SlideShare a Scribd company logo
1
ARALING PANLIPUNAN
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
MODYUL 1
HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG
KABIHASNAN SA DAIGDIG
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
2
MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
PANIMULA
Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa
katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at
pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-
unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.
Sa Modyul na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip
kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang
matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag
ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay
nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at
nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.
Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan
ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga
hamong dulot ng kapaligiran.
3
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod.
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
• Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa
daigdig
• Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
• Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan
sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon.
Aralin 2: Ang Mga Sinaunang Tao
• Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdig
• Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
• Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan
• Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig
• Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
• Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya,
kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
• Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
4
PANIMULANG PAGTATAYA
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may
magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon
2. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang
kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng
teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. imperyo B. kabihasnan C. kalinangan D. lungsod
3. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming
wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan sa mga bansa.
4. Paano mapapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon
sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng iba’t ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
5
5. Ano ang tawag sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng ating
Daigdig?
A. kasaysayan B. heograpiya C. kabihasnan D. topograpiya
6. Ano ang tawag sa estruktura ng ating daigdig na isang patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?
A. inner core B. crust C. mantle D. outer core
7. Ano ang tawag sa kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa
matagal na panahon?
A. panahon B. temperatura C. halumigmig D. klima
8. Anong anyong lupa ang pinakamalawak na masa ng lupain sa ibabaw ng daigdig?
A. kontinente B. arkipelago C. pulo D. peninsula
9. Ano ang tawag sa pag-aaral sa pisikal na katangiang ng isang lugar o rehiyon?
A. kasaysayan B. heograpiya C. kabihasnan D. topograpiya
10. Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo?
A. Atlantiko B. Pasipiko C. Indian D. Artiko
11. Anong pamayanang Neolitikong ang matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng
gitnang Anatolia (Turkey ngayon)?
A. Sumer B. Catal Huyuk C. Indus D. Mesoamerica
12. Ano ang pinakatanyag na Australopithecus Afarensis na natuklasan ang mga labi
noong 1974 sa Ethiopia?
A. Ape B. Chimpanzee C. Lucy D. Hominid
6
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong homo species na nabuhay sa
daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao?
A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor
14. Ano ang sinasabing pinakamalapit na kaanak tao?
A. Australopithecus Afarensis C. Australopithecine
B. Ape D. Chimpanzee
15. Ano ang tinatawag na “handy man” dahil sa kakayahan nitong makagawa ng mga
kagamitang yari sa bato?
A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor
16. Ano ang tinatawag na “taong nakakatayo ng tuwid”?
A. Homo erectus C. Homo sapiens sapiens
B. Homo habilis D. Homo sapiens
17. Ano ang tinatawag na “taong nakakapag-isip”?
A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor
18. Ano ang tawag sa pangkat ng Indo-Europeo na nakatuklas sa bakal na naninirahan
sa Kanlurang Asya?
A. Sumerian B. Akkadian C. Persian D. Hittite
19. Ano ang tawag sa mga sinaunang tao na pagala-gala o walang permanenteng
tirahan?
A. monghe B. nomadiko C. asetiko D. pagano
20. Siya ay isang siyentista na nakilala dahil sa kanyang “The Evolution of Man”.
A. Jean-Baptiste Lamarck C. Carolus Linnaeus
B. Alfred Russel Wallace D. Charles Darwin
7
21. Alin sa sumusunod ang hindi sumusuporta sa pahayag na “Ang Egypt ay isang
tagapagtatag ng imperyo”?
A. Nagtayo ng armadong propesyunal ang mga paraon.
B. Sinalakay ng mga paraon ang mga nakapalibot na teritoryong Africa at Asya.
C. Hinati sa lalawigan ang imperyo.
D. Nagtatamasa ng malaking kayamanan ang Egypt mula sa mga lupain na
nakapaligid sa Nile.
22. Ang mga sinaunang Tsino ay may paniniwalang nagmula sa Diyos ang kanilang
mga pinuno. Anong paniniwala ito?
A. Likas sa mga Tsino ang husay sa pamumuno.
B. Ang mga pinuno ay nabigyang Karapatan ng langit na mamuno na tinatawag na
Mandate of Heaven.
C. Ang mga pinunong Tsino ay sugo ng Diyos sa bansa.
D. Kailangang mamuno nang mahusay ang mga pinuno upang mapunta sila sa langit.
23. Ang mga lambak-ilog ang pinakakaraniwang pinag-uusbungan ng mga sinaunang
kabihasnan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ang pook na kung saan sumilang ang mga kabihasnan.
B. Patuloy pa ring pinakikinabangan ang mga lambak-ilog.
C. Nagbibigay-sigla pa rin sa mga tao ang mga ilog.
D. Malaki ang nagawa ng ilog para sa tao.
24. Saan umunlad ang unang sibilisasyon sa India?
A. Indus Valley C. Tigris
B. Talampas ng Deccan D. Nile Valley
8
25. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga
sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga
kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga
sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga
paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig.
B. KWL Chart
Punan ng mga impormasyon ang sumusunod: sa hanay ng Know, ilagay ang mga
impormasyong alam mo na; sa hanay ng Want, ilagay ang mga nais mo pang matutuhan;
at sa hanay ng Learn, inaasahang mailalagay mo ang iyong mga natutuhan. Isulat sa
papel ang iyong mga sagot.
Know Want Learn
1. Kasaysayan
2. Heograpiya
3. Pisikal na heograpiya
4. Heograpiyang Pantao
5. Topograpiya
6. Klima
7. Kontinente
8. Sinaunang Tao
9. Sinaunang Kabihasnan
10. Sibilisasyon
9
ARALIN 1
HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging
ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong
sinaunang panahon. Sa pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado, una
mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin sa
araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.
ALAMIN
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Punan ang graphic organizer kapag narinig mo ang salitang heograpiya, ano
ang mga bagay na may kinalaman dito.
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito,
pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes.
Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa
heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang
nakaloob dito. Simulan mo na.
HEOGRAPIYA
10
GAWAIN 2: Freedom Wall 1
Isulat sa Freedom Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba.
PAUNLARIN
PAKSA: LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga pamanang ipinagkaloob ng
mga sinaunang kabihasnang sa atin hanggang sa kasalukuyang panahon?
Sa pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig, sisimulan natin
ngayon ang pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya bilang
asignatura. Bukod dito, tatalakayin ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang
planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang
mga mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong kaalaman
tungkol sa heograpiya ng daigdig.
11
Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang
interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang salitang heograpiya ay hango sa salitang
Griyego na geo na nangangahulugang “lupa” at graphein na ibig sabihin ay “pagsusulat.”
Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung
saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay.
Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapanghamong
sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging epekto nito sa
pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa
tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Mahalagang
pagtuunan ng pansin sa ating pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig ang pisikal na
katangian nito saapagkat nakaaapekto ito nang malaki sa kilos at gawain ng tao
hanggang sa kasaukuyan.
Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:
https://images.app.goo.gl/hxHPSqqkfk6hLuxNA
12
Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang tema ng
heograpiya. Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang
heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng
Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali
at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa
tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang
ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.
Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya
13
Gawain 3: Tukoy-Tema-Aplikasyon
Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa lokasyon,
lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Pagkatapos, punan ang
kinakailangang impormasyon ang flower chart sa ibaba.
1. May tropikal na klima ang Indonesia.
2. Matatagpuan ang Piipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at
silangan ng West Philippine Sea.
3. Ang pagsasaka ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil mayaman tayo sa
