SlideShare a Scribd company logo
THESIS ABSTRACT
Title: Ang paghubog ng anak sa nobelang bata bata… paano ka ginawa? Ni Lualhati Bautista
Total No. of Pages: 211
Text No. of Pages: 157
Author:

Lagria Ma. Lourdes Morales

Type of Document:

Thesis

Type of Publication:

Unpublished

Accrediting Institution:

Saint Louis University
Bonifacio Street, Baguio City
CHED-CAR

Keywords:

Paghubog ng Anak, Nobela, Bata, Paano Ginawa, Lualhati
Bautista, Femenismo, Paglalarawan

Abstract:
Paglalagom:
Sa pag-aaral na ito ay pinag-ukulan ng pansin and paraan ng paghuhubog ng anak na
nakapaloob sa nobelang BATA, BATA… PAANO KA GINAWA? ni Lualhati Bautista. Sa pagaaral ay ginamit ang paraang palarawan at malikhain. Sinipi ang mga tuwirang pahayag ng mga
tauhan at isinagawa and harapang pakikipanayam sa ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng
DSWD at ng Substitute Home Care for Women gayundin ang harapang pakikipanayam kay
Lualhati Bautista tungo sa lalong ikalilinaw at ikatitibay ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay
nakipanayam din sa ilang mga ina na malapit sa kaniya. Upang mapayaman ang mga datos, ang
mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang babasahin, lathalain, at mga pag-aaral na naglalaman ng
mga diwang may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan. Nakatulong din ng malaki ang paggamit
ng manaliksik ng internet.
Upang maging mabunga ang pag-aaral ay pinagtuunan ng pansin ang mga sumusunod na
tiyak na katanungan:
1. Ayon sa mga sumusunod, anu-ano ang mga suliraning pampamilya na inilalahad ng
may-akda sa nobela kaugnay ng A. Komunikasyon ng mag-asawa, mag-anak, at ng
kaniyang kapaligiran na kinasasangkutan ng paaralan, kalaro, at kapitbahay, B.
Hanapbuhay, C. Paninindigan
2. Anu-ano ang mga suliraning sikolohikal at sosyolohikal ang inilantad ng may akda sa
nobela? Ano ang pananalig-pampanitikang ginamit upang mapalinaw ang mga
suliraning nakapaloob sa nobela?
3. Anu-ano ang mga mungkahing solusyon sa mga suliraning nabanggit tungo sa
pahubog ng pagkatao ng mga kabataan?
Batay sa mga nilahad na suliranin, ang mga sumusunod ay inilalahad ng mananaliksik
bilang kinalabasan ng isinagawang pag-aaral:
Ang mga suliraning pampamilya na inilahad ng mayakda sa nobela ay nag-uugat sa
magkaibang pamamaraan sa pagdidisiplina sa anak, pang-iinsulto at paulit-ulit na pananariwa sa
mga naging kamalian at pagiging makasarili ng asawa. Ang hindi pagsasakatuparan sa naiatang
na tungkulin, pagtatanim ng sama ng loob at pilit na paninisi sa anumang nagawang kasalanan o
pagkukulang ng magulang ay nagpapalubha rin sa suliranin. Nakakapagpalala rin ang pagtuntong
ng kapatid sa kanyang kabataan, pakakaroon ng magkaibang ama ng magkapatid, at ang
paghihimasok ng magulang sa buhay ng anak. Ang mag-anak ay nagkakaroon ng suliranin sa
kaniyang kapaligiran bunga ng hindi magandang pakikisangkot at pagtingin ng guro at ng
prinsipal sa buhay ng kanilang mag-aaral. Ang kalaro ay nagiging suliranin din sanhi ng
