SlideShare a Scribd company logo
Tahan Na,
Tahanan
Isinulat ni
Maria Isabel Alarilla-Arellano
Iginuhit ni Don M. Salubayba
Isinalin sa Ingles ni Lawrence L. Ypil
Isang araw, may ibinalita
sa akin si Nanay.
Ang sabi niya,
“Anak, tayo ay maglilipat-bahay!”
Mas malaki, mas maganda,
mas magara, mas makulay.
Ganyan daw ang bagong tirahang
sa amin ay naghihintay.
Wow!
Ako ay lubhang nasorpresa
at nagalak.
Napatalon pa nga ako
sa tuwa at pumalakpak.
Naisip ko,
ito’y isang nakakasabik
na kabanata;
Para sa akin
at sa aming
malaking pamilya.
Pero, teka!
Bigla naman akong natigilan.
Ilang tanong ang pumasok
sa aking murang isipan.
Madadala kaya namin
ang lahat ng kagamitan?
Wala kayang
importanteng maiiwanan?
Makakasama ba ang lahat
ng kapamilya ko?
‘Di kaya mahirap puntahan ‘yun
at masyadong malayo?
At paano na kaya
ang aking mga kaibigan?
‘Di kaya sila maligaw
patungo sa bagong tirahan?
May hardin din kaya
sa aming lilipatan?
Meron din bang
nakakaaliw na palaruan?
Marami rin kayang lugar
na puwedeng pasyalan?
Maibibigay ba nito
lahat ng aming kailangan?
Sinulyapan ko
ang aming bahay,
nilibot ang bawat bahagi.
Dito ako isinilang,
nagkaisip,
natuto,
lumaki.
Dito ko nadama ang saya
at pagmamahalan.
Dito ko naranasan
ang damayan
at pagbibigayan.
Ilang bagyo na rin
ang kanyang pinagdaanan.
Pero ang lahat ng ito
ay kanyang nalampasan.
Siya ang aming sandigan,
takbuhan, kanlungan.
Ah, paano ko ba siya
magagawang iwanan
at kalimutan?
Kinagabihan
ay paikut-ikot ako
sa aking kama.
‘Di ako makatulog,
para akong balisa.
Magulo ang aking isip,
damdamin ay halu-halo.
Natatakot,
kinakabahan,
nalulungkot,
nalilito.
Unti-unti ay bumigat
ang aking mga mata.
Pagod na utak at puso
ay gusto nang
mamahinga.
Pero, teka!
Ano ba itong nakikita ko?
Ang aming bahay
ay tila nag-anyong-tao!
Kitang-kita ko ang mga patak
ng luhang nag-uunahan.
Damang-dama ko ang kanyang
lubos na kalungkutan.
Niyakap ko siya
at hinaplos nang marahan.
Bulong ko sa kanya,
“Tahan na, Tahanan.”
Alam ko na
kung ano ang dapat gawin.
Inaya ko siyang sumama sa akin.
Sa malayong lugar kami pupunta.
Kung saan hindi kami
masusundan at makikita.
Kaya’t dala-dala ang ilang gamit
ay aming sinimulan
Ang paglalakbay kahit di-tiyak
ang patutunguhan.
Pero ‘di pa man kami
masyadong nakakalayo,
May pangyayaring gumulat
sa aming pareho.
Malakas na hangin
at malalaking patak ng ulan
Ang biglang sumalubong
sa aming daanan.
Nakakatakot
ang tubig na rumaragasa.
Kami ay inanod,
pati na ang aming pag-asa.
Napapikit na lamang ako
sa sobrang pangamba.
Hinigpitan ko ang paghawak
sa tahanang sinisinta.
Pakiramdam ko
ay mabilis na umikot
ang buong mundo.
Pero pagbukas ng aking mata,
nasa kama pa rin pala ako!
‘Di ko na napigilan
ang aking mga luha sa pagtulo.
Nilapitan naman ako ni Nanay
at masuyong niyakap ako.
Ang sabi ni Nanay,
“Ssshh. Tahan na, aking Bunso.
Normal lang naman
na matakot ka sa pagbabago.
“Pero huwag kang mag-alala
dahil pangako sa iyo,
Doon ay magiging
mas masaya tayo.
Tandaan mo na lagi kong
hangad ang pinakamaganda,
Para sa ikabubuti
ng ating pamilya.”
“Hindi mo naman kailangang
iwanan o kalimutan,
Ang masasayang alaala
nitong ating tahanan.
Sa halip ay ipunin
at baunin mo lahat ito,
Bilang mahalagang bahagi
ng buhay mo.
“Anak, lagi mo
rin sanang tatandaan,
Ang tunay na
kahulugan ng tahanan.
Hindi ito isang lugar
o pisikal na konsepto;
Ito ay nasa kaibuturan
ng ating mga puso.”
Napangiti ako
sa mga salita ni Nanay.
Mga gintong aral ito
para sa ating buhay.
Ang tahanan ay dala-dala natin
saan man tayo mapunta;
Basta’t tunay
ang ating pagmamahal
sa isa’t isa!
About the ARTIST
Don Maralit Salubayba was born in Davao from a Batanguena mother and a father from the Quezon
province. He grew up in Laguna, and is married to OJ who is part-Ilongga and part-Ibaloi.
His art background is rooted from the Philippine High School for the Arts in Mt. Makiling and at the
University of the Philippines in Diliman. A 2009 Thirteen Artist awardee from the Cultural Center of
the Philippines, he has also had numerous exhibitions and residencies locally and abroad.
Don is a proud ‘Tatay’ to Amaya and Elias and a loving ‘Kabiyak’ to his wife.
~
About the AUTHOR
Maria Isabel “Issa” Alarilla-Arellano wrote “Tahan Na, Tahanan” based on her
own experiences, having lived in at least 20 different houses throughout her life. Joining Romeo
Forbes Children’s Storywriting Competition for the first time, she considers this book a dream
come true.
A graduate of the University of the Philippines, Issa loves to write, especially stories and poems for
children. After more than a decade of working as editor-writer of educational magazines, she decided to
venture into the advertising world overseas.
She and husband Carlos are presently living in Dubai, UAE.
The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS) is a nonprofit
organization dedicated to promoting greater awareness and appreciation for Philippine art, culture and the environment.
CANVAS is committed to making our stories accessible and affordable for everyone. You can read, enjoy, download and
share digital versions of our books for free at www.canvas.ph.
We enjoy hearing from our readers.
Please feel free to let us know what you think of this book by emailing us at info@canvas.ph or by mail at: CANVAS, No.1
Upsilon Drive Ext., Alpha Village, Diliman, Quezon City, Philippines 1119.

