Kabihasnang Mesopotamia at Iba pang Sibilisasyon sa Kanlurang Asyaria de los santos
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya at ang Mesopotamia (Fertile Crescent), Ang kambal-ilog ng Tigris-Euphrates na nagbigay daan sa pagyabong ng kabihasnan sa Kanlurang Asya
Ang presentasyong ito ay para sa karagdang panturo patungkol sa mga Kabihasnang umusbong sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay ang Kontinente ng Asya, Africa at America.
Kabihasnang Mesopotamia at Iba pang Sibilisasyon sa Kanlurang Asyaria de los santos
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya at ang Mesopotamia (Fertile Crescent), Ang kambal-ilog ng Tigris-Euphrates na nagbigay daan sa pagyabong ng kabihasnan sa Kanlurang Asya
Ang presentasyong ito ay para sa karagdang panturo patungkol sa mga Kabihasnang umusbong sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay ang Kontinente ng Asya, Africa at America.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Ebolusyong Kultural ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang yugto ng Ebolusyong Kultural ng Asya.
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Taophiapadilla
(Tagalog)
Meron pong Tatlong (3) na aralin dito
ito po ay ang Sosyo - kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao, Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao at Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas,
(English)
There are three (3) lessons here
this is the Socio - cultural Life of the Ancient People, Political Life of the Ancient People and the Spread and Teachings of Islam in the Philippines,
3. Isang araw sa klase ni Bibining
Sonia Pastrano, habang patapos
na ito, ay nagbigay siya ng
assignment para sa susunod
nilang aralin. Pinangkat niya
ang mga bata at binigyan ng
paksa ang bawat isa.
3
4. “Okay class, sa susunod na linggo ay magbabalik tayo sa
nakaraan. Sabay-sabay nating tutuklasin ang kwento sa likod ng
mga kagamitang nagpapabilis sa ating pang-araw-araw na
gawain sa kasalukuyan”.
“Pero para mas exciting ang ating klase, kayo mismo ang
magkukwento nito”.
“Para sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa inyong
paksa maaari kayong magtanong-tanong sa inyong mga ka-magresearch sa library o sa internet. At upang
mas kasiya-siya ang inyong presentasyon
maaari kayong gumamit ng anumang paraan
na gusto ninyo”, dagdag na sabi ng guro.
Ibinigay agad ni Teacher Sonia ang paksa sa bawat grupo kasama na ang kabuuang
instruction at rubrics. Pagkatapos nito tumunog na bell at nagpaalam na siya sa klase.
“Okay class sa susunod na linggo tutuklasin natin ang kwento sa
likod ng mga kagamitang nagpapagaan sa ating pang-araw-araw na
gawain sa kasalukuyan. Aalamin natin kung sino ang unang gumamit
nito at kailan ito natuklasan. Upang mas lubos na kasiya-siya ang ating
gawain, kayo mismo ang magkukwento nito “ , panimula ng guro.
“Bilang panimula, Ipapangkat natin ang klase at tulong-tulong
kayong mangangalap ng impormasyon tungkol sa paksang ibibigay ko
mamaya. Maaari kayong magtanong-tanong sa inyong mga kakilala,
4
5. Dumating ang araw ng presentasyon. Ang lahat ng
pangkat ay masiglang nagbahagi ng kanilang kwento tungkol sa
kanilang paksa. Lahat ay nagsabing mula ang kanilang kwento sa
kanilang mga lolo at lola.
5
6. Nahati sa ibat ibang panahon ang
kasaysayan ng mga naunang tao batay sa
pag-unlad sa pamumuhay at sa kanilang
mga kagamitan. Ang una ay ang
kulturang paleolitiko, pangalawa ay
mesolitiko, sinundan ng neolitiko at ang
huli, panahong metal.
Paano po ba natin malalaman ang
yugto ng pag-unlad ng tao?
6
7. E, paano po kaya
namumuhay ang
mga tao sa
panahong yaon?
Simple lang ang buhay nila, Joy. Naging
palaasa ang mga tao sa kapaligiran. Ang
pangunahing trabaho ng mga kalalakihan ay
pangangaso.
Ang mga babae naman ay nangangalap
ng pagkain tulad ng mga prutas at siyang
nagbabantay ng apoy. Sa panahong ito ang
kweba ang ginagawa nilang tirahan.
7
8. Ang simple nga. Pero
saan po ba galing ang
pangalang paleolitiko?
Bakit ganito ang naging
pangalan ng panahong
ito?
Heto Joy, tingnan
mo ang mga
larawang ito.
Mahihinuha mo
mula rito ang
8
9. Ang Paleolitiko o Old
Stone Age ay mula sa mga
salitang Greek na palaios o
matanda at lithic o bato. Ang
ibig sabihin nito ay Lumang
Bato.
Siguro po naging
paleolitiko o lumang bato
ang tawag sa panahong ito
ay dahil sa puro gawa sa
bato ang mga gamit ng
mga tao!
Tama ka Dario.
Ang
pinakamahalagan
g tuklas naman sa
panahong ito ay
ang Apoy!
Wow, ang galing
naman! E ma’am
ano po ba ang
etsura ng mga
gamit na batong
sinasabi n’yo?
9
10. Parang ang hirap
palang gawin ng
mga ito. Lalo na
yong ginagawa
nilang kutsilyo,
palakol at iyong
matulis na bagay na
ikinakabit sa bankaw
Ganoon na nga Dario. O
heto, tingnan mo ang
mga larawan. Mga
tinapyas na bato lamang
ang karamihan sa mga
ito.
Core Tools
Ito ang
itsura ng mga
kagamitang
bato sa
paleolitikong
panahon.
10
11. Core Tools
Dalawa ang
tradisyon ng paggawa ng
kagamitang Bato noon;
una ang Core tools ito ay
kasangkapang buod,
malalaki at angkop sa
mabibigat na gawain.
Ang pangalawa ay
tinatawag na Flake tools.
Mula ito sa mga tinapyas
na bato. Hindi pantay ang
hugis nito at
pangunahing ginamit
bilang pangkayod.
Paano po
ginagawa ang
mga gamit na
bato? Saka, saan
po ginagamit
ang mga ito?
Flake Tools
11
12. Naganap rin sa panahong ito ang pinakaunang
pagpipinta. Makikita ang karamihan sa mga ipinta
ng mga tao sa dingding ng kuweba. Kadalasan ang
ipinipinta nila ay ang mga hayop na nahuhuli at ang
pang-araw-araw na gawain.
12
13. Ilan pa sa mahahalagang pangyayari sa panahong ito ay
ang mga sumusunod;
• Nagsimula ang paggawa ng palayok mula sa luwad
• Umusbong din ang paniniwala sa maynilikha. Sila ay
naninwala na maraming diyos na nakatira sa mga bagay-
bagay sa paligid. Kaya, sinasamba nila ang mga ito. Ang
tawag sa paniniwalang ito ay animismo
13
14. Ang hirap naman kung puro
gamit mo ay bato.
Oo nga, ang bibigat pa noon. Nagbago
po ba ang ganoong pamumuhay nila?
Oo naman Dario. Dahil sa nagbabago rin ang
paligid nila lalo na noong natunaw ang glacier
(malaking tipak ng yelo) sa panahong 10000-4500
B.C.E. umusbong ang mga gubat. Paunti-unti
natuto ang mga taong manirahan sa pampang ng
ilog at dagat. 14
15. Aha! at sa tingin ko dahil sa paninirahan nila sa
pangpang ng ilog at dagat nagbago rin ang pagkain
nila. Mula sa sariwang karne o gulay, natuto silang
kumain ng lamag-dagat at lamang-ilog.
Talaga? Ano pa kayang
pagbabago ang nangyari sa
panahong paleolitiko?
15
16. Iyon nga ang nangyari Joy. Hindi na
panahong paleolitiko ang panahong tinutukoy ni
Joy Dario. Ito ay tinatawag na Mesolitiko. Ibig
sabihin Gitnang Bato.
Ilan pa sa pagbabago o natutunan ng mga
tao sa panahong ito ay nang maging katulong
na nila sa pangangaso ang aso.
16
17. Sumunod rito ang Kulturang Neolitiko o New
Stone Age. Hango ito sa wikang Greek na naois o bago
at lithic o bato. Naganap ito noong 7000-3000 B.C.E.
Bagong bato
po? Ibig po bang
sabihin nito
bago na ang
pamumuhay
nila, mas
maganda na ang
pamumuhay ng
mga tao sa
Tama Dario. Higit na
pulido kasi ang kagamitang
bato nila. Marami pa silang
nadiskubre tulad ng
pagsasaka at pag-aalaga ng
hayop, naganap din ang
malawakang pagsasaka o
Neolithic Revolution at
naging sedentaryo
(permanente) ang
paninirahan ng tao kaya
nabuo ang lungsod o Urban
17
18. Pero
ma’am,
ano-ano po
ba ang mga
itinatanim
nila?
