Ang Hinduismo ay isang relihiyon na nagmula sa salitang persian na 'hindu,' na tumutukoy sa mga tao sa India, at 80% ng populasyon ng India ang sumusunod dito. Ito ay isang politeistang relihiyon na may mga pangunahing diyos na may iba't ibang tungkulin, kabilang ang tagapaglikha, tagapanatili, at tagawasak. Ang mga Hindu ay naniniwala sa reinkarnasyon at ang pangunahing layunin ay makamit ang moksha o kalayaan mula sa siklo ng buhay at kamatayan.