anyong lupa.
4. Maraming mga Pilipino ang nangingibang bansa sa Qatar, UAE, Singapore at Canada
upang magtrabaho.
5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog Silangang Asya.
6. Ang lumalaking bilang ng kaso ng Covid 19 sa National Capital Region sa Pilipinas
ang nagbigay daan upang magkaroon ng Balik Probinsiya Program na tutulungan ng
gobyerno para magkaroon ng matitirhan, makakain at ikabubuhay para mabawasan
ang tao dito sa lungsod.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang bansang Malaysia ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya at nananatili sa
pagitan ng latitud 2° 30' Hilaga at longitude 112° 30' Silangan.
10. Thai ang opisyal na wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Thailand.
14
Lugar
Interaksiyon ng tao
at kapaigiran
Rehiyon
Paggalaw
Lokasyon
Pamprosesong mga tanong
1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon sa
limang tema nito.
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang
pisikal ng bansa?
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng
isang bansa?
4. Alin sa tema ng heograpiya ang higit na nakaimpluwensiya sa daloy ng kaunlaran?
Bakit?
5. Paano naiuugnay ang mga tema ng heograpiya sa daloy ng kasaysayan?
Napiling
bansa
Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod na
tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit na
mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system
na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo. Simulan mo
na.
15
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
https://images.app.goo.gl/xFeN4AbHBWtXpo3t6
Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw.
Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig –
halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa
kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay
naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang
mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay
nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa
daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang
pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Ano ang iyong masasabi sa katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng
mga tao?
16
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig.
Ang daigdig ay binubuo ng crust,ang matigas at mabatong
bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65
kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa
mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km.
Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya
malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdi na
binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
Ang daigdig ay may plate
o malalaking masa ng
solidong bato na hindi
nananatili sa posisyon.
Sa halip, ang mga ito ay
gumagalaw na tila mga
balsang inaanod sa
mantle.
Estruktura ng Daigdig
https://en.wikipedia.org/wiki/Plate_tectonics#/media/
File:Plates_tect2_en.svg
https://images.app.goo.gl/1Tzp43CqStzHUqoC8
Ang daigdig ay may apat na hatingglobo
(hemisphere): Ang Northern Hemisphere at
Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at
ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere
na hinahati ng Prime Meridian.
http://www.rocksandminerals4u.com/earths_interior.html
Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na Sa katunayan,
umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.
Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay
napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga
bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin
ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong
taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-
bago.
Paano nakaaapekto
ang mga plate sa
pagbabago ng
hitsura ng ibabaw ng
daigdig?
17
Talahanayan: 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig
Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1 024 kg
Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon
Populasyon (2020) 7 800 000 000
Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig 510 066 000 kilometro kuwadrado (km2)
Lawak ng Kalupaan 148 647 000 km kwd (29.1%) (km2)
Lawak ng Karagatan 335 258 000 km kwd (km2)
Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361 419 00 km kwd (70.9%) (km2)
Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang
Circumference o Kabilugan sa Equator 40 066 km
Circumference o Kabilugan sa Poles 39 992 km
Diyametro sa Equator 12 753 km
Diyametro sa Poles 12 710 km
Radius sa Equator 6 376 km
Radius sa Poles 6 355 km
Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa
bilis na 66,700 milya bawat oras (mph),
107,320 km bawat oras
Orbit sa Araw Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa
loob ng 365 araw, limang oras, 48
minuto at 46 na segundo
https://www.worldatlas.com/geoquiz/thelist.htm, https://www.worldometers.info/world-population/
Longitude at Latitude
Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang
ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito
sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak.
18
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan sa
mapa o globo.
Tinatawag na longtitude
ang distansiyang angular
na nasa pagitan ng
dalawang meridian
patungo sa kanluran ng
Prime Meridian. Ito rin
ang mga bilog (great
circles) na tumatahak
mula sa North Pole
patungong South Pole.
Ang Prime Meridian na
nasa Greenwich sa
England ay itinatalaga
bilang zero degree
longitude.
https://images.app.goo.gl/3mbxj5UoJWbW1wC5A
https://www.yourdictionary.com/international-date-line#images
Tinatawag na latitude ang
distansyang angular sa
pagitan ng dalawang
parallel patungo sa hilaga o
timog ng equator.
Ang equator ang humahati
sa globo sa hilaga at timog
hemisphere o hemispero.
Ito rin ay itinatakdang zero
degree latitude.
19
Gawain 4: I-KNOW EARTH!
Tukuyin at isulat ang bahagi ng estruktura ng daigdig.
B. Tukuyin at isulat ang bahagi ng globo.
1.
2.
3.
4.
https://images.app.goo.gl/XhP1FSxiwsKDXdgz9
5. Ano ang kahalagahan
sa pagtukoy ng
estruktura ng daigdig?
_________________________
_________________________
_________________________
________________________
_________________________
_________________________
__________________
6.
7.
8.
9.
https://images.app.goo.gl/WZEP87NgVgjHd5Re7
Ang 180 degrees
longitude mula sa Prime
Meridian, pakanluran man
o pasilangan, ang
International Date Line na
matatagpuan sa
kalagitnaan ng Pacific
Ocean. Nagbabago ang
pagtatakda ng petsa
alinsunod sa pagtawid sa
linyang ito, pasilangan o
pakanluran.
https://images.app.goo.gl/nsDxXxkF5oeWrfMbA
Ang Tropic of Cancer ang pinaka - dulong
bahagi ng Northern Hemisphere na direktang
sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.50
hilaga ng equator.
Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong
bahagi ng Southern Hemisphere na direkta
ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa
23.50 timog ng equator.
20
Ang Klima
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng
buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat
na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman
at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga
klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude
at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag
ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas
na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan
sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove
swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad
ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin
ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.
Noong 1900, bumuo si Wladimir Koppen, isang Russian-German climatologist ng
Sistema ng klasipikasyon ng klima sa mundo. Tinukoy niya ang limang pangunahing
klasipikasyon na umiiral sa mundo batay sa temperature at presipitasyon ng mga lugar.
10. Ano ang katangian ng daigdig na kapaki-pakinabang sa tao at sa bagay na may
buhay?
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
21
Talahanayan 1.2: Klasipikasyon ng Klima
Klasipikasyon
ng Klima
Katangian Halimbawa
Tropikal Mainit at mahalumigmig ang klima sa lugar
na ito. Nagtataglay rin ito ng mataas na
antas ng pag-ulan sa buong taon.
Pilipinas
Tuyo Nakararanas ng lubhang kainitan sa buong
taon at kakaunti lamang ang pag-ulan.
Iran
Katamtaman at
mahalumigmig
Nakararanas ang isang lugar ng pantay na
panahon ng tag-araw at tag-init. Ang ulan sa
mga lugar na ito ay mula katamtaman
hanggang sa malakas na pag-ulan.
Turkey
Snowy Forest Nagtataglay ng mahabang taglamig at
maiksing tag-araw.
Hilagang Europe
Polar Nakararanas ng lubhang kalamigan sa
buong taon.
Mga lupain na malapit
sa polo tulad ng
Antarctic
Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig nina Celia D. Soriano et.al Binagong Edisyon 2017, pahina 17
22
Gawain 5: I-TRAVEL TAYO!
Kumpletuhin ang iyong pasaporte para makapunta ka sa pinapangarap mong bansa at
sagutan ang iba pang mga tanong sa ibaba.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang klima?
2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?
4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad
ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?
Ang mga Kontinente
Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng
daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan
ng katubigan.
https://images.app.goo.gl/kR1D7jsoFK4Gs1jg7
Pangalan:_____________
Kapanganakan: ________
Edad: ________________
Tirahan: ______________
_____________________
____- Ang bansang pupuntahan ko ay ____.
- Kaya ako pupunta dito dahil _______.
- Ang klima dito ay ________________.
- Ang mga likas na yaman dito ay ____
_______________________________
_______________________________.
23
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift
Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na
Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang
mga kontinente.
Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram1.4
na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.
https://geology.com/pangea.htm
240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent
na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang
tinawag na Panthalassa Ocean.
200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan
ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa
Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern
Hemisphere.
65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga
kalupaan. Mapapansin ang India na unti-unting dumidikit sa
Asya.
Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga
kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng North
America at Europe bawat taon.
24
May mga kontinenteng nagtataglay ng marami. May pitong kontinente ang daigdig
- Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga
estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga
bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kontinente
ng daigdig.
Talahanayan 1.3: Ang Ilang Datos tungkol sa Pitong Kontinente
Kontinente Lawak (km²)/
Tinatayang
Populasyon
(2020)
Katangian
Asya 44,614,000 /
(4,641,054,775)
- Pinakamalaking kontinente
- Mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng
North at South America, o sa kabuuang sukat
ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3)
bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng
daigdig
- Nasa Asya rin ang China na may
pinakamalaking populasyon sa daigdig
- Dito matatagpuan ang pinakamataas na
bahagi ng daigdig (Bundok Everest) sa
pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet
https://images.app.goo.gl/u8jqEuYCocfE6Qyj8
25
sa China at ang pinakamababang bahagi
(Dead Sea)
Africa 30,218,000 /
(1,340,598,147)
- Nagmumula sa Africa ang malaking
suplay ng ginto at diyamante
- Nandito ang Nile River at ang Sahara Desert,
na pinakamalaking disyerto
- Ito ang may pinakamaraming bansa
North America 24,230,000 /
(368,869,647)
- Ito ay may hugis na malaking tatsulok subalit
mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of Mexico. - Dalawang
mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang
Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.
South America 12,814,000 /
(430,759,766)
- Ito ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging
patulis mula sa bahaging equator hanggang sa
Cape Horn sa katimugan.
- Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop
sa kabuuang baybayin ng South America.
Europe 10,505,000 /
(747,636,026)
- Ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na
bahagi lamang ng kalupaan ng Asya.
- Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8%
ng kabuuang lupa ng daigdig.
Antarctica 14,245,000 /
NA
- Ito ang tanging kontinenteng natatakpan ng
yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km.
(1.2 milya).
- Walang taong naninirahan sa Antarctica
maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng
pag-aaral tungkol dito.
- Sagana sa mga isda at mammal ang
karagatang nakapalibot dito.
Australia at
Oceania
8,503,000/
(42,677,813)
- Ito ang pinakamaliit na kontinente
- Napalilibutan ito ng Indian Ocean at
Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea
at Timor Sea
- Dahil sa mahigit 50 milyong taong
pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species
ng hayop at halaman na sa dito lamang
matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo,
wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at
iba pa.
*https://worldpopulationreview.com/continents/
NA – not available
26
Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga ito ay
nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at
nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000 ang namatay);
Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig,
ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa,
at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa rehiyong tinatawag na
Pacific Ring of Fire.
Kung susuriin ang isang
mapa, mapapansing ang
mga baybayin ng
silangang bahagi ng South
America at kanlurang
bahagi ng Africa ay tila
lapat at akma sa isa’t isa na
parang mga piraso ng
isang malaking jigsaw
puzzle. Ito ay sa
kadahilanang dating
magkaugnay ang
dalawang lupaing ito.
Habang tumatagal, patuloy
pa rin ang proseso ng
paglawak ng karagatan sa
pagitan nito at ang paglayo
ng dalawang nasabing
kontinente. Ang paliwang
na ito ay batay sa
Continental Drift Theory.
https://images.app.goo.gl/KcrqnR3QSdFtYbA6
6
Ang malawakang hangganan ng Asya, North
America, at South America ay matatagpuan sa
Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang
hangganan ng South America at North America
patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska,
pababa sa silangang hangganan ng Asya
hanggang New Zealand sa Timog Oceania.
Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang
pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito
bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate
o tipak ng crust ng daigdig kung saan
nakapatong ang mga naturang kontinente.
27
Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee noong 1902 (30,000 ang
namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol
ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000 ang namatay); Japan
noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at
Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay).
Gawain 6: Katangi-tanging Kontinente
Isulat sa loob ng kahon ang tatlong katangian ng mga kontinente sa
bawat bilang. Gawin ito sa kwaderno.
# Kontinente Katangian
1 Asya
2 Africa
3 North America
4 South America
5 Europe
6 Antarctica
7 Australia at
Oceania
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?
2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng
daigdig?
28
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig
Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa
pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng
daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng
Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na
populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang
Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Talahanayan 1.4: Pinakamataas na Bundok ng Daigdig
Bundok Taas (sa metro) Lokasyon
Everest 8,848 Nepal/Tibet
K-2 8,611 Pakistan
Kangchenjunga 8,586 Nepal/India
Lhotse 8,511 Nepal
Makalu 8,463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8,167 Nepal
Manaslu 8,163 Nepal
Nanga Parbat 8,125 Pakistan
Annapurna 8,091 Nepal
29
Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacific,
Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic
Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang
Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude.
Talahanayan 1.5: Mga Karagatan sa Daigdig
Karagatan Lawak
(sa
kilometro
kuwadrado)
Average
na lalim
(sa
talampakan)
Pinakamalalim
na Bahagi
(sa talampakan)
Pacific
Ocean
155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840 talampakang lalim
Atlantic
Ocean
76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench,
28,232
Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376
Southern
Ocean
20,327,000 13,100 (4,000 - 5,000 metro) 16,400 talampakang
lalim, ang katimugang dulo ng South
Sandwich Trench, 23,736 talampakang lalim
(7,235 metro)
Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881 talampakang lalim
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,
pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi
ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean,
Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea,
Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20)
Mababasa rin ang Project EASE (Effective Alternative Secondary Education)
AP III, Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang higit na mapagyaman ang
sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.
30
Talahanayan 1.6: Ilang halimbawa ng mga Anyong Lupa
Anyong Lupa Katangian
Pulo o isla Ito ay mas maliit kaysa kontinente, napapaligiran ito ng tubig.
Peninsula Ito ay isang malaking bahagi ng lupa na napaliligiran ng tubig.
Tinatawag din itong tangway, dahi ang isang bahagi nito ay
nakarugtong sa isang kontinente o sa isang malaking masa ng
lupa.
Isthmus Ito ay isang maliit na bahagi ng lupa na nagdurugtong sa
dalawang masa ng lupa .
Bulkan Ito ay mataas at nagbubuga ng mainit na magma,lava o mga
batong malalaki at maiinit kapag pumuputok.
Burol Ito ay maliit kumpara sa bundok. Ito ay mga umbok ng lupa na
karaniwang matatagpuan sa mababang bahagi ng kabundukan.
Bundok Ang pinakamataas na anyong lupa na karaniwang nagtataglay ng
taas na 2,000 talampakan o 600 metro mula sa ibabaw ng dagat.
Kapatagan Ito ang malawak na patag na anyong lupa na ginagamit bilang
taniman at tirahan ng mga tao.
Lambak Ang patag na lupain sa pagitan ng dalawa o higit pang bundok.
Talampas Ang mataas na lupa na patag ang ibabaw.
Disyerto Ang malawak na tuyo at mabuhanging lupa. Napakainit kung araw
at napakalamig naman kapag gabi.
Talahanayan 1.6: Ilang halimbawa ng mga Anyong Lupa
Anyong Tubig Katangian
Karagatan Ang pinakamalawak na saklaw ng anyong tubig.
Dagat Ito ay bahagi ng karagatan.
Lawa Ang malawak na anyong tubig na nakukulong ng lupa.
Look Ito ay nasa baybayin ng isang kalupaan na karugtong ng karagatan
o dagat.
Golpo Ito ay higit na mas Malaki kaysa look kahit na mas napaliligiran ang
golpo ng lupain.
Ilog Ito ay isang bahagi ng tubig na dumadaloy mula sa mataas tungo
sa higit na mababang lebel tulad ng lawa.
Talon Ito ay galing sa mga matataas na lugar at nahuhulog sa ibaba.
Sapa Ito ay mas mababaw at mas maliit pa kaysa sa batis. Ginagamit
ito nga mga magsasaka para ipatubig ang kapatagan.
Kipot Ito ay napakakitid na pinagitan ng dalawang anyong lupa.
Tsanel Ito naman ay isang malawak na anyong tubig na makikita sa
pagitan ng dalawang pulo. Dito lumalakbay ang mga barko upang
pumunta mula sa isang pulo hanggang sa isa pang pulo.
Batis Isang maliit na uri na bunga ng isang bukal
Bukal Ito ay nagmumula sa ilalim ng lupa na maatring mainit o malamig.
*https://philnews.ph/2019/07/20/yamang-tubig-uri-nito/ *Mula sa KAYAMANAN Kasaysayan ng Daigdig ni Soriano et.al, Binagong Edisyon 2017(pp.12-16)
31
Gawain 6: Anyong Lupa at Tubig
Magbigay ng limang uri ng anyong lupa at tubig, isulat sa loob ng
kahon ang katangian ng mga ito. Gawin ito sa kwaderno.
# Anyong Lupa Katangian
1
2
3
4
5
# Anyong Tubig Katangian
1
