2. Si Olet
Anim na taon na si Olet.
Nag-aaral na siya.
Nasa unang baitang na siya.
Si Bb. Santos ang kanyang guro.
Olet anim si taon siya na
guro baitang kanyang
Santos nasa ang unang
Mga Tanong:
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Ilang taon na siya?
3. Nasa anong baitang na si Olet?
4. Sino ang kanyang guro?
3. Sa Lawa
Pumunta sa lawa si Tito.
Kasama niya si Lina sa lawa.
Malayo ang lawa.
Nakita nila ang palaka sa lawa.
Nakita nila ang bibe sa lawa.
Nakita rin nila ang buwaya.
Naku! Ang laki ng buwaya!
Mga Tanong:
1. Sino-sino ang nasa lawa?
2. Ano-ano ang mga nakita niya sa lawa?
3. Ano ang hitsura ng buwaya?
4. Ano ang naramdaman ni Tito nang makita
ang buwaya?
5. Ano kaya ang ginawa ni Tito?
about each if nice than walk
after every jump now thank want
again find just old their way
also first keep only them went
another from kind or then were
any funny know other these when
ask give learn over thing where
back going live people think which
because great long put use word
been had many rain very work
before hers may right would
by high more should write
could house much some your
day how yours
Sight
Words
4. Sako ni Rita
May sako si Rita.
Malaki ang sako.
Puti ang sako.
Nasa mesa ang sako ni Rita.
May saba ang sako.
Marami ang saba sa sako.
May tali ang sako.
Pula ang tali ng sako.
Aba! May laso pa sa tali ng sako!
Mga Tanong:
1. Sino ang may sako?
2. Ano ang laman ng sako?
3. Ano kaya ang gagawin ni Rita?
4. Ano ang damdamin na ipinahahayag sa
katapusan ng kuwento?
5. Ano pa ang puwedeng gawin sa sako?
Ang Mesa ni Lupe
Ito ang mesa ni Lupe.
Malaki ang mesa ni Lupe.
Nasa mesa ang relo ni Lupe.
May baso at tasa sa mesa ni Lupe.
May bola rin sa mesa.
Naku! Ang bola!
Tumama ang bola sa baso.
Hala! Nabasa ang relo sa mesa!
Mga Tanong:
1. Kanino ang mesa?
2. Alin sa sumusunod ang wala sa mesa ni
Lupe?
3. Ano ang nangyari sa baso?
4. Ano kaya ang mangyayari sa relo?
5. Ano kaya ang naramdaman ni Lupe?