SlideShare a Scribd company logo
1 of 29
Download to read offline
9
AIRs - LM
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 10
Lipunang Sibil, Media, at
Simbahan
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan - Modyul No: 13 Ang LIpunang Sibil, Media at Simbahan
Unang Edisyon, 2020
Karapatang Sipi © 2020
La Union Schools Division
Region I
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o
pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Corazon O. Subang
Joylen Grace D. Mazon
Daiserie P. Gulla
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II
Tagapamahala:
ATTY. Donato D. Balderas, Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of EsP
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Edukasyon sa
Pagpapakatao 9
Unang Markahan - Modyul 10
Lipunang Sibil, Media, at
Simbahan
Alamin
Ang mga institusyon ng lipunan ay may kani-kanyang mga gampanin sa
pagtulong sa mga kasapi nito upang matamo ang kanilang kaganapan at mapaunlad
ang bansa.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo
ang sumusunod na kasanayan:
1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kaniyang papel na
ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat.
(EsP 9PL-lg-4.1)
2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil
upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat. (EsP9PL-Ig-4.2)
3. Nahihinuha na:
(a). Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang
ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga
tulad ng katarungang panlipunan, pang ekonomiyang pag-unald
(economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng
kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay.
(b). Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang
kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya;
(c) Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng
katuturana ng mga material na pangangailangan na tinatamasa natin sa
tulong estado at sariling pagkukusa. (EsP9PL-Ih-4.3)
4. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa
kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-
ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng
mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan (gender equality)at ispiritwalidad (mga
pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable);
(b) Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang
matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang
adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng
pagganap nito sa pamayanan. (EsP9PL-Ih-4.4).
Simulan
Gawain 1:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang lipunang sibil na nagsusulong sa mga
adbokasiya na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bawat
numero.
Hanay A Hanay B
1. Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang
mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at
Muslim.
A. Media
2. Ang nagsulong upang maisabatas ang mga
sumusunod: Anti-Sexual Harassment, Anti-Rape
Law, Anti VAWC etc.
B. Kapisanan ng
mga
Broadcasters sa
Pilipinas(KBP)
3. Ang nagpatayo ng kauna-unahang pabahay
para sa isang mahirap na mag-anak sa
Caloocan City noong 1999.
C. “Bayan Mo,
Ipatrol
Mo”
4. Ang organisasyong tumututol sa paninigarilyo
sa
Pilipinas noong 1982.
D. Taliban
5. Ang naghahatid ng impormasyon at
pinaglalagakan lamang ng katotohanan
na kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng
bawat kasapi ng lipunan.
E. Seventh Day
Adventist Church
6. Ang nag-endorso ng pagkilos upang maibasura
ang sistemang pork barrel.
F. Gabriela
7. Binubuo ng mga katutubong Muslim sa
Pakistan na naniniwalang hindi dapat
magkaroon ng edukasyon ang kababaihan.
G. Peace Advocates
Zamboanga (PAZ)
8. Ang nagpalutang ng mga impormasyong may
kinalaman hindi lamang sa halalan, kundi
maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya,
paghahatid ng tulong, atbp.
H. Catholic Bishops
Conference of
the Philppines.
9. Ang binigyang kapangyarihan ng DENR
upang dakpin at maghabla sa mga nagtotroso.
I. Couples for
Christ
10.Ang nagpasiya na tanggihan sa
pagpapatalastas ang mga kompanya
ng sigarilyo.
J. Lider ng Basic
Ecclesial Com.
Aralin
1
Ako at Ang Aking Lipunan
Lakbayin
Ang tao ay may kalikasang sosyal kayat natural sa kanya na bumuo ng mga
pangkat na kanyang kabibilangan Ang mga pangkat na ito ay lehitimo sa isang
lipunan kayat nararapat irespeto at pangalagaan sila ng bansa bilang pagsunod sa
prinsipyo ng pagtutulungan para sa kabutihang panlahat.
Ang tao, bukod sa sosyal, ay marami ring mga kakulangan at
pangangailangan na mahirap niyang matugunan sa pamamagitan ng kanyang sarili
lamang Dito pumapasok ang kahalagahan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga
institusyong bumubuo ng lipunan.
Ang Lipunang Sibil, Media at Simbahan
Ang pagbuo ng isang organisasyon upang matamo ang mga pangangailangan
ng tao ay natural na karapatan ng bawat indibidwal. Ang bawat tao ay may
inklinasyon tungo sa maayos na pagpapaunlad ng sarili at upang makamtan ang
inklinasyon, kailangang humanap siya ng ibang tao, bukod sa kanyang pamilya at
mga kakilala. Ang mga organisasyon sa lipunan ay pinangangasiwaan,
pinagsasama-sama, pinalalakas ng mga kasapi upang mas madaling maabot ang
kanilang layunin.
Ang Lipunang Sibil
Ang Lipunan Sibil ay ang tawag sa pagkukusang-loob na pag-organisa ng
ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa upang matugunan
ang kanilang pangangailangan. Ito ay hindi isinusulong ng mga politiko na ang
interes lamang ay ang pananatili sa kapangyarihan. Hindi rin ito isinusulong ng mga
negosyante na ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay
ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan. Ang lipunang sibil ay
nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kayâ
nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad
ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan.
Mga Halimbawa:
1.Peace Advocates Zamboanga (PAZ) – ito ay inorganisa ng Simbahang
Katoliko na ang layunin ng kanilang adbokasiya ay upang palakasin ang
ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim at ng iba pang mga katutubo.
2.Gabriela – ito ay isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas nabuo bilang isang
lipunang sibil at na naging isang pampolitikang partido. Sa kanilang
pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod:
 Anti-Sexual Harassment Act (1995)
 Women in Development and Nation-Building Act (1995)
 Anti-Rape Law (1997),
 Rape Victims Assistance and Protection Act (1998)
 Anti-Trafficking of Persons Act (2003)
 Anti-Violence Against Women and Their Children (2004)
Ang Media
Ang Media ay isang anyo ng lipunang sibil na ang pangunahing layunin ay
magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit
tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan. Ang maramihan at sabay-
sabay ang paghahatid ng impormasyon ay tinawag itong mass media: diyaryo, radio,
telebisyon, pelikula, o internet.
Halimbawa:
 Bayan mo, Ipatrol Mo – ito ay lipunang sibil na inilunsad ng ABS-
CBN noong 2007 na estasyon ng telebisyon. Ang layunin ay ang
pagpapalutang ng mga impormasyon may kinalaman hindi lamang sa
halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid
ng tulong, pagpapaayos ng mga daan, pagpatayo ng mga sentrong
pampamayanan.
Ang Simbahan
Ang Simbahan ay anyo ng lipunang sibil na nagsusulong ng espiritwalidad
Ito ang dahilan kung bakit ang Simbahang Katoliko halimbawa ay hindi nagtuturing
sa sarili bilang hiwalay sa kalakhan ng lipunan, kundi bilang kasanib dito. Sa
pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong
pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay
mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa panawagan ng lahat
na, “Paki lang”
Halimbawa:
 Basic Ecclesial Community - ito ay inorganisa upang matugunan ng
Simbahang Katoliko ang iba’t ibang kalagayan ng pamayanan.
 Couples for Christ- ang nagpatayo ng kauna-unahang nagpatayo ng
pabahay para sa isang mahirap na mag-anak sa Bagong Silang,
Caloocan City noong 1999.
 Seventh Day Adventist Church -ay nagbubuo ng koalisyon ng mga
organisasyon ito na tumututol sa paninigarilyo. Pinag-igting ng
Kagawaran ng Kalusugan noong 1994 ang kampanyang isinusulong
ng mga Sabadista, hanggang maging Batas Pambansa noong 2003 ang
pagbabawal sa pagpapatalastas ng paninigarilyo.
Natutunan mo sa Modyul 1 ang iba’t ibang institusyong panlipunan at naging
malinaw sa iyo na ang layunin ng lipunan ay para makamit ang kabutihang
panlahat.
