SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Bael, Stephanie Camile C. Filipino March 21, 2014
BSA 2 Mrs. Juliet Cruz
URI NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN
Pang Akademikong Pagsulat
Mga Ibat- Ibang Inaasahan Ng Mga Mag-Aaral Sa Pagkuha Ng
Kursong Accountancy Sa Unibersidad Ng Perpetual Help System
Dalta- Molino Campus
Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa ―Mga ibat- ibang inaasahan ng
mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong Accountancy sa Unibersidad ng Perpetual Help
System Dalta- Molino Campus‖. Gaano ba kahalaga ang kursong ito sa ating lipunan?
Bakit ganoon na lamang ang paglago ng mga estudyanteng kumukuha nito? Dito din
natin malalaman paano nga ba nagsimula ang Accounting? Sino at paano ito nagsimula
at bakit ito tinawag na ―Accounting as the language of business‖?
Ang Accounting ay nagsimula noong 2,000 B.C. sa mga lalawigan ng Babilonia, Greece
at Ehipto, at sa Assyria noong 3,500 B.C. nakita sa panahong ito ang mga nakatagong
mga papeles na nagpapakita ng pagkolekta ng buwis sa mga tao at mga mamamayan
ng isang hari. Ang mga papeles na nagpapakita ng mga gastos tulad ng sweldo ng mga
trabahador, gastos sa mga materyales at iba pa na gawin ang pyramids sa Egypt.
Ang unang aklat sa Accounting ay sinulat ni Cotrugli sa Naples, pero sa modernong
panahon, ang naghanda ng aklat ay isang Italian Mathematician na si Fr. Luca Pacioli
noong 1494. Dahil sa mga akda niya na naisulat ay nagiging dahilan ito upang tawagin
siyang Ama ng Accounting.
15th century, isang Italyano ay karaniwang nagtitiwala sa kanyang mga tauhan ng
kanyang mga ari-arian at ang mga tauhan nito ay siyang nagbabantay sa araw-araw na
aktibidad na kanilang ginagawa. Mula sa mga salitang ito ay karaniwang o madalas na
ginagamit sa pag-aaral ang Accounting. Pagkatapos ng 16th century, nagsimula ang
palitan o mas kilala sa tawag na ―trading‖ at dahil dito nagsimula ang pagkilala sa kita at
paghahanda ng ibat- ibang ulat tungkol sa negosyo.
Ang 19th century ang nagiging simula ng malaking pagbabago sa industriya ng palitan
at trading, mula sa simpleng istraktura ng isang negosyo tungo sa mas komplikadong
pagbuo ng ibat- ibang uri ng mga negosyo.
MAY ALIBATA BA TAYO?
HETO ANG ISANG tunay na kolorum at lagi kong kailangang hulíhin at tiketan sa
mga seminar ko sa mga guro ng Filipino. Kapag tinanong ko silá sa hinggil sa sinauna‘t
katutubong alpabeto ng Filipinas, laging may sumasagot na, ―alibata.‖
Nakaengkuwentro ko ang kolorum na ito sa Koronadal, Zamboanga, Ilocos, Albay,
Cebu, at kamakailan sa Lungsod Makati. Nakagugulat ang sumagot ng ―alibata‖ sa
Makati dahil mayorya silá ng halos sandaang dumalong titser ng lungsod.
Kailangan kong ulitin na kolorum ang ―alibata‖ dahil walang gayong alpabeto sa
Filipinas at maging sa buong mundo. Ayon sa misyonerong si Fray Pedro Chirino na
naunang nagtalâ sa katutubong alpabeto ng mga Filipino, ang tawag sa naturang
sinaunang paraan ng pagsulat ay ―baybayin.‖ Lohiko ang naturang tawag lalo‘t inalam
ang ibig sabihin ng ―baybayin‖ sa wikang Tagalog. Nangangahulugan ito ng lupaing
dinidilaan ng tubigan. Nangangahulugan din ito ng ispeling o pagbása sa nakasulat na
mga titik ng isang salita. Ang ikalawang kahulugan ay maituturing na piguratibong
kahulugan batay sa una. Ang ibig sabihin, ang ispeling ay mula sa nagaganap na
paghubog ng tubig sa lupa dahil sa ulit-ulit na pagsalpok o pagdila ng alon sa bato‘t
buhangin.
E, saan nanggáling ang ―alibata‖? Inimbento ito ng isang guro na nag-akalang ang ating
baybayin ay hango lámang sa paraan ng pagsulat ng mga Arabe. Nahahawig nga
naman ang mga kurba ng titik ng baybayin sa iskrip ng mga Arabe. Kayâ naisip niyang
likhain ang ―alibata‖ mula sa tawag na alif at bata para sa dalawang unang titik ng
alpabetong Arabe. Hindi niya alam na sa gayong paraan ay hinahamak niya ang naging
kakayahan ng mga katutubo sa Filipinas na lumikha ng kanilang sariling paraan ng
pagsulat.
E, bakit naniniwala ang mga guro sa ―alibata‖? Simple, dahil pinalaganap ito ng mass
media.At ginamit ng mga teksbuk. Hanggang ngayon, nakakalat sa buong kapuluan
ang mga teksbuk sa Filipino na nagsasabing ―alibata‖ ang pangalan ng katutubong
paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Hanggang hindi inaalis sa mga silid-aralan at
aklatan ang naturang mga teksbuk ay hindi mapipigil ang kolorum na ―alibata.‖
E, bakit hindi inaalis sa sirkulasyon ang mga teksbuk na may ―alibata‖?
Dalawa ang sagot ko. Una, mahirap basta iutos ito ng DepEd dahil magastos ang
pagpapalit ng teksbuk. Ikalawa, at ito ang mas malagim, naniniwala din ang mga
opisyal ng DepEd sa awtentisidad ng ―alibata.‖ Para sa unang sagot, mahalagang
iplano ng DepEd ang pag-phaseout sa mga kolorum na teksbuk. Puwede ring
magpalabas ng memo si Sekretaryo Luistro hinggil sa pagwawasto. Para sa ikalawang
sagot, kailangang linisin ang hanay ng mga opisyal ng DepEd, mula sa Asec, direktor,
superintendent, superbisor, prinsipal, hanggang punò ng kagawaran ng mga disipulo ng
―alibata.‖ At ang ibig kong sabihin, hindi lámang ito tungkol sa kolorum na tawag sa
alpabeto kundi tungkol sa maraming kolorum na kaisipang patuloy na ipinatuturo sa
silid-aralan.
ANG ALAMAT NG TSINELAS
Sa isang malayong probinsyang napapaligiran ng mga bundok at napapalibutan
ng iba‘t ibang anyong tubig tulad ng talon, sapa at mababatong ilog, isinilang si Tsi.
Marahil mayroon siyang mga singkit na mata tulad ng isang Tsino kaya ito na ang
pinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang.
―Anak, bukang liwayway na, bumangon ka na at maghanda na sa pagpasok mo sa
eskwela‖ gising ng kanyang Ina.
Lumaking masipag na bata si Tsi –ang nag-iisang anak ng mag-asawang si Mang
Tarding at Aling Elsa, kaya naman alam n‘ya na ang responsibilidad ng isang batang
tulad n‘ya pagkagising na pagkagising pa lang sa umaga. Bitbit ang maliliit na
lalagyanan ng tubig agad na syang pumupunta sa sapa upang punuin ang bangang
wala ng laman dahil ginagamit ng kanyang Ina sa paghuhugas ng pinggan sa gabi.―Ina,
puno na po ang bangga, nakaligo na rin po ako sa sapa‖ sabi ni Tsi ―Mabuti anak,
magbihis ka na‘t kainin mo na ang iyong almusal‖ sagot naman ng kanyang Ina.
Agad namang nagbihis si Tsi pero parang may kulang dahil wala pa s‘yang sapin sa
paa. Madalas na napupuna ng kanyang Ina ang mga sugat nito sa paa. Malungkot man
para sa isang Ina na makitang walang sapin sa paa ang kanyang anak wala naman
itong ibang magawa kundi mangako. ―Anak pasensya na ha, hayaan mo kapag nakaani
ng higit sa regular na dami ang tatay mo at naibenta sa mga negosyante at mamimili sa
bayan, makabibili na tayo sa sapin mo sa paa‖ pangako ni Aling Elsa. ―Talaga po Ina?
Mainam po iyon dahil hindi na po masusugatan ang mga paa ko sa paglalakad papasok
ko sa eswkela‖ masayang naisagot ni Tsi. ―Oo, anak kaya pagbutihin mo pag-aaral mo
ha, para mas lalong ganahan ang Tatay sa pagtatraho‖ wika ni Aling Elsa. ―Sige po Ina,
aalis na po ‗ko. Pwede ko po bang kainin na lang sa daan yung almusal ko?‖ tanong ni
Tsi. ―Ikaw talaga ang bagal mo kasi kumilos hindi mo na tuloy nakakain almusal mo, O
sige mag ingat ka‖ pabirong sinabi ng kanyang ina.
Masayang lumabas sa bahay ni Tsi dala ang mga nilagang saging na Saba kasama
ang pangakong binitawan ng Ina.
Sa paglalakad, halos inaabot ng dalawang oras ang paglalakbay ni Tsi para makapasok
lang sa kanilang paaralan. Nakakainip iyon. Mabuti na lang at mayroon s‘yang
nakasasabay sa paglalakad –si Nel. Kapwa sila nasa ika-apat na baitang ng mababang
paaralan ng Bomod-Ok. ―O nilagang saging, kain ka‖ pang-aalok ni Tsi sa kanyang
kaibigan. ―Sige sayo na lang katatapos ko lang din kumain e,, salamat‖ tugon naman ni
Nel. ―Ano namang kinain mo?tanong naman ni Tsi. ―Saging din. Pero minatamis na
saging‖ Sagot ni Nel ―Wow! Saan naman kayo nakakuha ng asukal?. Bigtime na talaga
kayo ha!‖ pabirong tanong ni Tsi. ―Haha! May asukal lang bigtime na agad? Di ba
pwedeng nakadiskarte lang ang tatay? Pabiro din itong sinagot ni Nel.
Masayang nag-uusap at nagbibiruan ang dalawang magkaibigan habang naglalakad
nang mapansin ni Tsi ang sapin sa paa ni Nel. ―Wow Nel! May sapin ka na pala sa paa,
