Responsibilidad, Pagsubok
ng Bawat Tao
Simbolismo SimbolismoSimbolismoSimbolismo
Mga
Posibilidad
____________
____________
Mga
Posibilidad
____________
__________
Mga
Posibilidad
___________
___________
Mga
Posibilidad
___________
___________
Mga Tanong:
1. Bakit ito ang mga napili mong simbolismo ng
responsibilidad ng bawat miyembro ng pamilya?
2. Ano ang magiging epekto ng hindi pagtupad o
pagsasagawa ng responsibilidad?
3. Paano mo maisasabuhay ang aral na ipinababatid
ng mga larawan?
“Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng
Putakti”
Pabula ng Maranao
Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale
Si Lalapindigowa-I (isang putakti) ay isang
masipag na magsasaka. Mayroon siyang dalawang
asawa, sina Odang (Hipon) at si Orak (Itlog). Tulad
ng ibang Maranao, hindi lamang siya isang masipag
na magsasaka kundi isa ring tapat na asawa.
Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain
ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na
dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon
ay hindi masayang ang kanyang oras sa pag-uwi.
Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa
na mula noon ay dadalhan na lamang siya ng pagkain
sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan, nagsawa
na sa paghahatid ng pagkain ang mga asawa ni
Lalapindigowa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang
at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring
maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong
magdadamba hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging
pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto
kaya’t ipinahele niya ito. Hindi sinasadya, tumama siya sa
bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay nagutom na sa
kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang
oras ng paghihintay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa
daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na
kaserola at ang mga asawa niyang naluto. Galit siya sa mga
asawng tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.
Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang
sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay
lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang
magluluto ng pagkain para sa kanya.
Talakayin:
1. Ano-ano ang katangiang taglay ni Lalapindigowa-i?
2. Bakit pinagsisikapan ni Lalapindigowa-i na magsaka sa
malayong bukirin?
3. Bakit kailangan ng dalawang asawa ni Lalapindigowa-i na
dalhan siya ng pananghalian?
4. Ano ang kasawiang-palad na dinanas ng dalawang asawa
ni lalapindigowa-i?
5. Ano ang iyong masasabi sa asal o pag-uugali na ipinakita
ni Odang? Magbigay ng sariling rewaksyon dito.
6. Makatwiran bang magalit si Lalapindigowa-I kina Orak at
odang? Patunayan ang iyong sagot.
7. Kung ikaw si Lalapindigowa-I, ano ang iyong magiging
damdamin sa sinapit ng iyong mga asawa? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
8. May kakilala ka bang may pagkakatulad ang pag-uugali kay
Lalapindigowa-i? Sa paanong paraan sila nagkakatulad?
9. Kung ikaw si Lalapindigowa-I, ano pang ibang solusyon ang
iyong maaaring gawin upang makakain?
10. Tama bang mayamot at mapagod ang dalawang asawa sa
paghahatid ng pagkain kay Lalapindigowa-i? Pangatwiranan.
A. Alamin
Punan ng wastong sagot ang talahanayan.
Salita Kahulugan Panlapi Bagong
Salita
Bahagi ng
pananalita
Kahulugan
1. mabuti Pag-/-hin
2. dalawa -han
3. pula -an
4. gutom Ka-/-an
5. maliit -in
B. Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang upang masuri ang
mga salitang nasa itaas ng talahanayan. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang nasa unang
hanay ng talahanayan?
a. Pandiwa
b. Pangngalan
c. Pang-uri
d. Wala sa nabanggit
2. May taglay bang sariling kahulugan ang mga salitang nasa unang
hanay ng talahanayan?
a. Hindi
b. Oo
c. Puwede
d. Wala sa nabanggit
3. Nagbago ba ang kahulugan ng mga salitang nasa unang talahanayan
nang lagyan ito ng panlapi?
a. Hindi
b. Oo
c. Puwede
d. Wala sa nabanggit
Batay sa iyong mga naging kasagutan sa bawat bilang,
ano ang kongklusyong mabubuo mo sa mga salita sa
talahanayan?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Ang Pabula ay kwento na may mga tauhang
ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita at
nag-iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga
mambabasa, nagbibigay naman ito ng hindi
matatawarang aral. Masasalamin sa pabula ang kultura
ng rehiyong pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at
pahalagahan
Kasaysayan ng Pabula
Batay sa kasaysayan, noong ika-5 at ika-6 na siglo
(Bago dumating si Kristo) ang Pabula ay kuwento ng buhay ng
mga dakilang tao tulad ni Kasyapa ng India. Ang mga
kuwentong ito ay naging batayan ng kanilang mga relihiyon.
