SlideShare a Scribd company logo
1
Modyul sa Mother Tongue 3
Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
Nakapagbibigay ng panibagong pamagat tungkol sa nabasang
akda o tekstong impormatibo (MT3LC-IIIg-2.6)
Ang mga pagsasanay at gawain ay sasagutan mo sa
nakalaang sagutang papel.
Basahin ang teksto. Isulat ang angkop na pamagat nito.
1. Ang bayabas ay isang prutas na kilalang mayaman sa
bitamina A at C. Ito ay ginagamit din bilang halamang gamot dahil
sa taglay nitong antiseptic properties na nakakatulong sa
pagpapagaling ng sugat, ulcer, impeksyon na sanhi ng bacteria at
pagtatae.
(https://halamang-gamot.com/bayabas/)
2. Isang lola sa Negros Occidental ang maaaring ideklarang
pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo. Siya ay 122 taong
gulang. Sa tagal ng buhay ni Lola Francisca, inabutan niya ang
lahat ng presidente magmula kay Emilio Aguinaldo.
(https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/umg/745927)
Basahin ang maikling kuwento pagkatapos ay lagyan ng
bilang 1-5 sa loob ng bilog ayon sa pagkakasunod – sunod ng
mga pangyayari.
MTB3 Q3 W7
Aralin 7: Mga Impormasyon sa aking
Pamayanan; Noon at Ngayon
Paunang Pagsubok
Balik-tanaw
Mga Inaasahan
2
Modyul sa Mother Tongue 3
Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo
Ang Uwak Na Nagpanggap
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa
lupa. Pinagmasdan niya at nasiyahan siya sa iba't ibang kulay na
taglay nito. Dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay
kaniyang pinulot isa-isa at saka
idinikit sa kanyang katawan. Iyon lang at dali-dali siyang
lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang
kauri ng mga ito.Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang
kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang
nagkukunwaring uwak.Inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na
balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pinagtutuka nila ito
hanggang sa matakot ang uwak at lumisan. Nang magbalik ang
uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito.
At sinabing, "Hindi naming kailangan ang isang tulad mong walang
pagmamahal sa sariling anyo!"
https://www.academia.edu/6641180/ANG_UWAK_NA_NAGPANGGAP
1. Inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong
nakadikit sa katawan ng uwak.
2. Hindi na tinanggap ang uwak ng kaniyang mga kauri.
3. Nagpakilala si uwak ang bilang isang pabo.
4. Pinagtutuka ng mga pabo ang uwak hanggang sa matakot at
lumisan ito.
5. Pinulot ng uwak ang mga makukulay na balahibo at saka
idinikit sa kanIyang katawan.
Mahusay ka ba sa pagbibigay ng pamagat sa mga teksto o
akdang iyong binabasa? Ito ang ating pag-aaralan ngayon.
Basahing mabuti ang nilalaman ng kuwento at sagutin ang
mga kasunod na mga tanong.
Ang Lalawigan ng Iloilo
Pagpapakilala ng Aralin
Alam mo ba na…
Maibibigay ang angkop na pamagat sa isang akda o tekstong
impormatibo sa pamamagitan ng pag – alam sa tiyak na paksa
at pag - unawa sa mga mahahalagang detalye o impormasyon
na nakapaloob dito. https://takdangaralin.ph/tekstong-impormatibo/
3
Modyul sa Mother Tongue 3
Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo
Ang lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog -
silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng
Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng
Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng dagat Kabisayaan at
Kipot Guimaras sa silangan at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa
timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 na datu mula sa Borneo ang isla
ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212.
Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad ng
mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong –
irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng
pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga
mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong – Irong.
Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa
lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag
noong Marso10, 1917 ang 1alawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay isa sa
mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Ang
pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga
taga Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng
malaking kitang dolyar ng lalawigan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano – anong impormasyon ang laman ng tekstong binasa?
2. Saan matatagpuan ang lalawigan ng Iloilo?
3. Kailan itinatag ang lalawigan ng Iloilo?
4. Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga - Iloilo?
5. Mula sa tekstong binasa, ano pa ang maaring angkop na
pamagat nito?
Gawain 1- Basahin at unawaing mabuti ang tekstong
impormatibo. Magbigay ng panibagong pamagat nito .
Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang
P4.5-trilyon na budget ng bansa para sa 2021 na inaasahang tutulong
sa bansa na matugunan at makabangon mula sa pandemyang COVID-
19.
Mga Gawain
Pamagat
________________
4
Modyul sa Mother Tongue 3
Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo
Sa ilalim ng Republic Act 11518 o 2021 General Appropriations
Act, P4.5 trilyon ang budget ng gobyerno sa susunod na taon, mas
mataas nang 10 porsiyento kumpara sa 2020. Ito rin ang pinakamalaking
budget sa kasaysayan ng bansa.
Ayon sa administrasyon, nagsisilbi itong blueprint ng gobyerno sa
pagtugon sa pandemya at sa pagbangon ng ekonomiya.
Isa sa pinakaimportanteng alokasyon ng 2021 budget ay ang
P72.5 bilyon para sa pagbili at sa logistics na kakailanganin ng bakuna
kontra COVID-19.
Pero P2.5 bilyon lamang dito ang nasa ilalim ng budget ng
Department of Health habang ang natitirang P70 bilyon ay inilagay sa
unprogrammed funds, ibig sabihin, mapopondohan lamang ito sa
pamamagitan ng mga utang o kapag may sobrang koleksiyon o
bagong pagkakakitaan ang gobyerno.
Mayroon namang P16.6 bilyon na alokasyon ang budget para sa
deployment ng mga health worker sa mga mahihirap na komunidad at
ospital, habang nasa P4.7 bilyon ang pondong inilaan para sa pagbili
ng higit 200 milyong set ng personal protective equipment sa mga
ospital, laboratoryo, at regional swab centers.
–Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
https://news.abs-cbn.com/news/12/29/20/pag-uulat-tungkol-sa-intel-funds-ng-2021-budget-
inayawan-ni-duterte
Tandaan
Tinatawag na tekstong impormatibo ang mga
babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon,
kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito
ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay
‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan
lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi
naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.
Makakapagbigay ng angkop na pamagat sa
tekstong binasa kung ito ay lubos na nauunawaan ang
mga mahahalagang detalye o impormasyon na
nakapaloob dito.
5
Modyul sa Mother Tongue 3
Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo
Basahin at unawain ang teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.
Ang Covid-19 o tinatawag na Ncov2019 ay isang sakit na
kumalat at nagmula sa Wuhan China. Ayon sa pag-aaral, ito ay
isang respiratory virus na kumakalat at nakakahawa sa tao. Ito ay
kumalat na sa iba't ibang panig ng mundo kasama na ang
Pilipinas.
Ito ay isang malubhang pneumonia na nagiging sanhi ng
pagkamatay ng ibang tao. Ngunit ang iba naman ay gumagaling
kung ang iyong resistensya ay malakas.
Dalawang uri ng Covid19 ayon sa pag-aaral.
Asymptomatic - ito yung mga tao na pag nakita mo ay
malusog o healthy. Sila din yung mga tao na hindi mo kakikitaan
ng sintomas ng virus pero sila ay carrier. Wala rin silang travel history