magkasalungat na paniniwalang kinamulatan. Nagluluwal din ng suliranin ang hindi
pagkakasundo ng magkapitbahay sanhi ng magkasalungat na pagpapahalagang pinaninindigan
ng bawat isa. Ang magkaibang paninindigan at ang makaluma at makitid na paniniwalang ang
asawang lalaki ang siyang dapat na maghanapbuhay at bubuhay sa pamilya ay isa ring banta sa
tibay ng pagsasama ng pamilya.
Ang suliraning sikolohikal ay naipakita sa paghahanap ni Lea ng pagmamahal at
pagtanggap, pagiging chauvinist ni Raffy, pagiging Mama’s boy ni Ding at kawalan niya ng
kasiguruhan at katiyakan sa sarili. Sa papel ni Ojie, ang suliranin ay sanhi ng pagtuntong niya sa
masalimuot na kapanahunang puno ngpagkabalisa at negatibong pagtingin sa mga bagay-bagay
na pinalala ng kawalan niya ng ama. Sa katauhan ng prinsipal, ang suliranin ay nag-ugat sa
mataas na pagtingin at pagpapahalaga nito sa sarili. Sa mga suliraning sosyolohikal, ang
suliranin ay nagmula sa pagigigng makabago ni Lea,kawalan ni Ding ng sariling pagpapasiya at
sariling disposisyon sa buhay, pagkakaeskandalo ni Ojie sa pagkakaroon nila ni Maya ng
magkaibang ama, at ang labis na pag-iidolo ni Maya sa kaniyang ina sa paniniwalang lahat ng
itinuturo nito ay tama. Sa pamamagitan ng pananalig na Feminismo ay malinaw na nailantad ang
pakikisangkot at pagsasatinig ng mga kababaihan sa kanilang mga hinaing para sa kagalingan at
kaunlaran ng kanilang pamilya gayundin ng lipunang ginagalawan.
Upang mapaunlad at umani ng mabuting binhi sa paghubog na anak ay kailangan ang
malaya at positibong komunikasyon na magbubuklod sa buong mag-anak. Isang komunikasyon
na mabisang susi tungo sa pagkakaroon ng pamilya ng magandang ugnayan sa loob at labas ng
tahanan.
Konklusyon:
Ang matagumpay na pakakahubog na kabataan ay makakamit sa pamamagitan ng
magandang komunikasyon, isang komunikasyong magsisilbing tanglaw na hahawi sa anino ng
anumang uri ng pag-aalinlangang nakatago sa puso at isipan ng pamilya, isang komunikasyong
magsisilbing gintong tanikala na magbubuklod sa pamilya upang sabay-sabay nilang
mapatagumpayan ang anumang balakid na manghahamon sa katatagan ng bawat isa sa pamilya.
Si Lualhati Bautista, isang batikang manunulat ng kontemporaryong panitikan, at ang
kaniyang nobela, “Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?” ay nagbigay ng malaking ambag sa ating
pagtuklas ng katototohanang bumabalot sa atin sa kasalukuyan tungo sa matagumpay na
pagkakahubog ng ating mga anak na sa malao’t madali ay magiging boses at pag-asa ng ating
bayan. Dahil sa paggamit niya ng pananalig na feminismo at mahusay na pagkakalantad sa mga
suliraning bumabalot sa pamilya sa paraang sikolohikal at sosyolohikal ay nagigyan tayo ng
malawak na pananaw at pang-unawa sa mahahalagang papel at tungkulin ng ating mga
kababaihan bilang isang asawa, ina, at aktibong mamamayan ng lipunang kinabibilangan.
Ang wastong pagkakahubog ng anak ay nakasalalay sa mabuting pagmamagulang na
mabisang naipapakita sa pamamagitan ng magandang pakikipag-ugnayan ng magulang sa anak.
