ISTASYON
1:
GUIDE
CARD
(PATNUBA
Halika,umpisahannatin ang pagtalakay…
Alam kong maraming katanungan ang gumugulo sa
iyong isipan. Isa na rito ang mga pangyayari
na kinapapalooban ng pakikipagsapalaran ko
tungo sa aking layunin. Subalit sa paglalakbay
nating ito, dalawang bagay lamang ang nais ko mula
sa iyo: una, buksan mo ang iyong kamalayan, puso at
isipan at hayaang dumaloy sa iyong katawan ang
epekto ng mga pangyayaring iyong mararanasan.
Ikalawa, imulat mo ang iyong mga mata at hayaaang mahigop ng iyong kaisipan
ang mga mahahalagang impormasyon na posible mong matutunan patungo sa
paglalakbay na ito.
Marahilay nakapaglakbayka na. Kung hindi pa, ganitoiyon. Kapag malayo ang
biyahe, sa kahit na anumanguri ng sasakyan,dumaraanito sa mga istasyon upang
magpahingaat kumain. Ganoon din tayo, dadaantayo sa iba’t ibang istasyon na
mayroong iba’t ibang gawain upang magsilbingpagkain ng ating kaisipan.
Ipapaliwanag ko munasa iyo angmakikita mo sa bawat istasyon paraalam mo ang
panahonggugugulinsabawat bahagi at hindi ka mapag-iwanan ng iyong
Magandang araw sa
iyo! Marahil ay
nakahanda ka nang
magsimula. Ito ang
modyul na pag-aaralan
mo sa Ekonomiks sa
Baitang 10.
Simple lang ang
aralin sa bahaging ito ng
modyul. Kailangan
lamang na mag-ukol ka
ng kaunting oras upang
matagumpay mong
matugunan ang mga
pangangailangan ng
araling ito.
Samahan niyo kami sa
pag-aaral sa
Pagkonsumo sa
Ekonomiks!
sasakyan.
Ang unang istasyon (1) ay ang PATNUBAY (Guide Card). Ano ang
nakita mo …Tama ka! Ang ating layunin at mga araling ating daraanan sa
ating paglalakbay.
Ang ikalawang istasyon (2) ay ang MGA PAGSUBOK (Activity Card). Ito
ang may pinakamahaba at pinakamahirap na istasyong hihintuan mo.
Makikita mo rito ang iba’t ibang gawain na susubok sa iyong kasanayan at
pagkamalikhain. Binubuo ito ng mga aralin na tutulong upang matamo mo
ang iyong layunin. Kaya dapat ay marami kang baong pagkain na
pangkaisipan. Pero huwag kang mag-alala, nakawiwili ang istasyong ito at
tiyak na masisiyahan ka. Sinisigurado kong hindi ka maiinip.
Ang ikatlong istasyon (3) ay ang MGA PAGTATAYA(Assessment Card).
Makikita no rito ang mga karagdagang aralin at gawain na higit pang
magpapayaman sa iyong kasanayan.
Ang ikaapat na istasyon (4) ay ang PAGPAPALALIM (Enrichment
Card). Makikita mo ang pangalawa sa huling gawain na higit na
magpapayaman sa iyong pagiging mapamaraan.
Ang ikalimang istasyon (5) ay ang TAMA KA (Reference Card). Dito
mo makikita kung hindi ka naligaw sa iyong paglalakbay. Narito ang susi sa
pagwawasto sa mga gawaing isinagawa mo sa mga naunang mga istasyon.
PAGKONSUMO
KAHULUGANNG PAGKONSUMO
Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao
simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot, bitamina, lampin, bakuna, at
marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo. Habang patuloy na nabubuhay ang
tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay
nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan
at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan
kung bakit may pagkonsumo. Ayon nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the
Nature and Causes of the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang
pagkonsumo ng mga tao.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba
ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang
pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng
isang tao.
Pagbabago ng Presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng
produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung
mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo.
Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas
marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo
nito.
Kita -nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes,
isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The GeneralTheory of Employment, Interest,
and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang
pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang
kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sakabilang banda, ang pagbaba ng kita
ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas
maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may
mababang kita lamang.
Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa
pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng
kakulangan sa supplyng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa
kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman
kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap.
Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo
upang mapaghandaan ang
mangyayari sa mga susunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda naman ang pananaw
sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa
natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.
Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring
maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi, upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng
pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng
produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang
ang binabayaran niyang utang.
Demonstration Effect- madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo,
telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang
kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng mediakaya naman tumataas ang
pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng
nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang.
Ang Matalinong Mamimili
Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga produkto at
serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, ano-ano ang
isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil mayroon nito ang iyong kaklase? O
bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit hindi mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng
pansin ang kapakinabangan at kasiyahang nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo?
Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang
ang value for money.Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na
kaalaman upang maging matalino sa pamimili.
Mga Pamantayan sa Pamimili
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin ang
bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod ay ilan sa mga
pamantayan sa pamimili:
1. Mapanuri
Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang,
pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa
upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.
2. MayAlternatibo o Pamalit
May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong
dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang
matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o panghalili
na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.
3. Hindi Nagpapadaya
May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang
may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto at
mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
4. Makatwiran
Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa
pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang
kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang
pangangailangan dito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga
kompara sa mga luho lamang.
5. Sumusunod sa Badyet
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang
mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto
na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga
pangangailangan.
6. Hindi Nagpapanic-buying
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng
mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong
konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buyingay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.
7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo
ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng
pag-aanunsiyo na ginamit.
Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili
Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga
patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong
din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng
mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at
operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na
ito:
a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan.
b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa
operasyon ng mga negosyo at industriya.
c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.
d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng
mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.
WALONG KARAPATANNG MAMIMILI
Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay
naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon
sa pamilihan.
1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
2. Karapatan sa Kaligtasan
May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa
pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
3. Karapatan sa Patalastasan
May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na
patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang
malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang
pagsasamantala ng iba.
4. Karapatang Pumili
May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo.
Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa
kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila.
5. Karapatang Dinggin
May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa
produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o
mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali,
kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa
pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol.
7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
May karapatan sa consumer education,nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.
Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa
ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay
na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking
pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at
kinabukasan ng ating saling lahi.
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI
Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang pananagutan
ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit:
1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang
gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong
pagsasamantalahan ng mga mandarayang
mangangalakal.
3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng
maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal,
pambansa, o pandaigdig na komunidad.
4. Kamalayan sa Kapaligiran – ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran
bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na
kayamanan para sa ating kinabukasan.
5. Pagkakaisa – ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
CONSUMERPROTECTIONAGENCIES
Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang
kapakanan ng mga mamimili:
Bureauof Food and Drugs (BFAD) -hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot,
pagkain, pabango, at make-up.
City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)timbangan
at mapanlinlang na pagsukat.
Department of Trade and Industry (DTI)- hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-
maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.
EnergyRegulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o
timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.”
Environmental ManagementBureau(DENR-EMB)-namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran
(polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).
Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng
pamatay-insekto at pamatay-salot.
Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB)- nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa
pati na rin ang mga subdibisyon.
Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro
Philippine Overseas Employment Administration (POEA)- reklamo laban sa illegal recruitment
activities.
Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng
propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer,atbp.
Securities& Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad
ng pyramiding na gawain.
MGA URI NG PAGKONSUMO
Pagkonsumo ang paggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa
mamimili. May apat na uri ng pagkonsumo :
1. tuwirang pagkonsumo – pagkonsumo na tuwirang tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Halimbawa : pag-inom ng tubig, kapag nauhaw
2. produktibong pagkonsumo – ang paraan ng paggawa ng isang produkto upang makagawa ng
isang produkto upang makagawa ng iba pang bagay
Halimbawa : Ang paggamit ng tela at sinulid sa paggawa ng damit
3. maaksayang pagkonsumo – ang paggamit o ang pagbili ng produkto upang matugunan
lamang sa kagustuhan ng tao.
