SlideShare a Scribd company logo
KOMPILASYON
NG
AKADEMIKONG
SULATIN
Submitted by: Aya Madhel Cafino
Submitted to: Ms. Ana Mellissa Venido
ABSTRACT
ABSTRACT
(Unfriend)
Ang artikulong ito ay tungkol sa naging tampok na pelikula na pinamagatang “Unfriend”,
isang pelikula na tungkol sa mga posibleng epekto ng paggamit ng Internet at social media.
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay na naging bisyo na ang paggamit ng Internet at social
media. Ang ilan sa mga ginagawa ng mga kabataan na “addict” na sa social media at Internet ay
doon na sila kumakain ng kanilang almusal at pananghalian sa harap ng kanilang kompyuter o
cellphone at ‘yong iba ay maghapong magdamag na gumagamit ng social media.
Ayon sa artikulong ito, karamihan sa mga kabataan na gumagamit ng Internet at social
media ay dahil para sa kanila ay lumalaki ang kanilang mundo at marami silang natutunan na
impormasyon sa Internet. Ngunit ayon sa psychologist na si Prof. Gerald Aberson, ang
sobrang pagkahumaling sa Internet ay maaring ang tao ay madedepress, mawalan ng
privacy ang kanilang pagkatao at mababang self-esteem o ‘di kaya’y pagsusuicide dulot ng
sobrang paggamit ng Internet. Nabanggit din sa artikulong ito ang halaga sa tunay na
mundo kaysa sa mundo ng Internet, na kung saan sa tunay na mundo mayroong tunay na
mga kaibiganmat tunay na pamilya. Kumpara sa mundo ng Internet at social media na
karamihan ay gumagamit lamang ng mga fake identity.
BIONOTE
Si ROLANDO A. BERNALES ay nagtapos ng BSE-Filipino bilang cum laude (Master of Art in
Teaching) sa linggwistikong Filipino sa Philippine Normal University. Siya ay limang taon na bilang
puno ng Departamento ng Lenggwahe at Literatura sa University of Makati at kasalukuyang propesor
II. Isa din siyang awtor. ko-awtor, eitor at konsultant ng hindi kukulangin sa 70 na mga aklat sa wika,
pagbasa at panitikan na antas mula preschool hanggang tersyarya. Siya rin ay isang akademik
konsultant ng Mutya Publishing House, Inc. at Executive Director ng Center for Information
Education at Sciences. Siya rin ay isang malikhaing manunulat ng tula, kwento, at sanaysay.
Napabilang din siya sa Ten Outstanding Students of the Philippines noong 1989 at nakatanggap siya
ng award for Exemplary Performance as Public Servant noong 2000 mula sa pamhalaang lungsod ng
Makati at isa sa mga Palanca Awardee. Panghabambuhay din siayng kasapi sa Pambansang Samahan
sa Linggwistiko at Literatura ng Filipino. Miyembro ri siya ng KAGURO, SANGHIL, AT APNIEVE.
EXPLANATORY
SYNTHESIS
SYNTHESIS
Anyo: Explanatory
Uri: Background Synthesis
Thesis Statement: Ang inflation ay nagdudulot ng masamang epekto
lalo na sa mga mamamayang Pilipino.
Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, at Konsisyon.
Layunin: Mapatunayan ang masamang epekto ng inflation.
Paghahalimbawa
Sa nakalipas na mga buwan naging maugong sa balita ang inflation rate, isang
istadistika na sumusukat sa bilis na pagtaas sa mga presyo ng mga bilihin. Nadama ng mga
mamamayang Pilipino ang walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga bigas, gulay, at
produktong petrolyo. Ayon kay Astro del Castillo, Presidente at Managing Director ng First
Grade Finance, may mga halimbawa ng mga sanhi ng pagsipa ng inflation. Una, ang mga
estudyante ay umaaray na sa inflation dahil sa pagtaas ng pasahe ng mga public transportation.
Pangalawa, maraming mga mahihirap na mga Pilipino ay hindi na makabili ng mga
pangunahing pangangailangan sanhi ng mataas na presyo. Pangatlo, ay ang mga pamilya ng
mga OFW ay hirap na magbudget dahil sa mahal na mga bilihin.
Komparison at Kontrast
Ayon kay Dona Reyes, may mabuting epekto ang inflation sa Pilipinas dahil sa
pagtaas sa presyo ay tanda lamang ng unti-unting pag-unlad ng produksyon at
ekonomiya, at humihikayat ito na pagbutihin at pataasin ang produksyon. Katulad lamang
ito sa pag-aaral ni Udang (2018), EPEKTO NG INPLASYON, mabuti rin ang epekto dahil
kung itinuring ng mga Pilipino ang dahilan ngt implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang
mga negosyante ay mahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksyon. Ngunit ayon
sa ABS_CBN NEWS (2018), Alamin ang epekto ng implasyon, maraming mga Pilipinoang
naghihirap at hindi na makabili ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagtaas ng presyo.
Konsesyon
Ayon sa artikulo ng ABS-CBN NEWS (2018), ang pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin ng mamamayang Pilipino ay isang uri ng implasyon at
walang magandang naidudulot sa mamamayang Pilipino. Kaya naman, hindi
talaga nakakatulong ang pagpatupad ng train law at implasyon dahil karamihan
sa mga mamamayang Pilipino ang mas lalong naghihirap epekto ng pagtaas ng
mga bilihin.
Sanggunian:
 https://news,abs-cbn/business/07/05/18/inflation-pinakamataas-saloob-ng-
5-taon
 https://www.philstar.com/Pilipino-star-
ngayon/opinion/2015/09/13/editorial-train-law-ang-dahilan
 https://new.abs-cbn.com/news/08/23/18/alamin-ang-mga-sanhi-ng-
inflation
Thesis- Driven
Synthesis
Thesis- Driven Synthesis
Anyo: Argumentative Synthesis
Uri: Thesis-Driven Synthesis
Thesis Statement: Ang implasyon ay nagdudulot ng masamang epekto
sa alo na sa mamamayang Pilipino.
Layunin: Mapatunayan ang masamang epekto ng implasyon.
Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, at Konsesyon
Paghahalimbawa
Ang impalsyon ay ang pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang serbisyo’t
produktong binibili ng mga konsyumer. Sa isang pahayag ng Department of Budget
ang managemen, National Economic and Development Authorityat Department of
Finance,inamin nilang tumaas ang halaga ng bigas, mais, isda, at pamasahe na naging
dahilan ng mataas na inflation rate. Ayon sa mga economic manager, ang pagtaas ng
gastos sa transportasyon bunga ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang dahilan ng
pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.
Komparison at Kontrast
Ayon sa Pilipino Star Ngayon (2018), ang implasyon ay nagdudulot ng masamang
epekto sa bansa. Ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng
mga mamamayan. Tumataas na rin ang kaltas sa mga manggagawang Pilipino kaya mas
lalong humihirap ang buhay dahil ditto. Sa kabilang banda, ayon kay Rohanisa Abbas
(2018), mabuti ang naidudulot ng implasyon sa Pilipinas. Ang mga nalilikom na pera sa
Train Law na nagdudulot ng implasyon ay makakatulong sa proyekto para sa BUILD,
BUILD, BUILD PROJECT. At bukod ditto ginagamit ang pera na nakuha para bigyang
allowance ang mga mamamayang Pilipino na walang trabaho.
Konsesyon
Ayon kay Joshua Mata, ang Secretary General ng mga Nagkakaisa at Progresibong
Mangngawa o SENTRO, hindi sapat ang binibigay na pabuya ng pamahalaan nap ag-
alis sa buwis sa mga manggagawang. Dismayado si Mata sa pagpatupad ng
pamahalaan ng panibagong tax measurement sa kbila ng bigong pagtugon sa
patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilbihin sa bansa. Dagdag pa rito, Malaki ang
bahagdan ng ating mamamayan ang mawawalan nh kakayahan na makabili ng mga
pangunahing pangangailangan sanhi ng mataas na presy. Kaya naman, wala talagang
magandang maidudulot ang maapektuhan dito lalong-lalo na ang mga mahihirap.
TALUMPATI
TALUMPATI
(West Philippine Sea)
Karamihan sa atin ay batid na ang alitan sa pagitan ng Tsina, Vietnam, at Pilipinas ng
dahil sa West Philippine Sea. Mga balita patungkol sa mga paghihirap na nararanasan at
patuly na mararanasan ng mga mangingisdang Pinoy, tulad na lamang ng pagliit ng kita o ‘di
kaya’y kung may nahuli man silang mga isda ay pinapalitan lamang ito ng mga noodles o
sardinas ng mga Tsino. Mas lumala pa ang sitwasiyon nang binangga ng mga Chinese Vessels
ang tahimik na mag mangingisdang Pinoy. Kailan nga ba nagsimula ang ugnayan China-
Pilipinas sa West Philippine Sea? At bakit nagka-interest ang mga Tsino na sakupin ang West
Philippine Sea?
Panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nang magkasundo ang Plipinas,
Vietnam at Tsina para sa isang joint marine seismic undertaking. Matapos ang ilang serye ng
mga insidente sa dagat at harassment sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea,
nagpasiya ang administrasyon ni Pangulong “Noynoy” Aquino III na idemanda ang Tsina sa
arbitration court. Ayon sa ilang eksperto, pagpapalawak ng pwersa militar at ekonomiya ang
itinuturong dahilan kung bakit interesado ang Tsina sa West Philippine Sea. At dahil na rin
sa mga yamang dagat, langis, petrolyo at mineral. Bumuti ang relasyon ng dalawang bansa
sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami na umanoy pakinabang na natanggap
g ng Pilipinas sa Tsina,tingin ng Pangulo ay,hindi masam ang magbigay ng kaunti sa isang
kaibigan..
Bumuti nga ba ang kalagayan ng mga mangingisdang Pinoy? Na halos araw-araw
ay binabalita patungkol sa hindi makatarungan ginawa ng mga Tsino katulad na
lamang ng pagbangga at pag-abandona ng mga mangingisdang Pinoy.
Pagkakaibigan ba talaga ang turing ng mga Tsino sa atin? Na kapag ang mga Pinoy
ang nahuli ay bugbug–sarado samantalang kapag ang mga Tsinoang nahuli ay
nakakutson sila. Batid natin na hindi masama ang kaibiganin ang ibang bansa ngunit
batid din natin kung paano nila inaabuso ang kagandahang loob na ipinapakita ng
mga Pilipino.
Ngayong nalaman niyo na ang mga ito, ano ang pumasok sa inyong isipan? Kung ako
ang tatanungin, isa lang ang masasabi ko, “Hindi ito makatarungan.” Hindi dahil mahina tayo
ay at malakas ang bansa nila ay abubusuhin na lang nila tayo. At sana’y kumilos ang ating
pamahalaan para ayusin ang isyung ito. Alam ko na ang layo ng ating lugar sa West
Philippine Sea, pero bilang mag Pilipino, bilang mag-aaral na ng isang paaralan dito sa
Pilipinas, tayo na at magkaisa, manalangin, buksan ang ating isipan at itatak ang kasabihan
“KUNG ANO ANG NASA TERITORYO NATIN AY MALAMANG ATIN’. At bago ko tatapusin ang
aking talumpati gusto ko munang ibahagi sa inyo na “The West Philippine Sea is not for sale
not even for sale”. Yun lamang po at maraming salamat.
POSISYONG PAPEL
POSISYONG PAPEL
(Divorce)
Ang divorce ay ang legal na proseso ng pagsasawalang bisa ng kasal. Ito ay ipinatutupad na sa
madaming bansa tulad ng bansang Amerika, Japan, China, at iba pa. Handa na ba ang Pilipino upang
isabatas ito? Ito ang tanong ng maraming Pilipino tungkol sa maiinit na diskusyon sa diborsyo. Sa ilalim
ng hindi mabilang na consolidated bills, tinutukoy ang absolute divorce bilang pinal na paghihiwalay sa
pagitan n mag-asawa kung saan sila ay magiging single muli at maaaring magpakasal kung ilang beses
nilang gustuhin. Sa puntong ito, ako ay pabor sa diborsyo sa tatlong argumento. Una, maagkaroon ng
kapayapaan sa dalawang mag-asawang maghihiway. Pangalawa, maiiwasan ang sakitan at ang
