Ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang asyanoJoelina May Orea
1st Grading -
Week 1 Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano
Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya
Ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang asyanoJoelina May Orea
1st Grading -
Week 1 Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano
Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya
Masayang Mundo ng Filipino - Kinder
•Activities are designed to motivate pre-schoolers to express themselves using short, simple sentences in Filipino
•There will be songs, rhymes, poems and stories for children
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
•Activities are designed to motivate pre-schoolers to express themselves using short, simple sentences in Filipino
•There will be songs, rhymes, poems and stories for children
1. Isang Masusing Banghay sa Araling Panlipunan III
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang tatlong pangunahing lahi ng tao. (Cognitive)
2. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng mga lahi ng tao gamit ang mga
larawan sa pisara. (Cognitive)
3. Napaghahambing ang mga pagkakaiba sa pisikal na kaanyuan ng mga
pangunahing lahi ng tao. (Cognitive)
4. Nagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa bawat lahi sa
pamamagitan ng pagbasa ng isang tula na may kinalaman sa
diskriminasyon. (Affective)
5. Nakikibahagi sa talakayan ng may husay at sigasig. (Affective)
6. Nabubuo ang mga larawan na gagamitin sa pagtalakay sa
paksa.(Psychomotor)
7. Nailalahad sa harap ng klase kung saang lahi nabibilang ang mga
ipapakitang larawan, pangalan ng tao at bansa. (Psychomotor)
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga Pangunahing Lahi ng Tao
Sanggunian: Kasaysayan at Kabihasnan ng Daigdig, pahina 40-41
Teofista L. Vivar, PhD et al.
Kagamitan: Mga Larawan at nilagang itlog na kinulayan ng itim
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Tumayo ang lahat para sa ating Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu
panalangin. Michelle, pangunahan mo ang Santo, Amen
ating panalangin.
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu
Santo
Kapara ng sa unang una ngayon at
magpakailanman, magpa sa walang
hanggan. Amen.
2. 2. Pagbati
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magandang Umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po G. Filipino.
Maraming salamat, bago kayo maupo ay
pulutin muna ang mga kalat sa inyong
paligid at ayusin ang mga upuan at maari
na kayong maupo.
3. Pagtsek ng Atendans
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Charmie, mayroon bang lumiban sa klase?
Wala po.
Mahusay! Samakatuwid, ang buong klase
ay magkakaroon na naman ng mga
bagong kaalaman sa ating aralin.
4. Balitaan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bago tayo magsimula sa isa na namang Binalita po kagabi sa telebisyon na
makabuluhang aralin, ay magbalitaan dumarami na daw po ang bilang ng mga
muna tayo, Sino sa inyo ang may kasambahay na kinakasuhan ang kanilang
inihandang balita? mga amo dahil sa pang-aabuso sa kanila
Sa inyong palagay bakit dumarami na ang Dumarami na po ang bilang ng mga
mga nagrereklamo na kasambahay? kasambahay na kinakasuhan ang mga
amo nila sapagkat mayroon na ngayong
inilalakad sa kongreso na isang batas, ang
Kasambahay Bill. Ito po ang magbibigay
ng lakas ng loob sa mga kasambahay na
ireklamo ang kanilang mga amo kung sila
ay inaabuso.
Tama! Dapat lamang na sila ay
magkaroon na ng ganitong karapatan
upang sila ay hindi na maabuso.
Mayroon pa ba kayong ibang mga balita?
Kung wala na ay dadako na tayo sa ating
aralin.
3. 5. Balik - Aral
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Mayroon ba sa inyong makakapaglahad Ang atin pong tinalakay noong nakaraang
ng ating tinalakay noong nakaraang araw? araw ay ang ebolusyong bayolohikal ng
tao.
Tama! At ang ebolusyong bayolohikal ng Charles Darwin po.
tao ay pinag-aralan ng sinong siyentipiko?
Magaling!
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bago tayo dumako sa ating aralin,
magkakaroon muna tayo ng isang gawain.
Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo at kayo (Gagawin ng mga bata ang pagbuo sa
ay aking bibigyan ng mga pira-pirasong mga larawan at matapos nito ay kanila
larawan at kailangan niyo itong mabuo sa itong ilalagay sa nakalaan na lagayan).
loob ng isang minuto.