Makalipas ang humigit-kumulang sa 900 taon, patuloy na
lumaganap sa iba’t ibang bansa ang mga pabula na nagkaroon
ng pagbabago sa paksa. Hindi lamang sa buhay ng mga
dakilang nilalang tumatalakay ang paksa ng mga pabulang ito
kundi nagtuturo rin ito sa mga tao ng tungkol sa moralidad at
wastong pamumuhay.
Si Aesop, isang aliping Griyego na nabuhay noong
ikaanim na dantaon ang tinaguriang “Ama ng mga sinaunang
Pabula” (Father of Ancient Fables )noong panahong 620-560 BC.
Si Aesop ay kuba at may kapansanan sa pandinig mula sa
pagkabata. Lumaki siya at nagkaisip na isang alipin sa Isla ng
Samos, subalit dahil sa kanyang kasipagan, katapatan at talino ay
binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo.
Isa siyang Griyegong alipin na nakaisip tipunin ang mga
pabulang nabanggit. Sa kaniyang kapanahunan ang mga alipin ay
walang karapatang lumabas at makihalubilo sa tao. Gayunpaman,
dahil sa labis na pagsusumikap, katalinuhan, at katapatan ni Aesop,
binigyan siya ng kalayaan ng kaniyang amo. Hinayaan siyang
maglakbay at makilahok sa mga tao sa bayan. Nang lumaon,
gumawa rin si Aesop ng kaniyang mga sariling pabula na ang mga
tauhan ay mga hayop na nag-aasal at kumikilos na parang tao.
Patuloy itong nagpasalin-salin sa iba’t ibang panig ng mundo at
naging sandigan ng pagtuturo ng tamang asal at repleksyon ng iba’t
ibang kultura at tradisyon.
Naglakbay si Aesop sa maraming lugar sa Greece at
pinalaganap ang mga tinipong pabula sa pamamagitan ng
pagkukwento. Ang kanyang mga pabula ay tungkol sa buhay ng
kalikasan ng tao at kalagayan ng lipunan noong kapanahunan
niya. Tinuruan niya ang mga tao ng tamang pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa. Upang magawa ito, ginamit niya ang mga
hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga pabula dahil bilang
isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang mga tao, lalo
na kung ang mga ito ay nabibilang sa mataas na antas sa lipunan.
Tinatayang nakalikha si Aesop ng mahigit 200 pabula bago siya
namatay.
Pagkatapos ng panahon ni Aesop, marami nang mga
manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito sina
Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at
Planudes. Nakilala din si Odon ng Cheritan noong 1200; si Marie
de France noong 1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E.
Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.
Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba’t
ibang panig ng daigdig hanggang makarating sa ating kapuluan.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol at sakupin ang ating
bansa, nakalikhana ng mga pabula ang ating mga ninuno at
pinagyaman ang mga ito kasama ng iba pang uri ng panitikan.
Dahil ang pabula ay tumatalakay sa magagandang aral tulad ng
tama, patas, makatarungan at makataong pakikisama sa kapwa,
mabilis itong lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa at
nagkaroon pa ng mga rehyunal na bersyon.
Katulad ng tao, ang hayop ay may kanya-kanya ring
likas na katangian. Dahil dito, mabisang mailalarawan ang aral na
ibig ipabatid ng manunulat. Sapagkat noong unang panahon ay
nahahati ang mga mamamayan sa tribu o lipi, ginamit na
tauahan ang mga hayop upang maiwasan ang pag-aakala ng
ilang lipi o tribo na sila ang pinapatutungkulan ng pabula. Sa
ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaway at pagtatalo ng mga
tao sa pamayanan.
Tulad ng iba pang kwentong-bayan, sa simula ang mga
pabula ay nagpasalin-salin lamang sa bibig n gating mga ninuno.
Subalit nang magkaroon sila ng sistema ng pagsulat, ang ilan sa
mga ito ay nagawa nilang maiukit sa malalaking bato at balat ng
mga punongkahoy. May ilan ding naisulat sa papel, na sa
paglipas ng panahon ay nailathala at lumaganap hanggang sa
kasalukuyan.
Sa kasalukuyan, muling binabalikan ang kahalagahan
ng pabula. Ilang pabula ang tumatalakay ukol sa tamang
pakikipagkapwa at samahan ng mga tao tulad ng mga taong
nakatataas ng antas sa lipunan o mga taong nasa posisyon, mga
empleyado, mga taong nanunungkulan sa gobyerno, mga
magulang at anak at iba pa.