pangatlo ay mibibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magkaroon ng panibagong relasyon.
Ayon kay Edal Lagman, ang chairman ng Technical Working Group na mag-consolidate sa
apat na panukala sa diborsyo at disolusyon sa pagpapakasal, ang nasabing panukala ay
magbibigay ng “mercy at liberation” sa mga problemadong buhay mag-asawa kung saan ang
physical violence ay ikinoknosidera na isa sa ground para sa diboryso. Nilinaw naman ni
Lagman na nag sababing panukala ay pumapabor sa mga kababaihan dahil karamihan ng
mga babae ay gustong makapaghiwalay mula sa nilang mapang-abusong nilang relasyon at
para maibalik ang kanilang dignidad at self-esteem. Kaya naman dapat talagang ipsabatas
ang diborsyo nang sa gayon ay maiiwasan ang sakitan ng mag-asawa, magkaroon ng
kapayapaan sa dalawang mag-asawang maghihiwalay.
Dapat lang doborsyo sa Pilipinas dahil malaya mong mahihiwalayan ang walang
kwenta, adik, at mapanakit mong asawa. Malaya mong hiwalayan ang asawang mong
pumapatong sa ibat-ibang kanlungan. Malaya mong ipagmalaki na babae ka na dapat
irespeto, igalang, at mahalin. Hindo ka dapat sinasaktan, binubugbog, o pinapalitan. Dahil
isa kang biyaya. Kung may diborsyo walang balita patungkol sa mag-asawang
nagsasaksakan. Walang balitang may no.2, no.3, o no.4 si mister/misis. Walang balitang
binugbug si misis. Mabubuhay ang lahat ng walang pangamba. Walang takot at higit sa
lahat, malaya kang pipili at magmamahal ng taong kaya kang irespeto, igalang at mahalin
ng lubusan. Tanggap ang nakaraan mo at pilit kinukulayan ang hinaharap mo.
Ngayon kung ikaw ang tatanungin ko, pabor ka ba sa diborsyo?
Kung hindi, kaya ba ng konsensya mo na makita ang kumara mon a
binugbug ng mister niya? Kaya ba ng konsensya mo na Makita ang
kumpare mon a may hinihintay siyang iba? O may dalawang asawao
higit pa? na iyo ang desisiyun, ngunit mas mainam kong isipin natin
kung ano ang mabubuti para sa ating kapwa.
PAGSULAT NG AGENDA
PAGSULAT NG AGENDA
PETSA: Ika-9 ng Setyembre, 2019
LUGAR: Zamboanguita Science High School
RE: Paghahanda sa gaganaping selebrasyon sa
Science and Math Club
PARA SA: Mga Kasapi ng Science and Math Club
MULA KAY: Aya Madhel Q. Cafino
SA SUSUNOD NA PAGPUPULONG
PETSA: Ika -16 ng Oktubre
ORAS: 9:30 n.u
KATITIKAN NG
PULONG
Katitikan ng Pangalawang Pulong ng Math and
Science
Club ng Zamboanguita Science High School
Ika-9 ng Setyembre, 2019
Ika-8:40 n.u
Sa Grade 12 Generoso Classroom
Dumalo:
Bb. Robeth Y. Banua _____________Presidente ng Math and Science Club
G. Daniel Padilla ____________Bise Presidente ng Math and Science Club
Bb. Aya Madhel Cafino ____________Kalihim ng Math and Science Club
G. Enrique Gil ____________Treasurer ng Math and Science Club
Bb. Liza Soberano ____________P.I.O ng Math and Science Club
G. James Reid ____________Auditor ng Math and Science Club
Gng. Jayne Gale Verances ___________Math Coordinator
Gng. Marlene Elloren ____________Science Coordinator
Gng. Nemie Gallardo ____________Guro ng Siyensya
Bb. Fredelin Parallon ____________Miyembro ng Math and Science Club
Bb. Rhena Mae Rodriguez ____________ Miyembro ng Math and Science Club
Bb. Rica Mae Alcano ____________ Miyembro ng Math and Science Club
Bb. Rhea Fe Sinajon ____________Guro ng Matematika
G. Che Isidore Partosa ____________ Guro ng Matematika
Bb. Rosebelle Joy Banua ____________Miyembro ng Math and Science Club
Di-Dumalo:
Bb. Julia Baretto
G. Gerald Anderson
Panukalang Agenda:
1. Paghahanda sa selebrasyon ng Math and Science Month
I. Pagsimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb, Robeth Banua, ang
Presidente ng Math and Science Club sa ganap na ika-8:40 ng
umaga sa silid-aralan ng Grade-12 Generoso. Sinimulan ang
pagpupulong sa pamamagitan ng pagpapahayag sa paksa na pag-
uusapan, ang paghahanda sa selebrasyon ng Math and Science
Month, at sinundan ito ng pagroll-coll. At nanalangin muna bago
sinimulang talakayin ang pokus na layunin ng pagpupulong na
pinangunahan ni Bb. Fredelin Parallon, miyembro ng Math and
Science Club.
II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong
Bago sinimulang pag-usapan ang panukalang
agenda, binasa muna ni Bb. Aya Madhel Cafino, ang
kalihim ng Math and Science Club, ang katitikan sa
nakaraang pagpupulong noong ika-20 ng Agosto, 2019.
Ipinahayag niya ang mga bagay na napag-usapan tungkol
sa Buwan ng Wika, kasali na rito ang mga patimpalak at
mga kalahok, pati na rin ang naganap na Pista ng Nayon
noong nakaraang buwan ng Agosto.
III. Pagpapatibay ng Panukalang Agenda
Sinimulan ang pagpupulong sa pagbukas ng paksa tungkol sa
mangyayaring selebrasyon ng Math and Science Month na pinangunahan ni Bb.
Robeth Y. Banua.
Ang unang pinag-usapan nay ang tungkol sa magiging listahan ng
aktibidad at iskedyul para sa Opening Program at Culmination Program na
pinangunahan ni G. Daniel Padilla, ang Bise-Presidente ng Math and Science
Club. Pinal na napagdesisyunan ang mga petsa, oras, at lugar para sa mga
nasabing aktibidad. Gaganapin ang opening program sa ika-1 ng Setyembre,
2019 ng ika-8:00 n.u sa Z.S.H.S stage, ito ay suhestiyon galling kay Rosebelle
Banua, isang miyembro ng matematika, na sinang-ayunan ng karamihan. Habang
magaganap naman sa ika-30 ng Setyembre, 2019 ng ika-9:30 n.u sa Z.S.H.S stage
ang culmination program na suhestiyon nina Bb. Fredelin at Bb. Rica Mae Alcano,
mga miyembro ng Math and Science Club, na sinang-ayunan ng mga karamihan.
Ang sunod na napag-usapan ay ang pagtatalaga ng mga Program
Committee. Ito ay pinangunahan ni nina Bb. Banua at G. Padilla. Ang
sumusunod ay ang mga binoto at sinang-ayunan ng karamihan.
A. Opening Ceremonies
aa. Kaila Enolpe
bb. Allyssa Enolpe
cc. Fredelin Parallon
dd. Andren Credo
ee. Aya Madhel Cafino
B. Contest Committee
aa. Arnold Rabor
bb. Gerome Adapon
cc. Rhea Luyao
dd. Rhena Mae Rodriguez
ee. Mary Grace Piala
C. Judge Committee
aa. Joshua Tubil
bb. Jerome Generoso
cc. James Deloria
dd. Rica Alcano
ee. Rosebelle Banua
D. Awards Committee
aa. Mark Canosa
bb. Ren Ayangco
cc. Alec Dayot
dd. Gelmie Paculanang
ee. Abegail Bagaan
Ang pangalawang napag-usapan ay ang tungkol sa mga paligsahansa kulminasyon sa
Matematika na pinangunahan ni Gng. Jayne Gale Verances. Naglista ng mga posibleng
paligsahan at pagkatapos ay bomoto ang lahat, kinuha lamang ang top 5 na may pinakamataas
na boto. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa Matematika.
 Math Investigation
 Tower of Hanoi
 Math Sayaw
 Math Jingle
 Modulo Art
Ang pang-apat na napag-usapan ay ang tungkol naman sa mga
paligsahan sa kulminasyon sa Agham na pinangunahan ni Gng. Marlene Elloren, isang
Science Coordinator. Gaya noong una ay kumuha rin ng top 5 na may
pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa
Agham.
 Science Oral and Written Quiz
 Science Investigatory Project
 Physics Exhibition
 Science Jingle
 Science Sayaw
Ang panlima ay tungkol sa eskedyul at timeframe ng bawat paligsahan na
pinangunahan ni Liza Soberano, ang P.I.O ng Math and Science Club. Ang mga
sumusunod ay ang sinang-ayunan ng lahat:
 Ika-30 ng Setyembre, 2019 (Culmination Program)
 Ika-9:00 n.u magaganap ang mga sumusunod ng sabay-sabay:
 Math Investigatory
 Modulo Art
 Tower of Hanoi
 Physics Exhibition
 Science Oral and Written Quiz
 Science Investigatory Project
 Ika-1:00 ng hapon, magsimula ang sumusunod:
 Math Jingle
 Math Sayaw
 Science Jingle
 Science Sayaw
Ang mga sumusunod ay ang mga napagkasunduan na mga hurado para sa mga
ibat-ibang paligsahan:
 S.I.P Judges
Gng. Ruth Eltanal
Gng. Lucy Abejero
Gng. Jeannyn Abejero
 Math Investigation Judges
G. Che Partosa
Bb. Rhea Fe Sinajon
Gng. Jayne Gale Verances
 Math and Science Sayaw Judges
G. Che Partosa
G. Jimmy Ramos
G. Charles Deloria
At ang panghuling pinag-usapan ay ang mga awards sa mga mananalo
na piningunahan nina G. Enrique Gil, ang treasurer, at G. James Reid, ang
auditor ng Math and Science Club. Napag-usapan din ang perang
gagamitin para dito kung magkano at kung saan kukuha. Ang
sumusunod ay ang napagdesisyunan ng lahat:
Medals and Trophies ______________P 5,000.00
Certificates ______________P 1,000.00
School Supplies ______________P 5,000.00
= P 11,000.00
Ang 25% nap era ay kukunin sa SG Fund, habang ang 75% ay kukunin
naman sa funds ng Science and Math Club.
IV. Iba pang Pinag-usapan
-Pagtatalaga ng mga kabilang sa Food Committee
V. Iskedyul para sa susunod na Pulong
-Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika-8:40 n.u
Inihanda ni: Inaprubahan ni:
AYA MADHEL CAFINO GNG. MELISSA A. LERO
Kalihim ng Math and Science Club Punong-Guro
Napagtotoo:
ROBETH Y. BANUA
Presidente ng Math and Science Club
APPLICATION
LETTER
Ika-1 ng Oktubre, 2019
GNG. MARIBEL T. DIMOL
Chief Executive Director
Bank of the Philippine Island
Paseo Perdices, Rizal Blvd., Dumaguete City, Negros Oriental
Mahal na Gng. Dimol:
Isang Pagbati!
Nais ko po sanang mag-apply ng posisyon bilang accounting and financial manager sa inyong kompanya.
Nagkaroon ako ng interes na sumubok na mag-apply sa trabahong ito dahil nakakita ako ng advertisement sa
isang page sa social media na kung saan ay naghahanap ng isang mapagkatitiwalaan, magalang, may malasakit,
masikap, at matatag na accounting and financial manager. At sa tingin ko po ay kwalipikado po ako sa mga
katangian na nabanggit doon.
Ang trabahong ito ay nararapat po sa akin dahil magagamit ang mga kasanayan ko sa
pagsusuri ng mga transaksyon sa negosyo, equation ng accounting, pag-journal, pag-post,
pagbalanse, pagsasaayos ng mga entry, pinansiyal na pahayag at accounting para sa pagbuo
at operasyon ng isang pakikipagtulungan ng isang korporasyon. Ako rin po ay nakapagtrabaho
na sa Banko Sentral ng Pilipinas ng mahigit tatlong taon bilang financial manager at
nakapagtrabaho na rin po ako sa M.Y San Corporation bilang financial analyst. Kung bibigyan
niyo po ako ng pagkakataon na magtrabaho sa inyong kompanya ay masisiguro ko sa inyo na
hindi kayo nagkamali sa pagpili sa akin at papatunayan ko po sa inyo na ako po ay
mapagkatiwalaaan, masipag at magalang sa aking mga kapwa katrabaho.
Kalakip po ang liham na ito ang aking resume na naglalaman ng mas marami pang
impormasiyon tungkol sa akin. Maaari niyo po itong tingnan upang lubos niyo po akong
makilala.
Pwede niyo po akong kontakin sa kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking cellphone
no. na 09352383893 o sa aking email address na ayamadhelcafino@gmail.com.
Marami pong salamat. Nawa’y pagpalain pa ng Poong Maykapal ang inyong kompanya.
Gumagalang,
AYA MADHEL Q. CAFINO
LAKBAY SANAYSAY
Ang Aking Paglalakbay sa Valencia
Ang paglalakbay ay isang paraan upang tayo ay makalimut sa ating mga
problema, maging masaya at mabawasan ang lungkot na nadarama. Sa aking
