Florante at Laura
(Buod ng bawat
kabanata)
mlf
Kabanata 1
Kay Selya
Kapag naaalaala ng makata ang
nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa
gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang
pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa
Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan
ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka
naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa
kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang
makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay
Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Kabanata 2
Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa
mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay
parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit
masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na
huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin
muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang
ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may
paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag
babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na
mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
Kabanata 3
Tagpuan
Nagsisimula ang awit sa isang
madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok
ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming
puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad
ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang
punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa,
kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may
makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang
walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa
binata.
Kabanata 4
Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi
niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang
Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa
itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang
lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang
kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan
ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
Kabanata 5
Pighati ng Nagmamahal
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng
kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama.
Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat
kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya
ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung
naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay,
para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan.
Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang
hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo
ang pagmamahal ni Laura.
Kabanata 6
Magandang Alaala
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang
binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan
ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni
Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon,
kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan
ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at
mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting
galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At
kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni
Laura.
Ibig ng binatang nakagapos na
muling ipakita ni Laura ang dating pag-
aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang
lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so
Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan
pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang
husto, huwag lamang agawin si Laura.
Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa
siya’y mapayukayok.
Kabanata 7
Kapangyarihan ng Pag-ibig
Nagkataong dumating sa gubat ang
isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay
masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo
ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok. Nagbanta siya na sino mang
umagaw sa pagmamahal ng babae ay
papatayin niya, maliban sa kanyang ama.
Naihimutok ng gererong Moro na sadyang
napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit
mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Kabanata 8
Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Nang huminto sa paghihimutok ang
gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung
hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita
ng nakagapos ang amang mapagmahal na
ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang
ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama
at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit
hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan
ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
.
Kabanata 9
Amang di dapat pamarisan
Naalaala rin ng gerero ang sariling
ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay
di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan
man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa
ang umagaw sa babaing kanyang
pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang
gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal
ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero
nang marinig sa nakagapos na malibing man
ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
.
Kabanata 10
Panganib na Nakaamba
Dalawang leon ang papalapit sa
nakagapos ngunit parang naaawang napahinto
ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng
nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga
leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya
na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at
kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong
ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin niya ang kamatayan
nang di angkin ang pag-ibig ni Laura..
.
Kabanata 11
Ang Tagapagligtas
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig
na daing. Kaya’t hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng
gerero ang mga dawag hanggang marating ang
kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na
ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng
hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng
gerero ang dalawang leon hanggang sa
mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at
kinalong ang binata.
.
Kabanata 12
Atas ng Langit
Nang matauhan ang binata, si Laura
agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni
Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng
gerero na di niya natiis na di tulungan ang
binata, sapagkat magkaiba man sila ng
pananampalataya, nakaukit din sakanyang
puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos
ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na
magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang
ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na
dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang
gerero.
Kabanata 13
Mga Mapagpalangkamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang
sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang
binata sa isang isang malapad at malinis na
bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di
nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan.
Magdamag na binantayan ng gerero ang
binata, na tuwing magigising ay naghihimutok.
Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata.
Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap
ng loob nito.
Kabanata 14
Bugtong na Anak
Isinalaysay ng binata ang
kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-
iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni
Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya
siya lumaki at nagkaisip. Ang
kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni
Haring Linseo at tumatayong
pangalawang puno sa kaharian. Isang
matapang na pinuno at mapagmahal na
ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang
pangyayari noong bata pa si Florante. Nang
sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng
isang buwitre ngunit nailigtas siya ng
pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong
arkon ang biglang pumasok sa salas at
dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa
dibdib. Nang siya’y siyam na taon na,
pinalili[pas niya ang maghapon sa
pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na
siyang mamana ng mga ibon at iba pang
hayop. Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
Kabanata 15
Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante.
Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin
sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y
higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang
nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di
makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis
nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob
na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa
Atenas upang doon mag-aral.
Kabanata 16
Nahubdan ng Balatkayo
Labing-isang taong gulang
si Florante nang ipadala sa Atenas upang
mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si
Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang
kababayang si Adolfo, na nang una ay
nadama na si Florante na tila pakunwari
lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na
taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng
panahong ito, natuto siya ng pilosopiya,
astrolohiya at matematika.
Kabanata 17
Nalulumbay na Puso
Nanguna si Florante sa
katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo.
Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito
na lumabas ang tunay na pagkatao ni
Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina
kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong
patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya
ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din,
umuwi sa Albanya si Adolfo.
.
Naiwan sa Atenas si Florante
at nagtagal doon nang isang taon pa. isang
araw, tumanggap ng liham si Florante mula
sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang
kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante
sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa
kanyang kalungkutan ang tapat na
pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
.