More Related Content

Similar to TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf

Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
StemGeneroso
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Jenita Guinoo
 
Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptx
Noemz1
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
MarydelTrilles
 
folksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdffolksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdf
joanabesoreta2
 
Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7
Kaypian National High School
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
StemGeneroso
 
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptxangpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
DenandSanbuenaventur
 
Lost in Translation
Lost in Translation Lost in Translation
Lost in Translation
Christine Barrozo
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
LovelyBaniqued2
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULE
ghelle23
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
StemGeneroso
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
sarahruiz28
 
Gelo`s Experiment.pptx
Gelo`s Experiment.pptxGelo`s Experiment.pptx
Gelo`s Experiment.pptx
JulieAnnAgsalogGacul
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyCarlo Precioso
 

Similar to TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf (20)

Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
 
Speech - as a Scholar of Baclaran Church
Speech - as a Scholar of Baclaran ChurchSpeech - as a Scholar of Baclaran Church
Speech - as a Scholar of Baclaran Church
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
 
Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptx
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
folksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdffolksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdf
 
Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptxangpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
 
Lost in Translation
Lost in Translation Lost in Translation
Lost in Translation
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
 
Cams
CamsCams
Cams
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULE
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Whos line is it Game
Whos line is it GameWhos line is it Game
Whos line is it Game
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
Gelo`s Experiment.pptx
Gelo`s Experiment.pptxGelo`s Experiment.pptx
Gelo`s Experiment.pptx
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
 

More from JosephEnoviso

Adjectives1.pptx
Adjectives1.pptxAdjectives1.pptx
Adjectives1.pptx
JosephEnoviso
 
DEMO MATH PPT.pptx
DEMO MATH PPT.pptxDEMO MATH PPT.pptx
DEMO MATH PPT.pptx
JosephEnoviso
 
