Ang kabihasnang Tsino ay itinuturing na pinakamatanda sa buong mundo, umusbong ito sa tabi ng Huang Ho sa mahigit 4,000 taon na ang nakalilipas. Ang mga ideolohiyang tulad ng Confucianism at Taoism ay nagpatatag sa kultura nito, habang ang iba't ibang dinastiya ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng mga teknolohiya at sining, tulad ng pagbuo ng Great Wall at ang pagpapalawak ng kalakalan. Sa kabila ng mga pagsubok at pag-aalsang naganap, ang sistema ng pamahalaan at kultura ng Tsina ay patuloy na umunlad, na umabot hanggang sa pagtatapos ng mga dinastiya noong 1911.