Buong talakayan sa isyung moral tungkol sa seksuwalidad. Unang isyu: Pre Marital Sex
Ito ay pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad subalit hindi pa kasal.
Ang kabataang Filipino ay nakikibaka sa mga isyung may kinalaman sa seks at seksuwalidad.
IBA’T IBANG PANANAW TUNGKOL SA PAKIKIPAGTALIK:
Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matulungan ang pangangailangan ng katawan.
Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon.
Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.
Ito ay isang ekpresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
Panglawang isyu: Pornograpiya
Galing sa 2 salitang griyego na “porne” – prostitute o nagbebenta ng panandaliang aliw at “grasphos” – pagsulit o paglalarawan.
Anong larawan o video na nagpapakita ng “provocate” at “suggestive” scenes o mga larawang hubad (layuning pukawin ang sekuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa)
Malaswa o mahahalay na babasahin, larawan o palabas
Nakakawala ng priority at decency na dapat ay kaakibat ng mukbuluhang pagtingin sa katawan ng tao.
Pangatlong Isyu: Pang-aabusong seksuwal
Ang pag-aabusong seksuwal ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang gawain ang isang gawaing seksuwal.
Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan ng iba.
Paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment.
Maaari rin itong pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain.
Ito ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad
Hindi nito ipinapakita ang tunay na mithiin ng seksuwalidad.
Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhin magkaroon ng anak at makabuo ng pamilya.
Pang-apat na isyu: Prostitusyon
Pinakamatandang propesyon o gawain
Pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera.
Binabayaran ang pagtatalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal.
MASAMA NGA BA O MALI ANG PROSTITUSYON?
Ayon sa mga peminista, marapat lamang ang prostitusyon sapagkat ito ay nakapagbibigay ng gawain sa mga taong walang trabaho lalo na sa mga kababaihan.
Ang prostitusyon daw ay isinasagawa ng isang tao na may pagkagusto o konsento, kaya maaaring sabihin na hindi ito masama.
Ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga ay isang pang-aabusong seksuwal na nagpapababa sa pagkatao ng taong sangkot dito.
Mapagsamantala ang prostitusyon. Sinasamantala ng mga taong bumibili ang kaninaan ng babae o lalaking sangkot dito.
Naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad.
Tandaan:
Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos.
Isa sa mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkaranas ng kasiyahang sekswal mula sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan.
2. PRE-MARITAL SEX
◦ Ito ay pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad subalit hindi pa kasal.
◦ Ang kabataang Filipino ay nakikibaka sa mga isyung may kinalaman sa seks at seksuwalidad.
IBA’T IBANG PANANAW TUNGKOL SA PAKIKIPAGTALIK:
Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matulungan
ang pangangailangan ng katawan.
Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga
gumagawa nito ay may pagsang-ayon.
Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.
Ito ay isang ekpresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
3. NGUNIT……
Ang pre-marital sex ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin na ating
hinihinga.
Ang pananaw na kailangang magtalik upang mabuhay ay isang mahinang pagkilala sa pagkatao
ng tao dahil ipinagwawalang-bahala niya ang kaniyang kakayahang ipahayag ang tunay na
pagkatao.
Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at nagpapababa sa dignidad at
integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito.
Tayo ay malaya. Ngunit ang kalayaan ay hindi nangangahulugang Malaya tayong piliin kung ano
ang gusto nating gawin.
Ang kalayaan ay may kaangkop na pananagutan.
4. NGUNIT……
Malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang piliin ay kung ano ang tama at mabuti.
hindi natin mapipili ang kahihinatnan ng ating ginawang aksyon.
5. KAYA……..
Mahalaga ang sapat na kamalayan at maingat na paghuhusga bago gamitin ang mga
kakayahang ito.
Ang tunay na pagmamahal na isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang dapat
itong humantong sa pagpapamilya.
Ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment
at dedikasyon sa katapat na kasarian.
Ang kabataang nagsasagawa ng pre-marital sex ay hindi pa handa sa mga maaaring maging
bunga nito sa kanilang buhay.
6. PORNOGRAPIYA
o Galing sa 2 salitang griyego na “porne” – prostitute o nagbebenta ng panandaliang aliw at
“grasphos” – pagsulit o paglalarawan.
o Anong larawan o video na nagpapakita ng “provocate” at “suggestive” scenes o mga larawang
hubad (layuning pukawin ang sekuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa)
o Malaswa o mahahalay na babasahin, larawan o palabas
o Nakakawala ng priority at decency na dapat ay kaakibat ng mukbuluhang pagtingin sa katawan
ng tao.
7. Mga epekto ng pornograpiya
o Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng
tao sa paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal lalong-lalo na ang panghahalay.
o Nahihirapang magkaroon ng malusog na pakiki-ugnayan sa kanilang asawa. Nakakaranas
lamang sila ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-
aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik.
o Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upoang makuha ang kanilang mga
bibiktimahin.
8. Bakit masama ang pornograpiya?
o Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal.
o Ang seksuwal na ibinigay ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at
mapagnasa.
o Nauuwi sa kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang makamundong pagnanasa.
(Immanuel Kant).
o Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng
mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit.
o Nakakawal ng priority at decency na dapat ay kaakibat ng mukabuluhang pagtingin sa katawan ng
tao.
o Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi nagpapakatao, tinatrato ang sarili o
ang kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan.
o Isang pananaw tungkol sa pornograpiya na lumalaganap ay maling pagtingin ito bilang isang sining.
9. Ang sining ay:
o Nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng kagandahan ay nakapagbibigay ng
kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang nagawa.
o Ito ay humihikayat na makalinang ng mga kilos at kalooban patungo sa kung ano ang
ipinapakahulugan sa ipinapakita. Hal. Oblation Statue ng UP, Venus de Milo
10. Pang-aabusong Seksuwal
o Ang pag-aabusong seksuwal ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupwersa sa
isang nakababata upang gawain ang isang gawaing seksuwal.
o Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan ng iba.
o Paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment.
o Maaari rin itong pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain.
o Ito ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad
o Hindi nito ipinapakita ang tunay na mithiin ng seksuwalidad.
o Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong ipadama
ang pagmamahal at bukas sa tunguhin magkaroon ng anak at makabuo ng pamilya.
11. Prostitusyon
o Pinakamatandang propesyon o gawain
o Pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera.
o Binabayaran ang pagtatalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal.
MASAMA NGA BA O MALI ANG PROSTITUSYON?
o Ayon sa mga peminista, marapat lamang ang prostitusyon sapagkat ito ay nakapagbibigay ng gawain sa mga
taong walang trabaho lalo na sa mga kababaihan.
o Ang prostitusyon daw ay isinasagawa ng isang tao na may pagkagusto o konsento, kaya maaaring sabihin na hindi
ito masama.
o Ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga ay isang pang-aabusong seksuwal na nagpapababa sa pagkatao ng
taong sangkot dito.
o Mapagsamantala ang prostitusyon. Sinasamantala ng mga taong bumibili ang kaninaan ng babae o lalaking
sangkot dito.
o Naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad.
12. Pagbubuo
Ang pagpayag, pagsasagawa at pagiging kaugnay sa mga isyung panseksuwalidad ay
nagsasawalang-bahala sa sumusunod na katotohanan:
o Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang patungo sa
kaganapang ito ay Malaya at may kamalayan.
o Ang tao ay espritwal na kaluluwa(Porma) at katawan (material) na kumikilos na magkatugma
tungo sa isang telos o layunin.
o Upang marating ang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang kanilang isip at kilos-loob na
siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti o masama.
13. Tandaan!
o Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos.
o Isa sa mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkaranas ng kasiyahang sekswal mula sa
pakikipagtalik sa taong pinakasalan.
o Ang paggamit sa kakayahang seksuwal bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit
nararapat gawin sa tamang panahon.
o Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa 2 layunin ( para lamang sa
isang babae at lalaki na ipinagbuklod ng kasal):
o Layuning magkaroon ng anak
o mapag-isa