Kabihasnang Mesopotamia at Iba pang Sibilisasyon sa Kanlurang Asyaria de los santos
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya at ang Mesopotamia (Fertile Crescent), Ang kambal-ilog ng Tigris-Euphrates na nagbigay daan sa pagyabong ng kabihasnan sa Kanlurang Asya
Kabihasnang Mesopotamia at Iba pang Sibilisasyon sa Kanlurang Asyaria de los santos
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya at ang Mesopotamia (Fertile Crescent), Ang kambal-ilog ng Tigris-Euphrates na nagbigay daan sa pagyabong ng kabihasnan sa Kanlurang Asya
Ang nananatiling pinakamatanda at namamayaning kabihasnan sa Daigdig na tinatayang nasa 4,000 taon na ang tanda.
Hinubog ang 4,000 taong kasaysayan ng pamumuno ng mga DINASTIYA o mga Linya ng mga Pamilyang namuno sa Tsina sa halos ilang libong taon.
Kabihasnang Huang Ho o Tsina. Para mas mapalawak ang kaalaman sa TSINA, at sa MUNDO. Hintayin pa ang mas maraming ganito antabayan lang ako , sa susunod muli :D
kabihasnang Tsino, heograpiya, pag-usbong, mga dinastiya ng tsina, mga ambag, aralin 8 - reference - credited sa mga naunang nag post ng kabihasnang tsino - at ang daigdig 9
Similar to China Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya (20)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
2. Pinakamalaking bansa sa Asya ang
China. Ito rin ang pinakamatandang
sibilisasyong patuloy na umiiral
hanggang sa kasalukuyan.
Zhongguo ang tawag ng mga
Tsino (Chinese) sa kanilang bansa.
Nangangahulugan itong central
country o middle kingdom. Nagmula
ang China sa salitang "Chin" (Qin),
ang ikaapat na dinastiyang namayani.
3. Natamo ng China ang
pinakamataas na antas ng
sibilisasyon sa daigdig.
Naimbento nila ang papel,
paglilimbag, porselana, seda
at pulbura na lumaganap sa
iba't ibang daigdig.
4. Biniyayaan ng kalikasan ang
China ng napakahalagang Ilog na
humuhubog sa sibilisasyon ng mga
Tsino. Masaganang napagkukunan ng
tubig ang ilog Huang Ho (Yellow River)
at ito rin ang dumidilig sa mga
kapatagang malapit sa ilog. Dahil dito,
nakapagtatag ang mga Tsino ng mga
pamayanan sa mga lambak kung saan
nahubog ang kabihasnan ng China.
5. Maganda ang klima at
mataba ang lupa sa lambak Huang Ho
kaya pagsasaka ang naging
pangunahing hanapbuhay ng mga tao.
Sa kabilang dako, nasira na ang
kagubatan sa China na nagdulot ng
taunang pagbaha sa Huang Ho. Bunga
nito, nawasak ang mga pananim at
ari-arian. Tinaguriang "Pighati ng
China" ang Huang Ho.
7. Pinakamababang ilog naman
sa Asya at ikatlo sa pinakamahaba
sa daigdig ang Ilog Yang Tze (
Chang Jia ). Ito ang pangunahing
pinagkukunan ng lakas para sa
elektrisidad gayundin ang irigasyon.
Pinagdurugtong ng Grand
Canal ang mga Ilog Huang Ho at
Yang Tze.
11. Maraming alamat ang mga Tsino
tungkol sa pinagsimula ng China at ng mga tao
rito. Isa sa mga ito ang alamat ni Pan Ku na
ayon sa salaysay ay siyang kaun-aunahang
tao na lumikha sa kalawakan. Mayroon ding
kwento tungkol sa tatlong mga pantas at
limang mabubuting emperador ng China
nagpaunlad sa lipunang Tsino sa pamamagitan
ng pagtugon ng pansin sa agrikultura,
industriya ng paggawa ng seda, paggawa ng
kalendaryo at paglinang ng sistema ng
pagsulat. Sinasabing ang isa sa mga
emperador na nagngangalang Yu ang nagtatag
ng kauna-unahang dinastiya sa China-ang
dinastiyang Hsia.
13. Isang pamayanang agrikultural ang
lumago sa Hilagang China at naging mga bayan
at lungsod. Madalas naglalabanan sa
kapangyarihan ang mga lokal na pinuno. May
mga makapangyarihang hari ang kumontrol sa
Hilagang China at nagtatag ng Dinastiyang
Shang.
Ang Dinastiyang Shang ay pinamumuan ng
isang emperador na nangasiwa sa mga gawain ng
pamahalaan at sa mga ritwal panrelihiyon.
Mabigat ang tungkuling ginampanan ng
emperador at kailangang mabuti ang maging
resulta ng kanyang pamumuno upang mapanatili
ang pagtitiwala ng mga tao.
14. Napaligiran ng mga taong
barbaro ang kaharian ng Dinastiyang
Shang ngunit nanatiling malakas ang
kaharian. Gumamit ang mga
mandirigmang Tsino ng mga sandatang
yari sa bronse sa kanilang pakikidigma sa
mga kaaway.Lumawak ang teritoryo ng
Shang sa tulong ng isang mahusay na
hukbong militar. Sa kanilang pakikidigma,
nasakop ng Shang ang Hilaga at Gitnang
Asya.