Upang maihanda ka sa ating aralin, ating balikan ang mga natutunan mo sa
Modyul 1 sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain na may kinalaman sa mga
institusyong Panlipunan.
5
Galugarin
Gawain 2:
Panuto:
A. Itala sa talahanayan ang mga Lipunang Sibil o NGO na naglilingkod sa
inyong lugar at isulat din ang kanilang gawain o proyekto.
Lipunang Sibil o NGO Gawain o Uri ng Paglilingkod
1.
2.
3.
4.
5.
B. Mula sa iyong kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang karaniwang papel na ginagampanan ng mga lipunang sibil sa ating
lipunan?
2. Paano natutulungan ng mga organisasyon ang mga mamamayan? Bakit kaya
nila ito ginagawa?
3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong organisasyon sa bansa?
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
7
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Adhikaing
Panlipunan
Lipunang Sibil
Media
Simbahan
1. Ano ang Lipunang Sibil?
2. Magbigay ng mga halimbawa
ng lipunang sibil.
3. Ano ang adhikain ng
lipunang sibil?
1. Ano ang Media?
2. Ano ang adhikain ng media?
1. Ano ang Simbahan?
2. Magbigay ng mga adhikain
ng simbahan.
5 4 3 2 1
Nilalaman
Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
Wastong gamit ng wika, bantas at baybay
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghusay
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay
Palalimin
Gawain 3:
Panuto: Ilahad at ipaliwanag ang mga konsepto tungkol sa
lipunang sibil, media at simbahan sa pamamagitan ng
pagsagot graphic organizer na makikita sa ibaba.
Rubrik sa Pagsagot ng mga tanong
PAMAN
-TAYAN
Napakahusay
5
Mahusay
4
Di-
gaanong
mahusay
3
Nangangailan
-gan pa ng
Kasanayan
2
May
Panimulang
Kasanayan
1
NILALA
MAN
(5
PUNTO
S)
Napakahusay
ng sagot.
Tiyak,
malinaw at
malawak ang
kasagutan sa
tanong.
Mahusay
ang sagot.
Malinaw
at maayos
ang
pagkakau
gnay ng
sagot sa
katanung
an.
May
kahusayan
ang
pagkakabu
o ng sagot
ngunit
hindi
gaanong
malinaw at
tiyak.
Nangangailan
gan ng
kahusayan
ang sagot.
Hindi
malinaw at
tiyak ang
mga salita.
May ilang
naisulat na
salita ngunit
walang diwa.
Aralin
2
Lipunang Sibil Patungo
sa Kabutihang
Panlahat
Lakbayin
“No Man is an Island” ika nga ni John Donne. Ang tao ay hindi
mabubuhay na mag-isa lamang. May mga bagay ka mang natutugunan para sa
iyong sarili pero hindi ka mabubuhay na mag-isa ka lamang.
Bilang isang binata o dalaga, alam mo kung ano-ano ang kaya mong
gawin at alam mo rin kung ano-ano ang mga bagay na hindi mo kaya. Dahil sa
pandemya, mas lalo mo pang nakilala ang iyong sarili. Maaaring nalaman mong
ikaw pala ay magaling magluto, magtanim, magbake, maging isang negosyante at
mas lalo mong nakilala ang iyong kapamilya. Nalaman mong marami ka mang
kayang gawin, kakailanganin mo pa rin ang ibang tao sa pagtugon ng iyong
pangangailangan. Namulat ka sa panahong ito kung gaano kahalaga ang
pagtutulungan at pagkakawanggawa.
Sa pamahalaan naman, gumagawa ito ng batas upang masigurong
lahat ng ating pangangailangan ay matutugunan. Inilulunsad nila ang iba’t ibang
mga proyekto na nakapagbibigay ng pagkakataon para sa lahat na guminhawa ang
buhay kagaya ng pagbibigay ng assistance/ tulong para ang mga tao ay magkaroon
ng disenteng hanapbuhay. Ngunit kung ating titignang mabuti ang ating lipunan,
sadyang marami pa rin ang mga pangangailangan ng bawat Pilipino na hindi
natugunan o kayang tugunan ng ating pamahalaan. Ang mga adhikain ng ating
lipunang sibil o ang mga NGO ay malaking ambag para sa pagsakatuparan ng mga
Pilipino sa kanilang mga kakulangan sa buhay.
Konsepto ng Lipunang Sibil, Media at Simbahan
Lipunang Sibil
Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ng
ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa't isa. Tayong lahat
ay kabilang sa isang lipunang sibil sapagkat tayo ay mayroong pamilya at
ang pamilya ang siyang pinakapangunahing yunit ng isang lipunang sibil.
Media
Ang media ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o
namamagitan sa nagpadala at pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita
para sa lahat ng mgamamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung
marami.
Simbahan
Ang simabahan ay nagsisilbing gabay natin sa ispiritwal na
kaganapan. Ito rin ay isang panrellihiyong institusyon na siyang
nagtataguyod sa ating pagganap.
Ngayon naman ay iyong linangin ang kaisipan tungkol sa ating
aralin. Halika na’t basahin at unawain mo ang teksto na nasa ibaba.
Mga Adhikain ng Lipunang Sibil, Media, at Simbahan
Ang lipunang sibil ay isang uri ng lipunan na nabuo dahil sa kusang
pag-oorganisa ng ating mga sarili upang matugunan ang pangangailangan ng bawat
isa. Lahat ng tao ay kabilang sa pagpupuno sa pagkukulang ng bawat isa. Katuwang
natin ang isa’t-isa sa lipunang sibil. Ito ay binubunsod ng pagnanais ng mga
mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong
tugunan ng pamahalaan at kalakalan. Mahalaga ang gampanin ng bawat isa
sa lipunang sibil dahil ang lipunang ito ang nagiging katuwang ng
pamahalaan para sa pagsasaayos at ikabubuti ng ating lipunan. Ang lipunan
ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid ng isang hibla ay ay may
ganoon ding epekto sa kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa anumang
lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan.
Ang pagwawalang bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung
hindi man nakapagpapalala ng mga suliraning Panlipunan. Sapagkat ang
ikabubuti ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa sa ating,
hindi maiaalis ang patuloy nating pagmamalay sa apanyaya ng bawat
nakakatagpo nating nakikiusap na “ Paki lang”
Galugarin
Gawain 1:
Panuto:
1. Sa tulong at gabay ng iyong mga magulang o kapatid, magsagawa ng isang
paglilingkod na gusto mong gawin sa buhay. Hal. Ipamigay ang mga
napaglumaang gamit, damit, sapatos o school supplies sa mga mahirap na
mag-aaral o naapektuhan ng COVID-19 sa inyong komunidad o di kaya
ay uri ng serbisyo na maaari mong magawa para sa iyong kapwa.
2. Maglakip ng mga larawan na patunay sa pagsasagawa. Gamitin ang
katulad na pormat na nasa ibaba.
Palalimin
Gawain 2:
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba at punan ang
talahanayan.
 Sa panahon ng pandemya, may naaalala ka bang mga organisasyon na
nagbigay ng tulong o kawanggawa sa mga mamamayan?
 Nabiyayaan ka ba o ng iyong pamilya ng tulong, kawanggawa o di kaya
naman ay paglilingkod-bayan?
 Ano-anong serbisyo o tulong ang iyong natanggap?
“LOVE DRIVE 2020”
Pangalan ng Binigyan
Petsa ng Pagsasagawa
Mga Bagay na Naibigay
Layunin ng Gawain
Uri ng Paglilingkod
BATAYAN NG PAGMAMARKA
NILALAMAN
(kaugnayan sa paksa, buo ang diwa,
makatotohanan)
10
Ebidensiya 10
Nasunod ang Itinakdang Oras 5
Nasunod ang Panuntunan ng Guro 5
KABUUANG PUNTOS 30
Pangalan ng
taong nagbigay
ng tulong /
Pangalan ng
organisasyon
Uri ng tulong o serbisyong
naibigay
Ano ang iyong nagging
damdamin sa ginawang
kawanggawa o pagtulong?
1.
2.
3.
4.
5.
Rubrik sa Pagsagot ng mga tanong
PAMANTAYAN Napakahusay
5
Mahusay
4
Di-gaanong
mahusay
3
Nangangailan
gan pa ng
Kasanayan
2
May
Panimulang
Kasanayan
1
NILALAMAN
(5 PUNTOS)
Napakahus
ay ng sagot.
Tiyak,
malinaw at
malawak
ang
kasagutan
sa tanong.
Mahusay
ang sagot.
Malinaw at
maayos
ang
pagkakaug
nay ng
sagot sa
katanunga
n.
May
kahusayan
ang
pagkakabuo
ng sagot
ngunit
hindi
gaanong
malinaw at
tiyak.
Nangangail
angan ng
kahusayan
ang sagot.
Hindi
malinaw at
tiyak ang
mga salita.
May ilang
naisulat na
salita
ngunit
walang
diwa.
Aralin
3
Layunin ng Lipunang
Sibil
Lakbayin
Sa panahon ng pandemya, ramdam ng bawat tao sa buong mundo ang
hirap na dinaranas natin ngayon. Makikita natin na hindi malusog ang ekonomiya.
Isang malinaw na palatandaan halimbawa ang pangangailangang pinansyal para sa
medikal o pangkalusugan lalo na kung isa ka sa mga natamaan ng virus na
kumakalat sa buong mundo. Marami ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.
Tumaas ang bilang ng mga pamilyang nagugutom simula noong tumama ang virus
na ito. Nabuo sa isip mo na ganyan talaga ang buhay. Ngunit sa paglalakbay mo sa
modyul na ito, makikita at malalaman mong maraming nag-iisip na hindi kailangang
maging ganyan na lamang ang buhay. Dito malalaman at makikita mo na hindi ka
nag-iisa. May mga sumasalungat sa kalakaran na sa una’y walang pumapansin, ay
unti-unting nakakakuha ng mga kakampi hanggang sa dakong huli ay nagbunga ng
pagbabago sa kalakaran ng lipunan.
LIPUNANG SIBIL
Ang kusang loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang
pagtuwang sa isa’t isa pampubliko man o pribado. Hindi nito isinusulong ng mga
politikong may pansariling interes. Maging ang mga negosyanteng ang interes
lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay nagbubunsod ng pagnanais ng
mga mamamayanan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na hindi
maibigay ng pamahalaan at kalakalan (business). Ang lipunang sibil ang
nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya
nagkakaroon ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad
ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Ilan sa mga
layunin ng lipunang sibil ay ang mga sumusunod:
1). maisulong ang likas- kayang pag-unlad,
2). magkaroon ng isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang
pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan,
3). Maisulong ang pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability),
4). Pakikilahok ng mga mamamayan
5). Pangangalaga ng kapaligiran
6). Kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at
ispiritwalidad.
May nalalaman ka bang halimbawa ng lipunang sibil? Anu-ano ang kanilanag
isinusulong tungo sa kabutihang panlahat?
Mga halimbawa ng lipunang sibil
LAYUNIN NG MEDIA
Anumang bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpadala at
pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium, o media kung marami. Nagagamit
natin ito upang ipahatid ang mga impormasyin na nais nating maibahagi. Tinatawag
na mass media kung ito ay maramihan at sabay-sabay na paghahatid na ginagawa.
Maparadyo, telebisyon, dyaryo o magasin, internet at pelikula. Sa tulong ng mga ito,
nalalaman natin ang mga nangyayari sa ating paligid mapanasyonal o
internasyonal. Malalaman ng mamamayan kung may paparating na bagyo, kung
kaya nakgagawa sila ng kaukulang paghahanda. Kapag may nangangailangan ng
saklolo at gustong ipanawagan sa marami, media rin ang inaasahan. Sa
pagpapalutang ng mahahalagang imposrmasyon ay napapanatili mo ang ikabubuti
ng ibang kasapi ng lipunan. Sa pagkamit ng ikabubuti ng bawat mamamayan,
nakakamit din ang ikabubuti ng kabuuan nito. Ang impormasyon tungo sa
ikabubuti ng lahat ay napalulutang mo sa pamamgitan ng media.
Pangunahing layunin ng media bilang isang uri ng lipunang sibil, ay
magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Tungkulin din nito ang
maghatid o magsabi ng buong katotohanan at dagliang pagtutuwid sakali mang may
naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa
pagpapasiya ng ikikilos. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang
kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti nino
man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan.
Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pang-
ibig na lumilikha. (Papa Juan Pablo II, 1999)
LAYUNIN NG SIMBAHAN
Likas sa mga Pilipino ang manalig at may takot sa Diyos. Dahil nakapaloob
tayo sa Demokratikong bansa, may kalayaan ang mga tao na mamili at umanib sa
mga Pananampalataya na naisin nila. Kaya nga nagkalat ang mga iba’t-ibang
simbahan saanmang dako ng ating bansa. Sa bawat problemang dumarating sa
ating buhay, palaging Diyos ang ating kanlungan. Sa Diyos tayo humuhugot ng
lakas na malampasan ang mga problemang ito. Itinuturing natin na ang simbahan
ay sagrado o banal na lugar. Dito natin malayang naipapahayag ang ating mga
saloobin. Napakahalaga ang papel na ginagampanan ng simbahan. Isa na rito ang
gabayan ang mga tao para maging isang mabuting mamamayan, mgkaroon ng
pagmamahal at takot sa Diyos. Tinuturuan tayo na gumawa ng mabuti batay sa
Banal na Salita ng Diyos. Ang simbahan ay tumutulong sa lipunan upang makamit
ang kabutihang panlahat. Inoorganisa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang
makapupuno sa atin sa kabila ng kariwasaan. Iba’t ibang antas ng pagkaunawa sa
totoong kabuluhan ng buhay: may mas malalim, may mas mababaw. Sa maraming
pagkakataon ng iyong pagkabagot, dito mo napagtanto ang iyong kababawan, kung
kaya nagpapatuwang ka sa mga kasapi ng lipunan na may kalaliman ang pag-
unawa sa buhay. Lumalapit ka sa mga lider ng moralidad: pari, pastor, imam, guru,
monghe at iba pa.
Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong
pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay
mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa panawagan ng lahat.
Narito ang mga katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil na
inilarawan sa modyul na ito:
1. Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o nanggigipit sa mga kasapi
nito upang makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensiya ng estado o
negosyo. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sinumang nasa
pamahalaan, o ng pangkomersyong hangarin ng sinumang negosyante.
2. Bukas na pagtatalastasan. Walang pinipigilan o dinidiktihan sa
pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung saan
buhay ang diwa ng demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuru-kuro ay
nalilinaw ang mga usapin; daan upang ang mga kaanib ay magkaroon ng
katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasiya.
3. Walang pang-uuri. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng
mga kasapi: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi,
anumang kasarian dahil isinusulong ang kabutihang panlahat, binibigyan ng
pagkakataong mapakinggan ang lahat ng panig; sa gayon ay walang maiiwang
hindi nagtamasa ng bunga ng pagsisikap ng lipunan.
4. Pagiging organisado. Bagama’t hindi kasing-organisado tulad ng estado at
negosyo, patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng
pagkakataon. Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga
natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng
organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan.
5. May isinusulong na pagpapahalaga. Ang isinusulong nito ay hindi
pansariling interes kundi kabutihang panlahat. Isinusulong ng media ang
katotohanan, isinusulong naman ng Simbahan ang esperitwalidad. Ang
pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga kasapi upang
mapagtagumpayan ang anumang balakid.
“Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang,” sabi nga ni Fr.
Eduardo Hontiveros sa isang awit. Ang pakikisangkot natin sa anumang
lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan.
Galugarin
Gawain 1: “Lingkod-Bayan, SerbisyongTotoo!”
Panuto: Punan ang mga kahon sa bawat uri ng Lipunang Sibil. Magsulat ng
dalawang (2) layunin o serbisyong ibinibigay ng bawat isa.
Bilang isang estudyante, paano nakakatulong sa iyo ang bawat lipunang
sibil?__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________
Media Simbahan
Pamahalaan
Pamantayan sa Paggawa
PAMANTAYAN Napakahu
-say
5
Mahusay
4
Katamtaman
3
Kailangan
pa ng
dagdag na
Kasanayan
2
May
Panimula
-ng
Kasanay
an
1
NILALAMAN
(5 PUNTOS)
Napakahu
say sa
pagkakab
uo ng
sagot.
Malawak
at angkop
and
elbaorasy
on
Mahusay
ang
pagkakabu
o ng mga
sagot.
Malinaw at
tiyak ang
pahayag at
paliwanag.
May
kahusayan
ang
pagkakabuo
ng sagot.
Tiyak ang
mga pahayag
at paliwanag.
Maligoy
ang
sagot.Naka
lilito at
hindi tiyak
ang mga
punto.
May ilang
naisulat
na salita
ngunit
walang
diwa.
Palalimin
GAWAIN 2: ISAKATUPARAN MO, ISAKATUPARAN KO!
Panuto: Magsagawa ng survey sa inyong barangay. Mamili ng isa sa mga
lipunang sibil. Itala ang mga datos na iyong makakalap sa napiling
lipunang sibil.
Pangalan Tanggapan
ng
Lipunang
Sibil
Adbokasiya Layunin Mga Nagawa/Proyekto sa
barangay
1. Sa mga nagawang proyekto, ayusin ayon sa tindi ng pangangailangan ng
agarang pagtugon (prioritization).
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagiging pangunahin (sa tindi ng agarang
pagtugon) bilang una sa talaan ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Ngayong panahon ng pandemya, alam natin na naapektuhan ang lahat
ng sangay ng lipunan at iba’t-ibang organisasyon. Magkaganunpaman, dito rin
makikita ang bayanihan at pagkakaisa ng bawat tao sa buong mundo. Dahil sa
pandemya, makikita natin kung paano gumalaw ang lipunang sibil, media at
simbahan. Araw-araw, napapanood at nalalaman natin ang mga nangyayari sa
ating kapaligiran gamit ang telebisyon, radio o social media. Ito rin ang naging
dahilan upang mas mapalapit pa tayo ng husto sa pananampalataya natin sa Diyos
gamit ang simbahan.
Ayon sa pahayag ni UN Secretary General Ban Ki- moon, (High- level event on
supporting civil society, Setyembre 23, 2013), “Kung ang mga pinuno ay hindi nakikinig
sa kanilang mamamayan, sila ang makakarinig – sa mga kalsada, sa plaza, o sa
