Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang paksang ito ay naglalaman ng mga impormasyong tungkol sa komunikasyon. Inilalarawan dito kung bakit kinakailangan at maituturing na mahalaga ang komunikasyon sa lipunan.
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang paksang ito ay naglalaman ng mga impormasyong tungkol sa komunikasyon. Inilalarawan dito kung bakit kinakailangan at maituturing na mahalaga ang komunikasyon sa lipunan.
akademikong pagsulat sa filipino ni christine may marasigan gutierrez
makakatulong ito sa inyo upang magkaroon ng dagdag nkaalaman at makakatulong din ito sa inyo kapag meron kayong gagawing presentasyon o isang pag aaral.
Filipino 8 Lesson
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noong 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa imprenta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ang diwang Kristyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o ng isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal samagulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.
Ang awit ay may
May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
Halimbawa nito ang Florante at Laura.
Ang korido ay may
May walong pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para basahin, hindi awitin.
Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa ng isang korido ang Ibong Adarna.
2. NAPOLITANO
Isa sa mga uri ng komunikasyon na
ginagamit upang ng mga “permanente
at importanteng” mensahe; mga
mensahe na sa sobrang importante ay
kailangan mong isulat lalong lalo na kung
ang mensahe nito ay pangmatagalang
katuturan.
3. NAPOLITANO
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o
anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kaniyang kaisipan.-
Bernales, et al. 2001
4. NAPOLITANO
• Ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.-Keller 1985
• Ang pagsulat ay isang komprehensiv na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika
at iba pang elemento.- Xin Jin 1989
5. NAPOLITANO
• PISIKAL NA AKTIBITI-ginagamit ang mata
at kamay sa pagsulat.
• MENTAL NA AKTIBITI- ginagamit din ang
utak sa pagsusulat.
6. NAPOLITANO
• Bryne 1983- bagamat maraming problemang
sikolohikal, linggwistika at kognitibo ang
napapaloob sa pagsulat, mahalagang
maituro ito dahilan ng mga
kapakinabangang pedagodyikal nito.
• Hugney, et al. 1983- nakakatulong ang
pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga
mag-aaral sa lohikal na pag-iisip at paglutas
ng suliranin.