Panghalip Pamatlig- salitang nagtuturo sa partikular na bagay o direksiyon katulad ng ito, iyan, iyon dito, diyan, at doon.
Halimbawa: Sa bundok na iyon maraming naninirahang mga hayop.
Ang iyon ay tumutukoy sa partikular na bundok na nasa direksyong itinuturo ng nagsasalita. Ang salitang iyon ay naghihiwalay sa bundok na itinuturo niya sa ibang mga bundok.

Panghalip Panao
Ang panghalip panao ay ang panghalip na humahalili sa pangngalang pantao.
Ito ay may tatlong kakanyahan.
1. Kaukulan
2.Panauhan
3.Kailanan
Tatlo ang kaukulan ng panghalip panao:
1.Palagyo
2.Paari
3.Paukol/Palayon
Palagyo
panghalip panaong ginagamit na simuno at kaganapang pansimunong pangungusap.

2. panghalip na pumapalit sa ngalan ng tao, bagay, at iba
pa na itinuturo
Halimbawa:
ito dito
iyan diyan
iyon doon
3. Ito
ginagamit malapit sa nagsasalita
Halimbawa:
1. Ito ang paborito kong libro.
2. Gamit ni Alex ang mga ito.
3. Ito ang aking paboritong babasahin.
4. Iyan
ginagamit sa kausap
Halimbawa:
1. Iyan ba ang napili mong damit?
2. Iyan ang basong nabasag ko.
3. Iyan ang aking aso.
5. Iyon
ginagamit kapag malayo sa nagsasalita at sa kausap
Halimbawa:
1. Iyon ang kinalalagyan ng mga lumang gamit.
2. Iyon ang kotse ni Mario.
3. Iyon ang tsinelas ni Gab.
6. Dito/Rito
ginagamit kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa
nagsasalita
Halimbawa:
1. Dito ko iniwan ang bag ko.
2. Dito ang bahay ni Abby.
3. Dito mo ba nawala ang pitaka mo?
7. Diyan/Riyan
ginagamit kung malapit sa kinakausap ang lugar na
itinuturo
Halimbawa:
1. Diyan ang bahay ng ating guro.
2. Diyan ako nag-aaral.
3. Diyan ko napulot ang lapis mo.
8. Doon/Roon
ginagamit kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap
Halimbawa:
1. Doon ang masapat na restawran.
2. Doon ko natagpuan ang mahiwagang salamin.
3. Doon ako nagpunta kahapon.