madalas nakikita sa mga labanan. Mayroong higit na mabuting paraan. Mas
maraming makikilahok. Mas umiiral ang demokrasya. Mas higit ang ugnayan at
Aralin
4
Adbokasiya ng
Lipunang Sibil
kaisipang- bukas. Nangangahulugan ito ng ganap na espasyo para sa lipunang
sibil.”
Lipunang Sibil At Ang Lipunan Ngayon
Ang ating lipunan ay nangangailangan ng mga tao o grupo na maglulunsad
ng mga interes ng bayan laban sa mga mapang-abusong indibidwal. Ang lipunang
Sibil at ang mga kasapi nito ang naging boses ng mga mahihirap nating kababayan.
Sila ang nangunguna sa pakikilahok sa paglutas ng mga problema at nakatutok sa
mga usaping mahalaga sa lipunan, gaya ng mga sumusunod:
 Paglaban sa kahirapan, katiwalian at hindi pagkapantay- pantay sa
kalagayang pangkabuhayan.
 Pagtugon sa mga usaping pantao, kabilang ang mga armadong tunggalian
 Pagsusulong ng bias ng batas at ng pananagutan;
 Pagsulong ng kalayaan ng publiko atbp.
Nakita natin ang naging kontribusyon ng bawat isa sa pagsugpo sa pandemya
at mga paraan para matigil ito. Nakita rin natin kung paano kumilos ang mga iba’t-
ibang ahensiya at organisasyon tungo sa kabutihang panlahat. Marahil marami
kang katanungan bakit nangyayari ito sa atin. May tulong ba na naibigay sa bawat
tao? Sapat ba ang mga tulong na ito na naibigay? Naibigay ba ang mga ito sa mga
dapat na makatanggap? Sino dapat ang mas maraming magawa sa panahon ng
pandemya? Kaninong kasalanan ang mga kakulangan sa pagsugpo ng krisis na ito?
Sadyang napakaraming katanungan na pilit nating hinahanapan ng sagot, ngunit
kung ikaw ang tatanungin, “NAGAWA MO NA RIN BA ANG IYONG TUNGKULIN?”
Galugarin
GAWAIN 1:
Panuto:Isulat ang EV (kung pang-ekonomiyang Pag-
unlad),PK(Pangangalaga sa kapaligiran),GE (Pagkakapantay-pantay ng
kababaihan at kalalakihan) at IS (Ispiritwalidad).
_____1. Paghihiwalay sa nabubulok at di-nabubulok na basura.
_____2. Pakikilahok sa Spiritual Nourishment Program sa paaralan.
_____3. Bumibili ng mga local na produkto.
_____4. Pantay na trabaho para sa babae o lalaki.
_____5. Nagtatanim ng mga puno.
_____6. Karapatang pumili ng sariling relihiyon.
_____7. Pagtangkilik sa mga sariling atin.
_____8. Pagbili sa mga may “Tatak Pinoy”.
_____9. Naglilinis sa kapaligiran.
_____10. Nakikiisa sa Moral Recovery Program.
Tanong:
Ano ang magandang mangyayari sa ating bansa kung nagagawa lahat ang
mga gawain na ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Rubriks ng Pagsagot sa Tanong
Napakahusay
5
Mahusay
4
Katamta
man
3
Kailangan pa
ng dagdag na
Kasanayan
2
May
Panimulang
Kasanayan
1
Napakahusay
sa
pagkakabuo
ng sagot.
marami ang
Mahusay
ang
pagkakabuo
ng mga
sagot.
May
kahusaya
n ang
pagkakab
uo ng
Maligoy ang
sagot.Nakalil
ito at hindi
tiyak ang
mga punto.
May ilang
naisulat na
salita
ngunit
angkop na
pahayag at
elaborasyon.
Malinaw at
tiyak ang
pahayag at
paliwanag.
sagot.
Tiyak ang
mga
pahayag
at
paliwanag
.
walang
diwa.
Palalimin
GAWAIN 2:
Panuto: Pumili ng isang aspekto ng Lipunang Sibil at iguhit ito sa ¼
illustration board. Dapat naglalaman ito ng mensahe ng mabuting ambag sa
lipunan, simbahan at media upang makamit ang kabutihang panlahat.
a. Katarungang Panlipunan
b. Pag-unlad ng Kabuhayan
c. Pakikilahok sa pamayanan
d. Pangangala ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espiritwalidad
Rubrics sa Pagguhit
Pamantayan Deskripsyon Puntos Natamong
Puntos
Pagkamalikhain Ang mga konseptong
iginuhit ay naging
makabuluhan upang
lubos na maipakita
ang sama-samang
pagkilos sa aktibong
pakikisangkot tungo
50
sa pambansang
kaunlaran
Orihinalidad Ang mga iginuhit ay
original na gawa at
lubos na naipakita ang
pambansang
kaunlaran
30
Kalinisan Malaya sa anumang
dumi o bura.
20
Kabuuang Puntos 100
Sukatin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong at isulat sa
patlang ang titik ng wastong sagot.
___1. Anong tawag sa uri ng lipunang kusang loob na pag-organis upang
matugunan ang ating pangangailangan?
A.Lipunang Sibil C. Lipunang Pang-ekonomiya
B.Lipunang Pampulitika D. Lipunanag Pangkabutihan
___2. Ang anyo ng lipunang sibil na nagsusulong ng espiritwalidad ay ang_______.
A. Gabriela B.Media C. PAZ D.Simbahan
___3. Ang Gabriela ay grupo ng mga kababaihan na ang pangunahing layunin ay
ang maipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI isinusulong na batas ng Gabriela?
A. Anti-Smoking C. Anti-Sexual Harrassment Act
B. Anti-Rape Law D. Violence Against Women and Children
___4. Anong anyo ng lipunang sibil ang nagsusulong ng katotohanan?
A. Gabriela B.Media C. KBP D.Simbahan
___5. Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang kauna-unahang nagpatayo
ng pabahay para sa isang mahirap na pamilya Bagong Silang, Caloocan City
noong 1999?
A. Couples for Christ
B. Seventh Day Adventist Church
C. Peace Advocates Zamboanga (PAZ)
D. Catholic Bishops Conference of the Philippines
___6. Ang batang babaeng mag-aaral na sumulat ng blog sa Internet upang
ilarawan kung gaano kahirap mag-aral dahil sa panggigipit ng mga Taliban.
A. Britney Spears C. Elena Ferrante
B. Clarice Lispector D. Malala Yousafzai
___7. Anong katangian ng lipunang sibil ang inilalarawan kapag walang pumilit,
nananakot o naggigipit sa mga kasapi nito upang makisangkot?
A. Bukas na pagtatalastasan C. Pagkukusang-loob
B. Pagiging organisado D. Walang pang-uuri
___8. Ang PAZ ay idinaos ang Forum on Rehabilitation and Reconcilliation, alin sa
mga sumusunod ang HINDI layunin nito?
Ang muling
A. pagbuo ng mga nawasak na pamilya
B. pagbangon ng mga nalugmok na kabuhayan
C. pagpapasigla ng mga nanlalamig na ugnayan
D. pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga taong walang trabaho.
___9. Ang GMA Kapuso Foundation ay isang halimbawa ng lipunang sibil, alin sa
mga sumusunod ang HINDI layunin ng organisasyong ito?
A. paunlarin ang kalusugan ng mga Pilipino
B. tumutulong sa mga kapwa lalo na tuwing may kalamidad
C. tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino
D. pagbibigay ng tulong sa mga estudyante upang mapabuti nila ang
kanilang pag-aaral
___10. Alin ang HINDI nagsusulong ng kabutihang panlahat?
A. pulitika C. simbahan
B. lipunang Sibil D. fraternity at gang
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung
ang ipinapahayag ng pangungusap ay tama at M kung hindi.
11.Ang mga lipunang sibil ay dapat na may kompetisyon upang mas maganda ang
kanilang mga proyekto.
12. Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng
ikabubuti ng lipunan.
13. Mahalaga na tayo ay makiisa sa mga lipunang sibil na ang layunin ay ang
tunay na kabutihang panlahat.
14. Maisasabuhay ang pagtutulungan upang makamit ang kabutihang panlahat sa
pamamagitan ng pagsama o paglahok sa mga rally.
15. Ang anyo ng lipunang sibil na nagsusulong ng espiritwalidad ay ang simbahan
SIMULAN
1.
G
6.
J
2.
F
7.
D
3.
I
8.
H
4.
E
9.
C
5.
A
10.
B
ARALIN
4
GAWAIN
1
1.
PK
6.
PK
2.
IS
7.
EV
3.
EV
8.
EV
4.
GE
9.
PK
5.
PK
10.
IS
SUKATIN
1.
A
9.
C
2.
D
10.
D
3.
A
11.
M
4.
B
12.
T
5.
A
13.
T
6.
D
14.
M
7.
C
15.
T
8.
D
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Mga Aklat
 Edukasyon sa Pagpapaktao Modyul para Mag-aaral, K-12 Baitang 9 (pp. 52-61)
 Punzalan, Twila G., Caberio, Sylvia T., Nicolas, Myra Villa D., and Reyes, Wilma S. (2007).
Kaganapan sa Paggawa (pp. 55-58), Quezon City, Rex Printing Company, Inc.
 Gayola, Sheryl T. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang.Modyul para sa
mag-aaral Unang Edisyon 2015.ISBN:98-9601-75-3 DepEd-IMCS, pahina 50-64
 Luhmann, Niklas. The Reality of the Mass Media, Stanford, CA: Stanford University Press,
2000
Mula sa Internet:
 John Paul II. (1999) Mass Media: A Friendly Companion to those in Search of the Father.
Hinango noong Setyembre 24, 2020 mula sa http://w2.vatican.va/content/john-
paulii/en/messages/communications/documents/hf_jp-ii_mes_24011999_world-
communications-day.html
 Espasyo ng Lipunang Sibil at Ang Sistema ng Karapatang Pantao ng United Nations mula sa
http://www.ohchr.org/EN/AboutUs/CivilSociety/Documents/Handbook_en.pdf
Links
 https://www.scribd.com/document/371240753/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Opinyon
 https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation
 https://brainly.ph/question/802495
 https://brainly.ph/question/841421
 https://www.gotquestions.org/Tagalog/ano-ba-ang-simbahan.html
 https://brainly.ph/question/802495
 https://philnewssws.ph/2020/03/07/lipunang-sibil-ano-nga-ba-ang-lipunang-
sibil-at-mga-halimbawa/
 https://web.cs.dal.ca/~johnston/poetry/island.html
12