pero sila ay yung nakasalamuha ng mga taong mayroong
sintomas. Ayon sa balita, kabilang sa carrier ang ating mga
senador at mga artista na nag positive sa test.
Symptomatic - ito naman yung mga tao na mayroong
sintomas na kakikitaan ng virus. Sa kasalukuyan, marami na rin
naitala ang iba't ibang ospital sa buong mundo tungkol sa
pasyente na katulad nito.
Paano makakaiwas sa NCOV19?
• Panatilihing malakas ang resistensya.
• Palagiang maghugas ng kamay at mag- alcohol.
• Lumayo muna sa mga matataong lugar at iwasan ang
makipagsiksikan.
• Maglagay ng mask.
• Kung kinakailangan, iwasan na lumabas ng bahay
kung wala namang gagawin na importante.
Panatilihing malinis ang kapaligiran.
Dito sa Pilipinas, inatasan na ng ating gobyerno ang
malawakang lockdown sa parte ng Luzon. Upang makaiwas sa
pagkahawa sa virus, hindi pinapalabas ng bahay ang mga
mamamayan lalo na kung hindi naman kailangan.
https://brainly.ph/question/2691968
Pag-alam sa mga Natutuhan
6
Modyul sa Mother Tongue 3
Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano – anong impormasyon ang laman ng tekstong
binasa?
2. Saan nagmula ang sakit na Covid - 19?
3. Ano ang dalawang uri ng Covid - 19?
4. Paano maiwasan ang sakit na Covid - 19?
5. Mula sa tekstong binasa, ano pa ang maaaring
angkop na pamagat nito?
Basahin ang mga teksto at ibigay ang angkop na
pamagat nito.
1. Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protacio
Alonzo Mercado Rizal Y Realonda. Ipinanganak siya noong June
19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya noong ika- 30 ng
Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami
siyang tinapos na kurso kabilang na ang medisina. Isa rin siyang
pintor at iskultor. Noong Disyembre 30, 2020 ang ika- isangdaan at
dalawampu’t apat na taong anibersaryo ng kanyang
pagkamatay.
(https://philnews.ph/2020/02/25/halimbawa-ng-tektstong-impormatibo-mga-
halimbawa-ntio/)
2. Ang rason kung bakit tinaguriang Ama ng Wikang
Pambansa si Manuel Luis Quezon ay dahil siya ang nagsulong ng
pagkakaroon ng isang pambansang wika para sa buong Pilipinas.
(https://brainly.ph/question/785124)
3. Ang mga endemikong hayop ay mga hayop na natatangi
sa isang teritoryo o bansa. May mga hayop na endemic o
endemiko sa Pilipinas dahil tanging sa Pilipinas lamang sila
matatagpuan. Ilan na dito ang baboy ramo, tamaraw at tarsier.
(https://kulturang-noypi.blogspot.com/2020/05/anu-ano-ang-mga-hayop-na-endemiko-sa.html)
4. Sa mahigit pitong libong isla, tila malulula ka na sa dami ng
magagandang lugar sa Pilipinas. Mula sa mga nagpuputian at
pinong-pinong buhangin sa dagat hanggang sa mga
makalaglag-pusong ganda ng mga lagoon, hindi ka mauubusan
ng pasyalan sa Pilipinas.
Pangwakas na Pagsusulit
7
Modyul sa Mother Tongue 3
Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo
(https://www.zenrooms.com/blog/post/magagandang-lugar-sa-
pilipinas/)
5. Ang Mt. Daraitan ay matatagpuan sa Tanay, Rizal, dalawang
oras mula sa Kamaynilaan. Maraming nagpupunta dito para sa
mga gustong mabilisang hike. Doon ay makikita ang ganda ng
Sierra Madre at Laguna de Bay.
(https://www.zenrooms.com/blog/post/bundok-sa-pilipinas/)
Manood ng balita sa telebisyon. Isulat ang mga mahahalagang
detalye o impormasyon ng balita. Magbigay ng angkop na pamagat
nito.
Rubrik sa Pagwawasto:
4– Napakahusay 2 - katamtaman
3 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng
Pagsasanay
Interpretasyon
12 - Napakahusay
9 - 11 Mahusay
5 - 8 Katamtaman
4- 0 Nangangailangan pa ng pagsasanay
Magaling at naisagawa mo lahat ang iyong gawain!
Mga gawain
4 3 2 1
1. Naisulat ang mga mahahalagang detalye ng
balita at nakapagbigay ng angkop na
pamagat nito.
2. Naisulat ang mahahalagang detalye ng
balita ngunit hindi naibigay ang angkop na
pamagat nito.
3. Naisulat ang balita ngunit hindi nabigyang
pansin ang mga mahahalagang detalye nito.
Pagninilay