napaka-swerte mo!‖ wika ni Tsi. ―Akala ko di mo mapapansin e. Binili ‗yan ni Nanay at
Tatay kahapon sa bayan, nakakapanibago nga e‖. sagot naman ni Nel. ―Nakakainggit
naman. Pwede ko din bang subukan ‗yan?‖ pagtatanong ni Tsi. ―Naku, pasensya na ha,
bilin kasi ni Ina na wag ko daw papasuot ito sa iba, bukod kasi sa baka masira agad,
baka madumihan pa sa loob… Isa pa, hindi naman tayo magkasukat ng paa di ba?
Paliwanag ni Nel.
Malungkot pero nauunawaan naman ni Tsi ang paliwanag ng kaibigan. Sa kanilang
paglalakad kapansin-pansin ang pagbabago ng kapaligiran. ―Nel, kakaiba na ang tubig
ng ilog ng Bumod-Ok ngayon no? nagtatakang tanong Tsi ―Oo, sabi kasi ni Tatay gawa
daw yan ng pagmimina nila sa taas ng bundok‖ paliwanag ni Nel. ―Pagmimina? Ano
namang minimina nila sa bundok?‖ muling pagtatanong ni Tsi. ―Edi ginto. Hindi ko
sinasadyang marinig si nanay habang kausap ang tatay kanina, ‗yan daw yung dahilan
kung bakit mas maayos na ang buhay namin ngayon.‖ Paliwanag ni Nel. ―Talaga?Ang
galing naman. O tara na tawid na tayo sa ilog‖ tugon ni Tsi at agad na ring nag-aya sa
pagtawid ng ilog. ―Teka, huhubarin ko muna sapin ko sa paa baka agusin e‖ pag-aalala
ni Nel kaya hinubad n‘ya muna ito.
Kinahapunan, sa muling pagbabalik ni Tsi sa kanilang tahanan, agad n‘yang naikwento
sa kanyang mga magulang ang bagong sapin sa paa ng kaibigan n‘yang si Nel. ―Ina,
alam nyo po ba? Si Nel may bagong sapin na sa paa‖ pagbabalita nito sa Ina. ―Talaga
anak? Huwag kang maiinggit sa kanya ha‖ paalala naman ni Aling Elsa. ―Nakakainggit
nga po e, pero sabi ko naman po sa kanya na bibilhan nyo din ako kapag nakabenta ng
madaming gulay si Itay. Totoo ba yun Tay?‖ patuloy ni tsi at pagtatanong nito sa Tatay.
―Ahh e..sige pagbubutihan ng tatay‖ sagot naman ni Mang Tarding na may kasamang
pagkabigla sa tanong ng anak. ―Ayan ang saya!da best po talaga kayo ‗tay! Sige po
mag iigib na po ako pero po sa kabilang sapa na, medyo malabo na kasi yung sa likod,
isa pa ginagahan kasi ako mag-igib e!‖ masayang may kahalong pabida ng anak.
―Malabo na ba? Baka dahil yan sa madalas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.
Sige mag-iingat ka‖ paalalang sabi ni Mang Tarding.
Dahil sa nagulat si Mang Tarding sa nabanggit ng anak tungkol sa sapin sa paa, kaya
nagkausap ang mag-asawa. ―Mahal, hindi mo dapat pinapangakuan ang anak natin ng
ganyan, sa kadahilanang baka hindi na‘tin ito matupad, baka sumama pa ang loob di
ba?‖ wika ni Mang Tarding. ―Alam mo namang binibigyan ko lang ng pag-asa ang anak
na‘tin Tarding, sa ganoon mas lalo syang magsipag kahit pa ilang kilometro ang
nilalakbay nya makapag-aral lang‖ paliwanag ni Aling Elsa. ―Haaay.. Alam mo Elsa
parang gusto ko na ngang tanggapin yung alok ni Mang Isko sa itaas ng bundok para
magmina, nang guminhawa naman ang buhay natin‖ salaysay ni Mang Tarding. ―Naku
Tarding, kakayanin mo ba iyon?‖ Pag-aalalang tanong ng asawa. ―Susubukan ko nang
matupad naman natin yung kahilingan ng bata kahit yung sapin man lang sa paa‖ sagot
ni Mang Tarding.
At ‗di nga nagtagal tinanggap na rin ni Mang Tarding ang trabaho sa minahan. Kaya
laking tuwa ni Tsi isang umaga nang nakita n‘yang mayroong bagay nakabalot sa tabi
ng kanyang unan. Nagulat na lang siya sa kanyang pagbubukas nang nakita nya ang
isang asul na sapin sa paa. Agad nyang pinasalamatan ang kanyang mga magulang at
agad ding isinuot pangpasok sa eskwela.
Sa pagpasok sa eskwela, muli na naman silang nagkasabay ni Nel ―Aba Tsi! Asensado
na rin kayo ha! May sapin ka na rin sa paa‖ masayang sinabi ni Nel. ―Tama nga sabi
mo, malaki nga ang kita sa minahan. Salamat sa Tatay mo ha‖ sagot ni Tsi. ―Sabi ko
sayo e!‖ Masayang tugon ni Nel.
Kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi lang ulan kundi mabilis na
pagtaas ng tubig –isang mabilisang pagbaha. ―Naku Nel! Kailangan na nating
magmadali tumataas na ang tubig sa ilog‖ pangambang sambit ni Tsi. Sa bilis ng agos
ng tubig sa Ilog, naging mabilis din ang pangyayari sa dalawang batang magkaibigan.
Sa pagmamadali nilang makatawid nadulas si Nel sa bato sa gilid ng Ilog. ―Tsi, tulungan
mo ko!‖ nagmamakaawang sigaw ni Nel. Hindi naman nagdalawang isip si Tsi para
tulungan ang kaibigan nito. ―Hawakan mo kamay ko, kumapit ka lang, huwag kang
bibitaw!‖wika ni Tsi. Isa pang rumaragasang tubig ang sumaklob sa magkaibigan upang
kapwa sila lamunin ng tubig. Sa huli, hindi na sila muling nasilayan maliban sa
magkabilang pares ng sapin sa paa ni Tsi at Nel.
Ikinalungkot iyon ng buong baryo ng Bumod-Ok. Lalung-lalo na ang pamilya ni Tsi at
Nel. Wala silang ibang masisi bukod sa sarili kundi ang minahan na naging bunsod ng
sakuna. Nawala na kasi ang mga punong sumisipsip ng tubig tuwing umuulan.
Nadaragdagan pa ang lupa sa ilalim ng tubig mula sa pagmimina sa taas ng bundok
kaya mas lalong bumababaw ang tubig na nagiging sanhi upang maging mabilis at
tumaas ang mga agos ng tubig sa ilog.
Naging aral iyon sa buong baryo kaya gumawa sila ng paraan upang matigil at
maipasara na ang minahan. Nagkaroon naman ng ibang pagkakakitaan ang baryo
bukod sa pagtatanim, -ito ang turismo. Bumalik sa dating ganda ang ilog lalung-lalo na
ang talon ng Bumod-Ok at dumami ang turista. Naging dahilan ito upang magkaroon ng
pondo ang baryo para mabigyan ng mga sapin sa paa ang mga masisipag na batang
tulad ni Tsi at Nel –ang mga batang kinuha ng kalikasan nang madulas sa minsang
pag-ulan sa baryo.
At ang mga sapin sa paang iyon ay tinawag na Tsinelas (Tsi+Nel+Dulas) bilang pag-
alala sa mga batang naging daan para lubos na maunawaan ng mga tao ang delubyong
pwedeng maging sanhi ng ‗di responsableng pagmimina.
Alamat ni Maria Makiling
ni Antonio, Emilio Martinez
Marahil iba't-ibang alamat tungkol kay Mariang Makiling ang inyong nabasa. Ito'y
isa sa mga matatandang alamat tungkol sa kanya na hindi pa palasak.
Sinabi ng alamat, nang mga araw na yaong ang mga taoy maaaring makipamuhay sa
piling ng mga bathala, ay nangyari ang dakilang pag-iibigan nina Mariang Makiling at
Gat Dula.
Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na para-parang
bathala o engkantado kung sa ngayong pakahulugan. Tanging-tanging mutya ang
nabanggit na lakambini sa kanilang tahanan pagka't siyay'y bugtong na aliw ng kanyang
ama't ina. Siya ang liwanag ng kanilang paningin; siya ang galak ng kanilang puso;
anupa't sa biglang pangungusap, siya ang kayamanang impok ng kanilang buhay. Sa
kanilang katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-unting
nawawalan ng sigla't lakas.
Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't siya'y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na
nga ng aking na sabi, nang panahong yao'y maaaring makipag-usap ang mga tao sa
bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng isang punungkahoy. Maaaring patulong sa
kanila ang isang linikhang nasa kagipitan, at ang mga ito naman, kung sadyang taimtim
sa loob ang paghiling, ay hindi nagmamaramot. Kung ang pastol ay humihihip ng
subing o plauta habang siya'y nagpapalipas ng maligayang sandali sa piling ng mga
binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa'y susulpot nalaman gsa kanyang harap ang
isang nimpang lipos ng alindog, upang makinig at makihati sa kaligayahan.
Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan at mamili sa
talipapa. Kaparis ng ibang babae, siya'y nakasuot ng sutlang kung minsa'y may
burdang bulaklak at malalapad ang guhit ng siyang kinaugalian nang panahong yaon.
Ang kanyang maitim at malagong buhok na kung ilugay ay abot hanggang sakong ay
may pahiyas na sariwang bulaklak-suha. Sa kanyang dib-dib ay nakayakap ang
mabangong kuwentas ng ilang-ilang. Magiliw siyang mangusap at lipos ng galang.
Mahinhing kumilos na wari-bang nahihiya. Bakit ang hawas niyang mukha'y salamin ng
kagandahan.Bakit ang kanyang mga mata'y sakdal nang aamo. Maging ang kanyang
kapwa babae'y naakit bumati sa kanya. Ang mga maginoo, sa kanya'y nagyuyuko ng
ulo.
Si Maria'y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga nasabing
utusan ay hindi lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang dalang buslo ay
maliwanag na mapapansin ang mga luyang kulay-ginto na pinamamalit ni Maria. Nang
panahong yao'y walang kuwaltang katulad ngayon na ating ibinibili ng kailangan. Noon,