paglalakbay, kasama ko ang aking pamilya at'yon na siguro ang pinakamasaya
na araw dahil para na din itong family reunion. At ang lugar na aming
pinuntahan ay ang Laverna, Valencia. Napag-isipan namin na doon na lang
gaganapin ang farewell and birthday party ng aking pinsan at tita.
Ang La Verna ay isang highland resort na matatagpuan sa Valencia, Negros Oriental. Ito
ay isang nakakarelaks na lugar kung saan makakakuha ka ng sariwang hangin at
magagandang tanawin ng bayan. Ang isa sa mga pinakamahusay na atraksyon dito ay ang
mga pool-type na pool kung saan ang mga turista ay maaaring lumangoy na may mga isda
tulad ng karp at koi. Hindi man banggitin, ang tubig sa pool ay nagmula sa isang natural na
malamig na tagsibol. Nangangahulugan lamang ito na nakakakuha ka ng sariwang tubig sa
buong araw at gabi.
Masasabi kong ang lugar na ito ay napakaganda ang mga tanawin at
napakalinis ng kanilang kapaligiran. Mayroon din ditong pitong swimming pool
na may slide, may tatlong fishponds na mayroong mga makukulay na mga isda,
mayroon silang mini-zoo, at mga cottages. Ito ang lugar kung saan pwede
magrelax at maglibang sa mga magagandan tanawin.
Ang mga empleyado dito sa Laverna, Valencia ay talagang gumaganap sa kanilang mga tungkulin sapagkat
ang kanilang mga pools at zoo ay napkalinis kumpara sa ibang resort. Pagdating sa serbisyo sa resort, ang La
Verna ay may isa sa mga pinakamahusay na tirahan. Mula sa palakaibigan at madaling lapitan na kawani
hanggang sa maaasahang mga kalalakihan sa utility, garantisadong mong tamasahin ang iyong buong
pananatili sa resort. Ang mga pamilya, kaibigan, kasamahan, at lokal na mga manlalakbay ay maaaring
siguradong samantalahin ang lugar kasama ang magaganda at nakakapreskong mga lugar. Perpekto din ito para
sa mga pagdiriwang tulad ng mga kaarawan, kasalan, debut, anibersaryo, at maging ang mga paglalakad ng
kumpanya o mga aktibidad sa pagbubuo ng koponan.
Ang aking realisasyon sa lugar na ito ay dapat pahalagahan ang ating mga
mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpunta sa mga iba’t-ibang lugar upang
makapagbonding sa inyong mga pamilya. Isa din sa mga realisasyon ko ditto sa
lugar na ‘to ay dapat nating alagaan ang mga likas na yaman sa pamamagitan
ng pagpapanatili ng kalinisan nito.
PHOTO ESSAY
Hindi, katiyakan na mayroon pang higit dyan sa buhay, kaya’t pag-isipan natin ang tungkol dito.
Ating simulan dito, tingnan ang iyong paligid. Maliban lamang kung nakatira ka sa kuweba, ikaw
ay napapaligiran ng mga bagay na ginawa ng ating mga kamay.
Ngayun, bakit natin ginawa ang mga bagay na yaon? Ang kasagutan, syempre,
na ginagawa natin ang mga bagay para gamitin sa bagay makakapaglingkod sa atin. Sa
madaling salita, ginagawa natin ang mga bagay upang maglingkod sa atin. Kaya’t kung
itutuloy natin, bakit tayo nilikha ng Diyos, kundi para paglingkuran Siya?
Kung kikilalanin natin ang ating Tagapaglikha, na kung kaya Niya nilikha ang
sangkatauhan upang paglingkuran Siya, ang susunod na katanungan ay, ‘Paano? Paano
natin Siya paglilikuran?’ Walang pag-aalinlangan, ang katanungang ito ay masasagot ng
pinakatumpak ang nag-iisang lumikha sa atin.
Kung nilikha Niya tayo upang paglingkuran Siya, kaya inaasahan Niya na kumilos
tayo sa itinakdang pamamaraan, kung tayo ay nais na makamit ang ating layunin.
Subalit paano natin malalaman kung anong pamamaraan? Paano natin malalaman kung
ano ang inaasahan ng Diyos mula sa atin?
Ang layunin sa paglikha ng tao ay sumamba sa Tagapaglikha. Ang Islamikong pagkaunawa
ng pagsamba ay nagpapahintulot na buong buhay ay maging gawang pagsamba, hangga’t ang layunin
ng buhay na yan ay kaluguran ng Diyos, na makakamit sa paggawa ng mabuti at pag-iwas mula sa
masama.
Kaya naman, hindi natin maipagkaila na ang pananampalatay talaga ang tunay na
layunin sa buhay. Dahil kung may pananalig tayo sa kanya ay nagdudulot din ito ng
kaginhawaan sa ating buhay pati na rin sa ating pamilya.
REPLEKSIBONG
SANAYSAY
Mga Katanungan:
1. Bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong pagsubok?
Siguro may mga pagsubok o kasawian sa buhay na kailangan kong pagadaanan ng sa gayon ay mas mapagtanto ko ang
tunay na kahulugan ng buhay.
2. Malampasan ko kaya ang pagsubok na ito?
Lahat ng mga pagsubok ay kaya kong lagpasan basta't magtiwala lamang sa sarili at manalig sa Panginoon na gabayan ako
sa anumang pagsubok at kasawian sa buhay.
3. Parusa ba ito ng Diyos sa akin? O sadyang pagsubok lamang ito upang sukatin ang tiwala ko para sa Kanya?
Hindi ito parusa ng Diyos, sa halip ay dapat akong magpasalamat dahil ang mga pagsubok na ito ay magsilbing sandata sa
anumang haomn sa buhay at sinasanay lamang ako ng Diyos ng sa gayon ay mas maging matapang ako kung sakaling may
mas malaki at mabigat man akong haharapin na mga pagsubok.
4. Kailan kaya matapos ang pagsubok na ito? Magwakas pa kaya ito?
Ang mga pagsubok at kasawian ang parte na sa buhay ng tao at upang malampasan natin ito ay maniwala lang ako sa
Panginoon na makakaya kong lampasan ang anumang hamon sa buhay.
5. Kung mahal ako ng Panginoon, bakit hinayaan Niya na maghirap ako sa pagsubok na ito?
Mahal ako ng Panginoon at alam kong binigyan lamang Niya ako ng ganitong pagsubok upang mas maging matatag ako.
6. Sa lahat ng tao dito sa mundo, bakit sa akin pa ito nangyari?
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pagsubok sa buhay kaya wala na akong magawa kundi harapin ang mga ito.
7. Masama ba akong tao? Na kailangan kong maranasan ito?
Sa tingin ko ay may plano ay Panginoon kung bakit ko ito mararanasa at alam ko naman na pinapatnubayan ako ng
Panginoon.
8. Nag-aaral naman ako ng mabuti at ginawa keep naman ang lahay pero bakit kulang pa rin?
May mga bagay talaga na akala natin ay sapat na ngunit sa totoo pa la hindi. Kaya mas dapat akong magpursige at gawin
ang lahat ang aking makakaya.
9. Bakit 'di ako tulad ng iba na mataas ang marka?
May kanya-kanyang mga talento at alam ko na mayroon akong talento at alam k na mayroon akong talento ngunit hindi
ngalang sa larangan na ito.
10. Bakit ba palagi nalang akong ganito?
Dapat tanggapin ko nalang ang katotohanan at humingi ng patnubay sa Panginoon.
Kasawian ng Mababang Marka
Bawat isa sa atin ay may kany-kanyang pagsubok sa buhay. Mga pagsubok na pilit nating nilalabanan upang
malampasan lamang ito. Ngunit kahit anong gawin ay tila ba parang mapagbiro ang tadhana.
Ako yung tipong estudyante na kung may mga gawain ay tinatapos ko ito kaagad. At kung may mga pagsusulit man ay
nagrerebyu din ako. Naranasan ko ding magpuyat upang makagawa lamang ng proyekto at malipasan ng gutom dahilan sa
hindi ma nag-almusal upang hindi lamang mahuli sa pagpasok sa paaralan. Ngunit kahit anong gawin ko ay talagang hindi
pa rin sapat dahil ang mga marka na nakuha ko ay hindi masyadong mataas upang mapabilang sa "top students". Alam kong
napakataas ng mithiin na ito ngunit bilangosang estudyante, hindi naman siguro ito masama. Minsan natanong ko ang aking
sarili at ang Panginoon kung bobo ba ako o may plano ba Siya para sa akin?
Nakakalungkot lang isipin na hindi ako katulad ng iba kong mga kaklase na matatalino. Samantalang ako
ay kahit ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko ay tila ba palpak ang lahat ng aking ginawa at puro kabiguan
lang ang lahat ng aking mga natanggap. Ngunit noong napanood ko sa telebisyon ang " founder" ng Alibaba
Corporation na si Jack Ma, napagtanto ko na may mga bagay na dumadating sa ating buhay sa tamang
anahon. Katulad niya na noon ay sampung beses niyang sinubukan na makapasa sa pasulit sa Harvard
University, sa kasawiang palad ay hindi pa rin siya nagtagumpay. Marami din siyang pinasukan na trabaho
ngunit kabiguan lamang ang kanyang natanggap. Dumating din sa punto na kinwestiyon niya ang Panginoon
kung bakit nangyari ito sa kanya. Katulad lamang ako ni Jack Ma, na may mga kabiguan sa buhay. Yung
pakiramdam ko na parang napag-isahan ako ng mundo. Nguinit habang tumanda na ako, napagtanto ko na
ang marka sa paaralan ay hindi isang basehan sa katangian ng tao.
Ang punto ko lamang dito ay may kanya-kanyang nga lang mga talento at alam ko na
mayroon akong talento, ngunit hindi nga lang sa larangan ng akademiko. Napagtanto ko rin
na may mga bagay na akala ko ay sapat na ngunit sa totoo pa la ay hindi, kaya mas dapat
akong magpursige at gawin amg lahat ng aking makakaya. Kaya tatanggapin ko nalang ang
katotohanan at humingi ng patnubay sa Panginoon na gabayan ako sa aking mga ginagawa
lalong-lalo na kung may mga pagsubok sa aking buhay. At siguro may mga pagsubok o
lasawian sa buhay na kailangan kong pagdaanan ng sa gayon ay mas mapagtanto ko ang
tunay na kuhulugan ng buhay.
RESUME
AYA MADHEL Q. CAFINO
ayamadhelcafino@gmail.com
Zamboanguita Negros Oriental
09352383893
______________________________________________________________________________
Layunin: Makapagtrabaho sa isang marangal na kompanya sa isang posisyon kung saan malilinang at mapa-unlad ang aking
kakayahan at mapatunayan ang aking galing.
Edukasyong Nakamit:
Bachelor of Financial Management
University of the Philippines
2007-2008
Mga Kasanayan:
 Mahusay sa pagsusuri ng mga transaksiyon sa negosyo.
 Magaling sa equation ng accounting, pag-journal, pagbalanse, at pinansiyal na pahayag.
Gawaing Karanasan:
 Nakapagtrabaho sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa mahigit tatlong taon bilang financial manager.
 Assistant in financial management sa UNESCO (Canada) sa loob ng isang taon.
 Financial manager sa MY San Corporation sa loob ng dalawang taon.
Personal na Sanggunian:
 Prof. Juaqin Chavez
Dean sa University of the Philippines
Antonio Luna, Quezon City
09352383893
 Hon. Glenson Alanano
Mayor ng Zamboanguita Negros Oriental
Arellano Street, Zamboanguita Negros Oriental
09281860584
MEMORANDUM
Rachokes Monasa Corporation
rachokesmonasacorp@yahhoo.com
Gyingbong, Seol Korea
MEMORANDUM PANGNEGOSYO
Blg. 05 s. 2019
Para sa:
Chief Operating Officer (COO)
Chief Financial Officer (CFO)
Secretary
Operations Manager
Production Manager
Office Manager
Petsa:
July 7, 2019
PAGPAPATAWAG NG MEETING PARA SAAKTIBIDAD NA TEAM BUILDING
Ipinababatid ng aking opisina na tayo po ay magkakaroon ng pagpupulong bukas November 8, 2019, alas 8:00 ng umaga para
sa ating darating na team building na gaganapin sa November 10, 2019 sa ganap ng 10:00 ng umaga. Tayo po ay matutulog sa
lugar na ating mapapagkasunduan upang manumbalik po ating pagkakaisa at mabuo ulit ang ating samahan. Inaasahan kong
dadalo ka sa pulong, upang higit pang talakayin ang ilang pangwakas na tagubilin. Ibabahagi namin sa iyo ang mga resulta sa
newsletter ng empleyado kapag nakumpleto na.
Your executive,
Aya Mdhel Cafino

