SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
Download to read offline
UNIFIED FIRST PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN
GRADE SEVEN
Pangalan:_____________________________________________
Paaralan:_____________________________Iskor:____________
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinaka tamang sagot.
Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na tanong.
!
1. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng
kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hanggahan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
2. Bakit mahalaga ang mga ilog at lambak sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
A. Dahil nakatutulong ito sa tao sa panahon ng tag-init
B. Dahil nagsisilbing tagpuan ito ng mga sinaunang tao sa Asya
C. Dahil nagbibigay ito ng aliw at ligaya sa mga sinaunang tao sa Asya
D. Dahil dito sila kumukuha ng pagkain, pandilig ng halaman at panlinis ng katawan
Unawain ang talahanayan tungkol sa sukat ng mga kontinente ng daigdig.
3. Ano ang ipinapakita sa talahanayan tungkol sa kontinenteng Asya?
A. Ang Asya ay kabilang sa mga bansa ng kontinente sa daigdig
B. Ang Asya may pinaka maraming bansa sa buong daigdig
C. Ang Asya ay nangunguna sa laki ng populasyon sa daigdig
D. Ang Asya ang pinaka malaking kontinente sa buong daigdig
4. Anong rehiyon sa Asya ang binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia?
Kontinente Kabuuang sukat(kilometro kwadrado)
1. Asya 44,486,104
2. Africa 30,269,817
3. North America 24, 210,000
4. South America 17,820,852
5. Antarctica 13,209,060
6. Europe 10,530,780
7. Australia 7,862,336
Kabuuan 143,389,336
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
5. Ano ang rehiyon sa Asya ang matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at
Europe?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
6. Sa anong rehiyon sa Asya na bahagi ang India at mga bansang Muslim ng Afhganistan, Pakistan at
mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
7. Bakit minsang binansagang Father India at Little China ang rehiyong Timog Silangang Asya?
A. Dahil sa malapit ito sa bansang India at bansang China
B. Dahil sa pakikipag-ugnayan nito sa mga bansang nabanggit
C. Dahil sa impluwensiya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito
D. Dahil sa pakikipagkalakalan ng bansang China at pakikipagkaibigan ng India
8. Ang rehiyong Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast
Asia at insular Southeast Asia, Anong mga bansa ang napabilang sa insular Southeast Asia?
A. Myanmar,Thailand, Indonesia, Malaysia, Brunei
B. Myanmar, Thailand, Vietnam, East Timor, Cambodia
C. Pilipinas, Indonesia, Thailand, China, Japan, South Korea
D. Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor
9. Ang kapuluan o archipelago ay pangkat ng mga pulo na marami sa Asya, Anong bansa sa Asya ang
my pinaka malaking kapuluan?
A. Indonesia C. Japan
B. Maldives D. Pilipinas
10. Ang Himalayas ay ang pinakatanyag na bulubundukin o hanay ng mga bundok na kung saan dito
nakahanay ang Mt. Everest na pinkamataas na bundok sa buong mundo, Sa anong rehiyon sa Asya
matatagpuan ang Bulubundukin ng Himalayas at Mt. Everest?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
11. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya.
Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati
ang mga aspektong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, Bakit ang Hilaga at
Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal, kultural,
agrikultural at sa klima
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito
12. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon
ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay
ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na
matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?
A. prairie B. savanna C. steppe D. tundra
13. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa
Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima
sa TimogSilangang Asya?
A. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
B. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag ulan.
C. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
D. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-ibang
buwan sa loob ng isang taon.
14. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na
lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa
India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa
kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?
A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon
at sa buong daigdig.
B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog
na ito.
C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa
tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang
kinabibilangan nito para sa kalakalan.
15. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang-habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
D. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon
16. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan.
Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko C. Katutubo
B. Etnolingguwistiko D. Nomad
Suriin ang kasunod na poster. Sagutin ang kasunod na tanong kaugnay nito.
!
17. Batay sa larawan, ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan
ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang
kapaligiran?
A. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning
pangkapaligiran at ekolohikal.
B. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit ng
likas na yaman.
C. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto nang lubos
sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig
D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon
18. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “ Sinasalamin ng wika ang
kultura ng isang lahi ” ?
A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
C .Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi
Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na
mga tanong kaugnay nito.
19. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang
pagkakasunod-sunod nito?
A. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
B. India, Indonesia, Japan,Sri Lanka at Laos
C. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
D. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
20. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng paglaki
ng populasyon , sumunod ang Sri Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa
India at Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang
bansa?
A. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
B. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
Bansa Populasyon Bilis ng Paglaki ng
Populasyon
Edad
0-14 15-64 65+
Sri Lanka 20,237,730 0.82 24.9 67 8.1
Laos 6,32,429 2.29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127,156,225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6
C. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
D. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran /programa na
makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng tao.
21. .Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti nang lumiliit. Makikita rin sa
talahanayan na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya
ng Japan at Sri Lanka. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
B. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataaas na antas ng pamumuhay.
C. Tumaas ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan ng mga bansang nabanggit.
D. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang
pagkakaroon ng anak.
22. Ang China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Taong 1979 nang ipatupad nito
ang “One China Policy” na naglalayong limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon.
Alinsunod sa patakarang ito ang mag-asawang Tsino ay hinihikayat na magkaroon lamang ng isang
anak. Isa sa mga epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng China.Ayon sa pinuno ng
National Bureau of Statistics ng China na si Ma Jiantang ang kasalukuyang populasyon ng China ay
binubuo ng karamihan na may edad, edukado at mga dayuhan. Ano ang mahihinuha sa sitwasyong ito?
A. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad nito.
B. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito.
C. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon.
D. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng mga mag-asawa.
!
23. Batay sa larawan sa itaas. Ano ang mahihinuha mo sa yamang- tao ng Asya?
A. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa.
B. Ang mga Asyano ay iba’t iba ang katangian.
C. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamin sa mayamang kultura nito.
D. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na nagpayaman sa kultura ng
rehiyon.
24. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at
paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan
ay naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin
. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-
unlad ng isang bansa
25. .Ikaw ay isang “Ambassador of Goodwill “ na naatasang hikayatin at impluwensiyahan ang kabataang
Asyano na magpalaganap ng mga programa na susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng
mga Asyano sa pamamagitan ng paggawa ng isang multi – media advocacy. Alin sa sumusunod na
pamantayan ang dapat mong isaalang-alang ?
A. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan
B. organisasyon , bilang ng pahina , pagkamalikhain
C. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
D. nilalaman, pagkamalikhain, impact , organisasyon, kapakinabangan
!
26. Batay sa makikita sa larawan tungkol sa mga uri ng vegetation cover sa Asya, Paano nagkakaiba-iba
ang mga vegetation cover sa Asya?
A. iba-iba ang uri ng halaman at damo na tumutubo sa bawat bansa
B. nagkakaroon ng kakulangan sa init ng araw kaya iba-iba ang halaman
C. iba-iba ang uri ng klima at panahon ng bawat bansa kaya iba’t ibang damo ang tumutubo dito
D. nagkakaroon ng pagbabago ng mga uri ng mga halaman at damo na tumutubo dahil sa lokasyon
nito
27. Naniniwala ka ba na ang tao ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran? Patunayan.
A. hindi, dahil kulang tayo sa mga likas na yaman kaya naging mahirap ang tao
B. hindi, dahil sa napakainit na panahon at klima naging suliraning ng tao ang sobrang init
C. Oo, dahil biniyayaan tayo ng maraming punongkahoy upang maging tahanan ng mga ibon
D. Oo, dahil ang lahat ay nasa kapaligiran-mga kabundukan,dagat,hayop, halaman,at mineral na
siyang puhunang nilinang ng tao upang matugunan ang kanyang pangangailagan
28. Ano ang isa sa mga suliraning pangkapaligiran sa Asya na labis nang naaapektuhan ang kapaligiran