Kabanata 18
Paalam, Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng
matinding kalungkutan para kay Florante dumating
ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang
sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan
si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng
una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti.
Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw
na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda
nang hindi nagpapahalata.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na
sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng
kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Kabanata 19
Sa Bayan ng Crotona
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan.
Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling
manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon
dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari
ng Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang
Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng
bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at
ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig,
napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang
mga balita at karaniwang may dagdag na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama.
Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni
Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
Kabanata 20
Kagandahang Walang Kawangis
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura,
isang dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang
kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging
nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot
siyang baka di maging marapat sa dalaga.
Kabanata 21
Pangarap na Pagibig
Tatlong araw ang piging ng hari para kay
Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang
nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa
kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante
upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at
pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang
dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante
patungong digmaan.
Kabanata 22
Tagumpay at Pighati
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang
kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan,
naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng
Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal
hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap.
Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik.
Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng
Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang
maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito
naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa
Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at
natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
Kabanata 23
Pag-ibig na Pilit
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway
sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang
hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng
ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga
Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng
ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y
sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.”
Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba
pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay
Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit
pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na
ipahamak si Florante.
Kabanata 24
Patibong ng Taksil
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya
sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin.
Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa
17 ang mga haring nagsigalang sa kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang
dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang
hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng
30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang
ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke
Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong
araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na
kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Kabanata 25
Ang Hinagpis ng Girero
Nang matapos magsalaysay si Florante,
nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan
Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante,
mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang
kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili
niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa
bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng
sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng
ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din.
Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay
kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
Kabanata 26
Mga Tinig ng Pag-ibig
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang
marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman
niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya
sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung
papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang
sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap.
Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-
gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa
mailigtas niya ang kausap. Nang biglang sumulpot sina Florante at Aladin.
Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng
apat na tauhan.
Kabanata 27
Sa Bingit ng Kamatayan
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon
sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan
kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni
Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang
pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng
tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang
palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-
palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa
nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang
nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si
Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang
pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Kabanata 28
Masayang Wakas
Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si
Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang
makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang
bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa
Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na
maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina
Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida
nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos
ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina
Florante at Laura.
source:
http://floranteatlaurasummary.blogspot.com/

Florante at laura buod

  • 1.
    Florante at Laura (Buodng bawat kabanata) mlf
  • 2.
    Kabanata 1 Kay Selya Kapagnaaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
  • 3.
    Kabanata 2 Sa BabasaNito Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
  • 4.
    Kabanata 3 Tagpuan Nagsisimula angawit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
  • 5.
    Kabanata 4 Ang ReynongAlbanya Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
  • 6.
    Kabanata 5 Pighati ngNagmamahal Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
  • 7.
    Kabanata 6 Magandang Alaala Larawanng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura.
  • 8.
    Ibig ng binatangnakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag- aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.
  • 9.
    Kabanata 7 Kapangyarihan ngPag-ibig Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
  • 10.
    Kabanata 8 Duke Briseo:Amang Mapagmahal Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama. .
  • 11.
    Kabanata 9 Amang didapat pamarisan Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura. .
  • 12.
    Kabanata 10 Panganib naNakaamba Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.. .
  • 13.
    Kabanata 11 Ang Tagapagligtas Hindina natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata. .
  • 14.
    Kabanata 12 Atas ngLangit Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
  • 15.
    Kabanata 13 Mga Mapagpalangkamay Walangkibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
  • 16.
    Kabanata 14 Bugtong naAnak Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag- iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.
  • 17.
    May ilang mahalagang pangyayarinoong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.
  • 18.
    Kabanata 15 Laki saLayaw Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
  • 19.
    Kabanata 16 Nahubdan ngBalatkayo Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
  • 20.
    Kabanata 17 Nalulumbay naPuso Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo. .
  • 21.
    Naiwan sa Atenassi Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral. .
  • 22.
    Kabanata 18 Paalam, Bayanng Atenas Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata. Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
  • 23.
    Kabanata 19 Sa Bayanng Crotona Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
  • 24.
    Kabanata 20 Kagandahang WalangKawangis Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.
  • 25.
    Kabanata 21 Pangarap naPagibig Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.
  • 26.
    Kabanata 22 Tagumpay atPighati Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
  • 27.
    Kabanata 23 Pag-ibig naPilit Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.” Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.
  • 28.
    Kabanata 24 Patibong ngTaksil Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya. Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
  • 29.
    Kabanata 25 Ang Hinagpisng Girero Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
  • 30.
    Kabanata 26 Mga Tinigng Pag-ibig Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit- gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap. Nang biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
  • 31.
    Kabanata 27 Sa Bingitng Kamatayan Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang- palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
  • 32.
    Kabanata 28 Masayang Wakas Mataposang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.
  • 33.