SlideShare a Scribd company logo
ARALIN 1.3
PANGANGAILANGAN
AT
KAGUSTUHAN
Gawain 1: ILISTA NATIN
Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat ito
nag sunod-sunod ayon sa kahalagahan. Itala ang iyong sagot sa kahong nasa ibaba.
Sampung bagay na mahalaga sa akin bilang isang mag-aaral.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?
 Ang bagay na pinakamahalaga para sa akin ay ang
pagkain dahil ito ang tanging nakapagbibigay sa akin ng
lakas at talino para magsipag sa pag-aaral.
2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?
 Ang aking naging batayan sa ginawang listahan ay ang
pag-iisip ng mga bagay na labis na nakatutulong sa akin
bilang isang mag-aaral, ayon sa aking mga karanasan,
ayon sa aking mga pinagdaanan at ayon sa buhay ko
ngayong kasalukuyan bilang estudyante. Binatay ko ang
aking ginawang listahan ayon sa mga kailangan kong
kagamitan sa aking pag-aaral.
3. Pareho ba ang pagkakasunod-sunod ng iyong listahan sa
listahan ng iyong kamag-aral? Kung hindi, ano sa palagay mo
ang dahilan ng pagkakaiba ng mga ito?
 May mga kamag-aral ako na halos kaparehas ko, pero
may iilan ding hindi ko kaparehas. Sa aking palagay, ang
dahilan kung bakit nagkakaiba ang aming mga listahan ay
dahil sa ang bawat tao ay may iba’t-ibang kagustuhan
ayon sa kanilang pangangailangan, minsan nakadepende
ito sa karanasan at mga pinagdadaanan ng tao.
Gawain 2:WHY OH WHY?
Suriin ang bawataytem sa una atikalawang kolum.Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option AatB.Isulatsa ikatlong kolumang iyong
desisyon.
Option A Option B Dahilan
1. Magte-text Tatawag sa telepono Option A, dahil mas makakamura kung
magtetext ka na lang kaysa sa tumawag, parehas
din naman itong makakarating sa taong nais mo
kausapin.
2. Maglalakad papasok sa paaralan Sasakaypagpasok sa paaralan Option B, dahil sobrang layo ng aking tinitirhan
mula sa aking paaralan kaya mas mainamna
sumakay ako upang hindi malatesa klase.
3. Kakain ng kanin Kakain ng tinapay Option A, dahil mas mabubusog ako sa kanin
kaysa sa tinapay lamang.
4. Supot na plastic Supot na papel Option B, dahil environment-friendlyang papel,.
5. Gagamitng lapis Gagamitng ballpen Option A, dahil ito ang angkopna gamitin para
sa isang estudyante sa hayskul na katulad ko.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?
 Ang aking naging batayan sa ginawang pagpili ayang mga magiging epekto nito sa atin kung sakali ito ang ating piliin,isa rinsa aking
naging batayan ayibinase ko sa aking buhay mismo,kung ano ang aking kailangan ngayong panahon na ito.
2. Maaari bang magbago ang iyong desisyon sa hinaharap? Bakit?
 Opo, posibleng magbago ang aking desisyon sa hinaharapdahil hindi habambuhayiisa lamang ang aking pangangailangan sapagkat
habang lumilipas ang panahon,nag-iiba na ang aking pangangailangan na angkopsa aking edad,atisa ito sa mga salik na
nakaiimpluwensiya sa pangangailangan atkagustuhan.
3. Magkapareho ba ang iyong sagotsa iyong mga kamag-aral? Ano sa palagay
mo ang dahilan ng pagkakaiba o pagkakatulad nito?
 Halos lahatng aking kamag-aral aykatulad ng aking mga sagotngunitmay iilan pa ring hindi.Sa aking palagay,ito aydahil sa pare-
parehas kami ng mga pangangailangan sapagkatpare-parehas lang kaming nasa iisang stage ng pagiging tao.Ang dahilan naman
kung bakitang iilan ayhindi ko katulad aydahil sa magkaiba kami ng kalagayan sa buhay.
Gawain 3: CROSSROADS
Sagutan ang tanong na nasa loob ng kahon na nasa susunod na pahina. Isulat ang
iyong sagot sa kahon ng INITIAL na kaalaman.
INITIAL NA KAALAMAN
Makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sapagkat kapag isinaalang-alang mo ang
konseptong ito, magiging makahulugan ang pagdedesisyong isasagawa dahil mas
pipiliin ng tao ang kanyang pangangailangan kaysa sa kanyang kagustuhan sa
kadahilanang mas mahalaga at importante ang bagay na kanyang kailangan
kumpara sa bagay na gusto niya lamang at dahil dito, magiging matalino ang
kanyang pagdedesisyon na ginawa/ ginagawa/ gagawin.
Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?
Gawain 4: KAILANGAN O KAGUSTUHAN
Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN
ko/kong/ng.
1. GUSTO kong pumunta sa party
2. KAILANGAN kong kumain ng prutas at gulay upang manatiling
malakas ang aking katawan
3. GUSTO kong magbukas ng savings account sa isang matatag na
bangko para sa aking kinabukasan
4. GUSTO kong lumipat sa magandang bahay na may aircon
5. KAILANGAN kong uminom ng tubig pagkatapos kumain
6. GUSTO ko ng mamahaling regalo
7. GUSTO ko ng telebisyon
8. GUSTO kong kumain ng pizza
9. GUSTO kong maglaro ng video game
10. KAILANGAN kong magsuot ng maayos na damit
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?
 Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang
tao sapagkat kailangan ito sa pang-araw-araw na gawain
(necessity) samantalang ang kagustuhan naman ay ang mga
bagay na hinahangad ng tao kung saan mas mataas ang
batayan nito sa pangangailangan at nakakapagdudulot ito ng
kasiyahan sa isang tao (wants).
2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan?
Bakit?
 Nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan kapag ang
kagustuhang ito ay nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan
at kaginhawaan sa buhay at ang kaniyang kailangan ay ang
mga bagay na nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at
kaginhawaan sa buhay.
3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-
aral?
 Ang pagkakaibang aking sagot kumpara sa mga sagot ng
aking mga kamag-aral ay ang kanilang ilang kasagutan ay
“kailangan” nila samantalang ako ay “gusto” ko lamang at
ang ilan naman ay “gusto” nila samantalang ang sa akin ay
“kailangan” ko.
4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang
pangangailangan? Patunayan.
 Opo, maaari po itong mangyari. Bilang halimbawa, may
isang babae na nagkaroon ng problema sa balat, at ang
kaniyang kailangan ay magpahid ng cream na panggamot sa
kanyang sakit, habang nagtatagal, gumagaling na siya at
dumating na din ang panahon na siya ay tuluyan nag
gumaling pero dahil sa kanyang kagustuhan, pinagpatuloy
niya pa rin ang pagpapahid ng nasabing cream kahit na
hindi naman na niya ito kailangan, ito lang ay dahil sa
kagustuhan niyang hindi na muling magkaroon ng problema
sa balat.
Gawain 5:BAITANG-BAITANG
Isulat sa bawat baitangngpyramid ang mgabatayan ngpangangailanganngtaobatay sa teorya niAbraham Harold
Maslow.Lagyandin angmgaito ng mgahalimbawa.Saikalimangbaitangayilagayangpangalanngkilalangtaosa iyong
komunidad nasapalagaymo ay nakaabotsa antasna ito.
Kaganapan ng Pagkatao
(Halimbawa: hindi natatakot mag-isa at gumawa
kasama ang ibang tao, hindi mapagkunwari at totoo
sa kanyang sarili; may kababaang-loob at may
respeto sa ibang tao)
Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang
Tao
(Halimbawa: kailangan ng tao maramdaman ang
kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon)
Pangangailangang Panlipunan
(Halimbawa: kaibigan, kasintahan, pamilya at anak)
Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan
(Halimbawa: kasiguraduhan sa hanapbuhay,
kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at
pisyolohikal, seguridad sa pamilya at seguridad sa
kalusugan)
Pangangailangang Pisyolohikal
(Halimbawa: pagkain, tubig, hangin, pagtulog,
kasuotan at tiarahan)
PamprosesongTanong:
1. Anoang mga pangangailanganngtao ayon kay Abraham Maslow?
 Ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow ay:
Pangangailangang Pisyolohikal, Pangangailangan ng Seguridad at
Kaligtasan, Pangangailangang Panlipunan, Pagkamit ng Respeto sa Sarili at
Respeto ng Ibang tao, at Kaganapan ng Pagkatao.
2. Pwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa
ikalimang baitang na hindi dumadaansa una?Bakit?
 Sa aking palagay, hindi pwedeng makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo,
hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una dahil mga
pangangailangang ito ay parang isang proseso na kung saan kinakailangang
pagdaanan ang lahat ng mga pangangailangan na ito nag sa gayon ay
maging isang produktibong mamamayan. Batay sa teorya, nagagawa
lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung
napunan na ang nasa ibabang antas.
3. Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang?Ano ang dapat
monggawin upangmarating ito?
 Ang pinakamataas na baitang ay ang “Kaganapan ng Pagkatao”. Ayon
kay Maslow, ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao at
mararating lamang ang baitang na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mas mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na katanungan. Ang dapat
kong gawin upang makarating dito ay hindi matakot na mag-isa at matutong
gumawa kasama ang ibang tao. Ako dapat ay magtaglay ng hindi
mapagkunwaring katangian at ako ay dapat maging totoo sa aking sarili at
ang mahalaga ay dapat may kababaang loob ako at may respeto
sa ibang tao. Dapat kong isakatuparan ang mga ito nang sa gayon ay
mapagtagumpayan ko ang pinakamataas na baitang ng pangangailangan na
ito.
Gawain6: PASS MUNA
Ipagpalagay na miyembro kang isang pamilyang binubuo ng limang miyembro.
Nasa ibaba ang listahanng mga dapat pagkagastusanat maaari ninyong ikonsumo sa
buwang ito. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may kabuuang kitana Php10, 000 sa
isang buwan. Lagyan ng tsek(/) ang inyong dapat pagkagastusan, at (x) kung hindi. Isulat
ang dahilankung bakit (x) ang iyong sagot.
MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN (Php)
/ 1. kuryente 1,000
/2. tubig 500
X 3. pagbili ng paboritong junkfood 150
X 4. videogame 100
X 5. upa sa bahay 2,500
X 6. pamamasyal at pagbisitasamgakaibigan 500
/ 7. pagkain ng pamilya 5,000
X 8. panonoodng paborito mong palabas sa
sinehan
180
/ 9. pamasahe at baon mo, ni tatay, kuya, at ate 2,200
/ 10. cable / internet 900
Total (/): 9,600
Mga dahilankung bakit (x) ang sagot.
(3) pagbili ng paboritong junkfood
 Hindi masustansyaang junkfoods, mas mainam na gastusinang perasa mga
nakakabusog at masusustansyang pagkain para maging malakas at malusog.