Halimbawa : Ang paggamit ng ilaw na hindi naman kinakailangan; ang pabayang paggamit ng
tubig na hinahayaang tumulo mula sa gripo.
4. mapanganib na pagkonsumo – ang pagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusugan ng
tao.
Halimbawa : ang labis na paninigarilyo, paglalasing at paggamit ng droga
MGA BATAS NA MAGPOPROTEKTASAMGA KONSYUMER
1. Batas Republika Blg.3542 ( Nagtatag ng National Grains Authority )
Ang National Grains Authority ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa pagbili ng
mga inaaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa murang
halaga.Ang gawaing ito ay ginagampanan ng National Food Authority ( NFA) sa
kasalukuyan. Sinisiguro din ng ahensyang ito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas at
pagkain sa bansa.
2. Batas Republika Blg. 71 ( Batas sa Price Tag )
Ang paglalagay ng price tag sa mga paninda ay mahigpit na ipinatutupad para ma-monitor
at mabantayan kung tama ang presyo ng mga produkto ayon sa bansa.
3. Batas Republika Blg. 3740 ( Batas sa Pag-aanunsyo )
Ang pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito.
4. Artikulo 1546 – Kodigo Sibil ng Pilipinas(Batas sa Pagbebenta)
Ang batas na ito ang nagbibigay garantiya sa mga konsyumer na walang nakatagong pinsala at
depekto ang mga ibinebentang produkto. Ang sira, depekto,at pinsala ng mga produkto ay hindi
dapat itago sa mga konsyumer.
5. Artikulo 188 – Binagong Kodigo Penal (Batas sa Trademark)
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang panggagaya o paggamit ng tatak, lalagyan at
pambalot, at pangalan ng mga rehistradong produkto at kompanya.
ISTASYON
2:
Activity
Card
(mga
pagsubok)
Hanapin ang 10 na salita patungkol sa pagkonsumo sa ekonomiks. Sana mahanap mo silang
lahat upang may paunang kaalaman tayo sa pagharap sa mga susunod pang pagsubok…
(Lagyan ng linyang guhit ang mga ito)
P A G K O N S U M O O Y E T A S I S A D
P R O D Y U S E R A H E P M P M Q D R O
D P I D I E G O Y R D L A N E G R O L M
W A P S R Q J G R L K R N B L X A L N A
E D E R O I T A N N O R A M T M R B X M
K R D B H S E W A O S E N D B O I H F I
O E R D M O T A K O N O A O A G N I R M
N S O V Y M L O F I L R G K L M G G M I
O A W S S A S I M O T A U Y T E A A A L
M L E A H I N G F O Y A T N D I D S N I
I R N A N G L M H I I O A N E R L T O B
P I M O S O P O T A S Y N N K L E E O A
S A I K O R N N O P A Y A D K P R P R R
P I B E R K A R A P A T A N C A M S I R
D E M O N S T R A T I O N E F F F E C T
Kung handa kana,simulan na natin
ang paglalakbay…
Pagkonsumo Mamimili Ekonomiks
Demonstration Effect Karapatan Pamahalaan
Kita Pananagutan
Presyo Prodyuser
Magaling!
Handa ka na ba sa susunod na
pagsubok? Okay, kung handa ka
na sa susunod…halika na!
Ipagpalagay na mayroon kang Php500.00 at may pagkakataon
kang bumili
ng iba’t ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong
bibilhin?
Panuto : Piliin ang tamang sagot . Isulat ang titik
III. Analohiya : Punan ng tamang salita
upang mabuo ang paghahambing.
1. pagbili ng produkto : pagkonsumo ;
paglikha ng produkto : _____________
2. balat ng hayop : produktibo ; bawal
na gamot : ____________
3. Artikulo 1546 : Batas sa Pagbebenta ;
Artikulo 188 : _____________
Ibigay kung anong consumer protection agencies ang
inilalarawan ng bawat bilang sa ibaba:
__________1.hinggil sa timbang at sukat, madayang
(tampered)timbangan at mapanlinlang na pagsukat.
__________2.hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act
tulad ng pyramiding na gawain.