nito at nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mahihirap na lugar o depressed
areas at may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa
kalusugan?
A. Pagkasira ng lupa C. Pagkawala ng Biodiversity
B. Pagkasira ng kagubatan D. Urbanisasyon
29. Ang wika ang isa sa mga batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya, Bakit nga ba mahalaga ang
wika? Alin ang hindi kabilang sa pagpipilian?
A. ito ay pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa.
B. Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa
C. Napaunlad din niya ang kaniyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan
D. Naipagmamalaki niya ang kaniyang pagkakakilanlan at pagkatao bilang isang kasapi ng bansa
Picto-Analysis
!
30. Tungkol saan ang larawan? Ano ang iyong konklusyon tungkol dito?
A. Ipinapakita sa larawan na patuloy ang pagdami ng mga tao sa mundo
B. Ipinapahiwatig dito na mas marami ang mga tao Asya sa buong daigdig
C. Tumutukoy ito sa paglaki ng suliranin sa daigdig tungkol sa pagdami ng populasyon
D. Tumataas ang bilang ng mga batang populasyon sa daigdig kaysa sa mga matatanda
Pag-aralan ang talahanayan tungkol sa Bahagdan ng Marunong Bumasa
31. Ano ang ipinapakita sa talahanayan tungkol sa bansang Afghanistan?
A. Ang may katamtamang laki sa bahagdan ng marunong bumasa
B. Ito ay matatagpuan sa hilagang Asya at may malaking populasyon
C. Ito ang may pinaka mababang bilang ng bahagdan ng marunong bumasa
D. Ito ang may pinaka mataas na bilang ng bahagdan ng marunong bumasa
32. Ano ang suliranin ng mga bansa na may mababang bahagdan ng marunong bumasa?
A. Ang pagkakaroon ng kakulangan sa pamumuhunan sa negosyo
B. Kung paano paunlarin ang ekonomiya at edukasyon ng isang bansa
C. Suliranin sa kalusugan at kung paano mabigyan ng wastong nutrisyon ang mga tao
D. Suliranin sa edukasyon dahilan sa kahirapan kaya hindi nabigyan ng wastong nutrisyon
33. Pumapangalawa ang India sa larangan ng laki ng populasyon hindi lamang sa Asya kundi sa buong
daigdig. Ano ang suliraning dulot ng patuloy na paglaki ng populasyon sa bansang ito?
A. Ito ay nagdudulot ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya
B. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran at ekolohiya
C. Nagdudulot ito ng kasaganaan sa bansa dahil sa pagdami ng bilang lakas paggawa
Bansa Bahagdan ng Marunong Bumasa
Afghanistan 29.0
Armenia 99.6
Azerbaijan 99.8
Bahrain 94.6
Bangladesh 56.8
Bhutan 47.0
D. Nagkakaroon ng malaking pagbabago sa klima at panahon dahil sa pagdami ng tao
34. Anu- ano ang pangunahing dahilan ng paglaki ng populasyon ng India?
A. Ang pagkakaroon ng mababang employment rate at population growth rate
B. kakulangan sa edukasyon tungkol sa wastong pagpaplano ng pamilya at makabagong
teknolohiya
C. kakulangan ng mga makabagong teknolohiya, pasilidad at industriya upang linangin ang
agrikultura
D. Kahirapan, relihiyon at kultura,mataas na fertility rate, pagbaba ng mortality rate, at migrasyon
35. Paano nakaaapekto sa isang bansa ang mataas na unemployment rate o bilang ng mga tao na
walang trabaho?
A. Ang bansa ay makakaranas ng suliranin sa agrikultura at industriya
B. Magkakaroon ng suliranin sa kultura, wika at panitikan ang isang bansa
C. Makakaranas ng labis na kahirapan, suliranin sa edukasyon at ekonomiya ang mga tao
D. Mararanasan ng mga tao ang labis na kasaganaan sa ekonomiya at progresibong kalakalan
36. Bakit ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolingguwistiko?
A. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa
B. Dahil sa wika naipapahayag ng tao ang kaniyang damdamin at napaunlad ang kaniyang sarili
C. Dahil itinuturing nilang ibang pangkat etniko ang mga taong kaiba ang wika, etnisidad,at kultura
sa kanila.
D. Naipapakita ng mga tao ang kanilang pagiging isang mabuting mamayan at masunurin sa
kanilang pangkat etniko
37. Paano nakatutulong ang pangkat etnolingguwistiko sa pagbuo at pag unlad ng kabihasnang Asyano?
A. Binibigyang halaga nito ang etnisidad at pagkakaroon ng iisang wika para magkakaisa
B. Dahil sa pangkat etnolingguwistiko napayaman nito ang ating kultura at kabuhayan sa pagbuo n
gating kabihasnan
C. Mayaman ang Asya sa pagkakaroon ng pangkat etnolingguwistiko sa paghubog ng ating
kabihasnan
D. Napanatili nito ang pagkakakilanlan ng mga Asya sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika, lahi at
relihiyon
38. Bakit may kaugnayan ang heograpiya sa uri ng pamumuhay ng pangkat etnolingguwistiko sa Asya?
A. Ang pangkat etnolingguwistiko sa Asya ay mayaman sa kultura at kabihasnan
B. Biniyayaan ang mga sinaunang tao ng masagana at mayamang likas na nakatutulong upang
mabuhay at mabuo ang sinaunang kabihasnan
C. Nakikiayon ang mga sinaunang tao sa kapaligiran nito kaya may kaugnayan ang heograpiya dahil
ang nabuong trabaho nila ay batay sa kung anong heograpiya meron sila
D. Nakikiangkop ang pangkat etnolingguwistiko sa kung anong kalikasan meron sila at upang ito ay
kanilang linangin at doon sila kumukuha ng mga pagkain sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay
39. Paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbibigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnang Asyano?
A. Ang mga sinaunang tao ay nakadepende sa biyaya ng kalikasan upang mabuhay