(4) video game
 Hindi mahalagapara sa akin ang videogame, marami pang ibang paraan upang
magkaroonng entertainment sabuhay, pwedeng maglarong iba’t-ibang larong lahi,
magiging masayaka na, na-eexercise paang katawan mo, o diba? San ka pa? 
(5) upa sa bahay
 Hindi kami nagbabayad ng upa sa bahay na tinitirhannamin, hindi dahil samay
sarili kaming bahay at lupa kundi dahil pinatirakami ng titako, ang kapatid ng
Mama ko sa kanyang bahay.
(6) pamamasyal at pagbisitasamgakaibigan
 Sa tinginko, hindi ko na kailanganpang bisitahinang aking mga kaibigansakani-
kanilang tahanan sapagkat nakikitako naman silahalos buong araw araw-araw sa
aming paaralan.
(8) panonoodng paborito mong palabas sasinehan
 Ginagawako ang bagay na ito paminsan-minsanngunit hindi ko siyanilagyanng
tsekdahil hindi naman siyaganoong kahalagapara pagkagastusan.
Pamprosesong Tanong:
1.Sa iyong ginawang pagdedesisyon, magkano ang
kabuuang halaga na maaari mong magastos o
matipid?
Sa aking ginawang pagdedesisyon, ang
kabuuang halaga na maari kong magastos ay
Php9,600 samantalang ang halaga naman na
maaari kong matipid ay Php400.
2.Ano-ano ang naging batayan mo sa
pagdedesisyon? Bakit?
Ang aking naging batayan sa aking ginawang
pagdedesisyon ay ang pangangailangan at
kagustuhan, mas pinili ko ang mga kailangan
namin bilang pamilya kaysa sa mga
kagustuhan lamang na hindi naman dapat
gaanong pagkagastusan.
3.Bilang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang
personal mong kagustuhan at pangangailangan
sa suliranin ng kakapusan?
Ang pagtugon sa personal na kagustuhan at
pangangailangan ay nakasalalay sa kung
paano pamamahalaan ng tao ang kakapusang
nararanasan nila.
Gawain 7: ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN
Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan
batay sa herarkiya ng mga pangangailangan. Ilahad ang iyong
pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din kung
paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao.
Ang una ay ang pangangailangang pambuhay na kung saan
nakapaloob dito ang mga bagay na ginagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng isang tao.
Ikalawa naman ay ang pangangailangang pangkaligtasan,
seguridad na makapagbibigay ng kapayapaan sa buhay ng isang tao.
Ikatlo ay ang pangangailangang magmahal, kasama dito ang
pakikipag-socialize sa ibang tao, pagkakaroon ng mga kaibigan at
mga taong magmamahal ng buong puso.
Ikaapat naman ay ang pangangailangang pagpapahalaga na
makakamit ang respeto sa sarili at syempre pati na rin sa ibang
tao.
At ang huli, ang pinakamahalaga sa lahat ng mga
pangangailangan ay ang pangangailangang pagkatao na kung saan
dito ay may kamalayan ang tao hindi lamang sa kanyang sariling
potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.
Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan?
 Maisasakatuparan ko ang aking pamantayan sa
pagsasaalang-alang ng mga kahalagahan ng mga pamantayan
na ito at sisimulan sa ibaba hanggang sa taas.
2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit?
 Sa aking palagay, nasa ikatlong baitang pa lamang ako,
ang pangangailangang magmahal, kasama dito ang
pakikipag-socialize sa ibang tao, pagkakaroon ng mga
kaibigan at mga taong magmamahal ng buong puso. Dahil
nasa hayskul pa lamang ako na kung saan nakakilala na
ako ng mga kaibigan na magmamalasakit sa akin.
Gawain 8: CROSSROADS
Matapos ang lahat ng gawain sa LINANGIN, isaayos ang paunang kaalaman sa
kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan at ang kaugnayan nito sa iyong buhay.
Sagutin muli ang tanong sa box sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kahon ng REVISED
NA KAALAMAN.
REVISED NA KAALAMAN
Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan
ito sa pang-araw-araw na gawain (necessity) samantalang ang kagustuhan naman ay
ang mga bagay na hinahangad ng tao kung saan mas mataas ang batayan nito sa
pangangailangan at nakakapagdudulot ito ng kasiyahan sa isang tao (wants).
Ang kaugnayan ng pangangailangan at kagustuhan sa aking buhay ay dito nalilinang
ang pagsasagawa ko ng matalinong pagdedesisyon dahil sa pangangailangan at
kagustuhan, mas pinipili ang pangangailangan dahil ito ang mas mahalaga kaysa sa
kagustuhan na luho lamang ng katawan, na hindi dapat pinagkakagastusan.
Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?
Gawain 9: Ang Bayan Ko
Magsagawa ng obserbasyon sa iyong lokal na komunidad at tingnan kung
ano-ano ang magagandang katangian nito. Gumawa ng editoryal na nagpapakita ng
katangian at kasalukuyang kondisyon ng komunidad at ilarawan sa iyong editoryal kung ano-
ano ang pangangailangan nito batay sa komposisyon ng populasyon.
Ang aming barangay ay tinatawag na Barangay Gordon Heights na kung saan ang mga
mamamayang naninirahan ay palaging nakikiisa kapag may isinasagawang mga proyekto na
tiyak na makabubuti sa lahat ng tao. Ipinaiiral ang kapwa-tao at bolunterismo sa aming
barangay. Isang barangay na nangingibabaw ang kapayapaan at karangalan. Sa aming mga
puso ay nagnunulay ang pagmamalasakit sa aming kapwa-tao. Palaging gumagabay ang