__________3.hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng
pamatay-insekto at pamatay-salot.
__________4.reklamo laban sa illegal recruitment activities.
__________5.hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng
propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer,
atbp.
__________6.hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng
gamot, pagkain, pabango, at make-up.
__________7.hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at
industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at
mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.
__________8.reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat
o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng
“Liquified Petroleum Gas.”
__________9.nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa
pati na rin ang mga subdibisyon.
__________10.namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran
(polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).
__________11. hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng
seguro
Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang sa ibaba at ibigay ang bawat tamang
kasagutan.
__________1.Nagdidiktasa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.
__________2.Madalingmaimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,
pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media.
__________3.Sinusuriangproduktong bibilhin.
__________4.Angpag-endorsong produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa
pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer.
__________5.Angpaggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa
mamimili.
__________6.Angparaan ng paggawa ng isang produkto upang makagawa ng isang produkto
upang makagawa ng iba pang bagay.
__________7.Angpagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusugan ng tao.
__________8.Pagkonsumona tuwirang tumutugon sa pangangailangan ng tao.
__________9.Angpaggamit o ang pagbili ng produkto upang matugunan lamang sa kagustuhan
ng tao.
__________10.Angpaglalagay ng price tag sa mga paninda ay mahigpit na ipinatutupad para ma-
monitor at mabantayan kung tama ang presyo ng mga produkto ayon sa bansa.
__________11.Angbatas na ito ang nagbibigay garantiya sa mga konsyumer na walang
nakatagong pinsala at depekto ang mga ibinebentang produkto. Ang sira, depekto,at pinsala ng
mga produkto ay hindi dapat itago sa mga konsyumer.
__________12.AngNational Grains Authority ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa
pagbili ng mga inaaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa
murang halaga.Ang gawaing ito ay ginagampanan ng National Food Authority ( NFA) sa
kasalukuyan. Sinisiguro din ng ahensyang ito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas at
pagkain sa bansa.
Binabati kita sa
matagumpay mong
paglalakbay. Tunay
kang kahanga-hanga!
ISTASYON
5:
Reference
Card
(Tama ka!)
http://vivianrasuncion.weebly.com
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkonsumo
https://prezi.com/vmmrqavxybgu/pagkonsumo/
http://www.slideshare.net/lanceabalos/pagkonsumo
https://economics000rainargifel.wordpress.com/pagkonsumo/
https://www.emaze.com/@AWLQQWT/PAGKONSUMO-AP-IV.pptx
https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-uri-ng-pagkonsumo/
https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-salik-na-may-
kinalaman-sa-pagkonsumo/
Ekonomiks Grade 10Learning Materials Unit 1 page 60-71
Leaflet ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya(Department ofTrade and
Industry) at Bureauof Trade Regulationand Consumer Protection
ANSWER
Card
P A G K O N S U M O O Y E T A S I S A D
P R O D Y U S E R A H E P M P M Q D R O
D P I D I E G O Y R D L A N E G R O L M
W A P S R Q J G R L K R N B L X A L N A
E D E R O I T A N N O R A M T M R B X M
K R D B H S E W A O S E N D B O I H F I
O E R D M O T A K O N O A O A G N I R M
N S O V Y M L O F I L R G K L M G G M I
O A W S S A S I M O T A U Y T E A A A L
M L E A H I N G F O Y A T N D I D S N I
I R N A N G L M H I I O A N E R L T O B
P I M O S O P O T A S Y N N K L E E O A
S A I K O R N N O P A Y A D K P R P R R
P I B E R K A R A P A T A N C A M S I R
D E M O N S T R A T I O N E F F F E C T
Assessment Card
ASSESMENT #1
1. B. Maaksaya
2. A. Pagkonsumo
3. C. Pag-aanunsyo
4. C. Presyo
