SlideShare a Scribd company logo
•Katuturan ng Balita
Ang balita ay napapanahon at
makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap at
magaganap pa lamang.
Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita,
pasulat at pampaningin. Pasalita ito, kung ang
ginawang midyum ay ang radio at
telebisyon; pasulat naman kung ito
ay ipinalimbag sa pahayagan at
iba pang uri ng babasahin; at
pampaningin kung ang
midyum ay ang
telebisyon at sine.
• Mga Katangian ng Balita
Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang
labis, walang kulang
Katimbangan – inilahad ang mga datos na walang
kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot.
Makatotohanan– ang mga impormasyon ay tunay at
aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang diretsahan ,
hindi maligoy.
• Mga sangkap ng Balita
Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay
nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring sabihing
ang anumang kaganapan na balita para
sa isa ay hindi balita
para sa iba.
Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring
makapagbigay ng interes sa mga tagapakinig at
mambabasa.
• Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang nangyari o
maaaring matagal nang
ngunit ngayon lamang natuklasan.
• Kalapitan - Mas interesado ang mga tagapakinig o
mambabasa na malaman
ang nagyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa
sa malalayong lugar.
♦Kabantugan –Tumutukoy
sa pagiging prominente o
kilala ng taong sangkot
sa pangyayari.
• Kakatwahan o Kaibahan
Mga pangyayaring di karaniwan
tulad halimbawa ng isang tao
na nangagat ng aso o
ng isang hayop na
dalawa ang ulo.
♦ Tunggalian
Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban
ng tao laban sa kapwa tao, maaari
rin itong pakikibaka ng tao
laban sa kalikasan o ng
tao laban sa
kaniyang
sarili.
• M a k a t a o n g K a w i l i h a n
Ito ay tumutukoy sa mga
p a n g y a y a r i n g
nakapupukaw sa iba’t-ibang uri
ng emosyon ng tao: pag-ibig,
poot , simpatiya, inggit at iba
pa.
• Romansa at Pakikipagsapalaran
Tinatalakay dito hindi lamang ang
buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng
mga artista kundi ang pakikipagsapa-
laran din ng mga ordinaryong tao
tulad ng pagliligtas ng batang si
Rona Mahilum sa sa kaniyang mga
kapatid sa nasusunog nilang bahay.
• Pagbabago at Kaunlaran
Anumang pagbabago at kaunlarang
nangyayari sa pamayanan ay
maaaring paksain ng balita
tulad ng pagpapatayo ng
mga bagong gusali,
kalsada, pamilihang
bayan at iba pa.
• Bilang o Estadistika - Halimbawa nito ay ang mga
ulat ukol sa
pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.
• Pangalan - Tumutukoy sa mga pangalang
nasasangkot sa balita
tulad ng mga nakapasa sa mga board examinations.
• Hayop
Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng
Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo
sa pamamagitan
ng artipisyal inseminasyon.
• Kalamidad
Kapag nagkaroon ng malakas
na bagyo, lindol, pag- putok ng
bulkan at iba pa, karaniwang
pinapaksa ng balita ang mga
pinsalang dulot nito.
• Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita
Diretsahan ang pagkahanay ng mga
datos at ginagamitan ng
kombenkombensyonal o kabuurang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain
Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos
at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
B. Ayon sa lugar na pinangyarihan
1.Lokal na Balita
Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa
pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng taga-
pakinig o mambabasa.
a. pambarangay d. panlalawigan
b. pambayan e. panrehiyon
c. panlunsod f. pambansa
2. Balitang Pang-ibang Bansa
C. Ayon sa nilalaman
♦ Pang-agham at teknolohiya
♦ Pangkaunlarang komunikasyon
♦ Pang-isports o pampalakasan
D. Ayon sa pinagbabatayan o pinag-
kukunan
1. Batay sa aksyon
Ang manunulat / mambabalita
ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.
2. Batay sa Tala
Kung ang pinagbabatayan
ng balita ay mga talang
nakalap mula sa talaan ng
pulisya, ospital at iba pang
ahensya.
3. Batay sa Talumpati
Kung ang pinagkukunan ng datos ay
ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos
ay nalikom sa pamamagitan
ng pakikipanayam sa mga
taong sangkot o may alam
sa pangyayari.
E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina
1.Balitang may iisang tala
Tumatalakay sa iisang
pangyayari lamang
2. May maraming talang itinampok
Naglalahad ng higit sa isang
pangyayari na naganap sa iisang
araw at halos magkaparehong oras.
3. Balitang Kinipil
Balitang pinaikli na
lamang dahil sa kawalan
ng espasyo.
4. Dagliang Balita
Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng
ispasyo ay nilagyan na lamang ng
salitang flash at kasunod nito ang
isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang pangkatnig
Maikling balita na isinulat ng hiwalay
ngunit kaagaapay sa kaugnay na
pangunahing balita.
6. Bulitin
Habol at karagdagan sa
mahalagang balita at
inilagay sa pangmukhang
pahina na nakakahon
at nasa tipong mariin.
F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman
1. Balitang pamukaw-kawilihan
Karaniwang maiikling balita tungkol
sa tao, bagay, hayop na umaantig
sa damdamin ng
mambabasa.
2. Balitang nagpapakahulugan
Nagpapaunawa sa mambabasa
tungkol sa dahilan, saligan,
katauhan
ng mga pangunahing sangkot at
kahalagahan ng isang
pangyayari.
•Ang Pamatnubay
Pamatnubay ang tawag sa una at pangalawang talata
ng balita.
Nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa dahil
ito ang pinaka-
buod ng balita. Sa akdang lathalain o pabalitang
lathalain, ito
ay maaaring isang salita, parirala, pangungusap o
isang talata.
•Mga Uri ng Pamatnubay
1. Kombensyonal o Kabuuurang
Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na
Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?