Pagkatapos ninyo itong mabuo, ilagay ang
mga larawan sa nakalaan na lugar para sa
inyong pangkat
2. Transisyon o Paglalahad
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ano ang napapansin niyo sa mga larawan Magkakaiba po sila ng itsura, mayroon
na inyong nabuo? pong maputi, maitim, mayroon din naman
pong kayumanggi.
Magaling! Base sa mga ito, ano sa tingin Lahi po ng tao
ninyo ang ating paksa ngayong araw?
Mahusay! Ang ating paksa ngayong araw
ay tungkol sa tatlong pangunahing lahi ng
tao sa mundo
4. 3. Pagtalakay sa Aralin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ngayon, mayroon ako ditong inihandang
isang itim na itlog, Ano kaya ang
sinisimbolo nito? Ang atin pong daigdig
Tama! Kapag ang itlog na ito ay aking
hinati sa gitna, mayroon tayong makikitang
iba’t ibang kulay. Ilang kulay ang nakikita
niyo kasama ang balat ng itlog? Tatlo po.
Tama! Anu-ano ang mga kulay na ito? Itim, puti at dilaw.
Mahusay! Ano kaya ang kaugnayan nito Ang itlog po na iyan ay may tatlong kulay
sa ating daigdig? at gayundin naman po ang ating daigdig
na nahahati sa tatlong pangunahing lahi.
Magaling! Ngayon, isa-isahin nating
kilalanin ang tatlong pangunahing lahi.
Mayroon tayong anim na titignan, ito ay Kulay ng balat, itsura ng buhok, hugis ng
ang kulay ng balat, itsura ng buhok, hugis mukha, kanilang mga mata, ilong at ang
ng mukha, kanilang mga mata, ilong at bibig
ang bibig. Ano ulit ang mga bagay na ating
titignan?
Ano ang inyong napapansin sa unang Maputi ang kanyang balat
larawan?
Blonde ang kanyang buhok
Pahaba ang hugis ng kanyang mukha
Kulay bughaw ang kanyang mga mata
Matangos ang kanyang ilong
Manipis ang kanyang labi
Lahat ng inyong mga nabanggit ay tama,
ang mga taong mayroong ganitong
katangiang pisikal ay tinatawag na
Caucasoid.
Saan ba kalimitang matatagpuan ang mga
taong mayroong ganitong itsura? Sa Europa po.
5. Magaling! Maaari bang magbigay kayo ng Norway
mga bansang matatagpuan sa Europa?
Sweden
Iceland
Finland
Germany
Mahusay! Ano kayang bahagi ng itlog ang Kulay puti.
kumakatawan sa mga Caucasoid?
Magaling! Ngayong nakilala na natin ang Kayumanggi ang kanyang balat
unang lahi, dumako na tayo sa
pangalawang larawan, ano ang inyong Itim at tuwid ang kanyang buhok
masasabi sa kanyang mga katangiang
pisikal? Bilugan ang hubog ng kanyang mukha
Singkit ang kanyang mga mata
Hindi katangusan ang kanyang ilong
Manipis ang kanyang labi
Mahusay! Ang mga lahi naman na
mayroong ganitong itsura ay tinatawag na
Mongoloid. Kung ang Caucasoid ay ang
puti ng itlog, ano naman ang mga Dilaw po ng itlog
Mongoloid?
Tama! Saan kadalasan matatagpuan ang Sa Asya po.
mga lahi ng Mongoloid?
Magaling! Maaari bang magbigay kayo ng Pilipinas
mga bansa sa Asya
Indonesia
China
Korea
6. Japan
Cambodia
Vietnam
Mahusay! Ngayon ay dadako na tayo sa
pangatlong lahi, anu-anong mga Maitim ang kanyang balat
katangiang pisikal ang nakikita niyo sa
larawan? Kulot ang kanyang buhok
Pahaba ang kanyang mukha
Bilugan ang kanyang mga mata
Malapad ang kanyang ilong
Makapal ang kanyang labi
Mahusay! Ang tawag sa mga taong may
ganitong katangiang pisikal ay tinatawag
na Negroid.
Saan kaya kadalasang matatagpuan ang
lahi ng mga Negroid? Sa Aprika po.
