Ang patakarang pananalapi ay ang pagkontrol sa suplay ng salapi at antas ng interes upang mapalago ang ekonomiya at mapanatili ang katatagan ng presyo. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay itinatag upang ipatupad ang mga patakarang ito at nangangalaga sa kaayusan ng pananalapi at salapi ng bansa. Kasama sa mga institusyong pananalapi ang mga bangkong komersyal, rural, at iba pa, na may iba't ibang layunin at serbisyo.