sa halip na bili ay palitan ang palakad ng bawa't tao. Doon nga sa talipapa nagtutungo
ang may kailangan. Sari-saring bagay ang matatagpuan doon. Mga pinatuyong balat ng
hayop na may magagandang balahibo. Mga banig na yari sa buli't sa pandang may
kulay salit-salit. Mga sutlang habi na may malalapad na guhit ay may patak-patak. At
kung anu-ano pang kagamitan sa lob ng bahay ang paninda roon.
May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon lumuluwas sa
bayan ang maraming tao upang makipamalit. Palibhasa'y hindi luyang talaga ang
ipinamamalit ni Maria, kundi tunay na luyang ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa
kanya ng iba't ibang lako. Kataon namang sa araw na yao'y namamalit si Gat Dula.
Bukod sa kanyang ilang kawal na lingkod na kasama'y may kasama pa siyang mga
dugong-mahal. Si Gat Dula ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng
Makiling ay kinailangan nilang gumamit ng malaking bangka. May kalayuan ang agwat
ng dalawang bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga
kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating.
Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang daladalahan. Kasingkapal ng mga
paninda ang tao sa talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng
pamamalitang ukol sa bawa't pook. Kaya bukod sa mga sadyang tubo sa Makiling ay
may ibang mukhang mapapansin doong nangangalakal. Kabilang sa mga lipingmahal
na namamalit ay si Gat Dulang nagpapalipas lamang ng maligayang sandali sa
talipapa. Kataon namang nagkasabay ng padampot sina Maria at Gat Dula sa kanilang
binibiling balat ng hayop na may magagandang balahibo. Sa gayong pagkakasabay ay
nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatama ang kanilang mga mata.
Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang sa disinasadya'y nahawakan ni
Gat Dula ang malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang nagkatinginan. Subali't sa
taglay na kayumian ni Maria'y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang
at paghingi ng paumanhin. Bago sila nagkalayo'y isang mahiyaing ngiti ang naitugon ng
lakambini sa mapakumbabang patawad po ng binata.
Buhat noo'y naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling. Subali't mula rin
noo'y hindi na niya napagmalas ang maalindog na katauhan ni Maria. Hanggang noong
makalipas ang ilang panahonng pamumulaklak ng suha, ay saka lamang niya muling
napalarang mamasdan sa dating talipapaang luwalhating bumihag sa kanyang pihikang
pag-ibig. Gaanong galak niya, at tuloy na ibulong sa kanyang loob: "Ang tiniis kong
hirap nang nagdaang mga araw, marahil ngayo'y malulunasan na." Banayad siyang
lumapit kay Maria, at nagbigay-galang. Walang kasintamis na ngiti ang isinagot naman
sa kanay.
Buhat noo'y naging matalik na silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang
pagbibilog ng buwan. Sa isang tabi ng batis na umaaliw-iw sa loob ng gubat ay
nahiwatigan nilang sa ubod ng puso'y may tinitimpi silang pagmamahal. Ito'y
naramdaman nila nang magtamang matagal ang kanilang mga paningin, at hindi
maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng dibdib. Sa gayong lihim na pag-iibigan ay
nagkayakap ang dati'y magkalayong langit at lupa. Nguni't ang gayong pagsusuyuan,
sa nilakadlakad ng mga ataw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria.
Sabihin pa ang galit ni Gat Panahon; halos mayanig ang buong lawa nga Bai. Gaanong
damdamin ang nilasap ni Dayang Makiling, buhat nang matantong ang bugtong na
anak niya'y may kasuyong taga-lupa. Ang puso ng ina, palibhasa'y kadluan ng awa,
kung kaya dinakatiis na tanungin si Maria. Madali't salita, dahil sa malabis na
pagmamahal ng magulang ay pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon, hindi na
nakapanaog sa lupa si Maria. Pinutol ni Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa
talipapa. Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging
tunay na kinapal: Yaon ang pinagmulan tuloy ng pagkakahiwalay ng mga bathala at
madlang tao.
Subali't kung umibig si Maria'y minsan lamang, at walang kasindakila. Kung siya ma'y
hindi na nakapapanaog sa lupa, dahil sa wala na siyang kapangyarihang makihalubilo
sa madlang kinapal, sa alaala ni Gat Dula'y hindi nagkukulang ang kanyang pagdalaw.
Naroong kung minsa'y pamalas siya sa sandaling nag-iisa ang mabunying Gat, nguni't
pag nilapitan nito upang yakapin ay bigla siyang nalalaho. Naroong umawit siya nang
lubhang matimyas kung nangungulila si Gat Dula ngutni't pag hinanap nito kung saan
nanggaling ang tinig ay hindi naman malaman. Anupa't ang lahat sa binta'y parang
panaginip. Walang kasingwagas naman ang pagmamahal ni Gat Dula kay Maria. Ang
lahat ng pook at nayong ni yapakan ni Maria, maging ang tabing-batis na madalas
nilang pagtagpuan, ay hindi nakaliligtaang dalawin.
Nang panahong yao'y malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa kapwa-bayan. Di-
kataka-takang lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai na sakop ni Gat Dula.
Subali't kung ilang kaharian na ang nakikipaghamok sa matapang na Gat, maano man
lamang na mapipilan siya o kaya'y masugatan. Ang dahilan ay sapagka't siya'y
tinangkilik ng engkanto ni Maria. Ang adhikaing pag-ibig ng paraluman ay nagiging
baluti at kalasag ng mabunying Gat. Marami na siyang napasukong kaharian; marami
na siyang napagtagumpayang tabak, nguni't ang hindi lamang niya napasusuko't
napagwawagihan ay ang kamandag ng pangungulila sa pag-ibig. Yaon ang dahilan ng
kanyang pagkakasakit, hanggang sa siya'y naputulan ng hininga.
Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang kaluluwa ng
kanyang irog ay ibigay sa kanya. Noo'y yumao narin ang kanyang mga magulang kaya't
sang-ayon sa sabi sina Maria at Gat Dula ang nag-uwi sa naiwang kayamanan at
lupain. Subali't hindinalilimot ni Maria ang pagkamasintahin ng kanyang inang si
Dayang Makiling sa lahat ng nasasakupan. Ang pag kamahabagin ni Dayang ay
minana ni Maria sa kanyang puso. Sa bawa't bakuran ng bahay ng kanyang mga
sakop, gaya rin nang dating ginagawa ng kanyang yumaong ina, ay ibinubudbud niya
ang mga luyang ginto. Ang sinumang ikakasal sa walang magamit na magarang
kasuutan ay hinahandugan niya. Ang isang mag-anak na maghahanda, nguni't walang
magamit na kasangkapan ay kanyang pinahihiram. Ang lahat nang daing at kahilingan
ng kanyang mga sakop ay tinutugon niya ng mapagpalang kandili.
Nguni't ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga ng di-mabuti. Ang
karamihan sa tinatangkilik ni Maria'y di-marunong tumingin ng utang na loob. Hanggang
sa wakas ay nakaisip ang ibang mag-imbot sa di nila pag-aari. Ang mga kasangkapang
ipahiram sa kanila ni Maria, palibhasa'y pawang ginto, kung kaya tikis nilang hindi
ibinabalik. Bakit ang sama'y hindi lamang inaaangkin yaon ng iba, kundi ipinagpapalit
pa sa mataas na halaga sa mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayo'y nayamot si
Maria. Tuloy nawika sa sariling: "Nag-iba na ang panahon."
Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha ang sinuman ng
madlang bungang kaphoy sa gubat ay kanyang binawi. Dahil sa pagmamalupit ng tao
sa hayop ay ipinagbawal din niya ang pangangaso, ang paninilo ng mga manok-labuyo,
at pamamana ng mga ibon. Kung ang kanyang utos ay sinusuway ng sinuman, ang
ginagawa ni Maria'y pinagdidilim ang panahon at pinabubuho ang malakas na ulan;
pinagugulong niya ng malalaking tipak na bato sa bundok, hinahagkis niya ng baliti ang
pinawalang mababangis na kalabaw at nang manugis at lumikha ng matinding kidlat.
Ang mga yao'y panakot lamang naman ni Maria upang ang mga mangangasong
gumagambalang malabis sa katahimikan ng sakop niyang kagubatan ay magsilayo at
umalis.
Alamat ng Sampaguita
Kapuwa lumaki sina Nita at Desto sa isang liblib na nayon na napakalayo sa
lungsod ng Maynila. Gayon man, ay kinamulatan nilang nayonay sagana sa biyaya ng
kalikasan, kaya‘t sila‘y nabubuhay nang masagana at mapayapa.
Sa Nita ay siyang tinataguriang ―tala ng nayon‖ dahil sa kaniyang tinataglay na
pambihirang kagandahan. Hugis-puso at may mga labing kakulay ng saga. Nguni‘t tangi
sa angkin niyang kagandahan, taglay din ni Nita ang likas na kahinhinan at napakagiliw