Tama. Magbigay ng mga bansang Tunisia
matatagpuan sa Aprika.
Morocco
Uganda
Angola
Zimbabwe
Djibouti
Botswana
Mahusay! Alam niyo ba na ang mga lahing
Negroid ay hindi dapat tinatawag na
negro? Kung hindi negro ang dapat nating
itawag sa kanila, ano ang sinasabing
dapat nating itawag? Colored po.
7. Tama! Bakit sa tingin niyo ito ang sinasabi ng karamihan na dapat ay
sinasabing dapat itawag sa kanila? colored ang ating itawag sa mga taong
maiitim, para hindi sila mainsulto.
Ngunit tama nga ba na colored ang ating
itawag sa kanila? Ang tanong na iyan ay
ating sasagutin mamaya.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gawain ng guro Gawain ng Mag-aaral
Bernard, ano ang ating tinalakay sa araw Tinalakay po natin ngayon ang tungkol sa
na ito? tatlong pangnahing lahi ng tao at ito ay
ang mga Caucasoid, Mongoloid at
Negroid, at ang mga pangunahing lahi na
ito ay mayroong mga pagkakaiba sa
kanilang katangiang pisikal partikular na
sa kanilang kulay ng balat, itsura ng
buhok, hubog ng mukha, itsura ng mga
mata, ilong at bibig.
Mahusay at maraming salamat Bernard.
2. Paglalagom
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ngayon, babalikan natin ang katanungang,
colored nga ba ang tamang itawag sa mga
taong maiitim?
Para masagot ang katanungang iyan ay
basahin natin ang tulang pinamagatang
“I Black” na pangungunahan ni Raquel.
Ang tulang ito ay ginawa ng isang batang
babae mula sa bansang Inglatera.
When I born, I black
When I grow up, I black
When I go in Sun, I black
When I scared, I black
When I sick, I black
And when I die, I still black
8. And you white fellow
When you born, you pink
When you grow up, you white
When you go in sun, you red
When you cold, you blue
When you scared, you yellow
When you sick, you green
And when you die, you gray
And you calling me colored?
Salamat Raquel. Ang tula po ay nagpapakita ng
Ano sa tingin ninyo ang ibig sabihin ng diskriminasyon sa mga taong maiitim sa
tula? pamamagitan ng pagtawag sa kanila ng
colored kahit hindi naman talaga sila
nagbabago ng kulay.
Dapat po ay mayroon tayong pantay-
Magaling! Tayo, bilang mga taong hindi pantay na pagtingin sa tao anuman po ang
maiitim, ano ang dapat nating gawin? kulay o itsura nito.
IV. Pagtataya
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Mayroon ako ditong inihandang mga
larawan, pangalan ng tao at bansa. Inyong
sasabihin kung ang aking ipapakita ay
kabilang sa lahi ng Caucasoid, Mongoloid
o Negroid.
Simulan natin sa larawan.
(Ang guro ay magpapakita ng mga (Sasabihin ng mga mag-aaral kung anong
larawan ng mga hindi kilalang tao) lahi ang mga nasa larawan)
Mahusay! Ngayon naman ay pangalan ng
tao ang aking ipapakita, sabihin ninyo
kung saang lahi sila nabibilang.
Beyonce Negroid
Shakira Caucasoid
Eminem Caucasoid
Usher Negroid
Rihanna Negroid
9. Adele Caucasoid
Jet Li Mongoloid
Shakira Caucasoid
Magaling! Ngayon naman ay pangalan ng
mga bansa ang aking ipapakita at inyong
sasabihin kung anong lahi ang karaniwang
naninirahan sa mga bansang ito.
Angola Negroid
France Caucasoid
Greece Caucasoid
Kenya Negroid
Norway Caucasoid
Laos Mongoloid
Vietnam Mongoloid
Korea Mongoloid
Somalia Negroid
Mahusay! nagpapakita ito na may
natutunan kayo sa ating aralin ngayong
araw.
V. Takdang Aralin.
Magtala ng limang (5) pangalan ng mga kilalang tao sa mundo
bukod sa ating mga nabanggit. Isulat ang kanilang bansang pinagmulan at
ang kanilang lahing kinabibilangan. Isulat ito sa isang buong papel.
Inihanda ni:
G. Keris P. Filipino
Agham Panlipunan