SlideShare a Scribd company logo
Wastong Gamit ng mga Salita
Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang
pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit.
Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap.
At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe
o pahayag.
Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
1. MAY at MAYROON
Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita:
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na Paari
Pantukoy na Mga
Pang-ukol na Sa
May prutas siyang dala.
May kumakatok sa labas.
May matalino siyang anak.
May kanila silang ari-arian.
May mga lalaking naghihintay sa iyo.
May sa-ahas pala ang kaibigan mo.
Ginagamit ang mayroon kung ito’y:
Sinusundan ng isang kataga o ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
Mayroon nga bang bagong Pajero sila?
Sinusundan ng panghalip palagyo
Hal. Mayroon siyang kotse.
Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.
Nangangahulugang “mayaman”
Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.
2. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan. Ginagamit
ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala, ang kata naman ay
panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa
kinakausap, at ang kata naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap.
Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.
Kata nang kumain sa kantina.
3. KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.
4. NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
a. Katumbas ng of ng Ingles
Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.
b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa
Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.
Naglalaro ng chess ang magkapatid.
c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.
Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.
Ginagamit ang nang bilang:
a. Katumbas ng when sa Ingles
Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting.
Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben.
b. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles
Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa.
Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa.
c. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng
Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.
Tinanggap (na+ng) nang nahihiyang bata ang kanyang regalo.
d. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Hal. Siya ay tawa nang tawa.
Kumain nang kumain ang nagugutom na bata.
5. DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at
raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.
Hal. May sayawan daw sa plasa.
Sasama raw siya sa atin.
6. KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles; ang
kong ay panghalip panao sa kaukulang paari.
Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasâ ang binili kong aklat.
7. KUNG DI at KUNDI
Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi naman ay
except.
Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.
8. PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Samantala, ang
pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.
Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.
9. HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantala, ang
hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN
Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
11. OPERAHIN at OPERAHAN
Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na
titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.
Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.
12. WALISIN at WALISAN
Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin
samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place).
Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.
Walisan ninyo ang sahig.
13. IKIT at IKOT
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob.
Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago
nila nakita ang daan palabas.
14. SUNDIN at SUNDAN
Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral; ang sundan
(to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong
kabutihan.
Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.
Sundan mo siya baka siya maligaw.
15. SUBUKIN at SUBUKAN
Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain;
Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao
Hal. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin.
Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.
16. HATIIN at HATIAN
Hatiin (to divide) – partihin;
Hatian (to share) – ibahagi
Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan.
Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.
17. IWAN at IWANAN
Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama;
Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan
Hal. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.
Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.
18. NABASAG at BINASAG
Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang
salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga plato.
19. BUMILI at MAGBILI
Bumili (to buy);
Magbili (to sell) – magbenta
Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.
20. KUMUHA at MANGUHA
Kumuha (to get);
Manguha (to gather, to collect)
Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
21. DAHIL SA at DAHILAN
Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;
Dahilan – ginagamit bilang pangngalan
Hal. Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang lagnat.
Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita.
22. TAGA at TIGA
Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga-
kung sinusundan ng pangngalang pantangi.
Hal. Si G. Caniete ay taga-Bikol.
Taganayon ang magandang babaeng iyon.

More Related Content

What's hot

Pagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng PangungusapPagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng Pangungusap
Mckoi M
 
Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
JezreelLindero
 
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAINMGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
icgamatero
 
Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7
Ardan Fusin
 
Mga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyumaMga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyuma
Beberly Fabayos
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
GinalynMedes1
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
kenneth Clar
 
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaMaikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
Clarice Sidon
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
MAILYNVIODOR1
 
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
MichaelAngeloPar1
 
Aralin 1.1
Aralin 1.1Aralin 1.1
Journalism pagsulat ng balita
Journalism  pagsulat ng balitaJournalism  pagsulat ng balita
Journalism pagsulat ng balita
Ghie Maritana Samaniego
 
ARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptx
ARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptxARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptx
ARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptx
mystereoheart04
 
Palabuuan ng Pangungusap
Palabuuan  ng Pangungusap Palabuuan  ng Pangungusap
Palabuuan ng Pangungusap
Avigail Gabaleo Maximo
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
EDNACONEJOS
 
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
anariza94
 
What's hot (20)

Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salitaWastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salita
 
Tinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwaTinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwa
 
Pagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng PangungusapPagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng Pangungusap
 
Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
 
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAINMGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
 
Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7
 
Mga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyumaMga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyuma
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
 
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaMaikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
 
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
 
Aralin 1.1
Aralin 1.1Aralin 1.1
Aralin 1.1
 
Journalism pagsulat ng balita
Journalism  pagsulat ng balitaJournalism  pagsulat ng balita
Journalism pagsulat ng balita
 
ARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptx
ARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptxARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptx
ARALIN 1.8 PAGSULAT NG TALATA.pptx
 
Palabuuan ng Pangungusap
Palabuuan  ng Pangungusap Palabuuan  ng Pangungusap
Palabuuan ng Pangungusap
 
Dula.1
Dula.1Dula.1
Dula.1
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
 
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)
 
Similar to Wastong gamit ng salita

Wastong-gamit-ng-mga-salitang filipino.pptx
Wastong-gamit-ng-mga-salitang filipino.pptxWastong-gamit-ng-mga-salitang filipino.pptx
Wastong-gamit-ng-mga-salitang filipino.pptx
WaldoBurgos
 
Wastong Gamit ng Salita
Wastong Gamit ng SalitaWastong Gamit ng Salita
Wastong Gamit ng Salita
BeeJay Baje
 
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang LingguwistikoKOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
Tine Lachica
 