The lion and the mouse.pptx
The lion and the mouse.pptxThe lion and the mouse.pptx
The lion and the mouse.pptx
JosephEnoviso
 
Panganay.pptx
Panganay.pptxPanganay.pptx
Panganay.pptx
JosephEnoviso
 
VOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptx
VOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptxVOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptx
VOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptx
JosephEnoviso
 
TEGR112-PPT-DEMO.pptx
TEGR112-PPT-DEMO.pptxTEGR112-PPT-DEMO.pptx
TEGR112-PPT-DEMO.pptx
JosephEnoviso
 
CURRICULUM COMPONENTS.pptx
CURRICULUM COMPONENTS.pptxCURRICULUM COMPONENTS.pptx
CURRICULUM COMPONENTS.pptx
JosephEnoviso
 

More from JosephEnoviso (7)

Adjectives1.pptx
Adjectives1.pptxAdjectives1.pptx
Adjectives1.pptx
 
DEMO MATH PPT.pptx
DEMO MATH PPT.pptxDEMO MATH PPT.pptx
DEMO MATH PPT.pptx
 
The lion and the mouse.pptx
The lion and the mouse.pptxThe lion and the mouse.pptx
The lion and the mouse.pptx
 
Panganay.pptx
Panganay.pptxPanganay.pptx
Panganay.pptx
 
VOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptx
VOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptxVOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptx
VOLCANO BY JESSEBEL ENOVISO.pptx
 
TEGR112-PPT-DEMO.pptx
TEGR112-PPT-DEMO.pptxTEGR112-PPT-DEMO.pptx
TEGR112-PPT-DEMO.pptx
 
