4. KULTURA
Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang
kultura ay isang kumplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o
isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan,
binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda
sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa
masama.
5. KULTURA
“Ito ang kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos
at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao”
Panopio (2007)
Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa
isang lipunan. Mooney (2011)
9. DI MATERIAL NA KULTURA
Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito
nahahawakan subalit ito ay maaaringmakita o
maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng tao at sistemang
panlipunan.(Mooney, 2011)
11. PANINIWALA
Tumutukoy ito sa mga kahulugan
at paliwanag tungkol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap na
totoo. Maituturing itong batayan
ng pagpapahalaga ng isang grupo
o lipunan sa kabuuan.
15. PAGPAPAHALAGA
• Nagmula sa salitang Latin na “valore” na nangangahulugang
pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o
pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
• Ayon sa mga Sikolohista, ang pagpapahalaga ay anumang bagay
na kaibig-ibig, kaakit-akit, kapuri-puri, kahanga-hanga at
nagbibigay ng inspirasyon at kasiya-siya sa pakiramdam.
• Ayon sa tradisyon, ang halaga ay tumutukoy sa saligan o
batayang kilos o gawa at sa ubod ng paniniwala. Ayon kay Max
Scheler (DyM.1994), ang pagpapahalaga ay Obheto ng ating
intensyonal na damdamin.
17. NORMS
• Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at
nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga
norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at
pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan. Bagaman at hindi nakasulat na tulad ng
batas, ang mga norms ay nakaukit sa puso at kaluluwa
ng isang lipunan, kung kaya nabubuo ang tinatawag na,
“mutual understanding”. Kahit hindi sabihin,
automatikong nagkakaroon ng pagkakaintindihan,
19. 4 URI NG NORMS
•Ang mga norms ay tinatawag
ding kaugalian. Tumutukoy ito
sa pamantayan ng mga
asal/kilos/gawi na sa kabuuan
ay katanggap-tanggap para sa
lipunan ngunit wala naming
mahalagang epekto sa
pangkalahatang pagtanaw ng
lipunan sa moralidad.
20. 4 URI NG NORMS
Mas istriktong uri ng norm na
kumokontrol sa moral at etikal na
kilos/gawi/asal ng tao. Ito ay may
malaking. Ang paglabag sa mga
mores ay nagreresulta sa
pagtutol/disaprobasyon at minsan,
mababang pagtingin ng lipunan sa
lumabag nito.
21. 4 URI NG NORMS
•Isang uri ng norm na
mariing tinatalima ng
lipunan na kapag nilabag
ay nagreresulta sa disgusto
o pagkasuklam sa lumabag.
22. 4 URI NG NORMS
Isang uri ng norm na
nakasulat at ipanatutupad ng
kawani ng gobyerno. Ang
lumabag ditto ay nagkakamit
ng parusa sang-ayon sa
nakasulat sa batas.
23. SIMBOLO
Ang simbolo ay ang paglalapat ng
kahulugan sa isang bagay ng mga
taong gumagamit dito. (White,
1949) Kung walang simbolo,
walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin
magiging posible ang interaksiyon
ng mga tao sa lipunan.
27. Kailan nga ba nagiging
isyung panlipunan ang
isang isyu?
Haler! Walang maituturing na iisang
depinisyon ang suliraning
panlipunan! Pero mas maiintindihan
natin ito gamit ang Sociological
Imagination.
Huh??
Ano
yun???
28.
29.
30.
31. Gamit ang kasanayan na Sociological
Imagination, bilang bahagi ng lipunang iyong
ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na
ang mga personal na isyung nararanasan mo ay
may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan.
Hindi rin maikakaila na mayroon kang
mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon
sa mga isyu at hamong kinahaharap ng lipunan
sa kasalukuyan.
32. Sangunian:
AP 10 Learning Material
Andersen, M.L. and Taylor, H.F. (2009). Sociology: The Essentials.
Belmont, CA: Thomson Wadsworth.
Editor's Notes
Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.
Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.
ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.