Poong Maykapal. Sama-sama kami sa bawat oras tungo sa aming kaunlaran.
Kasalukuyang nagsasagawa ng iba’t-ibang proyektong pambarangay ang aming
barangay katulad ng tree planting, green community project at marami pang iba na talaga
namang makabubuti sa lahat ng mga mamamayan.
Isa sa mga tinaguriang pinakamalaking barangay sa Olongapo City ay ang aming
barangay, ang Barangay Gordon Heights kung kaya’t minsan ay dumadating na sa puntong
nagkakaroon kami ng problema dahil sa populasyon kagaya na lamang ng kakapusan at
kakulangan sa badyet ng barangay at sa suplay ng mga pagkain at tubig na aming
sinosolusyonan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng konsepto ng ekonomiks na
pangangailangan at kagustuhan.
Maraming suliranin man ang makasalamuha, patuloy pa rin sa paglaban at
pagtutulungan ang mga mamamayan n gaming barangay upang makabangon.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng iyong lokal na komunidad? Bakit?
 Ang mga katangian ng aking lokal na komunidad ay marunong makiisa,
makipagkapwa-tao, mapayapa, makaDiyos at pinaiiral ang bolunterismo at ang
mga katangiang ito ay dulot ng pagtutulungan ng mga mamamayan.
2. Sa iyong palagay, ano ang maaari pang gawin upang lubos na mapakinabangan ang
magagandang katangian ng iyong lokal na komunidad?
 Sa aking palagay, ang isang tanging bagay na maaari naming gawin upang lubos
na mapakinabangan ang magagandang katangian ng aming lokal na komunidad
ay ang pagsasagawa pa ng mga proyektong tiyak na magpapaunlad sa aming
lokal na komunidad.
Gawain 10: PARA SA KINABUKASAN
Gumawa ng isang open lettertungkol sa mga pangangailangan at kagustuhan
ng iyong lokal na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan _________________”
bilang panimula ng iyong open letter. Isulat sa pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito.
Sa kagalang-galang na Olongapo City Mayor, Rolen Paulino,
Para sa kinabukasan at sa aking bayan, ako ay humihiling ng tulong mula sa pamahalaan
ng Lungsod ng Olongapo upang matugunan ang suliraning kinahaharap ng Barangay Gordon
Heights. Mga suliranin katulad ng kakulangan sa seguridad at kaligtasan n gaming barangay dahil
sa hindi sapat ang mga pulis at tanod na nagbabantay sa bawat lugar sa aming barangay, nais kop
o sanang madagdagan ng mga pulis at tanod na siguradong magbabantay ng buong puso sa
bawat tao upang nang sa gayon ay magkaroon kami ng mas mapayapang pamumuhay ng walang
kabang nananalantay sa aming damdamin. Sa barangay kasi namin, hindi ganoong kagandahan at
kayos ang mga kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan araw-araw kung kaya’t gusto ko po sanang
maipagawa ang ilang mga kalsadang delikado ng daanan dahil sa mga sira nito. At isa pa pong
bagay ay ang mga baradong mga kanal na kadalasang umaalingasaw ang masangsang na amoy sa
buong barangay kaya ito ay nagdudulot ng sakit sa mga naninirahang mamamayan. Pati na rin po
ang mga basurahan na nakalagak sa aming barangay, kaugnay po nito, ang mga basurahan ay sa
tingin ko hindi sapat ang bilang dahil kung minsan may iilang residenteng inaangkin ang mga
basurahang dapat nakalagay sa isang kanto bagkus ang nangyayari ay akala mo sila na ang may-
ari ng mga ito na umaabot na sa puntong nakalagay ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan
na parang sila lamang ang may karapatan na magtapon ng basura dito. Yun lamang po ang nais
kong iparating, maraming salamat po!
Gumagalang, Sophia Marie D. Verdeflor, labinlimang taong gulang na
residente ng Barangay Gordon Heights
Gawain 11: CROSSROADS
Matapos ang mga pagwawasto, sagutan ang ikatlong bahagi ng CROSSROADS na nasa
susunod na pahina. Sa gawaing ito ay dapat na maipahayag mo na ang iyong pagkakaunawa sa mga
araling iyong pinag-aralan. Inaasahan sa bahaging ito na alam mo na ang kahalagahan ng
pangangailagan at kagustuhan bilang batayan ng matalino at maunlad na pamumuhay. Isulat ang
iyong sagot sabox ng FINAL NA KAALAMAN.
FINAL NAKAALAMAN
Ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan ay lubos na makatutulong sa
atin lalong-lalo na sapagbuo ng matalinong desisyon sa maraming aspeto. Bilang isang mag-aaral,
ito ay makatutulong sapagbabadyet natin ng oras,dito papasok ang pangangailangan dahil kung
ano muna ang mas mahalaga na dapat unahin ang nararapat na gawin katulad ng pagsasagawa ng
mga proyekto attakdang-aralin, kaysa samga gawaing kagustuhan lamang natin na hindi naman
ganon kahalaga kagaya ng pagtetext, paglalaro samga smartphones, pagsusurf ng internet at
paglalakwatsa. Bilang kasapi ng pamilya, matututo tayong magbadyet ng perang pampamilya, na
dapat munang unahing bilhin ang mga importante sa pamilya (pagkain at tubig) kaysa samga
kagustuhan lamang ng pamilya (malaking tv,baging sofaset,atbp.). Pagdating naman saating
lipunan, gawin dapat ang proyekto na makakabenipisyo ang lahat kaysa naman saisang proyekto na
iilan lamang ang makakabuti. Sa madaling salita, dapat bigyan ng pansin ang pangangailangan
kaysasa kagustuhan.
Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