16. Sa Dinastiyang Shang
ang karaniwang itinatanim ay
palay at trigo. Agrikultura ang
pangunahing ikinabuhay ng mga
tao. Nag-alaga rin ng mga hayop
gaya ng kabayo, baboy,manok at
tupa. Ang mga elepanteng buhat
sa Timog Asya ay inalagaan para
magamit sa mga mabibigat na
gawain at sa oras ng digmaan.
17. Hindi lahat ng Tsino
sa Dinastiyang Shang ay
magsasaka. Mayroon ding mga
mangangalakal at artisano.
Ang mga artisano ng Shang
ang nagtatag ng pundasyon ng
sining ng paggawa ng seramiko.
Natutuhan nila ang industriya
ng paggawa ng palayok at ng
malalaking banga na ginagamit
sa mga seremonya.
19. Napaunlad ng mga Tsino
ang sistema ng pagsulat sa
pamamagitanng isang bagong karakter.
Lumaganap ang ganitong paraan ng
pagsulat hanggang sa kabuuan ng
Silangang Asya. Mahirap pag-aralan
ang tradisyunal na nasusulat na wika
ng mga Tsino. Kailangang isaulo ang
mga karakter at sa pagdaan ng
panahon, ang isang matalino at
nakapag-aral na Tsino ay dapat na
malaman ang higit sa 10 000 karakter
ng wikang Tsino.
20. Ginamit ng mga sinaunang
Tsino ang kanilang sistema ng pagsulat
sa pagbuo ng kanilang literatura at
mga klasiko. Naging sining ang
pagsulat at tinawag itong kaligrapiya
(calligraphy). Hinangaan ang
napakahusay at magagandang
kaligrapiya na isinulat sa pamamagitan
ng paggamit ng brotsa (brush). Ang
mga linya ay iginuguhit mula sa itaas
paibaba at sinisimulan ang pagsulat sa
kanan.
23. May anyong animismo at
pagsamba sa mga ninuno ang
relihiyong lumaganap sa Dinastiuyang
Shang. Sinamba ng mga Tsino ang
kalikasan at ang espiritu ng kanilang
mga namatay na ninuno. Ipinalalagay
nila na ang mga miyembro ng pamilya
ay habambuhay na pinag-uugany at
pinagkakaisa ng kanilang relihiyon at
mga paniniwala.
24. Binibigyan-diin ng relihiyong Tsino ang
tamang pagkilos sa buhay. Naniniwala sila
na nakasalalay ang kapangyarihan ng pinuno
ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga
espiritu. Itinuturing na may “basbas ng
langit” ang namumuno sa isang dinastiya
at tinitingala siya ng kanyang nasasakupang
na animo ay “ anak ng langit”.
Maaring magkaroon ng rebelyon laban
sa isang pinuno at ang pagtatagumpay nito
ay nagpapahiwatig ng pagkawala ng
“basbas sa langit” sa emperador.
26. Humina ang Dinastiyang
Shang sa pagpasok ng 1028 BCE.
Naging malupit ang mga pinuno
hanggang sa mapatalsik ng isang
rebelyon ang huling emperador ng
Dinastiyang Shang. Humalili ang
Zhou na pinakamahabang
dinAstiya na tumagal nang halos
800 taon mula 1046 hanggang
256 BCE.
28. Nawala ang “basbas ng lagit”
sa namumunong dinastiya dahil sa
kalupitan ng huling lider ng Dinastiyang
Shang. Nahalinhan ng mabubuti at
mahuhusay na hari ng Dinastiyang Zhou:
sina Wen (Cultured King) na napalwak ng
nasasakupan; Wu (Martial King), anak ni
Wen, na nagpabagsak sa Dinastiyang
Shang at si Zho Gong (Duke of Zhou),
kapatid ni Wu, na nagsagawa ng
konsolidayon ng mga teritoryong kanilang
nasasakupan at nagsisilbing rehente sa
mga tagapagmana ni Wu.
32. Pinanatili ng Dinastiyang Zhou
ang karamihan sa mga tradisyun at
batas ng Shang. Ito ang panahon ng
paglago sa ekonomiya ng China. Sa
kauna-unahang pagkakataon, gumamit
ang mga magsasaka ng pataba at
kagamitang yari sa bakal. Sa tulong ng
mga proyektong pag-iirigasyon na
sinuportahan ng pamahalaan at sa
introduksyon ng paggamit ng ararong
itinutulak ng kapong baka, maraming
lupa ang nasaka at tumaas ang
produksyon ng pagkain.
33. Nasasalamin din ang paglago ng
ekonomiya sa paglawak ng kalakalan, paglago
ng mga lungsod at paggamit ng salapi. Upang
lalo pang mahihikayat ang kalakalan at
mapanatili ang mahusay na sistema ng
komunikasyon sa mga lumalaking lungsod,
pinahusay ng mga panginoong piyudal ang
kalagayan ng lupa gayundin ang
transportasyon. Ang mga daanan, ilog at mga
kanal ay naging paraan pagdadala ng mga
produkto sa mga bayan, lalawigan at siyudad.
Sa kanilang pakikipagkalakalan sa Kanlurang
Asya, natutunan ng mga Tsino ang paggamit
ng iba pang hayop tulad ng kamelyo, mula at
burik (donkey).