B. Ang kaligiran ay nagbibigay ng masaganang biyaya para sa mga tao sa pang-araw-araw na
pamumuhay
C. Ang tao at kapaligiran ay nagtutulungan upang magkaroon ng pag-unlad at sumibol o mgsimula
ang kabihasnan
D. Biniyayayaan ang mga tao ng masaganang kapaligiran, kaya nilinang nila ito at doon
nagsimulang mabuo at umunlad ang kabihasnan
40. Bakit heograpikal at kultural na sona ang batayan sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya?
A. Dahil dapat isa-alang-alang ito upang maging batayan sa tamang paghahati
B. Dito mapapatunayan na tama ang paghahati dahil sa magkakatulad na kultura
C. Isina-alang ang heograpikal at kultural dahil isa din ito sa batayan ng pangkat etnilingguwisto
D. Sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historical, at kultural na aspekto
41. Sa anong rehiyon sa Asya ang may sentral kontinental na klima, mahaba ang taglamig na
karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init?
A. Hilagang Asya C. Kanlurang Asya
B. Timog Asya D. Silangang Asya
42. Anong rehiyon sa Asya ang may monsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon?
A. Hilagang Asya C. Kanlurang Asya
B. Timog Asya D. Silangang Asya
43. Anu-ano ang bahaging ginampanan sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga kabundukan at ilog sa
Asya?
A. Nakatutulong ito sa mga tao sa larangan ng transportasyon at komunikasyon
B. Nakatutulong sa mga tao upang umunlad ang larangan ng turismo at kalakalan
C. Nagsisilbing tagpuan ng mga sinaunang tao at nakikipagkalakalan sa mga karatig pook
D. Naging daan ito upang mabuo ang sinaunang kabihasnan, dahil sa ilog nakapaglilinis sila ng
katawan,naliligo at nangingisda sa kabundukan naman ay nagtatanim at nag-aalaga ng mga hayop
44. Ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paano matutugunan ng likas na yaman ng isang
bansa ang lumalaking dami ng populasyon nito gayong ang lupa naman ay hindi lumalaki?
A. Ang pagtatanim ng maraming mga puno at pagbabawal sa pagpuputol nito
B. Ang pagbabawal sa paggamit ng illegal na pangingisda lalo na sa mga ginagawang fish
sanctuary at pagdadag ng bilang ng mga corals
C. Ang pagkakaroon ng wastong pamamahagi o alokasyon ng mga yaman ng bansa at ang
pagpapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang mga yamang likas
D. Ang paggawa ng mga malalaking gusali sa mga lugar na may magagandang tanawin upang
umunlad ang turismo at kalakalan
45. Ilan sa mga suliraning pangkapaligiran sa Asya ay ang mga sumusunod; pagkasira ng lupa,
urbanisasyon, pagkawala ng biodiversity at pagkasira ng kagubatan. Ano ang dapat gawin upang
malutas o mabawasan ang suliranin ng pagkasira ng kagubatan?
A. Pagpapatuloy sa pagputol ng mga punongkahoy at pagkakaingin
B. Pagpapatayo ng mga parke malapit sa kagubatan upang maging libangan ng mga turista
C. Pagbabawal sa pagpunta o pamamasyal sa mga kagubatan upang maiwasan ang pagkasira at
pagkawasak nito
D. Papapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang mga kagubatan at pagtatalaga ng mga
bantay kagubatan at pangalagaan ang mga iba’t-ibang species ng flora at fauna
46. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging katayuan at
kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng
kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa
kanyang kapaligiran upang umunlad ang kanyang kabuhayan?
A. Ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at kakulangan
ng pangangailangan mula sa limitadong pinagkukunang-yaman
B. Ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng kabuhayan
at paggamit ng mga modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan
mula dito
C. Ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad unlad ng
industriya o mga gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at
pinapangalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga programa
D. Ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at
pagpapaunlad ng mga industriya, gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon
47. Bakit mahalaga ang yamang tao sa Asya?
A. Ang yamang tao ay mahalaga dahil nilinang nila ang mga yaman na meron tayo
B. Binibigyang halaga ang mga yamang tao bilang tagapagtaguyod ng kabihasnan at kultura
C. Dapat pahalagahan ang mga tao dahil sila ang pinaka mahalagang yaman ng bansa
D. Nakakatulong sila upang mapalago ang ating ekonomiya, industriya at kalakalan
48. Kung iba’t iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya , Ano ang pinakamalaking hamon nito
sa mga rehiyon?
A. Ideolohiyang political C. Pagkakaisa
B. Pagkakakilanlan D. Modernisasyon
49. Paano mo ilalarawan ang mga yamang likas sa Asya?
A. Ang Asya ay salat sa mga yamang mineral, yamang lupa, yamang tubig at yamang gubat
B. Binigyan ang kontinenteng Asya ng maraming yamang tao upang linangin ang mga yamang likas
na meron tayo
C. Mayaman ang Asya sa yamang likas tulad ng yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat at
yamang mineral
D. Sagana ang Asya sa mga yamang mineral at na matatagpuan sa ibat ibang rehiyon sa Asya na
50. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wika ng bawat bansa?
A. Dahil ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat
B. Dito mapatutunayan na ikaw ay kasapi ng isang samahan o grupo
C. Nagpapatunay ito ng pagkakaisa at pag-unlad ng kabuhayan ng bawat bansa
C. Naipapakita nito ang tunay na pagpapahalaga ng mga mamamayan sa isang bansa