More Related Content

What's hot

Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...Ralph Isidro
 
ESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptx
ESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptxESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptx
ESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptxLUDIVINABAUTISTA
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)Cansinala High School
 
EsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 PakikipagkaibiganEsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 PakikipagkaibiganMich Timado
 
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)Froidelyn Fernandez- Docallas
 
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunanEs p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunanEdna Azarcon
 
EsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptx
EsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptxEsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptx
EsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptxCrislynTabioloCercad
 
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at TungkulinModyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at TungkulinMaria Fe
 

What's hot (20)

EsP-Modyul 3
EsP-Modyul 3EsP-Modyul 3
EsP-Modyul 3
 
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...
Modyul2 lipunang-pampolitika-prinsipyo-ng-subsidiarity-at-prinsipyo-ng-pagkak...
 
ESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptx
ESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptxESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptx
ESP 8 KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA.pptx
 
Es p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarterEs p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarter
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
 
EsP 9-Modyul 11
EsP 9-Modyul 11EsP 9-Modyul 11
EsP 9-Modyul 11
 
EsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 PakikipagkaibiganEsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
 
EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9
 
Modyul 5 mga batas na nakabatay sa likas na batas moral
Modyul 5   mga batas na nakabatay sa likas na batas moralModyul 5   mga batas na nakabatay sa likas na batas moral
Modyul 5 mga batas na nakabatay sa likas na batas moral
 
EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6
 
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
 
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunanEs p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
 
EsP 9-Modyul 8
EsP 9-Modyul 8EsP 9-Modyul 8
EsP 9-Modyul 8
 
Karahasan sa Paaralan
Karahasan sa PaaralanKarahasan sa Paaralan
Karahasan sa Paaralan
 
EsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptx
EsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptxEsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptx
EsP 9 modyul3-lipunang-pangekonomiya edited.pptx
 
EsP-10-Q3-Week 2.pptx
EsP-10-Q3-Week 2.pptxEsP-10-Q3-Week 2.pptx
EsP-10-Q3-Week 2.pptx
 
Day #3- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Kondisyon sa Pagkamit ng Kab...
Day #3- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Kondisyon sa Pagkamit ng Kab...Day #3- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Kondisyon sa Pagkamit ng Kab...
Day #3- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Kondisyon sa Pagkamit ng Kab...
 
EsP 9-Modyul 10
EsP 9-Modyul 10EsP 9-Modyul 10
EsP 9-Modyul 10
 
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at TungkulinModyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
 
EsP 8 Modyul 2
EsP 8 Modyul 2EsP 8 Modyul 2
EsP 8 Modyul 2
 

Similar to EsP 9 LM_Mod 10.pdf

COT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docxCOT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docxJoanBayangan1
 
Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptx
Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptxLipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptx
Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptxKarrenGayGaitoAbas
 
Ang Papel ng Tao sa Lipunan.pptx
Ang Papel ng Tao sa Lipunan.pptxAng Papel ng Tao sa Lipunan.pptx
Ang Papel ng Tao sa Lipunan.pptxRouAnnNavarroza
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBIL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBILEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBIL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBILMercedesSavellano2
 
PPT-Esp-9-wk-2-q1.pptx
PPT-Esp-9-wk-2-q1.pptxPPT-Esp-9-wk-2-q1.pptx
PPT-Esp-9-wk-2-q1.pptxFatimaCayusa2
 
Aralin 1: Katarungang Panlipunan
Aralin 1: Katarungang PanlipunanAralin 1: Katarungang Panlipunan
Aralin 1: Katarungang PanlipunanEbRomea
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxJOYCONCEPCION6
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfFyuTexNathanDaGreat
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptxJaiVilla2
 
Pakikilahok sa Adbokasya.pptx
Pakikilahok sa Adbokasya.pptxPakikilahok sa Adbokasya.pptx
Pakikilahok sa Adbokasya.pptxRonaRemolacio2
 
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptxmarlamilaviebc
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10ruth ferrer
 
Aralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptx
Aralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptxAralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptx
Aralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptxMherRivero
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxFernanbocol
 
Aralin 4 ESP Grade 8.pptx
Aralin 4 ESP Grade 8.pptxAralin 4 ESP Grade 8.pptx
Aralin 4 ESP Grade 8.pptxRowellRizalte
 
EsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptxEsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptxQuennie11
 

Similar to EsP 9 LM_Mod 10.pdf (20)

1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx
 
COT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docxCOT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docx
 
Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptx
Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptxLipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptx
Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin.pptx
 
Ang Papel ng Tao sa Lipunan.pptx
Ang Papel ng Tao sa Lipunan.pptxAng Papel ng Tao sa Lipunan.pptx
Ang Papel ng Tao sa Lipunan.pptx
 
ESP 9 M1.pptx
ESP 9 M1.pptxESP 9 M1.pptx
ESP 9 M1.pptx
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBIL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBILEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBIL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LIPUNANG SIBIL
 
PPT-Esp-9-wk-2-q1.pptx
PPT-Esp-9-wk-2-q1.pptxPPT-Esp-9-wk-2-q1.pptx
PPT-Esp-9-wk-2-q1.pptx
 
Aralin 1: Katarungang Panlipunan
Aralin 1: Katarungang PanlipunanAralin 1: Katarungang Panlipunan
Aralin 1: Katarungang Panlipunan
 
EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
 
ANG LIPUNAN
ANG LIPUNANANG LIPUNAN
ANG LIPUNAN
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
 
Pakikilahok sa Adbokasya.pptx
Pakikilahok sa Adbokasya.pptxPakikilahok sa Adbokasya.pptx
Pakikilahok sa Adbokasya.pptx
 
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
 
Aralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptx
Aralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptxAralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptx
Aralin 2 Mga Gwain Pansibiko at mga Epekto Nito.pptx
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
 
Aralin 4 ESP Grade 8.pptx
Aralin 4 ESP Grade 8.pptxAralin 4 ESP Grade 8.pptx
Aralin 4 ESP Grade 8.pptx
 
EsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptxEsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptx
 

Recently uploaded

Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxResty Rioveros
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 

EsP 9 LM_Mod 10.pdf

  • 1. 9 AIRs - LM Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan - Modyul 10 Lipunang Sibil, Media, at Simbahan
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Unang Markahan - Modyul No: 13 Ang LIpunang Sibil, Media at Simbahan Unang Edisyon, 2020 Karapatang Sipi © 2020 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Corazon O. Subang Joylen Grace D. Mazon Daiserie P. Gulla Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II Tagapamahala: ATTY. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph.D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of EsP Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II
  • 3. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Unang Markahan - Modyul 10 Lipunang Sibil, Media, at Simbahan
  • 4. Alamin Ang mga institusyon ng lipunan ay may kani-kanyang mga gampanin sa pagtulong sa mga kasapi nito upang matamo ang kanilang kaganapan at mapaunlad ang bansa. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod na kasanayan: 1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kaniyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat. (EsP 9PL-lg-4.1) 2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat. (EsP9PL-Ig-4.2) 3. Nahihinuha na: (a). Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pang ekonomiyang pag-unald (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay. (b). Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya; (c) Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturana ng mga material na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong estado at sariling pagkukusa. (EsP9PL-Ih-4.3) 4. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang- ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality)at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable); (b) Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan. (EsP9PL-Ih-4.4).
  • 5. Simulan Gawain 1: Panuto: Hanapin sa Hanay B ang lipunang sibil na nagsusulong sa mga adbokasiya na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bawat numero. Hanay A Hanay B 1. Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim. A. Media 2. Ang nagsulong upang maisabatas ang mga sumusunod: Anti-Sexual Harassment, Anti-Rape Law, Anti VAWC etc. B. Kapisanan ng mga Broadcasters sa Pilipinas(KBP) 3. Ang nagpatayo ng kauna-unahang pabahay para sa isang mahirap na mag-anak sa Caloocan City noong 1999. C. “Bayan Mo, Ipatrol Mo” 4. Ang organisasyong tumututol sa paninigarilyo sa Pilipinas noong 1982. D. Taliban 5. Ang naghahatid ng impormasyon at pinaglalagakan lamang ng katotohanan na kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. E. Seventh Day Adventist Church 6. Ang nag-endorso ng pagkilos upang maibasura ang sistemang pork barrel. F. Gabriela 7. Binubuo ng mga katutubong Muslim sa Pakistan na naniniwalang hindi dapat magkaroon ng edukasyon ang kababaihan. G. Peace Advocates Zamboanga (PAZ)
  • 6. 8. Ang nagpalutang ng mga impormasyong may kinalaman hindi lamang sa halalan, kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, atbp. H. Catholic Bishops Conference of the Philppines. 9. Ang binigyang kapangyarihan ng DENR upang dakpin at maghabla sa mga nagtotroso. I. Couples for Christ 10.Ang nagpasiya na tanggihan sa pagpapatalastas ang mga kompanya ng sigarilyo. J. Lider ng Basic Ecclesial Com. Aralin 1 Ako at Ang Aking Lipunan Lakbayin Ang tao ay may kalikasang sosyal kayat natural sa kanya na bumuo ng mga pangkat na kanyang kabibilangan Ang mga pangkat na ito ay lehitimo sa isang lipunan kayat nararapat irespeto at pangalagaan sila ng bansa bilang pagsunod sa prinsipyo ng pagtutulungan para sa kabutihang panlahat. Ang tao, bukod sa sosyal, ay marami ring mga kakulangan at pangangailangan na mahirap niyang matugunan sa pamamagitan ng kanyang sarili lamang Dito pumapasok ang kahalagahan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga institusyong bumubuo ng lipunan. Ang Lipunang Sibil, Media at Simbahan Ang pagbuo ng isang organisasyon upang matamo ang mga pangangailangan ng tao ay natural na karapatan ng bawat indibidwal. Ang bawat tao ay may inklinasyon tungo sa maayos na pagpapaunlad ng sarili at upang makamtan ang inklinasyon, kailangang humanap siya ng ibang tao, bukod sa kanyang pamilya at mga kakilala. Ang mga organisasyon sa lipunan ay pinangangasiwaan,
  • 7. pinagsasama-sama, pinalalakas ng mga kasapi upang mas madaling maabot ang kanilang layunin. Ang Lipunang Sibil Ang Lipunan Sibil ay ang tawag sa pagkukusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ito ay hindi isinusulong ng mga politiko na ang interes lamang ay ang pananatili sa kapangyarihan. Hindi rin ito isinusulong ng mga negosyante na ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan. Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kayâ nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan. Mga Halimbawa: 1.Peace Advocates Zamboanga (PAZ) – ito ay inorganisa ng Simbahang Katoliko na ang layunin ng kanilang adbokasiya ay upang palakasin ang ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim at ng iba pang mga katutubo. 2.Gabriela – ito ay isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas nabuo bilang isang lipunang sibil at na naging isang pampolitikang partido. Sa kanilang pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod:  Anti-Sexual Harassment Act (1995)  Women in Development and Nation-Building Act (1995)  Anti-Rape Law (1997),  Rape Victims Assistance and Protection Act (1998)  Anti-Trafficking of Persons Act (2003)  Anti-Violence Against Women and Their Children (2004) Ang Media Ang Media ay isang anyo ng lipunang sibil na ang pangunahing layunin ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan. Ang maramihan at sabay-
  • 8. sabay ang paghahatid ng impormasyon ay tinawag itong mass media: diyaryo, radio, telebisyon, pelikula, o internet. Halimbawa:  Bayan mo, Ipatrol Mo – ito ay lipunang sibil na inilunsad ng ABS- CBN noong 2007 na estasyon ng telebisyon. Ang layunin ay ang pagpapalutang ng mga impormasyon may kinalaman hindi lamang sa halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagpapaayos ng mga daan, pagpatayo ng mga sentrong pampamayanan. Ang Simbahan Ang Simbahan ay anyo ng lipunang sibil na nagsusulong ng espiritwalidad Ito ang dahilan kung bakit ang Simbahang Katoliko halimbawa ay hindi nagtuturing sa sarili bilang hiwalay sa kalakhan ng lipunan, kundi bilang kasanib dito. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa panawagan ng lahat na, “Paki lang” Halimbawa:  Basic Ecclesial Community - ito ay inorganisa upang matugunan ng Simbahang Katoliko ang iba’t ibang kalagayan ng pamayanan.  Couples for Christ- ang nagpatayo ng kauna-unahang nagpatayo ng pabahay para sa isang mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong 1999.  Seventh Day Adventist Church -ay nagbubuo ng koalisyon ng mga organisasyon ito na tumututol sa paninigarilyo. Pinag-igting ng Kagawaran ng Kalusugan noong 1994 ang kampanyang isinusulong ng mga Sabadista, hanggang maging Batas Pambansa noong 2003 ang pagbabawal sa pagpapatalastas ng paninigarilyo. Natutunan mo sa Modyul 1 ang iba’t ibang institusyong panlipunan at naging malinaw sa iyo na ang layunin ng lipunan ay para makamit ang kabutihang panlahat. Upang maihanda ka sa ating aralin, ating balikan ang mga natutunan mo sa Modyul 1 sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain na may kinalaman sa mga institusyong Panlipunan. 5
  • 9. Galugarin Gawain 2: Panuto: A. Itala sa talahanayan ang mga Lipunang Sibil o NGO na naglilingkod sa inyong lugar at isulat din ang kanilang gawain o proyekto. Lipunang Sibil o NGO Gawain o Uri ng Paglilingkod 1. 2. 3. 4. 5. B. Mula sa iyong kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang karaniwang papel na ginagampanan ng mga lipunang sibil sa ating lipunan? 2. Paano natutulungan ng mga organisasyon ang mga mamamayan? Bakit kaya nila ito ginagawa? 3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong organisasyon sa bansa? PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA 7 ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 10. Adhikaing Panlipunan Lipunang Sibil Media Simbahan 1. Ano ang Lipunang Sibil? 2. Magbigay ng mga halimbawa ng lipunang sibil. 3. Ano ang adhikain ng lipunang sibil? 1. Ano ang Media? 2. Ano ang adhikain ng media? 1. Ano ang Simbahan? 2. Magbigay ng mga adhikain ng simbahan. 5 4 3 2 1 Nilalaman Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi Lawak at lalim ng pagtalakay Balarila Wastong gamit ng wika, bantas at baybay 5 – Pinakamahusay 4 – Mahusay 3 – Katanggap-tanggap 2 – Mapaghusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay Palalimin Gawain 3: Panuto: Ilahad at ipaliwanag ang mga konsepto tungkol sa lipunang sibil, media at simbahan sa pamamagitan ng pagsagot graphic organizer na makikita sa ibaba.
  • 11. Rubrik sa Pagsagot ng mga tanong PAMAN -TAYAN Napakahusay 5 Mahusay 4 Di- gaanong mahusay 3 Nangangailan -gan pa ng Kasanayan 2 May Panimulang Kasanayan 1 NILALA MAN (5 PUNTO S) Napakahusay ng sagot. Tiyak, malinaw at malawak ang kasagutan sa tanong. Mahusay ang sagot. Malinaw at maayos ang pagkakau gnay ng sagot sa katanung an. May kahusayan ang pagkakabu o ng sagot ngunit hindi gaanong malinaw at tiyak. Nangangailan gan ng kahusayan ang sagot. Hindi malinaw at tiyak ang mga salita. May ilang naisulat na salita ngunit walang diwa. Aralin 2 Lipunang Sibil Patungo sa Kabutihang Panlahat Lakbayin “No Man is an Island” ika nga ni John Donne. Ang tao ay hindi mabubuhay na mag-isa lamang. May mga bagay ka mang natutugunan para sa iyong sarili pero hindi ka mabubuhay na mag-isa ka lamang. Bilang isang binata o dalaga, alam mo kung ano-ano ang kaya mong gawin at alam mo rin kung ano-ano ang mga bagay na hindi mo kaya. Dahil sa pandemya, mas lalo mo pang nakilala ang iyong sarili. Maaaring nalaman mong ikaw pala ay magaling magluto, magtanim, magbake, maging isang negosyante at
