NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
Modyul 1 fil sa piling.pptx
1. Modyul 1: Kahulugan at
Katuturan ng Akademikong
Pagsulat
Filipino sa Piling Larang
2. a.Naipapaliwanag ang iba’t ibang konsepto ng
pagpapakahulugan ng akademikong sulatin
b. Nakabubuo ng pagpapatunay sa
pinanindigang paniniwala
c. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa
pagpapalawak sa inilalahad na konsepto
d. Natutukoy ang kahalagahan na
akademikong sulatin bilang isa sa
pangangailangan ng lahat ng kurso
3. PANIMULANG GAWAIN:
1. Ito ay artilkulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at
nararamdaman sa paraang nakalimbag,
A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalaysay D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at
bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D.
Pangangatuwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng
mga pangyayaring aktuwal nas naganap.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D.
Pangangatuwiran
4. 4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o
opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat
sa isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C.
Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran
5. Anyo ng Pagsusulat na nagsasaad ng obserbasyon,
uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari.
A. Paglalahad B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran
5. Kilala ninyo ba sila?
Severino Reyes- ama ng sarswelang tagalog sa kanyang pagsusulat ng mga
kwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.
Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar (Fran·sís·ko Ba·lag·tás Bal·ta·zár) na
“Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na Florante at
Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga pagbabago sa panitikan sa loob ng
pananakop ng mga Español.
6. dakilang makata’t manunulat, si Marcelo H. del Pilar (Mar·sé·lo Eyts del
Pi·lár) ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog at naging ikalawang
editor ng La Solidaridad. Bantog din siyá sa sagisag-panulat na Plaridel. Sa
bantayog ng pagkilos para sa pambansang kalayaan, nása unang hanay si
Plaridel sa piling nina Rizal at Bonifacio.
7. Talakayan:
Anu- ano ang limang makrong kasanayan?
Bakit nga ba sumusulat ang isang tao?
Ano nga ba ang akademikong pagsulat?
Halimbawa ng mga akademikong sulatin.
Ano ang pagkakaiba ng akademikong
pagsulat at personal na pagsulat?
8. AKADEMIKONG PAGSULAT:
Akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa
itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na
antas na pag-iisip.
may mapanuring pag-iisip,
May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o
datos.
mag-organisa ng mga ideya
mag-isip ng lohikal,
magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon
9. halimbawa ng mga akademikong teksto ang abstrak,
bionote,
panukalang proyekto,
talumpati,
sintesis at
replektibong sanaysay
katitikan ng pulong (minutes of the meeting),
posisyong papel, at
agenda.
photo essay at
lakbay – sanaysay o travel essay o travelouge .
10. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang kaibahan ng akademikong pagsulat sa personal na
pagsulat?
2. Maaari bang gawing malikhain ang akademikong pagsulat?
Pangatuwiranan ang sagot.
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat?
Ano-ano ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular na sa
hinaharap?
4. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang
asignaturang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag
magsusulat ng akademikong teksto?