Itong modyul ng pagkatuto ay makakatulong sa mga mag-aaral na matuto ang pamahalaang sultanato na namayana sa Mindanao mula 15th century hanggang 1915. Makikita din dito ang mga katungkulan ng mga tao sa lipunan sa ilalim ng Pamahalaang Sultanato
Itong modyul ng pagkatuto ay makakatulong sa mga mag-aaral na matuto ang pamahalaang sultanato na namayana sa Mindanao mula 15th century hanggang 1915. Makikita din dito ang mga katungkulan ng mga tao sa lipunan sa ilalim ng Pamahalaang Sultanato
EsP10: Mga isyung moral tungkol sa Buhay_044009.pptxJun-Jun Borromeo
Ang tao ay nilikhang malaya ng Diyos ngunit hindi ito nangangahulugang may karapatan na tayong gumawa ng masama sa ating kapwa man o sa ating sarili. Ang katawan ng tao ay templo ng Diyos kaya't nararapat lang na pangalagaan ito at huwag abusuhin. Sa modyul na dito, natalakay ang iba't ibang isyu tungkol sa buhay. Kabilang na rito ang paggamit ng bawal na gamot, alkoholismo, aborsiyon, pagpapatiwakal, at euthanasia or mercy killing. Maraming tukso an matatagpuan sa mundo na kailangang iwasan. Ngunit, ang ilan sa atin ay hindi magawang iwasan ang tuksong ito--- ang pagkalulong sa droga. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung tungkol sa buhay na kinakaharap ng ating lipunan sa ngayon. Ito ay nagdudulot ng kahirapan sa pag-proseso sa impormasyong dumadaloy sa isip ng tao. Nakakapagdulot din ito ng pagtaas sa bilang ng krimen sa isang bansa. Tulad ng paggamit ng droga, ang labis na pag-konsumo ng alak o tinatawag na alkoholismo ay isa rin sa mga isyu tungkol sa buhay. Ito ay nakakapagdulot ng maraming kimplikasyon sa katawan ng tao. Masasabing naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa. Maraming kabataan ang nalululong sa droga at peer pressure ang isa sa mga sanhi nito. Hindi kailanman magiging makatuwiran na gumamit ng droga para lang mabilang sa isang grupo. Bilang isang kabataan, alam ko na ako ay maaaring maimpluwensiyahan ng aking kaibigan na gumawa ng isang bagay, mabuti man o masama. Ako ay binigyan ng pribelihiyong magkaroon ng iisip at kilos-loob, kaya nasa desisyon ko na kung magpapadala ba ako sa kanila na gumawa ng maasama o pipiliin kong pumanig sa tama. Ayon kay Agapay (2007), Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Maraming debate ang naganap kung gagawin ba itong legal o hindi. Mayroong dalawang panig tungkol dito: Pro-life at Pro-choice. Para sa akin, sumasang-ayon ako sa panig ng Pro-life dahil ituturing kong isang tao na may buhay ang fetus na may pagkakataon pang mabuhay sa mundo. Ang pagpapatiwakal naman ang sunod na itinalakay sa modyul na ito. Ang pagpapatiwakal ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Ang kawalan ng pag-asa ang isa sa mga sanhi nito. Para sa akin, ang pinaka- epektibong solusyon dito ay ang pananalig sa Diyos. Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito aytumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Mahirap magdesisyon kung gagawin ba natin ang prosesong ito o hindi lalo na't mahal mo sa buhay ang nasa sitwasyong ito. Ang mga nabanggit ay mga isyung tugkol sa buhay.
2. Ang mga nagtitinda ng mga produktong may caffeine ,tabako, at
alkohol ay naglalagay na ng mga babala sa kanilang produkto
katulad ng “drink moderately” o “cigarette smoking is dangerous
to your health” ngunit sa kabila nito ay tinatangkilik pa rin ito ng
mga mamimili.Ang gateway drugs ay nakakaapekto sa iba’t-ibang
tao ma lalaki man ito o babae, mayaman o mahirap, matanda o
bata na patuloy na binabago ang buhay.
Ang kaalaman tungkol sa pag-aabuso ng gateway drugs ay
naglalayon upang iyong mapagtanto na hindi sana mangyari pa
ang mga problemang hinaharap ng ilan sa ating mga kabataan
ngayon kung umiwas sila sa paggamit ng mga gateway drugs. Ang
sumusunod ay mga kasiglahan at kasanayan sa buhay na maaaring
makatulong upang mapanatiling malusog ang katawan at isip sa
pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng gateway drugs.
3. Mga kasiglahan at kasanayan sa buhay na maaaring
makatulong upang mapanatiling malusog ang katawan at isip
sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng gateway drugs.
Mga kasiglahan at kasanayan sa buhay na maaaring
makatulong upang mapanatiling malusog ang katawan at isip
sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng gateway drugs.
1. Maglaan ng oras sa iyong sarili. Ang modernong buhay ngayon
ay puno ng stress, na nagdaragdag sa taong mapanganib na
gumamit at abusuhin ang gateway drugs. Maiiwasan ang stress sa
pamamagitan ng pagpahinga at pagaalaga sa sarili.
2. Mamuhay ng malusog at balanseng buhay.Ang malusog na
pamumuhay ay ang pagkain ng ng masustansya, regular na pag-
ehersisyo at masayang makipaghalubilo na walang inuman at
paninigarilyo. Ito rin ay nagbibigay kasiyahan at tumutulong
mabawasan ang pagkatukso sa paggamit ng mga gateway
drugs.
4. 3. Matutong tanggapin nang malusog ang mga pagsubok sa
buhay. May mga taong umaabuso sa paggamit ng gateway drugs
upang malimutan ang kanilang mga problema. Ang
pinakamabuting gawin ay harapin ito nang may maluwag sa
kalooban. Kabilang dito ang pakikipag-usap sa taong malapit sayo,
pagsulat ng talaarawan, pag-eehersisyo at iba pa. Sa pamamagitan
ng tamang pagkaya ng isipan at damdamin, ang isang tao ay hindi
matutukso sa paggamit ng mga gateway drugs.
4. Umiwas sa mga taong naninigarilyo at umiinom ng
alak.Ang pakikipaghalubilo ay importanteng aspeto sa
pangkalahatang kalusugan ng tao. Sa pamamagitan ng pagpili
ng mga kaibigan at kasapi ng pamilya na nagbibigay ng
pagmamahal, suporta at positibong kapaligiran, ang isang tao
ay hindi mag-iisip na gumamit ng gateway drugs.
5. 5. Matutong harapin ang panggigipit ng ibang tao. Huwag
padadala sa sapilitang utos ng isang tao kung ikaw ay malalagay sa
kapahamakan lalo na ang iyong kalusugan. Magkaroon ng
kumpiyansa at positibong pananaw sa buhay. Magtiwala sa iyong
sarili at manindigan. Ang taong may malakas na tiwala sa sarili ay
hindi nakakaramdam ng pangangailangan na masiyahan ng
sinuman lalo na kung ang kahihinatnan nito ay kaguluhan.
6. Panatilihin ang iyong sariling kaalaman sa mga bagong
pangyayari. Ang kaalaman ay kapangyarihan. Ito ay totoo
pagdating sa paggamit ng gateway drugs. Ang kaalaman
tungkol sa banta sa kalusugan, mga kahihinatnan, at iba pang
panganib ng gateway drugs ay magbibigay sa tao ng matinding
dahilan upang iwasan ang paggamit nito.
6. 7. Sumali sa mga makabuluhang gawain.
Mga makabuluhang gawain katulad ng pagmumuni-muni
(meditation), pagpunta sa gym at pag “yoga” ay nakakatulong
upang pamahalaan ang mga negatibong emosyon, bawasan ang
stress, mapabuti ang kalusugan at buong pagkatao.
7.
8.
9.
10. Panuto:Tingnang mabuti ang larawan. Isulat
ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang
nagiging mabuting bunga nang hindi paggamit
ng gateway drugs. Kung di-sangayon,
isulat ang DS.
Gawin ito sa kuwaderno.
11. Panuto:Tingnang mabuti ang larawan. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang nagiging
mabuting bunga nang hindi paggamit ng gateway drugs. Kung di-sangayon, isulat ang DS.
Gawin ito sa kuwaderno.
12. Panuto:Tingnang mabuti ang larawan. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang nagiging
mabuting bunga nang hindi paggamit ng gateway drugs. Kung di-sangayon, isulat ang DS.
Gawin ito sa kuwaderno.
13. Panuto:Tingnang mabuti ang larawan. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang nagiging
mabuting bunga nang hindi paggamit ng gateway drugs. Kung di-sangayon, isulat ang DS.
Gawin ito sa kuwaderno.
14. Panuto:Tingnang mabuti ang larawan. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang nagiging
mabuting bunga nang hindi paggamit ng gateway drugs. Kung di-sangayon, isulat ang DS.
Gawin ito sa kuwaderno.
15. Panuto:Tingnang mabuti ang larawan. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang nagiging
mabuting bunga nang hindi paggamit ng gateway drugs. Kung di-sangayon, isulat ang DS.
Gawin ito sa kuwaderno.
16. Panuto:Tingnang mabuti ang larawan. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang nagiging
mabuting bunga nang hindi paggamit ng gateway drugs. Kung di-sangayon, isulat ang DS.
Gawin ito sa kuwaderno.
17. Takdang-Aralin sa Health
Panuto: Basahin nang mabuti ang maikling kwento. Kulayan ang watawat ng berde kung
ang isinasaad na pangyayari sa tapat nito ay may mabuting impluwensya, at pula naman
kung walang mabuting impluwensya. Gawin ito sa iyong kwaderno.