5. A. Trademark
ASSESMENT #2
1. T-tuwiran
2. P-produktibo
3. MP-mapanganib
4. M-maaksaya
5. P-produktibo
6. T-tuwiran
7. P-produktibo
8. P-produktibo
9. M-maaksaya
10. M-maaksaya
ASSESMENT #3
1. produksiyon
2. mapanganib
3. batas sa trademark
Enrichment Card
Enrichment Card1
1-5
Pagbabago ng Presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
DemonstrationEffect
6-12
Mapanuri
May AlternatibooPamalit
Hindi Nagpapadaya
Makatwiran
SumusunodsaBadyet
Hindi nagpapanic-buying
Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
13-20
Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
Karapatan sa Kaligtasan
Karapatan sa Patalastasan
Karapatang Pumili
Karapatang Dinggin
Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
EnrichmentCard 2
1. City/Provincial/MunicipalTreasurer
2. Securities& Exchange Commission (SEC)
3. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)
4. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
5. Professional Regulatory Commission (PRC)
6. Bureauof Food and Drugs (BFAD)
7. Department of Trade and Industry (DTI)
8. EnergyRegulatory Commission (ERC)
9. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB)
10. Environmental ManagementBureau(DENR-EMB)
11. Insurance Commission
EnrichmentCard 3
1. Kita
2. Demonstration Effect
3. Mapanuri
4. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
5. Pagkonsumo
6. produktibong pagkonsumo
7. mapanganib na pagkonsumo
8. tuwirang pagkonsumo
9. maaksayang pagkonsumo
10. Batas Republika Blg. 71 ( Batas sa Price Tag)
11. Artikulo 1546 – Kodigo Sibil ng Pilipinas(Batas sa Pagbebenta)
12. Batas Republika Blg.3542 ( Nagtatag ng National Grains Authority )
Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

  • 1.
  • 2.
    Halika,umpisahannatin ang pagtalakay… Alamkong maraming katanungan ang gumugulo sa iyong isipan. Isa na rito ang mga pangyayari na kinapapalooban ng pakikipagsapalaran ko tungo sa aking layunin. Subalit sa paglalakbay nating ito, dalawang bagay lamang ang nais ko mula sa iyo: una, buksan mo ang iyong kamalayan, puso at isipan at hayaang dumaloy sa iyong katawan ang epekto ng mga pangyayaring iyong mararanasan. Ikalawa, imulat mo ang iyong mga mata at hayaaang mahigop ng iyong kaisipan ang mga mahahalagang impormasyon na posible mong matutunan patungo sa paglalakbay na ito. Marahilay nakapaglakbayka na. Kung hindi pa, ganitoiyon. Kapag malayo ang biyahe, sa kahit na anumanguri ng sasakyan,dumaraanito sa mga istasyon upang magpahingaat kumain. Ganoon din tayo, dadaantayo sa iba’t ibang istasyon na mayroong iba’t ibang gawain upang magsilbingpagkain ng ating kaisipan. Ipapaliwanag ko munasa iyo angmakikita mo sa bawat istasyon paraalam mo ang panahonggugugulinsabawat bahagi at hindi ka mapag-iwanan ng iyong Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka nang magsimula. Ito ang modyul na pag-aaralan mo sa Ekonomiks sa Baitang 10. Simple lang ang aralin sa bahaging ito ng modyul. Kailangan lamang na mag-ukol ka ng kaunting oras upang matagumpay mong matugunan ang mga pangangailangan ng araling ito. Samahan niyo kami sa pag-aaral sa Pagkonsumo sa Ekonomiks!
  • 3.
  • 4.
    Ang unang istasyon(1) ay ang PATNUBAY (Guide Card). Ano ang nakita mo …Tama ka! Ang ating layunin at mga araling ating daraanan sa ating paglalakbay. Ang ikalawang istasyon (2) ay ang MGA PAGSUBOK (Activity Card). Ito ang may pinakamahaba at pinakamahirap na istasyong hihintuan mo. Makikita mo rito ang iba’t ibang gawain na susubok sa iyong kasanayan at pagkamalikhain. Binubuo ito ng mga aralin na tutulong upang matamo mo ang iyong layunin. Kaya dapat ay marami kang baong pagkain na pangkaisipan. Pero huwag kang mag-alala, nakawiwili ang istasyong ito at tiyak na masisiyahan ka. Sinisigurado kong hindi ka maiinip. Ang ikatlong istasyon (3) ay ang MGA PAGTATAYA(Assessment Card). Makikita no rito ang mga karagdagang aralin at gawain na higit pang magpapayaman sa iyong kasanayan. Ang ikaapat na istasyon (4) ay ang PAGPAPALALIM (Enrichment Card). Makikita mo ang pangalawa sa huling gawain na higit na magpapayaman sa iyong pagiging mapamaraan. Ang ikalimang istasyon (5) ay ang TAMA KA (Reference Card). Dito mo makikita kung hindi ka naligaw sa iyong paglalakbay. Narito ang susi sa pagwawasto sa mga gawaing isinagawa mo sa mga naunang mga istasyon.
