ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
1.
2. Sa katapusan ng aralin 100% ng mga mag-aaral
ay inaaasahang makakatamo ng 85% ng
kasanayan na:
• Nahihinuha ang kalalabasan ng mga
pangyayari batay sa akdang napakinggan.
• Natutukoy at naipaliliwanag ang
mahahalagaang kaisipan sa binasang akda.
• Nailalarawan ang isang kakilala na may
pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa
napanood na animation
3. • Naibabahagi ang sariling pananaw at
saloobin sa pagiging karapat-dapat o di-
karapat-dapat na paggamit ng hayop bilang
tauhan sa pabula
• Naipahahayag nang pasulat ang saloobin
tungkol sa paggamit ng hayop bilang tauhang
nagsasalita at kumikilos na parang tao
• Nagagamit ang ekspresyong naghahayag ng
posibilidad
4.
5.
6. Ang mga Bagobo ay nananahan sa
bulubunduking rehiyon ng Pulangi at
Davao. Ang pangunahing pinagkukunan
nila ng kabuhayan ay pagsasaka ng palay,
mais, kamote at patatas. May mangilan-
ngilan din naman na nangangaso at
ngingisda. Kalat-kalat ang kanilang mga
tirahan subalit malapit naman ito sa
kanilang pinagsasakahan.
7. Ang mga pagkakahiwalay na ito ay
pinagbubuklod-bulod ng kanilang datu
na namumuno sa kanilang lugar. Ang
bahay ng datu ang karaniwanang
pinakamalaking tahanan at nagsisilbing
tanggulan kapag may nagbabantang
panganib sa kanilang komunidad.
8. Ang mga Bagobo ay itinuturing na may
makukulay na pamayanan sa Pilipinas
dahil sa kanilang kasuotan abaka na
binuburdahan ng iba’t-ibang makukulay
na disenyo. May mga produkto silang
gawa sa metal, bakal at tanso. Ang maliit
na kuliling o kampanilya na nakakabit sa
damit ay tatak ng isang Bagobo.
9. Ang panitikan ay hango sa salitang Kastila
na “literatura,” at ito ay binubuo ng
_______.
a.kuwento
b.tula
c.tuluyan
d.b at c
10. Ang mga tauhan na gumaganap sa
isang pabula ay _________.
a.artista
b.hayop
c.tao
d.wala sa nabanggit
11. Ang pabula ay tulad ng parabula na
nagbibigay ng _______.
a.aral
b.datos
c.impormasyon
d.konsepto
12.
13. PABULA
Ang Pabula ay isang akdang pampanitikan
na nasa anyo ng tuluyan. Isa itong salaysay o
kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop
na nakapagsasalita, ngunit sa mas malalim
na pakahulugan ng kuwento, ang mga hayop
na ito ay nagsisilbing representasyon ng mga
tao sa lipunan.
14. Isang malikhaing paraan ng pagsasalaysay
ng isang makabuluhang karanasan ang
mga kuwentong pabula. Sa mga pabula,
isinasalin ng may-akda ang katauhan,
katangian, damdamin, katalinuhan at
marami pang aspekto ng pagkatao sa mga
tauhang hayop o iba pang hindi taong
bagay sa mundo.
15. Tulad ng mga taong may iba’t ibang
pinagmulan at kalikasan ngunit
nagkakataong magkadaupang palad,
matutunghayan din sa pabula ang ilang
interaksyon sa pagitan ng mga hayop
na maaaring magkasundo o hindi na
taliwas sa iyong inaakala.
16. Katulad ng maraming kuwento, ang pabula
ay may mga elementong tauhan, tagpuan,
suliranin, banghay at mahalagang
kaisipan. Higit na napatitingkad ang
kabuluhan ng pabula dahil sa mga hayop
na humahalili sa tao upang mabigyang-
tuon ang isang mahalagang kaisipan o
ideya.
20. Noong unang panahon, may isang alimaung at isang usa na
nagkasalubong sa gubat. Tinawag ng alimaung ang usa upang
sabihin ang kanyang napanaginipan.
Tugon ng usa, “Hindi ako lalapit sa iyo.”
“Sabi sa aking panaginip na masarap daw kainin ang iyong
atay,” agad naming sagot ng alimaung.
Natakot ang usa sa sinabi ng alimaung kaya’t nagmamadali
itong tumakbo palayo sa alimaung. Nakarating siya sa bahay
ng isang datu. “Maaari ba akong manatili rito sandali?”
tanong ng usa sa datu.
21. “Hindi maaari. Maghanap ka na ng ibang matutuluyan,”
tugon naman ng datu.
Naglakad muli ang usa hanggang makaharap niya ang isang
kalabaw. “Saan ka patungo?” tanong ng kalabaw.
“Tulungan mo naman ako. Hinahabol ako ng alimaung dahil
gusto niyang kainin ang atay ko.”
“Sige, magtago ka muna sa banda riyan. Kapag narinig mo
ang aking unga, ibig sabihin, parating na ang alimaung,”
sagot ng kalabaw.
