2. YUNIT -Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto
Aralin 1: Pagkilala at Pagpapakahulugan sa Teksto
Batayang Kaalaman
Kung susulat ng teksto, kadalasang ang unang sulat o draft ang produkto ng bugso ng
damdaming nanggagaling sa iyong puso. Ito ang iyong iniisip tungkol sa paksa, ito ang iyong
nadarama. Sumunod dito, kinakailangang ilahad mo nang pormal ang iyong ideya. Paano mo
isusulat ang iyong kuwento?
Balikan ang mahahalagang salik ng isang nasusulat na komposisyon. Gamitin nang
mahusay ang mga salik n aito sa iyong isusulat na teksto.