at Paano?
Ang balita ay inilalahad sa baligtad na
piramide kung saan ang mga
Mahahalagang datos
ay nasa una at
pangalawang
talata. Karaniwang
ginagamit
sa tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na
panimula ang akda upang akitin
ang mambabasang basahin
ang kabuuuan nito.
Karaniwang
ginagamit ito
sa pagsulat
ng Pabalitang Lathalain.
• Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay
1. Pamatnubay na Ano
Kung ang pinakatampok
sa balita ay ang
pangyayari.
Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at
Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira
ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling araw.
2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok
ang tao o organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani,
kasapi ng LDP ang kaniyang pirma sa impeachment
complaint na inihain ng oposisyon, kahapon,
matapos itong katayin sa komite.
3. Pamatnubay na Saan
Kung higit na mahalaga
ang lugar na pinangyarihan
kaysa sa gawain o tao
na kasangkot dito.
Halimbawa:
Sa Naga City ginanap ang 2009 National Schools Press
Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat
sa buong bansa.
4. Pamatnubay na Kailan
Hindi gaanong gamiting pamatnubay
dahil ginagamit lamang ito
kung higit na mahalaga ang
petsa kaysa sa iba pang
aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na
ibinigay ng BIR para sa pagababayad ng buwis sa
taunang kita.
5. Pamatnubay na Bakit
Kung ang dahilan o
sanhi ng pangyayari
ang pinakamahalaga.
Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling
maipaabot sa mga mamamayan ang
mga serbisyo ng pamahalaan,
inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng
Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny
Belmonte ang “City Hall sa Barangay”
6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng
pangyayari ang pinakamabisang
anggulo na dapat itampok.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang
babae ang tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga
alahas ng isang ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos
itong tanggapin bilang
katulong.
• Sa pagpapasya kung aling uri ng
kombensyonal na pamatnubay
ang itatampok,dapat munang alamin
ng manunulat kung aling anggulo
ng balita ang higit na mahalaga.
Kapag parehong matimbang ang
Ano at Sino, unang itatampok ang
Sino dahil higit na mahalaga ang
tao kaysa sa mga bagay at
pangyayari.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
mabisang Pamatnubay:
1. Gumamit ng payak na pangungusap
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa
mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan,
Paano at Bakit sa isang pangungusap
lamang, kung ito ay makasisira sa
kaisipan ng talata at makalilito sa
mambabasa.
Alalahaning ang pangalawang
talata ay pangalawang
pamatnubay rin.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o
di-karaniwang salita sa isang
pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng
mga sugnay, parirala at
mga iba pang katulad
nitong gramatikong
kayarian.
• Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang
kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang
pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o
pinagkunan ng datos at kaniyang katungkulan. Sa
muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang ang
G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido ng
babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak
na salita.
9. Gawing maiikli ang
pangungusap at
pag-ibaibahin
ang haba nito
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan
kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa
magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga
taong sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang
9 at gawing tambilang ang 10 pataas.
• Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos
sa balita ay sumusunod sa baligtad na
piramide tulad ng nasa ibaba:
• Ang kaayusang baligtad na piramide ay
nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan:
1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga
mambabasa ay abala, kung kaya ang paglagay ng
mga mahahalagang datos sa unahan ng balita, ay
nakapagpapatipid sa kanila sa panahon, dahil sa
pamatnubay pa lang ay nakukuha na nila ang buod
ng istorya.
2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo, dahil kung
kulang ang ispasyo, maaari nang putulin ang huling
bahagi ng balita na hindi nawawala ang
mahalagang datos nito.
3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa
unang dalawang talata na naglalaman ng
mahahalagang datos ay maaari nang mapagkunan
ng itatampok sa ulo
ng balita.
• Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa
75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa
unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga
magkatulad na mga salita o mga
sugnay sa simula ng magkasunod
na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at
buod nito sa isang talata.
5. Ang isang pangungusap na talata
ang pinakagamitin sa balita ngunit
kung hindi maiiwasan ang paggamit
ng mahigit sa isang pangungusap,
hindi ito dapat na sumobra
sa 3 pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa
pababang kahalagahan upang kung
kukulangin sa ispasyo ay maaaring
putulin ang mga huling talata na
hindi naaapektuhan ang nilalaman
nito.
• Mga Katangian ng Isang Manunulat ng Balita
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
-Alam kung saan makapangalap ng datos.
-Marunong kumilatis kung alin ang anggulo
sa pangyayari na itatampok sa balita.
-Madaling makakilala ng mga
kaganapang karapat-dapat ibalita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap
ng buong
katotohanan
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa
talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling
kalakasan
10. Mapagbasa