More Related Content

What's hot

ESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docxESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docx
alcel
 
Pagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilang
Pagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilangPagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilang
Pagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilang
LuvyankaPolistico
 

What's hot (20)

english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2
 
ESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docxESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docx
 
K to 12 GRADE 3 Mother Tongue Based (MTB - 2nd Quarter)
K to 12 GRADE 3 Mother Tongue Based (MTB - 2nd Quarter)K to 12 GRADE 3 Mother Tongue Based (MTB - 2nd Quarter)
K to 12 GRADE 3 Mother Tongue Based (MTB - 2nd Quarter)
 
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasanFilipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MOTHER TONGUE-BASED (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MOTHER TONGUE-BASED (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MOTHER TONGUE-BASED (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MOTHER TONGUE-BASED (Q1-Q4)
 
Pagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilang
Pagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilangPagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilang
Pagkilala sa pagkakaiba ng pangngalang pamilang sa di-pamilang
 
Pagsunod sa Panuto
Pagsunod sa PanutoPagsunod sa Panuto
Pagsunod sa Panuto
 
Pag-aalaga ng Hayop
Pag-aalaga ng HayopPag-aalaga ng Hayop
Pag-aalaga ng Hayop
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
 
k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang SalitaFilipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
 
Grade 3 EsP Learners Module
Grade 3 EsP Learners ModuleGrade 3 EsP Learners Module
Grade 3 EsP Learners Module
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
 
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
Filipino 6 dlp 1   pagsunod sa mga panutoFilipino 6 dlp 1   pagsunod sa mga panuto
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
 
Grade 3 MTB Learners Module
Grade 3 MTB Learners ModuleGrade 3 MTB Learners Module
Grade 3 MTB Learners Module
 
Quiz makasaysayang mga pook
Quiz makasaysayang mga pookQuiz makasaysayang mga pook
Quiz makasaysayang mga pook
 
WEEK 4.docx
WEEK 4.docxWEEK 4.docx
WEEK 4.docx
 
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2 (3rd Periodical Exam)
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2  (3rd Periodical Exam)K to 12 Araling Panlipunan Grade 2  (3rd Periodical Exam)
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2 (3rd Periodical Exam)
 
English 3 Identifying Possible Solution to Problem
English 3 Identifying Possible Solution to ProblemEnglish 3 Identifying Possible Solution to Problem
English 3 Identifying Possible Solution to Problem
 
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap ppt
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap  pptFilipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap  ppt
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap ppt
 

Similar to MTB 3 Q3 Week 7.pdf

2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx
2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx
2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx
nerissadizon3
 

Similar to MTB 3 Q3 Week 7.pdf (20)

2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx
2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx
2022-2023Quarter3Modyul3_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa.pptx
 
ang mga sakit sa panahon ng amerikano.pptx
ang mga sakit sa panahon ng amerikano.pptxang mga sakit sa panahon ng amerikano.pptx
ang mga sakit sa panahon ng amerikano.pptx
 
Week 5 Lesson.pptx
Week 5 Lesson.pptxWeek 5 Lesson.pptx
Week 5 Lesson.pptx
 
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptxPaglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
 
Balagtasan 2.2 agham at teknolohiya
Balagtasan 2.2 agham at teknolohiyaBalagtasan 2.2 agham at teknolohiya
Balagtasan 2.2 agham at teknolohiya
 
Fil6 week2
Fil6 week2Fil6 week2
Fil6 week2
 
AP-V-Q1-W6.pptx
AP-V-Q1-W6.pptxAP-V-Q1-W6.pptx
AP-V-Q1-W6.pptx
 
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptxARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
 
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAYKUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
042816 OSIDABULYU (OCW)
042816 OSIDABULYU (OCW)042816 OSIDABULYU (OCW)
042816 OSIDABULYU (OCW)
 