Sa pamamagitan lamang nito malayang naipapadama ng ama o ng ina ang taos pusong
pagpapahalaga at pagmamahal na natatangi para sa bawat anak. Pagpapahalaga at pagmamahal
na magsisilbing halimbawa rin ng anak sa kanyang magandang pagtingin sa sarili at kaaya-ayang
pakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran.
Mga Tagubilin:
Batay sa kinalabasan ng pananaiksik at pag-aaral na isinagawa, inihaharap ang mga
sumusunod na tagubilin.
1. Ang sinumang nagbabalak na lumagay sa tahimik ay dapat munang magkaroon ng
sapat na kaalaman at kahandaan sa pagganap ng mas malawak at mapanghamong
pananagutan at tungkulin bilang asawa upang magampanan ang pagiging mabuting
magulang na mabisang puhunan sa wastong pagkakahubog ng kabataan. Ang
pagiging handa bago pumasok sa buhay may pamilya ay makakatulong nang malaki
upang maiwasan ang mga suliraning haharapin sa buhay na ito.
2. Ang sinumang may kaugnayan sa kabataan --- sa pagpapalaki at paghubog dito tungo
sa pagiging mahusay na kasapi ng lipunan ay kailangang may maging sensitibo sa
mga ipinapakitang kilos at pag-uugali ng mga mag-aaral gayundin sa pagsasaalangalang sa damdamin ng mga ito. Ang kanilang tungkulin ay hindi dapat magtapos lang
sa pagtuturo ng aralin kundi bilang pangalawang magulang ay dapat din silang
maging tapat na magamahal na hangdang makinig, kumalinga at magbigay-payo sa
kanilang mga mag-aaral upang kung di man makaiwas, maharap naman nang
mahusay ang mga suliraning sikolohikal at sosyolohikal.
3.a. Sa mga pinuno at tagapangasiwa ng paaralan, na magkaroon ng mas malawak
na pag-unawa sa mga kahinaan at pakukulang ng kanilang mga nasasakupan
upang makapagdulot ng payapa at masayang kapaligiran na magbibigay
ng kapanatagan at panghikayat sa mga kabataan na bukas makalawa ay pagasa ng bayan.
3.b. Ang pamahalaan at simbahan ay dapat na magkatuwang sa kanilang
pagtataguyod ng mga programa at seminar na magbibigay – patnubay sa
pamilya at sa kaniyang kapaligiran.
3.c. Iminumungkahi rin na ang mga datos mula sa ginawang pananaliksik ay
gamitin bilang saggunian sa mas malawak na pag-aaral sa mga paksang may
kaugnayan sa buhay at pag-uugali ng mga kalalakihan na may kakitiran ng
pag-iisip gawa ng maling pagkakagapos sa makalumang tradisyon.
3.d. Sa pagtuturo ng panitikan, iminumungkahi na ang magturo nito ay yaong may
malawak na kaalaman upang buong husay na mapahalagahan ang akdang pinagaaralan. Sa pamamagitan nito ay sapat nang maikintal sa isipan ng mga mag-aaral
ang mga kaisipang hatid ng akda na hitik sa aral, sining, buhay, at karanasan na
magsisilbing tanglaw sa kanilang paghatak masukal na daan ng kanilang kabataan.
3.e. Suriin at pag-aralan ang iba pang mga nobela ni Lualhati Bautista at iba pa
pang manunulat gayundin sa mga pelikula sa kasalukuyan upang
mapahalagahan ang mga ito sa kanilang mga nagawang ambag sa pag-unlad
at pagbabagong-buhay ng tao tungo sa kaniyang magandang pagtingin sa
sarili at wastong pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa pamiya gayundin sa
kaniyang kapwa at kapaligiran.