More Related Content

What's hot

Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdfHalimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
Niña Paulette Agsaullo
 
Pagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionotePagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionote
yrrehc04rojas
 
Panukalang proyekto
Panukalang proyektoPanukalang proyekto
Panukalang proyekto
MerryRose8
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
JRIorion-STEMA-21stLit-ARMM
JRIorion-STEMA-21stLit-ARMMJRIorion-STEMA-21stLit-ARMM
JRIorion-STEMA-21stLit-ARMM
Jocklyn77
 
Bionote
BionoteBionote
Bionote
DarylJohnMari
 
Adyenda
AdyendaAdyenda
Contemporary arts from region iii
Contemporary arts from region iiiContemporary arts from region iii
Contemporary arts from region iii
GerielQuides
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
christine lazaga
 
Kabanata 6 si basilio
Kabanata 6 si basilioKabanata 6 si basilio
Kabanata 6 si basilio
Hularjervis
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
StemGeneroso
 
MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN Papel-Pananaliksik/Research P...
MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN     Papel-Pananaliksik/Research P...MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN     Papel-Pananaliksik/Research P...
MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN Papel-Pananaliksik/Research P...
JoJo Joestar
 
Kabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El FilibusterismoKabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El Filibusterismo
Lyca Mae
 
Akademikong Pagsulat
Akademikong PagsulatAkademikong Pagsulat
Akademikong Pagsulat
Miguel Dolores
 
Sintesis o buod
Sintesis o buodSintesis o buod
Sintesis o buod
EricaSulatan
 
Fernando Amorsolo
Fernando AmorsoloFernando Amorsolo
Fernando Amorsolo
Ken Zin Niomazuma
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
Katitikan ng Pulong at Memorandum
Katitikan ng Pulong at MemorandumKatitikan ng Pulong at Memorandum
Katitikan ng Pulong at Memorandum
Mary Grace Ayade
 
Pagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiPagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpati
Aannerss
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
yaminohime
 

What's hot (20)

Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdfHalimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
 
Pagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionotePagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionote
 
Panukalang proyekto
Panukalang proyektoPanukalang proyekto
Panukalang proyekto
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
JRIorion-STEMA-21stLit-ARMM
JRIorion-STEMA-21stLit-ARMMJRIorion-STEMA-21stLit-ARMM
JRIorion-STEMA-21stLit-ARMM
 
Bionote
BionoteBionote
Bionote
 
Adyenda
AdyendaAdyenda
Adyenda
 
Contemporary arts from region iii
Contemporary arts from region iiiContemporary arts from region iii
Contemporary arts from region iii
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Kabanata 6 si basilio
Kabanata 6 si basilioKabanata 6 si basilio
Kabanata 6 si basilio
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
 
MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN Papel-Pananaliksik/Research P...
MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN     Papel-Pananaliksik/Research P...MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN     Papel-Pananaliksik/Research P...
MGA DAHILAN AT EPEKTO SA PAGTAAS NG BILIHIN Papel-Pananaliksik/Research P...
 
Kabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El FilibusterismoKabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El Filibusterismo
 
Akademikong Pagsulat
Akademikong PagsulatAkademikong Pagsulat
Akademikong Pagsulat
 
Sintesis o buod
Sintesis o buodSintesis o buod
Sintesis o buod
 
Fernando Amorsolo
Fernando AmorsoloFernando Amorsolo
Fernando Amorsolo
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Katitikan ng Pulong at Memorandum
Katitikan ng Pulong at MemorandumKatitikan ng Pulong at Memorandum
Katitikan ng Pulong at Memorandum
 
Pagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiPagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpati
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
 

Similar to (Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang

(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
Floraine Floresta
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAYKUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
CarmzPeralta
 
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...
Faythsheriegne Godoy
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
StemGeneroso
 
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxDEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
hva403512
 
Migrasyon Dahilan at Epekto
Migrasyon Dahilan at EpektoMigrasyon Dahilan at Epekto
Migrasyon Dahilan at Epekto
JuanCrisostomoIbarra2
 
9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA pptx.pptx
9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA  pptx.pptx9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA  pptx.pptx
9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA pptx.pptx
NymphaMalaboDumdum
 
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
MTB 3 Q3 Week 7.pdf
MTB 3 Q3 Week 7.pdfMTB 3 Q3 Week 7.pdf
MTB 3 Q3 Week 7.pdf
KARENESTACIO1
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx
3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx
3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx
EduardoReyBatuigas2
 
APppt.pptx
APppt.pptxAPppt.pptx
APppt.pptx
GlennComaingking
 
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptxFILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
MaricrisTrinidad1
 
Copy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptx
Copy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptxCopy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptx
Copy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptx
reychelgamboa2
 

Similar to (Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang (20)

(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAYKUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
KUWENTONG BAYAN AT MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
 
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxDEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Migrasyon Dahilan at Epekto
Migrasyon Dahilan at EpektoMigrasyon Dahilan at Epekto
Migrasyon Dahilan at Epekto
 
9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA pptx.pptx
9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA  pptx.pptx9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA  pptx.pptx
9 MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA pptx.pptx
 
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
MTB 3 Q3 Week 7.pdf
MTB 3 Q3 Week 7.pdfMTB 3 Q3 Week 7.pdf
MTB 3 Q3 Week 7.pdf
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx
3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx
3. Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon.pptx
 
APppt.pptx
APppt.pptxAPppt.pptx
APppt.pptx
 
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptxFILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
 
Copy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptx
Copy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptxCopy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptx
Copy of REYCHEL O. GAMBOA-converted.pptx
 

More from Beth Aunab

(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
Beth Aunab
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 

More from Beth Aunab (11)

(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

Recently uploaded

Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 

Recently uploaded (6)

Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
 
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
 

(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang

  • 1. KOMPILASYON NG AKADEMIKONG SULATIN Submitted by: Aya Madhel Cafino Submitted to: Ms. Ana Mellissa Venido
  • 3. ABSTRACT (Unfriend) Ang artikulong ito ay tungkol sa naging tampok na pelikula na pinamagatang “Unfriend”, isang pelikula na tungkol sa mga posibleng epekto ng paggamit ng Internet at social media. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay na naging bisyo na ang paggamit ng Internet at social media. Ang ilan sa mga ginagawa ng mga kabataan na “addict” na sa social media at Internet ay doon na sila kumakain ng kanilang almusal at pananghalian sa harap ng kanilang kompyuter o cellphone at ‘yong iba ay maghapong magdamag na gumagamit ng social media.
  • 4. Ayon sa artikulong ito, karamihan sa mga kabataan na gumagamit ng Internet at social media ay dahil para sa kanila ay lumalaki ang kanilang mundo at marami silang natutunan na impormasyon sa Internet. Ngunit ayon sa psychologist na si Prof. Gerald Aberson, ang sobrang pagkahumaling sa Internet ay maaring ang tao ay madedepress, mawalan ng privacy ang kanilang pagkatao at mababang self-esteem o ‘di kaya’y pagsusuicide dulot ng sobrang paggamit ng Internet. Nabanggit din sa artikulong ito ang halaga sa tunay na mundo kaysa sa mundo ng Internet, na kung saan sa tunay na mundo mayroong tunay na mga kaibiganmat tunay na pamilya. Kumpara sa mundo ng Internet at social media na karamihan ay gumagamit lamang ng mga fake identity.
  • 6. Si ROLANDO A. BERNALES ay nagtapos ng BSE-Filipino bilang cum laude (Master of Art in Teaching) sa linggwistikong Filipino sa Philippine Normal University. Siya ay limang taon na bilang puno ng Departamento ng Lenggwahe at Literatura sa University of Makati at kasalukuyang propesor II. Isa din siyang awtor. ko-awtor, eitor at konsultant ng hindi kukulangin sa 70 na mga aklat sa wika, pagbasa at panitikan na antas mula preschool hanggang tersyarya. Siya rin ay isang akademik konsultant ng Mutya Publishing House, Inc. at Executive Director ng Center for Information Education at Sciences. Siya rin ay isang malikhaing manunulat ng tula, kwento, at sanaysay. Napabilang din siya sa Ten Outstanding Students of the Philippines noong 1989 at nakatanggap siya ng award for Exemplary Performance as Public Servant noong 2000 mula sa pamhalaang lungsod ng Makati at isa sa mga Palanca Awardee. Panghabambuhay din siayng kasapi sa Pambansang Samahan sa Linggwistiko at Literatura ng Filipino. Miyembro ri siya ng KAGURO, SANGHIL, AT APNIEVE.
  • 8. SYNTHESIS Anyo: Explanatory Uri: Background Synthesis Thesis Statement: Ang inflation ay nagdudulot ng masamang epekto lalo na sa mga mamamayang Pilipino. Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, at Konsisyon. Layunin: Mapatunayan ang masamang epekto ng inflation.
  • 9. Paghahalimbawa Sa nakalipas na mga buwan naging maugong sa balita ang inflation rate, isang istadistika na sumusukat sa bilis na pagtaas sa mga presyo ng mga bilihin. Nadama ng mga mamamayang Pilipino ang walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga bigas, gulay, at produktong petrolyo. Ayon kay Astro del Castillo, Presidente at Managing Director ng First Grade Finance, may mga halimbawa ng mga sanhi ng pagsipa ng inflation. Una, ang mga estudyante ay umaaray na sa inflation dahil sa pagtaas ng pasahe ng mga public transportation. Pangalawa, maraming mga mahihirap na mga Pilipino ay hindi na makabili ng mga pangunahing pangangailangan sanhi ng mataas na presyo. Pangatlo, ay ang mga pamilya ng mga OFW ay hirap na magbudget dahil sa mahal na mga bilihin.
  • 10. Komparison at Kontrast Ayon kay Dona Reyes, may mabuting epekto ang inflation sa Pilipinas dahil sa pagtaas sa presyo ay tanda lamang ng unti-unting pag-unlad ng produksyon at ekonomiya, at humihikayat ito na pagbutihin at pataasin ang produksyon. Katulad lamang ito sa pag-aaral ni Udang (2018), EPEKTO NG INPLASYON, mabuti rin ang epekto dahil kung itinuring ng mga Pilipino ang dahilan ngt implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay mahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksyon. Ngunit ayon sa ABS_CBN NEWS (2018), Alamin ang epekto ng implasyon, maraming mga Pilipinoang naghihirap at hindi na makabili ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagtaas ng presyo.
  • 11. Konsesyon Ayon sa artikulo ng ABS-CBN NEWS (2018), ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ng mamamayang Pilipino ay isang uri ng implasyon at walang magandang naidudulot sa mamamayang Pilipino. Kaya naman, hindi talaga nakakatulong ang pagpatupad ng train law at implasyon dahil karamihan sa mga mamamayang Pilipino ang mas lalong naghihirap epekto ng pagtaas ng mga bilihin.
  • 14. Thesis- Driven Synthesis Anyo: Argumentative Synthesis Uri: Thesis-Driven Synthesis Thesis Statement: Ang implasyon ay nagdudulot ng masamang epekto sa alo na sa mamamayang Pilipino. Layunin: Mapatunayan ang masamang epekto ng implasyon. Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, at Konsesyon
  • 15. Paghahalimbawa Ang impalsyon ay ang pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang serbisyo’t produktong binibili ng mga konsyumer. Sa isang pahayag ng Department of Budget ang managemen, National Economic and Development Authorityat Department of Finance,inamin nilang tumaas ang halaga ng bigas, mais, isda, at pamasahe na naging dahilan ng mataas na inflation rate. Ayon sa mga economic manager, ang pagtaas ng gastos sa transportasyon bunga ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.
  • 16. Komparison at Kontrast Ayon sa Pilipino Star Ngayon (2018), ang implasyon ay nagdudulot ng masamang epekto sa bansa. Ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Tumataas na rin ang kaltas sa mga manggagawang Pilipino kaya mas lalong humihirap ang buhay dahil ditto. Sa kabilang banda, ayon kay Rohanisa Abbas (2018), mabuti ang naidudulot ng implasyon sa Pilipinas. Ang mga nalilikom na pera sa Train Law na nagdudulot ng implasyon ay makakatulong sa proyekto para sa BUILD, BUILD, BUILD PROJECT. At bukod ditto ginagamit ang pera na nakuha para bigyang allowance ang mga mamamayang Pilipino na walang trabaho.
  • 17. Konsesyon Ayon kay Joshua Mata, ang Secretary General ng mga Nagkakaisa at Progresibong Mangngawa o SENTRO, hindi sapat ang binibigay na pabuya ng pamahalaan nap ag- alis sa buwis sa mga manggagawang. Dismayado si Mata sa pagpatupad ng pamahalaan ng panibagong tax measurement sa kbila ng bigong pagtugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilbihin sa bansa. Dagdag pa rito, Malaki ang bahagdan ng ating mamamayan ang mawawalan nh kakayahan na makabili ng mga pangunahing pangangailangan sanhi ng mataas na presy. Kaya naman, wala talagang magandang maidudulot ang maapektuhan dito lalong-lalo na ang mga mahihirap.
  • 19. TALUMPATI (West Philippine Sea) Karamihan sa atin ay batid na ang alitan sa pagitan ng Tsina, Vietnam, at Pilipinas ng dahil sa West Philippine Sea. Mga balita patungkol sa mga paghihirap na nararanasan at patuly na mararanasan ng mga mangingisdang Pinoy, tulad na lamang ng pagliit ng kita o ‘di kaya’y kung may nahuli man silang mga isda ay pinapalitan lamang ito ng mga noodles o sardinas ng mga Tsino. Mas lumala pa ang sitwasiyon nang binangga ng mga Chinese Vessels ang tahimik na mag mangingisdang Pinoy. Kailan nga ba nagsimula ang ugnayan China- Pilipinas sa West Philippine Sea? At bakit nagka-interest ang mga Tsino na sakupin ang West Philippine Sea?
  • 20. Panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nang magkasundo ang Plipinas, Vietnam at Tsina para sa isang joint marine seismic undertaking. Matapos ang ilang serye ng mga insidente sa dagat at harassment sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea, nagpasiya ang administrasyon ni Pangulong “Noynoy” Aquino III na idemanda ang Tsina sa arbitration court. Ayon sa ilang eksperto, pagpapalawak ng pwersa militar at ekonomiya ang itinuturong dahilan kung bakit interesado ang Tsina sa West Philippine Sea. At dahil na rin sa mga yamang dagat, langis, petrolyo at mineral. Bumuti ang relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami na umanoy pakinabang na natanggap g ng Pilipinas sa Tsina,tingin ng Pangulo ay,hindi masam ang magbigay ng kaunti sa isang kaibigan..
  • 21. Bumuti nga ba ang kalagayan ng mga mangingisdang Pinoy? Na halos araw-araw ay binabalita patungkol sa hindi makatarungan ginawa ng mga Tsino katulad na lamang ng pagbangga at pag-abandona ng mga mangingisdang Pinoy. Pagkakaibigan ba talaga ang turing ng mga Tsino sa atin? Na kapag ang mga Pinoy ang nahuli ay bugbug–sarado samantalang kapag ang mga Tsinoang nahuli ay nakakutson sila. Batid natin na hindi masama ang kaibiganin ang ibang bansa ngunit batid din natin kung paano nila inaabuso ang kagandahang loob na ipinapakita ng mga Pilipino.
  • 22. Ngayong nalaman niyo na ang mga ito, ano ang pumasok sa inyong isipan? Kung ako ang tatanungin, isa lang ang masasabi ko, “Hindi ito makatarungan.” Hindi dahil mahina tayo ay at malakas ang bansa nila ay abubusuhin na lang nila tayo. At sana’y kumilos ang ating pamahalaan para ayusin ang isyung ito. Alam ko na ang layo ng ating lugar sa West Philippine Sea, pero bilang mag Pilipino, bilang mag-aaral na ng isang paaralan dito sa Pilipinas, tayo na at magkaisa, manalangin, buksan ang ating isipan at itatak ang kasabihan “KUNG ANO ANG NASA TERITORYO NATIN AY MALAMANG ATIN’. At bago ko tatapusin ang aking talumpati gusto ko munang ibahagi sa inyo na “The West Philippine Sea is not for sale not even for sale”. Yun lamang po at maraming salamat.
  • 24. POSISYONG PAPEL (Divorce) Ang divorce ay ang legal na proseso ng pagsasawalang bisa ng kasal. Ito ay ipinatutupad na sa madaming bansa tulad ng bansang Amerika, Japan, China, at iba pa. Handa na ba ang Pilipino upang isabatas ito? Ito ang tanong ng maraming Pilipino tungkol sa maiinit na diskusyon sa diborsyo. Sa ilalim ng hindi mabilang na consolidated bills, tinutukoy ang absolute divorce bilang pinal na paghihiwalay sa pagitan n mag-asawa kung saan sila ay magiging single muli at maaaring magpakasal kung ilang beses nilang gustuhin. Sa puntong ito, ako ay pabor sa diborsyo sa tatlong argumento. Una, maagkaroon ng kapayapaan sa dalawang mag-asawang maghihiway. Pangalawa, maiiwasan ang sakitan at ang pangatlo ay mibibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magkaroon ng panibagong relasyon.
