1. Konseptong
Pangwika
Homogenous at Heterogenous, Barayti ng Wika,
Lingwistikong Komunidad, Unang Wika at
Ikalawang Wika
Johnell D. Arzaga
Guro ng SHS
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
2. Layunin:
Pagkatapos ng bawat sesyon, ang mga mag-aaral ay:
• Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong pangwika (rehistro at
barayti ng wika);
• Nailalapat ang kahulugan ng mga konseptong pangwika (rehistro at
barayti ng wika) sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan;
• Naisasabuhay ang mga konseptong pangwika (rehistro at barayti ng
wika) sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan;
• Matukoy ang kaugnayan ng sitwasyong pangkomunikasyon sa napanood na
panayam;.
• Magamit ang konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon sa
talumpati at panayam.
4. Dayuhan
Ni Ana Marie Josue
Madaling nakasakay si Lani sa pampasaherong bus na dumaan sa tapat ng
kanilang trangkahan. Nakaupo siya sa bandang gitna ng bus, kahit maaga pa ay halos
mapupuno na rin ang bus. Nasa bandang Bacoor na ang sasakyan nang may sumakay
na Amerikano na kasama ang isang Pilipino. Sa kabutihang palad, dahil walang katabi
sa upuan si Lani at puno na ang mga upuan, sa tabi niya naupo ang Amerikano. Hindi
naman ito pansin ni Lani. Maya-maya’y kinausap siya ng Amerikano.
“Hi!, saan ba ang uniporme na yan?” itinuro ang uniporme ni Lani.
Medyo nagulat si Lani. Matatas ang pagsasalita ng Filipino ng Amerikano.
Walang bahid ng pagka-slang. Bawat tanong ng Amerikano sinasagot ni Lani. Puro
tanong na nasa wikang Filipino. Pagdating sa Baclaran, tatayo na ang lalaki para
bumaba. Nagtanong si Lani, “ilan taon na po kayo sa Pilipinas?”
Sumagot ang Amerikano, “dalawang taon na.”
Mga Gawain
Bumalik Susunod
5. Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang wikang ginamit sa pag-uusap ng Amerikano
at Pilipino?
2. Ano ang maaring dahilan nang pagiging matatas ng
Amerikano sa wikang Filipino?
3. Ano ang kakaibang karanasan mo na may
kaugnayan sa konsepto ng wika?
Bumalik Susunod
7. Homogenous
Nagsasabing ang wikang “pormal” ay iba sa “naimbentong”
wika.
Bumalik Susunod
Nabuo at patuloy na ginagamit ng mga tao sa kasalukuyan.
Ito ay nangangahulugan na may mga salitang
magkakatulad mgumit dahil sa paraan ng pagbaybay at
intonasyon o punto ay nagkakaroon ng bagong kahulugan.
8. Halimbawa
PUno - tree sa Ingles
puNO – wala ng espasyo o full sa Ingles
buKAS – open sa Ingles
Bukas – tomorrow sa Ingles
TUbo – pipe o profit sa Ingles
tuBO – sugarcane sa Ingles
Bumalik Susunod
9. Halimbawa
BAka - cow sa Ingles
baKA – siguro
SAma – join sa Ingles
saMA – bad sa Ingles
HApon – afternoon sa Ingles
haPON – Tawag sa mga mamamayan ng Japan
Bumalik Susunod
11. Halimbawa
Erpat - binaligtad na pater (father)
Ermat - binaligtad na mater (mother)
lodi - binaligtad na idol
werpa - binaligtad na power
lokbu - binaligtad na bulok
letmaku - binaligtad na makulet
Bumalik Susunod
14. Varayti
Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga
linggwista na ang wika ay heterogenous o nagkakaiba-
iba
Bumalik Susunod
Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t
ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aaralan
at iba pa.
15. Barayti
“Ito ay isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang
katangian at nag-uugnay sa partikular na uri ng
katangiang sosyo-sitwasyonal.”
- Alonzo (2002)
Bumalik Susunod
16. Dalawang uri ng barayti
ayon kay Catford
PERMANENTE – likas na gamit at linang sa sinumang
tagapagsalita
PANSAMANTALA – nagbabago batay sa pagbabago
ng sitwasyon
Bumalik Susunod
17. PERMANENTENG BARAYTI NG WIKA
DAYALEK / DAYALEKTO – Ito ang barayti ng wikang
ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang
barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang
ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook,
malaki man o maliit. Ito rin ang wikang sinasalita ng isang
neyographical.