More Related Content

What's hot

Buod ng-nobelang-dekada-70-final
 Buod ng-nobelang-dekada-70-final Buod ng-nobelang-dekada-70-final
Buod ng-nobelang-dekada-70-finalHakima Arsad
 
Kabanata 29 El Filibusterismo
Kabanata 29 El FilibusterismoKabanata 29 El Filibusterismo
Kabanata 29 El Filibusterismofrenzypicasales3
 
Layunin ng Debate
Layunin ng DebateLayunin ng Debate
Layunin ng Debatecieeeee
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
Ikaapat na Kabanata: Si Kabesang Tales
Ikaapat na Kabanata: Si Kabesang TalesIkaapat na Kabanata: Si Kabesang Tales
Ikaapat na Kabanata: Si Kabesang TalesDewi Manuel
 
Kabanata IX - El Filibustersimo
Kabanata IX - El Filibustersimo Kabanata IX - El Filibustersimo
Kabanata IX - El Filibustersimo DAH Patacsil
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoMckoi M
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
El Fili (Kabanata 19-20)
El Fili (Kabanata 19-20)El Fili (Kabanata 19-20)
El Fili (Kabanata 19-20)cieeeee
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoManuel Daria
 
Filipino
FilipinoFilipino
FilipinoDepEd
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinosolivioronalyn
 

What's hot (20)

Dula
DulaDula
Dula
 
ROUND-TABLE.docx
ROUND-TABLE.docxROUND-TABLE.docx
ROUND-TABLE.docx
 
Buod ng-nobelang-dekada-70-final
 Buod ng-nobelang-dekada-70-final Buod ng-nobelang-dekada-70-final
Buod ng-nobelang-dekada-70-final
 
Approach 2
Approach 2Approach 2
Approach 2
 
Kabanata 29 El Filibusterismo
Kabanata 29 El FilibusterismoKabanata 29 El Filibusterismo
Kabanata 29 El Filibusterismo
 
Layunin ng Debate
Layunin ng DebateLayunin ng Debate
Layunin ng Debate
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Cupid at Psyche
Cupid at PsycheCupid at Psyche
Cupid at Psyche
 
Ikaapat na Kabanata: Si Kabesang Tales
Ikaapat na Kabanata: Si Kabesang TalesIkaapat na Kabanata: Si Kabesang Tales
Ikaapat na Kabanata: Si Kabesang Tales
 
Kabanata IX - El Filibustersimo
Kabanata IX - El Filibustersimo Kabanata IX - El Filibustersimo
Kabanata IX - El Filibustersimo
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Filipino 10 Cupid at Psyche
Filipino 10 Cupid at PsycheFilipino 10 Cupid at Psyche
Filipino 10 Cupid at Psyche
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
El Fili (Kabanata 19-20)
El Fili (Kabanata 19-20)El Fili (Kabanata 19-20)
El Fili (Kabanata 19-20)
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
 
Kultura
KulturaKultura
Kultura
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 

Viewers also liked

Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1abcd24_OP
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahanGabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahanBaita Sapad
 
SA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMO
SA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMOSA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMO
SA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMOjotunheimm
 
Lualhati Bautista by: Marjorie Torres
Lualhati Bautista by: Marjorie TorresLualhati Bautista by: Marjorie Torres
Lualhati Bautista by: Marjorie TorresMarjorie Torres
 
Filipino gr-7-teachers-guide-q12
Filipino gr-7-teachers-guide-q12Filipino gr-7-teachers-guide-q12
Filipino gr-7-teachers-guide-q12JANET PAGALAN
 
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikulaModyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikuladionesioable
 

Viewers also liked (9)

joshua
joshuajoshua
joshua
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
FORMATION OF SEBI
FORMATION OF SEBIFORMATION OF SEBI
FORMATION OF SEBI
 
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahanGabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
 
SA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMO
SA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMOSA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMO
SA MGA KUKO NG LIWANAG // SIMBOLISMO
 
Lualhati Bautista by: Marjorie Torres
Lualhati Bautista by: Marjorie TorresLualhati Bautista by: Marjorie Torres
Lualhati Bautista by: Marjorie Torres
 
Filipino gr-7-teachers-guide-q12
Filipino gr-7-teachers-guide-q12Filipino gr-7-teachers-guide-q12
Filipino gr-7-teachers-guide-q12
 
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikulaModyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
 

Similar to 1

Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanowshii
 
tungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptxtungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptxchilde7
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleNico Granada
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8dan_maribao
 
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga PagpapahalagaPanlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga PagpapahalagaEddie San Peñalosa
 
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - CompleteGrade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - CompleteR Borres
 
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyo
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyoModyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyo
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyoDhon Reyes
 
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atModyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atDhon Reyes
 
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptxugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptxlaurogacusana1
 
cot 2nd quarter.pptx
cot 2nd quarter.pptxcot 2nd quarter.pptx
cot 2nd quarter.pptxKaelAsonyab
 