Pagsasanay na gawain:
1. Itinuturing na dakilang tao ng mga taga-India
2. Antas sa lipunan ni Aesop
3. Sinasalamin ng pabula
4. Pagbabagong naganap sa pabula makalipas ang 900 taon
5. Paksa ng mga pabula noong ika-5 at ika-6 na siglo sa India
6. Ginawa ni Aesop sa mga pabula
7. Lahing pinagmulan ni Aesop
8. Isa sa itinuturo ng pabula
9. Pabula ang naging batayan ng kanilang paniniwala
10.Tauhan ng pabula
B. Isulat sa loob bg gulong ang Kasaysayan ng mga pangyayari at mga
pagbabagong naganap sa pabula
Gulong ng Kasaysayan
1 2 3 4 5 6 7 8
Repleksyon:
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng
kasaysayan ng pabula?
Karagdagang impormasyon sa Pabula
Lubos na nakapukaw ng atensyon ng
maraming mambabasa ang pagkakaroon ng
kakaibang tauhan mula sa isang kathang-isip na
kuwentong tulad ng pabula. Ang pagkakaroon nito
ng mga tauhang hayop na nagsasalita at kumikilos
na parang tao ay naging isang mabisang paraan ng
pagsasakatuparan ng iba’t ibang layunin mula sa
iba’t ibang panahon.
Itinuturo sa atin ng pabula ang tama,
patas, makatarungan, at makataong pag-uugali at
pakikitungo sa ating kapwa.
Kung susuriing mabuti ang pabula, hindi
lamang ito naglalayong magbigay-aliw at aral sa
mga kabataan, bagkus ito’y tumatalakay rin sa uri
ng pamumuhay, mga isyung panlipunan, at iba’t
ibang kultura at radisyon na lumilitaw sa paraan ng
pagpapahayag nito.
C. Suriing mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Ilahad ang
nakikita mong lkultura na masasalamin dito.
1. Isang masipag na magsasakang Maranao ang putakti na si
Lalapindigowa-i.
2. May dalawa siyang asawa, si Odang na isang hipon, at si orak
na isang itlog.
3. Labis na nagsusumikap si lalapindigowa-I upang mapakain at
maalagaan nang mabuti ang kaniyang dalawang asawa.
4. Naawa si Orak kay odang kaya ipinaghele niya ito.
5. Sa labis na pagkagutom, hinigpitan ni lalapindigowa-I ang
kaniyang sinturon dahil alam niyang wala nang magluluto para
sa kaniya.

Aralin 2 (filipino 7)

  • 1.
  • 2.
  • 3.
    Mga Tanong: 1. Bakitito ang mga napili mong simbolismo ng responsibilidad ng bawat miyembro ng pamilya? 2. Ano ang magiging epekto ng hindi pagtupad o pagsasagawa ng responsibilidad? 3. Paano mo maisasabuhay ang aral na ipinababatid ng mga larawan?
  • 4.
    “Lalapindigowa-i: Kung BakitMaliit ang Beywang ng Putakti” Pabula ng Maranao Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale Si Lalapindigowa-I (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. Mayroon siyang dalawang asawa, sina Odang (Hipon) at si Orak (Itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya isang masipag na magsasaka kundi isa ring tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.
  • 5.
    Isang araw, nagwikasiya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay hindi masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan na lamang siya ng pagkain sa bukid.
  • 6.
    Pagkaraan ng maramingaraw at buwan, nagsawa na sa paghahatid ng pagkain ang mga asawa ni Lalapindigowa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinahele niya ito. Hindi sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.
  • 7.
    Samantala, si Lalapindigowa-iay nagutom na sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang oras ng paghihintay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto. Galit siya sa mga asawng tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito. Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto ng pagkain para sa kanya.
  • 8.
    Talakayin: 1. Ano-ano angkatangiang taglay ni Lalapindigowa-i? 2. Bakit pinagsisikapan ni Lalapindigowa-i na magsaka sa malayong bukirin? 3. Bakit kailangan ng dalawang asawa ni Lalapindigowa-i na dalhan siya ng pananghalian? 4. Ano ang kasawiang-palad na dinanas ng dalawang asawa ni lalapindigowa-i? 5. Ano ang iyong masasabi sa asal o pag-uugali na ipinakita ni Odang? Magbigay ng sariling rewaksyon dito.
  • 9.