siyang kausapin.
Si Desto ay isang naming makisig na binata, may matipunong pangangatawan,
malakas at masipag. Siya ay magiliw ding mangusap at may kilos-maginoo. Kaya‘t sa
bunton ng mga nagingibig kay Nita, si Desto ang naging mapalad sa puso ang dalaga.
Sa lilim ng isang malagong punong kahoy na nakayunyong sa isang batis, makailang
ulit na magsumpaan sina Desto Nita, na sila ay magmamahalan sa habang buhay.
Gayon man, sa puso ng dalaga ay madalas na mamahay ang pangamba.
- Natatakot ako, Desto, nab aka baling araw ay makalimot ka rin sa
Akin, - ang minsa‘y nasabi tuloy ni Nita sa kasuyo.
- Huwag kang mag-isip ng ganyan, - ang matatag na tugon ni Desto. –
Maaaring malimot ko ang lahat ng bagay sa mundong, nguni‘t kailanma‘y hindi kita
malilimot, Nita. Lalong hindi ko malilimot an gating sumpaan.
- Nguni‘t paano nga, kung ako‘y iyong malimot? – usig pa rin ng dalaga.
- Narito Nita ang aking matalim na punyal. – sabay abot sa dalaga nag
Hawak na patalim. – Sa sandaling magtaksil ako sa iyo ay maaaring gamitin mo ito
upang kitilin ang aking buhay.
Sa sinabing ito ng binata ay naging payapa na ang kalooban ni Nita. Umasa siyang
hindi sisirain ni Desto ang matibay na kapangakuan nito.
Subali‘t nang mangibang bayan si Desto, pagkaraan lamang ng ilang buwan, ay
nabalitaan ni Nita na ang katipan niyang binata ay napakasal sa ibang dalaga na higit
na mayaman sa kanya. Lubos niyang natalos na tutuo pala ang gayong balita, at
nakilala ni Nita, na ang marupok na puso ni Desto ay madaling masilaw sa kislap ng
salapi.
Gayon man, malabis na dinamdam ni Nita ang paglililo ng katipan. Hindi
mapagkatulog ang dalaga at parang ikamamatay niya ang ginawang iyon ni Desto.
Nagunita tuloy niya ang matalim na punyal ma ipinagkaloob sa kaniya ng dating
katipan.
Isang gabing kabilugan ang buwan, ay nanaog si Nita nang palihim at nagtuloy sa
may lilim ng punong-kahoy na dati nilang pinag-uulayawan ni Desto. Pagdating niya sa
tabi ng batis na iyon, ay inilabas sa kaniyang sukbitan ang matulis na punyal at iniukit
sa balat ng punongkahoy na iyon ang salitang SINUSUMPA KITA.
Ang ibig-sabihi‘y sinusumpa niya ang naglililong si Desto.
Pagkatapos tumungala si Nita sa langit at nagdasal;
- Mahal naming Bathala, kung mabubuhay po ako nang lagging
Maligalig sa mundong ito sa habang panahon... kunin mo na po ako... at pinatatawad ko
na siya!...
Sa kung anong himala, matapos bigkasin ni Nita ang dasal na iyon, ay biglang naglaho
ang liwanag ng kabilugang buwan. Nagdilim ang langit at gumughit ang matatalim na
kidlat! ... at nang gabing yaon ay naglaho rin ang buong katauhan ni Nita.
Kinabukasan sa paghahanap ng mga magulang ni Nita, natagpuan ng mga ito
ang punyal na nakatarak sa balat ng punongkahoy na kinatitikan ng mga salitang
SINUSUMPA KITA. At pagkaraan pa ng ilang araw, sa paligid ng punong kahoy na
iyon, ay may nagsitubong mga halaman, na ang mapuputing bulaklak ay may
mahinhing bangong nanunuot hanggang sa kaibuturan ng puso ng mga tao.
Dahil sa ganap na paglalaho ni Nita, ang mga halamang iyon na nakapaligid sa
nakaukit na salitang SINUSUMPA KITA ay tinawag ng lahat ang mga iyon na
SAMPAGITA.
Malikhain Pagsulat
LUPA
Kakatapos lamang umulan.
Isang itim na uwak na may pulang mga mata na nakadapo sa puno. Tinawag nito ang
aking pansin habang ang Sanggre ay nakahandusay sa aking katawan.
Pinagmasdan ko ang mga nakadilat na mata ni Alena. na may mga ugat na tumubo
mula sa kanyang puso na umutas sa kanya. Ang kanyang luha ay parang mga putik na
sa isang iglap ay humalo sa akin at unti-unting naglaho tulad ng kanyang mga pita. May
mga tinik rin ng mga halamang ligaw ang kanyang mga paa.Ako ay nadiligan ng dugo.
Ang kanyang pagpasyal sa gubat ay pagsuong din sa panganib— isang paghamon sa
mapanlinlang na landas para sa isang inosenteng may mithiin na magbaka-sakali at
lumigaya. Ito ay ang gubat na talipandas. Lahat ng pumapasok dito ay hindi na
nakakabalik maliban na lang kung siya ay hindi magpapatukso. Ngunit sa kaibuturan
nito ay may isang patibong na kumunoy na nagnanasang may mabiktima. Nadali ang
prinsesa.
Pero si Danaya ba ang kumitil kay Alena?
Ngayon ay dahan-dahang nalalagas ang mga tuyong dahon mula sa mga nakapalibot
na akasya at binabalot nito ang marilag na katawan ng Sanggre. Kasabay nito ay ang
paglipad ng uwak papalayo. Marahil siya ang sinasabing sundo patungong Devas, pero
maaari rin siyang maging si Danaya, ang aking panginoon na mahusay magbalatkayo
bilang hayop.
Hindi ulang humahalik sa lupa ang tugon sa katahimikan, kung hindi ang lupang
umaakit na patakan ng ulan.
APOY
Giselle Espino
Panaginip ang may sala; ang tumutupok sa buhay. Nilalamon nito ang tao,
walang tinitira kung hindi abo.
Ano ang laban ng diwatang lulong sa panaginip? Bulag sa digmaang nagbabantang
buwagin ang hierarkiya, itong bulkang malapit nang pumutok. Sindali ng usok burahin
sa mundo ang Sanggre, lalo pa‘t ang dugo niya‘y kumukulo sa deliryo ng pag-ibig at
pangarap. Unti-unti nang gumuguho ang Encantadia, hindi pa rin iahon ang ulo mula sa
ilog upang makita ang mitsang paubos na. Marahil ay umuusad lang ang panahon. Ang
prediksyon. Ang mga plano. Si Alena na rin ang naggatong sa sarili niya. Hindi
nagtatagal sa giyera ang walang ibubuga.
Pero si Perena ba ang kumitil kay Alena?
Hindi pinag-aaksayahan ng panahon ang maliit na isda. Hindi kinikitil ang buhay na
parang pagpitas ng bulaklak sa hardin. Alipin ng digmaan ang aking panginoon, at para
patayin ang tunay na kalaban, kailangang buksan ang mga mata sa tunay na kaaway.
Kung papatay na rin lang, si Amihan na sana ang nakahandusay sa tabi ng batis.
Pero ako‘y brilyante lamang, hindi manghuhula. Ang bugso ng damdamin ng pusong
sugatan ay puwersang di biro, ngunit higit pa roon, ang sumpa nitong giyera ay di
matatakasan. Dumadalak, nag-uumapaw ang dugo bago isilang ang panibagong
buhay; walang panahon para sa mga gamo-gamong kusang lumapit sa apoy. Ang daan
ng isang mandirigma ay gawa ni Kamatayan. Sino man ang humarang, diwata, tao,
maski si Bathala pa, ay walang ligtas sa tiyak na kapahamakan. Huwag malinlang sa
nakabibinging katahimikan. Ito ay signos lamang ng di matiyak na bukas.
Hangin
Villadelrey, Jhude Erika P.
Tanaw ang sinag ng araw ngunit manhid ang balat para sa init nito. Nang-
aagaw ng lakas ang malamig na panahon. Ramdam mo ang unti-unting paninigas ng
iyong mga laman. Ang panghihina ng katawan.Ang pagpikit ng iyong mga
mata.Masarap humimlay. Paghimlay na hindi gaya ng kay Alena.
Walang lagalag na diwata at pashneya. Nakakapanibago ang mga piping usapan.
Tanging ang mga naglalaglagang sanga mula sa mga matataas na puno ang
nagdudulot ng ingay sa paligid.
Nagkalat. Tulad ng mga talulot sa paligid, nagkalat ang mga diwata sa loob ng
kaharian. Paroo‘t parito ang mga taga-Encantadia. Hindi mapakali ang lahat dahil sa
balita. Patay na si Alena.
Sumasayaw ang apoy sa mga tanglaw sa loob ng Encantadia. Magkakatulad ngunit
magkakaiba. Magkakatulad ng direksyong sinusundan subalit magkakaiba ng
posisyong kinatatayuan. Kalat ang mga sisidlan ng liwanag sa lahat ng sulok ng
kaharian ngunit sabay-sabay ang bawat liyab sa paggalaw.
Hindi mahulugang karayom ang isang sulok ng kaharian.May kumpulan. Patay na ang
diwata ng tubig. Patay na si Alena. Paulit-ulit na usapan.
Pero si Amihan nga ba ang pumaslang kay Alena?
Oo, siya. Hindi, hindi siya. Ako ay isang brilyante ng hangin… na walang karapatang
humatol. Hindi man ito ang kinalakihang mundo ng aking panginoon ngunit nanatili
siyang malakas at matatag. Tila isang malambot na papel na pilit ipinampapaypay.
Wala siyang kaibahan sa ibang nilikha. Malambot.May puso. Puso na siya niyang
kahinaan.
Ilang labanan na ang nagpadumi sa kanya ngunit natatangay lamang siya ng hihip ng
pangangailangan. Kailangang ipagtanggol ang kaharian.Maging mabagsik.Maging
matigas. Nakaharap man sa timog subalit nakamasid hanggang sa hilaga.
Kung si bathala ay hindi magawang ituro ang tunay na pumaslang ako pa kaya na isang
brilyante lamang. Nawa‘y magmistulang maitim na usok ang katawang nakahandusay
sa batis. Kakapit sa sinumang nagtagumpay at mag-iiwan ng pinsala gaya ng
espiritung nagpapatindig ng balahibo.
Ang Taksil na Anak
Lolette C. Gohol