More Related Content

What's hot

Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Rivera Arnel
 
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...
Pau Gacusan-Paler
 
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
Maria Jiwani Laña
 
Mga pamantayan sa pamimili
Mga pamantayan sa pamimiliMga pamantayan sa pamimili
Mga pamantayan sa pamimili
cruzleah
 
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoMELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
Rivera Arnel
 
Kakapusan at Kakulangan
Kakapusan at KakulanganKakapusan at Kakulangan
Kakapusan at Kakulangan
Cienne Hale
 
Aralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskalAralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskal
Rivera Arnel
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Byahero
 
Implasyon
ImplasyonImplasyon
Implasyon
cherryevangarcia
 
Aralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyonAralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyon
Rivera Arnel
 
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaMELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Rivera Arnel
 
Araling Panlipunan 9 - MELC Updated
Araling Panlipunan 9 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 9 - MELC Updated
Araling Panlipunan 9 - MELC Updated
Chuckry Maunes
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Alexa Ocha
 
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at TungkulinModyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Maria Fe
 
Supply
SupplySupply
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITOANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
John Labrador
 
Ekwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa PamilihanEkwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa Pamilihan
Paulene Gacusan
 
Modyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhan
Modyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhanModyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhan
Modyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhan
Martha Deliquiña
 

What's hot (20)

Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
 
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 2: GAMPANIN NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAMBANSANG KAUNL...
 
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
Mga pamantayan sa pamimili
Mga pamantayan sa pamimiliMga pamantayan sa pamimili
Mga pamantayan sa pamimili
 
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoMELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
 
Kakapusan at Kakulangan
Kakapusan at KakulanganKakapusan at Kakulangan
Kakapusan at Kakulangan
 
Aralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskalAralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskal
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
 
Implasyon
ImplasyonImplasyon
Implasyon
 
Aralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyonAralin 6 produksyon
Aralin 6 produksyon
 
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaMELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
 
Araling Panlipunan 9 - MELC Updated
Araling Panlipunan 9 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 9 - MELC Updated
Araling Panlipunan 9 - MELC Updated
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
 
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at TungkulinModyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
 
Supply
SupplySupply
Supply
 
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITOANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO
 
Ekwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa PamilihanEkwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa Pamilihan
 
Modyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhan
Modyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhanModyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhan
Modyul araling anlipunan 9 aralin 3 pangangailangan at kagustuhan
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 

Similar to Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan

Pangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanPangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhan
jeffrey lubay
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Crystal Mae Salazar
 
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptxKAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
ElvrisCanoneoRamos
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
MarivicYang1
 
ESP 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ESP 4 LAS Q4 MOD1.pdfESP 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ESP 4 LAS Q4 MOD1.pdf
REBECCAABEDES1
 
detaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhb
detaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhbdetaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhb
detaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhb
BaligaJaneIIIPicorro
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
MaCristinaPazcoguinP
 
COT 2.pptx
COT 2.pptxCOT 2.pptx
COT 2.pptx
Perlita Noangay
 
M2 L2.pptx
M2 L2.pptxM2 L2.pptx
M2 L2.pptx
JervisTabangay
 
MASUSING BANGHAY ARALIN.docx
MASUSING BANGHAY ARALIN.docxMASUSING BANGHAY ARALIN.docx
MASUSING BANGHAY ARALIN.docx
MARGIEECHAVARRIA1
 
aralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptx
aralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptxaralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptx
aralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptx
ellerahknayalib
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
RoyAndrada1
 
ADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docx
ADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docxADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docx
ADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docx
KrishaAnnPasamba
 
EsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdfEsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdf
NoelPiedad
 
ESP 10- Q2-W1.1-2.pptx
ESP 10- Q2-W1.1-2.pptxESP 10- Q2-W1.1-2.pptx
ESP 10- Q2-W1.1-2.pptx
LIEZELRIOFLORIDO
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Lemuel Estrada
 
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdfESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ShydenTaghapBillones
 
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdfWLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
GinalynRosique
 

Similar to Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan (20)

Pangangailangan
PangangailanganPangangailangan
Pangangailangan
 
Pangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanPangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhan
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptxKAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
 
ESP 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ESP 4 LAS Q4 MOD1.pdfESP 4 LAS Q4 MOD1.pdf
ESP 4 LAS Q4 MOD1.pdf
 
detaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhb
detaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhbdetaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhb
detaild LP.pptxbgbghhhhhhhsbhxbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnhwbhdbwhwbdhb
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
 