Bumalik Susunod
19. PERMANENTENG BARAYTI NG WIKA
IDYOLEK – Ito ay pansariling paraan, nakagawiang
pamamaraan o istilo sa pagsasalita.
Bumalik Susunod
20. HALIMBAWA NG IDYOLEK
1.) Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga
katagang, “Magandang Gabi Bayan!”
2.) Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa
kanyang programang Maalala Mo Kaya.
3.) Ang maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo
brothers.
4.) Huling linya ni Kuya Kim na “Ang buhay ay weather,
weather lang” pagkatapos ang kanyang ulat-panahon.
Bumalik Susunod
21. HALIMBAWA NG IDYOLEK
5.) Ang pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse
me po!” at “Di namin kayo ka tatantanan!”
6.) Ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga
Kwento ni Marc Logan.
7.) Ang magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris
Aquino
Bumalik Susunod
22. PERMANENTENG BARAYTI NG WIKA
ETNOLEK – Ang salitang ito ay nagmula sa pinagsamang
etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Bumalik Susunod
23. HALIMBAWA NG ETNOLEK
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na
pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-
ulan
Kabus – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng
Kankanaey ng Mountain Province
Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
Bumalik Susunod
24. PERMANENTENG BARAYTI NG WIKA
EKOLEK – Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at
sinasalita sa loob ng bahay. Taglay nito ang kaimpormalan
sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga
gumagamit nito.
Bumalik Susunod
25. HALIMBAWA NG EKOLEK
Palikuran – banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
Popshie – ama/tatay
Mamshie – nanay/ina
Bumalik Susunod
26. PANSAMANTALANG BARAYTI NG WIKA
REGISTER – Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop
ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap. Pagkakaroon ng pagbabago ng wika
sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:
Bumalik Susunod
Tono ng
kausap
Paksa ng
pinag-uusapan
Paraan ng
pag-uusap
27. PANSAMANTALANG BARAYTI NG WIKA
REGISTER – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng
wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na
domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa
larangan ng mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri
ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Bumalik Susunod
28. Ang wika ay sinasalita nang ayaon sa gamit o sitwasyong
panggagamitan nito. Sa puntong ito,iba’t –iba ang lapit sa
pag-aaral ng isang wika. Isang katotohanan na
penomenon o pangyayaring panlipunan ang wika kaya’t
dapat na lalo pang pahalagahan ang mga konseptong
pang wika tulad ng wika, wikang pambansa ,wikang
panturo, wikang opisyal ,bilingguwalismo,
multilingguwalismo gayundin ang pag-aaralan sa araling
ito na: REGISTER AT BARAYTI.
Bumalik Susunod
Mahalagang Kaalaman
29. Register
Ito ay varyasyon batay sa gamit
Bumalik Susunod
Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang
Gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta ng
pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging
panukat sa progreso ng tao
30. Tradisyonal na nilalapitan ang tipong ito ng
baryasyon sa konsepto ng register.
Halimbawa ng ilang sitwasyon:
Bibigyan kita ng reseta para sa aking pagsusuri.
(Mahihinuhang, doctor – pasyente ang usapan.)
Bumalik Susunod
31. Tradisyonal na nilalapitan ang tipong ito ng
baryasyon sa konsepto ng register.
Halimbawa ng ilang sitwasyon:
Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Lagyan ng
kaunting tubig, pakuluin, timplahin, ilagay ang
giniling at huli ang patatas.
(Pagsusuri: mula naman sa isang resipe)
Bumalik Susunod
32. Register
Bumalik Susunod
Tinatawag ding estilo sa pananalita. Ang isang tao ay
maaaring gumagamit ng iba’t ibang estilo sa kaniyang
pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag
ang kaniyang nadarama .
33. HALIMBAWA NG REGISTER
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya
ng mga doktor
Bumalik Susunod
34. PANSAMANTALANG BARAYTI NG WIKA
SOSYOLEK – Ito naman ang tawag sa barayting nabubuo
batay sa dimensyong sosyal. Nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba
pa.
Bumalik Susunod
35. IBA’T IBANG URI NG SOSYOLEK
Bumalik Susunod
Gay Linggo
- Wika ng mga bakla. Ginagamit ito ng mga bakla upang
mapanatili ang kanilang paagkakakilanlan kaya binago nila
ang tunog o kahulugan ng salita.