Modyul 11 pamilyang asyano
Modyul 11   pamilyang asyanoModyul 11   pamilyang asyano
Modyul 11 pamilyang asyano南 睿
 
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptxAng Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptxTalisayNhs1
 
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptxAng Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptxTalisayNhs1
 

Similar to 1 (20)

Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
 
EsP 8 Concepts 3
EsP 8 Concepts 3EsP 8 Concepts 3
EsP 8 Concepts 3
 
tungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptxtungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptx
 
Gr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manualGr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manual
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
esp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdfesp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdf
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
 
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga PagpapahalagaPanlabas na Salik  na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
 
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - CompleteGrade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
 
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyo
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyoModyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyo
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2 sesyon 2 bisyo
 
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atModyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
 
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptxugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
ugnayan ng magulang, paaralan at lipunan.pptx
 
Sim EsP 7 Modyul 12
Sim EsP 7 Modyul 12 Sim EsP 7 Modyul 12
Sim EsP 7 Modyul 12
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
ESP-G8.pptx
 
cot 2nd quarter.pptx
cot 2nd quarter.pptxcot 2nd quarter.pptx
cot 2nd quarter.pptx
 
Modyul 11 pamilyang asyano
Modyul 11   pamilyang asyanoModyul 11   pamilyang asyano
Modyul 11 pamilyang asyano
 
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptxAng Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
 
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptxAng Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
Ang Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa.pptx
 