COT 2.pptx
COT 2.pptxCOT 2.pptx
COT 2.pptx
 
M2 L2.pptx
M2 L2.pptxM2 L2.pptx
M2 L2.pptx
 
MASUSING BANGHAY ARALIN.docx
MASUSING BANGHAY ARALIN.docxMASUSING BANGHAY ARALIN.docx
MASUSING BANGHAY ARALIN.docx
 
aralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptx
aralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptxaralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptx
aralin3-kagustuhanatpangangailangan-170424085345.pptx
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
 
ADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docx
ADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docxADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docx
ADM-FILIPINO-3-KASALUNGAT-JESSETT.docx
 
EsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdfEsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdf
 
ESP 10- Q2-W1.1-2.pptx
ESP 10- Q2-W1.1-2.pptxESP 10- Q2-W1.1-2.pptx
ESP 10- Q2-W1.1-2.pptx
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
 
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdfESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
 
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdfWLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
 

More from Sophia Marie Verdeflor

Similar Values and Traditions of Filipino and Chinese
Similar Values and Traditions  of Filipino and Chinese Similar Values and Traditions  of Filipino and Chinese
Similar Values and Traditions of Filipino and Chinese
Sophia Marie Verdeflor
 
Afro-Asian Literature
Afro-Asian LiteratureAfro-Asian Literature
Afro-Asian Literature
Sophia Marie Verdeflor
 
Timeline of Philippine Literature
Timeline of Philippine LiteratureTimeline of Philippine Literature
Timeline of Philippine Literature
Sophia Marie Verdeflor
 
Ilocano Literature
Ilocano LiteratureIlocano Literature
Ilocano Literature
Sophia Marie Verdeflor
 
Introduction to Architecture, Design and Allied Arts
Introduction to Architecture, Design and Allied ArtsIntroduction to Architecture, Design and Allied Arts
Introduction to Architecture, Design and Allied Arts
Sophia Marie Verdeflor
 
Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10
Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10
Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10
Sophia Marie Verdeflor
 
Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Sophia Marie Verdeflor
 
Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Sophia Marie Verdeflor
 
Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Sophia Marie Verdeflor
 
Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Sophia Marie Verdeflor
 
Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Sophia Marie Verdeflor
 
Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...
Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...
Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...
Sophia Marie Verdeflor
 
Character Profile: Simoun, Huli at Kabesang Tales
Character Profile: Simoun, Huli at Kabesang TalesCharacter Profile: Simoun, Huli at Kabesang Tales
Character Profile: Simoun, Huli at Kabesang Tales
Sophia Marie Verdeflor
 
Reaction Paper: Kabanata 37: Ang Hiwaga
Reaction Paper: Kabanata 37: Ang HiwagaReaction Paper: Kabanata 37: Ang Hiwaga
Reaction Paper: Kabanata 37: Ang Hiwaga
Sophia Marie Verdeflor
 
Suring Pelikula - ANAK
Suring Pelikula - ANAKSuring Pelikula - ANAK
Suring Pelikula - ANAK
Sophia Marie Verdeflor
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
Sophia Marie Verdeflor
 
Amelia Earhart Timeline
Amelia Earhart TimelineAmelia Earhart Timeline
Amelia Earhart Timeline
Sophia Marie Verdeflor
 
Thyroid Glands
Thyroid GlandsThyroid Glands
Thyroid Glands
Sophia Marie Verdeflor
 
Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-PagkonsumoStrategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Sophia Marie Verdeflor
 
Pagsulong at Pag-unlad
Pagsulong at Pag-unladPagsulong at Pag-unlad
Pagsulong at Pag-unlad
Sophia Marie Verdeflor
 

More from Sophia Marie Verdeflor (20)

Similar Values and Traditions of Filipino and Chinese
Similar Values and Traditions  of Filipino and Chinese Similar Values and Traditions  of Filipino and Chinese
Similar Values and Traditions of Filipino and Chinese
 
Afro-Asian Literature
Afro-Asian LiteratureAfro-Asian Literature
Afro-Asian Literature
 
Timeline of Philippine Literature
Timeline of Philippine LiteratureTimeline of Philippine Literature
Timeline of Philippine Literature
 
Ilocano Literature
Ilocano LiteratureIlocano Literature
Ilocano Literature
 
Introduction to Architecture, Design and Allied Arts
Introduction to Architecture, Design and Allied ArtsIntroduction to Architecture, Design and Allied Arts
Introduction to Architecture, Design and Allied Arts
 
Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10
Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10
Pamantayan sa Bawat Baitang - Grade 7, 8, 9 & 10
 
Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Teorya - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Mga Dulog sa Pagtuturo - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Limang Pangunahing Kakayahan (Macro Skills) - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Course Desciption - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...
Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...
Ang mga Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-Pagkatuto - Edukasyon...
 
Character Profile: Simoun, Huli at Kabesang Tales
Character Profile: Simoun, Huli at Kabesang TalesCharacter Profile: Simoun, Huli at Kabesang Tales
Character Profile: Simoun, Huli at Kabesang Tales
 
Reaction Paper: Kabanata 37: Ang Hiwaga
Reaction Paper: Kabanata 37: Ang HiwagaReaction Paper: Kabanata 37: Ang Hiwaga
Reaction Paper: Kabanata 37: Ang Hiwaga
 
Suring Pelikula - ANAK
Suring Pelikula - ANAKSuring Pelikula - ANAK
Suring Pelikula - ANAK
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
Amelia Earhart Timeline
Amelia Earhart TimelineAmelia Earhart Timeline
Amelia Earhart Timeline
 
Thyroid Glands
Thyroid GlandsThyroid Glands
Thyroid Glands
 
Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-PagkonsumoStrategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
 
Pagsulong at Pag-unlad
Pagsulong at Pag-unladPagsulong at Pag-unlad
Pagsulong at Pag-unlad
 

Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan

  • 2. Gawain 1: ILISTA NATIN Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat ito nag sunod-sunod ayon sa kahalagahan. Itala ang iyong sagot sa kahong nasa ibaba. Sampung bagay na mahalaga sa akin bilang isang mag-aaral.
  • 3. Pamprosesong Tanong: 1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?  Ang bagay na pinakamahalaga para sa akin ay ang pagkain dahil ito ang tanging nakapagbibigay sa akin ng lakas at talino para magsipag sa pag-aaral. 2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?  Ang aking naging batayan sa ginawang listahan ay ang pag-iisip ng mga bagay na labis na nakatutulong sa akin bilang isang mag-aaral, ayon sa aking mga karanasan, ayon sa aking mga pinagdaanan at ayon sa buhay ko ngayong kasalukuyan bilang estudyante. Binatay ko ang aking ginawang listahan ayon sa mga kailangan kong kagamitan sa aking pag-aaral. 3. Pareho ba ang pagkakasunod-sunod ng iyong listahan sa listahan ng iyong kamag-aral? Kung hindi, ano sa palagay mo ang dahilan ng pagkakaiba ng mga ito?  May mga kamag-aral ako na halos kaparehas ko, pero may iilan ding hindi ko kaparehas. Sa aking palagay, ang dahilan kung bakit nagkakaiba ang aming mga listahan ay dahil sa ang bawat tao ay may iba’t-ibang kagustuhan ayon sa kanilang pangangailangan, minsan nakadepende ito sa karanasan at mga pinagdadaanan ng tao.
  • 4. Gawain 2:WHY OH WHY? Suriin ang bawataytem sa una atikalawang kolum.Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option AatB.Isulatsa ikatlong kolumang iyong desisyon. Option A Option B Dahilan 1. Magte-text Tatawag sa telepono Option A, dahil mas makakamura kung magtetext ka na lang kaysa sa tumawag, parehas din naman itong makakarating sa taong nais mo kausapin. 2. Maglalakad papasok sa paaralan Sasakaypagpasok sa paaralan Option B, dahil sobrang layo ng aking tinitirhan mula sa aking paaralan kaya mas mainamna sumakay ako upang hindi malatesa klase. 3. Kakain ng kanin Kakain ng tinapay Option A, dahil mas mabubusog ako sa kanin kaysa sa tinapay lamang. 4. Supot na plastic Supot na papel Option B, dahil environment-friendlyang papel,. 5. Gagamitng lapis Gagamitng ballpen Option A, dahil ito ang angkopna gamitin para sa isang estudyante sa hayskul na katulad ko. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?  Ang aking naging batayan sa ginawang pagpili ayang mga magiging epekto nito sa atin kung sakali ito ang ating piliin,isa rinsa aking naging batayan ayibinase ko sa aking buhay mismo,kung ano ang aking kailangan ngayong panahon na ito. 2. Maaari bang magbago ang iyong desisyon sa hinaharap? Bakit?  Opo, posibleng magbago ang aking desisyon sa hinaharapdahil hindi habambuhayiisa lamang ang aking pangangailangan sapagkat habang lumilipas ang panahon,nag-iiba na ang aking pangangailangan na angkopsa aking edad,atisa ito sa mga salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan atkagustuhan. 3. Magkapareho ba ang iyong sagotsa iyong mga kamag-aral? Ano sa palagay mo ang dahilan ng pagkakaiba o pagkakatulad nito?  Halos lahatng aking kamag-aral aykatulad ng aking mga sagotngunitmay iilan pa ring hindi.Sa aking palagay,ito aydahil sa pare- parehas kami ng mga pangangailangan sapagkatpare-parehas lang kaming nasa iisang stage ng pagiging tao.Ang dahilan naman kung bakitang iilan ayhindi ko katulad aydahil sa magkaiba kami ng kalagayan sa buhay.
  • 5. Gawain 3: CROSSROADS Sagutan ang tanong na nasa loob ng kahon na nasa susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa kahon ng INITIAL na kaalaman. INITIAL NA KAALAMAN Makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sapagkat kapag isinaalang-alang mo ang konseptong ito, magiging makahulugan ang pagdedesisyong isasagawa dahil mas pipiliin ng tao ang kanyang pangangailangan kaysa sa kanyang kagustuhan sa kadahilanang mas mahalaga at importante ang bagay na kanyang kailangan kumpara sa bagay na gusto niya lamang at dahil dito, magiging matalino ang kanyang pagdedesisyon na ginawa/ ginagawa/ gagawin. Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?
  • 6. Gawain 4: KAILANGAN O KAGUSTUHAN Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng. 1. GUSTO kong pumunta sa party 2. KAILANGAN kong kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan 3. GUSTO kong magbukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking kinabukasan 4. GUSTO kong lumipat sa magandang bahay na may aircon 5. KAILANGAN kong uminom ng tubig pagkatapos kumain 6. GUSTO ko ng mamahaling regalo 7. GUSTO ko ng telebisyon 8. GUSTO kong kumain ng pizza 9. GUSTO kong maglaro ng video game 10. KAILANGAN kong magsuot ng maayos na damit Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?  Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan ito sa pang-araw-araw na gawain (necessity) samantalang ang kagustuhan naman ay ang mga bagay na hinahangad ng tao kung saan mas mataas ang batayan nito sa pangangailangan at nakakapagdudulot ito ng kasiyahan sa isang tao (wants).
  • 7. 2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?  Nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan kapag ang kagustuhang ito ay nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay at ang kaniyang kailangan ay ang mga bagay na nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay. 3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag- aral?  Ang pagkakaibang aking sagot kumpara sa mga sagot ng aking mga kamag-aral ay ang kanilang ilang kasagutan ay “kailangan” nila samantalang ako ay “gusto” ko lamang at ang ilan naman ay “gusto” nila samantalang ang sa akin ay “kailangan” ko. 4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan? Patunayan.  Opo, maaari po itong mangyari. Bilang halimbawa, may isang babae na nagkaroon ng problema sa balat, at ang kaniyang kailangan ay magpahid ng cream na panggamot sa kanyang sakit, habang nagtatagal, gumagaling na siya at dumating na din ang panahon na siya ay tuluyan nag gumaling pero dahil sa kanyang kagustuhan, pinagpatuloy niya pa rin ang pagpapahid ng nasabing cream kahit na hindi naman na niya ito kailangan, ito lang ay dahil sa kagustuhan niyang hindi na muling magkaroon ng problema sa balat.