36. HALIMBAWA NG GAY LINGGO
1. Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
2. Wa fezlak ang girlash mo (walang mukha o itsura ang
gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)
3. Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
4. May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid
o kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid)
Bumalik Susunod
37. IBA’T IBANG URI NG SOSYOLEK
Bumalik Susunod
Coño
- Tinatawag ding conotic o conyospeak, isang baryant ng
Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya nag
kakaroon ng code switching.
38. HALIMBAWA NG COÑO
1. Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init
naman dito!)
2. Yucky, there’s a lot of palaka here! (Iw, ang daming
palaka dito.
Bumalik Susunod
39. IBA’T IBANG URI NG SOSYOLEK
Bumalik Susunod
Jejemon/Jejespeak
- Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit
isinusulat ng may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at
may magkakasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin.
41. IBA’T IBANG URI NG SOSYOLEK
Bumalik Susunod
Jargon
- Ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat
ng isang propesyon, trabaho, o gawain ng tao.
42. HALIMBAWA NG JARGON
• abogado – exhibit, appeal, complainant
• guro – lesson plan, class record, Form 138
Bumalik Susunod
43. PANSAMANTALANG BARAYTI NG WIKA
PIDGIN – Ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa
Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong wikang
di pag aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng
dalawang taong may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t-isa
kaya magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil dito
makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kanya-
kanya nilang unang wika.
Bumalik Susunod
44. HALIMBAWA NG PIDGIN
• Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang
babae.)
• Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa
akin.)
• Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na
ng paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)
• Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka
ng mabuti upang mataas ang iyong grado.)
Bumalik Susunod
45. PANSAMANTALANG BARAYTI NG WIKA
CREOLE – Ay isang wika na unang naging pidgin at
kalaunan ay naging likas na wika na ng mga batang
isinilang sa komunidad ng pidgin.
Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at
Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang
Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang
Annobonese).
Bumalik Susunod
46. HALIMBAWA NG CREOLE
• Mi nombre – Ang pangalan ko
• Di donde lugar to? – Taga saan ka?
• Buenas dias – Magandang umaga
• Buenas tardes – magandang hapon
• Buenas noches – Magandang gabi
Bumalik Susunod
48. Lingguwistikong Komunidad
May kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika.
Isinasaalang-alang din ang tungkol sa idyolek,
sosyolek,at diyalek ng pangkat ng tao sa isang
komunidad.
Bumalik Susunod
49. Lingguwistikong Komunidad
May kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika.
Isinasaalang-alang din ang tungkol sa idyolek,
sosyolek,at diyalek ng pangkat ng tao sa isang
komunidad.
Bumalik Susunod
50. Lingguwistikong Komunidad
Isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa
isang grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri
ng barayiti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipiko o tukoy na patakaran o mga alituntunin sa
paggamit ng wika.
Bumalik Susunod
51. Halimbawa nito ay ang Tagalog ng mga taga-Batangas.
Kasama rin sa pag-aaral ng lingguwistikong
komunidad ay ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng
wikang ginagamit dahil sa mass media, paaralan, at
ang makabagong teknolohiya.
Bumalik Susunod
52. Unang Wika
• Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at
unang itinurosa isa tao.
• Tinawag din itong katutubong wika, mother tongue,
arterial na wika.
• Natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak.
Bumalik Susunod
53. Skutnabb-Kangas at Philippson(1989)
Ang Unang Wika ay maaaring:
1. Wikang natututuhan sa mga magulang.
2. Ang unang wikang natutuhan, kanino paman ito
natutuhan.
3. Unang wika ng isang bayan o bansa(e.g.
Iloko:Ilokano; Bikolano:Bicol)
4. Wikang pinakamadalas gamitin ng isang tao sa
pakikipagtalastasan.
5. Ang wikang mas gustong gamitin ng isang tao.
Bumalik Susunod
54. Pangalawang Wika
• Mula sa salitang paulit-ulit niyang naririnigat unti-
unti niyang natutunan hanggang samagkaroon siya
ng sapat na kasanayan athusay rito at nagagamit
niya sa pakikipagtalastasan.
Bumalik Susunod
55. Pangalawang Wika
• Ito ay ang mga iba pang wikang pinag-aaralan o
natutuhan maliban pa sa unang wika.
Bumalik Susunod
56. Pangalawang Wika
Halimbawa: Kung ang unang wika ay ang kinagisnang
wika (mother tongue) at kapag pinag-aralan ang iba
pang wika, ito ang kaniyang pangalawang wika maging
ang iba pang wikang pinag-aralan: Simbolo nito ang L2.
Ang kasalukuyang wikang pambansa na Filipino ang
pangalawang wika.
Bumalik Susunod