AP5Q3M1_Araling Panlipunan _PPT_OUTPUT-LM Template.pptx
AP5Q3M1_Araling Panlipunan _PPT_OUTPUT-LM Template.pptxAP5Q3M1_Araling Panlipunan _PPT_OUTPUT-LM Template.pptx
AP5Q3M1_Araling Panlipunan _PPT_OUTPUT-LM Template.pptx
 
Jenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintas
 
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWAPAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
 
Pang ukol
Pang  ukolPang  ukol
Pang ukol
 
Lp ko ngayong june 22 26,2015
Lp ko ngayong june 22 26,2015Lp ko ngayong june 22 26,2015
Lp ko ngayong june 22 26,2015
 
Formative Test_G3Q2WK5.docx
Formative Test_G3Q2WK5.docxFormative Test_G3Q2WK5.docx
Formative Test_G3Q2WK5.docx
 
Modyul 3 ang iba’t ibang mukha ng ating lahi
Modyul 3 ang iba’t ibang mukha ng ating lahiModyul 3 ang iba’t ibang mukha ng ating lahi
Modyul 3 ang iba’t ibang mukha ng ating lahi
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
abril 1-5, 2024 daily lesson plan in filipino 10
abril 1-5, 2024 daily lesson plan in filipino 10abril 1-5, 2024 daily lesson plan in filipino 10
abril 1-5, 2024 daily lesson plan in filipino 10
 

