1. La Salle Green Hills respects your right to privacy and is
committed to protect the confidentiality of your personal
information thus has adapted necessary measures to secure it.
LSGH is bound to comply with the Data Privacy Act of 2012 (RA
10173), its Implementing Rules and Regulations and relevant
issuances of the National Privacy Commission. By participating
in this video meeting/conference/webinar, you are consenting
to our collection and use of information (including recording) in
accordance with this Privacy Notice. The information processed:
name, email address, your image, video and audio will be used
for attendance, documentation, communication and systems
administration purposes by the Human Resource Development
Office, the Office of the Integrated School Principal, the Offices
of the Associate Principals, and other offices authorized to have
access. We also use the information gathered from you for
abuse prevention and privacy protection. LSGH shall only retain
the said personal information until it serves its purpose, after
which it shall be securely disposed of. Queries and complaints
can be directed to the Data Protection Officer via email at
dpo@lsgh.edu.ph.
2. Mga Layunin:
A. nakikilala ang manwal at liham
pangnegosyo bilang teknikal na
sulatin;
B. nakapagsasaliksik ng mga kaugnay
na impormasyon na magagamit sa
pagbuo ng sariling manwal at liham
pangnegosyo; at
C. naipamamalas ang mapanuring
pagkilatis sa ugnayan ng mga
sangkap sa pagsulat ng manwal at
liham pangnegosyo.
3.
4. Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
16 Nobyembre 2019
BRAVO SILVER WORKS METAL ENGRAVER, INC.
3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon
Ginoo/Ginang/Binibini:
Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na
nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.
Lubos na sumasainyo,
(Lgd.) ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II
5. Ang pagsulat ng liham ay isang
paraan ng pakikipagtalastasan o
komunikasyon sa isang
tiyak na pinag-uukulan sa
pamamagitan ng mga salitang
nakalimbag o nakatitik.
6. Ang isang liham ay katulad din ng
personal na pakikipag-usap na
kababakasan ng tunay na
personalidad ng taong sumusulat.
Mababatid din sa liham kung ang
sumusulat ay matamang nag-isip at
malinaw na nakapagpapahayag ng
kanyang tunay na damdamin sa
pamamagitan ng mga mapitagan at
magalang na pananalita.
7. Maganda ang impresyon sa liham
kapag ang sumulat ay gumamit ng
wastong pahayag
ng kanyang mga ideya, pumili ng
mga makahulugang pananalita,
nagpamalas ng sapat na
kaalaman sa bagay na nais niyang
ihatid at gumamit ng sariling estilo
sa pagsulat na madaling
maunawaan ng bumabasa.
8. Liham ang tawag sa
pangunahing midyum ng
pakikipagtalastasan. Pinagtitibay
nito ang saloobin ng tao.
Ipinakikilala nito ang kaisipan ng
tao at ipinahahayag ang
kanyang damdamin sa paraang
malarawan, mabisa, at maaaring
mabalik-balikan.
9. Upang maging epektibo ang pagsulat ng
liham…
1. Ituon ang iyong pag-iisip. (Center your
thinking.)
2. Organisahin ang iyong iniisip.
(Organize your thinking.)
3. Tiyakin ang iyong iniisip. (Specify your
thinking.)
4. Ilahad nang malinaw ang iyong mga
ideya o kaisipan. (Present your thoughts
clearly.)
10. Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga
pangangailangan at di-maiiwasang
gawaing opisyal at transaksiyonal
(pangangasiwa, pamamahala, negosyo,
atbp.) at pagpapaigting ng ugnayang
panlipunan. Ang korespondensiyang
pampamahalaan at liham pangalakal at iba
pang kauring liham ay dapat pormal. Sa
ganitong uri ng mga korespondensiya,
nararapat lamang na
nakabatay sa layunin, kahika-hikayat,
katanggap-tanggap at kapani-paniwala sa
bumabasa o pinadadalhan.
11. May dalawang pangkalahatang
uri ng liham.
1. Di-pormal na Liham – liham na
karaniwang ibinibigay sa mga
kaibigan, kakilala, o kamag-
anak. Bagama’t may pormat o
anyo ngunit hindi kinakailangang
sumunod sa tuntunin ng pagsulat
o sa estriktong pagsunod sa
anyo. Ang mahalaga ay
makapagpahayag ng damdamin.