  • 5.
    PAGKONSUMO KAHULUGANNG PAGKONSUMO Sinasabing anglahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot, bitamina, lampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo. Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga tao. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Pagbabago ng Presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito. Kita -nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The GeneralTheory of Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sakabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang. Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supplyng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang
  • 6.
    mangyayari sa mgasusunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo. Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi, upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang. Demonstration Effect- madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng mediakaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang. Ang Matalinong Mamimili Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit hindi mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng pansin ang kapakinabangan at kasiyahang nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo? Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang ang value for money.Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na kaalaman upang maging matalino sa pamimili. Mga Pamantayan sa Pamimili Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili: 1. Mapanuri Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.
  • 7.
    2. MayAlternatibo oPamalit May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili. 3. Hindi Nagpapadaya May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. 4. Makatwiran Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang. 5. Sumusunod sa Badyet Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan. 6. Hindi Nagpapanic-buying Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buyingay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. 7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit. Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng
  • 8.
    mamimili. Itinatadhana ngbatas na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito: a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan. b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya. c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili. d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan. WALONG KARAPATANNG MAMIMILI Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan. 1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. 2. Karapatan sa Kaligtasan May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan. 3. Karapatan sa Patalastasan May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba. 4. Karapatang Pumili May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila. 5. Karapatang Dinggin May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan. 6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa
  • 9.
    produkto na binilimo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol. 7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili May karapatan sa consumer education,nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili. 8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi. LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit: 1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit. 2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal. 3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na komunidad. 4. Kamalayan sa Kapaligiran – ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan. 5. Pagkakaisa – ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
  • 10.
    CONSUMERPROTECTIONAGENCIES Ang sumusunod aymga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili: Bureauof Food and Drugs (BFAD) -hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up. City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)timbangan at mapanlinlang na pagsukat. Department of Trade and Industry (DTI)- hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya- maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal. EnergyRegulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” Environmental ManagementBureau(DENR-EMB)-namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig). Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB)- nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon. Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro Philippine Overseas Employment Administration (POEA)- reklamo laban sa illegal recruitment activities. Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer,atbp. Securities& Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain. MGA URI NG PAGKONSUMO Pagkonsumo ang paggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa mamimili. May apat na uri ng pagkonsumo : 1. tuwirang pagkonsumo – pagkonsumo na tuwirang tumutugon sa pangangailangan ng tao. Halimbawa : pag-inom ng tubig, kapag nauhaw 2. produktibong pagkonsumo – ang paraan ng paggawa ng isang produkto upang makagawa ng isang produkto upang makagawa ng iba pang bagay Halimbawa : Ang paggamit ng tela at sinulid sa paggawa ng damit
  • 12.