  • 8. Gawain 5:BAITANG-BAITANG Isulat sa bawat baitangngpyramid ang mgabatayan ngpangangailanganngtaobatay sa teorya niAbraham Harold Maslow.Lagyandin angmgaito ng mgahalimbawa.Saikalimangbaitangayilagayangpangalanngkilalangtaosa iyong komunidad nasapalagaymo ay nakaabotsa antasna ito. Kaganapan ng Pagkatao (Halimbawa: hindi natatakot mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao, hindi mapagkunwari at totoo sa kanyang sarili; may kababaang-loob at may respeto sa ibang tao) Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang Tao (Halimbawa: kailangan ng tao maramdaman ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon) Pangangailangang Panlipunan (Halimbawa: kaibigan, kasintahan, pamilya at anak) Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan (Halimbawa: kasiguraduhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya at seguridad sa kalusugan) Pangangailangang Pisyolohikal (Halimbawa: pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan at tiarahan)
  • 9. PamprosesongTanong: 1. Anoang mga pangangailanganngtao ayon kay Abraham Maslow?  Ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow ay: Pangangailangang Pisyolohikal, Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan, Pangangailangang Panlipunan, Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao, at Kaganapan ng Pagkatao. 2. Pwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaansa una?Bakit?  Sa aking palagay, hindi pwedeng makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo, hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una dahil mga pangangailangang ito ay parang isang proseso na kung saan kinakailangang pagdaanan ang lahat ng mga pangangailangan na ito nag sa gayon ay maging isang produktibong mamamayan. Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas. 3. Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang?Ano ang dapat monggawin upangmarating ito?  Ang pinakamataas na baitang ay ang “Kaganapan ng Pagkatao”. Ayon kay Maslow, ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao at mararating lamang ang baitang na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na katanungan. Ang dapat kong gawin upang makarating dito ay hindi matakot na mag-isa at matutong gumawa kasama ang ibang tao. Ako dapat ay magtaglay ng hindi mapagkunwaring katangian at ako ay dapat maging totoo sa aking sarili at ang mahalaga ay dapat may kababaang loob ako at may respeto sa ibang tao. Dapat kong isakatuparan ang mga ito nang sa gayon ay mapagtagumpayan ko ang pinakamataas na baitang ng pangangailangan na ito.
  • 10. Gawain6: PASS MUNA Ipagpalagay na miyembro kang isang pamilyang binubuo ng limang miyembro. Nasa ibaba ang listahanng mga dapat pagkagastusanat maaari ninyong ikonsumo sa buwang ito. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may kabuuang kitana Php10, 000 sa isang buwan. Lagyan ng tsek(/) ang inyong dapat pagkagastusan, at (x) kung hindi. Isulat ang dahilankung bakit (x) ang iyong sagot. MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN (Php) / 1. kuryente 1,000 /2. tubig 500 X 3. pagbili ng paboritong junkfood 150 X 4. videogame 100 X 5. upa sa bahay 2,500 X 6. pamamasyal at pagbisitasamgakaibigan 500 / 7. pagkain ng pamilya 5,000 X 8. panonoodng paborito mong palabas sa sinehan 180 / 9. pamasahe at baon mo, ni tatay, kuya, at ate 2,200 / 10. cable / internet 900 Total (/): 9,600 Mga dahilankung bakit (x) ang sagot. (3) pagbili ng paboritong junkfood  Hindi masustansyaang junkfoods, mas mainam na gastusinang perasa mga nakakabusog at masusustansyang pagkain para maging malakas at malusog.  (4) video game  Hindi mahalagapara sa akin ang videogame, marami pang ibang paraan upang magkaroonng entertainment sabuhay, pwedeng maglarong iba’t-ibang larong lahi, magiging masayaka na, na-eexercise paang katawan mo, o diba? San ka pa?  (5) upa sa bahay  Hindi kami nagbabayad ng upa sa bahay na tinitirhannamin, hindi dahil samay sarili kaming bahay at lupa kundi dahil pinatirakami ng titako, ang kapatid ng Mama ko sa kanyang bahay. (6) pamamasyal at pagbisitasamgakaibigan  Sa tinginko, hindi ko na kailanganpang bisitahinang aking mga kaibigansakani- kanilang tahanan sapagkat nakikitako naman silahalos buong araw araw-araw sa aming paaralan. (8) panonoodng paborito mong palabas sasinehan  Ginagawako ang bagay na ito paminsan-minsanngunit hindi ko siyanilagyanng tsekdahil hindi naman siyaganoong kahalagapara pagkagastusan.
  • 11. Pamprosesong Tanong: 1.Sa iyong ginawang pagdedesisyon, magkano ang kabuuang halaga na maaari mong magastos o matipid? Sa aking ginawang pagdedesisyon, ang kabuuang halaga na maari kong magastos ay Php9,600 samantalang ang halaga naman na maaari kong matipid ay Php400. 2.Ano-ano ang naging batayan mo sa pagdedesisyon? Bakit? Ang aking naging batayan sa aking ginawang pagdedesisyon ay ang pangangailangan at kagustuhan, mas pinili ko ang mga kailangan namin bilang pamilya kaysa sa mga kagustuhan lamang na hindi naman dapat gaanong pagkagastusan. 3.Bilang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang personal mong kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan? Ang pagtugon sa personal na kagustuhan at pangangailangan ay nakasalalay sa kung paano pamamahalaan ng tao ang kakapusang nararanasan nila.
  • 12. Gawain 7: ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao. Ang una ay ang pangangailangang pambuhay na kung saan nakapaloob dito ang mga bagay na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Ikalawa naman ay ang pangangailangang pangkaligtasan, seguridad na makapagbibigay ng kapayapaan sa buhay ng isang tao. Ikatlo ay ang pangangailangang magmahal, kasama dito ang pakikipag-socialize sa ibang tao, pagkakaroon ng mga kaibigan at mga taong magmamahal ng buong puso. Ikaapat naman ay ang pangangailangang pagpapahalaga na makakamit ang respeto sa sarili at syempre pati na rin sa ibang tao. At ang huli, ang pinakamahalaga sa lahat ng mga pangangailangan ay ang pangangailangang pagkatao na kung saan dito ay may kamalayan ang tao hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao. Pamprosesong Tanong: 1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan?  Maisasakatuparan ko ang aking pamantayan sa pagsasaalang-alang ng mga kahalagahan ng mga pamantayan na ito at sisimulan sa ibaba hanggang sa taas. 2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit?  Sa aking palagay, nasa ikatlong baitang pa lamang ako, ang pangangailangang magmahal, kasama dito ang pakikipag-socialize sa ibang tao, pagkakaroon ng mga kaibigan at mga taong magmamahal ng buong puso. Dahil nasa hayskul pa lamang ako na kung saan nakakilala na ako ng mga kaibigan na magmamalasakit sa akin.