More Related Content

Similar to Cams

Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyCarlo Precioso
 
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfTAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfJosephEnoviso
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananJenita Guinoo
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatStemGeneroso
 
Kabanata vii & viii El Filibusterismo
Kabanata vii & viii El FilibusterismoKabanata vii & viii El Filibusterismo
Kabanata vii & viii El FilibusterismoDex Wasin
 
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxQ3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxJasminLabutong3
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxMarydelTrilles
 
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoTungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoShee Luh
 
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docxScreening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docxForrestCunningham1
 
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPTFilipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPTKatrinaReyes21
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxEDNACONEJOS
 
FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY
FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAYFILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY
FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAYjoywapz
 
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptxFILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptxsoeyol
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 

Similar to Cams (20)

Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
 
Fil iskrapbuk
Fil iskrapbukFil iskrapbuk
Fil iskrapbuk
 
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfTAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
 
AP & Filipino.pptx
AP & Filipino.pptxAP & Filipino.pptx
AP & Filipino.pptx
 
FILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptxFILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
 
Kabanata vii & viii El Filibusterismo
Kabanata vii & viii El FilibusterismoKabanata vii & viii El Filibusterismo
Kabanata vii & viii El Filibusterismo
 
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxQ3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoTungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docxScreening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
 
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPTFilipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY
FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAYFILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY
FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY
 
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptxFILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
 
Tula buwan
Tula buwanTula buwan
Tula buwan
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 