    3. maaksayang pagkonsumo– ang paggamit o ang pagbili ng produkto upang matugunan lamang sa kagustuhan ng tao. Halimbawa : Ang paggamit ng ilaw na hindi naman kinakailangan; ang pabayang paggamit ng tubig na hinahayaang tumulo mula sa gripo. 4. mapanganib na pagkonsumo – ang pagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusugan ng tao. Halimbawa : ang labis na paninigarilyo, paglalasing at paggamit ng droga MGA BATAS NA MAGPOPROTEKTASAMGA KONSYUMER 1. Batas Republika Blg.3542 ( Nagtatag ng National Grains Authority ) Ang National Grains Authority ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa pagbili ng mga inaaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa murang halaga.Ang gawaing ito ay ginagampanan ng National Food Authority ( NFA) sa kasalukuyan. Sinisiguro din ng ahensyang ito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas at pagkain sa bansa. 2. Batas Republika Blg. 71 ( Batas sa Price Tag ) Ang paglalagay ng price tag sa mga paninda ay mahigpit na ipinatutupad para ma-monitor at mabantayan kung tama ang presyo ng mga produkto ayon sa bansa. 3. Batas Republika Blg. 3740 ( Batas sa Pag-aanunsyo ) Ang pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito. 4. Artikulo 1546 – Kodigo Sibil ng Pilipinas(Batas sa Pagbebenta) Ang batas na ito ang nagbibigay garantiya sa mga konsyumer na walang nakatagong pinsala at depekto ang mga ibinebentang produkto. Ang sira, depekto,at pinsala ng mga produkto ay hindi dapat itago sa mga konsyumer. 5. Artikulo 188 – Binagong Kodigo Penal (Batas sa Trademark) Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang panggagaya o paggamit ng tatak, lalagyan at pambalot, at pangalan ng mga rehistradong produkto at kompanya.
  • 13.
  • 14.
    Hanapin ang 10na salita patungkol sa pagkonsumo sa ekonomiks. Sana mahanap mo silang lahat upang may paunang kaalaman tayo sa pagharap sa mga susunod pang pagsubok… (Lagyan ng linyang guhit ang mga ito) P A G K O N S U M O O Y E T A S I S A D P R O D Y U S E R A H E P M P M Q D R O D P I D I E G O Y R D L A N E G R O L M W A P S R Q J G R L K R N B L X A L N A E D E R O I T A N N O R A M T M R B X M K R D B H S E W A O S E N D B O I H F I O E R D M O T A K O N O A O A G N I R M N S O V Y M L O F I L R G K L M G G M I O A W S S A S I M O T A U Y T E A A A L M L E A H I N G F O Y A T N D I D S N I I R N A N G L M H I I O A N E R L T O B P I M O S O P O T A S Y N N K L E E O A S A I K O R N N O P A Y A D K P R P R R P I B E R K A R A P A T A N C A M S I R D E M O N S T R A T I O N E F F F E C T Kung handa kana,simulan na natin ang paglalakbay… Pagkonsumo Mamimili Ekonomiks Demonstration Effect Karapatan Pamahalaan Kita Pananagutan Presyo Prodyuser Magaling!
  • 15.
    Handa ka naba sa susunod na pagsubok? Okay, kung handa ka na sa susunod…halika na!
  • 16.
    Ipagpalagay na mayroonkang Php500.00 at may pagkakataon kang bumili ng iba’t ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin?
  • 18.
    Panuto : Piliinang tamang sagot . Isulat ang titik
  • 21.
    III. Analohiya :Punan ng tamang salita upang mabuo ang paghahambing. 1. pagbili ng produkto : pagkonsumo ; paglikha ng produkto : _____________ 2. balat ng hayop : produktibo ; bawal na gamot : ____________ 3. Artikulo 1546 : Batas sa Pagbebenta ; Artikulo 188 : _____________
  • 24.
    Ibigay kung anongconsumer protection agencies ang inilalarawan ng bawat bilang sa ibaba: __________1.hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)timbangan at mapanlinlang na pagsukat. __________2.hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain. __________3.hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot. __________4.reklamo laban sa illegal recruitment activities. __________5.hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp. __________6.hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up. __________7.hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal. __________8.reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” __________9.nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon. __________10.namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig). __________11. hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro
  • 25.