  • 13. Gawain 8: CROSSROADS Matapos ang lahat ng gawain sa LINANGIN, isaayos ang paunang kaalaman sa kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan at ang kaugnayan nito sa iyong buhay. Sagutin muli ang tanong sa box sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kahon ng REVISED NA KAALAMAN. REVISED NA KAALAMAN Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan ito sa pang-araw-araw na gawain (necessity) samantalang ang kagustuhan naman ay ang mga bagay na hinahangad ng tao kung saan mas mataas ang batayan nito sa pangangailangan at nakakapagdudulot ito ng kasiyahan sa isang tao (wants). Ang kaugnayan ng pangangailangan at kagustuhan sa aking buhay ay dito nalilinang ang pagsasagawa ko ng matalinong pagdedesisyon dahil sa pangangailangan at kagustuhan, mas pinipili ang pangangailangan dahil ito ang mas mahalaga kaysa sa kagustuhan na luho lamang ng katawan, na hindi dapat pinagkakagastusan. Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?
  • 14. Gawain 9: Ang Bayan Ko Magsagawa ng obserbasyon sa iyong lokal na komunidad at tingnan kung ano-ano ang magagandang katangian nito. Gumawa ng editoryal na nagpapakita ng katangian at kasalukuyang kondisyon ng komunidad at ilarawan sa iyong editoryal kung ano- ano ang pangangailangan nito batay sa komposisyon ng populasyon. Ang aming barangay ay tinatawag na Barangay Gordon Heights na kung saan ang mga mamamayang naninirahan ay palaging nakikiisa kapag may isinasagawang mga proyekto na tiyak na makabubuti sa lahat ng tao. Ipinaiiral ang kapwa-tao at bolunterismo sa aming barangay. Isang barangay na nangingibabaw ang kapayapaan at karangalan. Sa aming mga puso ay nagnunulay ang pagmamalasakit sa aming kapwa-tao. Palaging gumagabay ang Poong Maykapal. Sama-sama kami sa bawat oras tungo sa aming kaunlaran. Kasalukuyang nagsasagawa ng iba’t-ibang proyektong pambarangay ang aming barangay katulad ng tree planting, green community project at marami pang iba na talaga namang makabubuti sa lahat ng mga mamamayan. Isa sa mga tinaguriang pinakamalaking barangay sa Olongapo City ay ang aming barangay, ang Barangay Gordon Heights kung kaya’t minsan ay dumadating na sa puntong nagkakaroon kami ng problema dahil sa populasyon kagaya na lamang ng kakapusan at kakulangan sa badyet ng barangay at sa suplay ng mga pagkain at tubig na aming sinosolusyonan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng konsepto ng ekonomiks na pangangailangan at kagustuhan. Maraming suliranin man ang makasalamuha, patuloy pa rin sa paglaban at pagtutulungan ang mga mamamayan n gaming barangay upang makabangon. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang mga katangian ng iyong lokal na komunidad? Bakit?  Ang mga katangian ng aking lokal na komunidad ay marunong makiisa, makipagkapwa-tao, mapayapa, makaDiyos at pinaiiral ang bolunterismo at ang mga katangiang ito ay dulot ng pagtutulungan ng mga mamamayan. 2. Sa iyong palagay, ano ang maaari pang gawin upang lubos na mapakinabangan ang magagandang katangian ng iyong lokal na komunidad?  Sa aking palagay, ang isang tanging bagay na maaari naming gawin upang lubos na mapakinabangan ang magagandang katangian ng aming lokal na komunidad ay ang pagsasagawa pa ng mga proyektong tiyak na magpapaunlad sa aming lokal na komunidad.
  • 15. Gawain 10: PARA SA KINABUKASAN Gumawa ng isang open lettertungkol sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iyong lokal na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan _________________” bilang panimula ng iyong open letter. Isulat sa pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito. Sa kagalang-galang na Olongapo City Mayor, Rolen Paulino, Para sa kinabukasan at sa aking bayan, ako ay humihiling ng tulong mula sa pamahalaan ng Lungsod ng Olongapo upang matugunan ang suliraning kinahaharap ng Barangay Gordon Heights. Mga suliranin katulad ng kakulangan sa seguridad at kaligtasan n gaming barangay dahil sa hindi sapat ang mga pulis at tanod na nagbabantay sa bawat lugar sa aming barangay, nais kop o sanang madagdagan ng mga pulis at tanod na siguradong magbabantay ng buong puso sa bawat tao upang nang sa gayon ay magkaroon kami ng mas mapayapang pamumuhay ng walang kabang nananalantay sa aming damdamin. Sa barangay kasi namin, hindi ganoong kagandahan at kayos ang mga kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan araw-araw kung kaya’t gusto ko po sanang maipagawa ang ilang mga kalsadang delikado ng daanan dahil sa mga sira nito. At isa pa pong bagay ay ang mga baradong mga kanal na kadalasang umaalingasaw ang masangsang na amoy sa buong barangay kaya ito ay nagdudulot ng sakit sa mga naninirahang mamamayan. Pati na rin po ang mga basurahan na nakalagak sa aming barangay, kaugnay po nito, ang mga basurahan ay sa tingin ko hindi sapat ang bilang dahil kung minsan may iilang residenteng inaangkin ang mga basurahang dapat nakalagay sa isang kanto bagkus ang nangyayari ay akala mo sila na ang may- ari ng mga ito na umaabot na sa puntong nakalagay ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan na parang sila lamang ang may karapatan na magtapon ng basura dito. Yun lamang po ang nais kong iparating, maraming salamat po! Gumagalang, Sophia Marie D. Verdeflor, labinlimang taong gulang na residente ng Barangay Gordon Heights
  • 16. Gawain 11: CROSSROADS Matapos ang mga pagwawasto, sagutan ang ikatlong bahagi ng CROSSROADS na nasa susunod na pahina. Sa gawaing ito ay dapat na maipahayag mo na ang iyong pagkakaunawa sa mga araling iyong pinag-aralan. Inaasahan sa bahaging ito na alam mo na ang kahalagahan ng pangangailagan at kagustuhan bilang batayan ng matalino at maunlad na pamumuhay. Isulat ang iyong sagot sabox ng FINAL NA KAALAMAN. FINAL NAKAALAMAN Ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan ay lubos na makatutulong sa atin lalong-lalo na sapagbuo ng matalinong desisyon sa maraming aspeto. Bilang isang mag-aaral, ito ay makatutulong sapagbabadyet natin ng oras,dito papasok ang pangangailangan dahil kung ano muna ang mas mahalaga na dapat unahin ang nararapat na gawin katulad ng pagsasagawa ng mga proyekto attakdang-aralin, kaysa samga gawaing kagustuhan lamang natin na hindi naman ganon kahalaga kagaya ng pagtetext, paglalaro samga smartphones, pagsusurf ng internet at paglalakwatsa. Bilang kasapi ng pamilya, matututo tayong magbadyet ng perang pampamilya, na dapat munang unahing bilhin ang mga importante sa pamilya (pagkain at tubig) kaysa samga kagustuhan lamang ng pamilya (malaking tv,baging sofaset,atbp.). Pagdating naman saating lipunan, gawin dapat ang proyekto na makakabenipisyo ang lahat kaysa naman saisang proyekto na iilan lamang ang makakabuti. Sa madaling salita, dapat bigyan ng pansin ang pangangailangan kaysasa kagustuhan. Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?