  • 12. mas lalo mong nakilala ang iyong kapamilya. Nalaman mong marami ka mang kayang gawin, kakailanganin mo pa rin ang ibang tao sa pagtugon ng iyong pangangailangan. Namulat ka sa panahong ito kung gaano kahalaga ang pagtutulungan at pagkakawanggawa. Sa pamahalaan naman, gumagawa ito ng batas upang masigurong lahat ng ating pangangailangan ay matutugunan. Inilulunsad nila ang iba’t ibang mga proyekto na nakapagbibigay ng pagkakataon para sa lahat na guminhawa ang buhay kagaya ng pagbibigay ng assistance/ tulong para ang mga tao ay magkaroon ng disenteng hanapbuhay. Ngunit kung ating titignang mabuti ang ating lipunan, sadyang marami pa rin ang mga pangangailangan ng bawat Pilipino na hindi natugunan o kayang tugunan ng ating pamahalaan. Ang mga adhikain ng ating lipunang sibil o ang mga NGO ay malaking ambag para sa pagsakatuparan ng mga Pilipino sa kanilang mga kakulangan sa buhay. Konsepto ng Lipunang Sibil, Media at Simbahan Lipunang Sibil Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa't isa. Tayong lahat ay kabilang sa isang lipunang sibil sapagkat tayo ay mayroong pamilya at ang pamilya ang siyang pinakapangunahing yunit ng isang lipunang sibil. Media Ang media ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o namamagitan sa nagpadala at pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mgamamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung marami. Simbahan Ang simabahan ay nagsisilbing gabay natin sa ispiritwal na kaganapan. Ito rin ay isang panrellihiyong institusyon na siyang nagtataguyod sa ating pagganap. Ngayon naman ay iyong linangin ang kaisipan tungkol sa ating aralin. Halika na’t basahin at unawain mo ang teksto na nasa ibaba.
  • 13. Mga Adhikain ng Lipunang Sibil, Media, at Simbahan Ang lipunang sibil ay isang uri ng lipunan na nabuo dahil sa kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Lahat ng tao ay kabilang sa pagpupuno sa pagkukulang ng bawat isa. Katuwang natin ang isa’t-isa sa lipunang sibil. Ito ay binubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan. Mahalaga ang gampanin ng bawat isa sa lipunang sibil dahil ang lipunang ito ang nagiging katuwang ng pamahalaan para sa pagsasaayos at ikabubuti ng ating lipunan. Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid ng isang hibla ay ay may ganoon ding epekto sa kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Ang pagwawalang bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung hindi man nakapagpapalala ng mga suliraning Panlipunan. Sapagkat ang ikabubuti ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa sa ating, hindi maiaalis ang patuloy nating pagmamalay sa apanyaya ng bawat nakakatagpo nating nakikiusap na “ Paki lang” Galugarin Gawain 1: Panuto: 1. Sa tulong at gabay ng iyong mga magulang o kapatid, magsagawa ng isang paglilingkod na gusto mong gawin sa buhay. Hal. Ipamigay ang mga napaglumaang gamit, damit, sapatos o school supplies sa mga mahirap na mag-aaral o naapektuhan ng COVID-19 sa inyong komunidad o di kaya ay uri ng serbisyo na maaari mong magawa para sa iyong kapwa. 2. Maglakip ng mga larawan na patunay sa pagsasagawa. Gamitin ang katulad na pormat na nasa ibaba.
  • 14. Palalimin Gawain 2: Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba at punan ang talahanayan.  Sa panahon ng pandemya, may naaalala ka bang mga organisasyon na nagbigay ng tulong o kawanggawa sa mga mamamayan?  Nabiyayaan ka ba o ng iyong pamilya ng tulong, kawanggawa o di kaya naman ay paglilingkod-bayan?  Ano-anong serbisyo o tulong ang iyong natanggap? “LOVE DRIVE 2020” Pangalan ng Binigyan Petsa ng Pagsasagawa Mga Bagay na Naibigay Layunin ng Gawain Uri ng Paglilingkod BATAYAN NG PAGMAMARKA NILALAMAN (kaugnayan sa paksa, buo ang diwa, makatotohanan) 10 Ebidensiya 10 Nasunod ang Itinakdang Oras 5 Nasunod ang Panuntunan ng Guro 5 KABUUANG PUNTOS 30
  • 15. Pangalan ng taong nagbigay ng tulong / Pangalan ng organisasyon Uri ng tulong o serbisyong naibigay Ano ang iyong nagging damdamin sa ginawang kawanggawa o pagtulong? 1. 2. 3. 4. 5. Rubrik sa Pagsagot ng mga tanong PAMANTAYAN Napakahusay 5 Mahusay 4 Di-gaanong mahusay 3 Nangangailan gan pa ng Kasanayan 2 May Panimulang Kasanayan 1 NILALAMAN (5 PUNTOS) Napakahus ay ng sagot. Tiyak, malinaw at malawak ang kasagutan sa tanong. Mahusay ang sagot. Malinaw at maayos ang pagkakaug nay ng sagot sa katanunga n. May kahusayan ang pagkakabuo ng sagot ngunit hindi gaanong malinaw at tiyak. Nangangail angan ng kahusayan ang sagot. Hindi malinaw at tiyak ang mga salita. May ilang naisulat na salita ngunit walang diwa.
  • 16. Aralin 3 Layunin ng Lipunang Sibil Lakbayin Sa panahon ng pandemya, ramdam ng bawat tao sa buong mundo ang hirap na dinaranas natin ngayon. Makikita natin na hindi malusog ang ekonomiya. Isang malinaw na palatandaan halimbawa ang pangangailangang pinansyal para sa medikal o pangkalusugan lalo na kung isa ka sa mga natamaan ng virus na kumakalat sa buong mundo. Marami ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan. Tumaas ang bilang ng mga pamilyang nagugutom simula noong tumama ang virus na ito. Nabuo sa isip mo na ganyan talaga ang buhay. Ngunit sa paglalakbay mo sa modyul na ito, makikita at malalaman mong maraming nag-iisip na hindi kailangang maging ganyan na lamang ang buhay. Dito malalaman at makikita mo na hindi ka nag-iisa. May mga sumasalungat sa kalakaran na sa una’y walang pumapansin, ay unti-unting nakakakuha ng mga kakampi hanggang sa dakong huli ay nagbunga ng pagbabago sa kalakaran ng lipunan. LIPUNANG SIBIL Ang kusang loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa pampubliko man o pribado. Hindi nito isinusulong ng mga politikong may pansariling interes. Maging ang mga negosyanteng ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay nagbubunsod ng pagnanais ng mga mamamayanan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na hindi maibigay ng pamahalaan at kalakalan (business). Ang lipunang sibil ang nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Ilan sa mga layunin ng lipunang sibil ay ang mga sumusunod: 1). maisulong ang likas- kayang pag-unlad, 2). magkaroon ng isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, 3). Maisulong ang pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), 4). Pakikilahok ng mga mamamayan 5). Pangangalaga ng kapaligiran
  • 17. 6). Kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad. May nalalaman ka bang halimbawa ng lipunang sibil? Anu-ano ang kanilanag isinusulong tungo sa kabutihang panlahat? Mga halimbawa ng lipunang sibil LAYUNIN NG MEDIA Anumang bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium, o media kung marami. Nagagamit natin ito upang ipahatid ang mga impormasyin na nais nating maibahagi. Tinatawag na mass media kung ito ay maramihan at sabay-sabay na paghahatid na ginagawa. Maparadyo, telebisyon, dyaryo o magasin, internet at pelikula. Sa tulong ng mga ito, nalalaman natin ang mga nangyayari sa ating paligid mapanasyonal o internasyonal. Malalaman ng mamamayan kung may paparating na bagyo, kung kaya nakgagawa sila ng kaukulang paghahanda. Kapag may nangangailangan ng saklolo at gustong ipanawagan sa marami, media rin ang inaasahan. Sa pagpapalutang ng mahahalagang imposrmasyon ay napapanatili mo ang ikabubuti ng ibang kasapi ng lipunan. Sa pagkamit ng ikabubuti ng bawat mamamayan, nakakamit din ang ikabubuti ng kabuuan nito. Ang impormasyon tungo sa ikabubuti ng lahat ay napalulutang mo sa pamamgitan ng media. Pangunahing layunin ng media bilang isang uri ng lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Tungkulin din nito ang maghatid o magsabi ng buong katotohanan at dagliang pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasiya ng ikikilos. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pang- ibig na lumilikha. (Papa Juan Pablo II, 1999) LAYUNIN NG SIMBAHAN Likas sa mga Pilipino ang manalig at may takot sa Diyos. Dahil nakapaloob tayo sa Demokratikong bansa, may kalayaan ang mga tao na mamili at umanib sa mga Pananampalataya na naisin nila. Kaya nga nagkalat ang mga iba’t-ibang simbahan saanmang dako ng ating bansa. Sa bawat problemang dumarating sa ating buhay, palaging Diyos ang ating kanlungan. Sa Diyos tayo humuhugot ng lakas na malampasan ang mga problemang ito. Itinuturing natin na ang simbahan ay sagrado o banal na lugar. Dito natin malayang naipapahayag ang ating mga saloobin. Napakahalaga ang papel na ginagampanan ng simbahan. Isa na rito ang gabayan ang mga tao para maging isang mabuting mamamayan, mgkaroon ng pagmamahal at takot sa Diyos. Tinuturuan tayo na gumawa ng mabuti batay sa Banal na Salita ng Diyos. Ang simbahan ay tumutulong sa lipunan upang makamit ang kabutihang panlahat. Inoorganisa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang makapupuno sa atin sa kabila ng kariwasaan. Iba’t ibang antas ng pagkaunawa sa
  • 18. totoong kabuluhan ng buhay: may mas malalim, may mas mababaw. Sa maraming pagkakataon ng iyong pagkabagot, dito mo napagtanto ang iyong kababawan, kung kaya nagpapatuwang ka sa mga kasapi ng lipunan na may kalaliman ang pag- unawa sa buhay. Lumalapit ka sa mga lider ng moralidad: pari, pastor, imam, guru, monghe at iba pa. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa panawagan ng lahat. Narito ang mga katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil na inilarawan sa modyul na ito: 1. Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o nanggigipit sa mga kasapi nito upang makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensiya ng estado o negosyo. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sinumang nasa pamahalaan, o ng pangkomersyong hangarin ng sinumang negosyante. 2. Bukas na pagtatalastasan. Walang pinipigilan o dinidiktihan sa pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung saan buhay ang diwa ng demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuru-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan upang ang mga kaanib ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasiya. 3. Walang pang-uuri. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi, anumang kasarian dahil isinusulong ang kabutihang panlahat, binibigyan ng pagkakataong mapakinggan ang lahat ng panig; sa gayon ay walang maiiwang hindi nagtamasa ng bunga ng pagsisikap ng lipunan. 4. Pagiging organisado. Bagama’t hindi kasing-organisado tulad ng estado at negosyo, patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan. 5. May isinusulong na pagpapahalaga. Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat. Isinusulong ng media ang katotohanan, isinusulong naman ng Simbahan ang esperitwalidad. Ang pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga kasapi upang mapagtagumpayan ang anumang balakid. “Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang,” sabi nga ni Fr. Eduardo Hontiveros sa isang awit. Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan.