CURRICULUM COMPONENTS.pptx
CURRICULUM COMPONENTS.pptxCURRICULUM COMPONENTS.pptx
CURRICULUM COMPONENTS.pptx
 

TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf

  • 1. Tahan Na, Tahanan Isinulat ni Maria Isabel Alarilla-Arellano Iginuhit ni Don M. Salubayba Isinalin sa Ingles ni Lawrence L. Ypil
  • 2. Isang araw, may ibinalita sa akin si Nanay. Ang sabi niya, “Anak, tayo ay maglilipat-bahay!” Mas malaki, mas maganda, mas magara, mas makulay. Ganyan daw ang bagong tirahang sa amin ay naghihintay.
  • 3. Wow! Ako ay lubhang nasorpresa at nagalak. Napatalon pa nga ako sa tuwa at pumalakpak. Naisip ko, ito’y isang nakakasabik na kabanata; Para sa akin at sa aming malaking pamilya.
  • 4. Pero, teka! Bigla naman akong natigilan. Ilang tanong ang pumasok sa aking murang isipan. Madadala kaya namin ang lahat ng kagamitan? Wala kayang importanteng maiiwanan?
  • 5. Makakasama ba ang lahat ng kapamilya ko? ‘Di kaya mahirap puntahan ‘yun at masyadong malayo? At paano na kaya ang aking mga kaibigan? ‘Di kaya sila maligaw patungo sa bagong tirahan?
  • 6. May hardin din kaya sa aming lilipatan? Meron din bang nakakaaliw na palaruan? Marami rin kayang lugar na puwedeng pasyalan? Maibibigay ba nito lahat ng aming kailangan?
  • 7. Sinulyapan ko ang aming bahay, nilibot ang bawat bahagi. Dito ako isinilang, nagkaisip, natuto, lumaki. Dito ko nadama ang saya at pagmamahalan. Dito ko naranasan ang damayan at pagbibigayan.
  • 8. Ilang bagyo na rin ang kanyang pinagdaanan. Pero ang lahat ng ito ay kanyang nalampasan. Siya ang aming sandigan, takbuhan, kanlungan. Ah, paano ko ba siya magagawang iwanan at kalimutan?
  • 9. Kinagabihan ay paikut-ikot ako sa aking kama. ‘Di ako makatulog, para akong balisa. Magulo ang aking isip, damdamin ay halu-halo. Natatakot, kinakabahan, nalulungkot, nalilito.
  • 10. Unti-unti ay bumigat ang aking mga mata. Pagod na utak at puso ay gusto nang mamahinga.
  • 11. Pero, teka! Ano ba itong nakikita ko? Ang aming bahay ay tila nag-anyong-tao!
  • 12. Kitang-kita ko ang mga patak ng luhang nag-uunahan. Damang-dama ko ang kanyang lubos na kalungkutan. Niyakap ko siya at hinaplos nang marahan. Bulong ko sa kanya, “Tahan na, Tahanan.”
  • 13. Alam ko na kung ano ang dapat gawin. Inaya ko siyang sumama sa akin. Sa malayong lugar kami pupunta. Kung saan hindi kami masusundan at makikita.
  • 14. Kaya’t dala-dala ang ilang gamit ay aming sinimulan Ang paglalakbay kahit di-tiyak ang patutunguhan. Pero ‘di pa man kami masyadong nakakalayo, May pangyayaring gumulat sa aming pareho.
  • 15. Malakas na hangin at malalaking patak ng ulan Ang biglang sumalubong sa aming daanan. Nakakatakot ang tubig na rumaragasa. Kami ay inanod, pati na ang aming pag-asa.
  • 16. Napapikit na lamang ako sa sobrang pangamba. Hinigpitan ko ang paghawak sa tahanang sinisinta. Pakiramdam ko ay mabilis na umikot ang buong mundo. Pero pagbukas ng aking mata, nasa kama pa rin pala ako!
  • 17. ‘Di ko na napigilan ang aking mga luha sa pagtulo. Nilapitan naman ako ni Nanay at masuyong niyakap ako. Ang sabi ni Nanay, “Ssshh. Tahan na, aking Bunso. Normal lang naman na matakot ka sa pagbabago. “Pero huwag kang mag-alala dahil pangako sa iyo, Doon ay magiging mas masaya tayo. Tandaan mo na lagi kong hangad ang pinakamaganda, Para sa ikabubuti ng ating pamilya.”
  • 18. “Hindi mo naman kailangang iwanan o kalimutan, Ang masasayang alaala nitong ating tahanan. Sa halip ay ipunin at baunin mo lahat ito, Bilang mahalagang bahagi ng buhay mo. “Anak, lagi mo rin sanang tatandaan, Ang tunay na kahulugan ng tahanan. Hindi ito isang lugar o pisikal na konsepto; Ito ay nasa kaibuturan ng ating mga puso.”
  • 19. Napangiti ako sa mga salita ni Nanay. Mga gintong aral ito para sa ating buhay. Ang tahanan ay dala-dala natin saan man tayo mapunta; Basta’t tunay ang ating pagmamahal sa isa’t isa!
  • 20. About the ARTIST Don Maralit Salubayba was born in Davao from a Batanguena mother and a father from the Quezon province. He grew up in Laguna, and is married to OJ who is part-Ilongga and part-Ibaloi. His art background is rooted from the Philippine High School for the Arts in Mt. Makiling and at the University of the Philippines in Diliman. A 2009 Thirteen Artist awardee from the Cultural Center of the Philippines, he has also had numerous exhibitions and residencies locally and abroad. Don is a proud ‘Tatay’ to Amaya and Elias and a loving ‘Kabiyak’ to his wife. ~ About the AUTHOR Maria Isabel “Issa” Alarilla-Arellano wrote “Tahan Na, Tahanan” based on her own experiences, having lived in at least 20 different houses throughout her life. Joining Romeo Forbes Children’s Storywriting Competition for the first time, she considers this book a dream come true. A graduate of the University of the Philippines, Issa loves to write, especially stories and poems for children. After more than a decade of working as editor-writer of educational magazines, she decided to venture into the advertising world overseas. She and husband Carlos are presently living in Dubai, UAE.
  • 21. The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS) is a nonprofit organization dedicated to promoting greater awareness and appreciation for Philippine art, culture and the environment. CANVAS is committed to making our stories accessible and affordable for everyone. You can read, enjoy, download and share digital versions of our books for free at www.canvas.ph. We enjoy hearing from our readers. Please feel free to let us know what you think of this book by emailing us at info@canvas.ph or by mail at: CANVAS, No.1 Upsilon Drive Ext., Alpha Village, Diliman, Quezon City, Philippines 1119.