2. • Mangaso – manghuli
• Tresilyo – sugal gamit ang baraha
• Pag-aalipusta – Paghamak
• Pag-aalsa – Paghihimagsik
• Masusugpo – Mapipigil
• Armas de Salon – Sandatang Pandekorasyon
Talasalitaan:
3. 1.Kapitan Heneral –pinipilit na gawin ang kanyang trabaho habang siya
ay nag lalaro ng baraha.
2.Padre Sibyla – kasama ni Padre Irene sa pagpapatalo sa Kapitan
Heneral sa Tresilyo
3.Padre Irene – Nagpapatalo sa Kapitan Heneral sa tresilyo upang
papayag ang Heneral sa kanyang kahilingan
4.Padre Camorra – Mainitin ang ulo at ayaw magpalamang sa kanyang
mga kalaro
5.Padre Fernandez – Matalino at iniisip ang makabubuti sa nakakarami
TAUHAN:
4. 6. Simoun – Sumali sa laro ng baraha ngunit iba ang hinihiling
kapalit sa halip na pera
7. Don Custodio – Ipinayo niya na ilipat ang paaralan sa
sabungan dahil wala naman daw sabong tuwing Lunes
hangang Biyernes
8. Ben-Zayb – Nagbibilyar kasama si simoun
9. Kalihim – sa kanya binibilin ang mga dapat pagdesisyonan
ng Kapitan Heneral
TAUHAN:
5. Nangangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso ngunit walang
silang nahuli sapagkat natatakot ang mga hayop sa dala nilang isang
banda ng musiko. Kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay.
Ikinatuwa ito ng Heneral sapagkat hindi nahalata ang kaniyang
kawalan ng kaalaman sa pangangaso. Kaya naglaro nalang ng baraha
sina Padre Irene, Padre Sibyla, Padre Camorra, at ang Kapitan
Heneral. Nagpatalo sina Padre Sibyla at Padre Irene samantalang inis
na inis naman si Padre Camorra dahil siya ay natatalo. Hindi nagtagal
ay pumalit si Simoun kay Padre Camorra.
BUOD:
6. Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta
ng mga prayle ang pangakong magpapakasama ng loob sa limang araw. Sa Kapitan
Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay simoun na magpakulong at
magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin. Maraming mungkahi ang
napagpasiyahan at mayroon din namang hindi. Laging sinasalungat ang Heneral ng
mataas na kawani. Hindi lingid sa kaalaman ni Padre Camorra ang sadyang
pagpapatalo ng dalawa ay para sa akademya ng wikang Kastila na nais ipatayo ng
mga mag-aaral. Nagkaroon ng talakayan at pagtatalo tungkol dito ang mga prayle at si
Simoun. Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng Los Baños na nagsabing handa na
ang pagkain. Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan Heneral na si juli ay Tatlong
araw na pabalik-balik at nagmamakaawa na palayain ang kanyang nuno
BUOD:
7. • Malinaw ang mga isyu ng kapangyarihan, korapsyon, at
panlipunang hindi pagkakapantay-pantay. Ang Kapitan Heneral at
Simoun, bilang mga representante ng naghaharing uri, ay
nagpakita ng kanilang kapangyarihan at yaman upang manipulahin
ang mga prayle. Isa din ang epekto ng maling paggamit ng
kapangyarihan. Sa halip na gamitin ito para sa kagalingan ng lahat,
ginamit ito ng mga may kapangyarihan para sa kanilang sariling
interes. Sa kabilang banda, si Juli, na kumakatawan sa
pangkaraniwang tao, ay nagpakita ng kanyang kahinaan at pagka-
api.
ARAL NA
MAPUPULOT
9. 1. Bakit hindi makabaril ng usa o ibon ang kapitan Heneral?
2. Sino ang Prayle na galit na galit dahil palaging natatalo sa laro
nilang tresilyo?
3. Ano ang kondisyong ibinigay ni simoun sa mga Prayle at sa
kapitan Heneral?
4. Bakit ayaw ng Kapitan Heneral at ng mga prayle na ipatayo ang
Paaralan ng wikang Kastila?
5. Sino ang nagmamakaawa na palayain ang kanyang nuno?
MGA TANONG