SlideShare a Scribd company logo
Tiyo Simon
Dula – Pilipinas ni N.P.S. Toribio
Mga Tauhan:
Tiyo Simon - isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala sa buhay
na hindi maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa
Ina – ina ni Boy
Boy – pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang
Oras – Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw.
Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok,
toniko, suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,nakadikit sa dingding ang isang malaking
larawan ng Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa
gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang
pagkainip samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok.
(Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano’ng gagawin mo rito sa bahay
ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos.
Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon...
Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa
banal na pangalan ng Panginoon?
Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
Ina: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na
ito nang may dumi sa kalooban
Boy: Pero...
Ina: Husto na sabi, e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng silid. Saglit na
titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)
Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan?
Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)
Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ...
Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.
Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan ...
(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si Boy.)
Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo... kung gusto mong isama ako ay
maghintay kayo at ako’y magbibihis ... Magsisimba tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay napamangha rin. Tatalikod
na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)
Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon
ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ...
Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...
Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin sasama.
Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi
ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring ...
(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang si Boy.)
Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas
ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain. Sana;y
magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang kapatid na
sumakabilang buhay na ...
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay
sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang mukha, pasasayahin ito, at
saka tutunguhin ang pinto.)
Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-
hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.)
Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at ... (biglang
matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang paa. Matatawa.)
Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos? ...
Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?
Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ...
Tiyo Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos ...
Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit
hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa
pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling
pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig
ko kay Bathala.
Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...
Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang
pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig.
Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.
(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang
alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw.
Magbubuntunghininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin
kay Boy).
Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan,
kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang
pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng
kasiyahan.
Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga
kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang araw ay nangyari sa akin ang isang
sakunang nagpamulat sa aking paningin.
Boy: Ano iyon, Tiyo Simon...?
(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang
sirang manikang maliit.)
Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kaniyang pagtakbo ay
nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siya’y nasagasaan
...Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko, ng
dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya
nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan
kahit sa kamatayan...
Boy: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang
yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng
patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba nananalig na siya ay walang
kamatayan...
(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang tunog ng
batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y
titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika
at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos
na pananalig ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa
isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti
kung pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna,
ng mga kasawian... upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.
(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang mukha ng
ina ni Boy sa pinto.)
Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako natagalan.
Tayo na, Boy...Kuya
Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang
kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na!
(Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas
ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing)

More Related Content

What's hot

Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksAralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
jcreyes3278
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
Danielle Joyce Manacpo
 
Salik na nakakaapekto sa demand
Salik na nakakaapekto sa demandSalik na nakakaapekto sa demand
Salik na nakakaapekto sa demand
marielleangelicaibay
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Juan Miguel Palero
 
filipino 9- Dula
filipino 9- Dulafilipino 9- Dula
filipino 9- Dula
Marvie Aquino
 
Konsepto ng demand
Konsepto ng demandKonsepto ng demand
Konsepto ng demand
markjolocorpuz
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaPRINTDESK by Dan
 
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksKahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Larah Mae Palapal
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
PRINTDESK by Dan
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Juan Miguel Palero
 
Supply
SupplySupply
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiyaAralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
JB Jung
 
Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi PRINTDESK by Dan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
RcCarlNatad1
 
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarityAng lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
cristineyabes1
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
Ai Sama
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
yette0102
 
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
KONSEPTO NG PAG-UNLADKONSEPTO NG PAG-UNLAD
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
Keneth John Cacho
 
What's hot (20)

Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksAralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Salik na nakakaapekto sa demand
Salik na nakakaapekto sa demandSalik na nakakaapekto sa demand
Salik na nakakaapekto sa demand
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
 
filipino 9- Dula
filipino 9- Dulafilipino 9- Dula
filipino 9- Dula
 
Konsepto ng demand
Konsepto ng demandKonsepto ng demand
Konsepto ng demand
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksKahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
Supply
SupplySupply
Supply
 
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiyaAralin 3   iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Aralin 3 iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
 
Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Pang-Ugnay
 
Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
 
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarityAng lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
KONSEPTO NG PAG-UNLADKONSEPTO NG PAG-UNLAD
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
 
Viewers also liked

K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
Nico Granada
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
Jenita Guinoo
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
asa net
 
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asyaSitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
PRINTDESK by Dan
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
Jenita Guinoo
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosPRINTDESK by Dan
 
Usok at salamin
Usok at salaminUsok at salamin
Usok at salamin
PRINTDESK by Dan
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
shekainalea
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
Ghie Maritana Samaniego
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
PRINTDESK by Dan
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Jenita Guinoo
 
Isang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsisIsang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsisPRINTDESK by Dan
 
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang AsyaFilipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
Juan Miguel Palero
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Jenita Guinoo
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaRL Miranda
 
Kung mangarap ka nang matagal
Kung mangarap ka nang matagalKung mangarap ka nang matagal
Kung mangarap ka nang matagalLanie Lyn Alog
 
Plop! click!
Plop! click!Plop! click!
Plop! click!
Ronilyn Arabit
 
Nang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrianNang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrian
PRINTDESK by Dan
 
Viewers also liked (20)

K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asyaSitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
Sitti nurhaliza ginintuang tinig at puso ng asya
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
 
Usok at salamin
Usok at salaminUsok at salamin
Usok at salamin
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
Ang buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklayAng buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklay
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
Isang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsisIsang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsis
 
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang AsyaFilipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salita
 
Kung mangarap ka nang matagal
Kung mangarap ka nang matagalKung mangarap ka nang matagal
Kung mangarap ka nang matagal
 
Plop! click!
Plop! click!Plop! click!
Plop! click!
 
