Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at OpinyonDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at OpinyonDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Agham 3 yunit iii aralin 5 pinagmulan at gamit ng liwanagDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Pinadaling aralin para sa unang baitang. Wastong gamit ng pang-ukol na para kay, para sa, ayon kay, ayon sa, tungkol kay, tungkol sa, kasama ng mga pagtataya para sa pakatuto.
Agham 3 yunit iii aralin 5 pinagmulan at gamit ng liwanagDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Pinadaling aralin para sa unang baitang. Wastong gamit ng pang-ukol na para kay, para sa, ayon kay, ayon sa, tungkol kay, tungkol sa, kasama ng mga pagtataya para sa pakatuto.
Edukasyon sa Pagpapakatao II Quarter 3 Week 4 Pagiging Masinop 1. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng kamalayan sa karapatang pantao ng bata, pagkamasunurin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng kapaligiran at ng bansang kinabibilangan.
2. Pamantayang Pagganap: Naisasabuhay ang pagsunod sa iba’t ibang paraan ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan at bansa
3. MELC: Nakagagamit nang masinop ng anumang bagay tulad ng tubig, pagkain, enerhiya at iba pa.
EsP2PPP-IIId-e– 10
1. Naipapahayag ang wastong pagpapahalaga at paggamit ng anumang bagay.
2. Naisasagawa ang wastong pagpapahalaga at paggamit ng anumang bagay.
3. Nakapagbabahagi sa wastong pagpapahalaga at paggamit ng anumang bagay.
1. PAGLALAHAD/PAGTATALAKAY
(naiuugnay ang nakaraang aralin at naipapaliwanag ang kahalagahan ng aralin)
Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong ukol dito. Piliin ang letra ng iyong sagot.
Ang Paalala Kay Joven
Isinulat ni: Jenny B. Magbanua
Si Joven ay nag-iisang anak. Ang kanyang mga magulang ay laging wala sa kanilang bahay dahil sa paghahanaphuhay. Isang araw, dinala si Joven ng kanyang mga magulang sa bahay ng kanyang lolo at lola upang doon muna mamalagi.
Tinawag ng kanyang lola si Joven dahil handa na ang hapunan. “Joven, maghugas na ng kamay at kakain na tayo.” utos ng kanyang lola. “Opo lola.” tugon ni Joven.
Pagkatapos maghugas ng kamay ay dali-dali siyang naupo sa hapag-kainan upang makakain. “Joven, may nakalimutan ka na naman!” paalala ng kanyang lola. Tumayo agad si Joven at pumunta sa lababo. Isinara niya ang gripo.
“Apo, lagi ko bang ipapaalala sayo ang pagsasara ng gripo pagkatapos mong gamitin?” “Pasensiya na po kayo lola. Gutom na po kasi ako kaya nakalimutan ko ang inyong laging paalala sa akin na maging masinop sa mga bagay sa paligid tulad ng tubig, kuryente, pagkain at iba pang mga bagay.” tugon ni Joven sa kanyang lola.
Muling tumayo si Joven mula sa pagkakaupo sa kusina. Pumunta ito sa sala at tinanggal ang saksakan ng telebisyon.
Nakangiti ang kanyang lolo at lola nang siya ay makabalik sa hapag-kainan. Pagkatapos ng panalangin, kumuha si Joven ng kanin at ulam na kaya lamang niyang ubusin.
Pagkatapos ng pananghalian ay tumulong si Joven sa kanyang lola sa pagliligpit ng pinagkainan. Tinulungan din niya ang kanyang lolo sa pagliligpit ng mga ginamit sa pag-aayos ng sirang tubo ng tubig sa kanilang palikuran.
1. Ano ang paalala kay Joven ng kanyang lola?
a. Maging masinop sa mga bagay sa paligid.
b. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
c. Tumulong sa mga gawaing bahay.
2. Bakit biglang tumayo si Joven mula sa kanyang upuan?
a. Nakalimutan niyang isara ang gripo at tanggalin sa saksakan ang kable ng telebisyon.
b. Nakalimutan niyang iligpit ang kanyang laruan at linisin ang mga ito.
c. Nakalimutan niyang magsabon at maghugas ng kanyang kamay bago kumain.
3. Tama bang iniwan ni Joven na nakabukas ang gripo pagkatapos niyang maghugas ng kamay?
a. Opo, dahil m
5. Kataka-takang walang imik buong
araw si Lydia. Napansin kong sa buong
araw ay hindi man lang siya nakibahagi
sa mga talakayan. Sa mga pangkatang
gawain ay hindi rin siya nakilahok. Wala
man lang ngiti sa kanyang mukha. Bakas
sa kanyang mga mata na siya ay umiyak.