    6. Makatwiran bangmagalit si Lalapindigowa-I kina Orak at odang? Patunayan ang iyong sagot. 7. Kung ikaw si Lalapindigowa-I, ano ang iyong magiging damdamin sa sinapit ng iyong mga asawa? Ipaliwanag ang iyong sagot. 8. May kakilala ka bang may pagkakatulad ang pag-uugali kay Lalapindigowa-i? Sa paanong paraan sila nagkakatulad? 9. Kung ikaw si Lalapindigowa-I, ano pang ibang solusyon ang iyong maaaring gawin upang makakain? 10. Tama bang mayamot at mapagod ang dalawang asawa sa paghahatid ng pagkain kay Lalapindigowa-i? Pangatwiranan.
  • 10.
    A. Alamin Punan ngwastong sagot ang talahanayan. Salita Kahulugan Panlapi Bagong Salita Bahagi ng pananalita Kahulugan 1. mabuti Pag-/-hin 2. dalawa -han 3. pula -an 4. gutom Ka-/-an 5. maliit -in
  • 11.
    B. Sagutin angmga tanong sa bawat bilang upang masuri ang mga salitang nasa itaas ng talahanayan. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang nasa unang hanay ng talahanayan? a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-uri d. Wala sa nabanggit
  • 12.
    2. May taglaybang sariling kahulugan ang mga salitang nasa unang hanay ng talahanayan? a. Hindi b. Oo c. Puwede d. Wala sa nabanggit 3. Nagbago ba ang kahulugan ng mga salitang nasa unang talahanayan nang lagyan ito ng panlapi? a. Hindi b. Oo c. Puwede d. Wala sa nabanggit
  • 13.
    Batay sa iyongmga naging kasagutan sa bawat bilang, ano ang kongklusyong mabubuo mo sa mga salita sa talahanayan? _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________
  • 14.
    Ang Pabula aykwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita at nag-iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga mambabasa, nagbibigay naman ito ng hindi matatawarang aral. Masasalamin sa pabula ang kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at pahalagahan
  • 15.
    Kasaysayan ng Pabula Bataysa kasaysayan, noong ika-5 at ika-6 na siglo (Bago dumating si Kristo) ang Pabula ay kuwento ng buhay ng mga dakilang tao tulad ni Kasyapa ng India. Ang mga kuwentong ito ay naging batayan ng kanilang mga relihiyon. Makalipas ang humigit-kumulang sa 900 taon, patuloy na lumaganap sa iba’t ibang bansa ang mga pabula na nagkaroon ng pagbabago sa paksa. Hindi lamang sa buhay ng mga dakilang nilalang tumatalakay ang paksa ng mga pabulang ito kundi nagtuturo rin ito sa mga tao ng tungkol sa moralidad at wastong pamumuhay.
  • 16.
    Si Aesop, isangaliping Griyego na nabuhay noong ikaanim na dantaon ang tinaguriang “Ama ng mga sinaunang Pabula” (Father of Ancient Fables )noong panahong 620-560 BC. Si Aesop ay kuba at may kapansanan sa pandinig mula sa pagkabata. Lumaki siya at nagkaisip na isang alipin sa Isla ng Samos, subalit dahil sa kanyang kasipagan, katapatan at talino ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo.
  • 17.
    Isa siyang Griyegongalipin na nakaisip tipunin ang mga pabulang nabanggit. Sa kaniyang kapanahunan ang mga alipin ay walang karapatang lumabas at makihalubilo sa tao. Gayunpaman, dahil sa labis na pagsusumikap, katalinuhan, at katapatan ni Aesop, binigyan siya ng kalayaan ng kaniyang amo. Hinayaan siyang maglakbay at makilahok sa mga tao sa bayan. Nang lumaon, gumawa rin si Aesop ng kaniyang mga sariling pabula na ang mga tauhan ay mga hayop na nag-aasal at kumikilos na parang tao. Patuloy itong nagpasalin-salin sa iba’t ibang panig ng mundo at naging sandigan ng pagtuturo ng tamang asal at repleksyon ng iba’t ibang kultura at tradisyon.
  • 18.
    Naglakbay si Aesopsa maraming lugar sa Greece at pinalaganap ang mga tinipong pabula sa pamamagitan ng pagkukwento. Ang kanyang mga pabula ay tungkol sa buhay ng kalikasan ng tao at kalagayan ng lipunan noong kapanahunan niya. Tinuruan niya ang mga tao ng tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Upang magawa ito, ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga pabula dahil bilang isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang mga tao, lalo na kung ang mga ito ay nabibilang sa mataas na antas sa lipunan. Tinatayang nakalikha si Aesop ng mahigit 200 pabula bago siya namatay.
  • 19.
    Pagkatapos ng panahonni Aesop, marami nang mga manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Nakilala din si Odon ng Cheritan noong 1200; si Marie de France noong 1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.