2
3
4
5
Pamprosesong Tanong
1. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng
tao?
3. Paano mapakikinabangan ng tao ang iba’t ibang anyong lupa at tubig sa mundo?
4. Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging epekto kung higit na malaki ang
nasasakupan ng lupa kaysa sa tubig sa mundo?
32
Heograpiyang Pantao
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay
na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga
wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang
pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya
ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika
sa daigdig.
Talahanayan 1.6 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig
Pamilya ng
Wika
Buhay na
Wika
Bahagdang ng
mga Nagsasalita
Bansang Gumagamit ng Wika
Afro-Asiatic 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad,
Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia,
Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya,
Mali, Malta, Mauritania, Morocco, Niger,
Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia,
Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan,
Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab
Emirates, Uzbekistan, at Yemen
Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod ang
pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpiyang pantao.
Simulan mo na.
33
Pamilya ng
Wika
Buhay na
Wika
Bahagdang ng
mga Nagsasalita
Bansang Gumagamit ng Wika
Austronesian 1,221 5.55 Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook
Islands, East Timor, Fiji, French
Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati,
Madagascar, Malaysia, Marshall Islands,
Mayotte, Micronesia, Myanmar, Nauru,
New Caledonia, New Zealand, Niue,
Northern Mariana Islands, Palau, Papua
New Guinea, Philippines, Samoa,
Solomon Islands, Suriname, Taiwan,
Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United
States, Vanuatu, Viet Nam, Wallis at
Futuna
Indo-
European
436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,
Azerbaijan, Bangladesh, Belarus,
Belgium, Bosnia and Herzegovina, Brazil,
Bulgaria, Canada, China, Croatia, Czech
Republic, Denmark, Fiji, Finland, France,
Germany, Greece, Iceland, India, Iran,
Iraq, Ireland, Isle of Man, Israel, Italy,
Latvia, Lithuania, Luxembourg,
Macedonia, Maldives, Myanmar, Nepal,
Netherlands, Norway, Oman, Pakistan,
Peru, Poland, Portugal, Romania,
Russian Federation, Serbia, Slovakia,
Slovenia, South Africa, Spain, Sri Lanka,
Suriname, Sweden, Switzerland,
Tajikistan, Turkey, Ukraine, United
Kingdom, United States, Vatican State, at
Venezuela
Niger-Congo 1,524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,
Burundi, Cameroon, Central African
Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte
d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of
the Congo, Equatorial Guinea, Gabon,
Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau,
Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali,
Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger,
Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone,
Somalia, South Africa, South Sudan,
Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo,
Uganda, Zambia, at Zimbabwe
Sino-Tibetan 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, India,
Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal,
Pakistan, Thailand, at Vietnam
Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family
34
Relihiyon
Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at
rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang
nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga
bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang
nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa
kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na
nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa
kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng
daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang
indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak
ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-
iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay
ng tao ang relihiyon.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan
ng dami ng tagasunod ng mga ito.
Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig
35
Lahi/Pangkat-Etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi
na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o
bayolohikal na katangian ng pangkat.Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t-ibang
klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng
kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos
na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-
uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman
sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na
heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o
isang pangkat ng tao?
5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa
daigdig?
Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong.
36
Gawain 7. Crossword Puzzle
Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy
sa inilalarawan ng bawat bilang.
Pahalang
1. Kaluluwa ng kultura
3. Sistema ng mga paniniwala at
rituwal
7. Pagkakakilanlang biyolohikal
ng pangkat ng tao
9. Pamilya ng wikang Filipino
10. Matandang relihiyong umunlad sa
India
Pababa
2. Relihiyong may pinakamaraming
tagasunod
4. Pamilya ng wikang may
pinakamaraming taong gumagamit
5. Salitang-ugat ng relihiyon
6. Salitang Greek ng “mamamayan”
8. Pangkat ng taong may iisang
kultura
at pinagmulan
37
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Gawain 8: My Travel E-Brochure
1. Gumawa ng travel e-brochure na gusto mong mapuntahan sa buong mundo.
2. Tiyaking nakapaloob dito ang mahahalagang konsepto o kaalamang tinalakay
tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig.
3. Iupload ito sa iyong social media.
4. Pagkatapos, iuulat ito sa klase.
5. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric:
Rubric sa Pagmamarka ng Travel E-Brochure
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang impormasyong nakasulat at mga lugar/bansa;
nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng aralin
10
Disenyo Malikhain ang gawang Travel E-Brochure; angkop ang
kulay at laki ng mga nakasulat; malinaw ang mensahe
batay sa disenyo
10
Pag-uulat Mahusay ang isinagawang pag-uulat sa klase; akma
ang kilos; malinaw na natalakay ang nilalaman ng
Travel E-Brochure at malakas ang boses
5
Kabuuan 25
Pamprosesong Tanong
1. Tungkol saan ang ginawang Travel E-Brochure?
2. Anong konsepto ang maiuugnay sa iniulat na Travel E-Brochure?
3. Paano pinatunayan sa Travel E-Brochure ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at
pamumuhay ng tao?
4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig?
Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na katangian at
heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim na pagtalakay sa tulong ng
mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog
ng heograpiya sa kabuhayan at pamumuhay ng tao.
38
Gawain 9: Modelo ng Kultura
Bumuo ng apat na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang
inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper, cartolina o tela na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay
na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng iyong pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang suot
ng kapangkat.
6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay sa
ibinigay na rubric.
Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman
ng Kasuotan
Wasto ang impormasyong nakasulat at mga bagay o
simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob ang tatlo o
higit pang konsepto ng aralin
10
Disenyo
ng Kasuotan
Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay at laki ng
mga nakasulat at nakaguhit sa damit; malinaw ang
mensahe batay sa disenyo
10
Pagmomodelo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa klase;
akma ang kilos sa pangkat-etniko o bansang
kinakatawan ng modelo
5
Kabuuan 25
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa
kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili ng iyong
39
kapangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa
batay sa gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?
Gawain 10: I-Blog Na Yan!
Ngayong natutuhan mo na ang ugnayan ng heograpiya at likas na yaman sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan, bumuo ng isang panawagan gamit ang social media
na humihikayat sa bawat isang mamamayan na tumulong sa pangangalaga sa
kapaligiran.
Rubric sa Pagmamarka ng Blog
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Organisasyon Mahusay ang organisasyon at pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa video
10
Orihinalidad Ang video na ginawa ay naaayon sa makabago at
natatanging paksa, hindi gasgas ang konsepto
10
Boses o Tinig Ang boses / tinig ng tagapagsalaysay ay maayos at
malinaw para sa mga tagapakinig/tagapanood.
Gumagamit ng iba’t ibang himig sa pagpapahayag ng
damdamin
5
Kabuuan 25
Pamprosesong Tanong
1. Tungkol saan ang ginawang blog?
2. Ano-ano ang mga dapat gawin upang mapanatiling maayos at malinis ang ating
kapaligiran?
3. Bakit mahalagang pangalagaan ang ating kapaligiran?
40
Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng bagong
Freedom Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Freedom Wall 1 at
paghambingin ang dalawang sagot.
Sanggunian
A. Aklat
Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig nina Celia D. Soriano et.al Binagong Edisyon
2017, pp.5-35
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig,- Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon
2014, pp.1-38
Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Teofista L.
Vivar, Ed.D. et.al, pp.2-17
Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Binagong Edisyon 2012, pp.2-21
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Gabay sa Pagtuturo, Kagawaran ng
Edukasyon, Unang Edisyon 2013, pp.1-16
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga pamanang ipinagkaloob
ng mga sinaunang kabihasnang sa atin hanggang sa kasalukuyang panahon?