  • 25. Ayon kay Edal Lagman, ang chairman ng Technical Working Group na mag-consolidate sa apat na panukala sa diborsyo at disolusyon sa pagpapakasal, ang nasabing panukala ay magbibigay ng “mercy at liberation” sa mga problemadong buhay mag-asawa kung saan ang physical violence ay ikinoknosidera na isa sa ground para sa diboryso. Nilinaw naman ni Lagman na nag sababing panukala ay pumapabor sa mga kababaihan dahil karamihan ng mga babae ay gustong makapaghiwalay mula sa nilang mapang-abusong nilang relasyon at para maibalik ang kanilang dignidad at self-esteem. Kaya naman dapat talagang ipsabatas ang diborsyo nang sa gayon ay maiiwasan ang sakitan ng mag-asawa, magkaroon ng kapayapaan sa dalawang mag-asawang maghihiwalay.
  • 26. Dapat lang doborsyo sa Pilipinas dahil malaya mong mahihiwalayan ang walang kwenta, adik, at mapanakit mong asawa. Malaya mong hiwalayan ang asawang mong pumapatong sa ibat-ibang kanlungan. Malaya mong ipagmalaki na babae ka na dapat irespeto, igalang, at mahalin. Hindo ka dapat sinasaktan, binubugbog, o pinapalitan. Dahil isa kang biyaya. Kung may diborsyo walang balita patungkol sa mag-asawang nagsasaksakan. Walang balitang may no.2, no.3, o no.4 si mister/misis. Walang balitang binugbug si misis. Mabubuhay ang lahat ng walang pangamba. Walang takot at higit sa lahat, malaya kang pipili at magmamahal ng taong kaya kang irespeto, igalang at mahalin ng lubusan. Tanggap ang nakaraan mo at pilit kinukulayan ang hinaharap mo.
  • 27. Ngayon kung ikaw ang tatanungin ko, pabor ka ba sa diborsyo? Kung hindi, kaya ba ng konsensya mo na makita ang kumara mon a binugbug ng mister niya? Kaya ba ng konsensya mo na Makita ang kumpare mon a may hinihintay siyang iba? O may dalawang asawao higit pa? na iyo ang desisiyun, ngunit mas mainam kong isipin natin kung ano ang mabubuti para sa ating kapwa.
  • 29. PAGSULAT NG AGENDA PETSA: Ika-9 ng Setyembre, 2019 LUGAR: Zamboanguita Science High School RE: Paghahanda sa gaganaping selebrasyon sa Science and Math Club PARA SA: Mga Kasapi ng Science and Math Club MULA KAY: Aya Madhel Q. Cafino
  • 30.
  • 31.
  • 32. SA SUSUNOD NA PAGPUPULONG PETSA: Ika -16 ng Oktubre ORAS: 9:30 n.u
  • 34. Katitikan ng Pangalawang Pulong ng Math and Science Club ng Zamboanguita Science High School Ika-9 ng Setyembre, 2019 Ika-8:40 n.u Sa Grade 12 Generoso Classroom
  • 35. Dumalo: Bb. Robeth Y. Banua _____________Presidente ng Math and Science Club G. Daniel Padilla ____________Bise Presidente ng Math and Science Club Bb. Aya Madhel Cafino ____________Kalihim ng Math and Science Club G. Enrique Gil ____________Treasurer ng Math and Science Club Bb. Liza Soberano ____________P.I.O ng Math and Science Club G. James Reid ____________Auditor ng Math and Science Club Gng. Jayne Gale Verances ___________Math Coordinator Gng. Marlene Elloren ____________Science Coordinator Gng. Nemie Gallardo ____________Guro ng Siyensya Bb. Fredelin Parallon ____________Miyembro ng Math and Science Club Bb. Rhena Mae Rodriguez ____________ Miyembro ng Math and Science Club Bb. Rica Mae Alcano ____________ Miyembro ng Math and Science Club Bb. Rhea Fe Sinajon ____________Guro ng Matematika G. Che Isidore Partosa ____________ Guro ng Matematika Bb. Rosebelle Joy Banua ____________Miyembro ng Math and Science Club
  • 37. Panukalang Agenda: 1. Paghahanda sa selebrasyon ng Math and Science Month I. Pagsimula ng Pulong Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb, Robeth Banua, ang Presidente ng Math and Science Club sa ganap na ika-8:40 ng umaga sa silid-aralan ng Grade-12 Generoso. Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagpapahayag sa paksa na pag- uusapan, ang paghahanda sa selebrasyon ng Math and Science Month, at sinundan ito ng pagroll-coll. At nanalangin muna bago sinimulang talakayin ang pokus na layunin ng pagpupulong na pinangunahan ni Bb. Fredelin Parallon, miyembro ng Math and Science Club.
  • 38. II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong Bago sinimulang pag-usapan ang panukalang agenda, binasa muna ni Bb. Aya Madhel Cafino, ang kalihim ng Math and Science Club, ang katitikan sa nakaraang pagpupulong noong ika-20 ng Agosto, 2019. Ipinahayag niya ang mga bagay na napag-usapan tungkol sa Buwan ng Wika, kasali na rito ang mga patimpalak at mga kalahok, pati na rin ang naganap na Pista ng Nayon noong nakaraang buwan ng Agosto.
  • 39. III. Pagpapatibay ng Panukalang Agenda Sinimulan ang pagpupulong sa pagbukas ng paksa tungkol sa mangyayaring selebrasyon ng Math and Science Month na pinangunahan ni Bb. Robeth Y. Banua. Ang unang pinag-usapan nay ang tungkol sa magiging listahan ng aktibidad at iskedyul para sa Opening Program at Culmination Program na pinangunahan ni G. Daniel Padilla, ang Bise-Presidente ng Math and Science Club. Pinal na napagdesisyunan ang mga petsa, oras, at lugar para sa mga nasabing aktibidad. Gaganapin ang opening program sa ika-1 ng Setyembre, 2019 ng ika-8:00 n.u sa Z.S.H.S stage, ito ay suhestiyon galling kay Rosebelle Banua, isang miyembro ng matematika, na sinang-ayunan ng karamihan. Habang magaganap naman sa ika-30 ng Setyembre, 2019 ng ika-9:30 n.u sa Z.S.H.S stage ang culmination program na suhestiyon nina Bb. Fredelin at Bb. Rica Mae Alcano, mga miyembro ng Math and Science Club, na sinang-ayunan ng mga karamihan.
  • 40. Ang sunod na napag-usapan ay ang pagtatalaga ng mga Program Committee. Ito ay pinangunahan ni nina Bb. Banua at G. Padilla. Ang sumusunod ay ang mga binoto at sinang-ayunan ng karamihan. A. Opening Ceremonies aa. Kaila Enolpe bb. Allyssa Enolpe cc. Fredelin Parallon dd. Andren Credo ee. Aya Madhel Cafino B. Contest Committee aa. Arnold Rabor bb. Gerome Adapon cc. Rhea Luyao dd. Rhena Mae Rodriguez ee. Mary Grace Piala
  • 41. C. Judge Committee aa. Joshua Tubil bb. Jerome Generoso cc. James Deloria dd. Rica Alcano ee. Rosebelle Banua D. Awards Committee aa. Mark Canosa bb. Ren Ayangco cc. Alec Dayot dd. Gelmie Paculanang ee. Abegail Bagaan Ang pangalawang napag-usapan ay ang tungkol sa mga paligsahansa kulminasyon sa Matematika na pinangunahan ni Gng. Jayne Gale Verances. Naglista ng mga posibleng paligsahan at pagkatapos ay bomoto ang lahat, kinuha lamang ang top 5 na may pinakamataas na boto. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa Matematika.
  • 42.  Math Investigation  Tower of Hanoi  Math Sayaw  Math Jingle  Modulo Art Ang pang-apat na napag-usapan ay ang tungkol naman sa mga paligsahan sa kulminasyon sa Agham na pinangunahan ni Gng. Marlene Elloren, isang Science Coordinator. Gaya noong una ay kumuha rin ng top 5 na may pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa Agham.  Science Oral and Written Quiz  Science Investigatory Project  Physics Exhibition  Science Jingle  Science Sayaw
  • 43. Ang panlima ay tungkol sa eskedyul at timeframe ng bawat paligsahan na pinangunahan ni Liza Soberano, ang P.I.O ng Math and Science Club. Ang mga sumusunod ay ang sinang-ayunan ng lahat:  Ika-30 ng Setyembre, 2019 (Culmination Program)  Ika-9:00 n.u magaganap ang mga sumusunod ng sabay-sabay:  Math Investigatory  Modulo Art  Tower of Hanoi  Physics Exhibition  Science Oral and Written Quiz  Science Investigatory Project  Ika-1:00 ng hapon, magsimula ang sumusunod:  Math Jingle  Math Sayaw  Science Jingle  Science Sayaw
  • 44. Ang mga sumusunod ay ang mga napagkasunduan na mga hurado para sa mga ibat-ibang paligsahan:  S.I.P Judges Gng. Ruth Eltanal Gng. Lucy Abejero Gng. Jeannyn Abejero  Math Investigation Judges G. Che Partosa Bb. Rhea Fe Sinajon Gng. Jayne Gale Verances  Math and Science Sayaw Judges G. Che Partosa G. Jimmy Ramos G. Charles Deloria
  • 45. At ang panghuling pinag-usapan ay ang mga awards sa mga mananalo na piningunahan nina G. Enrique Gil, ang treasurer, at G. James Reid, ang auditor ng Math and Science Club. Napag-usapan din ang perang gagamitin para dito kung magkano at kung saan kukuha. Ang sumusunod ay ang napagdesisyunan ng lahat: Medals and Trophies ______________P 5,000.00 Certificates ______________P 1,000.00 School Supplies ______________P 5,000.00 = P 11,000.00 Ang 25% nap era ay kukunin sa SG Fund, habang ang 75% ay kukunin naman sa funds ng Science and Math Club.
  • 46. IV. Iba pang Pinag-usapan -Pagtatalaga ng mga kabilang sa Food Committee V. Iskedyul para sa susunod na Pulong -Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika-8:40 n.u Inihanda ni: Inaprubahan ni: AYA MADHEL CAFINO GNG. MELISSA A. LERO Kalihim ng Math and Science Club Punong-Guro Napagtotoo: ROBETH Y. BANUA Presidente ng Math and Science Club
  • 48. Ika-1 ng Oktubre, 2019 GNG. MARIBEL T. DIMOL Chief Executive Director Bank of the Philippine Island Paseo Perdices, Rizal Blvd., Dumaguete City, Negros Oriental Mahal na Gng. Dimol: Isang Pagbati! Nais ko po sanang mag-apply ng posisyon bilang accounting and financial manager sa inyong kompanya. Nagkaroon ako ng interes na sumubok na mag-apply sa trabahong ito dahil nakakita ako ng advertisement sa isang page sa social media na kung saan ay naghahanap ng isang mapagkatitiwalaan, magalang, may malasakit, masikap, at matatag na accounting and financial manager. At sa tingin ko po ay kwalipikado po ako sa mga katangian na nabanggit doon.
  • 49. Ang trabahong ito ay nararapat po sa akin dahil magagamit ang mga kasanayan ko sa pagsusuri ng mga transaksyon sa negosyo, equation ng accounting, pag-journal, pag-post, pagbalanse, pagsasaayos ng mga entry, pinansiyal na pahayag at accounting para sa pagbuo at operasyon ng isang pakikipagtulungan ng isang korporasyon. Ako rin po ay nakapagtrabaho na sa Banko Sentral ng Pilipinas ng mahigit tatlong taon bilang financial manager at nakapagtrabaho na rin po ako sa M.Y San Corporation bilang financial analyst. Kung bibigyan niyo po ako ng pagkakataon na magtrabaho sa inyong kompanya ay masisiguro ko sa inyo na hindi kayo nagkamali sa pagpili sa akin at papatunayan ko po sa inyo na ako po ay mapagkatiwalaaan, masipag at magalang sa aking mga kapwa katrabaho. Kalakip po ang liham na ito ang aking resume na naglalaman ng mas marami pang impormasiyon tungkol sa akin. Maaari niyo po itong tingnan upang lubos niyo po akong makilala.
  • 50. Pwede niyo po akong kontakin sa kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking cellphone no. na 09352383893 o sa aking email address na ayamadhelcafino@gmail.com. Marami pong salamat. Nawa’y pagpalain pa ng Poong Maykapal ang inyong kompanya. Gumagalang, AYA MADHEL Q. CAFINO
  • 52. Ang Aking Paglalakbay sa Valencia Ang paglalakbay ay isang paraan upang tayo ay makalimut sa ating mga problema, maging masaya at mabawasan ang lungkot na nadarama. Sa aking paglalakbay, kasama ko ang aking pamilya at'yon na siguro ang pinakamasaya na araw dahil para na din itong family reunion. At ang lugar na aming pinuntahan ay ang Laverna, Valencia. Napag-isipan namin na doon na lang gaganapin ang farewell and birthday party ng aking pinsan at tita.