  • 20.
    Ang mga pabulaay patuloy na lumaganap sa iba’t ibang panig ng daigdig hanggang makarating sa ating kapuluan. Bago pa man dumating ang mga Espanyol at sakupin ang ating bansa, nakalikhana ng mga pabula ang ating mga ninuno at pinagyaman ang mga ito kasama ng iba pang uri ng panitikan. Dahil ang pabula ay tumatalakay sa magagandang aral tulad ng tama, patas, makatarungan at makataong pakikisama sa kapwa, mabilis itong lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nagkaroon pa ng mga rehyunal na bersyon.
  • 21.
    Katulad ng tao,ang hayop ay may kanya-kanya ring likas na katangian. Dahil dito, mabisang mailalarawan ang aral na ibig ipabatid ng manunulat. Sapagkat noong unang panahon ay nahahati ang mga mamamayan sa tribu o lipi, ginamit na tauahan ang mga hayop upang maiwasan ang pag-aakala ng ilang lipi o tribo na sila ang pinapatutungkulan ng pabula. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaway at pagtatalo ng mga tao sa pamayanan.
  • 22.
    Tulad ng ibapang kwentong-bayan, sa simula ang mga pabula ay nagpasalin-salin lamang sa bibig n gating mga ninuno. Subalit nang magkaroon sila ng sistema ng pagsulat, ang ilan sa mga ito ay nagawa nilang maiukit sa malalaking bato at balat ng mga punongkahoy. May ilan ding naisulat sa papel, na sa paglipas ng panahon ay nailathala at lumaganap hanggang sa kasalukuyan.
  • 23.
    Sa kasalukuyan, mulingbinabalikan ang kahalagahan ng pabula. Ilang pabula ang tumatalakay ukol sa tamang pakikipagkapwa at samahan ng mga tao tulad ng mga taong nakatataas ng antas sa lipunan o mga taong nasa posisyon, mga empleyado, mga taong nanunungkulan sa gobyerno, mga magulang at anak at iba pa.
  • 24.
    Pagsasanay na gawain: 1.Itinuturing na dakilang tao ng mga taga-India 2. Antas sa lipunan ni Aesop 3. Sinasalamin ng pabula 4. Pagbabagong naganap sa pabula makalipas ang 900 taon 5. Paksa ng mga pabula noong ika-5 at ika-6 na siglo sa India 6. Ginawa ni Aesop sa mga pabula 7. Lahing pinagmulan ni Aesop 8. Isa sa itinuturo ng pabula 9. Pabula ang naging batayan ng kanilang paniniwala 10.Tauhan ng pabula
  • 25.
    B. Isulat saloob bg gulong ang Kasaysayan ng mga pangyayari at mga pagbabagong naganap sa pabula Gulong ng Kasaysayan 1 2 3 4 5 6 7 8
  • 26.
    Repleksyon: Ano ang kahalagahanng pag-aaral ng kasaysayan ng pabula?
  • 27.
    Karagdagang impormasyon saPabula Lubos na nakapukaw ng atensyon ng maraming mambabasa ang pagkakaroon ng kakaibang tauhan mula sa isang kathang-isip na kuwentong tulad ng pabula. Ang pagkakaroon nito ng mga tauhang hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao ay naging isang mabisang paraan ng pagsasakatuparan ng iba’t ibang layunin mula sa iba’t ibang panahon.
  • 28.
    Itinuturo sa atinng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong pag-uugali at pakikitungo sa ating kapwa. Kung susuriing mabuti ang pabula, hindi lamang ito naglalayong magbigay-aliw at aral sa mga kabataan, bagkus ito’y tumatalakay rin sa uri ng pamumuhay, mga isyung panlipunan, at iba’t ibang kultura at radisyon na lumilitaw sa paraan ng pagpapahayag nito.
  • 29.
    C. Suriing mabutiang sumusunod na mga pahayag. Ilahad ang nakikita mong lkultura na masasalamin dito. 1. Isang masipag na magsasakang Maranao ang putakti na si Lalapindigowa-i. 2. May dalawa siyang asawa, si Odang na isang hipon, at si orak na isang itlog. 3. Labis na nagsusumikap si lalapindigowa-I upang mapakain at maalagaan nang mabuti ang kaniyang dalawang asawa. 4. Naawa si Orak kay odang kaya ipinaghele niya ito. 5. Sa labis na pagkagutom, hinigpitan ni lalapindigowa-I ang kaniyang sinturon dahil alam niyang wala nang magluluto para sa kaniya.