More Related Content

What's hot

ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTERARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
Froidelyn Fernandez- Docallas
 
Heograpiyang Pantao
Heograpiyang PantaoHeograpiyang Pantao
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
anettebasco
 
Katuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiyaKatuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiya
Olhen Rence Duque
 
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIGANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
Precious Sison-Cerdoncillo
 
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Glenn Rivera
 
Araling panlipunan 7.pptx
Araling panlipunan 7.pptxAraling panlipunan 7.pptx
Araling panlipunan 7.pptx
JaysonKierAquino
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8 Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Crystal Mae Salazar
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Crystal Mae Salazar
 
GRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIG
GRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIGGRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIG
GRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIG
Jayson Casingal
 
Araling Panlipunan Module 8 2nd Quarter
Araling Panlipunan Module 8 2nd QuarterAraling Panlipunan Module 8 2nd Quarter
Araling Panlipunan Module 8 2nd Quarter
DepEd Caloocan
 
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigAP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigJared Ram Juezan
 
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptxKABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
RoscelleCarlosRoxasP
 
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Chuckry Maunes
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Neri Diaz
 
Ang Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
Ang Sibilisasyong Minoan at MycenaeanAng Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
Ang Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
ria de los santos
 
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa DaigdigMga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
iyoalbarracin
 
Sinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptxSinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptx
JaniceBarnaha
 
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxCO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
JaniceBarnaha
 
AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19
AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19
AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19
DIEGO Pomarca
 

What's hot (20)

ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTERARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
 
Heograpiyang Pantao
Heograpiyang PantaoHeograpiyang Pantao
Heograpiyang Pantao
 
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
 
Katuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiyaKatuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiya
 
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIGANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
 
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
 
Araling panlipunan 7.pptx
Araling panlipunan 7.pptxAraling panlipunan 7.pptx
Araling panlipunan 7.pptx
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8 Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
 
GRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIG
GRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIGGRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIG
GRADE 8- MGA KABIHASNAN SA DAIGDIG
 
Araling Panlipunan Module 8 2nd Quarter
Araling Panlipunan Module 8 2nd QuarterAraling Panlipunan Module 8 2nd Quarter
Araling Panlipunan Module 8 2nd Quarter
 
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigAP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
 
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptxKABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
KABIHASNAN AT SIBILISASYON.pptx
 
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng Daigdig
 
Ang Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
Ang Sibilisasyong Minoan at MycenaeanAng Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
Ang Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
 
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa DaigdigMga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
 
Sinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptxSinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptx
 
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxCO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
 
AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19
AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19
AP 7 DLL Quarter 2 Week 2 SY 18 19
 

Similar to MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER

GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
Precious Sison-Cerdoncillo
 
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdfAraling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
sanvic3
 
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdfAraling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
EllenRoseGalindo
 
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - CompleteGrade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
R Borres
 
K to 12 Grade 9 AP LM module draft
K to 12 Grade 9 AP LM module draftK to 12 Grade 9 AP LM module draft
K to 12 Grade 9 AP LM module draft
Hazel Mae Antimor
 
8 ap lm q1
8 ap lm q18 ap lm q1
8 ap lm q1dhen43
 
8 ap lm q1
8 ap lm q18 ap lm q1
8 ap lm q1
Poodle CL
 
AP-8-1st-quarter.docx
AP-8-1st-quarter.docxAP-8-1st-quarter.docx
AP-8-1st-quarter.docx
LyssaApostol2
 
Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...
Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...
Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...
R Borres
 
Post Test II.pptx
Post Test II.pptxPost Test II.pptx
Post Test II.pptx
ElvrisCanoneoRamos
 
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptxAP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
nanz18
 
summative test aral pan 8.docx
summative test aral pan 8.docxsummative test aral pan 8.docx
summative test aral pan 8.docx
will318201
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docx
AngelaSantiago22
 
lesson 3 ppt.pptx
lesson 3 ppt.pptxlesson 3 ppt.pptx
lesson 3 ppt.pptx
JaniceBarnaha
 
Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)
Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)
Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)
gladysclyne
 
Araling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptx
Araling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptxAraling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptx
Araling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptx
OrjofielJohnSanchez
 

Similar to MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER (20)

GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdfAraling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
 
Ap 9 lm
Ap 9 lmAp 9 lm
Ap 9 lm
 
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdfAraling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
 
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - CompleteGrade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
 
K to 12 Grade 9 AP LM module draft
K to 12 Grade 9 AP LM module draftK to 12 Grade 9 AP LM module draft
K to 12 Grade 9 AP LM module draft
 
AP G8/G9 lm q1
AP G8/G9 lm q1AP G8/G9 lm q1
AP G8/G9 lm q1
 
8 ap lm q1
8 ap lm q18 ap lm q1
8 ap lm q1
 
8 ap lm q1
8 ap lm q18 ap lm q1
8 ap lm q1
 
8 ap lm q1
8 ap lm q18 ap lm q1
8 ap lm q1
 
8 ap lm q1
8 ap lm q18 ap lm q1
8 ap lm q1
 
AP-8-1st-quarter.docx
AP-8-1st-quarter.docxAP-8-1st-quarter.docx
AP-8-1st-quarter.docx
 
Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...
Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...
Compilation of Learning Modules in Grade 8 (K to 12 Education System in the P...
 
Post Test II.pptx
Post Test II.pptxPost Test II.pptx
Post Test II.pptx
 
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptxAP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
 
summative test aral pan 8.docx
summative test aral pan 8.docxsummative test aral pan 8.docx
summative test aral pan 8.docx
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W2.docx
 
lesson 3 ppt.pptx
lesson 3 ppt.pptxlesson 3 ppt.pptx
lesson 3 ppt.pptx
 
Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)
Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)
Unang markahan sa Araling PAnlipunan 8 (Kasaysayan sa Daigdig)
 
Araling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptx
Araling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptxAraling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptx
Araling Panlipunan 8 - Aralin 1, 1st Q.pptx
 

More from Precious Sison-Cerdoncillo

IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIGIKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Precious Sison-Cerdoncillo
 
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Precious Sison-Cerdoncillo
 
GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG
GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIGGABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG
GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG
Precious Sison-Cerdoncillo
 
Modyul 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
Modyul 4   ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDGModyul 4   ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
Modyul 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
Precious Sison-Cerdoncillo
 
NEOKOLONYALISMO PSC
NEOKOLONYALISMO PSCNEOKOLONYALISMO PSC
NEOKOLONYALISMO PSC
Precious Sison-Cerdoncillo
 
NEOKOLONYALISMO
NEOKOLONYALISMONEOKOLONYALISMO
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
Precious Sison-Cerdoncillo
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
Precious Sison-Cerdoncillo
 
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Precious Sison-Cerdoncillo
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Precious Sison-Cerdoncillo
 
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYAKABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
Precious Sison-Cerdoncillo
 
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT  MGA KONTINENTEANG KLIMA AT  MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
Precious Sison-Cerdoncillo
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
Precious Sison-Cerdoncillo
 

More from Precious Sison-Cerdoncillo (13)

IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIGIKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
 
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
 
GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG
GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIGGABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG
GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG
 
Modyul 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
Modyul 4   ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDGModyul 4   ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
Modyul 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
 
NEOKOLONYALISMO PSC
NEOKOLONYALISMO PSCNEOKOLONYALISMO PSC
NEOKOLONYALISMO PSC
 
NEOKOLONYALISMO
NEOKOLONYALISMONEOKOLONYALISMO
NEOKOLONYALISMO
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYAKABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
 
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT  MGA KONTINENTEANG KLIMA AT  MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 

MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG MODYUL 1 HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
  • 2. 2 MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PANIMULA Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag- unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao. Sa Modyul na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan. Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran.
  • 3. 3 Mga Aralin at Sakop ng Modyul Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod. Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig • Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa daigdig • Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig • Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon. Aralin 2: Ang Mga Sinaunang Tao • Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdig • Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig • Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan • Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig • Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. • Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan • Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
  • 4. 4 PANIMULANG PAGTATAYA Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural? A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon 2. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat? A. imperyo B. kabihasnan C. kalinangan D. lungsod 3. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa? A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya. B. Maraming sigalot sa bansa. C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan. D. Walang sariling pagkakakilanlan sa mga bansa. 4. Paano mapapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala? A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon. B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon. C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng iba’t ibang relihiyon. D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
  • 5. 5 5. Ano ang tawag sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng ating Daigdig? A. kasaysayan B. heograpiya C. kabihasnan D. topograpiya 6. Ano ang tawag sa estruktura ng ating daigdig na isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito? A. inner core B. crust C. mantle D. outer core 7. Ano ang tawag sa kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon? A. panahon B. temperatura C. halumigmig D. klima 8. Anong anyong lupa ang pinakamalawak na masa ng lupain sa ibabaw ng daigdig? A. kontinente B. arkipelago C. pulo D. peninsula 9. Ano ang tawag sa pag-aaral sa pisikal na katangiang ng isang lugar o rehiyon? A. kasaysayan B. heograpiya C. kabihasnan D. topograpiya 10. Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo? A. Atlantiko B. Pasipiko C. Indian D. Artiko 11. Anong pamayanang Neolitikong ang matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)? A. Sumer B. Catal Huyuk C. Indus D. Mesoamerica 12. Ano ang pinakatanyag na Australopithecus Afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974 sa Ethiopia? A. Ape B. Chimpanzee C. Lucy D. Hominid
  • 6. 6 13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao? A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor 14. Ano ang sinasabing pinakamalapit na kaanak tao? A. Australopithecus Afarensis C. Australopithecine B. Ape D. Chimpanzee 15. Ano ang tinatawag na “handy man” dahil sa kakayahan nitong makagawa ng mga kagamitang yari sa bato? A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor 16. Ano ang tinatawag na “taong nakakatayo ng tuwid”? A. Homo erectus C. Homo sapiens sapiens B. Homo habilis D. Homo sapiens 17. Ano ang tinatawag na “taong nakakapag-isip”? A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor 18. Ano ang tawag sa pangkat ng Indo-Europeo na nakatuklas sa bakal na naninirahan sa Kanlurang Asya? A. Sumerian B. Akkadian C. Persian D. Hittite 19. Ano ang tawag sa mga sinaunang tao na pagala-gala o walang permanenteng tirahan? A. monghe B. nomadiko C. asetiko D. pagano 20. Siya ay isang siyentista na nakilala dahil sa kanyang “The Evolution of Man”. A. Jean-Baptiste Lamarck C. Carolus Linnaeus B. Alfred Russel Wallace D. Charles Darwin
  • 7. 7 21. Alin sa sumusunod ang hindi sumusuporta sa pahayag na “Ang Egypt ay isang tagapagtatag ng imperyo”? A. Nagtayo ng armadong propesyunal ang mga paraon. B. Sinalakay ng mga paraon ang mga nakapalibot na teritoryong Africa at Asya. C. Hinati sa lalawigan ang imperyo. D. Nagtatamasa ng malaking kayamanan ang Egypt mula sa mga lupain na nakapaligid sa Nile. 22. Ang mga sinaunang Tsino ay may paniniwalang nagmula sa Diyos ang kanilang mga pinuno. Anong paniniwala ito? A. Likas sa mga Tsino ang husay sa pamumuno. B. Ang mga pinuno ay nabigyang Karapatan ng langit na mamuno na tinatawag na Mandate of Heaven. C. Ang mga pinunong Tsino ay sugo ng Diyos sa bansa. D. Kailangang mamuno nang mahusay ang mga pinuno upang mapunta sila sa langit. 23. Ang mga lambak-ilog ang pinakakaraniwang pinag-uusbungan ng mga sinaunang kabihasnan. Ano ang ibig sabihin nito? A. Ito ang pook na kung saan sumilang ang mga kabihasnan. B. Patuloy pa ring pinakikinabangan ang mga lambak-ilog. C. Nagbibigay-sigla pa rin sa mga tao ang mga ilog. D. Malaki ang nagawa ng ilog para sa tao. 24. Saan umunlad ang unang sibilisasyon sa India? A. Indus Valley C. Tigris B. Talampas ng Deccan D. Nile Valley
  • 8. 8 25. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon? A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito. B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino. C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan. D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. B. KWL Chart Punan ng mga impormasyon ang sumusunod: sa hanay ng Know, ilagay ang mga impormasyong alam mo na; sa hanay ng Want, ilagay ang mga nais mo pang matutuhan; at sa hanay ng Learn, inaasahang mailalagay mo ang iyong mga natutuhan. Isulat sa papel ang iyong mga sagot. Know Want Learn 1. Kasaysayan 2. Heograpiya 3. Pisikal na heograpiya 4. Heograpiyang Pantao 5. Topograpiya 6. Klima 7. Kontinente 8. Sinaunang Tao 9. Sinaunang Kabihasnan 10. Sibilisasyon
  • 9. 9 ARALIN 1 HEOGRAPIYA NG DAIGDIG Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon. Sa pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado, una mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin sa araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao. Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig. ALAMIN Gawain 1: Pag-isipan Mo! Punan ang graphic organizer kapag narinig mo ang salitang heograpiya, ano ang mga bagay na may kinalaman dito. Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na. HEOGRAPIYA
  • 10. 10 GAWAIN 2: Freedom Wall 1 Isulat sa Freedom Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. PAUNLARIN PAKSA: LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang sa atin hanggang sa kasalukuyang panahon? Sa pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig, sisimulan natin ngayon ang pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito, tatalakayin ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.
  • 11. 11 Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang salitang heograpiya ay hango sa salitang Griyego na geo na nangangahulugang “lupa” at graphein na ibig sabihin ay “pagsusulat.” Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Mahalagang pagtuunan ng pansin sa ating pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig ang pisikal na katangian nito saapagkat nakaaapekto ito nang malaki sa kilos at gawain ng tao hanggang sa kasaukuyan. Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya: https://images.app.goo.gl/hxHPSqqkfk6hLuxNA
  • 12. 12 Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang tema ng heograpiya. Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram. Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya
  • 13. 13 Gawain 3: Tukoy-Tema-Aplikasyon Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Pagkatapos, punan ang kinakailangang impormasyon ang flower chart sa ibaba. 1. May tropikal na klima ang Indonesia. 2. Matatagpuan ang Piipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 3. Ang pagsasaka ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil mayaman tayo sa anyong lupa. 4. Maraming mga Pilipino ang nangingibang bansa sa Qatar, UAE, Singapore at Canada upang magtrabaho. 5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog Silangang Asya. 6. Ang lumalaking bilang ng kaso ng Covid 19 sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay daan upang magkaroon ng Balik Probinsiya Program na tutulungan ng gobyerno para magkaroon ng matitirhan, makakain at ikabubuhay para mabawasan ang tao dito sa lungsod. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan. 8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia. 9. Ang bansang Malaysia ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya at nananatili sa pagitan ng latitud 2° 30' Hilaga at longitude 112° 30' Silangan. 10. Thai ang opisyal na wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Thailand.
  • 14. 14 Lugar Interaksiyon ng tao at kapaigiran Rehiyon Paggalaw Lokasyon Pamprosesong mga tanong 1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon sa limang tema nito. 2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa? 3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa? 4. Alin sa tema ng heograpiya ang higit na nakaimpluwensiya sa daloy ng kaunlaran? Bakit? 5. Paano naiuugnay ang mga tema ng heograpiya sa daloy ng kasaysayan? Napiling bansa Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo. Simulan mo na.
  • 15. 15 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig https://images.app.goo.gl/xFeN4AbHBWtXpo3t6 Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon. Ano ang iyong masasabi sa katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng mga tao?
  • 16. 16 Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig. Ang daigdig ay binubuo ng crust,ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Estruktura ng Daigdig https://en.wikipedia.org/wiki/Plate_tectonics#/media/ File:Plates_tect2_en.svg https://images.app.goo.gl/1Tzp43CqStzHUqoC8 Ang daigdig ay may apat na hatingglobo (hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. http://www.rocksandminerals4u.com/earths_interior.html Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na Sa katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago- bago. Paano nakaaapekto ang mga plate sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig?