  • 53. Ang La Verna ay isang highland resort na matatagpuan sa Valencia, Negros Oriental. Ito ay isang nakakarelaks na lugar kung saan makakakuha ka ng sariwang hangin at magagandang tanawin ng bayan. Ang isa sa mga pinakamahusay na atraksyon dito ay ang mga pool-type na pool kung saan ang mga turista ay maaaring lumangoy na may mga isda tulad ng karp at koi. Hindi man banggitin, ang tubig sa pool ay nagmula sa isang natural na malamig na tagsibol. Nangangahulugan lamang ito na nakakakuha ka ng sariwang tubig sa buong araw at gabi.
  • 54. Masasabi kong ang lugar na ito ay napakaganda ang mga tanawin at napakalinis ng kanilang kapaligiran. Mayroon din ditong pitong swimming pool na may slide, may tatlong fishponds na mayroong mga makukulay na mga isda, mayroon silang mini-zoo, at mga cottages. Ito ang lugar kung saan pwede magrelax at maglibang sa mga magagandan tanawin.
  • 55. Ang mga empleyado dito sa Laverna, Valencia ay talagang gumaganap sa kanilang mga tungkulin sapagkat ang kanilang mga pools at zoo ay napkalinis kumpara sa ibang resort. Pagdating sa serbisyo sa resort, ang La Verna ay may isa sa mga pinakamahusay na tirahan. Mula sa palakaibigan at madaling lapitan na kawani hanggang sa maaasahang mga kalalakihan sa utility, garantisadong mong tamasahin ang iyong buong pananatili sa resort. Ang mga pamilya, kaibigan, kasamahan, at lokal na mga manlalakbay ay maaaring siguradong samantalahin ang lugar kasama ang magaganda at nakakapreskong mga lugar. Perpekto din ito para sa mga pagdiriwang tulad ng mga kaarawan, kasalan, debut, anibersaryo, at maging ang mga paglalakad ng kumpanya o mga aktibidad sa pagbubuo ng koponan.
  • 56. Ang aking realisasyon sa lugar na ito ay dapat pahalagahan ang ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpunta sa mga iba’t-ibang lugar upang makapagbonding sa inyong mga pamilya. Isa din sa mga realisasyon ko ditto sa lugar na ‘to ay dapat nating alagaan ang mga likas na yaman sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan nito.
  • 58. Hindi, katiyakan na mayroon pang higit dyan sa buhay, kaya’t pag-isipan natin ang tungkol dito. Ating simulan dito, tingnan ang iyong paligid. Maliban lamang kung nakatira ka sa kuweba, ikaw ay napapaligiran ng mga bagay na ginawa ng ating mga kamay.
  • 59. Ngayun, bakit natin ginawa ang mga bagay na yaon? Ang kasagutan, syempre, na ginagawa natin ang mga bagay para gamitin sa bagay makakapaglingkod sa atin. Sa madaling salita, ginagawa natin ang mga bagay upang maglingkod sa atin. Kaya’t kung itutuloy natin, bakit tayo nilikha ng Diyos, kundi para paglingkuran Siya?
  • 60. Kung kikilalanin natin ang ating Tagapaglikha, na kung kaya Niya nilikha ang sangkatauhan upang paglingkuran Siya, ang susunod na katanungan ay, ‘Paano? Paano natin Siya paglilikuran?’ Walang pag-aalinlangan, ang katanungang ito ay masasagot ng pinakatumpak ang nag-iisang lumikha sa atin.
  • 61. Kung nilikha Niya tayo upang paglingkuran Siya, kaya inaasahan Niya na kumilos tayo sa itinakdang pamamaraan, kung tayo ay nais na makamit ang ating layunin. Subalit paano natin malalaman kung anong pamamaraan? Paano natin malalaman kung ano ang inaasahan ng Diyos mula sa atin?
  • 62. Ang layunin sa paglikha ng tao ay sumamba sa Tagapaglikha. Ang Islamikong pagkaunawa ng pagsamba ay nagpapahintulot na buong buhay ay maging gawang pagsamba, hangga’t ang layunin ng buhay na yan ay kaluguran ng Diyos, na makakamit sa paggawa ng mabuti at pag-iwas mula sa masama.
  • 63. Kaya naman, hindi natin maipagkaila na ang pananampalatay talaga ang tunay na layunin sa buhay. Dahil kung may pananalig tayo sa kanya ay nagdudulot din ito ng kaginhawaan sa ating buhay pati na rin sa ating pamilya.
  • 65. Mga Katanungan: 1. Bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong pagsubok? Siguro may mga pagsubok o kasawian sa buhay na kailangan kong pagadaanan ng sa gayon ay mas mapagtanto ko ang tunay na kahulugan ng buhay. 2. Malampasan ko kaya ang pagsubok na ito? Lahat ng mga pagsubok ay kaya kong lagpasan basta't magtiwala lamang sa sarili at manalig sa Panginoon na gabayan ako sa anumang pagsubok at kasawian sa buhay. 3. Parusa ba ito ng Diyos sa akin? O sadyang pagsubok lamang ito upang sukatin ang tiwala ko para sa Kanya? Hindi ito parusa ng Diyos, sa halip ay dapat akong magpasalamat dahil ang mga pagsubok na ito ay magsilbing sandata sa anumang haomn sa buhay at sinasanay lamang ako ng Diyos ng sa gayon ay mas maging matapang ako kung sakaling may mas malaki at mabigat man akong haharapin na mga pagsubok. 4. Kailan kaya matapos ang pagsubok na ito? Magwakas pa kaya ito? Ang mga pagsubok at kasawian ang parte na sa buhay ng tao at upang malampasan natin ito ay maniwala lang ako sa Panginoon na makakaya kong lampasan ang anumang hamon sa buhay. 5. Kung mahal ako ng Panginoon, bakit hinayaan Niya na maghirap ako sa pagsubok na ito? Mahal ako ng Panginoon at alam kong binigyan lamang Niya ako ng ganitong pagsubok upang mas maging matatag ako.
  • 66. 6. Sa lahat ng tao dito sa mundo, bakit sa akin pa ito nangyari? Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pagsubok sa buhay kaya wala na akong magawa kundi harapin ang mga ito. 7. Masama ba akong tao? Na kailangan kong maranasan ito? Sa tingin ko ay may plano ay Panginoon kung bakit ko ito mararanasa at alam ko naman na pinapatnubayan ako ng Panginoon. 8. Nag-aaral naman ako ng mabuti at ginawa keep naman ang lahay pero bakit kulang pa rin? May mga bagay talaga na akala natin ay sapat na ngunit sa totoo pa la hindi. Kaya mas dapat akong magpursige at gawin ang lahat ang aking makakaya. 9. Bakit 'di ako tulad ng iba na mataas ang marka? May kanya-kanyang mga talento at alam ko na mayroon akong talento at alam k na mayroon akong talento ngunit hindi ngalang sa larangan na ito. 10. Bakit ba palagi nalang akong ganito? Dapat tanggapin ko nalang ang katotohanan at humingi ng patnubay sa Panginoon.
  • 67. Kasawian ng Mababang Marka Bawat isa sa atin ay may kany-kanyang pagsubok sa buhay. Mga pagsubok na pilit nating nilalabanan upang malampasan lamang ito. Ngunit kahit anong gawin ay tila ba parang mapagbiro ang tadhana. Ako yung tipong estudyante na kung may mga gawain ay tinatapos ko ito kaagad. At kung may mga pagsusulit man ay nagrerebyu din ako. Naranasan ko ding magpuyat upang makagawa lamang ng proyekto at malipasan ng gutom dahilan sa hindi ma nag-almusal upang hindi lamang mahuli sa pagpasok sa paaralan. Ngunit kahit anong gawin ko ay talagang hindi pa rin sapat dahil ang mga marka na nakuha ko ay hindi masyadong mataas upang mapabilang sa "top students". Alam kong napakataas ng mithiin na ito ngunit bilangosang estudyante, hindi naman siguro ito masama. Minsan natanong ko ang aking sarili at ang Panginoon kung bobo ba ako o may plano ba Siya para sa akin?
  • 68. Nakakalungkot lang isipin na hindi ako katulad ng iba kong mga kaklase na matatalino. Samantalang ako ay kahit ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko ay tila ba palpak ang lahat ng aking ginawa at puro kabiguan lang ang lahat ng aking mga natanggap. Ngunit noong napanood ko sa telebisyon ang " founder" ng Alibaba Corporation na si Jack Ma, napagtanto ko na may mga bagay na dumadating sa ating buhay sa tamang anahon. Katulad niya na noon ay sampung beses niyang sinubukan na makapasa sa pasulit sa Harvard University, sa kasawiang palad ay hindi pa rin siya nagtagumpay. Marami din siyang pinasukan na trabaho ngunit kabiguan lamang ang kanyang natanggap. Dumating din sa punto na kinwestiyon niya ang Panginoon kung bakit nangyari ito sa kanya. Katulad lamang ako ni Jack Ma, na may mga kabiguan sa buhay. Yung pakiramdam ko na parang napag-isahan ako ng mundo. Nguinit habang tumanda na ako, napagtanto ko na ang marka sa paaralan ay hindi isang basehan sa katangian ng tao.
  • 69. Ang punto ko lamang dito ay may kanya-kanyang nga lang mga talento at alam ko na mayroon akong talento, ngunit hindi nga lang sa larangan ng akademiko. Napagtanto ko rin na may mga bagay na akala ko ay sapat na ngunit sa totoo pa la ay hindi, kaya mas dapat akong magpursige at gawin amg lahat ng aking makakaya. Kaya tatanggapin ko nalang ang katotohanan at humingi ng patnubay sa Panginoon na gabayan ako sa aking mga ginagawa lalong-lalo na kung may mga pagsubok sa aking buhay. At siguro may mga pagsubok o lasawian sa buhay na kailangan kong pagdaanan ng sa gayon ay mas mapagtanto ko ang tunay na kuhulugan ng buhay.
  • 71. AYA MADHEL Q. CAFINO ayamadhelcafino@gmail.com Zamboanguita Negros Oriental 09352383893 ______________________________________________________________________________ Layunin: Makapagtrabaho sa isang marangal na kompanya sa isang posisyon kung saan malilinang at mapa-unlad ang aking kakayahan at mapatunayan ang aking galing. Edukasyong Nakamit: Bachelor of Financial Management University of the Philippines 2007-2008 Mga Kasanayan:  Mahusay sa pagsusuri ng mga transaksiyon sa negosyo.  Magaling sa equation ng accounting, pag-journal, pagbalanse, at pinansiyal na pahayag.
  • 72. Gawaing Karanasan:  Nakapagtrabaho sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa mahigit tatlong taon bilang financial manager.  Assistant in financial management sa UNESCO (Canada) sa loob ng isang taon.  Financial manager sa MY San Corporation sa loob ng dalawang taon. Personal na Sanggunian:  Prof. Juaqin Chavez Dean sa University of the Philippines Antonio Luna, Quezon City 09352383893  Hon. Glenson Alanano Mayor ng Zamboanguita Negros Oriental Arellano Street, Zamboanguita Negros Oriental 09281860584
  • 74. Rachokes Monasa Corporation rachokesmonasacorp@yahhoo.com Gyingbong, Seol Korea MEMORANDUM PANGNEGOSYO Blg. 05 s. 2019 Para sa: Chief Operating Officer (COO) Chief Financial Officer (CFO) Secretary Operations Manager Production Manager Office Manager Petsa: July 7, 2019
  • 75. PAGPAPATAWAG NG MEETING PARA SAAKTIBIDAD NA TEAM BUILDING Ipinababatid ng aking opisina na tayo po ay magkakaroon ng pagpupulong bukas November 8, 2019, alas 8:00 ng umaga para sa ating darating na team building na gaganapin sa November 10, 2019 sa ganap ng 10:00 ng umaga. Tayo po ay matutulog sa lugar na ating mapapagkasunduan upang manumbalik po ating pagkakaisa at mabuo ulit ang ating samahan. Inaasahan kong dadalo ka sa pulong, upang higit pang talakayin ang ilang pangwakas na tagubilin. Ibabahagi namin sa iyo ang mga resulta sa newsletter ng empleyado kapag nakumpleto na. Your executive, Aya Mdhel Cafino