Hindi ako sanay may makitang ganito di
Lydia.
6. Nang lapitan ko siya ay bigla na siyang
umiyak. Tinapik ko ang kanyang mga balikat at
tumabi sa kaniya. Nagsimula siyang magkuwento
na ngayon ang kaisang taon ng pagkamatay ng
kanyang mahal na tatay.
Tahimik kaming dalawa habang nakaupo
pagkatapos niyang magkwento na noong buhay pa
ang kanyang tatay ay hindi nito nakakaligtaang
mag-uwi ng pasalubong mula sa kanyang trabaho
kahit ito ay kendi lang, pansit na hindi nauubos o
di kaya’y lapis na maaaring gamitin ni Lydia sa
paaralan. TInapik ko ang kaniyang balikat sabay
sabi:” Lydia, ganyan talaga ang buhay.
7. Lahat tayo ay
pahiram lang sa mundo.
Nauna lang ang tatay mo.
Magpasalamat na lang
tayo at minsan ay
naranasan natin ang
pagmamahal ng ating
tatay. May mga bata na
hindi na nila nakita o
nakilala man lang ang
kanilang magulang”
8. 1. Kilalanin mo sina Mina at Lydia
batay sa binasang kwento. Magbigay
ng katangian ng dalawa.
2. Mula sa mga katangiang iyong
nabanggit, masasabi mo ba kung
sino sa kanila ang nagpapakita ng
pag-unawa sa damdamin ng kapuwa?
Ipaliwanag ang iyong sagot
3. May maibabahagi ka bang
karanasan tulad ng kay Mina?
12. 2. Gamit ang iyong kuwaderno,
gumuhit ng dalawang puso.
3. Sa unang puso, isulat kung ano
ang iyong nararamdaman tungkol sa
larawan tungkol sa mga larawan A,
B, C at D. Sa ikalawang puso kung
paano mo ipakikita ang iyong
pagdamay
13. Damdamin ko para sa
aking kapwa
A.
B.
C.
D.
Gagawin ko upang maipakita
ang aking pagdamay
A.
B.
C.
D.
15. Ayon sa iyong
ibinahaging karanasan
sa pagdamay a kapwa,
lam mo na ngayon
kung sino ang
nangangailangan ng
iyong pang-unawa.
Dugtungan ang
panalangin para sa
kanila. Gawin ito sa
kwaderno.
Panginoon, bigyan mo po
ng lakas ng loob ang mga
batang nawawalan ng pag-
asa sa buhay
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________.
Amen.
16. Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras
na siya ay masayang-masaya, ngunit may mga
panahon din na siya ay malungkot dahil sa
problema. Sa ganitong pagkakataon,
kakailanganin niya ng taong puwedeng dumamay
sa kanya. Dahil bawat tao ay gumagalaw sa
isang komunidad, marapat na siya ay makipag-
ugnayan o makibahagi sa ibang mga tao. Sa
kanyang pakikibahagi, natutuhan niya ang
pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba,
hanggang maipamalas niya ang paglalagay ng
17. kanyang sa sarili sa kinalalagyan ng ibang tao.
Sa paraang ito ay nakatutulong na siya.
Maaaring materyal na bagay ang tulong na
maibabahagi natin ngunit hindi laging ito ang
kailangan ng iba. May mga panahon na kailangan
ng isang kaibigan ng makikinig at magbibigay ng
payo. Kung minsan nama’y kasama sa pagsasaya
sa isang tagumpay ang kailangan ng tao. Sa
lahat ng pagkakataon, kailangan lang maging
sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng
kapwa. Ito ang pinakamabuting paraan upang
maipadama natin ang ating pagmamahal at pag-
unawa ng walang anumang hinhintay na kapalit.
19. Gawain 1
Masayang masaya ang nanalo sa
paligsahang ito. Ano kaya sa palagay mo ang
damdamin ng hindi pinalad na manalo? Sumulat
ng isang sanaysay para sa natalong kandidata
at iparamdam sa kanya ang iyong pag-unawa
20. Gawain 2
Malungkot ang iyong kamag-aral na
si Mico. Napagalitan siya ng kanyang
magulang sapagkat bumaba ang kanyang
marka. Kasama siya dati sa mga
nangunguna sa klase subalit dahil sa
pagbaba ng kanyang marka ay hindi na
siya nakasama. Ano ang maaari mong
sabihin kay Mico.
21. Gumuhit sa iyong kuwaderno ng speech balloon
at isulat sa loob nito ang iyong payo sa kaniya.
Mico, nais kong sabihin
sa iyo na
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
______________
Ngayon ay alam mo na kung paano tumugon sa
damdamin at pangangailang ng iyong kapwa.
Ipagpatuloy ito at ibahagi sa iba.