12. 2. Pormal na Liham – Pormal
na pakikipag-usap ang
kailangan sa ganitong uri.
May estriktong pormat o
anyo ito na dapat sundin.
Kailangan dito ang pormal na
gamit ng wika; tiyak, maikli,
at malinaw na paglalahad ang
hinihingi rito.
13. Mga Katangian ng Liham
1. Malinaw (Clear)-kasimplehan ay
daan ng madaling pag-unawa.
2. Wasto (Correct)
3. Buo (Complete)
4. Magalang (Courteous)
5. Maikli (Concise)
6. Kumbersasyonal
(Conversational)
7. Mapagsaalang-alang
(Considerate)
14. Mga Bahagi ng Pormal na Liham
1. Pamuhatan (Heading) Binubuo
ito ng opisyal na pangalan ng
tanggapan, adres, telepono, at
numero ng fax. Makikita rin dito
ang logo ng tanggapan (kung
mayroon).
. Petsa-kailan ipiadala ang liham
15. Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
16 Nobyembre 2019
BRAVO SILVER WORKS METAL ENGRAVER, INC.
3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon
Ginoo/Ginang/Binibini:
Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na
nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.
Lubos na sumasainyo,
(Lgd.) ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II
16. Mga Bahagi ng Pormal na Liham
3. Patunguhang-sulat (Inside
Address) – adres ng sinulatan at
kung saang espisipikong lugar
makararating o tutungo ang
liham.
4. Bating Pambungad (Salutation)-
Inilalagay ang pangalan ng taong
sinulatan (kung kilala) at
pangkalahatang tawag (kung hindi
kilala).
17. Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
16 Nobyembre 2019
BRAVO SILVER WORKS METAL ENGRAVER, INC.
3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon
Ginoo/Ginang/Binibini:
Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na
nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.
Lubos na sumasainyo,
(Lgd.) ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II
18. Mga Bahagi ng Pormal na Liham
5. Katawan ng Liham (Body of the Letter)-
inilalagay dito ang layunin ng pagsulat.
Sa kaso ng liham na nag-aaplay ng
trabaho (pagtukoy sa trabahong nais
pasukin, buod ng iyong kwalipikasyon,
pagtukoy sa kalakip na resume,
paghingi ng interbyu).
6. Pamitagang Pangwakas (Complimentary
Close)-paggalang bilang pagwawakas
7. Lagda (Signature)-pangalan ng sumulat
at ang kanyang posisyon/designasyon
sa trabaho at sa ibabaw ang pirma.
19. Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
16 Nobyembre 2019
BRAVO SILVER WORKS METAL ENGRAVER, INC.
3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon
Ginoo/Ginang/Binibini:
Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na
nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.
Lubos na sumasainyo,
(Lgd.) ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II
20. Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham
1. Panimula – Naglalaman ito ng maikling
pahayag sa layon o pakay ng liham.
2. Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng
paliwanag hinggil sa pakay ng liham.
3. Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang
inaasahang aksyon sa ipinadalang liham.
22. Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham:
Pokus-Liham Aplikasyon
1. Kunin ang atensyon ng mambabasa.
2. Kumbinsihin ang mambabasa na ikaw ay karapat-
dapat sa trabaho.
3. Humingi ng interbyu.
Mga Dapat Tandaan pagsulat ng mga pahayag:
1. Tukuyin ang trabaho
2. Ibuod ang iyong kwalipikasyon
3. I-refer ang mambabasa sa kalakip na resume.
4. Humingi ng interbyu
23. Halimbawang pahayag: Pokus-Liham Aplikasyon
Nabasa ko po sa… Bilang nagtapos ng…, ako po ay may
kaalaman tungkol sa…Dagdag pa rito ang mga natutunan
ko sa…
Nakapagtrabaho na ako bilang...Ang mga karanasan ko
bilang mag-aaral at manggagawa. Naniniwala ako na ang
aking mga karanasan ay sapat na upang…
Kalakip nito ang aking resume para sa inyong
konsiderasyon. Lubos po akong magagalak sa inyong
pagtugon sa aking aplikasyon. Maraming salamat po.