22. Makalipas ang ilang sandal, dumating ang alimaung.
Itinanong ng alimaung sa kalabaw kung napadaan na rito ang
usa. “Hindi ko alam,” tugon ng kalabaw, “kanina pa ako
nanginginain ng damo, kaya ‘di ko napansin.” Umunga nang
malakas ang kalabaw at narinig ito ng usa.
Kumaripas ng takbo ang usa hanggang makarating siya sa
harap ng isang kabayo. “Tulungan mo ako, Ginoong kabayo,”
sabi ng usa, “tumatakas ako dahil kakainin ang atay ko ng
alimaung.”
23. “Lumayo ka na rito, dahil hindi kita matutulungan,” tugon ng
kabayo.
Nagmamadaling tumakbong palayo ang usa. Ilang sandali lang ay
dumating naman ang alimaung at tinanong ang kabayo kung
naparaan dito ang usa. “Hinid ko nakita dahil kanina pa ako
nanginginain ng damo,” tugon ng kabayo.
Samantala, nakasalubong ng usa ang isang kambing. “Maaari ba
ninyo akong tulungan? Nais kainin ng alimaung ang aking atay,
kaya kailangan kong magtago.”
“Sige, magtago ka na sa banda riyan. Kaya kong harapin ang
alimaung na iyan,” nagmamalaking sagot ng kambing.
24. Nakarating din ang alimaung sa kinaroroonan ng kambing.
“Nakita mo ba ang usa na dumaan dito?” tanong ng alimaung.
“Hindi,” tugon ng kambing, “kanina pa ako nanginginain ng
dahon dito.”
“Ituro mo na sa akin ang usa dahil nais ko nang kainin ang
atay niya.”
“Puntahan mo riyan sa balon,” mahinang tugon ng kambing.
25. Pinuntahan ng alimaung ang balon at sinilip ang ilalim ng
balon. Bigla na lamang siyang nagulat nan gang makita niya
roon ay isa pang ulo ng alimaung. “Pinatay ko ang alimaung
na nariyan sa ilalim. Kapag kinain mo ang atay ng using
hinahanap mo, kakainin ko rin ang atay mo,” malakas na
sambit ng kambing.
Sa takot ng alimaung, kumaripas ito ng takbo. Nakasalubong
nito ang isang unggoy. Tanong ng unggoy sa kanya, “Bakit ka
ba nagmamadali? May tinatakasan ka ba?”
26. “Gusto kong kainin ang atay ng usa pero pinoprotektahan siya
ng isang kambing na pumapatay ng alimaung,”
nagmamadaling sagot ng alimaung.
“Niloloko ka lang ng kambing na iyon. Halika, sasamahan kita
uli roon. Kaya lang itali natin an gating mga buntot.
Pagsamahin natin upang mabawasan ang takot,” sabi ng
unggoy. Tumungo na ang dalawa sa kinaroroonan ng
kambing.
27. “Ano ang dala ninyong balita?” tanong ng kambing sa
dalawang bagong dating.
“Naparito kami upang kunin ang using itinatago mo,” sagot
ng unggoy.
“Naroon sa balon,” nananakot na tugon ng kambing. “Doon
kayo tumingin dahil nariyan din ang ulo ng alimaung na
pinatay ko.”
28. “Sabi ko na sa iyo, e,” takot na sambit ng alimaung. “Ayoko na
kasing bumalik dito dahil papatayin din niya ako.” Kaya
kumaripas na ito ng takbo palayo sa kambing. At dahil
magkatali ang kanilang mga buntot, pati ang unggoy ay nahila
sa pagtakbo ng alimaung. Tumama sa mga punong nadaanan
ang ulo ng unggoy kaya tuluyan na siyang namatay.
Nagpakalayo-layo ang alimaung at nagtago. Samantala, ang
usa ay ligtas at nagsasaya na.
30. Bakit hinahabol ng alimaung ang usa?
Paano nalaman ng alimaung na
masarap ang atay ng usa?
Pansinin na ang tumulong pa sa usa
na labanan ang alimaung ay isang
kambing lamang. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
31. Ano ang nakita ng alimaung sa ilalim ng
balon kaya siya natakot?
Ano ang katangian ng balon kaya
nagamit ito ng kambing laban sa
alimaung?
32. Itinali nina unggoy at alimaung ang
mga buntot nila sa isa’t-isa nang
babalikan nila ang kambing. Bakit pa
nila ginawa ito?
Ano ang ipinahihiwatig ng pagtali ng
buntot ng unggoy at alimaung? May
ganito bang paniniwala ang mga
bagobo?
33. Sa huli, dahil sa takot ng alimaung, pati
ang unggoy ay napahamak. Paano
namatay ang ungoy?
Bakit kaya tinulungan ng unggoy ang
alimaung? Batay sa mga nabasa o
narinig na ninyong kuwento noong
bata pa kayo, ano ang katangian ng
isang unggoy?
34. Isa sa mga karaniwang nakikitang
sitwasyon o pangyayari sa mga
pabula ay ang panloloko. Paano
naipakita ito sa kuwento?