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
CelineBill
 
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptxFILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
DungoLyka
 
Wastong Gamit Seminar.pptx
Wastong Gamit Seminar.pptxWastong Gamit Seminar.pptx
Wastong Gamit Seminar.pptx
JelyTaburnalBermundo
 
Wastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga SalitaWastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga Salita
deathful
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
BasconCalvinFrancis
 
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng WikaEdukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
VinaFiel
 
Magbasa-Tayo NG ABAKADA TARA NA AT MAGBASA.pptx
Magbasa-Tayo NG ABAKADA TARA NA AT MAGBASA.pptxMagbasa-Tayo NG ABAKADA TARA NA AT MAGBASA.pptx
Magbasa-Tayo NG ABAKADA TARA NA AT MAGBASA.pptx
NeilsLomotos
 
pangungusap .pptxpangungusap .pptxpangungusap .pptx
pangungusap .pptxpangungusap .pptxpangungusap .pptxpangungusap .pptxpangungusap .pptxpangungusap .pptx
pangungusap .pptxpangungusap .pptxpangungusap .pptx
ChristineJaneWaquizM
 
Aralin11 pang abay
Aralin11 pang abayAralin11 pang abay
Aralin11 pang abay
MissAnSerat
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power point
dianvher
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power point
leameorqueza
 
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
CryztnAbella
 
filipino7-pabula week 3.pptx
filipino7-pabula week 3.pptxfilipino7-pabula week 3.pptx
filipino7-pabula week 3.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
COT HEALTH 4TH Qtr paghingi ng tulong.pptx
COT HEALTH 4TH Qtr paghingi ng tulong.pptxCOT HEALTH 4TH Qtr paghingi ng tulong.pptx
COT HEALTH 4TH Qtr paghingi ng tulong.pptx
felcrismary
 
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffFil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
MejayacelOrcales1
 
498268468-Pang-Abay-Ppt-Gr4.pptx
498268468-Pang-Abay-Ppt-Gr4.pptx498268468-Pang-Abay-Ppt-Gr4.pptx
498268468-Pang-Abay-Ppt-Gr4.pptx
ShefaCapuras1
 
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
Aubrey Arebuabo
 
Similar to Wastong gamit ng salita (20)

  • 1. Wastong Gamit ng mga Salita Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag. Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod: 1. MAY at MAYROON Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita: Pangngalan Pandiwa Pang-uri Panghalip na Paari Pantukoy na Mga Pang-ukol na Sa May prutas siyang dala. May kumakatok sa labas. May matalino siyang anak. May kanila silang ari-arian. May mga lalaking naghihintay sa iyo. May sa-ahas pala ang kaibigan mo. Ginagamit ang mayroon kung ito’y: Sinusundan ng isang kataga o ingklitik Hal. Mayroon ba siyang pasalubong? Mayroon nga bang bagong Pajero sila? Sinusundan ng panghalip palagyo Hal. Mayroon siyang kotse. Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan. Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas. Nangangahulugang “mayaman” Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan. Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid. 2. KITA at KATA Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan. Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at ang kata naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap. Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo. Kata nang kumain sa kantina. 3. KILA at KINA Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay. Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris. Makikipag-usap ako kina Vec at Nona. 4. NANG at NG Ginagamit ang ng bilang: a. Katumbas ng of ng Ingles Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
  • 2. Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan. b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog. Naglalaro ng chess ang magkapatid. c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay. Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto. Ginagamit ang nang bilang: a. Katumbas ng when sa Ingles Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting. Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben. b. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa. Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa. c. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit. Tinanggap (na+ng) nang nahihiyang bata ang kanyang regalo. d. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa Hal. Siya ay tawa nang tawa. Kumain nang kumain ang nagugutom na bata. 5. DAW/DIN at RAW/RIN Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig. Hal. May sayawan daw sa plasa. Sasama raw siya sa atin. 6. KUNG at KONG Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles; ang kong ay panghalip panao sa kaukulang paari. Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw. Nabasâ ang binili kong aklat. 7. KUNG DI at KUNDI Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except. Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating. Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang. 8. PINTO at PINTUAN Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto. Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto. Natanggal ang pinto sa pintuan. 9. HAGDAN at HAGDANAN
  • 3. Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantala, ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan. Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana. 10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin. Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan. Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata. Pahiran mo ng palaman ang tinapay. Punasin mo ang pawis sa iyong likod. Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti. 11. OPERAHIN at OPERAHAN Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis. Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado. Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado. 12. WALISIN at WALISAN Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place). Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig. Walisan ninyo ang sahig. 13. IKIT at IKOT Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas. Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba. Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas. 14. SUNDIN at SUNDAN Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral; ang sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba. Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong kabutihan. Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan. Sundan mo siya baka siya maligaw. 15. SUBUKIN at SUBUKAN Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain; Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao Hal. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin. Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.
  • 4. 16. HATIIN at HATIAN Hatiin (to divide) – partihin; Hatian (to share) – ibahagi Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan. Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata. 17. IWAN at IWANAN Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama; Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan Hal. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe. Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis. 18. NABASAG at BINASAG Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa. Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse. Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga plato. 19. BUMILI at MAGBILI Bumili (to buy); Magbili (to sell) – magbenta Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay. Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan. 20. KUMUHA at MANGUHA Kumuha (to get); Manguha (to gather, to collect) Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean. Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan. 21. DAHIL SA at DAHILAN Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi; Dahilan – ginagamit bilang pangngalan Hal. Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang lagnat. Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita. 22. TAGA at TIGA Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi. Hal. Si G. Caniete ay taga-Bikol. Taganayon ang magandang babaeng iyon.