24. Mga Uri ng Pormal na Liham
1. Liham ng Pangongolekta
(Collection / Solicitation)
2. Liham ng Pamimili (Purchasing)
3. Liham ng Pagpapakilala
(Recommendation)
4. Liham ng Pagtatanong (Inquiry)
5. Liham ng Pag-aaplay ng Trabaho
(Application)
6. Liham ng Paumanhin (Excuse /
Promisory)
25. Mga Uri ng Pormal na Liham
7. Liham ng Paanyaya (Invitation)
8. Liham ng Karaingan (Request)
9. Liham ng Pasasalamat (Thank
You)
10. Liham ng Subskripsyon
(Subscription)
11. Liham ng Paglilipat
(Endorsement)
26.
27.
28. • May kahalagahan ba ang
liham sa buhay ng tao? Sa
paanong paraan?
• Ano ang tungkuling
ginagampanan ng liham sa
antas ng teknolohiya sa bansa
at sa mundo? Sa
pakikipagtalastasan?
29. • Kailan nagiging mabuti o masama
ang liham na ibinibigay natin sa ating
kapwa? Bakit? Sa paanong paraan
nagiging mabisa ang pagsulat ng
liham?
• Anong katangian ang ipinamamalas
natin sa pagbibigay ng maayos at
mabuting liham sa ating kapwa? Ano
ang naidudulot nito sa sosyal na
aspekto ng ating buhay?
30. Maikling Pagsusulit:
Sa mga kinauukulan:
Ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa La Salle Green Hills
– Adult Night High School Batch 2018 ay magdaraos ng
Alumni Homecoming na gaganapin sa Pebrero 14, 2019, sa
ganap na ika-6 ng hapon sa bulwagan ng paaralan. Layunin
ng homecoming na ito na pag-usapan ang nalalapit na ika-41
taon ng pagtatapos gayon din upang magkita-kita ang dating
mga magkakamag-aaral.
Makipag-ugnayan kay Charmie F. Pacifico sa telepono bilang
983-04-18 para sa mga nais dumalo. Ang inyong pakikiisa sa
mga bagay na ito ay lubhang mahalaga kaya aasahan namin
ang inyong pagdalo.
Matapat na sumasainyo,
Charmie F. Pacifico
Presidente, SC 2018-2019
31. Maikling Pagsusulit:
Hanguin mula sa nabasa ang mga sumusunod:
Paksa:
_________________________________________________
Layunin:
_________________________________________________
Mga Tinatawagan:
_________________________________________________
Nanawagan:
_________________________________________________
Kailan at Saan Gaganapin:
_________________________________________________
32. Maikling Pagsusulit:
Mababang Paaralan ng Santa Maria Kalye
Burgos, Santa Maria Ika- 23 ng Pebrero, 2016
Gng. Florencia Sabong Florence Flower Shop
Col. S.F. Reyes Avenue Santa Maria, Ilocos Sur
Gng. Reyes: Mangyari lamang pong padalhan
ninyo kami ng sumusunod na mga bulaklak na
aming kailangan sa pagtatapos sa Marso 11,
2016. 2 dosenang Gladiolang dilaw 2 dosenang
putting rosas Kalakip po rito ang money order
na limandaang piso (Php500.00). Ang
karagdagang kabayaran ay ibibigay po
pagkatanggap ng mga bulaklak. Sumasainyo,
Hermia Tan Presidente, Ikaanim na Baitang
33. Maikling Pagsusulit:
Brgy. Poblacion Kalye Burgos, Santa Maria Ika- 23
ng Marso, 2016 G. Roberto S. Sebastian BEA
Laboratories, Inc. 63 Marcos Hi-way Vigan, Ilocos
Sur Ginoong. Sebastian: Nabasa ko po ang inyong
patalastas sa pahayagan na nangangailangan kayo
ng utility boy na magdadala ng inyong mga
produkto sa ng mga suki ninyong tindahan. Nais ko
pong mag- aplay sa posisyong ito ngayong
bakasyon. Malaking tulong po sa akin kung
tatanggapin ninyo ako sa trabahong ito. Anumang
oras ay handa po akong makipagkita sa inyo para
sa interbyu. Kalakip po nito ang aking biodata.
Inaasahan ko po ang inyong pagtugon. Lubos na
gumagalang, Rodel Santiago