong
  • 39. Uri ng talumpati Impromptu Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda. Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati: • Maglaan ng oras sa paghahanda • Magkaroon ng tiwala sa sarili • Magsalita nang medyo mabagal • Magpokus sa paksa habang nagsasalita
  • 40. Extemporaneous Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas. Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore: • Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan • Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
  • 41. Pinaghandaang talumpati Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.
  • 42. Kahinaan sa pagtatalumpati 1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao. 2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig 3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan. 4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati
  • 43. Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap ng madla: • Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o munuto ng pagsasalita. • Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla. • Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay. • Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.
  • 44. • Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan. • Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa malalaking madla. • Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga. • Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.
  • 45. C. Makrong Kasanayan sa Pagbasa
  • 46. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa • Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. • Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. • Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon. • Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.
  • 47. • Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin • Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip. • Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
  • 48. Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:  may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan  may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon  may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman
  • 49. Apat na hakbang ng pagbasa: Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”, • Ang pagbasa sa akda • Ang pag-unawa sa binasa • Ang reaksyon sa binasa • Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman
  • 50. Layunin sa Maunlad na Pagbasa • Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa • Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa • Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities. • Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat
  • 51. • Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan, paaralan at aklatan. • Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa. • Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.
  • 52. MGA URI NG PAGBASA Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
  • 53. Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:  Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat  pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word)  pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
  • 54.  Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.  Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
  • 55. Pamumunang Pagbasa (Critical reading) Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
  • 56. Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto. Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
  • 57. Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto. Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.
  • 58. Ayon sa layunin  Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak.  Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.
  • 59. Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa  Pagkilala sa mga salita (word perception) Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas  Pag-unawa (comprehension) Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.  pagpapahalagang literari (literary appreciation) may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.  Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills) May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan
  • 60. Limang dimensyon sa pagbasa 1. Pag-unawang literal 2 Pagbibigay ng Interpretasyon 3. Mapanuri o kritikal na pagbasa 4. Paglalapat o Aplikasyon 5. Pagpapahalaga
  • 61. D. Makrong Kasanayan sa Pagsulat
  • 62. Kahulugan ng Pagsulat Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
  • 63. Kahalagahan ng Pagsulat Mahalaga ang pagsulat dahil:  kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.  Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.  Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
  • 64. Proseso ng Pagsulat Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
  • 65. Pamamaraan ng Pagsulat Pag-asinta (Triggering) Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
  • 66. Pagtipon (Gathering) Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
  • 67. Paghugis (Shaping) Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
  • 68. Pagrebisa (Revising) Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.
  • 69. Mga Bahagi ng Pagsulat Panimula Katawan Konklusyon Rekomendasyon
  • 70. Mga Uri ng Gawaing Pagsulat: Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.