Tinalakay ng aralin ang konsepto ng alokasyon na tumutukoy sa wastong paglalaan ng pinagkukunang yaman batay sa pangangailangan ng tao. Ipinakilala ang iba't ibang sistemang pang-ekonomiya tulad ng tradisyonal na ekonomiya, market economy, command economy, at mixed economy na may kani-kaniyang paraan ng pagdedesisyon sa produksiyon at distribusyon ng mga kalakal at serbisyo. Layunin ng mga sistemang ito na matugunan ang mga suliranin sa ekonomiya at maiwasan ang kakulangan ng mga produkto.