MTB 3 Q3 Week 7.pdf

  • 1. 1 Modyul sa Mother Tongue 3 Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na: Nakapagbibigay ng panibagong pamagat tungkol sa nabasang akda o tekstong impormatibo (MT3LC-IIIg-2.6) Ang mga pagsasanay at gawain ay sasagutan mo sa nakalaang sagutang papel. Basahin ang teksto. Isulat ang angkop na pamagat nito. 1. Ang bayabas ay isang prutas na kilalang mayaman sa bitamina A at C. Ito ay ginagamit din bilang halamang gamot dahil sa taglay nitong antiseptic properties na nakakatulong sa pagpapagaling ng sugat, ulcer, impeksyon na sanhi ng bacteria at pagtatae. (https://halamang-gamot.com/bayabas/) 2. Isang lola sa Negros Occidental ang maaaring ideklarang pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo. Siya ay 122 taong gulang. Sa tagal ng buhay ni Lola Francisca, inabutan niya ang lahat ng presidente magmula kay Emilio Aguinaldo. (https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/umg/745927) Basahin ang maikling kuwento pagkatapos ay lagyan ng bilang 1-5 sa loob ng bilog ayon sa pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari. MTB3 Q3 W7 Aralin 7: Mga Impormasyon sa aking Pamayanan; Noon at Ngayon Paunang Pagsubok Balik-tanaw Mga Inaasahan
  • 2. 2 Modyul sa Mother Tongue 3 Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo Ang Uwak Na Nagpanggap Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya at nasiyahan siya sa iba't ibang kulay na taglay nito. Dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kaniyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan. Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.Inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pinagtutuka nila ito hanggang sa matakot ang uwak at lumisan. Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi naming kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!" https://www.academia.edu/6641180/ANG_UWAK_NA_NAGPANGGAP 1. Inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. 2. Hindi na tinanggap ang uwak ng kaniyang mga kauri. 3. Nagpakilala si uwak ang bilang isang pabo. 4. Pinagtutuka ng mga pabo ang uwak hanggang sa matakot at lumisan ito. 5. Pinulot ng uwak ang mga makukulay na balahibo at saka idinikit sa kanIyang katawan. Mahusay ka ba sa pagbibigay ng pamagat sa mga teksto o akdang iyong binabasa? Ito ang ating pag-aaralan ngayon. Basahing mabuti ang nilalaman ng kuwento at sagutin ang mga kasunod na mga tanong. Ang Lalawigan ng Iloilo Pagpapakilala ng Aralin Alam mo ba na… Maibibigay ang angkop na pamagat sa isang akda o tekstong impormatibo sa pamamagitan ng pag – alam sa tiyak na paksa at pag - unawa sa mga mahahalagang detalye o impormasyon na nakapaloob dito. https://takdangaralin.ph/tekstong-impormatibo/
  • 3. 3 Modyul sa Mother Tongue 3 Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo Ang lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog - silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 na datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong – irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong – Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso10, 1917 ang 1alawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Ang pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano – anong impormasyon ang laman ng tekstong binasa? 2. Saan matatagpuan ang lalawigan ng Iloilo? 3. Kailan itinatag ang lalawigan ng Iloilo? 4. Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga - Iloilo? 5. Mula sa tekstong binasa, ano pa ang maaring angkop na pamagat nito? Gawain 1- Basahin at unawaing mabuti ang tekstong impormatibo. Magbigay ng panibagong pamagat nito . Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang P4.5-trilyon na budget ng bansa para sa 2021 na inaasahang tutulong sa bansa na matugunan at makabangon mula sa pandemyang COVID- 19. Mga Gawain Pamagat ________________
  • 4. 4 Modyul sa Mother Tongue 3 Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo Sa ilalim ng Republic Act 11518 o 2021 General Appropriations Act, P4.5 trilyon ang budget ng gobyerno sa susunod na taon, mas mataas nang 10 porsiyento kumpara sa 2020. Ito rin ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng bansa. Ayon sa administrasyon, nagsisilbi itong blueprint ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya at sa pagbangon ng ekonomiya. Isa sa pinakaimportanteng alokasyon ng 2021 budget ay ang P72.5 bilyon para sa pagbili at sa logistics na kakailanganin ng bakuna kontra COVID-19. Pero P2.5 bilyon lamang dito ang nasa ilalim ng budget ng Department of Health habang ang natitirang P70 bilyon ay inilagay sa unprogrammed funds, ibig sabihin, mapopondohan lamang ito sa pamamagitan ng mga utang o kapag may sobrang koleksiyon o bagong pagkakakitaan ang gobyerno. Mayroon namang P16.6 bilyon na alokasyon ang budget para sa deployment ng mga health worker sa mga mahihirap na komunidad at ospital, habang nasa P4.7 bilyon ang pondong inilaan para sa pagbili ng higit 200 milyong set ng personal protective equipment sa mga ospital, laboratoryo, at regional swab centers. –Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News https://news.abs-cbn.com/news/12/29/20/pag-uulat-tungkol-sa-intel-funds-ng-2021-budget- inayawan-ni-duterte Tandaan Tinatawag na tekstong impormatibo ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin. Makakapagbigay ng angkop na pamagat sa tekstong binasa kung ito ay lubos na nauunawaan ang mga mahahalagang detalye o impormasyon na nakapaloob dito.
  • 5. 5 Modyul sa Mother Tongue 3 Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo Basahin at unawain ang teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Ang Covid-19 o tinatawag na Ncov2019 ay isang sakit na kumalat at nagmula sa Wuhan China. Ayon sa pag-aaral, ito ay isang respiratory virus na kumakalat at nakakahawa sa tao. Ito ay kumalat na sa iba't ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas. Ito ay isang malubhang pneumonia na nagiging sanhi ng pagkamatay ng ibang tao. Ngunit ang iba naman ay gumagaling kung ang iyong resistensya ay malakas. Dalawang uri ng Covid19 ayon sa pag-aaral. Asymptomatic - ito yung mga tao na pag nakita mo ay malusog o healthy. Sila din yung mga tao na hindi mo kakikitaan ng sintomas ng virus pero sila ay carrier. Wala rin silang travel history pero sila ay yung nakasalamuha ng mga taong mayroong sintomas. Ayon sa balita, kabilang sa carrier ang ating mga senador at mga artista na nag positive sa test. Symptomatic - ito naman yung mga tao na mayroong sintomas na kakikitaan ng virus. Sa kasalukuyan, marami na rin naitala ang iba't ibang ospital sa buong mundo tungkol sa pasyente na katulad nito. Paano makakaiwas sa NCOV19? • Panatilihing malakas ang resistensya. • Palagiang maghugas ng kamay at mag- alcohol. • Lumayo muna sa mga matataong lugar at iwasan ang makipagsiksikan. • Maglagay ng mask. • Kung kinakailangan, iwasan na lumabas ng bahay kung wala namang gagawin na importante. Panatilihing malinis ang kapaligiran. Dito sa Pilipinas, inatasan na ng ating gobyerno ang malawakang lockdown sa parte ng Luzon. Upang makaiwas sa pagkahawa sa virus, hindi pinapalabas ng bahay ang mga mamamayan lalo na kung hindi naman kailangan. https://brainly.ph/question/2691968 Pag-alam sa mga Natutuhan
  • 6. 6 Modyul sa Mother Tongue 3 Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo Sagutin ang mga tanong: 1. Ano – anong impormasyon ang laman ng tekstong binasa? 2. Saan nagmula ang sakit na Covid - 19? 3. Ano ang dalawang uri ng Covid - 19? 4. Paano maiwasan ang sakit na Covid - 19? 5. Mula sa tekstong binasa, ano pa ang maaaring angkop na pamagat nito? Basahin ang mga teksto at ibigay ang angkop na pamagat nito. 1. Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protacio Alonzo Mercado Rizal Y Realonda. Ipinanganak siya noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya noong ika- 30 ng Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami siyang tinapos na kurso kabilang na ang medisina. Isa rin siyang pintor at iskultor. Noong Disyembre 30, 2020 ang ika- isangdaan at dalawampu’t apat na taong anibersaryo ng kanyang pagkamatay. (https://philnews.ph/2020/02/25/halimbawa-ng-tektstong-impormatibo-mga- halimbawa-ntio/) 2. Ang rason kung bakit tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Manuel Luis Quezon ay dahil siya ang nagsulong ng pagkakaroon ng isang pambansang wika para sa buong Pilipinas. (https://brainly.ph/question/785124) 3. Ang mga endemikong hayop ay mga hayop na natatangi sa isang teritoryo o bansa. May mga hayop na endemic o endemiko sa Pilipinas dahil tanging sa Pilipinas lamang sila matatagpuan. Ilan na dito ang baboy ramo, tamaraw at tarsier. (https://kulturang-noypi.blogspot.com/2020/05/anu-ano-ang-mga-hayop-na-endemiko-sa.html) 4. Sa mahigit pitong libong isla, tila malulula ka na sa dami ng magagandang lugar sa Pilipinas. Mula sa mga nagpuputian at pinong-pinong buhangin sa dagat hanggang sa mga makalaglag-pusong ganda ng mga lagoon, hindi ka mauubusan ng pasyalan sa Pilipinas. Pangwakas na Pagsusulit
  • 7. 7 Modyul sa Mother Tongue 3 Ikatlong Markahan: Ikapitong Linggo (https://www.zenrooms.com/blog/post/magagandang-lugar-sa- pilipinas/) 5. Ang Mt. Daraitan ay matatagpuan sa Tanay, Rizal, dalawang oras mula sa Kamaynilaan. Maraming nagpupunta dito para sa mga gustong mabilisang hike. Doon ay makikita ang ganda ng Sierra Madre at Laguna de Bay. (https://www.zenrooms.com/blog/post/bundok-sa-pilipinas/) Manood ng balita sa telebisyon. Isulat ang mga mahahalagang detalye o impormasyon ng balita. Magbigay ng angkop na pamagat nito. Rubrik sa Pagwawasto: 4– Napakahusay 2 - katamtaman 3 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng Pagsasanay Interpretasyon 12 - Napakahusay 9 - 11 Mahusay 5 - 8 Katamtaman 4- 0 Nangangailangan pa ng pagsasanay Magaling at naisagawa mo lahat ang iyong gawain! Mga gawain 4 3 2 1 1. Naisulat ang mga mahahalagang detalye ng balita at nakapagbigay ng angkop na pamagat nito. 2. Naisulat ang mahahalagang detalye ng balita ngunit hindi naibigay ang angkop na pamagat nito. 3. Naisulat ang balita ngunit hindi nabigyang pansin ang mga mahahalagang detalye nito. Pagninilay