  • 17. 17 Talahanayan: 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1 024 kg Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon Populasyon (2020) 7 800 000 000 Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig 510 066 000 kilometro kuwadrado (km2) Lawak ng Kalupaan 148 647 000 km kwd (29.1%) (km2) Lawak ng Karagatan 335 258 000 km kwd (km2) Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361 419 00 km kwd (70.9%) (km2) Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang Circumference o Kabilugan sa Equator 40 066 km Circumference o Kabilugan sa Poles 39 992 km Diyametro sa Equator 12 753 km Diyametro sa Poles 12 710 km Radius sa Equator 6 376 km Radius sa Poles 6 355 km Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa bilis na 66,700 milya bawat oras (mph), 107,320 km bawat oras Orbit sa Araw Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa loob ng 365 araw, limang oras, 48 minuto at 46 na segundo https://www.worldatlas.com/geoquiz/thelist.htm, https://www.worldometers.info/world-population/ Longitude at Latitude Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak.
  • 18. 18 Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan sa mapa o globo. Tinatawag na longtitude ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole. Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa England ay itinatalaga bilang zero degree longitude. https://images.app.goo.gl/3mbxj5UoJWbW1wC5A https://www.yourdictionary.com/international-date-line#images Tinatawag na latitude ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator. Ang equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitude.
  • 19. 19 Gawain 4: I-KNOW EARTH! Tukuyin at isulat ang bahagi ng estruktura ng daigdig. B. Tukuyin at isulat ang bahagi ng globo. 1. 2. 3. 4. https://images.app.goo.gl/XhP1FSxiwsKDXdgz9 5. Ano ang kahalagahan sa pagtukoy ng estruktura ng daigdig? _________________________ _________________________ _________________________ ________________________ _________________________ _________________________ __________________ 6. 7. 8. 9. https://images.app.goo.gl/WZEP87NgVgjHd5Re7 Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o pasilangan, ang International Date Line na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean. Nagbabago ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o pakanluran. https://images.app.goo.gl/nsDxXxkF5oeWrfMbA Ang Tropic of Cancer ang pinaka - dulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.50 hilaga ng equator. Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemisphere na direkta ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.50 timog ng equator.
  • 20. 20 Ang Klima Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon. Noong 1900, bumuo si Wladimir Koppen, isang Russian-German climatologist ng Sistema ng klasipikasyon ng klima sa mundo. Tinukoy niya ang limang pangunahing klasipikasyon na umiiral sa mundo batay sa temperature at presipitasyon ng mga lugar. 10. Ano ang katangian ng daigdig na kapaki-pakinabang sa tao at sa bagay na may buhay? __________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________
  • 21. 21 Talahanayan 1.2: Klasipikasyon ng Klima Klasipikasyon ng Klima Katangian Halimbawa Tropikal Mainit at mahalumigmig ang klima sa lugar na ito. Nagtataglay rin ito ng mataas na antas ng pag-ulan sa buong taon. Pilipinas Tuyo Nakararanas ng lubhang kainitan sa buong taon at kakaunti lamang ang pag-ulan. Iran Katamtaman at mahalumigmig Nakararanas ang isang lugar ng pantay na panahon ng tag-araw at tag-init. Ang ulan sa mga lugar na ito ay mula katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan. Turkey Snowy Forest Nagtataglay ng mahabang taglamig at maiksing tag-araw. Hilagang Europe Polar Nakararanas ng lubhang kalamigan sa buong taon. Mga lupain na malapit sa polo tulad ng Antarctic Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig nina Celia D. Soriano et.al Binagong Edisyon 2017, pahina 17
  • 22. 22 Gawain 5: I-TRAVEL TAYO! Kumpletuhin ang iyong pasaporte para makapunta ka sa pinapangarap mong bansa at sagutan ang iba pang mga tanong sa ibaba. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang klima? 2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig? 3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar? 4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar? 5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon? Ang mga Kontinente Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. https://images.app.goo.gl/kR1D7jsoFK4Gs1jg7 Pangalan:_____________ Kapanganakan: ________ Edad: ________________ Tirahan: ______________ _____________________ ____- Ang bansang pupuntahan ko ay ____. - Kaya ako pupunta dito dahil _______. - Ang klima dito ay ________________. - Ang mga likas na yaman dito ay ____ _______________________________ _______________________________.
  • 23. 23 Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente. Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory. https://geology.com/pangea.htm 240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean. 200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern Hemisphere. 65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-unting dumidikit sa Asya. Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng North America at Europe bawat taon.
  • 24. 24 May mga kontinenteng nagtataglay ng marami. May pitong kontinente ang daigdig - Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kontinente ng daigdig. Talahanayan 1.3: Ang Ilang Datos tungkol sa Pitong Kontinente Kontinente Lawak (km²)/ Tinatayang Populasyon (2020) Katangian Asya 44,614,000 / (4,641,054,775) - Pinakamalaking kontinente - Mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig - Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig - Dito matatagpuan ang pinakamataas na bahagi ng daigdig (Bundok Everest) sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet https://images.app.goo.gl/u8jqEuYCocfE6Qyj8
  • 25. 25 sa China at ang pinakamababang bahagi (Dead Sea) Africa 30,218,000 / (1,340,598,147) - Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante - Nandito ang Nile River at ang Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto - Ito ang may pinakamaraming bansa North America 24,230,000 / (368,869,647) - Ito ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. - Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran. South America 12,814,000 / (430,759,766) - Ito ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. - Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America. Europe 10,505,000 / (747,636,026) - Ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. - Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig. Antarctica 14,245,000 / NA - Ito ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). - Walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. - Sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito. Australia at Oceania 8,503,000/ (42,677,813) - Ito ang pinakamaliit na kontinente - Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea - Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa dito lamang matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at iba pa. *https://worldpopulationreview.com/continents/ NA – not available
  • 26. 26 Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000 ang namatay); Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire. Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang bahagi ng South America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa isa’t isa na parang mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle. Ito ay sa kadahilanang dating magkaugnay ang dalawang lupaing ito. Habang tumatagal, patuloy pa rin ang proseso ng paglawak ng karagatan sa pagitan nito at ang paglayo ng dalawang nasabing kontinente. Ang paliwang na ito ay batay sa Continental Drift Theory. https://images.app.goo.gl/KcrqnR3QSdFtYbA6 6 Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang kontinente.
  • 27. 27 Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee noong 1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay). Gawain 6: Katangi-tanging Kontinente Isulat sa loob ng kahon ang tatlong katangian ng mga kontinente sa bawat bilang. Gawin ito sa kwaderno. # Kontinente Katangian 1 Asya 2 Africa 3 North America 4 South America 5 Europe 6 Antarctica 7 Australia at Oceania Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente? 2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente? 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng daigdig?
  • 28. 28 Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa. Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro). Talahanayan 1.4: Pinakamataas na Bundok ng Daigdig Bundok Taas (sa metro) Lokasyon Everest 8,848 Nepal/Tibet K-2 8,611 Pakistan Kangchenjunga 8,586 Nepal/India Lhotse 8,511 Nepal Makalu 8,463 Nepal/Tibet Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet Dhaulagiri 8,167 Nepal Manaslu 8,163 Nepal Nanga Parbat 8,125 Pakistan Annapurna 8,091 Nepal
  • 29. 29 Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude. Talahanayan 1.5: Mga Karagatan sa Daigdig Karagatan Lawak (sa kilometro kuwadrado) Average na lalim (sa talampakan) Pinakamalalim na Bahagi (sa talampakan) Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840 talampakang lalim Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench, 28,232 Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376 Southern Ocean 20,327,000 13,100 (4,000 - 5,000 metro) 16,400 talampakang lalim, ang katimugang dulo ng South Sandwich Trench, 23,736 talampakang lalim (7,235 metro) Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881 talampakang lalim Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean. Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20) Mababasa rin ang Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) AP III, Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang higit na mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.