More Related Content

Similar to Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM

Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8
Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8
Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8dan_maribao
 
K to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner Module
K to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner Module
K to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner ModuleNico Granada
 
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lmGr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lmKim Jhon Simon
 
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modulesAp   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modulesApHUB2013
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) finalNoel Tan
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) finalNoel Tan
 
K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1Noel Tan
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) finalZandy Bonel
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 
Araling panlipunan grade 8 learning guide dep ed k
Araling panlipunan grade 8 learning guide dep ed kAraling panlipunan grade 8 learning guide dep ed k
Araling panlipunan grade 8 learning guide dep ed kJonathan Cuba
 
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docxGrade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docxBaptistBataan
 
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfGrade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfRiza974937
 
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfGrade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfRiza974937
 
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfGrade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfadolfosab
 
Q1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptx
Q1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptxQ1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptx
Q1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptxJhimarJurado2
 

Similar to Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM (20)

Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8
Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8
Kasaysayan ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8
 
K to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner Module
K to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner Module
K to 12 - Grade 8 Araling Palipunan Learner Module
 
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lmGr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lm
 
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modulesAp   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) final
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) final
 
K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) final
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 
AP-7-edited.docx
AP-7-edited.docxAP-7-edited.docx
AP-7-edited.docx
 
AP-7-edited.docx
AP-7-edited.docxAP-7-edited.docx
AP-7-edited.docx
 
Araling panlipunan grade 8 learning guide dep ed k
Araling panlipunan grade 8 learning guide dep ed kAraling panlipunan grade 8 learning guide dep ed k
Araling panlipunan grade 8 learning guide dep ed k
 
2 modyul 1
2 modyul 12 modyul 1
2 modyul 1
 
Post Exams.pptx
Post Exams.pptxPost Exams.pptx
Post Exams.pptx
 
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docxGrade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
 
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfGrade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
 
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfGrade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
 
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdfGrade7-DLL-First-Grading.pdf
Grade7-DLL-First-Grading.pdf
 
Ap 1 st grading
Ap 1 st gradingAp 1 st grading
Ap 1 st grading
 
Q1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptx
Q1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptxQ1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptx
Q1_L1_Aralin_1_Ang_Katangiang_Pisikal_ng (1).pptx
 

Recently uploaded

FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 

Recently uploaded (20)

FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 

Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM

  • 1. UNIFIED FIRST PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN GRADE SEVEN Pangalan:_____________________________________________ Paaralan:_____________________________Iskor:____________ Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinaka tamang sagot. Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na tanong. ! 1. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya? A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon. C. Ang malaking bahagi ng hanggahan ng Asya ay mga anyong tubig. D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya. 2. Bakit mahalaga ang mga ilog at lambak sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya? A. Dahil nakatutulong ito sa tao sa panahon ng tag-init B. Dahil nagsisilbing tagpuan ito ng mga sinaunang tao sa Asya C. Dahil nagbibigay ito ng aliw at ligaya sa mga sinaunang tao sa Asya D. Dahil dito sila kumukuha ng pagkain, pandilig ng halaman at panlinis ng katawan Unawain ang talahanayan tungkol sa sukat ng mga kontinente ng daigdig. 3. Ano ang ipinapakita sa talahanayan tungkol sa kontinenteng Asya? A. Ang Asya ay kabilang sa mga bansa ng kontinente sa daigdig B. Ang Asya may pinaka maraming bansa sa buong daigdig C. Ang Asya ay nangunguna sa laki ng populasyon sa daigdig D. Ang Asya ang pinaka malaking kontinente sa buong daigdig 4. Anong rehiyon sa Asya ang binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia? Kontinente Kabuuang sukat(kilometro kwadrado) 1. Asya 44,486,104 2. Africa 30,269,817 3. North America 24, 210,000 4. South America 17,820,852 5. Antarctica 13,209,060 6. Europe 10,530,780 7. Australia 7,862,336 Kabuuan 143,389,336
  • 2. A. Hilagang Asya C. Silangang Asya B. Kanlurang Asya D. Timog Asya 5. Ano ang rehiyon sa Asya ang matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europe? A. Hilagang Asya C. Silangang Asya B. Kanlurang Asya D. Timog Asya 6. Sa anong rehiyon sa Asya na bahagi ang India at mga bansang Muslim ng Afhganistan, Pakistan at mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan? A. Hilagang Asya C. Silangang Asya B. Kanlurang Asya D. Timog Asya 7. Bakit minsang binansagang Father India at Little China ang rehiyong Timog Silangang Asya? A. Dahil sa malapit ito sa bansang India at bansang China B. Dahil sa pakikipag-ugnayan nito sa mga bansang nabanggit C. Dahil sa impluwensiya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito D. Dahil sa pakikipagkalakalan ng bansang China at pakikipagkaibigan ng India 8. Ang rehiyong Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast Asia at insular Southeast Asia, Anong mga bansa ang napabilang sa insular Southeast Asia? A. Myanmar,Thailand, Indonesia, Malaysia, Brunei B. Myanmar, Thailand, Vietnam, East Timor, Cambodia C. Pilipinas, Indonesia, Thailand, China, Japan, South Korea D. Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor 9. Ang kapuluan o archipelago ay pangkat ng mga pulo na marami sa Asya, Anong bansa sa Asya ang my pinaka malaking kapuluan? A. Indonesia C. Japan B. Maldives D. Pilipinas 10. Ang Himalayas ay ang pinakatanyag na bulubundukin o hanay ng mga bundok na kung saan dito nakahanay ang Mt. Everest na pinkamataas na bundok sa buong mundo, Sa anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang Bulubundukin ng Himalayas at Mt. Everest? A. Hilagang Asya C. Silangang Asya B. Kanlurang Asya D. Timog Asya 11. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, Bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay? A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal, kultural, agrikultural at sa klima B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito 12. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria? A. prairie B. savanna C. steppe D. tundra 13. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa TimogSilangang Asya? A. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao. B. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag ulan. C. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo. D. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon. 14. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito? A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig. B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito. C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha. D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.
  • 3. 15. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya? A. Patuloy na pagtaas ng populasyon B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation C. Walang-habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman D. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon 16. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito? A. Etniko C. Katutubo B. Etnolingguwistiko D. Nomad Suriin ang kasunod na poster. Sagutin ang kasunod na tanong kaugnay nito. ! 17. Batay sa larawan, ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran? A. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal. B. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit ng likas na yaman. C. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon 18. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “ Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi ” ? A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin. B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao. C .Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao. D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na mga tanong kaugnay nito. 19. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito? A. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan B. India, Indonesia, Japan,Sri Lanka at Laos C. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan D. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka 20. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng populasyon , sumunod ang Sri Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa India at Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang bansa? A. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya. B. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao. Bansa Populasyon Bilis ng Paglaki ng Populasyon Edad 0-14 15-64 65+ Sri Lanka 20,237,730 0.82 24.9 67 8.1 Laos 6,32,429 2.29 36.1 60.1 3.7 Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6 6.4 Japan 127,156,225 -0.24 13.5 62.6 23.9 India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6