Cams

  • 1. Bael, Stephanie Camile C. Filipino March 21, 2014 BSA 2 Mrs. Juliet Cruz URI NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN Pang Akademikong Pagsulat Mga Ibat- Ibang Inaasahan Ng Mga Mag-Aaral Sa Pagkuha Ng Kursong Accountancy Sa Unibersidad Ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa ―Mga ibat- ibang inaasahan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong Accountancy sa Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus‖. Gaano ba kahalaga ang kursong ito sa ating lipunan? Bakit ganoon na lamang ang paglago ng mga estudyanteng kumukuha nito? Dito din natin malalaman paano nga ba nagsimula ang Accounting? Sino at paano ito nagsimula at bakit ito tinawag na ―Accounting as the language of business‖? Ang Accounting ay nagsimula noong 2,000 B.C. sa mga lalawigan ng Babilonia, Greece at Ehipto, at sa Assyria noong 3,500 B.C. nakita sa panahong ito ang mga nakatagong mga papeles na nagpapakita ng pagkolekta ng buwis sa mga tao at mga mamamayan ng isang hari. Ang mga papeles na nagpapakita ng mga gastos tulad ng sweldo ng mga trabahador, gastos sa mga materyales at iba pa na gawin ang pyramids sa Egypt. Ang unang aklat sa Accounting ay sinulat ni Cotrugli sa Naples, pero sa modernong panahon, ang naghanda ng aklat ay isang Italian Mathematician na si Fr. Luca Pacioli noong 1494. Dahil sa mga akda niya na naisulat ay nagiging dahilan ito upang tawagin siyang Ama ng Accounting. 15th century, isang Italyano ay karaniwang nagtitiwala sa kanyang mga tauhan ng kanyang mga ari-arian at ang mga tauhan nito ay siyang nagbabantay sa araw-araw na aktibidad na kanilang ginagawa. Mula sa mga salitang ito ay karaniwang o madalas na ginagamit sa pag-aaral ang Accounting. Pagkatapos ng 16th century, nagsimula ang palitan o mas kilala sa tawag na ―trading‖ at dahil dito nagsimula ang pagkilala sa kita at paghahanda ng ibat- ibang ulat tungkol sa negosyo.
  • 2. Ang 19th century ang nagiging simula ng malaking pagbabago sa industriya ng palitan at trading, mula sa simpleng istraktura ng isang negosyo tungo sa mas komplikadong pagbuo ng ibat- ibang uri ng mga negosyo. MAY ALIBATA BA TAYO? HETO ANG ISANG tunay na kolorum at lagi kong kailangang hulíhin at tiketan sa mga seminar ko sa mga guro ng Filipino. Kapag tinanong ko silá sa hinggil sa sinauna‘t katutubong alpabeto ng Filipinas, laging may sumasagot na, ―alibata.‖ Nakaengkuwentro ko ang kolorum na ito sa Koronadal, Zamboanga, Ilocos, Albay, Cebu, at kamakailan sa Lungsod Makati. Nakagugulat ang sumagot ng ―alibata‖ sa Makati dahil mayorya silá ng halos sandaang dumalong titser ng lungsod. Kailangan kong ulitin na kolorum ang ―alibata‖ dahil walang gayong alpabeto sa Filipinas at maging sa buong mundo. Ayon sa misyonerong si Fray Pedro Chirino na naunang nagtalâ sa katutubong alpabeto ng mga Filipino, ang tawag sa naturang sinaunang paraan ng pagsulat ay ―baybayin.‖ Lohiko ang naturang tawag lalo‘t inalam ang ibig sabihin ng ―baybayin‖ sa wikang Tagalog. Nangangahulugan ito ng lupaing dinidilaan ng tubigan. Nangangahulugan din ito ng ispeling o pagbása sa nakasulat na mga titik ng isang salita. Ang ikalawang kahulugan ay maituturing na piguratibong kahulugan batay sa una. Ang ibig sabihin, ang ispeling ay mula sa nagaganap na paghubog ng tubig sa lupa dahil sa ulit-ulit na pagsalpok o pagdila ng alon sa bato‘t buhangin. E, saan nanggáling ang ―alibata‖? Inimbento ito ng isang guro na nag-akalang ang ating baybayin ay hango lámang sa paraan ng pagsulat ng mga Arabe. Nahahawig nga naman ang mga kurba ng titik ng baybayin sa iskrip ng mga Arabe. Kayâ naisip niyang likhain ang ―alibata‖ mula sa tawag na alif at bata para sa dalawang unang titik ng alpabetong Arabe. Hindi niya alam na sa gayong paraan ay hinahamak niya ang naging kakayahan ng mga katutubo sa Filipinas na lumikha ng kanilang sariling paraan ng pagsulat. E, bakit naniniwala ang mga guro sa ―alibata‖? Simple, dahil pinalaganap ito ng mass media.At ginamit ng mga teksbuk. Hanggang ngayon, nakakalat sa buong kapuluan ang mga teksbuk sa Filipino na nagsasabing ―alibata‖ ang pangalan ng katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Hanggang hindi inaalis sa mga silid-aralan at aklatan ang naturang mga teksbuk ay hindi mapipigil ang kolorum na ―alibata.‖ E, bakit hindi inaalis sa sirkulasyon ang mga teksbuk na may ―alibata‖?
  • 3. Dalawa ang sagot ko. Una, mahirap basta iutos ito ng DepEd dahil magastos ang pagpapalit ng teksbuk. Ikalawa, at ito ang mas malagim, naniniwala din ang mga opisyal ng DepEd sa awtentisidad ng ―alibata.‖ Para sa unang sagot, mahalagang iplano ng DepEd ang pag-phaseout sa mga kolorum na teksbuk. Puwede ring magpalabas ng memo si Sekretaryo Luistro hinggil sa pagwawasto. Para sa ikalawang sagot, kailangang linisin ang hanay ng mga opisyal ng DepEd, mula sa Asec, direktor, superintendent, superbisor, prinsipal, hanggang punò ng kagawaran ng mga disipulo ng ―alibata.‖ At ang ibig kong sabihin, hindi lámang ito tungkol sa kolorum na tawag sa alpabeto kundi tungkol sa maraming kolorum na kaisipang patuloy na ipinatuturo sa silid-aralan. ANG ALAMAT NG TSINELAS Sa isang malayong probinsyang napapaligiran ng mga bundok at napapalibutan ng iba‘t ibang anyong tubig tulad ng talon, sapa at mababatong ilog, isinilang si Tsi. Marahil mayroon siyang mga singkit na mata tulad ng isang Tsino kaya ito na ang pinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang. ―Anak, bukang liwayway na, bumangon ka na at maghanda na sa pagpasok mo sa eskwela‖ gising ng kanyang Ina. Lumaking masipag na bata si Tsi –ang nag-iisang anak ng mag-asawang si Mang Tarding at Aling Elsa, kaya naman alam n‘ya na ang responsibilidad ng isang batang tulad n‘ya pagkagising na pagkagising pa lang sa umaga. Bitbit ang maliliit na lalagyanan ng tubig agad na syang pumupunta sa sapa upang punuin ang bangang wala ng laman dahil ginagamit ng kanyang Ina sa paghuhugas ng pinggan sa gabi.―Ina, puno na po ang bangga, nakaligo na rin po ako sa sapa‖ sabi ni Tsi ―Mabuti anak, magbihis ka na‘t kainin mo na ang iyong almusal‖ sagot naman ng kanyang Ina. Agad namang nagbihis si Tsi pero parang may kulang dahil wala pa s‘yang sapin sa paa. Madalas na napupuna ng kanyang Ina ang mga sugat nito sa paa. Malungkot man para sa isang Ina na makitang walang sapin sa paa ang kanyang anak wala naman itong ibang magawa kundi mangako. ―Anak pasensya na ha, hayaan mo kapag nakaani ng higit sa regular na dami ang tatay mo at naibenta sa mga negosyante at mamimili sa bayan, makabibili na tayo sa sapin mo sa paa‖ pangako ni Aling Elsa. ―Talaga po Ina? Mainam po iyon dahil hindi na po masusugatan ang mga paa ko sa paglalakad papasok ko sa eswkela‖ masayang naisagot ni Tsi. ―Oo, anak kaya pagbutihin mo pag-aaral mo ha, para mas lalong ganahan ang Tatay sa pagtatraho‖ wika ni Aling Elsa. ―Sige po Ina, aalis na po ‗ko. Pwede ko po bang kainin na lang sa daan yung almusal ko?‖ tanong ni
  • 4. Tsi. ―Ikaw talaga ang bagal mo kasi kumilos hindi mo na tuloy nakakain almusal mo, O sige mag ingat ka‖ pabirong sinabi ng kanyang ina. Masayang lumabas sa bahay ni Tsi dala ang mga nilagang saging na Saba kasama ang pangakong binitawan ng Ina. Sa paglalakad, halos inaabot ng dalawang oras ang paglalakbay ni Tsi para makapasok lang sa kanilang paaralan. Nakakainip iyon. Mabuti na lang at mayroon s‘yang nakasasabay sa paglalakad –si Nel. Kapwa sila nasa ika-apat na baitang ng mababang paaralan ng Bomod-Ok. ―O nilagang saging, kain ka‖ pang-aalok ni Tsi sa kanyang kaibigan. ―Sige sayo na lang katatapos ko lang din kumain e,, salamat‖ tugon naman ni Nel. ―Ano namang kinain mo?tanong naman ni Tsi. ―Saging din. Pero minatamis na saging‖ Sagot ni Nel ―Wow! Saan naman kayo nakakuha ng asukal?. Bigtime na talaga kayo ha!‖ pabirong tanong ni Tsi. ―Haha! May asukal lang bigtime na agad? Di ba pwedeng nakadiskarte lang ang tatay? Pabiro din itong sinagot ni Nel. Masayang nag-uusap at nagbibiruan ang dalawang magkaibigan habang naglalakad nang mapansin ni Tsi ang sapin sa paa ni Nel. ―Wow Nel! May sapin ka na pala sa paa, napaka-swerte mo!‖ wika ni Tsi. ―Akala ko di mo mapapansin e. Binili ‗yan ni Nanay at Tatay kahapon sa bayan, nakakapanibago nga e‖. sagot naman ni Nel. ―Nakakainggit naman. Pwede ko din bang subukan ‗yan?‖ pagtatanong ni Tsi. ―Naku, pasensya na ha, bilin kasi ni Ina na wag ko daw papasuot ito sa iba, bukod kasi sa baka masira agad, baka madumihan pa sa loob… Isa pa, hindi naman tayo magkasukat ng paa di ba? Paliwanag ni Nel. Malungkot pero nauunawaan naman ni Tsi ang paliwanag ng kaibigan. Sa kanilang paglalakad kapansin-pansin ang pagbabago ng kapaligiran. ―Nel, kakaiba na ang tubig ng ilog ng Bumod-Ok ngayon no? nagtatakang tanong Tsi ―Oo, sabi kasi ni Tatay gawa daw yan ng pagmimina nila sa taas ng bundok‖ paliwanag ni Nel. ―Pagmimina? Ano namang minimina nila sa bundok?‖ muling pagtatanong ni Tsi. ―Edi ginto. Hindi ko sinasadyang marinig si nanay habang kausap ang tatay kanina, ‗yan daw yung dahilan kung bakit mas maayos na ang buhay namin ngayon.‖ Paliwanag ni Nel. ―Talaga?Ang galing naman. O tara na tawid na tayo sa ilog‖ tugon ni Tsi at agad na ring nag-aya sa pagtawid ng ilog. ―Teka, huhubarin ko muna sapin ko sa paa baka agusin e‖ pag-aalala ni Nel kaya hinubad n‘ya muna ito. Kinahapunan, sa muling pagbabalik ni Tsi sa kanilang tahanan, agad n‘yang naikwento sa kanyang mga magulang ang bagong sapin sa paa ng kaibigan n‘yang si Nel. ―Ina, alam nyo po ba? Si Nel may bagong sapin na sa paa‖ pagbabalita nito sa Ina. ―Talaga anak? Huwag kang maiinggit sa kanya ha‖ paalala naman ni Aling Elsa. ―Nakakainggit nga po e, pero sabi ko naman po sa kanya na bibilhan nyo din ako kapag nakabenta ng madaming gulay si Itay. Totoo ba yun Tay?‖ patuloy ni tsi at pagtatanong nito sa Tatay.
