Ang panitikan sa Pilipinas ay nakaugat sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila, kung saan ang mga sinaunang anyo nito ay kadalasang pasalin-dila tulad ng mga awit, bugtong, at epiko. Ito ay mahalaga sa pag-unawa ng identidad ng mga Pilipino at sa pagpapayabong ng mga magandang kaugalian at tradisyon. Ang mga prominanteng manunulat ay nagbibigay ng iba't ibang depinisyon sa panitikan, na naglalarawan ito bilang talaan ng buhay at salamin ng kaisipan at damdamin ng tao.