  • 4. C. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon. D. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran /programa na makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng tao. 21. .Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti nang lumiliit. Makikita rin sa talahanayan na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Japan at Sri Lanka. Ano ang ipinahihiwatig nito? A. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin. B. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataaas na antas ng pamumuhay. C. Tumaas ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan ng mga bansang nabanggit. D. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang pagkakaroon ng anak. 22. Ang China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Taong 1979 nang ipatupad nito ang “One China Policy” na naglalayong limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon. Alinsunod sa patakarang ito ang mag-asawang Tsino ay hinihikayat na magkaroon lamang ng isang anak. Isa sa mga epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng China.Ayon sa pinuno ng National Bureau of Statistics ng China na si Ma Jiantang ang kasalukuyang populasyon ng China ay binubuo ng karamihan na may edad, edukado at mga dayuhan. Ano ang mahihinuha sa sitwasyong ito? A. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad nito. B. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito. C. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon. D. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng mga mag-asawa. ! 23. Batay sa larawan sa itaas. Ano ang mahihinuha mo sa yamang- tao ng Asya? A. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa. B. Ang mga Asyano ay iba’t iba ang katangian. C. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamin sa mayamang kultura nito. D. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na nagpayaman sa kultura ng rehiyon. 24. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan ay naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin . Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin? A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin. B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran. C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak. D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag- unlad ng isang bansa 25. .Ikaw ay isang “Ambassador of Goodwill “ na naatasang hikayatin at impluwensiyahan ang kabataang Asyano na magpalaganap ng mga programa na susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano sa pamamagitan ng paggawa ng isang multi – media advocacy. Alin sa sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang ? A. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan B. organisasyon , bilang ng pahina , pagkamalikhain C. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain D. nilalaman, pagkamalikhain, impact , organisasyon, kapakinabangan ! 26. Batay sa makikita sa larawan tungkol sa mga uri ng vegetation cover sa Asya, Paano nagkakaiba-iba ang mga vegetation cover sa Asya? A. iba-iba ang uri ng halaman at damo na tumutubo sa bawat bansa B. nagkakaroon ng kakulangan sa init ng araw kaya iba-iba ang halaman C. iba-iba ang uri ng klima at panahon ng bawat bansa kaya iba’t ibang damo ang tumutubo dito
  • 5. D. nagkakaroon ng pagbabago ng mga uri ng mga halaman at damo na tumutubo dahil sa lokasyon nito 27. Naniniwala ka ba na ang tao ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran? Patunayan. A. hindi, dahil kulang tayo sa mga likas na yaman kaya naging mahirap ang tao B. hindi, dahil sa napakainit na panahon at klima naging suliraning ng tao ang sobrang init C. Oo, dahil biniyayaan tayo ng maraming punongkahoy upang maging tahanan ng mga ibon D. Oo, dahil ang lahat ay nasa kapaligiran-mga kabundukan,dagat,hayop, halaman,at mineral na siyang puhunang nilinang ng tao upang matugunan ang kanyang pangangailagan 28. Ano ang isa sa mga suliraning pangkapaligiran sa Asya na labis nang naaapektuhan ang kapaligiran nito at nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mahihirap na lugar o depressed areas at may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa kalusugan? A. Pagkasira ng lupa C. Pagkawala ng Biodiversity B. Pagkasira ng kagubatan D. Urbanisasyon 29. Ang wika ang isa sa mga batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya, Bakit nga ba mahalaga ang wika? Alin ang hindi kabilang sa pagpipilian? A. ito ay pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. B. Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa C. Napaunlad din niya ang kaniyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan D. Naipagmamalaki niya ang kaniyang pagkakakilanlan at pagkatao bilang isang kasapi ng bansa Picto-Analysis ! 30. Tungkol saan ang larawan? Ano ang iyong konklusyon tungkol dito? A. Ipinapakita sa larawan na patuloy ang pagdami ng mga tao sa mundo B. Ipinapahiwatig dito na mas marami ang mga tao Asya sa buong daigdig C. Tumutukoy ito sa paglaki ng suliranin sa daigdig tungkol sa pagdami ng populasyon D. Tumataas ang bilang ng mga batang populasyon sa daigdig kaysa sa mga matatanda Pag-aralan ang talahanayan tungkol sa Bahagdan ng Marunong Bumasa 31. Ano ang ipinapakita sa talahanayan tungkol sa bansang Afghanistan? A. Ang may katamtamang laki sa bahagdan ng marunong bumasa B. Ito ay matatagpuan sa hilagang Asya at may malaking populasyon C. Ito ang may pinaka mababang bilang ng bahagdan ng marunong bumasa D. Ito ang may pinaka mataas na bilang ng bahagdan ng marunong bumasa 32. Ano ang suliranin ng mga bansa na may mababang bahagdan ng marunong bumasa? A. Ang pagkakaroon ng kakulangan sa pamumuhunan sa negosyo B. Kung paano paunlarin ang ekonomiya at edukasyon ng isang bansa C. Suliranin sa kalusugan at kung paano mabigyan ng wastong nutrisyon ang mga tao D. Suliranin sa edukasyon dahilan sa kahirapan kaya hindi nabigyan ng wastong nutrisyon 33. Pumapangalawa ang India sa larangan ng laki ng populasyon hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig. Ano ang suliraning dulot ng patuloy na paglaki ng populasyon sa bansang ito? A. Ito ay nagdudulot ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya B. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran at ekolohiya C. Nagdudulot ito ng kasaganaan sa bansa dahil sa pagdami ng bilang lakas paggawa Bansa Bahagdan ng Marunong Bumasa Afghanistan 29.0 Armenia 99.6 Azerbaijan 99.8 Bahrain 94.6 Bangladesh 56.8 Bhutan 47.0