35. Pinipili mo ba ang taong tutulungan
mo? Saan mo ibinatay ito?
Ano ang aral na mapupulot sa
kuwento? Ano kaya ang ipinahihiwatig
ng kuwento na dapat gayahin o
iwasang gawin ng mga Bagobo noon?
Paano mo magagamit ang aral sa
kuwento sa kasalukuyang panahon?
Ituloy ang pahayag: “Batay sa aking
natutuhan sa kuwento, makatutulong
ako sa aking bansa kung
__________.”
Aralin 2 – Gawain 1: Saloobin mo!
37. Puwedeng magkatotoo ang sinabi
ng manghuhula.
Kung talagang ayaw mo, maaari
naming bumili ka na lang ng bago.
Posibleng mapahamak tayo kung
hindi tayo mag-iingat.
38. Baka siya ang mananalo sa laban.
Sana ay magkita ulit kayo ng
iyong kaibigan.
40. May katiyakan ang kahulugan sa
pagkakagamit ng mga salitang maaari
at puwede sa mga ibinigay na
halimbawa. Madalas itong
matatagpuan sa paturol o
deklaratibong pangungusap. Maraming
pagkakataon na nagsasalitan ang
paggamit ng maaari at puwede.
41. Subalit, kailangang bantayan ang mga
pagkakataong sa tulong ng ilang
salitang katulad ng kung at pagbabago
ng anyo ng pangungusap (pangungusap
na patanong), nagbabago ang diwa ng
paggamit ng maaari at puwede.
Pag-aalangan ang nagiging katumbas
na kahulugan nito.
42. Halimbawa:
Maaari mo ba akong pahiramin
ng sapatos mo?
Ako na sana ang dadalo sa pulong,
kung pupuwede sa iskedyul ko.
43. Kabilang ang panagano sa kategoryang
pang-abay. Isa itong panturing.
Karaniwang ang tinuturingan ng
panagano ay sugnay.
44. Ang mga panaganong ito ay nagdaragdag
ng pananaw o sinasaloob ng nagsasalita
tungkol sa ipinahahayag ng mga sugnay
(posibilidad, halimbawa, kahilingan,
obligasyon, kasiguraduhan, at iba pang
kaparehong diwa). Ang baka ay
panaganong naghahayag ng
posibilidad.
46. *Ang mga salitang posible, maaari,
puwede, marahil, siguro, baka, sa
palagay ko at ibang kauri nito ay mga
ekspresyong naghahayag ng posibilidad.
Maaaring magkatotoo subalit hindi pa
matiyak o masiguro. Ginagamit ito sa
pagsasabi ng mga bagay na maaaring
mangyari.
49. 1. Ano ang katangian ni Buboy?
2. Ano ang katangian ni Amparo?
3. Ano ang katangian ng Diwata?
4. May kakilala ka bang maaaring
maitulad kina Buboy, Amparo, at
Diwata? Bakit sila ang pinili ninyo?
51. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng
kuwento sa “Si Pilandok at ang Batingaw”?
Ang Alimaung at ang
Usa
Pagkakatulad at/o
Pagkakaiba
Si Pilandok at ang
Batingaw
Pangunahing tauhan
at ang
kanyang mga
katangian
Ang kalaban at ang
kanyang mga
katangian
Ang paraan ng
pangaapi sa
kalaban
53. Pagpapahayag ng Saloobin
Sumulat ng dalawa hanggang tatlong talata at
isulat ito sa espasyong nakalaan ang iyong
pananaw ukol sa paggamit ng hayop bilang
tauhan sa isang kuwento. Maaaring gamitin
sumusunod na gabay na tanong para malaman
ang kasagutan. Isaalang-alang ang paggamit
ng ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad.
54. 1. Ano-ano ang naidudulot na epekto sa
mambabasa kung ang tauhan dito ay mga hayop
na malayo sa pangkaraniwang tao?
2. Madali bang nakauugnay ang mambabasa sa
hayop na tauhan na binigyan ng ilang
katangiangpantao?
3. Makatwiran bang matanggal ang ibang
katangian ng hayop at mapalitan ito ng katangian
ng tao?
4. Dapat pa bang gamiting tauhan ng isang
naratibo ang mga hayop?
55. PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nilalaman
Dapat mailahad sa talata ang mahahalagang impormayon
ukol sa paggamit ng hayop bilang tauhan sa isang
kuwento
Pagpapahayag
Malinaw ang pagpapahayag lalo na’t mabisa ang ginawang
pagbibigay ng opinyon, at paglalahad ng sanhi at bunga.
Bahagi ng Talata
Mabisa at kaakit-akit ang simula ng sulatin. Malaman ang
katawan. Nagbubuod ang wakas at nanghihikayat.
Gramatika
Isinakatuparan ang wastong pagbabaybay at gamit ng mga
salita, pagbabantas, at pag-uugnay-ugnay ng mga kaisipang
ipinahayag.
Checkbrik sa Pagsulat ng Talata