Ang saya sigurong sumali
sa malawakang pagtatanim
no?
Aba,
ako rin
sasali kung
naabutan
ko ang
panahong
iyon.
18
19. Iba-iba ang mga tanim sa bawat rehiyon ng asya sa
panahong yaon. Sa Timog cereal, algodon at bulak na
itinatanim nila sa lambak ng ilog Indus ang nauuso.
Halamang ugat naman tulad ng gabi sa Timog- Silangang
Asya, gayon din ang palay. At sa Silangan palay, cereal
tulad ng millet at sorghum at mulberry na ang dahon ay
ginagamit bilang pagkain ng silkworm sa lambak ng
Yangtze sa China,
Alam niyo, maganda ang epekto ng pagkatuklas ng
Agrikultura.
Bakit, ano po ba ang nangyari nang matuklasan nila
ang agrikultura?
19
20. Naging permanente o sedentaryo na kasi ang
pamumuhay ng mga tao. Kinakailangan nilang
tumira ng permanente sa isang lugar upang
mabantayan at hintayin ang pagkahinog ng mga
pananim. Dumami rin ang kanilang pagkain, kaya,
gumawa sila ng imbakan o sisidlan ng pagkain ang
tao tulad ng basket at palayok. Maliban dito, unti-unti
ring lumalaki ang populasyon at higit sa lahat,
natuklasan nila ang metal at nakalikha ng mga gamit
na yari sa rito.
Ano na po ang sumunod sa panahong
neolitiko, ma’am?
20
22. nagpausbong ng panahong Metal.
Tama si Dario, tanso o copper nga ang unang
metal na ginamit ng mga sinaunang tao. Naging
daan ito sa pagawa ng alahas at kagamitang
pandigma. Natutuhan din nila ang pagpoproseso ng
copper ore. Sumunod rito ang Bronse o bronze na
nabuo sa paghalo ng tanso at lata. Higit na matibay
ito kaysa sa tanso.
Sa Panahon ng Bronse (5000-1200 B.C.E.)
nakalikha ng mga kagamitang pansaka. Sa kalaunan
natuklasan nila ang Bakal o iron. Ito ay higit na
matibay kaysa tanso at bronse. Nadiskubre ng mga
Hittite ang pagproseso nito noong 1000 B.C.E.
Naging daan ito sa paggawa ng higit na matitibay
na kagamitang pansaka at panlaban sa mababangis
na hayop na hanggang sa ngayon ay ginagamit pa rin22
23. Sa pangkalahatan, naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao sa
tulong ng mga mahahalagang tuklas. Naging mas komportable at madali
ang lahat ng gawain. Kaya nararapat lang na pahalagahan natin ang
kanilang kontribusyon sa mundo.
Ngayon, may ilang mga katanungan ako na
makakatulong para mas madali ninyong masaulo
ang mga nalaman ninyo ngayon. May ilan rin
akong nakahandang gawain na siguradong
maeenjoy ninyo.
Handa na ba kayo?
Kung handa na kayo, simulan na
natin!
23
24. Ayon sa kanya…
Kilalanin ang iba’t ibang yugto
ng pag-unlad ng pamumuhay
ng sinaunang mga tao.
Bilugan at lagyan ito ng bilang
gabay ang mga larawan ng
mga tuklas sa nasabing
panahon.
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Panahong Metal
Mga Tuklas Panahon
1
43
2
24
25. Ayon sa kanya…
A. Pag-aalaga ng mga Hayop
B. Pagguhit sa mga dingding ng kweba
C. Pagtatanim ng cereal, algodon, bulak,
palay
D. Mga alahas
E. Urban Rebolusyon
F. Espada
G. Paggamit ng apoy
H. Pangingisda
I. Pagtira sa lambak-ilog at dagat
1. Panahong Metal
2. Neolitiko
3. Paleolitiko
4. Mesolitiko
Pagtapat-tapatin ang panahon at ang mga natuklasan sa panahong ito.