More Related Content

What's hot

Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
Mga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyoMga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyo
jomari saga
 
Ppt balagtasan
Ppt balagtasanPpt balagtasan
Ppt balagtasan
Evelyn Manahan
 
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxQ4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
wilma334882
 
Komiks
KomiksKomiks
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptxIba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Maveh de Mesa
 
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptx
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptxKONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptx
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptx
MARIELANDRIACASICAS
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganTine Bernadez
 
PPC_Ang Pahayagan.pptx
PPC_Ang Pahayagan.pptxPPC_Ang Pahayagan.pptx
PPC_Ang Pahayagan.pptx
FrancisHasselPedido2
 
Week 8 ppt pagsulat ng balita
Week 8 ppt pagsulat ng balitaWeek 8 ppt pagsulat ng balita
Week 8 ppt pagsulat ng balita
Ems Masagca
 
Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9
Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9
Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9
Edwin slide
 
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptxMASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
DanilynSukkie
 
Kontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyoKontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyo
Dianah Martinez
 
Kampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxKampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptx
JeanMaureenRAtentar
 
Pagsulat ng Editoryal
Pagsulat ng EditoryalPagsulat ng Editoryal
Pagsulat ng Editoryal
AdrianSimonTJalimaoI
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
chelsiejadebuan
 
Programang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptxProgramang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptx
JeanMaureenRAtentar
 
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong PaturolFilipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
johneric26
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
LUELJAYVALMORES4
 

What's hot (20)

Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
 
Balita.final.ppt
Balita.final.pptBalita.final.ppt
Balita.final.ppt
 
Mga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyoMga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyo
 
Ppt balagtasan
Ppt balagtasanPpt balagtasan
Ppt balagtasan
 
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxQ4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
 
Komiks
KomiksKomiks
Komiks
 
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptxIba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
 
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptx
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptxKONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptx
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO.pptx
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayagan
 
PPC_Ang Pahayagan.pptx
PPC_Ang Pahayagan.pptxPPC_Ang Pahayagan.pptx
PPC_Ang Pahayagan.pptx
 
Week 8 ppt pagsulat ng balita
Week 8 ppt pagsulat ng balitaWeek 8 ppt pagsulat ng balita
Week 8 ppt pagsulat ng balita
 
Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9
Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9
Pagsulat ng balita ( 2017-2018 ) GRADE 6 - 9
 
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptxMASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
 
Kontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyoKontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyo
 
Kampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxKampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptx
 
Pagsulat ng Editoryal
Pagsulat ng EditoryalPagsulat ng Editoryal
Pagsulat ng Editoryal
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
 
Programang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptxProgramang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptx
 
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong PaturolFilipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 

Similar to pagsulat balita.pptx

Pagsulat ng balita ppt
Pagsulat  ng balita pptPagsulat  ng balita ppt
Pagsulat ng balita ppt
Divine Garcia-Sarmiento
 
pagsulat ng balita.pptx
pagsulat ng balita.pptxpagsulat ng balita.pptx
pagsulat ng balita.pptx
GapasMaryAnn
 
Simula at pangkalahatang Uri ng pamatnubay
Simula at pangkalahatang Uri ng pamatnubaySimula at pangkalahatang Uri ng pamatnubay
Simula at pangkalahatang Uri ng pamatnubay
JenVicente2
 
Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
Mischelle Mariano
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
SCPS
 
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita HehehehehehehehehTamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
kevindagohoy2006
 
Balita 130123213847-phpapp02
Balita 130123213847-phpapp02Balita 130123213847-phpapp02
Balita 130123213847-phpapp02
jacqueline salapuddin
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
Ghie Maritana Samaniego
 
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptxbalita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
HelenLanzuelaManalot
 
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptxbalita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
HelenLanzuelaManalot
 
PAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptx
PAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptxPAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptx
PAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptx
ALLENMARIESACPA
 
Aralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptx
Aralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptxAralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptx
Aralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptx
CARLACONCHA6
 
Balita
BalitaBalita
TALUMPATI-REPORTING.pptx
TALUMPATI-REPORTING.pptxTALUMPATI-REPORTING.pptx
TALUMPATI-REPORTING.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
Fil. Maj. 110-Module 1.docx
Fil. Maj. 110-Module 1.docxFil. Maj. 110-Module 1.docx
Fil. Maj. 110-Module 1.docx
Kryzthanjaynunez
 
INTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptx
INTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptxINTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptx
INTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptx
GodofredoSanAndresGi
 
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptxQ2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
MichaelJohnVictoria1
 
Investigative.pptx
Investigative.pptxInvestigative.pptx
Investigative.pptx
VincentJakeNaputo
 
Kodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptx
Kodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptxKodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptx
Kodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptx
Mark James Viñegas
 

Similar to pagsulat balita.pptx (20)

Pagsulat ng balita ppt
Pagsulat  ng balita pptPagsulat  ng balita ppt
Pagsulat ng balita ppt
 
pagsulat ng balita.pptx
pagsulat ng balita.pptxpagsulat ng balita.pptx
pagsulat ng balita.pptx
 
Simula at pangkalahatang Uri ng pamatnubay
Simula at pangkalahatang Uri ng pamatnubaySimula at pangkalahatang Uri ng pamatnubay
Simula at pangkalahatang Uri ng pamatnubay
 
Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
 
Balita
BalitaBalita
Balita
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
 
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita HehehehehehehehehTamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
 