Nang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrianNang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrian
 
Mga patak ng luha
Mga patak ng luhaMga patak ng luha
Mga patak ng luha
 
Similar to Tiyo simon

Tiyo Simon
Tiyo SimonTiyo Simon
Tiyo Simon
Arlyn Duque
 
Filipino 9 aralin 6- dula
Filipino 9  aralin 6- dulaFilipino 9  aralin 6- dula
Filipino 9 aralin 6- dula
KennethSalvador4
 
Filipino 9 modyul aralin 1.5
Filipino 9 modyul aralin 1.5Filipino 9 modyul aralin 1.5
Filipino 9 modyul aralin 1.5
KennethSalvador4
 
235259011 munting-pagsinta
235259011 munting-pagsinta235259011 munting-pagsinta
235259011 munting-pagsinta
Bay Max
 
Munting Pagsinta
Munting PagsintaMunting Pagsinta
Munting Pagsinta
Ai Sama
 
Similar to Tiyo simon (7)

Tiyo Simon
Tiyo SimonTiyo Simon
Tiyo Simon
 
Filipino 9 aralin 6- dula
Filipino 9  aralin 6- dulaFilipino 9  aralin 6- dula
Filipino 9 aralin 6- dula
 
Filipino 9 modyul aralin 1.5
Filipino 9 modyul aralin 1.5Filipino 9 modyul aralin 1.5
Filipino 9 modyul aralin 1.5
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Dula
DulaDula
Dula
 
235259011 munting-pagsinta
235259011 munting-pagsinta235259011 munting-pagsinta
235259011 munting-pagsinta
 
Munting Pagsinta
Munting PagsintaMunting Pagsinta
Munting Pagsinta
 
More from PRINTDESK by Dan

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
PRINTDESK by Dan
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
PRINTDESK by Dan
 
DepEd Mission and Vision
DepEd Mission and VisionDepEd Mission and Vision
DepEd Mission and Vision
PRINTDESK by Dan
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
PRINTDESK by Dan
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
PRINTDESK by Dan
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
PRINTDESK by Dan
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world
PRINTDESK by Dan
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The Goddess
PRINTDESK by Dan
 
Kultura ng taiwan
Kultura ng taiwanKultura ng taiwan
Kultura ng taiwan
PRINTDESK by Dan
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
PRINTDESK by Dan
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
PRINTDESK by Dan
 
Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9
PRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
PRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
PRINTDESK by Dan
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
PRINTDESK by Dan
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4
PRINTDESK by Dan
 
Branches of biology
Branches of biologyBranches of biology
Branches of biology
PRINTDESK by Dan
 
Basketball
BasketballBasketball
Basketball
PRINTDESK by Dan
 
Babasit
BabasitBabasit
Aralpan
AralpanAralpan

More from PRINTDESK by Dan (20)

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
 
DepEd Mission and Vision
DepEd Mission and VisionDepEd Mission and Vision
DepEd Mission and Vision
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The Goddess
 
Kultura ng taiwan
Kultura ng taiwanKultura ng taiwan
Kultura ng taiwan
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
 
Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4
 
Branches of biology
Branches of biologyBranches of biology
Branches of biology
 
Basketball
BasketballBasketball
Basketball
 
Babasit
BabasitBabasit
Babasit
 
Aralpan
AralpanAralpan
Aralpan
 
Recently uploaded

Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
Recently uploaded (6)

Tiyo simon

  • 1. Tiyo Simon Dula – Pilipinas ni N.P.S. Toribio Mga Tauhan: Tiyo Simon - isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala sa buhay na hindi maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa Ina – ina ni Boy Boy – pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang Oras – Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw. Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan. Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.) Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis. Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e! Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano’ng gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw? Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon... Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos. Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon... Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon? Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin... Ina: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban Boy: Pero... Ina: Husto na sabi, e! (Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng silid. Saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.) Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan? Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ... (Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.) Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ... Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama. Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan ... (Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si Boy.)
  • 2. Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo... kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis ... Magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay napamangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.) Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ... Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ... Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring ... (Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang si Boy.) Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain. Sana;y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na ... (Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.) Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ... (Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung- hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.) Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at ... (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang paa. Matatawa.) Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos? ... Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon? Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ... Tiyo Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos ... Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon? Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala. Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?... Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya. (Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy).
  • 3. Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan. Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?... Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin. Boy: Ano iyon, Tiyo Simon...? (Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.) Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kaniyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siya’y nasagasaan ...Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan... Boy: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon? Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan... (Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang tunog ng batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.) Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian... upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay. (Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.) Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na! (Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing)