Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon, na naglalayong ipaliwanag ang mga pagbabago at kontribusyon ng mga klasikal na lipunan sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon. Kasama sa mga aralin ang pag-usbong at pag-unlad ng kabihasnang Minoan, Mycenaean, Griyego, at Romano, pati na rin ang pag-aaral ng mga kabihasnang Amerikano at African. Sinusuri din ang mga salik na naging sanhi at bunga ng mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng daigdig.