Balita 130123213847-phpapp02
Balita 130123213847-phpapp02Balita 130123213847-phpapp02
Balita 130123213847-phpapp02
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
 
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptxbalita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
 
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptxbalita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
balita at pamatnubay para sa mag-aaral.pptx
 
PAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptx
PAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptxPAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptx
PAGBABALITA O NEWSCASTiiiiiiiiiiiiING.pptx
 
Aralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptx
Aralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptxAralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptx
Aralin 1_ Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan pptx.pptx
 
Balita
BalitaBalita
Balita
 
TALUMPATI-REPORTING.pptx
TALUMPATI-REPORTING.pptxTALUMPATI-REPORTING.pptx
TALUMPATI-REPORTING.pptx
 
Fil. Maj. 110-Module 1.docx
Fil. Maj. 110-Module 1.docxFil. Maj. 110-Module 1.docx
Fil. Maj. 110-Module 1.docx
 
INTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptx
INTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptxINTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptx
INTRODUSIYON SA PAMAMAHAYAG.pptx
 
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptxQ2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
Q2-WK1-Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon.pptx
 
Investigative.pptx
Investigative.pptxInvestigative.pptx
Investigative.pptx
 
Kodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptx
Kodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptxKodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptx
Kodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas.pptx
 

More from EricDaguil1

grade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptx
grade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptxgrade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptx
grade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptx
EricDaguil1
 
campus_journalism.ppt
campus_journalism.pptcampus_journalism.ppt
campus_journalism.ppt
EricDaguil1
 
journalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdf
journalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdfjournalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdf
journalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdf
EricDaguil1
 
PAGSULAT_NG_BALITA.pdf
PAGSULAT_NG_BALITA.pdfPAGSULAT_NG_BALITA.pdf
PAGSULAT_NG_BALITA.pdf
EricDaguil1
 
News_writing_presentation.pptx
News_writing_presentation.pptxNews_writing_presentation.pptx
News_writing_presentation.pptx
EricDaguil1
 
ASNENewswriting_PP (1).ppt
ASNENewswriting_PP (1).pptASNENewswriting_PP (1).ppt
ASNENewswriting_PP (1).ppt
EricDaguil1
 
campus_journalism.ppt
campus_journalism.pptcampus_journalism.ppt
campus_journalism.ppt
EricDaguil1
 

More from EricDaguil1 (7)

grade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptx
grade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptxgrade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptx
grade 7 Filipino- mga awiting bayan.pptx
 
campus_journalism.ppt
campus_journalism.pptcampus_journalism.ppt
campus_journalism.ppt
 
journalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdf
journalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdfjournalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdf
journalism-pagsulatngbalita-150903153324-lva1-app6891.pdf
 
PAGSULAT_NG_BALITA.pdf
PAGSULAT_NG_BALITA.pdfPAGSULAT_NG_BALITA.pdf
PAGSULAT_NG_BALITA.pdf
 
News_writing_presentation.pptx
News_writing_presentation.pptxNews_writing_presentation.pptx
News_writing_presentation.pptx
 
ASNENewswriting_PP (1).ppt
ASNENewswriting_PP (1).pptASNENewswriting_PP (1).ppt
ASNENewswriting_PP (1).ppt
 
campus_journalism.ppt
campus_journalism.pptcampus_journalism.ppt
campus_journalism.ppt
 

