Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon. Ang estudyante ay inaasahang matutunan ang mga kontribusyon ng klasikal na kabihasnan sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon. May kasama itong mga aralin tungkol sa pag-usbong at pag-unlad ng mga lipunan sa Europe, America, Africa, at mga pulo sa Pacific at ang epekto ng mga pangyayari sa kasaysayan sa pandaigdigang kamalayan.