25
26. Ayon sa kanya…
Bilugan ang mga tuklas sa
Kulturang Paleolitiko
• Tinapyas na Bato
• Pangangaso
• Paninirahan sa tabing-
ilog at dagat
Bilugan ang mga tuklas sa
Kulturang Mesolitiko
• Paggamit ng aso sa
pangangaso
• May gamit na bakal
para sa iba't ibang
kagamitang sandata
• Pangingisda
Bilugan ang mga tuklas sa
Kulturang Neolitiko
• Pagkakatuklas ng mga
lungsod (Urban
Revolution)
• Palipat lipat ng tirahan
tulad ng sa yungib o
kweba
• Pananatili sa isang lugar
upang masubaybayan ang
kanilang mga tanim
Bilugan ang mga tuklas sa
Panahong Metal
• Paggawa ng mga
kagamitang palamuti
• Palipat lipat ng tirahan
tulad ng sa yungib o
kweba
• Paggawa ng mga
espada at iba pang
kagamitang pandigma.
26
27. Bilugan ang larawang hindi kasapi sa grupo at isulat ang dahilan nito.
Dahilan:_________________________________
_________________________________________
________________________________________
Ayon sa kanya…
2.
1.
3.
4.
Dahilan:_________________________________
_________________________________________
________________________________________
Dahilan:_________________________________
_________________________________________
________________________________________
Dahilan:_________________________________
_________________________________________
________________________________________
27
28. Ang mga itak, espada, kotsilyo o bolo maging ang apoy ay ilan sa
mahahalagang ambag ng sinaunang tao. Nakatulong ito sa pagpapabilis ng mga
Gawain.
Dapat ba na gamitin ang mga ito sa pansariling kapakinabangan lang o di
kaya ay sa karahasan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ayon sa kanya…
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
28
29. Sa bahay, paaralan o sa inyong pamayanan, marami kang mga gamit na nakikita.
Isulat ang mga kagamitang natuklasan noon na ginagamit pa rin ng mga tao ngayon ayon sa
panahong natuklasan ito.
PALEOLITIKO MESOLITIKO NEOLITIKO PANAHONG METAL
29
31. Assessment 1
Paleolitiko - Tinapyas na Bato
- Pangangaso
Mesolitiko - Paggamit ng aso sa pangangaso,
- Pangingisda
Neolitiko - Pagkakatuklas ng mga lungsod
(Urban Revolution),
- Pananatili sa isang lugar upang
masubaybayan ang kanilang mga
tanim
Panahong Metal - Paggawa ng mga
kagamitang palamuti,
- Paggawa ng mga espada at iba
pang kagamitang pandigma.
31
32. Dahilan: Ang larawan ng apoy ang hindi kabilang sa
grupo dahil ito ay natuklasan sa panahong paleolitiko
at ang dalawa pang larawan ay mahalagang tuklas sa
panahong metal.
Dahilan: Ang larawan ay hindi kabilang sa
grupo dahil ito ay tuklas sa panahong metal.
Ang iba pa ay mga tuklas sa panahong
paleolitiko.
Dahilan: Ang larawan ay hindi kabilang sa
grupo dahil ito ay tuklas sa panahong neolitiko.
Ang iba pa ay mga tuklas sa panahong
mesolitiko.
Dahilan: Ang larawan ay hindi kabilang sa
grupo dahil ito ay tuklas sa panahong
paleolitiko. Ang iba pa ay mga tuklas sa
panahong neolitiko.
Assessment 2
1
2
3
4
32
33. Enhancement 1
Mga suggested na sagot:
Hindi, dahil dapat itong gamitin para sa ikauunlad ng
buhay lamang.
Hindi, dahil ang pangunahing dahilan bakit ito natuklasan
at ginawa ay upang mapadali ang pang-araw-araw na
gawain at upang makatulong sa iba.
(Maaaring mag-iba-iba ang sagot sa bahaging ito ayon sa
sariling pagkaintindi ng mga estudyanye)
33
34. Enhancement 2
Mga mongkahing sagot:
PALEOLITIKO MESOLITIKO NEOLITIKO PANAHONG METAL
Apoy Pagkain ng isda Pagtatanim ng palay, gabi,
bulak
Paggamit ng mga alahas
Pagpipinta Bankaw na gawa sa
matutlis na bato
Pagbababuyan Bolo
Pagkain ng Prutas at karne Araro
Pangangaso Itak
Pag-aalaga ng aso
34
35. Grace Estela C. Mateo et. al., “Aral-Pan II: Asya, Pag-usbong ng
Kabihasnan”, pahina: 121-130.
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, “Module 2: Mga
Sinaunang Kabihasnan sa Asya” pahina 103-110.
35