pagsulat balita.pptx

  • 1.
  • 2. •Katuturan ng Balita Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.
  • 3. Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin. Pasalita ito, kung ang ginawang midyum ay ang radio at telebisyon; pasulat naman kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin; at pampaningin kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.
  • 4. • Mga Katangian ng Balita Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang Katimbangan – inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot. Makatotohanan– ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang. Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang diretsahan , hindi maligoy.
  • 5. • Mga sangkap ng Balita Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang anumang kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para sa iba.
  • 6. Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring makapagbigay ng interes sa mga tagapakinig at mambabasa. • Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal nang ngunit ngayon lamang natuklasan. • Kalapitan - Mas interesado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman ang nagyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa sa malalayong lugar.
  • 7. ♦Kabantugan –Tumutukoy sa pagiging prominente o kilala ng taong sangkot sa pangyayari. • Kakatwahan o Kaibahan Mga pangyayaring di karaniwan tulad halimbawa ng isang tao na nangagat ng aso o ng isang hayop na dalawa ang ulo.
  • 8. ♦ Tunggalian Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao laban sa kapwa tao, maaari rin itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao laban sa kaniyang sarili.
  • 9. • M a k a t a o n g K a w i l i h a n Ito ay tumutukoy sa mga p a n g y a y a r i n g nakapupukaw sa iba’t-ibang uri ng emosyon ng tao: pag-ibig, poot , simpatiya, inggit at iba pa.
  • 10. • Romansa at Pakikipagsapalaran Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng mga artista kundi ang pakikipagsapa- laran din ng mga ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona Mahilum sa sa kaniyang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay.
  • 11. • Pagbabago at Kaunlaran Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng balita tulad ng pagpapatayo ng mga bagong gusali, kalsada, pamilihang bayan at iba pa.
  • 12. • Bilang o Estadistika - Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa. • Pangalan - Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa mga board examinations.
  • 13. • Hayop Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal inseminasyon. • Kalamidad Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol, pag- putok ng bulkan at iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.
  • 14. • Mga Uri ng Balita A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos 1. Tuwirang Balita Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombenkombensyonal o kabuurang pamatnubay. 2. Pabalitang Lathalain Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.
  • 15. B. Ayon sa lugar na pinangyarihan 1.Lokal na Balita Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng taga- pakinig o mambabasa. a. pambarangay d. panlalawigan b. pambayan e. panrehiyon c. panlunsod f. pambansa 2. Balitang Pang-ibang Bansa
  • 16. C. Ayon sa nilalaman ♦ Pang-agham at teknolohiya ♦ Pangkaunlarang komunikasyon ♦ Pang-isports o pampalakasan
  • 17. D. Ayon sa pinagbabatayan o pinag- kukunan 1. Batay sa aksyon Ang manunulat / mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
  • 18. 2. Batay sa Tala Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensya.
  • 19. 3. Batay sa Talumpati Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng mga kilalang tao. 4. Batay sa pakikipanayam Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa pangyayari.
  • 20. E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina 1.Balitang may iisang tala Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang 2. May maraming talang itinampok Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa iisang araw at halos magkaparehong oras.
  • 21. 3. Balitang Kinipil Balitang pinaikli na lamang dahil sa kawalan ng espasyo. 4. Dagliang Balita Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng ispasyo ay nilagyan na lamang ng salitang flash at kasunod nito ang isang linya o talatang nilalaman.
  • 22. 5. Balitang pangkatnig Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagaapay sa kaugnay na pangunahing balita. 6. Bulitin Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahon at nasa tipong mariin.
  • 23. F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman 1. Balitang pamukaw-kawilihan Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig sa damdamin ng mambabasa.
  • 24. 2. Balitang nagpapakahulugan Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan, saligan, katauhan ng mga pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari.
  • 25. •Ang Pamatnubay Pamatnubay ang tawag sa una at pangalawang talata ng balita. Nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa dahil ito ang pinaka- buod ng balita. Sa akdang lathalain o pabalitang lathalain, ito ay maaaring isang salita, parirala, pangungusap o isang talata.
  • 26. •Mga Uri ng Pamatnubay 1. Kombensyonal o Kabuuurang Pamatnubay Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano?
  • 27. Ang balita ay inilalahad sa baligtad na piramide kung saan ang mga Mahahalagang datos ay nasa una at pangalawang talata. Karaniwang ginagamit sa tuwirang balita.