  • 30. 30 Talahanayan 1.6: Ilang halimbawa ng mga Anyong Lupa Anyong Lupa Katangian Pulo o isla Ito ay mas maliit kaysa kontinente, napapaligiran ito ng tubig. Peninsula Ito ay isang malaking bahagi ng lupa na napaliligiran ng tubig. Tinatawag din itong tangway, dahi ang isang bahagi nito ay nakarugtong sa isang kontinente o sa isang malaking masa ng lupa. Isthmus Ito ay isang maliit na bahagi ng lupa na nagdurugtong sa dalawang masa ng lupa . Bulkan Ito ay mataas at nagbubuga ng mainit na magma,lava o mga batong malalaki at maiinit kapag pumuputok. Burol Ito ay maliit kumpara sa bundok. Ito ay mga umbok ng lupa na karaniwang matatagpuan sa mababang bahagi ng kabundukan. Bundok Ang pinakamataas na anyong lupa na karaniwang nagtataglay ng taas na 2,000 talampakan o 600 metro mula sa ibabaw ng dagat. Kapatagan Ito ang malawak na patag na anyong lupa na ginagamit bilang taniman at tirahan ng mga tao. Lambak Ang patag na lupain sa pagitan ng dalawa o higit pang bundok. Talampas Ang mataas na lupa na patag ang ibabaw. Disyerto Ang malawak na tuyo at mabuhanging lupa. Napakainit kung araw at napakalamig naman kapag gabi. Talahanayan 1.6: Ilang halimbawa ng mga Anyong Lupa Anyong Tubig Katangian Karagatan Ang pinakamalawak na saklaw ng anyong tubig. Dagat Ito ay bahagi ng karagatan. Lawa Ang malawak na anyong tubig na nakukulong ng lupa. Look Ito ay nasa baybayin ng isang kalupaan na karugtong ng karagatan o dagat. Golpo Ito ay higit na mas Malaki kaysa look kahit na mas napaliligiran ang golpo ng lupain. Ilog Ito ay isang bahagi ng tubig na dumadaloy mula sa mataas tungo sa higit na mababang lebel tulad ng lawa. Talon Ito ay galing sa mga matataas na lugar at nahuhulog sa ibaba. Sapa Ito ay mas mababaw at mas maliit pa kaysa sa batis. Ginagamit ito nga mga magsasaka para ipatubig ang kapatagan. Kipot Ito ay napakakitid na pinagitan ng dalawang anyong lupa. Tsanel Ito naman ay isang malawak na anyong tubig na makikita sa pagitan ng dalawang pulo. Dito lumalakbay ang mga barko upang pumunta mula sa isang pulo hanggang sa isa pang pulo. Batis Isang maliit na uri na bunga ng isang bukal Bukal Ito ay nagmumula sa ilalim ng lupa na maatring mainit o malamig. *https://philnews.ph/2019/07/20/yamang-tubig-uri-nito/ *Mula sa KAYAMANAN Kasaysayan ng Daigdig ni Soriano et.al, Binagong Edisyon 2017(pp.12-16)
  • 31. 31 Gawain 6: Anyong Lupa at Tubig Magbigay ng limang uri ng anyong lupa at tubig, isulat sa loob ng kahon ang katangian ng mga ito. Gawin ito sa kwaderno. # Anyong Lupa Katangian 1 2 3 4 5 # Anyong Tubig Katangian 1 2 3 4 5 Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao? 3. Paano mapakikinabangan ng tao ang iba’t ibang anyong lupa at tubig sa mundo? 4. Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging epekto kung higit na malaki ang nasasakupan ng lupa kaysa sa tubig sa mundo?
  • 32. 32 Heograpiyang Pantao Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Wika Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig. Talahanayan 1.6 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig Pamilya ng Wika Buhay na Wika Bahagdang ng mga Nagsasalita Bansang Gumagamit ng Wika Afro-Asiatic 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta, Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, Uzbekistan, at Yemen Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpiyang pantao. Simulan mo na.
  • 33. 33 Pamilya ng Wika Buhay na Wika Bahagdang ng mga Nagsasalita Bansang Gumagamit ng Wika Austronesian 1,221 5.55 Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar, Malaysia, Marshall Islands, Mayotte, Micronesia, Myanmar, Nauru, New Caledonia, New Zealand, Niue, Northern Mariana Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, Solomon Islands, Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States, Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna Indo- European 436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia, Austria, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria, Canada, China, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Finland, France, Germany, Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Macedonia, Maldives, Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway, Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal, Romania, Russian Federation, Serbia, Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland, Tajikistan, Turkey, Ukraine, United Kingdom, United States, Vatican State, at Venezuela Niger-Congo 1,524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso, Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali, Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone, Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda, Zambia, at Zimbabwe Sino-Tibetan 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, India, Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal, Pakistan, Thailand, at Vietnam Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family
  • 34. 34 Relihiyon Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag- iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon. Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito. Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig
  • 35. 35 Lahi/Pangkat-Etniko Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t-ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon. Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag- uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan. 1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya? 2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa. 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao? 4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang pangkat ng tao? 5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig? Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong.
  • 36. 36 Gawain 7. Crossword Puzzle Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Pahalang 1. Kaluluwa ng kultura 3. Sistema ng mga paniniwala at rituwal 7. Pagkakakilanlang biyolohikal ng pangkat ng tao 9. Pamilya ng wikang Filipino 10. Matandang relihiyong umunlad sa India Pababa 2. Relihiyong may pinakamaraming tagasunod 4. Pamilya ng wikang may pinakamaraming taong gumagamit 5. Salitang-ugat ng relihiyon 6. Salitang Greek ng “mamamayan” 8. Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan
  • 37. 37 PAGNILAYAN AT UNAWAIN Gawain 8: My Travel E-Brochure 1. Gumawa ng travel e-brochure na gusto mong mapuntahan sa buong mundo. 2. Tiyaking nakapaloob dito ang mahahalagang konsepto o kaalamang tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig. 3. Iupload ito sa iyong social media. 4. Pagkatapos, iuulat ito sa klase. 5. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric: Rubric sa Pagmamarka ng Travel E-Brochure Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nilalaman Wasto ang impormasyong nakasulat at mga lugar/bansa; nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng aralin 10 Disenyo Malikhain ang gawang Travel E-Brochure; angkop ang kulay at laki ng mga nakasulat; malinaw ang mensahe batay sa disenyo 10 Pag-uulat Mahusay ang isinagawang pag-uulat sa klase; akma ang kilos; malinaw na natalakay ang nilalaman ng Travel E-Brochure at malakas ang boses 5 Kabuuan 25 Pamprosesong Tanong 1. Tungkol saan ang ginawang Travel E-Brochure? 2. Anong konsepto ang maiuugnay sa iniulat na Travel E-Brochure? 3. Paano pinatunayan sa Travel E-Brochure ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at pamumuhay ng tao? 4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig? Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim na pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at pamumuhay ng tao.
  • 38. 38 Gawain 9: Modelo ng Kultura Bumuo ng apat na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito. 1. Gupitin ang manila paper, cartolina o tela na kahugis ng isang damit o kasuotan. 2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng iyong pangkat. 3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan. 4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show. 5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat. 6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay sa ibinigay na rubric. Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nilalaman ng Kasuotan Wasto ang impormasyong nakasulat at mga bagay o simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng aralin 10 Disenyo ng Kasuotan Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit; malinaw ang mensahe batay sa disenyo 10 Pagmomodelo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o bansang kinakatawan ng modelo 5 Kabuuan 25 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa? 2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili ng iyong
  • 39. 39 kapangkat? 3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa batay sa gawain? 4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa? 5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao? Gawain 10: I-Blog Na Yan! Ngayong natutuhan mo na ang ugnayan ng heograpiya at likas na yaman sa paghubog ng sinaunang kabihasnan, bumuo ng isang panawagan gamit ang social media na humihikayat sa bawat isang mamamayan na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran. Rubric sa Pagmamarka ng Blog Pamantayan Deskripsiyon Puntos Organisasyon Mahusay ang organisasyon at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa video 10 Orihinalidad Ang video na ginawa ay naaayon sa makabago at natatanging paksa, hindi gasgas ang konsepto 10 Boses o Tinig Ang boses / tinig ng tagapagsalaysay ay maayos at malinaw para sa mga tagapakinig/tagapanood. Gumagamit ng iba’t ibang himig sa pagpapahayag ng damdamin 5 Kabuuan 25 Pamprosesong Tanong 1. Tungkol saan ang ginawang blog? 2. Ano-ano ang mga dapat gawin upang mapanatiling maayos at malinis ang ating kapaligiran? 3. Bakit mahalagang pangalagaan ang ating kapaligiran?
  • 40. 40 Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng bagong Freedom Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Freedom Wall 1 at paghambingin ang dalawang sagot. Sanggunian A. Aklat Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig nina Celia D. Soriano et.al Binagong Edisyon 2017, pp.5-35 Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig,- Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon 2014, pp.1-38 Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Teofista L. Vivar, Ed.D. et.al, pp.2-17 Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Binagong Edisyon 2012, pp.2-21 Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Gabay sa Pagtuturo, Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon 2013, pp.1-16 Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang sa atin hanggang sa kasalukuyang panahon?