  • 5. ―Ahh e..sige pagbubutihan ng tatay‖ sagot naman ni Mang Tarding na may kasamang pagkabigla sa tanong ng anak. ―Ayan ang saya!da best po talaga kayo ‗tay! Sige po mag iigib na po ako pero po sa kabilang sapa na, medyo malabo na kasi yung sa likod, isa pa ginagahan kasi ako mag-igib e!‖ masayang may kahalong pabida ng anak. ―Malabo na ba? Baka dahil yan sa madalas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Sige mag-iingat ka‖ paalalang sabi ni Mang Tarding. Dahil sa nagulat si Mang Tarding sa nabanggit ng anak tungkol sa sapin sa paa, kaya nagkausap ang mag-asawa. ―Mahal, hindi mo dapat pinapangakuan ang anak natin ng ganyan, sa kadahilanang baka hindi na‘tin ito matupad, baka sumama pa ang loob di ba?‖ wika ni Mang Tarding. ―Alam mo namang binibigyan ko lang ng pag-asa ang anak na‘tin Tarding, sa ganoon mas lalo syang magsipag kahit pa ilang kilometro ang nilalakbay nya makapag-aral lang‖ paliwanag ni Aling Elsa. ―Haaay.. Alam mo Elsa parang gusto ko na ngang tanggapin yung alok ni Mang Isko sa itaas ng bundok para magmina, nang guminhawa naman ang buhay natin‖ salaysay ni Mang Tarding. ―Naku Tarding, kakayanin mo ba iyon?‖ Pag-aalalang tanong ng asawa. ―Susubukan ko nang matupad naman natin yung kahilingan ng bata kahit yung sapin man lang sa paa‖ sagot ni Mang Tarding. At ‗di nga nagtagal tinanggap na rin ni Mang Tarding ang trabaho sa minahan. Kaya laking tuwa ni Tsi isang umaga nang nakita n‘yang mayroong bagay nakabalot sa tabi ng kanyang unan. Nagulat na lang siya sa kanyang pagbubukas nang nakita nya ang isang asul na sapin sa paa. Agad nyang pinasalamatan ang kanyang mga magulang at agad ding isinuot pangpasok sa eskwela. Sa pagpasok sa eskwela, muli na naman silang nagkasabay ni Nel ―Aba Tsi! Asensado na rin kayo ha! May sapin ka na rin sa paa‖ masayang sinabi ni Nel. ―Tama nga sabi mo, malaki nga ang kita sa minahan. Salamat sa Tatay mo ha‖ sagot ni Tsi. ―Sabi ko sayo e!‖ Masayang tugon ni Nel. Kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi lang ulan kundi mabilis na pagtaas ng tubig –isang mabilisang pagbaha. ―Naku Nel! Kailangan na nating magmadali tumataas na ang tubig sa ilog‖ pangambang sambit ni Tsi. Sa bilis ng agos ng tubig sa Ilog, naging mabilis din ang pangyayari sa dalawang batang magkaibigan. Sa pagmamadali nilang makatawid nadulas si Nel sa bato sa gilid ng Ilog. ―Tsi, tulungan mo ko!‖ nagmamakaawang sigaw ni Nel. Hindi naman nagdalawang isip si Tsi para tulungan ang kaibigan nito. ―Hawakan mo kamay ko, kumapit ka lang, huwag kang bibitaw!‖wika ni Tsi. Isa pang rumaragasang tubig ang sumaklob sa magkaibigan upang kapwa sila lamunin ng tubig. Sa huli, hindi na sila muling nasilayan maliban sa magkabilang pares ng sapin sa paa ni Tsi at Nel.
  • 6. Ikinalungkot iyon ng buong baryo ng Bumod-Ok. Lalung-lalo na ang pamilya ni Tsi at Nel. Wala silang ibang masisi bukod sa sarili kundi ang minahan na naging bunsod ng sakuna. Nawala na kasi ang mga punong sumisipsip ng tubig tuwing umuulan. Nadaragdagan pa ang lupa sa ilalim ng tubig mula sa pagmimina sa taas ng bundok kaya mas lalong bumababaw ang tubig na nagiging sanhi upang maging mabilis at tumaas ang mga agos ng tubig sa ilog. Naging aral iyon sa buong baryo kaya gumawa sila ng paraan upang matigil at maipasara na ang minahan. Nagkaroon naman ng ibang pagkakakitaan ang baryo bukod sa pagtatanim, -ito ang turismo. Bumalik sa dating ganda ang ilog lalung-lalo na ang talon ng Bumod-Ok at dumami ang turista. Naging dahilan ito upang magkaroon ng pondo ang baryo para mabigyan ng mga sapin sa paa ang mga masisipag na batang tulad ni Tsi at Nel –ang mga batang kinuha ng kalikasan nang madulas sa minsang pag-ulan sa baryo. At ang mga sapin sa paang iyon ay tinawag na Tsinelas (Tsi+Nel+Dulas) bilang pag- alala sa mga batang naging daan para lubos na maunawaan ng mga tao ang delubyong pwedeng maging sanhi ng ‗di responsableng pagmimina. Alamat ni Maria Makiling ni Antonio, Emilio Martinez Marahil iba't-ibang alamat tungkol kay Mariang Makiling ang inyong nabasa. Ito'y isa sa mga matatandang alamat tungkol sa kanya na hindi pa palasak. Sinabi ng alamat, nang mga araw na yaong ang mga taoy maaaring makipamuhay sa piling ng mga bathala, ay nangyari ang dakilang pag-iibigan nina Mariang Makiling at Gat Dula. Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na para-parang bathala o engkantado kung sa ngayong pakahulugan. Tanging-tanging mutya ang nabanggit na lakambini sa kanilang tahanan pagka't siyay'y bugtong na aliw ng kanyang ama't ina. Siya ang liwanag ng kanilang paningin; siya ang galak ng kanilang puso; anupa't sa biglang pangungusap, siya ang kayamanang impok ng kanilang buhay. Sa kanilang katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-unting nawawalan ng sigla't lakas. Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't siya'y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na nga ng aking na sabi, nang panahong yao'y maaaring makipag-usap ang mga tao sa
  • 7. bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng isang punungkahoy. Maaaring patulong sa kanila ang isang linikhang nasa kagipitan, at ang mga ito naman, kung sadyang taimtim sa loob ang paghiling, ay hindi nagmamaramot. Kung ang pastol ay humihihip ng subing o plauta habang siya'y nagpapalipas ng maligayang sandali sa piling ng mga binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa'y susulpot nalaman gsa kanyang harap ang isang nimpang lipos ng alindog, upang makinig at makihati sa kaligayahan. Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan at mamili sa talipapa. Kaparis ng ibang babae, siya'y nakasuot ng sutlang kung minsa'y may burdang bulaklak at malalapad ang guhit ng siyang kinaugalian nang panahong yaon. Ang kanyang maitim at malagong buhok na kung ilugay ay abot hanggang sakong ay may pahiyas na sariwang bulaklak-suha. Sa kanyang dib-dib ay nakayakap ang mabangong kuwentas ng ilang-ilang. Magiliw siyang mangusap at lipos ng galang. Mahinhing kumilos na wari-bang nahihiya. Bakit ang hawas niyang mukha'y salamin ng kagandahan.Bakit ang kanyang mga mata'y sakdal nang aamo. Maging ang kanyang kapwa babae'y naakit bumati sa kanya. Ang mga maginoo, sa kanya'y nagyuyuko ng ulo. Si Maria'y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga nasabing utusan ay hindi lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang dalang buslo ay maliwanag na mapapansin ang mga luyang kulay-ginto na pinamamalit ni Maria. Nang panahong yao'y walang kuwaltang katulad ngayon na ating ibinibili ng kailangan. Noon, sa halip na bili ay palitan ang palakad ng bawa't tao. Doon nga sa talipapa nagtutungo ang may kailangan. Sari-saring bagay ang matatagpuan doon. Mga pinatuyong balat ng hayop na may magagandang balahibo. Mga banig na yari sa buli't sa pandang may kulay salit-salit. Mga sutlang habi na may malalapad na guhit ay may patak-patak. At kung anu-ano pang kagamitan sa lob ng bahay ang paninda roon. May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon lumuluwas sa bayan ang maraming tao upang makipamalit. Palibhasa'y hindi luyang talaga ang ipinamamalit ni Maria, kundi tunay na luyang ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa kanya ng iba't ibang lako. Kataon namang sa araw na yao'y namamalit si Gat Dula. Bukod sa kanyang ilang kawal na lingkod na kasama'y may kasama pa siyang mga dugong-mahal. Si Gat Dula ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng Makiling ay kinailangan nilang gumamit ng malaking bangka. May kalayuan ang agwat ng dalawang bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating. Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang daladalahan. Kasingkapal ng mga paninda ang tao sa talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng pamamalitang ukol sa bawa't pook. Kaya bukod sa mga sadyang tubo sa Makiling ay may ibang mukhang mapapansin doong nangangalakal. Kabilang sa mga lipingmahal
  • 8. na namamalit ay si Gat Dulang nagpapalipas lamang ng maligayang sandali sa talipapa. Kataon namang nagkasabay ng padampot sina Maria at Gat Dula sa kanilang binibiling balat ng hayop na may magagandang balahibo. Sa gayong pagkakasabay ay nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatama ang kanilang mga mata. Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang sa disinasadya'y nahawakan ni Gat Dula ang malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang nagkatinginan. Subali't sa taglay na kayumian ni Maria'y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang at paghingi ng paumanhin. Bago sila nagkalayo'y isang mahiyaing ngiti ang naitugon ng lakambini sa mapakumbabang patawad po ng binata. Buhat noo'y naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling. Subali't mula rin noo'y hindi na niya napagmalas ang maalindog na katauhan ni Maria. Hanggang noong makalipas ang ilang panahonng pamumulaklak ng suha, ay saka lamang niya muling napalarang mamasdan sa dating talipapaang luwalhating bumihag sa kanyang pihikang pag-ibig. Gaanong galak niya, at tuloy na ibulong sa kanyang loob: "Ang tiniis kong hirap nang nagdaang mga araw, marahil ngayo'y malulunasan na." Banayad siyang lumapit kay Maria, at nagbigay-galang. Walang kasintamis na ngiti ang isinagot naman sa kanay. Buhat noo'y naging matalik na silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog ng buwan. Sa isang tabi ng batis na umaaliw-iw sa loob ng gubat ay nahiwatigan nilang sa ubod ng puso'y may tinitimpi silang pagmamahal. Ito'y naramdaman nila nang magtamang matagal ang kanilang mga paningin, at hindi maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng dibdib. Sa gayong lihim na pag-iibigan ay nagkayakap ang dati'y magkalayong langit at lupa. Nguni't ang gayong pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng mga ataw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria. Sabihin pa ang galit ni Gat Panahon; halos mayanig ang buong lawa nga Bai. Gaanong damdamin ang nilasap ni Dayang Makiling, buhat nang matantong ang bugtong na anak niya'y may kasuyong taga-lupa. Ang puso ng ina, palibhasa'y kadluan ng awa, kung kaya dinakatiis na tanungin si Maria. Madali't salita, dahil sa malabis na pagmamahal ng magulang ay pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon, hindi na nakapanaog sa lupa si Maria. Pinutol ni Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa talipapa. Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging tunay na kinapal: Yaon ang pinagmulan tuloy ng pagkakahiwalay ng mga bathala at madlang tao. Subali't kung umibig si Maria'y minsan lamang, at walang kasindakila. Kung siya ma'y hindi na nakapapanaog sa lupa, dahil sa wala na siyang kapangyarihang makihalubilo sa madlang kinapal, sa alaala ni Gat Dula'y hindi nagkukulang ang kanyang pagdalaw. Naroong kung minsa'y pamalas siya sa sandaling nag-iisa ang mabunying Gat, nguni't pag nilapitan nito upang yakapin ay bigla siyang nalalaho. Naroong umawit siya nang
