Please leave your email address, Full Name, School and School Address in the comment box if you like to have a copy of this presentation. ESP 7 Modyul 7 kalayaan
Please leave your email address, Full Name, School and School Address in the comment box if you like to have a copy of this presentation. ESP 7 Modyul 7 kalayaan
EsP 7 Modyul 9: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
Mga Uri ng Pagpapahalaga
1. Ganap na Pagpapahalagang Moral
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
EsP 7 Modyul 9: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
Mga Uri ng Pagpapahalaga
1. Ganap na Pagpapahalagang Moral
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
Mga Hakbang upang Mapaunlad ang mga Kasanayan sa Pag-aaral
1. Mga Hakbang Upang Mapaunlad ang mga
Kasanayan sa Pag-aaral o Study Skills
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
4th Quarter | Topic 4
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
2. Sa bawat hakbang na ating gagawin, kailangan
ang masusing pag-aaral sa buong kahihinatnan ng
pangyayari. Gaya na lamang sa pagnenegosyo at
paghahanapbuhay, mahalagang matukoy natin ang
kahalagahan ng pag-aaral para sa paghahanda sa
mga ito.
3. Makatutulong din ang pagtukoy natin sa ating mga
sariling kalakasan at kahinaan, at pati na rin ang ating
pagbalangkas ng mga hakbang upang magamit natin
ang ating mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan
ang ating mga kahinaan.
4. Higit sa lahat, kailangan din nating malinang ang
ating mga kasanayan, pagpapahalaga, at talento na
makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
hanapbuhay o negosyo.
5. Ang pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pag-
aaral ay isang mabisang paraan upang mas
mabigyang-tuon ang sariling edukasyon at makaiwas
sa iba’t ibang distraksiyon sa pag-aaral.
6. Mga hakbang na
maisasagawa:
1. Isulat sa iang kwaderno ang mga takdang-aralin at
iba pang gawain at proyekto sa paaralan ayon sa
itinakdang panahon ng pagpasa nito ayon sa
halaga nito. Mahalagang itala rin dito ang schedule
ng mga pagsusulit.
7. Mga hakbang na
maisasagawa:
2. Huwag kalilimutang dalhin sa paaralan ang mga
araling-bahay. Maaaring pagsamasamahin ang
mga ito sa isang espesyal na lagayan at isilid sa
dadalhing bag bago pumasok sa eskuwela.
8. Mga hakbang na
maisasagawa:
3. Makipag-usap at magtanong sa guro tungkol sa
mga natalakay na aralin, maging ang mga puntos
na bahagi ng magiging pagsusulit.
9. Mga hakbang na
maisasagawa:
4. Magsaayos na sariling mga gamit sa pamamagitan
ng color-coding at paglalagay ng mga pananda sa
mga ito upang maiwasan ang pagkalito at
pagkahalo-halo ng mga nakatakdang gawain at
aralin.
10. Mga hakbang na
maisasagawa:
5. Magtalaga ng iisang lugar lamang kung saan
gagawin ang pag-aaral at paggawa ng mga araling-
bahay. Dapat ay angkop at naaayon ito sa sariling
pangangailangan at paraan ng pag-aaral.
11. Mga hakbang na
maisasagawa:
6. Ihanda ang sarili sa mga pagsusulit sa
pamamagitan ng pagrerepaso ng mga araling
natalakay.
12. Mga hakbang na
maisasagawa:
7. Alamin ang sariling pangunahing paraan ng
pagkatuto o learning style ayon sa kani-kaniyang
ugali at likas na kakayahan. Maaaring matuto sa
pamamagitan ng visual aids, pakikinig, o sariling
paggawa ng gawain.
13. Mga hakbang na
maisasagawa:
8. Itala sa kwaderno ang mga mahahalagang puntos
na natalakay ng guro upang mas maunawaang
mabuti ang mga aralin.
14. Mga hakbang na
maisasagawa:
9. Iwasan ang pagpapaliban ng mga gawain upang
mabigyan ng sapat na atensiyon at maibuhos ang
buong kakayahan sa bawat isa. Sa pamamagitan
nito, mahahasa ang disiplina sa sarili.
15. Mga hakbang na
maisasagawa:
10.Alagaan ang sariling kalusugan sa pamamagitan
ng pagkain nang sapat, pagkakaroon ng sapat na
tulog at pahinga, pag-eehersisyo, at paglalaan ng
oras sa paminsang-minsang paglilibang.