1

  • 1. THESIS ABSTRACT Title: Ang paghubog ng anak sa nobelang bata bata… paano ka ginawa? Ni Lualhati Bautista Total No. of Pages: 211 Text No. of Pages: 157 Author: Lagria Ma. Lourdes Morales Type of Document: Thesis Type of Publication: Unpublished Accrediting Institution: Saint Louis University Bonifacio Street, Baguio City CHED-CAR Keywords: Paghubog ng Anak, Nobela, Bata, Paano Ginawa, Lualhati Bautista, Femenismo, Paglalarawan Abstract: Paglalagom: Sa pag-aaral na ito ay pinag-ukulan ng pansin and paraan ng paghuhubog ng anak na nakapaloob sa nobelang BATA, BATA… PAANO KA GINAWA? ni Lualhati Bautista. Sa pagaaral ay ginamit ang paraang palarawan at malikhain. Sinipi ang mga tuwirang pahayag ng mga tauhan at isinagawa and harapang pakikipanayam sa ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DSWD at ng Substitute Home Care for Women gayundin ang harapang pakikipanayam kay Lualhati Bautista tungo sa lalong ikalilinaw at ikatitibay ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay nakipanayam din sa ilang mga ina na malapit sa kaniya. Upang mapayaman ang mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang babasahin, lathalain, at mga pag-aaral na naglalaman ng mga diwang may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan. Nakatulong din ng malaki ang paggamit ng manaliksik ng internet. Upang maging mabunga ang pag-aaral ay pinagtuunan ng pansin ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Ayon sa mga sumusunod, anu-ano ang mga suliraning pampamilya na inilalahad ng may-akda sa nobela kaugnay ng A. Komunikasyon ng mag-asawa, mag-anak, at ng kaniyang kapaligiran na kinasasangkutan ng paaralan, kalaro, at kapitbahay, B. Hanapbuhay, C. Paninindigan 2. Anu-ano ang mga suliraning sikolohikal at sosyolohikal ang inilantad ng may akda sa nobela? Ano ang pananalig-pampanitikang ginamit upang mapalinaw ang mga suliraning nakapaloob sa nobela? 3. Anu-ano ang mga mungkahing solusyon sa mga suliraning nabanggit tungo sa pahubog ng pagkatao ng mga kabataan?
  • 2. Batay sa mga nilahad na suliranin, ang mga sumusunod ay inilalahad ng mananaliksik bilang kinalabasan ng isinagawang pag-aaral: Ang mga suliraning pampamilya na inilahad ng mayakda sa nobela ay nag-uugat sa magkaibang pamamaraan sa pagdidisiplina sa anak, pang-iinsulto at paulit-ulit na pananariwa sa mga naging kamalian at pagiging makasarili ng asawa. Ang hindi pagsasakatuparan sa naiatang na tungkulin, pagtatanim ng sama ng loob at pilit na paninisi sa anumang nagawang kasalanan o pagkukulang ng magulang ay nagpapalubha rin sa suliranin. Nakakapagpalala rin ang pagtuntong ng kapatid sa kanyang kabataan, pakakaroon ng magkaibang ama ng magkapatid, at ang paghihimasok ng magulang sa buhay ng anak. Ang mag-anak ay nagkakaroon ng suliranin sa kaniyang kapaligiran bunga ng hindi magandang pakikisangkot at pagtingin ng guro at ng prinsipal sa buhay ng kanilang mag-aaral. Ang kalaro ay nagiging suliranin din sanhi ng magkasalungat na paniniwalang kinamulatan. Nagluluwal din ng suliranin ang hindi pagkakasundo ng magkapitbahay sanhi ng magkasalungat na pagpapahalagang pinaninindigan ng bawat isa. Ang magkaibang paninindigan at ang makaluma at makitid na paniniwalang ang asawang lalaki ang siyang dapat na maghanapbuhay at bubuhay sa pamilya ay isa ring banta sa tibay ng pagsasama ng pamilya. Ang suliraning sikolohikal ay naipakita sa paghahanap ni Lea ng pagmamahal at pagtanggap, pagiging chauvinist ni Raffy, pagiging Mama’s boy ni Ding at kawalan niya ng kasiguruhan at katiyakan sa sarili. Sa papel ni Ojie, ang suliranin ay sanhi ng pagtuntong niya sa masalimuot na kapanahunang puno ngpagkabalisa at negatibong pagtingin sa mga bagay-bagay na pinalala ng kawalan niya ng ama. Sa katauhan ng prinsipal, ang suliranin ay nag-ugat sa mataas na pagtingin at pagpapahalaga nito sa sarili. Sa mga suliraning sosyolohikal, ang suliranin ay nagmula sa pagigigng makabago ni Lea,kawalan ni Ding ng sariling pagpapasiya at sariling disposisyon sa buhay, pagkakaeskandalo ni Ojie sa pagkakaroon nila ni Maya ng magkaibang ama, at ang labis na pag-iidolo ni Maya sa kaniyang ina sa paniniwalang lahat ng itinuturo nito ay tama. Sa pamamagitan ng pananalig na Feminismo ay malinaw na nailantad ang pakikisangkot at pagsasatinig ng mga kababaihan sa kanilang mga hinaing para sa kagalingan at kaunlaran ng kanilang pamilya gayundin ng lipunang ginagalawan. Upang mapaunlad at umani ng mabuting binhi sa paghubog na anak ay kailangan ang malaya at positibong komunikasyon na magbubuklod sa buong