  • 9. lubhang matimyas kung nangungulila si Gat Dula ngutni't pag hinanap nito kung saan nanggaling ang tinig ay hindi naman malaman. Anupa't ang lahat sa binta'y parang panaginip. Walang kasingwagas naman ang pagmamahal ni Gat Dula kay Maria. Ang lahat ng pook at nayong ni yapakan ni Maria, maging ang tabing-batis na madalas nilang pagtagpuan, ay hindi nakaliligtaang dalawin. Nang panahong yao'y malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa kapwa-bayan. Di- kataka-takang lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai na sakop ni Gat Dula. Subali't kung ilang kaharian na ang nakikipaghamok sa matapang na Gat, maano man lamang na mapipilan siya o kaya'y masugatan. Ang dahilan ay sapagka't siya'y tinangkilik ng engkanto ni Maria. Ang adhikaing pag-ibig ng paraluman ay nagiging baluti at kalasag ng mabunying Gat. Marami na siyang napasukong kaharian; marami na siyang napagtagumpayang tabak, nguni't ang hindi lamang niya napasusuko't napagwawagihan ay ang kamandag ng pangungulila sa pag-ibig. Yaon ang dahilan ng kanyang pagkakasakit, hanggang sa siya'y naputulan ng hininga. Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang kaluluwa ng kanyang irog ay ibigay sa kanya. Noo'y yumao narin ang kanyang mga magulang kaya't sang-ayon sa sabi sina Maria at Gat Dula ang nag-uwi sa naiwang kayamanan at lupain. Subali't hindinalilimot ni Maria ang pagkamasintahin ng kanyang inang si Dayang Makiling sa lahat ng nasasakupan. Ang pag kamahabagin ni Dayang ay minana ni Maria sa kanyang puso. Sa bawa't bakuran ng bahay ng kanyang mga sakop, gaya rin nang dating ginagawa ng kanyang yumaong ina, ay ibinubudbud niya ang mga luyang ginto. Ang sinumang ikakasal sa walang magamit na magarang kasuutan ay hinahandugan niya. Ang isang mag-anak na maghahanda, nguni't walang magamit na kasangkapan ay kanyang pinahihiram. Ang lahat nang daing at kahilingan ng kanyang mga sakop ay tinutugon niya ng mapagpalang kandili. Nguni't ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga ng di-mabuti. Ang karamihan sa tinatangkilik ni Maria'y di-marunong tumingin ng utang na loob. Hanggang sa wakas ay nakaisip ang ibang mag-imbot sa di nila pag-aari. Ang mga kasangkapang ipahiram sa kanila ni Maria, palibhasa'y pawang ginto, kung kaya tikis nilang hindi ibinabalik. Bakit ang sama'y hindi lamang inaaangkin yaon ng iba, kundi ipinagpapalit pa sa mataas na halaga sa mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayo'y nayamot si Maria. Tuloy nawika sa sariling: "Nag-iba na ang panahon." Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha ang sinuman ng madlang bungang kaphoy sa gubat ay kanyang binawi. Dahil sa pagmamalupit ng tao sa hayop ay ipinagbawal din niya ang pangangaso, ang paninilo ng mga manok-labuyo, at pamamana ng mga ibon. Kung ang kanyang utos ay sinusuway ng sinuman, ang ginagawa ni Maria'y pinagdidilim ang panahon at pinabubuho ang malakas na ulan;
  • 10. pinagugulong niya ng malalaking tipak na bato sa bundok, hinahagkis niya ng baliti ang pinawalang mababangis na kalabaw at nang manugis at lumikha ng matinding kidlat. Ang mga yao'y panakot lamang naman ni Maria upang ang mga mangangasong gumagambalang malabis sa katahimikan ng sakop niyang kagubatan ay magsilayo at umalis. Alamat ng Sampaguita Kapuwa lumaki sina Nita at Desto sa isang liblib na nayon na napakalayo sa lungsod ng Maynila. Gayon man, ay kinamulatan nilang nayonay sagana sa biyaya ng kalikasan, kaya‘t sila‘y nabubuhay nang masagana at mapayapa. Sa Nita ay siyang tinataguriang ―tala ng nayon‖ dahil sa kaniyang tinataglay na pambihirang kagandahan. Hugis-puso at may mga labing kakulay ng saga. Nguni‘t tangi sa angkin niyang kagandahan, taglay din ni Nita ang likas na kahinhinan at napakagiliw siyang kausapin. Si Desto ay isang naming makisig na binata, may matipunong pangangatawan, malakas at masipag. Siya ay magiliw ding mangusap at may kilos-maginoo. Kaya‘t sa bunton ng mga nagingibig kay Nita, si Desto ang naging mapalad sa puso ang dalaga. Sa lilim ng isang malagong punong kahoy na nakayunyong sa isang batis, makailang ulit na magsumpaan sina Desto Nita, na sila ay magmamahalan sa habang buhay. Gayon man, sa puso ng dalaga ay madalas na mamahay ang pangamba. - Natatakot ako, Desto, nab aka baling araw ay makalimot ka rin sa Akin, - ang minsa‘y nasabi tuloy ni Nita sa kasuyo. - Huwag kang mag-isip ng ganyan, - ang matatag na tugon ni Desto. – Maaaring malimot ko ang lahat ng bagay sa mundong, nguni‘t kailanma‘y hindi kita malilimot, Nita. Lalong hindi ko malilimot an gating sumpaan. - Nguni‘t paano nga, kung ako‘y iyong malimot? – usig pa rin ng dalaga. - Narito Nita ang aking matalim na punyal. – sabay abot sa dalaga nag Hawak na patalim. – Sa sandaling magtaksil ako sa iyo ay maaaring gamitin mo ito upang kitilin ang aking buhay.
  • 11. Sa sinabing ito ng binata ay naging payapa na ang kalooban ni Nita. Umasa siyang hindi sisirain ni Desto ang matibay na kapangakuan nito. Subali‘t nang mangibang bayan si Desto, pagkaraan lamang ng ilang buwan, ay nabalitaan ni Nita na ang katipan niyang binata ay napakasal sa ibang dalaga na higit na mayaman sa kanya. Lubos niyang natalos na tutuo pala ang gayong balita, at nakilala ni Nita, na ang marupok na puso ni Desto ay madaling masilaw sa kislap ng salapi. Gayon man, malabis na dinamdam ni Nita ang paglililo ng katipan. Hindi mapagkatulog ang dalaga at parang ikamamatay niya ang ginawang iyon ni Desto. Nagunita tuloy niya ang matalim na punyal ma ipinagkaloob sa kaniya ng dating katipan. Isang gabing kabilugan ang buwan, ay nanaog si Nita nang palihim at nagtuloy sa may lilim ng punong-kahoy na dati nilang pinag-uulayawan ni Desto. Pagdating niya sa tabi ng batis na iyon, ay inilabas sa kaniyang sukbitan ang matulis na punyal at iniukit sa balat ng punongkahoy na iyon ang salitang SINUSUMPA KITA. Ang ibig-sabihi‘y sinusumpa niya ang naglililong si Desto. Pagkatapos tumungala si Nita sa langit at nagdasal; - Mahal naming Bathala, kung mabubuhay po ako nang lagging Maligalig sa mundong ito sa habang panahon... kunin mo na po ako... at pinatatawad ko na siya!... Sa kung anong himala, matapos bigkasin ni Nita ang dasal na iyon, ay biglang naglaho ang liwanag ng kabilugang buwan. Nagdilim ang langit at gumughit ang matatalim na kidlat! ... at nang gabing yaon ay naglaho rin ang buong katauhan ni Nita. Kinabukasan sa paghahanap ng mga magulang ni Nita, natagpuan ng mga ito ang punyal na nakatarak sa balat ng punongkahoy na kinatitikan ng mga salitang SINUSUMPA KITA. At pagkaraan pa ng ilang araw, sa paligid ng punong kahoy na iyon, ay may nagsitubong mga halaman, na ang mapuputing bulaklak ay may mahinhing bangong nanunuot hanggang sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Dahil sa ganap na paglalaho ni Nita, ang mga halamang iyon na nakapaligid sa nakaukit na salitang SINUSUMPA KITA ay tinawag ng lahat ang mga iyon na SAMPAGITA.
  • 12. Malikhain Pagsulat LUPA Kakatapos lamang umulan. Isang itim na uwak na may pulang mga mata na nakadapo sa puno. Tinawag nito ang aking pansin habang ang Sanggre ay nakahandusay sa aking katawan. Pinagmasdan ko ang mga nakadilat na mata ni Alena. na may mga ugat na tumubo mula sa kanyang puso na umutas sa kanya. Ang kanyang luha ay parang mga putik na sa isang iglap ay humalo sa akin at unti-unting naglaho tulad ng kanyang mga pita. May mga tinik rin ng mga halamang ligaw ang kanyang mga paa.Ako ay nadiligan ng dugo. Ang kanyang pagpasyal sa gubat ay pagsuong din sa panganib— isang paghamon sa mapanlinlang na landas para sa isang inosenteng may mithiin na magbaka-sakali at lumigaya. Ito ay ang gubat na talipandas. Lahat ng pumapasok dito ay hindi na nakakabalik maliban na lang kung siya ay hindi magpapatukso. Ngunit sa kaibuturan nito ay may isang patibong na kumunoy na nagnanasang may mabiktima. Nadali ang prinsesa. Pero si Danaya ba ang kumitil kay Alena? Ngayon ay dahan-dahang nalalagas ang mga tuyong dahon mula sa mga nakapalibot na akasya at binabalot nito ang marilag na katawan ng Sanggre. Kasabay nito ay ang paglipad ng uwak papalayo. Marahil siya ang sinasabing sundo patungong Devas, pero maaari rin siyang maging si Danaya, ang aking panginoon na mahusay magbalatkayo bilang hayop. Hindi ulang humahalik sa lupa ang tugon sa katahimikan, kung hindi ang lupang umaakit na patakan ng ulan.
  • 13. APOY Giselle Espino Panaginip ang may sala; ang tumutupok sa buhay. Nilalamon nito ang tao, walang tinitira kung hindi abo. Ano ang laban ng diwatang lulong sa panaginip? Bulag sa digmaang nagbabantang buwagin ang hierarkiya, itong bulkang malapit nang pumutok. Sindali ng usok burahin sa mundo ang Sanggre, lalo pa‘t ang dugo niya‘y kumukulo sa deliryo ng pag-ibig at pangarap. Unti-unti nang gumuguho ang Encantadia, hindi pa rin iahon ang ulo mula sa ilog upang makita ang mitsang paubos na. Marahil ay umuusad lang ang panahon. Ang prediksyon. Ang mga plano. Si Alena na rin ang naggatong sa sarili niya. Hindi nagtatagal sa giyera ang walang ibubuga. Pero si Perena ba ang kumitil kay Alena? Hindi pinag-aaksayahan ng panahon ang maliit na isda. Hindi kinikitil ang buhay na parang pagpitas ng bulaklak sa hardin. Alipin ng digmaan ang aking panginoon, at para patayin ang tunay na kalaban, kailangang buksan ang mga mata sa tunay na kaaway. Kung papatay na rin lang, si Amihan na sana ang nakahandusay sa tabi ng batis. Pero ako‘y brilyante lamang, hindi manghuhula. Ang bugso ng damdamin ng pusong sugatan ay puwersang di biro, ngunit higit pa roon, ang sumpa nitong giyera ay di matatakasan. Dumadalak, nag-uumapaw ang dugo bago isilang ang panibagong buhay; walang panahon para sa mga gamo-gamong kusang lumapit sa apoy. Ang daan ng isang mandirigma ay gawa ni Kamatayan. Sino man ang humarang, diwata, tao, maski si Bathala pa, ay walang ligtas sa tiyak na kapahamakan. Huwag malinlang sa nakabibinging katahimikan. Ito ay signos lamang ng di matiyak na bukas. Hangin Villadelrey, Jhude Erika P. Tanaw ang sinag ng araw ngunit manhid ang balat para sa init nito. Nang- aagaw ng lakas ang malamig na panahon. Ramdam mo ang unti-unting paninigas ng iyong mga laman. Ang panghihina ng katawan.Ang pagpikit ng iyong mga mata.Masarap humimlay. Paghimlay na hindi gaya ng kay Alena. Walang lagalag na diwata at pashneya. Nakakapanibago ang mga piping usapan. Tanging ang mga naglalaglagang sanga mula sa mga matataas na puno ang nagdudulot ng ingay sa paligid.
  • 14. Nagkalat. Tulad ng mga talulot sa paligid, nagkalat ang mga diwata sa loob ng kaharian. Paroo‘t parito ang mga taga-Encantadia. Hindi mapakali ang lahat dahil sa balita. Patay na si Alena. Sumasayaw ang apoy sa mga tanglaw sa loob ng Encantadia. Magkakatulad ngunit magkakaiba. Magkakatulad ng direksyong sinusundan subalit magkakaiba ng posisyong kinatatayuan. Kalat ang mga sisidlan ng liwanag sa lahat ng sulok ng kaharian ngunit sabay-sabay ang bawat liyab sa paggalaw. Hindi mahulugang karayom ang isang sulok ng kaharian.May kumpulan. Patay na ang diwata ng tubig. Patay na si Alena. Paulit-ulit na usapan. Pero si Amihan nga ba ang pumaslang kay Alena? Oo, siya. Hindi, hindi siya. Ako ay isang brilyante ng hangin… na walang karapatang humatol. Hindi man ito ang kinalakihang mundo ng aking panginoon ngunit nanatili siyang malakas at matatag. Tila isang malambot na papel na pilit ipinampapaypay. Wala siyang kaibahan sa ibang nilikha. Malambot.May puso. Puso na siya niyang kahinaan. Ilang labanan na ang nagpadumi sa kanya ngunit natatangay lamang siya ng hihip ng pangangailangan. Kailangang ipagtanggol ang kaharian.Maging mabagsik.Maging matigas. Nakaharap man sa timog subalit nakamasid hanggang sa hilaga. Kung si bathala ay hindi magawang ituro ang tunay na pumaslang ako pa kaya na isang brilyante lamang. Nawa‘y magmistulang maitim na usok ang katawang nakahandusay sa batis. Kakapit sa sinumang nagtagumpay at mag-iiwan ng pinsala gaya ng espiritung nagpapatindig ng balahibo. Ang Taksil na Anak Lolette C. Gohol