  • 19. Galugarin Gawain 1: “Lingkod-Bayan, SerbisyongTotoo!” Panuto: Punan ang mga kahon sa bawat uri ng Lipunang Sibil. Magsulat ng dalawang (2) layunin o serbisyong ibinibigay ng bawat isa. Bilang isang estudyante, paano nakakatulong sa iyo ang bawat lipunang sibil?__________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ___________________________________________ Media Simbahan Pamahalaan
  • 20. Pamantayan sa Paggawa PAMANTAYAN Napakahu -say 5 Mahusay 4 Katamtaman 3 Kailangan pa ng dagdag na Kasanayan 2 May Panimula -ng Kasanay an 1 NILALAMAN (5 PUNTOS) Napakahu say sa pagkakab uo ng sagot. Malawak at angkop and elbaorasy on Mahusay ang pagkakabu o ng mga sagot. Malinaw at tiyak ang pahayag at paliwanag. May kahusayan ang pagkakabuo ng sagot. Tiyak ang mga pahayag at paliwanag. Maligoy ang sagot.Naka lilito at hindi tiyak ang mga punto. May ilang naisulat na salita ngunit walang diwa. Palalimin GAWAIN 2: ISAKATUPARAN MO, ISAKATUPARAN KO! Panuto: Magsagawa ng survey sa inyong barangay. Mamili ng isa sa mga lipunang sibil. Itala ang mga datos na iyong makakalap sa napiling lipunang sibil. Pangalan Tanggapan ng Lipunang Sibil Adbokasiya Layunin Mga Nagawa/Proyekto sa barangay
  • 21. 1. Sa mga nagawang proyekto, ayusin ayon sa tindi ng pangangailangan ng agarang pagtugon (prioritization). ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagiging pangunahin (sa tindi ng agarang pagtugon) bilang una sa talaan ? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Ngayong panahon ng pandemya, alam natin na naapektuhan ang lahat ng sangay ng lipunan at iba’t-ibang organisasyon. Magkaganunpaman, dito rin makikita ang bayanihan at pagkakaisa ng bawat tao sa buong mundo. Dahil sa pandemya, makikita natin kung paano gumalaw ang lipunang sibil, media at simbahan. Araw-araw, napapanood at nalalaman natin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran gamit ang telebisyon, radio o social media. Ito rin ang naging dahilan upang mas mapalapit pa tayo ng husto sa pananampalataya natin sa Diyos gamit ang simbahan. Ayon sa pahayag ni UN Secretary General Ban Ki- moon, (High- level event on supporting civil society, Setyembre 23, 2013), “Kung ang mga pinuno ay hindi nakikinig sa kanilang mamamayan, sila ang makakarinig – sa mga kalsada, sa plaza, o sa madalas nakikita sa mga labanan. Mayroong higit na mabuting paraan. Mas maraming makikilahok. Mas umiiral ang demokrasya. Mas higit ang ugnayan at Aralin 4 Adbokasiya ng Lipunang Sibil
  • 22. kaisipang- bukas. Nangangahulugan ito ng ganap na espasyo para sa lipunang sibil.” Lipunang Sibil At Ang Lipunan Ngayon Ang ating lipunan ay nangangailangan ng mga tao o grupo na maglulunsad ng mga interes ng bayan laban sa mga mapang-abusong indibidwal. Ang lipunang Sibil at ang mga kasapi nito ang naging boses ng mga mahihirap nating kababayan. Sila ang nangunguna sa pakikilahok sa paglutas ng mga problema at nakatutok sa mga usaping mahalaga sa lipunan, gaya ng mga sumusunod:  Paglaban sa kahirapan, katiwalian at hindi pagkapantay- pantay sa kalagayang pangkabuhayan.  Pagtugon sa mga usaping pantao, kabilang ang mga armadong tunggalian  Pagsusulong ng bias ng batas at ng pananagutan;  Pagsulong ng kalayaan ng publiko atbp. Nakita natin ang naging kontribusyon ng bawat isa sa pagsugpo sa pandemya at mga paraan para matigil ito. Nakita rin natin kung paano kumilos ang mga iba’t- ibang ahensiya at organisasyon tungo sa kabutihang panlahat. Marahil marami kang katanungan bakit nangyayari ito sa atin. May tulong ba na naibigay sa bawat tao? Sapat ba ang mga tulong na ito na naibigay? Naibigay ba ang mga ito sa mga dapat na makatanggap? Sino dapat ang mas maraming magawa sa panahon ng pandemya? Kaninong kasalanan ang mga kakulangan sa pagsugpo ng krisis na ito? Sadyang napakaraming katanungan na pilit nating hinahanapan ng sagot, ngunit kung ikaw ang tatanungin, “NAGAWA MO NA RIN BA ANG IYONG TUNGKULIN?” Galugarin GAWAIN 1: Panuto:Isulat ang EV (kung pang-ekonomiyang Pag- unlad),PK(Pangangalaga sa kapaligiran),GE (Pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan) at IS (Ispiritwalidad).
  • 23. _____1. Paghihiwalay sa nabubulok at di-nabubulok na basura. _____2. Pakikilahok sa Spiritual Nourishment Program sa paaralan. _____3. Bumibili ng mga local na produkto. _____4. Pantay na trabaho para sa babae o lalaki. _____5. Nagtatanim ng mga puno. _____6. Karapatang pumili ng sariling relihiyon. _____7. Pagtangkilik sa mga sariling atin. _____8. Pagbili sa mga may “Tatak Pinoy”. _____9. Naglilinis sa kapaligiran. _____10. Nakikiisa sa Moral Recovery Program. Tanong: Ano ang magandang mangyayari sa ating bansa kung nagagawa lahat ang mga gawain na ito? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Rubriks ng Pagsagot sa Tanong Napakahusay 5 Mahusay 4 Katamta man 3 Kailangan pa ng dagdag na Kasanayan 2 May Panimulang Kasanayan 1 Napakahusay sa pagkakabuo ng sagot. marami ang Mahusay ang pagkakabuo ng mga sagot. May kahusaya n ang pagkakab uo ng Maligoy ang sagot.Nakalil ito at hindi tiyak ang mga punto. May ilang naisulat na salita ngunit
  • 24. angkop na pahayag at elaborasyon. Malinaw at tiyak ang pahayag at paliwanag. sagot. Tiyak ang mga pahayag at paliwanag . walang diwa. Palalimin GAWAIN 2: Panuto: Pumili ng isang aspekto ng Lipunang Sibil at iguhit ito sa ¼ illustration board. Dapat naglalaman ito ng mensahe ng mabuting ambag sa lipunan, simbahan at media upang makamit ang kabutihang panlahat. a. Katarungang Panlipunan b. Pag-unlad ng Kabuhayan c. Pakikilahok sa pamayanan d. Pangangala ng kapaligiran at kalikasan e. Kapayapaan f. Espiritwalidad Rubrics sa Pagguhit Pamantayan Deskripsyon Puntos Natamong Puntos Pagkamalikhain Ang mga konseptong iginuhit ay naging makabuluhan upang lubos na maipakita ang sama-samang pagkilos sa aktibong pakikisangkot tungo 50
  • 25. sa pambansang kaunlaran Orihinalidad Ang mga iginuhit ay original na gawa at lubos na naipakita ang pambansang kaunlaran 30 Kalinisan Malaya sa anumang dumi o bura. 20 Kabuuang Puntos 100 Sukatin Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. ___1. Anong tawag sa uri ng lipunang kusang loob na pag-organis upang matugunan ang ating pangangailangan? A.Lipunang Sibil C. Lipunang Pang-ekonomiya B.Lipunang Pampulitika D. Lipunanag Pangkabutihan ___2. Ang anyo ng lipunang sibil na nagsusulong ng espiritwalidad ay ang_______. A. Gabriela B.Media C. PAZ D.Simbahan ___3. Ang Gabriela ay grupo ng mga kababaihan na ang pangunahing layunin ay ang maipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isinusulong na batas ng Gabriela? A. Anti-Smoking C. Anti-Sexual Harrassment Act B. Anti-Rape Law D. Violence Against Women and Children ___4. Anong anyo ng lipunang sibil ang nagsusulong ng katotohanan? A. Gabriela B.Media C. KBP D.Simbahan ___5. Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang kauna-unahang nagpatayo ng pabahay para sa isang mahirap na pamilya Bagong Silang, Caloocan City noong 1999? A. Couples for Christ B. Seventh Day Adventist Church C. Peace Advocates Zamboanga (PAZ)
  • 26. D. Catholic Bishops Conference of the Philippines ___6. Ang batang babaeng mag-aaral na sumulat ng blog sa Internet upang ilarawan kung gaano kahirap mag-aral dahil sa panggigipit ng mga Taliban. A. Britney Spears C. Elena Ferrante B. Clarice Lispector D. Malala Yousafzai ___7. Anong katangian ng lipunang sibil ang inilalarawan kapag walang pumilit, nananakot o naggigipit sa mga kasapi nito upang makisangkot? A. Bukas na pagtatalastasan C. Pagkukusang-loob B. Pagiging organisado D. Walang pang-uuri ___8. Ang PAZ ay idinaos ang Forum on Rehabilitation and Reconcilliation, alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin nito? Ang muling A. pagbuo ng mga nawasak na pamilya B. pagbangon ng mga nalugmok na kabuhayan C. pagpapasigla ng mga nanlalamig na ugnayan D. pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga taong walang trabaho. ___9. Ang GMA Kapuso Foundation ay isang halimbawa ng lipunang sibil, alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng organisasyong ito? A. paunlarin ang kalusugan ng mga Pilipino B. tumutulong sa mga kapwa lalo na tuwing may kalamidad C. tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino D. pagbibigay ng tulong sa mga estudyante upang mapabuti nila ang kanilang pag-aaral ___10. Alin ang HINDI nagsusulong ng kabutihang panlahat? A. pulitika C. simbahan B. lipunang Sibil D. fraternity at gang Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay tama at M kung hindi. 11.Ang mga lipunang sibil ay dapat na may kompetisyon upang mas maganda ang kanilang mga proyekto. 12. Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng lipunan. 13. Mahalaga na tayo ay makiisa sa mga lipunang sibil na ang layunin ay ang tunay na kabutihang panlahat.
  • 27. 14. Maisasabuhay ang pagtutulungan upang makamit ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsama o paglahok sa mga rally. 15. Ang anyo ng lipunang sibil na nagsusulong ng espiritwalidad ay ang simbahan
  • 29. Mga Sanggunian Mga Aklat  Edukasyon sa Pagpapaktao Modyul para Mag-aaral, K-12 Baitang 9 (pp. 52-61)  Punzalan, Twila G., Caberio, Sylvia T., Nicolas, Myra Villa D., and Reyes, Wilma S. (2007). Kaganapan sa Paggawa (pp. 55-58), Quezon City, Rex Printing Company, Inc.  Gayola, Sheryl T. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang.Modyul para sa mag-aaral Unang Edisyon 2015.ISBN:98-9601-75-3 DepEd-IMCS, pahina 50-64  Luhmann, Niklas. The Reality of the Mass Media, Stanford, CA: Stanford University Press, 2000 Mula sa Internet:  John Paul II. (1999) Mass Media: A Friendly Companion to those in Search of the Father. Hinango noong Setyembre 24, 2020 mula sa http://w2.vatican.va/content/john- paulii/en/messages/communications/documents/hf_jp-ii_mes_24011999_world- communications-day.html  Espasyo ng Lipunang Sibil at Ang Sistema ng Karapatang Pantao ng United Nations mula sa http://www.ohchr.org/EN/AboutUs/CivilSociety/Documents/Handbook_en.pdf Links  https://www.scribd.com/document/371240753/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Opinyon  https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation  https://brainly.ph/question/802495  https://brainly.ph/question/841421  https://www.gotquestions.org/Tagalog/ano-ba-ang-simbahan.html  https://brainly.ph/question/802495  https://philnewssws.ph/2020/03/07/lipunang-sibil-ano-nga-ba-ang-lipunang- sibil-at-mga-halimbawa/  https://web.cs.dal.ca/~johnston/poetry/island.html 12