mag-anak. Isang komunikasyon na mabisang susi tungo sa pagkakaroon ng pamilya ng magandang ugnayan sa loob at labas ng tahanan. Konklusyon: Ang matagumpay na pakakahubog na kabataan ay makakamit sa pamamagitan ng magandang komunikasyon, isang komunikasyong magsisilbing tanglaw na hahawi sa anino ng anumang uri ng pag-aalinlangang nakatago sa puso at isipan ng pamilya, isang komunikasyong magsisilbing gintong tanikala na magbubuklod sa pamilya upang sabay-sabay nilang mapatagumpayan ang anumang balakid na manghahamon sa katatagan ng bawat isa sa pamilya. Si Lualhati Bautista, isang batikang manunulat ng kontemporaryong panitikan, at ang kaniyang nobela, “Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?” ay nagbigay ng malaking ambag sa ating pagtuklas ng katototohanang bumabalot sa atin sa kasalukuyan tungo sa matagumpay na pagkakahubog ng ating mga anak na sa malao’t madali ay magiging boses at pag-asa ng ating bayan. Dahil sa paggamit niya ng pananalig na feminismo at mahusay na pagkakalantad sa mga suliraning bumabalot sa pamilya sa paraang sikolohikal at sosyolohikal ay nagigyan tayo ng
  • 3. malawak na pananaw at pang-unawa sa mahahalagang papel at tungkulin ng ating mga kababaihan bilang isang asawa, ina, at aktibong mamamayan ng lipunang kinabibilangan. Ang wastong pagkakahubog ng anak ay nakasalalay sa mabuting pagmamagulang na mabisang naipapakita sa pamamagitan ng magandang pakikipag-ugnayan ng magulang sa anak. Sa pamamagitan lamang nito malayang naipapadama ng ama o ng ina ang taos pusong pagpapahalaga at pagmamahal na natatangi para sa bawat anak. Pagpapahalaga at pagmamahal na magsisilbing halimbawa rin ng anak sa kanyang magandang pagtingin sa sarili at kaaya-ayang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran. Mga Tagubilin: Batay sa kinalabasan ng pananaiksik at pag-aaral na isinagawa, inihaharap ang mga sumusunod na tagubilin. 1. Ang sinumang nagbabalak na lumagay sa tahimik ay dapat munang magkaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan sa pagganap ng mas malawak at mapanghamong pananagutan at tungkulin bilang asawa upang magampanan ang pagiging mabuting magulang na mabisang puhunan sa wastong pagkakahubog ng kabataan. Ang pagiging handa bago pumasok sa buhay may pamilya ay makakatulong nang malaki upang maiwasan ang mga suliraning haharapin sa buhay na ito. 2. Ang sinumang may kaugnayan sa kabataan --- sa pagpapalaki at paghubog dito tungo sa pagiging mahusay na kasapi ng lipunan ay kailangang may maging sensitibo sa mga ipinapakitang kilos at pag-uugali ng mga mag-aaral gayundin sa pagsasaalangalang sa damdamin ng mga ito. Ang kanilang tungkulin ay hindi dapat magtapos lang sa pagtuturo ng aralin kundi bilang pangalawang magulang ay dapat din silang maging tapat na magamahal na hangdang makinig, kumalinga at magbigay-payo sa kanilang mga mag-aaral upang kung di man makaiwas, maharap naman nang mahusay ang mga suliraning sikolohikal at sosyolohikal. 3.a. Sa mga pinuno at tagapangasiwa ng paaralan, na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa mga kahinaan at pakukulang ng kanilang mga nasasakupan upang makapagdulot ng payapa at masayang kapaligiran na magbibigay ng kapanatagan at panghikayat sa mga kabataan na bukas makalawa ay pagasa ng bayan. 3.b. Ang pamahalaan at simbahan ay dapat na magkatuwang sa kanilang pagtataguyod ng mga programa at seminar na magbibigay – patnubay sa pamilya at sa kaniyang kapaligiran. 3.c. Iminumungkahi rin na ang mga datos mula sa ginawang pananaliksik ay gamitin bilang saggunian sa mas malawak na pag-aaral sa mga paksang may kaugnayan sa buhay at pag-uugali ng mga kalalakihan na may kakitiran ng pag-iisip gawa ng maling pagkakagapos sa makalumang tradisyon. 3.d. Sa pagtuturo ng panitikan, iminumungkahi na ang magturo nito ay yaong may malawak na kaalaman upang buong husay na mapahalagahan ang akdang pinagaaralan. Sa pamamagitan nito ay sapat nang maikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang mga kaisipang hatid ng akda na hitik sa aral, sining, buhay, at karanasan na magsisilbing tanglaw sa kanilang paghatak masukal na daan ng kanilang kabataan. 3.e. Suriin at pag-aralan ang iba pang mga nobela ni Lualhati Bautista at iba pa
  • 4. pang manunulat gayundin sa mga pelikula sa kasalukuyan upang mapahalagahan ang mga ito sa kanilang mga nagawang ambag sa pag-unlad at pagbabagong-buhay ng tao tungo sa kaniyang magandang pagtingin sa sarili at wastong pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa pamiya gayundin sa kaniyang kapwa at kapaligiran.