  • 6. D. Nagkakaroon ng malaking pagbabago sa klima at panahon dahil sa pagdami ng tao 34. Anu- ano ang pangunahing dahilan ng paglaki ng populasyon ng India? A. Ang pagkakaroon ng mababang employment rate at population growth rate B. kakulangan sa edukasyon tungkol sa wastong pagpaplano ng pamilya at makabagong teknolohiya C. kakulangan ng mga makabagong teknolohiya, pasilidad at industriya upang linangin ang agrikultura D. Kahirapan, relihiyon at kultura,mataas na fertility rate, pagbaba ng mortality rate, at migrasyon 35. Paano nakaaapekto sa isang bansa ang mataas na unemployment rate o bilang ng mga tao na walang trabaho? A. Ang bansa ay makakaranas ng suliranin sa agrikultura at industriya B. Magkakaroon ng suliranin sa kultura, wika at panitikan ang isang bansa C. Makakaranas ng labis na kahirapan, suliranin sa edukasyon at ekonomiya ang mga tao D. Mararanasan ng mga tao ang labis na kasaganaan sa ekonomiya at progresibong kalakalan 36. Bakit ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolingguwistiko? A. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa B. Dahil sa wika naipapahayag ng tao ang kaniyang damdamin at napaunlad ang kaniyang sarili C. Dahil itinuturing nilang ibang pangkat etniko ang mga taong kaiba ang wika, etnisidad,at kultura sa kanila. D. Naipapakita ng mga tao ang kanilang pagiging isang mabuting mamayan at masunurin sa kanilang pangkat etniko 37. Paano nakatutulong ang pangkat etnolingguwistiko sa pagbuo at pag unlad ng kabihasnang Asyano? A. Binibigyang halaga nito ang etnisidad at pagkakaroon ng iisang wika para magkakaisa B. Dahil sa pangkat etnolingguwistiko napayaman nito ang ating kultura at kabuhayan sa pagbuo n gating kabihasnan C. Mayaman ang Asya sa pagkakaroon ng pangkat etnolingguwistiko sa paghubog ng ating kabihasnan D. Napanatili nito ang pagkakakilanlan ng mga Asya sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika, lahi at relihiyon 38. Bakit may kaugnayan ang heograpiya sa uri ng pamumuhay ng pangkat etnolingguwistiko sa Asya? A. Ang pangkat etnolingguwistiko sa Asya ay mayaman sa kultura at kabihasnan B. Biniyayaan ang mga sinaunang tao ng masagana at mayamang likas na nakatutulong upang mabuhay at mabuo ang sinaunang kabihasnan C. Nakikiayon ang mga sinaunang tao sa kapaligiran nito kaya may kaugnayan ang heograpiya dahil ang nabuong trabaho nila ay batay sa kung anong heograpiya meron sila D. Nakikiangkop ang pangkat etnolingguwistiko sa kung anong kalikasan meron sila at upang ito ay kanilang linangin at doon sila kumukuha ng mga pagkain sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay 39. Paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbibigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano? A. Ang mga sinaunang tao ay nakadepende sa biyaya ng kalikasan upang mabuhay B. Ang kaligiran ay nagbibigay ng masaganang biyaya para sa mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay C. Ang tao at kapaligiran ay nagtutulungan upang magkaroon ng pag-unlad at sumibol o mgsimula ang kabihasnan D. Biniyayayaan ang mga tao ng masaganang kapaligiran, kaya nilinang nila ito at doon nagsimulang mabuo at umunlad ang kabihasnan 40. Bakit heograpikal at kultural na sona ang batayan sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya? A. Dahil dapat isa-alang-alang ito upang maging batayan sa tamang paghahati B. Dito mapapatunayan na tama ang paghahati dahil sa magkakatulad na kultura C. Isina-alang ang heograpikal at kultural dahil isa din ito sa batayan ng pangkat etnilingguwisto D. Sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historical, at kultural na aspekto 41. Sa anong rehiyon sa Asya ang may sentral kontinental na klima, mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init? A. Hilagang Asya C. Kanlurang Asya B. Timog Asya D. Silangang Asya 42. Anong rehiyon sa Asya ang may monsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon? A. Hilagang Asya C. Kanlurang Asya B. Timog Asya D. Silangang Asya 43. Anu-ano ang bahaging ginampanan sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga kabundukan at ilog sa Asya? A. Nakatutulong ito sa mga tao sa larangan ng transportasyon at komunikasyon B. Nakatutulong sa mga tao upang umunlad ang larangan ng turismo at kalakalan C. Nagsisilbing tagpuan ng mga sinaunang tao at nakikipagkalakalan sa mga karatig pook D. Naging daan ito upang mabuo ang sinaunang kabihasnan, dahil sa ilog nakapaglilinis sila ng
  • 7. katawan,naliligo at nangingisda sa kabundukan naman ay nagtatanim at nag-aalaga ng mga hayop 44. Ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paano matutugunan ng likas na yaman ng isang bansa ang lumalaking dami ng populasyon nito gayong ang lupa naman ay hindi lumalaki? A. Ang pagtatanim ng maraming mga puno at pagbabawal sa pagpuputol nito B. Ang pagbabawal sa paggamit ng illegal na pangingisda lalo na sa mga ginagawang fish sanctuary at pagdadag ng bilang ng mga corals C. Ang pagkakaroon ng wastong pamamahagi o alokasyon ng mga yaman ng bansa at ang pagpapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang mga yamang likas D. Ang paggawa ng mga malalaking gusali sa mga lugar na may magagandang tanawin upang umunlad ang turismo at kalakalan 45. Ilan sa mga suliraning pangkapaligiran sa Asya ay ang mga sumusunod; pagkasira ng lupa, urbanisasyon, pagkawala ng biodiversity at pagkasira ng kagubatan. Ano ang dapat gawin upang malutas o mabawasan ang suliranin ng pagkasira ng kagubatan? A. Pagpapatuloy sa pagputol ng mga punongkahoy at pagkakaingin B. Pagpapatayo ng mga parke malapit sa kagubatan upang maging libangan ng mga turista C. Pagbabawal sa pagpunta o pamamasyal sa mga kagubatan upang maiwasan ang pagkasira at pagkawasak nito D. Papapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang mga kagubatan at pagtatalaga ng mga bantay kagubatan at pangalagaan ang mga iba’t-ibang species ng flora at fauna 46. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang kanyang kabuhayan? A. Ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at kakulangan ng pangangailangan mula sa limitadong pinagkukunang-yaman B. Ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng kabuhayan at paggamit ng mga modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula dito C. Ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad unlad ng industriya o mga gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga programa D. Ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga industriya, gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon 47. Bakit mahalaga ang yamang tao sa Asya? A. Ang yamang tao ay mahalaga dahil nilinang nila ang mga yaman na meron tayo B. Binibigyang halaga ang mga yamang tao bilang tagapagtaguyod ng kabihasnan at kultura C. Dapat pahalagahan ang mga tao dahil sila ang pinaka mahalagang yaman ng bansa D. Nakakatulong sila upang mapalago ang ating ekonomiya, industriya at kalakalan 48. Kung iba’t iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya , Ano ang pinakamalaking hamon nito sa mga rehiyon? A. Ideolohiyang political C. Pagkakaisa B. Pagkakakilanlan D. Modernisasyon 49. Paano mo ilalarawan ang mga yamang likas sa Asya? A. Ang Asya ay salat sa mga yamang mineral, yamang lupa, yamang tubig at yamang gubat B. Binigyan ang kontinenteng Asya ng maraming yamang tao upang linangin ang mga yamang likas na meron tayo C. Mayaman ang Asya sa yamang likas tulad ng yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat at yamang mineral D. Sagana ang Asya sa mga yamang mineral at na matatagpuan sa ibat ibang rehiyon sa Asya na 50. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wika ng bawat bansa? A. Dahil ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat B. Dito mapatutunayan na ikaw ay kasapi ng isang samahan o grupo C. Nagpapatunay ito ng pagkakaisa at pag-unlad ng kabuhayan ng bawat bansa C. Naipapakita nito ang tunay na pagpapahalaga ng mga mamamayan sa isang bansa