  • 28. 2. Makabagong Pamatnubay Ginagamitan ng pangganyak na panimula ang akda upang akitin ang mambabasang basahin ang kabuuuan nito. Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang Lathalain.
  • 29. • Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay 1. Pamatnubay na Ano Kung ang pinakatampok sa balita ay ang pangyayari. Halimbawa: Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling araw.
  • 30. 2. Pamatnubay na Sino Kung higit na pinakatampok ang tao o organisasyong kasangkot sa pangyayari. Halimbawa: Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa komite.
  • 31. 3. Pamatnubay na Saan Kung higit na mahalaga ang lugar na pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na kasangkot dito. Halimbawa: Sa Naga City ginanap ang 2009 National Schools Press Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat sa buong bansa.
  • 32. 4. Pamatnubay na Kailan Hindi gaanong gamiting pamatnubay dahil ginagamit lamang ito kung higit na mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga pangyayari. Halimbawa: Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para sa pagababayad ng buwis sa taunang kita.
  • 33. 5. Pamatnubay na Bakit Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang pinakamahalaga. Halimbawa: Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”
  • 34. 6. Pamatnubay na Paano Kung ang kaparaanan ng pangyayari ang pinakamabisang anggulo na dapat itampok. Halimbawa: Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang katulong.
  • 35. • Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyonal na pamatnubay ang itatampok,dapat munang alamin ng manunulat kung aling anggulo ng balita ang higit na mahalaga. Kapag parehong matimbang ang Ano at Sino, unang itatampok ang Sino dahil higit na mahalaga ang tao kaysa sa mga bagay at pangyayari.
  • 36. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng mabisang Pamatnubay: 1. Gumamit ng payak na pangungusap 2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit sa isang pangungusap lamang, kung ito ay makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito sa mambabasa. Alalahaning ang pangalawang talata ay pangalawang pamatnubay rin.
  • 37. 3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di-karaniwang salita sa isang pangungusap. 4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at mga iba pang katulad nitong gramatikong kayarian.
  • 38. • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita 1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap. 2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan. 3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
  • 39. 4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
  • 40. 5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita. 6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos. 7. Gawing maikli ang talata. 8. Gumamit ng mga payak na salita. 9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-ibaibahin ang haba nito
  • 41. 10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak. 11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata. 12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita. 13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing tambilang ang 10 pataas.
  • 42. • Kaayusan ng Balita Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos sa balita ay sumusunod sa baligtad na piramide tulad ng nasa ibaba:
  • 43. • Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan: 1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga mambabasa ay abala, kung kaya ang paglagay ng mga mahahalagang datos sa unahan ng balita, ay nakapagpapatipid sa kanila sa panahon, dahil sa pamatnubay pa lang ay nakukuha na nila ang buod ng istorya.
  • 44. 2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo, dahil kung kulang ang ispasyo, maaari nang putulin ang huling bahagi ng balita na hindi nawawala ang mahalagang datos nito. 3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa unang dalawang talata na naglalaman ng mahahalagang datos ay maaari nang mapagkunan ng itatampok sa ulo ng balita.
  • 45. • Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita 1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita. 2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata. 3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga salita o mga sugnay sa simula ng magkasunod na talata.
  • 46. 4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa isang talata. 5. Ang isang pangungusap na talata ang pinakagamitin sa balita ngunit kung hindi maiiwasan ang paggamit ng mahigit sa isang pangungusap, hindi ito dapat na sumobra sa 3 pangungusap.
  • 47. 6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang kahalagahan upang kung kukulangin sa ispasyo ay maaaring putulin ang mga huling talata na hindi naaapektuhan ang nilalaman nito.
  • 48. • Mga Katangian ng Isang Manunulat ng Balita 1. Matalas ang pang-amoy sa balita. -Alam kung saan makapangalap ng datos. -Marunong kumilatis kung alin ang anggulo sa pangyayari na itatampok sa balita. -Madaling makakilala ng mga kaganapang karapat-dapat ibalita.
  • 49. 2. Mapagtanong 3. Matiyaga 4. Makatarungan at walang kinikilingan 5. Totoong interesado sa tao. 6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan
  • 50. 7. Mapamaraan 8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika 9. Alam ang sariling kalakasan 10. Mapagbasa