    Tukuyin kung anoang inilalarawan sa bawat bilang sa ibaba at ibigay ang bawat tamang kasagutan. __________1.Nagdidiktasa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. __________2.Madalingmaimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. __________3.Sinusuriangproduktong bibilhin. __________4.Angpag-endorsong produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. __________5.Angpaggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa mamimili. __________6.Angparaan ng paggawa ng isang produkto upang makagawa ng isang produkto upang makagawa ng iba pang bagay. __________7.Angpagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusugan ng tao. __________8.Pagkonsumona tuwirang tumutugon sa pangangailangan ng tao. __________9.Angpaggamit o ang pagbili ng produkto upang matugunan lamang sa kagustuhan ng tao. __________10.Angpaglalagay ng price tag sa mga paninda ay mahigpit na ipinatutupad para ma- monitor at mabantayan kung tama ang presyo ng mga produkto ayon sa bansa. __________11.Angbatas na ito ang nagbibigay garantiya sa mga konsyumer na walang nakatagong pinsala at depekto ang mga ibinebentang produkto. Ang sira, depekto,at pinsala ng mga produkto ay hindi dapat itago sa mga konsyumer. __________12.AngNational Grains Authority ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa pagbili ng mga inaaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa murang halaga.Ang gawaing ito ay ginagampanan ng National Food Authority ( NFA) sa kasalukuyan. Sinisiguro din ng ahensyang ito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas at pagkain sa bansa. Binabati kita sa matagumpay mong paglalakbay. Tunay kang kahanga-hanga!
  • 26.
  • 27.
  • 28.
  • 29.
    P A GK O N S U M O O Y E T A S I S A D P R O D Y U S E R A H E P M P M Q D R O D P I D I E G O Y R D L A N E G R O L M W A P S R Q J G R L K R N B L X A L N A E D E R O I T A N N O R A M T M R B X M K R D B H S E W A O S E N D B O I H F I O E R D M O T A K O N O A O A G N I R M N S O V Y M L O F I L R G K L M G G M I O A W S S A S I M O T A U Y T E A A A L M L E A H I N G F O Y A T N D I D S N I I R N A N G L M H I I O A N E R L T O B P I M O S O P O T A S Y N N K L E E O A S A I K O R N N O P A Y A D K P R P R R P I B E R K A R A P A T A N C A M S I R D E M O N S T R A T I O N E F F F E C T
  • 30.
    Assessment Card ASSESMENT #1 1.B. Maaksaya 2. A. Pagkonsumo 3. C. Pag-aanunsyo 4. C. Presyo 5. A. Trademark ASSESMENT #2 1. T-tuwiran 2. P-produktibo 3. MP-mapanganib 4. M-maaksaya 5. P-produktibo 6. T-tuwiran 7. P-produktibo 8. P-produktibo 9. M-maaksaya 10. M-maaksaya ASSESMENT #3 1. produksiyon 2. mapanganib 3. batas sa trademark Enrichment Card Enrichment Card1 1-5 Pagbabago ng Presyo Kita Mga Inaasahan Pagkakautang DemonstrationEffect 6-12 Mapanuri May AlternatibooPamalit Hindi Nagpapadaya Makatwiran SumusunodsaBadyet Hindi nagpapanic-buying Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
  • 31.
    13-20 Karapatan sa mgapangunahing pangangailangan Karapatan sa Kaligtasan Karapatan sa Patalastasan Karapatang Pumili Karapatang Dinggin Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran EnrichmentCard 2 1. City/Provincial/MunicipalTreasurer 2. Securities& Exchange Commission (SEC) 3. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) 4. Philippine Overseas Employment Administration (POEA) 5. Professional Regulatory Commission (PRC) 6. Bureauof Food and Drugs (BFAD) 7. Department of Trade and Industry (DTI) 8. EnergyRegulatory Commission (ERC) 9. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) 10. Environmental ManagementBureau(DENR-EMB) 11. Insurance Commission EnrichmentCard 3 1. Kita 2. Demonstration Effect 3. Mapanuri 4. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo 5. Pagkonsumo 6. produktibong pagkonsumo 7. mapanganib na pagkonsumo 8. tuwirang pagkonsumo 9. maaksayang pagkonsumo 10. Batas Republika Blg. 71 ( Batas sa Price Tag) 11. Artikulo 1546 – Kodigo Sibil ng Pilipinas(Batas sa Pagbebenta) 12. Batas Republika Blg.3542 ( Nagtatag ng National Grains Authority )